Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Daniel

Daniel 1

Daniel 1:1-2

Kailan dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa Jerusalem upang kubkubin ang lungsod at samsamin ang lahat ng mga kagamitan na narito?

Dumating si Nebucadnezar sa Jerusalem sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda.

Sino ang nagbigay ng katagumpayan kay Nebucadnezar ng higit kay Jehoiakim na hari ng Juda?

Ang Panginoon ang nagbigay ng katagumpayan kay Nebucadnezar ng higit kay Jehoiakim

Daniel 1:3-5

Ano ang ipinapagawa ng hari kay Aspenaz?

Sinabi ng hari kay Aspenaz na magdala ng ilang mga Israelita, sa maharlikang angkan at mga dakilang tao.

Anong klase ng mga binata ang nais ng hari na dalhin sa Babilonia?

Nais ng hari ang mga binatang walang kapintasan, kaakit-akit ang itsura, matatalino sa lahat na karunungan, puno ng kaalaman at pang-unawa, karapat-dapat na maglingkod sa palasyo ng hari.

Ano ang ipapakain sa mga binatang ito?

Pakakainin sila araw-araw ng bahagi ng pagkain at ilan sa mga alak ng hari.

Daniel 1:6-7

Ano ang pangalan ng ilan sa mga binatang ito na mula sa Israel at ano ang mga pangalan na ibinigay sa kanila ng pinunong opisyal?

Ang mga pangalan ng mga binatang ito at ang mga pangalan na ibinigay sa kanila ng pinunong opisyal ay: Daniel tinawag na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.

Daniel 1:8-10

Ano ang ipinasiya ni Daniel sa kaniyang isipan?

Nagpasiya si Daniel sa kaniyang isipan na hindi dudungisan ang kaniyang sarili sa mga pagkain ng hari o sa mga alak ng hari.

Ano isinagot ang pinunong opisyal nang humingi ng pahintulot si Daniel na hindi niya dudungisan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga pagkain at alak ng hari?

Sinabi ng pinunong opisyal kay Daniel na natatakot siya sa hari, na iniutos ng hari kung ano ang dapat ibigay na pagkain at inumin kay Daniel at maaaring pugutan ng ulo ang pinunong opisyal ng hari kapag nakita niya si Daniel na mukhang mahina kaysa sa mga binatang kasing-edad ni Daniel.

Daniel 1:11-13

Ano ang hiniling ni Daniel sa katiwala na nakatalaga kina Daniel, Hananias, Misael at Azarias?

Hiniling ni Daniel sa katiwala upang subukan sila sa sampung araw sa pamamagitan ng pagbibigay lamang sa kanila ng mga gulay na kakainin at tubig na iinumin at pagkatapos ng sampung araw ihambing sila sa ibang mga binata na kumain ng pagkain ng hari at pakitunguhan sila ayon sa kaniyang nakita.

Daniel 1:14-16

Pagkatapos sumang-ayon ng katiwala sa pagsubok, ano ang kaniyang napansin pagkatapos ng sampung araw nang ihambing niya sina Daniel, Hananias, Misael at Azarias sa ibang mga binata?

Napansin ng katiwala na ang itsura nina Daniel, Hananias, Misael at Azarias ay mas malusog at malakas ang pangangatawan kaysa sa ibang mga binata na kumain ng mga pagkain ng hari

Daniel 1:17-18

Ano ang ibinigay ng Diyos kay Daniel, Misael, Hananias at Azarias?

Binigyan sila ng kaalaman ng Diyos at maliwanag na pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan, Nauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitain at mga panaginip.

Daniel 1:19-21

Ano ang natuklasan ng hari ng kausapin niya ang buong pangkat ng mga binata?

Nalaman ng hari na walang maihahambing kay Daniel, Hananias, Misael at Azarias. Sa bawat katanungan ng karunungan at kaalaman na itinanong ng hari sa kanila, nasumpungan niyang sampung beses na mainam kaysa sa lahat ng salamangkero at ang mga umaangking nakakausap ang mga patay na nasa kaniyang buong kaharian

Gaano katagal si Daniel sa Babilonia?

Namalagi siya roon hanggang sa unang taon ni Haring Ciro.

Daniel 2

Daniel 2:1-4

Kailan nagkaroon ng mga panaginip si Nebucadnezar na nabalisa ang kaniyang isipan kaya hindi siya makatulog?

Nangyari ito sa ikalawang taon ng kaniyang pamumuno.

Bakit ipinatawag ng hari ang mga salamangkero, ang mga mangkukulam, ang mga matatalinong kalalakihan at ang mga umaangking nakakausap ang patay?

Nais ng hari na sabihin sa kaniya ng mga kalalakihang ito ang tungkol sa kaniyang mga panaginip.

Daniel 2:5-9

Ano ang tiyak na nais ng hari na gawin ng matatalinong kalalakihan?

Nais ng hari na ihayag ng matatalinong kalalakihan ang panaginip sa kaniya at ipaliwanag din ang panaginip sa hari.

Ano ang sinasabi ng hari na mangyayari sa matatalinong kalalakihan kung mabigo silang sabihin sa hari ang kaniyang panaginip at ipaliwanag ito sa kaniya?

Sinabi ng hari na kapag nabigo sila, pagpuputol-putulin ang mga katawan ng matatalinong kalalakihan at gagawing tambakan ng dumi ang kanilang mga tahanan.

Ano ang sinasabi ng hari na gagawin niya para sa tao o sa mga taong makapaghahayag ng panaginip sa kaniya at maipaliwanag ito?

Sinabi ng hari na bibigyan niya ang taong iyon ng mga kaloob para sa mga tao, isang gantimpala, at kahanga-hangang karangalan.

Daniel 2:10-11

Sino ang sinasabi ng matatalinong kalalakihan na kayang gawin kung ano ang hiniling ng hari tungkol sa kaniyang panaginip?

Sinabi ng matatalinong kalalakihan na walang tao sa lupa ang makakaabot ng pangangailangan ng hari, mga diyos lamang ang makakagawa noon.

Daniel 2:12-13

Pagkatapos sumagot ng matatalinong kalalakihan kay Nebucadnezar, ano ang nagawang kautasan ng hari?

Inutos ng hari na lahat ng mga nakilala sa kanilang karunungan ay mailalagay sa kamatayan.

Daniel 2:14-18

Sino si Arioc?

Siya ang pinuno ng tagapagbantay ng hari, ang isang hinirang ng hari na patayin ang lahat ng matatalino sa Babilonia.

Paano nakipag-ugnayan si Daniel kay Arioc, nang lumapit siya kay Daniel?

Sumagot si Daniel ng mahinahon at mabuting pagpapasiya kay Arioc. Tinanong niya si Arioc, bakit madalian ang kautusan ng hari.

Daniel 2:19-22

Ano ang ginawa ni Daniel pagkatapos maihayag ang lihim sa kaniya?

Pinuri ni Daniel ang Diyos sa langit.

Daniel 2:23

Sa ano nagpasalamat si Daniel sa Diyos ng kaniyang mga ninuno?

Nagpasalamat si Daniel sa Diyos ng kaniyang mga ninuno sa karunungan at kapangyarihan na ibinigay sa kaniya ng Diyos ng kaniyang mga ninuno.

Daniel 2:24-26

Kanino nakipagkita si Daniel pagkatapos maihayag sa kaniya ang lihim?

Nagpunta at nakipagkita si Daniel kay Arioc.

Ano ang sinabi ng Daniel kay Arioc?

Sinabi ni Daniel kay Arioc na huwag patayin ang matatalinong kalalakihan sa Babilonia. Sinabi ni Daniel kay Arioc na samahan siya sa harap ng hari upang masabi ni Daniel sa hari ang kahulugan ng kaniyang panaginip.

