Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Song of Solomon

Song of Solomon 1

Song of Solomon 1:1-4

Sino ang manunulat ng Awit ng mga Awit ?

Si Solomon ang manunulat ng Awit ng mga Awit.

Ano ang hiniling ng dalaga na gawin ng kanyang mangingibig?

Hiniling ng dalaga sa kaniyang mangingibig na halikan siya sa pamamagitan ng mga halik ng kaniyang bibig.

Ano ang sabi ng dalaga na mas mainam kaysa sa alak?

Sabi ng dalaga ang pag-ibig ng kaniyang mangingibig ay mas mainam kaysa sa alak.

Anong ang sabi ng dalaga na katulad ng pangalan ng kaniyang mangingibig?

Sabi ng dalaga ang kaniyang pangalan ay tulad ng pabangong dumadaloy.

Saan dinala ng hari ang dalaga?

Dinala ng hari ang dalaga sa kaniyang mga silid.

Song of Solomon 1:5-6

Paano inilarawan ng dalaga ang kaniyang balat?

Inilarawan ng dalaga ang kaniyang balat na kayumanggi pero maganda tulad ng mga tolda ng Kedar, tulad ng mga kurtina ni Solomon.

Bakit ayaw niyang tumitig sa kaniya ang ibang mga kababaihan?

Ayaw niya na tumitig sa kaniya ang ibang kababaihan dahil ang kaniyang balat ay nasunog.

Ano ang ginawa ng mga kapatid na lalaki ng dalaga nang nagalit sila sa kaniya?

Ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay ginawa siyang taga-pangalaga ng mga ubasan.

Song of Solomon 1:7

Ano ang tinanong ng dalaga sa kaniyang mangingibig?

Tinanong niya kung saan niya pinapakain ang kaniyang mga kawan at saan niya ito pinagpapahinga sa katanghalian.

Song of Solomon 1:8

ayon sa sinabi ng kaniyang kasintahan, papaano siyang matagpuan ng dalaga?

Sabi niya sa kaniya na sundan niya ang bakas ng dinaraanan ng kaniyang kawan patungo sa tolda ng mga pastol.

Song of Solomon 1:9-11

Sa alin inihahambing ng kaniyang mangingibig ang dalaga?

Siya ay inihahambing niya sa isang inahing kabayo na nabibilang sa mga kabayo ng mga karwahe ni Paraon.

Ano ang sabi ng kaniyang mangingibig na nasa kaniyang mga pisngi at leeg?

Sabi niya na ang mga palamuti ay nasa kanyang mga pisngi at ang kwintas ng mga hiyas ay nasa kaniyang leeg.

Ano ang sabi ng kaniyang mangingibig na gagawin niya para sa kaniya?

Sabi niya gagawa siya para sa kaniya ng gintong mga palamuti na may batik-batik na pilak.

Song of Solomon 1:12-14

Saan nakahiga ang hari habang ang babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili?

Ang hari ay nakahiga sa kaniyang papag habang nagsasalita ang babae sa kaniyang sarili.

Saan nagpapalipas ng gabi ang kaniyang minamahal?

Nagpapalipas ng gabi ang kaniyang minamahal na nakahiga sa pagitan ng kaniyang mga dibdib.

Sa alin inihalintulad ng dalaga ang kaniyang minamahal?

Ang kaniyang minamahal ay parang isang kumpol ng mga bulaklak ng hena sa mga ubasan ng En-gedi.

Song of Solomon 1:15

Paano isinalarawan ng kaniyang mangingibig ang kaniyang mga mata?

Sabi niya ang kaniyang mga mata ay parang mga kalapati.

Song of Solomon 1:16-17

Ano ang sabi ng dalaga na nagsisilbing higaan nila?

Ang malagong mga halaman ay nagsisilbing higaan nila.

Sabi ng dalaga sa ano gawa ang mga biga at mga balakilan?

Ang mga biga at mga balakilan ay gawa sa mga sanga ng puno ng sedar at ng pir.

Song of Solomon 2

Song of Solomon 2:1-2

Paano inilarawan ng babae ang kaniyang sarili?

Inilarawan niya ang kaniyang sarili na parang isang bulaklak lamang na nasa isang kapatagan, isang liryo lamang na nasa isang lambak.

