Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Malachi

Malachi 1

Malachi 1:1-3

Kanino dumating ang salita ni Yahweh sa Israel?

Dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ni Malakias.

Sino ang iniibig ni Yahweh at sino ang kaniyang kinamumuhian?

Iniibig ni Yahweh ang Israel, si Jacob at kinamuhian niya si Esau.

Malachi 1:4-5

Paano tutugon ang Israel kapag pababagsakin ni Yahweh ang mga nawasak na muling ipinatayo ng Edom?

Tutugon ang Israel sa pagsasabing, "Dakila si Yahweh sa kabila ng mga hangganan ng Israel."

Malachi 1:6-7

Bilang ama at panginoon ng Israel, ano ang itinanong ni Yahweh sa mga pari?

Tinanong ni Yahweh ang mga pari kung nasaan ang kaniyang karangalan at paggalang para sa kaniyang pangalan at bakit hinamak nila ang kaniyang pangalan at ang kaniyang hapag.

Malachi 1:8-9

Paano tumugon si Yahweh sa mga handog na bulag, pilay at may sakit na mga hayop?

Hindi tatanggapin ni Yahweh ang bulag, pilay at may sakit na mga alay o ni magpakita ng pabor o kahabagan sa Israel para sa kanila, o ni tanggapin ang Israel sa paghahandog ng mga ito.

Malachi 1:10-12

Bakit mas ninais ni Yahweh na isa sa mga Israelita ang magsasara sa mga tarangkahan ng templo upang maiwasan na masindihan nila ng apoy ang kaniyang altar nang walang kabuluhan?

Dahil dadakilain ang pangalan ni Yahweh sa lahat ng bansa at sa bawat lugar na pinaghahandugan ng mga dalisay na handog na hindi tulad sa mga handog na mula sa mga kamay ng mga Israelita.

Malachi 1:13-14

Paano itinuturing ng mga pari ang gawain ni Yahweh?

Itinuturing nila ito bilang kapaguran at hinamak nila ito.

Bakit isinumpa ni Yahweh ang mga mandaraya na nangakong mag-aalay ng isang lalaking hayop sa kaniyang kawan at sa halip nagbigay ng hayop na may kapintasan?

Dahil si Yahweh ay isang dakilang Hari at ang kaniyang pangalan ay kinatatakutan ng lahat ng bansa.

Malachi 2

Malachi 2:1-2

Sa pamamagitan ng ano malalaman ng mga pari na iniutos ni Yahweh sa kanila na tanggapin ito sa kanilang puso upang luwaaltiin ang kaniyang pangalan?

Malalaman nila sa pamamagitan ng sumpa ni Yahweh sa kanilang mga pagpapala, at sa pamamagitan niya ay ipapahid ang dumi sa kanilang mga mukha.

Malachi 2:3-4

Sa pamamagitan ng ano malalaman ng mga pari na iniutos ni Yahweh sa kanila na tanggapin ito sa kanilang puso upang luwalhatiin ang kaniyang pangalan?

Malalaman nila sa pamamagitan ng sumpa ni Yahweh sa kanilang mga pagpapala, at sa pamamagitan niya ay ipapahid ang dumi sa kanilang mga mukha.

Malachi 2:5-7

Bakit pinarangalan ni Levi si Yahweh, natakot sa pangalan ni Yahweh, ang totoong katuruan ay nasa kaniyang bibig sa halip na kasamaan, lumakad nang may kapayapaan at nang may katuwiran at inilayo ang marami sa kasalanan?

Dahil dapat ingatan ng pari ang kaalaman bilang mensahero ni Yahweh.

Malachi 2:8-9

Paano sinira ng mga pari ang kasunduan ni Levi at hindi nanatili sa pamamaraan ni Yahweh?

Ginawa ng mga pari sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpanig sa kanilang alituntunin.

Malachi 2:10-12

Sino ang ihihiwalay ni Yahweh mula sa mga tolda ni Jacob?

Ihihiwalay ni Yahweh ang sinumang tao na gumagawa ng pandaraya laban sa kaniyang kapatid o sinumang makipag-asawa sa anak na babae ng diyus-diyosang dayuhan at nagdala ng alay kay Yahweh.

Malachi 2:13

Bakit hindi tinatanggap ni Yahweh ang alay ng Israel?

Dahil hindi naging tapat ang Israel sa asawang babae ng kanilang kabataan.

Malachi 2:14-16

Bakit hindi tinatanggap ni Yahweh ang alay ng Israel?

Dahil hindi naging tapat ang Israel asawang babae ng kanilang kabataan.

Bakit inutusan ni Yahweh ang mga Israelita na bantayan ang kanilang kalooban at huwag maging taksil?