Daniel 2:27-28

Nang dinala si Daniel sa hari, sino ang sinasabi ni Daniel na makapaghahayag ng kababalaghan sa pangangailangan ng hari?

Sinabi ni Daniel na may Diyos na nananahan sa kalangitan, na siyang naghahayag ng mga lihim.

Sa pangkalahatan, ano ang sinabi ni Daniel tungkol sa panaginip ng hari?

Sinabi ni Daniel na ang panaginip ay tungkol sa kung ano ang mangyayari sa mga panahong darating.

Daniel 2:29-30

Bakit naihayag ang panaginip kay Daniel?

Naihayag ang panaginip kay Daniel upang maaaring maunawaan ng hari ang kahulugan at malaman ang pag-iisip na nasa kaniyang kalooban.

Daniel 2:31-33

Ano ang itsura ng nakitang imahen ng hari sa kaniyang panaginip?

Ang imahen ay malaki at ginto ang ulo, pilak ang dibdib at mga braso, tanso ang gitna at hita nito, bakal ang mga binti nito at pinaghalong bakal at putik ang mga paa nito.

Daniel 2:34-35

Anong nangyari sa imahen na nakita ng hari sa kaniyang panaginip?

Nakita ng hari na natibag ang bato, ngunit hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Tumama ang bato sa paa ng imahen at nabasag ang buong imahen ng pira-piraso kung saan inilipad ito ng hangin.

Anong nangyari sa bato na tumama sa imahen?

Ang bato na tumama sa imahen ay naging isang malaking bundok at napuno nito ang buong mundo.

Daniel 2:36-43

Sino ang gintong ulo?

Si Haring Nebucadnezar ang gintong ulo.

Daniel 2:44-45

Ano ang gagawin ng Diyos ng langit sa mga panahon ng kaharian na pinaghalong bakal at putik?

Sa mga panahong iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak o masasakop ng ibang mga tao.

Daniel 2:46-47

Ano ang iniutos ni Nebucadnezar na gawin pagkatapos matapos ni Daniel ang pagsasabi sa hari ng panaginip at pagpapaliwanag nito?

Nagpatirapa si Nebucadnezar sa harap ni Daniel at pinarangalan siya. Iniutos ng hari na magsagawa ng paghahandog at insenso na ihahandog kay Daniel. Nagbigay ang hari kay Daniel ng maraming kahanga-hangang kaloob at ginawa siyang pinuno sa buong lalawigan ng Babilonia.

Ano ang sinasabi ni Nebucadnezar tungkol sa Diyos ni Daniel?

Sinabi ni Nebucadnezar na ang Diyos ni Daniel ay Diyos ng mga diyos, ang Panginoon ng mga hari at ang siyang naghahayag ng mga lihim.

Daniel 2:48-49

Ano ang ginawa ni Nebucadnezar pagkatapos humiling ni Daniel sa hari?

Hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3

Daniel 3:1-2

Ano ang mga sukat ng gintong imahen na ginawa at ipinatayo ni haring Nebucadnezar sa kapatagan ng Dura?

Ang imahen ay animnapung siko ang taas at anim na siko ang lapad. [3:1]

Daniel 3:3-5

Sinu-sino ang dumating sa paghahandog ng gintong imahen na ginawa ni Nebucadnezar?

Ang mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at lokal na mga gobernador kasama ng mga konsehal, mga taga-ingat yaman, mga hukom mga mahistrado at lahat na matataas na mga opisyal ng mga lalawigan ay dumating sa paghahandog. [3:3]

Ano ang nais ipagawa ni Nebucadnezar sa mga dumalo sa paghahandog?

Nais niyang magpatirapa at dumapa sa gintong imahen ang dumalo kapag marinig nila ang tunog ng tambuli, plauta, mga sitar, lira, alpa at saltero at lahat ng uri ng instrumentong panugtog. [3:4-5]

Daniel 3:6-7

Ano ang iniutos ng hari na mangyari sa mga hindi yuyukod at samamba sa imahen kapag marinig ang lahat ng mga musikang panugtog?

Sinabi ng hari na sinuman ang hindi magpatirapa at sumamba sa sandaling iyon ay itatapon sa naglalagablab na pugon. [3:6]

Daniel 3:8-10

Sino ang nagdala ng paratang laban kay Shadrac, Meshac at Abednego?

Ilan sa mga taga-Caldeo ang dumating at nagdala ng mga paratang laban sa kanila. [3:8]

Daniel 3:11-15

Sinu-sino ang hindi yumukod at sumamba sa imahen?

Iilang mga Judio, na ang kanilang mga pangalan ay sina Shadrac, Meshac at Abednego ang hindi nagpatirapa at sumamba sa imahen. [3:12]

Daniel 3:16-18

Ano ang naging tugon nina Shadrac, Meshac at Abednego sa hari nang inulit ng hari ang kautusan na magpatirapa at sumamba sa imahen at sinabi ang kabayaran kung hindi sila susunod sa utos ng hari?

Sumagot sila Shadrac, Meshac at Abednego na panatiliin silang ligtas ng kanilang Diyos mula sa naglalagablab na pugon. Ngunit kung hindi man, hindi sila sasamba sa mga diyos Nebucadnezar o magpatirapa sa imahen. [3:17-18]

Daniel 3:19-20

Ano ang iniutos ni Nebucadnezar patungkol kay Shadrac, Meshac at Abednego?

Iniutos ni Nebucadnezar na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa karaniwan at igapos sina Shadrac, Meshac at Abednego at itatapon sa pugon. [3:19]

Daniel 3:21-23

Ano ang nangyari kay Shadrac, Meshac at Abednego at sa kalalakihan na nagdala sa kanila sa pugon?

Namatay sa labis na init ng apoy na mula sa pugon ang kalalakihang nagdala sa itaas at nahulog sa pugon sina Shadrac, Meshac at Abednego. [3:22-23]

Daniel 3:24-25

Ano ang dahilan ng labis na pagtataka ni Nebucadnezar at kaagad siyang tumayo?

Labis na nagtaka si Nebucadnezar sapagkat apat na kalalakihan ang kaniyang nakikita, hindi nakagapos at naglalakad sa gitna ng apoy at hindi sila nasaktan at ang kinang ng ika-apat na lalaki ay tulad ng anak ng mga diyos. [3:25]

Daniel 3:26-28

Ano ang napansin ng mga naroon tungkol kay Shadrac, Meshac at Abednego pagkatapos nilang lumabas mula sa apoy?

Napansin ng mga naroon na hindi nasaktan ng apoy ang kanilang katawan, hindi napinsala ang kanilang mga balabal at hindi sila nag-amoy sunog. [3:27]

Daniel 3:29-30

Anong kautusan ang inilabas ni Nebucadnezar pagkatapos ng pangyayaring iyon kay Shadrac, Meshac at Abednego sa naglalagablab na pugon?

Iniutos ni Nebucadnezar na sinumang tao, bansa o wika ang magsasalita ng anuman laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego ay pagpipira-pirasuhin at gagawing burol ng basura ang kanilang tahanan sapagkat walang ibang diyos ang makakapagligtas tulad nito. [3:29]

Ano ginawa ng hari para kay Shadrac, Meshac at Abednego?

Itinaas ni haring Nebucadnezar sa tungkulin sina Shadrac, Meshac at Abednego sa lalawigan ng Babilonia. [3:30]

Daniel 4

Daniel 4:1-3

Kanino ipinadala ni Nebucadnezar ang atas?

Ipinadala ni Nebucadnezar ang atas sa lahat ng mga lahi, mga bansa, at mga wikang naninirahan sa lupa.

Why did Nebuchadnezzar send the decree? Nebuchadnezzar sent the decree to tell everyone about the signs and wonders the Most High had done for him. [4:2] Bakit ipinadala ni Nebucadnezar ang atas?

Ipinadala ni Nebucadnezar ang atas upang sabihin sa lahat ang tungkol sa mga tanda at mga himalang ginawa ng Kataas-taasan sa kaniya.

What did Nebuchadnezzar say about the Most High? Nebuchadnezzar said about the Most High, “How great are his signs, and how mighty are his wonders! His kingdom is a never lasting kingdom, and his dominion lasts from generation to generation.” [4:3] Ano ang sinabi ni Nebucadnezar tungkol sa Kataas-taasan?

Sinabi ni Nebucadnezar tungkol sa Kataas-taasan, "Kahanga-hanga ang kaniyang mga tanda at makapangyarihan ang kaniyang mga himala! Walang hanggang kaharian ang kanyang kaharian, at nananatili sa sali't saling lahi ang kaniyang kapangyarihan."

Daniel 4:4-6

What made Nebuchadnezzar afraid? A dream Nebuchadnezzar made him afraid. [4:5] Ano ang kinatakutan ni Nebucadnezar?

Natakot si Nebucadnezar sa isang panaginip.

Why did Nebuchadnezzar issue a decree to bring before him all the wise men of Babylon? Nebuchadnezzar wanted the wise men of Babylon to come and interpret his dream for him. [4:6] Bakit naglabas si Nebucadnezar ng isang atas na dalhin sa harapan niya ang lahat ng matatalinong kalalakihan sa Babilonia?

Nais ni Nebucadnezar na papuntahin ang mga matatalinong kalalakihan at ipaliwanag ang kaniyang panaginip sa kaniya.

Daniel 4:7-9

What was Daniel’s Babylonian name and what was Daniel’s position in Nebuchadnezzar’s kingdom? Daniel’s Babylonian name was Belteshazzar and he held the position of “chief of the magicians”. [4:8-9] Ano ang pangalan ni Daniel sa Babilonia at ano ang katungkulan ni Daniel sa kaharian ni Nebucadnezar?

Beltesazar ang pangalan ni Daniel sa Babilonia at ginagampanan niya ang katungkulang "pinuno ng mga salamangkero"

Who did Nebuchadnezzar believe was able to tell the interpretation of his dream? Nebuchadnezzar believed Daniel could interpret his dream for him, for Nebuchadnezzar said of Daniel, “…the spirit of the holy gods is in you and no mystery is too difficult for you.” [4:8-9] Sino ang pinaniwalaan ni Nebucadnezar na makakapagsabi sa paliwanag ng kaniyang panaginip?

Naniwala si Nebucadnezar na maipapaliwanag sa kaniya ni Daniel ang kaniyang panaginip, dahil sinabi ni Nebucadnezar kay Daniel, " sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at walang hiwaga ang labis na mahirap sa iyo."

Daniel 4:10-12

Ano ang nakita ni Nebucadnezar sa unang bahagi ng kaniyang panaginip?

Nakita ni Nebucadnezar ang isang malaki, matatag, magandang puno na umabot sa kalangitan. Nagbibigay ito ng lilim para sa mga hayop at tirahan para sa mga ibon. Sagana ito sa bungang nagpapakain sa lahat ng mga buhay na nilalang.

Daniel 4:13-14

Sa panaginip ni Nebucadnezar, ano ang sinabi ng banal na mensaherong mula sa kalangitan tungkol sa puno?

Sinabi ng banal na mensahero na sibakin ang puno, putulin ang mga sanga nito, tanggalin ang mga dahon at ikalat ang mga bunga ngunit iwan ang tuod sa lupa na nakagapos ng isang gapos na gawa sa bakal at tanso. Hayaang mabasa ito ng hamog. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga hayop. Hayaang maging isipan ng isang hayop ang kaniyang isipan at hindi isipan ng isang tao sa loob ng pitong taon.

Daniel 4:15-16

What was to be done with the tree stump? The stump was to be left in the earth bound with a band of iron and brass. Let it be wet with dew. Let it live with the animals. Let his mind be that of an animal and not of a man for seven years. [4:15-16] Ano ang gagawin sa tuod ng puno?

Iiwan ang tuod sa lupa na nakagapos ng isang gapos na gawa sa bakal at tanso. Hayaang mabasa ito ng hamog. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga hayop. Hayaang maging isipan ng hayop ang kaniyang isipan at hindi isipan ng tao sa loob ng pitong taon.

Daniel 4:17-19

Ano ang layunin sa paggawa nito sa puno sa panaginip ni Nebucadnezar?

Ang layunin ay upang malaman ng mga nabubuhay na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay ang mga ito sa sinumang naisin niyang mamuno sa mga ito.

Daniel 4:20-23

Who did Daniel say the tree was in Nebuchadnezzar’s dream? Daniel said the tree was Nebuchadnezzar. [4:22] Sino ang puno sa panaginip ni Nebucadnezar na sinabi ni Daniel?

Sinabi ni Daniel na ang puno ay si Nebucadnezar.

Daniel 4:24-25

Ano ang paliwanag ni Daniel sa panaginip ni Nebucadnezar?

Sinabi ni Daniel na itataboy si Nebucadnezar mula sa mga tao. Maninirahan siya sa parang kasama ng mga mababangis na hayop at kakain ng damo tulad ng isang baka at mababasa ng hamog mula sa kalangitan. Pagkatapos ng pitong taon, kikilalanin ni Nebucadnezar na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya. Sa huli, maibabalik ang kaharian kay Nebucadnezar sa pagkakataong kilalanin niyang naghahari ang langit.

What was to happen to Nebuchadnezzar until he acknowledged that the Most High rules over the kingdoms of people and that he gives them to anyone he wishes? Nebuchadnezzar was to be driven from among men. He would live in the fields with the wild animals and eat grass like an ox and be wet with the dew from the heavens. [4:25] Ano ang mangyayari kay Nebucadnezar hanngang sa kilalanin niyang ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya?

Itataboy si Nebucadnezar mula sa mga tao. Mamumuhay siya sa parang kasama ng mga mababangis na hayop at kakain ng damo tulad ng isang baka at mababasa ng hamog mula sa kalangitan.

How long was it to be before Nebuchadnezzar would acknowledge that the Most High rules over the kingdoms of people and he gives them to anyone he wishes? Seven years were to pass until Nebuchadnezzar acknowledged that the Most High rules over the kingdoms of people and he gives them to anyone he wishes. [4:25] Gaano katagal bago kilalanin ni Nebucadnezar na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya?

Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin ni Nebucadnezar na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.

Daniel 4:26-27

After interpreting the dream for Nebuchadnezzar, what was Daniel’s advice for him? Daniel advised Nebuchadnezzar to stop sinning and to do what was right. He also told Nebuchadnezzar to turn away from his sins by showing mercy to the oppressed. [4:27] Pagkatapos maipaliwanag ang panaginip ni Nebucadnezar, ano ang payo ni Daniel sa kaniya?

Pinayuhan ni Daniel si Nebucadnezar na itigil ang pagkakasala at gawin kung ano ang matuwid. Sinabi rin niya kay Nebucadnezar na talikuran ang kaniyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa mga inaapi.

Daniel 4:28-33

Gaano katagal bago nagsimulang mangyari ang paliwanag ng panaginip ni Nebucadnezar?

Nagsimulang mangyari ang lahat ng ito ng labindalawang buwan pagkatapos ng kaniyang panaginip.

Daniel 4:34

What happened to Nebuchadnezzar at the end of the seven years? Nebuchadnezzar’s sanity was restored to him. Ano ang nagyari kay Nebucadnezar sa katapusan ng pitong taon?

Nanumbalik kay Nebucadnezar ang kaniyang katinuan.

Daniel 4:35

Ano ang ginawa ni Nebucadnezar pagkatapos manumbalik sa kaniya ang kaniyang katinuan?