Dahil pinagkaisa ni Yahweh ang Israel at ang kaniyang asawa upang magkaroon ng maka-Diyos na lahi, at dahil kinamumuhian ni Yahweh ang paghihiwalay at sa isang nagtatakip ng kaniyang damit nang may karahasan.

Malachi 2:17

Paano pinagod ng mga Israaelita si Yahweh sa pamamagitan ng kanilang mga salita?

Pinagod nila si Yahweh sa pamamagitan ng kanilang mga salita sa pagsasabi na sinumang gumagawa ng masama ay mabuti sa paningin ni Yahweh at nagagalak siya sa kanila at sa pagtatanong ng nasaan ang Diyos ng katarungan.

Malachi 3

Malachi 3:1-3

Ano ang mangyayari pagkatapos isugo ni Yahweh ang kaniyang mensahero ng tipan na maghahanda sa kaniyang daan?

Ang Panginoon na hinangad ng Israel ay biglang darating sa kaniyang templo.

Malachi 3:4-5

Kailan magiging kalugud-lugod kay Yahweh ang alay ng Juda at Jerusalem?

Ito ay magiging kalugud-lugod pagkatapos ang pagdalisay ng mga anak na lalaki ni Levi, kapag nalinang na sila tulad ng ginto at pilak.

Pagkatapos maging kalugud-lugod kay Yahweh ang mga handog ng Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng pagdalisay ng mga anak na lalaki ni Levi, ano ang nais gawin ni Yahweh?

Lalapit siya sa mga Israel para sa paghahatol at maging mabilis na saksi laban sa mga hindi nagparangal sa kaniya.

Malachi 3:6-7

Kahit na tinalikuran ng mga tao ni Jacob ang mga batas ni Yahweh, bakit hindi sila nalilipol?

Hindi sila naubos dahil hindi nagbabago si Yahweh.

Paano tumalikod ang Israel kay Yahweh?

Tumalikod sila sa pamamagitan ng hindi pag-ingat sa kaniyang batas.

Malachi 3:8-9

Paano ninakawan ng mga Israelita ang Diyos?

Ninakawan nila ang Diyos sa pamamagitan ng hindi pagdala nang buong ikapu sa kaniyang silid-imbakan.

Malachi 3:10-12

Paano ninakawan ng mga tao ang Diyos?

Ninakawan nila ang Diyos sa pamamagitan ng hindi pagdala nang buong ikapu sa kaniyang silid-imbakan.

Ano ang ipinangako ni Yahweh na mangyayari kung dadalhin ng Israel ang buong ikapu sa silid-imbakan?

Ipinangako ni Yahweh na sasawayin niya ang maninira at tatawagin ng lahat ng nasa bansa na pinagpala ang Israel.

Malachi 3:13-15

Paano nagsalita ang mga Israelita laban kay Yahweh?

Sinabi nila na ang paglilingkod sa Diyos ay walang kabuluhan dahil sasagana ang mayayabang at mga gumagawa nang masama kahit na sinusubukan nila ang Diyos.

Malachi 3:16

Sino ang sinabi ni Yahweh na mapapabilang sa kaniya at maililigtas?

Sinabi ni Yahweh na sila na may takot sa Diyos at iginalang ang kaniyang pangalan ay mapapabilang sa kaniya at maililigtas.

Malachi 3:17-18

Sino ang sinabi ni Yahweh na mapapabilang sa kaniya at maililigtas?

Sinabi ni Yahweh na sila na may takot kay Yahweh at iginalang ang kaniyang pangalan ay mapapabilang sa kaniya at maililigtas.

Sa araw na gawin ni Yahweh , ano ang mangyayari?

Makikita ng mga Israelita ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at masama, sa pagitan ng sumasamba sa Diyos at sa hindi sumasamba sa kaniya.

Malachi 4

Malachi 4:1-3

Sa paparating na araw, nagliliyab na parang isang pugon, ano ang mangyayari sa mga mayayabang at gumagawa ng masama?

Ang mayayabang at gumagawa ng masama ay magiging dayami na susunugin.

Para kanino sisikat ang araw nang katuwiran?

Sisikat ang araw nang katuwiran para sa mga may takot sa pangalan ni Yahweh.

Ano ang gagawin ng mga may takot sa pangalan ni Yahweh, sa araw na gawin ito ni Yahweh?

Lalabas sila at luluksong tulad ng guya mula sa kulungan at tatapakan ang masasama.

Malachi 4:4-6

Ano ang iniutos ni Yahweh na gawin ng lahat ng mga Israelita?

Inutusan niya sila na sumunod sa kautusan ng kaniyang lingkod na si Moises.

Ano ang gagawin ni Yahweh bago dumating ang kaniyang itinakdang araw?

Isusugo niya si Elias upang panumbalikin ang puso ng mga magulang sa kanilang mga ama, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang, upang hindi isumpa ni Yahweh ang lupain.