Pinuri ni Nebucadnezar ang Kataas-taasan, kinilala ang kaniyang walang hanggang paghahari at ipinahayag na ginagawa ng Kataas-taasan ang anumang naaangkop sa kagustuhan ng Kataas-taasan.

Daniel 4:36-37

Ano ang nangyari sa kaharian ni Nebucadnezar?

Naibalik sa kaniya ang kaharian.

What was Nebuchadnezzar’s final statement concerning the King of heaven? His statement was: “Now I, Nebuchadnezzar, praise, extol, and honor the King of heaven, for all his deeds are right, and his ways are just. He can humble those who walk in their own pride.” [4:37] Ano ang panghuling pahayag ni Nebucadnezar tungkol sa Hari sa langit?

Ang kaniyang pahayag ay: "Ngayon, ako, si Nebucadnezar, ay nagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa, at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kaya niyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sariling kapalaluan."

Daniel 5

Daniel 5:1-2

Para kanino ang malaking handaan, na ipinahanda, ng haring si Belsazar

Ang ipinahanda niyang malaking handaan ay para sa isang libo na maharlikang mga tauhan niya. (5:1)

Sino itong si Belsazar?

Siya ay ang lalaking anak ni Nebukadnezar. (5:2)

Daniel 5:3-4

Ano ang ginamit nilang mga sisidlan sa paginum ng alak dito sa handaan?

Ginamit nila ang gintong mga sisidlan na nakuha sa templo, ang bahay ng Diyos, sa Jerusalem. (5:3)

Ano ang ginawa ng mga tao doon sa handaan habang iniinom nila ang alak?

Nagpupuri sila sa kanilang mga diyus-diyosan na gawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy at bato. (5:4)

Daniel 5:5-6

Habang umiinom ng alak ang mga tao at nagpupuri sila sa kanilang diyus-diyosan ano ang nangyari?

Ang daliri ng isang kamay ng tao ay nagpakita sa harapan ng patungan ng kandila at nagsulat sa makinis na pader ng palasyo ng hari. (5:5)

Ano ang kaagad nangyari sa hari ng nakita niya ang kamay?

Nagbago ang mukha ng hari at tinakot siya ng kaniyang isipan: ang kaniyang mga hita ay di siya kayang maitayo, at nag-uumpugan ang kaniyang mga tuhud. (5:6)

Daniel 5:7-12

Ano ang pinangako ng hari sa isang maaaring makapagpaliwanag sa nakasulat sa makinis na pader at ang kahulugan nito?

Ang ipinangako ng hari sa isang makapagpapaliwanag sa nakasulat at ang kahulugan nito ay madadamitan ng kulay ube at malalagyan ng gintong kuwintas sa leeg niya at mabibigyan ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian. (5:7)

Daniel 5:13-16

Ayon sa hari ano ang narinig niya na katangian na sinabi niya na narinig niya tungkol kay Daniel?

Sinabi ng hari kay Daniel na narinig niya na nasa kaniya ang espiritu ng Diyos at si Daniel ay may taglay na pagliliwanag at pang-unawa at napakahusay na kaalaman. (5:13)

Nang wala ng matagpuan na may kayang makapagpapaliwanag kung anu ang nakasulat, sino yong iminungkahi ng inang reyna na ipapasok?

Ipinasok si Daniel ayon sa mungkahi ng inang reyna.

Daniel 5:17-19

Ano ang sagot ni Daniel ng sinabi sa kaniya ang tungkol sa mga gantimpala na matatanggap niya kapag binasa niya ang nakasulat at maipaliwanag ang kahulugan nito?

Ang sagot ni Daniel sa hari, "Sa iyo nalang ang iyong kaloob, at ibigay ang gantimpala sa ibang tao. Ganoon pa man, babasahin ko ang nakasulat sa iyo, kamahalan hari at sasabihin ko sa iyo ang kahulugan." ( 15:17)

Daniel 5:20-21

Bakit naibaba si Nebukadnezar sa paghahari sa kaniyang kaharian at bakit inalis sa kaniya ang kaniyang kadakilaan?

Nawala ni Nebukadnezar ang kaniyang kadakilaan at ang kaniyang trono dahil ang puso niya ay naging mayabang at mapagmatigas ang kaniyang esperito kaya ang kilos niya ay yumabang. (5:20)

Daniel 5:22-24

Ano ang ipinaratang ni Daniel laban kay Belsazar?

Sinabi ni Daniel na hindi pinakumbaba ni Belsazar ang kaniyang puso at itinaas niya ang kaniyang sarili laban sa Panginoon ng Langit at hindi niya iginalang ang Diyos na may hawak sa kaniyang hininga at nakakaalam sa kaniyang mga gawa. (5:22-23)

Daniel 5:25-28

Ano ang kahulugan ng nakasulat sa makinis na pader?

Ang kahulugan ay ang mga sumusunud: Binilang ng Diyos ang kaharian ni haring Belsazar at winakasan ito. Tinimbang si Belsazar sa timbangan at nakitang siya ay kulang. Nahati hati ang kaharian ni Belsazar at naibigay sa Medes at mga Persian. (5:26-28)

Daniel 5:29-31

Ano ang nangyari sa gabing iyon pagkatapos sabihin ni Daniel ang kahulugan ng nakasulat kay Belsazar?

Sa gabing iyon si Belsazar, ang hari ng Babilonia ay pinatay at si Dario na taga Medes ang tumanggap sa kaharian. (5:30-31)

Ilan taong gulang si Dario na taga Medes noong tinanggap niya ang kaharian?

Si Dario na taga Medes ay aabot na animnapu at dalawang taon gulang noong tinanggap niya ang kaharian. (5:31)

Daniel 6

Daniel 6:1-3

Sino ang mga itinalaga ni Dario sa buong kaharian?

Nagtalaga siya ng 120 na panlalawigang mga gobernador kasama ang tatlong punong tagapamahala sa kanila.

Sino ang isa sa pinakapunong tagapamapahala?

Si Daniel ay isa sa pinaka punong tagapamahala.

Bakit itinalaga ang tatlong punong tagapamahala?

Itinalaga sila upang pangasiwaan ang mga panlalawigang gobernador, upang hindi kailangang makaaranas pa ang hari ng kawalan.

Sino ang binabalak ilagay ng hari upang mamahala sa buong kaharian?

Balak ilagay ng hari si Daniel upang mamahala sa buong kaharian

Daniel 6:4-5

Bakit walang nakita ang ibang mga punong tagapamahala at mga panlalawigang gobernador na katiwalian, mali sa trabaho ni Daniel, walang pagkakamali, at walang kapabayaan para sa kaharian?

Wala silang matagpuang ganitong mga bagay dahil si Daniel ay tapat.

Ano ang bahagi sa kaniyang buhay na maaaring maisumbong kay Daniel ng mga punong tagapamahala at mga panlalawigang gobernador?

Inisip nila na makakakita sila ng isang bagay laban kay Daniel tungkol sa kautusan ng kaniyang Diyos

Daniel 6:6-9

Ano ang ginawang payo kay Haring Dario ng mga punong taga-pamahala at panlalawigang gobernador na gawin?

Pinayuhan nila si Haring Dario na magpalabas ng batas upang ipatupad ito sa loob ng tatlumpung araw, sinumang humingi ng kahilingan sa anumang diyos o tao maliban kay Haring Dario, ang taong iyon ay ihahagis sa yungib ng mga leon.

Daniel 6:10-12

Ano ang ginawa ni Daniel pagkatapos niyang mabalitaan ang batas na pinalabas at ang dokumento ay nalagdaan sa kautusan?

Pumunta si Daniel sa kaniyang bahay at iniluhod ang kaniyang tuhod at nanalangin nagbigay ng pasasalamat sa Diyos gaya ng kaniyang ginawa noon.

Daniel 6:13-16

Ano ang ginawa ng mga kalalakihan na nagbalak ng masama laban kay Daniel nang makita nilang siya ay humihiling at humihingi ng tulong mula sa Diyos?

Ang mga kalalakihang ito ay pumunta sa hari at sinabi sa kaniya na hindi nagbigay ng pansin si Daniel sa hari o sa kaniyang batas at ang Daniel na ito ay nananalangin sa Diyos ng tatlong beses sa isang araw.

Ano ang ginawa ng hari nang marinig niyang hindi sumunod si Daniel sa kaniyang batas?

Labis na nabalisa ang hari at nailagay sa kaniyang isipang iligtas si Daniel sa kaniyang pagpapasiya.

Daniel 6:17-18

Pagkatapos na maihagis si Daniel sa yungib ng leon, ano ang ginawa ng hari?

Tinatakan ng hari ang pasukan ng yungib ng kaniyang pantatak na singsing. Umuwi siya sa palasyo at nag-ayuno ng buong magdamag at hindi natulog.

Daniel 6:19-20

Ang sumunod na araw pagkatapos na si Daniel ay maihagis sa yungib ng mga leon, nang pumunta ang hari sa yungib, ano ang tinanong niya kay Daniel?

Tinanong ng hari kay Daniel kung iniligtas siya ng Diyos na pinaglilingkuran niyang lagi mula sa mga leon.

Daniel 6:21-22

Paano sinagot ni Daniel ang hari?

Sinabi ni Daniel sa hari, "Hari, mabuhay ka magpakailanman! Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at itinikom ang bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nakita niyang wala akong kasalanan sa harap niya, at gayundin sa iyo, o hari, at wala akong ginawang pananakit sa iyo."

Daniel 6:23

Ano ang sumunod nadalawang unang utos na ibinigay ng hari pagkatapos na makita niyang buhay si Daniel sa yungib ng mga leon?

Ang unang utos na ibinigay ng hari ng pagkatapos na makita niyang buhay si Daniel ay ilabas si Daniel sa yungib ng mga leon.

Daniel 6:24-25

Ano ang ikalawang utos na ibinigay ng hari ng makita niyang buhay si Daniel sa yungib ng mga leon?

Ang pangalawang utos ay dalhin ang mga kalalakihan na nagparatang kay Daniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon kasama ang kanilang mga anak at ang kanilang mga asawa.

Daniel 6:26-27

Ano ang sinabi ni Dario tungkol sa Diyos sa kaniyang batas tungkol sa Diyos ni Daniel?

Sinabi ni Dario sa Diyos ni Daniel"...siya ang buhay na Diyos at nabubuhay magpakailanman, at ang kaniyang kaharian ay hindi mawawasak; ang kaniyang pamamahala hanggang sa katapusan. Inililigtas niya tayo at tinutulungan, at gumagawa siya ng mga tanda at mga kahangangang mga bagay sa langit at sa lupa; iningatan niya si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.

Daniel 6:28

Sa panahon ng kaniyang paghahari ginawa ba niyang masagana si Daniel?

Sumagana si Daniel sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro na Persiano.

Daniel 7

Daniel 7:1-3

Kailan nagkaroon si Daniel ng panaginip at mga pangitain sa kaniyang isipan?

Nagkaroon si Daniel ng panaginip at mga pangitain habang siya ay nasa kaniyang higaan noong unang taon ni haring Belsazar ng Babilonia.

Sa pangitain ni Daniel, ano ang nagpapakilos sa malaking dagat?

Ang nagpapakilos sa malaking dagat sa pangitain ni Daniel ay ang apat na hangin ng langit.

Ano ang lumitaw mula sa dagat?

Ang lumitaw mula sa dagat ay apat na malalaking hayop, bawat isa ay hindi magkatulad sa iba.

Daniel 7:4-5

Ano ang ibinigay sa hayop na tulad ng isang leon?

Ang pag-iisip ng isang tao sang ibinigay rito.

Ano ang sinabing gagawin ng hayop na tulad ng isang oso?

Sinabihan itong tumayo at lamunin ang maraming tao.

Daniel 7:6-7

Ano ang ibinigay sa hayop na tulad ng leopardo?

Binigyan ito ng karapatan upang mamahala.

Ano ang ginawa ng ikaapat na hayop?

Linamon, dinurog ng mga piraso at tinapak ang anumang natira ang ginawa ng ika-apat na hayop.

Daniel 7:8

Ano ang nakita ni Daniel sa ika-apat na hayop habang iniintindi niya ang mga sungay nito?

Nakita ni Daniel ang isa pang sungay na tumubo mula sa iba pang sampung sungay. Tatlo sa mga unang mga sungay ang pinihit palabas sa kanilang mga ugat. Nakita ni Daniel na ang maliit na sungay ay mayroong mata at isang bibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.

Daniel 7:9

Sino ang umupo sa isa sa mga trono na inihanda?

Ang Sinauna ng mga Araw ang umupo sa isa mga trono na inihanda.

Daniel 7:10

Ano ang tungkulin na isinasagawa sa pamamagitan ng Sinauna ng mga Araw?

Ang hukuman ay nasa pagpupulong at ang mga libro ay nabuksan.

Daniel 7:11-12

Ano ang nagyari sa apat na mga hayop

Ang hayop na mayroong sungay na nagsasabi ng mga mayayabang na salita ay pinatay, nawasak ang katawan nito at ibinigay ito upang sunugin. Kinuha sa iba pang tatlong hayop ang karapatan upang mamahala ngunit pahahabain ang kanilang buhay para sa nalalabing panahon.

Daniel 7:13-16

Sa pangitain ni Daniel, sino ang iniharap sa Sinauna sa mga Araw?

Ang isang dumarating dala ang mga ulap ng langit ang iniharap sa Sinauna ng mga Araw.

Ano ang ibinigay sa isang ito na siyang "tulad ng isang anak ng tao"?

Walang hanggang kapangyarihan ang kaniyang karapatang mamuno, isang kaharian na hindi masisira, at kaluwalhatian at makaharing kapangyarihan ang ibinigay dito sa isang "tulad ng isang anak ng tao".

Daniel 7:17-22

Ano ang sinabi kay Daniel tungkol sa apat na hayop na kumakatawan/sumasagisag sa kaniyang pangitain?

Sinabi kay Daniel na ang apat na hayop ay apat na hari na manggagaling mula sa daigdig.

Sino ang tatanggap sa kaharian at aangkin nito magpakailanman?

Ang mga banal ng Kataas-taasan ang tatanggap sa kaharian at aangkin nito magpakailanman.

Daniel 7:23-24

Nang tinanong ni Daniel ang isang nakatayo roon tungkol sa apat na hayop, ano ang sinabi ng isang iyon tungkol sa ika-apat na hayop at ano ang gagawin sa daigdig?

Sinabi ng isang yun na ang ika-apat na hayop ay isang kaharian at lalamunin nito ang buong daigdig, yuyurakan pababa at dudurugin ito ng pira-piraso.

Daniel 7:25-26

Ano ang gagawin sa isang nagsasalita laban sa kataas-taasan at ano ang kaniyang katapusan?

Aapihin niya ang mga taong banal ng kataas-taasan. Susubukan niyang baguhin ang mga pagdiriwang at ang batas. Mamamahala siya sa mga bagay na ito sa isang taon, dalawang taon, at kalahating taon ngunit ang kaniyang makaharing kapangyarihan ay kukunin upang tupukin at wasakin sa huli.

Daniel 7:27-28

Kanino ibibigay ang kaharian at kapangyarihan sa ibaba ng buong kalangitan?

Ito ay ibibigay sa mga taong kabilang sa Kataas-taasan.

Ano ang tugon ni Daniel sa pangitaing ito?

Si Daniel ay lubos na nabahala at nabago ang itsura ng kaniyang mukha, ngunit itinago niya ang pangitain sa kaniyang sarili

Daniel 8

Daniel 8:1-2

Kailan nagkaroon ng ikalawang pangitain si Daniel?

Nagkaroon si Daniel ng kaniyang ikalawang pangitain sa ikatlong taon ng paghahari ni haring Belsazar.

Nasaan si Daniel sa kaniyang pangitain?

Si Daniel ay nasa matatag na lungsod ng Susa sa lalawigan ng Elam sa tabi ng Ilog Ulai.

Daniel 8:3-4

Ano ang dalawang hayop na nakita ni Daniel sa pangitaing ito?

Sa pangitaing ito, nakakita si Daniel ng isang lalaking tupa at isang lalaking kambing.

Ano ang katulad ng dalawang sungay ng lalaking tupa?

Mas mahaba ang isa sa mga sungay ng lalaking tupa kaysa sa isa ngunit naging mas mahaba ang paglaki ng mas maiksi kaysa sa sungay na mas mahaba noong una.

Gaano kalakas ang lalaking tupa?

Walang hayop ang kayang tumayo sa harapan ng lalaking tupa. Walang maililigtas mula sa kamay ng lalaking tupa. Ginawa niya ang lahat ng kaniyang nais at naging dakila siya.

Daniel 8:5-6

Anong dalawang hayop ang nakita ni Daniel sa pangitaing ito?

Sa pangitaing ito, nakakita si Daniel ng isang lalaking tupa at isang lalaking kambing.

Anong uri ng mga sungay mayroon ang kambing?

Mayroon lamang isang malaking sungay ang kambing sa pagitan ng kaniyang mga mata.

Daniel 8:7-8

Ano ang ginawa ng kambing sa lalaking tupa?

Sinugod ng kambing ang lalaking tupa at binali ang dalawang sungay nito, pinabagsak sa lupa ang lalaking tupa at tinapakan ito.

Nang mabali ang malaking sungay ng kambing, ano ang tumubo sa lugar nito?

Apat na iba pang malalaking sungay na nakaturo sa apat na hangin ng kalangitan ang tumubo sa lugar ng isang sungay na nabali.

Daniel 8:9-10

Ano ang nangyari sa isa sa apat na sungay ng kambing?

Tumubo ang isa pang sungay mula sa isa sa mga sungay, maliit sa una, ngunit naging napakalaki nito sa timog, sa silangan at sa maluwalhating lupain ng Israel.

Ano ang ginawa ng sungay na ito nang ito ay naging napakalaki?

Naging napakalaki nito, nakipagdigma ito sa hukbo ng kalangitan.

Daniel 8:11-12

Bakit ibibigay ang hukbo sa sungay ng kambing at ititigil ang alay na susunugin?

Mangyayari ito dahil sa paghihimagsik.

Daniel 8:13-14

Gaano katagal mananatili ang mga bagay na ito, ang pangitaing ito tungkol sa alay na susunugin, ang kasalanan na nagdadala ng kapahamakan, ang pagbibigay pagpapasakamay ng santuwaryo at ang pagtapak sa hukbo ng langit?

Magtatagal ito sa loob ng 2,300 na araw at gabi.

Ano ang mangyayari pagkatapos ng 2,300 na araw at gabi?

Magiging maayos ang santuwaryo.

Daniel 8:15-17

Sino ang sinabihan na tulungan si Daniel upang maunawaan ang pangitain?

Sinabihan si Gabriel na tulungan si Daniel upang maunawaan ang pangitain.

Daniel 8:18-19

Para sa anong panahon ang pangitain? Tungkol sa anong panahon ito?

Para sa panahon ng matinding galit ang pangitain. Tungkol ito sa nakatakdang panahon para sa wakas.

Daniel 8:20-21

Ano ang isinisimbolo ng lalaking tupa at lalaking kambing sa pangitain ni Daniel?

Ang lalaking tupa na may dalawang sungay ay ang mga hari ng Media at Persia. Ang lalaking kambing ay ang hari ng Grecia.

Daniel 8:22-23

Ano ang isinisimbolo ng apat na sungay, ang mga sungay na tumubo sa lugar ng nabaling sungay?

Sumusimbolo sa apat na kaharian ang apat na sungay na magmumula sa bansa na isinisimbolo ng nabaling sungay.

Daniel 8:24-26

Ano ang gagawin ng haring ito na matalino at may mabagsik na mukha?

Magdudulot siya ng malawakang pagwasak at magtatagumpay sa lahat ng kaniyang ginagawa. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao, mga taong banal. Pasasaganain niya ang panlilinlang sa ilalim ng kaniyang kamay. Lilitaw siya laban sa Hari ng mga hari.

Sa huli, ano ang mangyayari sa haring matalino at may mabagsik na mukha?

Mawawasak siya ngunit hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng tao.

Daniel 8:27

Paano si Daniel naapektuhan ng pangitaing ito?

Napagod si Daniel at nanghina sa loob ng ilang araw, at kinilabutan dahil sa pangitain.

Daniel 9

Daniel 9:1-2

Sa anong kaharian naghahari si Dario ?

Siya ay hari sa kaharian ng mga taga-Babilonia.[9:1]

Ano ang napag-alaman ni Daniel sa pamamagitan ng pag-aaral ng salita ni Yahweh kay Jeremias na kaniyang propeta?

Napag-alaman niyang ang pagpapabaya sa Jerusalem ay magtatapos pagkaraan ng pitumpung taon.[9-2]

Daniel 9:3-4

Paano hinanap ni Daniel ang Panginoong Diyos?

Hinanap ni Daniel ang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng panalangin at mga kahilingan, pag-aayuno, pagsusuot ng magaspang na tela, at pag-upo sa mga abo. [9:3]

Ano ang unang bagay na ginawa ni Daniel nang pumunta siya sa Panginoong Diyos upang mananalangin?

Ipinahayag ni Daniel ang mga kasalanan ng mga Israelita. [9:4]

Daniel 9:5-6

Kanino nagsalita ang mga propeta sa pangalan ng Diyos?

Nagsalita ang propeta sa mga hari, sa mga pinuno, sa mga ninuno at sa lahat ng tao sa lupain. [9:6]

Daniel 9:7-8

Bakit kahihiyan ang nasa mga mukha ng mga Israelita?

Kahihiyan ang nasa kanilang mga mukha dahil nagkasala sila laban sa Panginoon[9:8]

Daniel 9:9-11

Ano ang ibinuhos sa Israel dahil sa kanilang mga kasalanan?

Ang sumpa at pagsumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises, ang lingkod ng Diyos, ang ibinuhos sa kanila. [9:11]

Daniel 9:12-14

Paano pinatunayan ni Yahweh ang mga salitang sinabi niya laban sa Israel at sa kanilang mga pinuno?

Pinatunayan ni Yahweh ang kaniyang mga salita sa pamamagitan ng pagdadala ng kapahamakan sa Israel at sa kanilang mga Pinuno. [9:12]

Ano ang sinabi ni Daniel na hindi giniwa ng Israel upng humingi ng habag sa Diyos?

Sinabi ni Daniel na hindi sila tumalikod mula sa kanilang mga kasalanan at hindi nagbigay ng pansin sa katotohanan ng Diyos. [9:13]

Daniel 9:15-19

Ano ang sinabi ni Daniel na dahilan na mayroon ang panginoong Diyos upang patawarin ang Israel?

Sinabi ni Daniel na dapat patawarin ng Panginoon ang Israel dahil sa mga matuwid na gawa ng Panginoon. [9:16]

Daniel 9:20-21

Kailan pumunta si Gabriel kay Daniel?

Pumunta si Gabriel kay Daniel sa oras ng pag-aalay sa gabi habang nananalangin si Daniel, [9:21]

Daniel 9:22-23

Bakit pumunta si Gabriel kay Daniel?

Pumunta si Gabriel kay Daniel upang bigyan siya ng kaalaman at pang-unawa, [9:22]

Daniel 9:24-25

Bakit pitong tig-pipitumpong taon ang ipinasya para sa mga kababayan ni Daniel at sa kaniyang banal na lungsod?

Ang pitong tig-pipitumpung taon ay iniatas upang itigil ang pagkakasala, wakasan ang kaslanan, upang pagbayaran ang kasalanan, upang dalhin sa walang hanggang katuwiran, upang tuparin ang pangitain at propesiya, at upang gawign banal ang daong kabanal-banalan. [9:24]

Gaano katagal na panahon ang lilipas sa pagitan ng papapalaganap ng utos upang panumbalikin at itayong muli ang Jerusalem sa pagdating ng isang pinili?

Pitong tig-pipito at pitong tig-aanimnaput dalawang taon ang lilipas sa pagitan ng dalawang pangyayari. [9:26]

Daniel 9:26

Kailan malilipol ang isang pinili

Malilipol siya pagkaraan ng pitong tig-aanimnapu't dalawang taon. [9:26]

Daniel 9:27

Ano ang gagawin ng isang parating na pinuno?

Patutunayan niya ang isang kasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa gitna ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at paghahandog. [9:27]

Ano ang mangyayari sa isang gagawa ng pagkasira?

Isang ganap napagwawakas at pagkawasak ang itinakda sa kaniya. [9:27]

Daniel 10

Daniel 10:1-3

Ano ang mensaheng naihayag kay Daniel sa ikatlong taon ng paghahari ni Ciro na hari ng Persia?

Ang mensahe ay tungkol sa malaking digmaan.

Paano naunawaan ni Daniel ang mensahe?

Naunawaan ni Daniel ang mensahe dahil nabatid niya mula sa pangitain.

Daniel 10:4-6

Sino ang nakita ni Daniel sa pangitain?

Nakita niya ang isang lalaki na nakadamit ng telang lino na may purong gintong sinturon na paikot sa kaniyang baywang.

Ano ang kahawig ng lalaki sa pangitain ni Daniel?

Ang katawan ng lalaki ay tulad ng topaz, ang kaniyang mukha ay tulad ng kidlat, ang kaniyang mga mata ay tulad ng nagniningas na tanglaw, ang kaniyang mga kamay at paa ay tulad ng makinang na tanso, at ang tunog ng kaniyang salita ay tulad ng tunog ng napakaraming tao.

Daniel 10:7-11

Ano ang naging tugon ni Daniel nang makita niya ang malaking pangitain at narinig ang mga salita ng lalaki?

Ang maaliwalas na anyo ni Daniel ay binago ng takot, at walang natirang lakas sa kaniya. Bumagsak siya na nakatulog ng mahimbing na ang kaniyang mukha ay nakasubsob sa lupa.

Daniel 10:12-13

Kailan isinugo ang anghel kay Daniel?

Isinugo ang anghel sa unang araw na pinagpasyahan ni Daniel na unawain at magpakumbaba mismo sa harap ng Diyos.

Bakit tumagal ng halos dalawampu't isang araw bago dumating ang anghel kay Daniel?

Ang anghel ay pinigilan ng prinsipe ng kaharian ng Persia na siyang pumigil sa kaniya.

Daniel 10:14-15

Kailan magaganap ang mga pangyayari sa pangitain?

Ang pangitain ay tungkol sa huling mga araw, ang mga araw na darating pa lamang.

Daniel 10:16-17

Ano ang sinabi ni Daniel na ginawa ng pangitain sa kaniya?

Sinabi ni Daniel na ang pangitain ang nagbigay sa kaniya ng dalamhati at nawalan siya ng lakas at walang naiwang hininga sa kaniya.

Daniel 10:18-19

Ano ang ginawa ng may anyong tulad ng isang tao kay Daniel upang tulungan siyang magsalita at upang maibalik ang kaniyang lakas at hininga?

Hinipo ng anyong tulad ng tao ang mga labi ni Daniel upang makapagsalita siya at hinawakan muli si Daniel upang mapalakas siya.

Daniel 10:20-21

Ano ang sinabi ng may anyong tulad ng isang tao na gagawin niya bago niya iwan si Daniel?

Sinabi niya na babalik siya upang labanan ang prinsipe ng Persia.

Ano ang sinabi ng may anyong tulad ng isang tao na sasabihin niya kay Daniel?

Sinabi niyang sasabihin niya kay Daniel kung ano ang nakasulat sa aklat ng katotohanan.

Daniel 11

Daniel 11:1-2

Paano makakakuha ng kapangyarihan ang ika-apat na hari ng Persia?

Makakakuha siya ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang mga kayamanan.

Hinihimok ng hari ng Persia ang bawat isa laban sa anong kaharian ?

Hinimok niya ang bawat isa laban sa kaharian ng Grecia.

Daniel 11:3-4

Kanino hindi maibibigay ang kaharian ng malakas na hari?

Hindi maibibigay sa mismong kaapu-apuhan ng hari ang kahariang iyon.

Daniel 11:5-6

Sino ang gagawa ng kasunduan?

Ang hari ng Timog at ang isa sa kaniyang mga pinuno ng kawal na magiging hari ng Hilaga ang gagawa ng kasunduan.

Sino ang darating upang patunayan ang kasunduan sa pagitan ng hari ng Timog at hari ng Hilaga?

Ang babaeng anak ng hari ng Timog ay darating sa hari ng Hilaga upang patunayan ang kasunduan.

Daniel 11:7-9

Ano ang gagawin ng sanga mula sa babaeng anak ng hari ng Timog sa hari ng Hilaga?

Sasalakayin niya ang hukbo at papasok sa tanggulan ng hari ng Timog at sasakupin sila.

Daniel 11:10

Ano ang gagawin ng mga lalaking anak ng hari ng Hilaga?

Magsisimula sila ng isang digmaan at bubuo ng isang malaking hukbo. Mag-uumapaw sila na tulad ng isang baha, papasok at uulitin ang paglusob hanggang sa tanggulan ng Hari ng Timog.

Daniel 11:11-12

Ano ang gagawin ng hari ng Timog bilang tugon sa pagsalakay ng mga anak na lalaki ng hari ng Hilaga?

Ang hari ng Timog ay galit na magmamartsa at makikipaglaban sa hari ng Hilaga.

Sino ang nagwagi sa labanan sa pagitan ng Hilaga at Timog?

Nagwagi ang hari ng Timog sa labanang iyan

Daniel 11:13

Ano ang gagawin ng hari ng Hilaga pagkatapos ng ilang taon?

Bubuo siya ng isang malaking hukbo na natustusan ng maraming kagamitan at tiyak na babalik laban sa hari ng Timog.

Daniel 11:14

Ano ang gagawin ng hari ng Hilaga pagkatapos ng ilang taon?

Bubuo siya ng isang malaking hukbo na natustusan ng maraming kagamitan at tiyak na babalik laban sa hari ng Timog.

Sa mga panahong iyon, sino pa ang lilitaw laban sa hari ng Timog?

Sa mga panahong iyon, marami ang lilitaw laban sa hari ng Timog kabilang ang pinakamarahas sa lahat ng tao ni Daniel.

Daniel 11:15-16

Ano ang mangyayari sa panahong ito kapag sinalakay ng hari ng Hilaga ang hari ng Timog?

Hindi makakatayo ang hari ng Timog laban sa kaniya. Gagawin ng hari ng Hilaga ang ano mang nais niyang gawin laban sa hari ng Timog.

Daniel 11:17-19

Bakit ibibigay ng hari ng Hilaga ang kaniyang babaeng anak upang maikasal sa hari ng Timog?

Gagawin ito ng hari ng Hilaga upang wasakin ang kaharian ng Timog.

Ano ang mangyayari sa hari ng Hilaga?

Isang pinuno ang tatapos sa kalikuan ng hari ng Hilaga at magiging dahilan upang maibalik sa kaniya ang kaniyang kalikuan. Matitisod siya at babagsak, hindi na siya matatagpuan.

Daniel 11:20-22

Ano ang gagawin ng isang taong lilitaw sa puwesto ng hari ng Hilaga?

Sapilitan siyang maniningil ng buwis upang tustusan ang kayamanan ng kaharian.

Ano ang mangyayari sa taong ito na sapilitang naniningil ng buwis?

Pagkatapos lamang ng ilang araw, mamamatay iyon, ngunit hindi sa galit o labanan.

Paano magkakaroon ng kapangyarihan ang isang hamak na tao na hindi pinarangalan ng mga tao ng kayamanan?

Tahimik siyang darating at pamumunuan ang kaharian sa pamamagitan ng hindi tapat na papuri.

Daniel 11:23-24

Ano ang gagawin ng hamak na haring ito kapag ginawa ang isang kasunduan sa kaniya?

Mula sa oras na magagawa ang kasunduan sa kaniya, kikilos siya nang may panlilinlang.

Daniel 11:25-27

Ano ang mangyayari kapag nagsimula ng digmaan ang mandarayang haring ito ng Timog?

Hindi makakayanang tumayo ng hari ng Timog laban sa mandarayang hari dahil sa lahat ng masamang banta laban sa kaniya.

Bakit uupo sa iisang hapag-kainan ang hari ng Hilaga at ang hari ng Timog at magsisinungaling sa isa't isa?

Magsisinungaling sila sa isa't isa dahil taglay ng kanilang puso ang kasamaan laban sa isa't isa.

Daniel 11:28

Paano nararamdaman ng mapanlinlang na hari ng Hilaga ang tungkol sa banal na kasunduan?

Ang kaniyang puso ay itinalagang laban sa banal na kasunduan at galit laban dito.

Daniel 11:29-32

Paano maipapakita ang matinding galit ng hari sa Hilaga na laban siya sa banal na tipan?

Maipapakita ng hari ng Hilaga ang kaniyang matinding galit laban sa banal na tipan sa pamamagitan ng pagbibigay-lugod sa mga taong tumalikod sa banal na tipan.

Daniel 11:33-35

Ano ang gagawin ng mga matatalino sa oras na iyon?

Sa panahong iyon, magbibigay ng pang-unawa ang mga matatalino sa marami.

Ano ang mangyayari sa mga matatalino?

Sa sandaling panahon, babagsak sila sa pamamagitan ng espada at ng apoy, dadalhin sila bilang mga bilanggo at nanakawin ang kanilang mga ari-arian. Kapag natisod sila, makakatanggap sila ng kaunting tulong.

Bakit matitisod ang ibang matatalino?

Ang iba sa kanila ay matitisod upang sila ay maging dalisay, malinis at puro hanggang sa oras ng katapusan.

Daniel 11:36-37

Saan itataas ng madayang hari ng Hilaga ang kaniyang sarili?

Itataas at palalakihin niya ang sarili sa ibabaw ng bawat diyos; pati ang Diyos ng lahat ng diyos, ang diyos ng kaniyang mga ninuno at ang diyos na ninanais ng mga kababaihan.

Daniel 11:38-39

Ano ang gagawin ng hari ng hilaga sa lahat ng humahanga sa kaniya?

pararangalan niya ang lahat ng humahanga sa kaniya. Gagawin niya silang mga pinuno sa maraming tao.

Daniel 11:40-41

Sa oras ng katapusan, ano ang mangyayari kapag dumating ang hari ng Hilaga sa maluwalhating lupain?

Sa oras na iyon, sampung libong Israelita ang matitisod at babgsak.

Sino ang makakatakas sa kamay ng hari ng Hilaga?

Makakatakas mula sa kaniyang kamay ang marami mula sa Edom at Moab, at ang mga natitirang tao ng Amon.

Daniel 11:42-43

Ano ang ilang mga bansa na kung saan palalawakin ng hari ng Hilaga ang kaniyang kapangyarihan?

Palalawakin ng hari ng Hilaga ang kaniyang kapangyarihan sa Egipto, sa mga taga-Libya at sa Etiopia.

Daniel 11:44-45

Ano ang gagawin ng haring ito kapag nangamba siya sa mga ulat mula sa silangan at hilaga?

Lalabas siya nang may matinding galit upang magwasak at italaga ang sarili sa maraming pagwasak.

Saan itatayo ng haring ito ang tolda ng kaniyang palasyo?

Itatayo niya ang mga tolda ng kaniyang palasyo sa pagitan ng mga karagatan, sa maganda at banal na kabundukan.

Sa huli, sino ang tutulong sa hari ng Hilaga?

Ang hari ng Hilaga ay darating sa kaniyang katapusan na walang tutulong sa kaniya.

Daniel 12

Daniel 12:1-2

Sino itong nagbabantay sa mga kababayan ni Daniel?

Si Miguel, ang dakilang prinsipe na nagbabantay sa mga kababayan ni Daniel.

Gaano kasama ang panahon ng kaguluhan na isinulat dito?

Magiging panahon ito ng kaguluhang hindi pa nararanasan kailanman magmula nang nagkaroon ng anumang bansa hanggang sa panahong iyon.

Sa panahong iyon, sino ang maililigtas?

Sa panahong iyon, maililigtas ang mga kababayan ni Daniel, ang lahat ng pangalang matatagpuang nakasulat sa aklat.

Ano ang mangyayari sa karamihang natutulog sa alabok ng daigdig?

Ang ilan sa mga natutulog sa alabok ng daigdig ay babangon para sa walang hanggang buhay at ang ilan ay babangon sa kahihiyan at walang hanggang pagdurusa.

Daniel 12:3-6

Ano ang mangyayari sa mga marurunong at sa mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran?

Ang mga marurunong ay magliliwanag tulad ng liwanag ng kalangitaan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituin magpakailanman.

Gaano katagal ang sinabi kay Daniel na panatilihing selyado ang aklat?

Sinabi sa kaniya na panatilihing selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas.

Daniel 12:7

Hanggang kailan matatapos ang mga kamangha-manghang pangyayaring ito na sinabi ng lalaking nakasuot ng linong damit?

Sinabi ng lalaking nakasuot ng linong damit na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng bagay na ito.

Daniel 12:8-9

Ano ang ibinigay na dahilan ng lalaking nakasuot ng linong damit kay Daniel kung bakit hindi niya maunawaan ang sinasabi sa kaniya ng lalaking nakasuot ng linong damit?

Sinabi ng lalaking nakasuot ng linong damit kay Daniel, "Makakaalis kana Daniel dahil nakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahon ng pagwawakas.

Daniel 12:10-11

Sa panahon ng pagwawakas, sino ang makakaunawa at hindi makakaunawa sa mga salita ng propesiya?

Wala sa masasama ang makakaunawa, ngunit ang mga marurunong ang makakaunawa nito.

Ilang panahon ang lilipas sa pagitan ng panahong inalis ang karaniwang paghahandog na susunugin at ang pagkasuklam na sanhi ng ganap na lagim ay handa na?

Magkakaroon ng 1,290 na mga araw sa pagitan ng dalawang pangyayaring iyon.

Daniel 12:12-13

Sa panahong iyon, sino ang sinabi ng lalaking nakasuot ng linong damit na pagpapalain?

Sinabi ng lalaking nakasuot ng linong damit, "Mapalad ang mga naghihintay hanggang sa matapos ang 1,335 na mga araw."

Ano ang sinabi ng lalaking nakasuot ng linong damit na mangyayari kay Daniel?

Sinabi niya na mamamahinga si Daniel at tatayo siya sa lugar na itinalaga sa kaniya sa mga huling araw.