Ano ang sabi ng lalaki na katulad niya sa mga dalaga ng kaniyang mga kababayan?

Sabi niya siya ay parang isang liryo sa mga tinik.

Song of Solomon 2:3-4

Paano isinilarawan ng babae ang kanyang minamahal sa mga binata?

Inilarawan ng babae ang kaniyang kasintahan tulad ng isang puno ng aprikot sa mga puno sa kagubatan.

Saan naupo ang babae?

Siya ay naupo sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan.

Ano ang matamis sa kaniyang panlasa?

Ang kaniyang bunga ay matamis sa kaniyang panlasa.

Saan siya dinala ng binata?

Siya ay dinala ng binata sa bulwagan ng salu-salo.

Ano ang kaniyang bandila para sa kaniya?

Ang kaniyang banila para sa kaniya ay pag-ibig

Song of Solomon 2:5-6

Ano ang nais ng dalaga na palakasin at pasiglahin sa kaniyang sarili?

Gusto ng dalaga ng mga keyk na may pasas para palakasin siya at mga aprikot para pasiglahin siya.

Nasaan ang kaliwa at kanang kamay ng binata?

Ang kaliwang kamay niya ay nasa ilalim ng kanyang ulo at ang kanang kamay niya ay nakayapos sa kaniya.

Song of Solomon 2:7

Ano ang nais ng dalaga na ipangako ng mga dalaga ng Jerusalem?

Nais ng dalaga na ipangako ng mga kadalagahan na hindi nila gagambalain ang dalaga at ang kaniyang minamahal sa kanilang pagtatalik hanggang ito ay matapos.

Song of Solomon 2:8-9

Anong tinig ang narinig ng dalaga?

Narinig ng dalaga ang tinig ng kaniyang minamahal.

Ano ang sabi niyang ginagawa ng kaniyang minamahal?

Siya ay lumulukso sa ibabaw ng mga bundok at tumatalon sa ibabaw ng mga burol.

Ano ang sabi niya na katulad ng kaniyang minamahal?

Sabi niya ang kaniyang minamahal ay parang isang gasel o isang batang lalaking usa.

Song of Solomon 2:10-11

Ano ang nais ng kaniyang minamahal na gawin niya kasama siya?

Nais niyang bumangon siya at umalis kasama niya.

Ano ang sabi niya na nakalipas na at nagwakas at wala na.

Sabi niya na ang tag-lamig ay nakalipas na at ang tag-ulan ay nagwakas at wala na.

Song of Solomon 2:12-13

Ano ang lumitaw sa lupain?

Lumitaw ang mga bulaklak sa lupain.

Para sa ano ang oras na iyon?

Ang oras na iyon ay para sa pagpuputol ng sanga at pag-aawitan ng mga ibon.

Ano ang nahinog at namumulaklak?

Ang mga berdeng dahon ng puno ng igos ay hinog na, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak.

Ano ang nais ng kaniyang minamahal na gawin ng kaniyang magandang sinta?

Nais niya na bumagon ito at sumamang umalis.

Song of Solomon 2:14

Ano ang tawag sa kaniya ng kaniyang minamahal?

Aking kalapati ang tawag sa kaniya ng kaniyang kasintahan.

Ano ang nais na marinig at makita ng kaniyang minamahal?

Nais makita ng kaniyang minamahal ang kaniyang mukha at marinig ang kaniyang matamis na tinig.

Song of Solomon 2:15

Ano ang nais ng babae na hulihin niya?

Nais ng babae na hulihin niya ang mga soro.

Song of Solomon 2:16-17

Kaninong pagmamay-aari ang minamahal ng dalaga?

Ang minamahal ng dalaga ay pagmamay-ari niya.

Kaninong pagmamay-ari ang dalaga?

Siya ay pag-aari ng kaniyang minamahal.

Ano ang ginawa ng kaniyang minamahal sa mga liryo?

Nanginginain siya sa mga liryo ng may kasiyahan.

Ano ang nais niya na gawin ng kaniyang minamahal?

Nais niyang umalis ang kaniyang minamahal.

Kailan niya nais umalis ang kaniyang minamahal?

Nais niyang umalis ang kaniyang minamahal bago umihip ang mahinang hangin ng bukang-liwayway at ang mga anino ay maglaho.

Ano ang nais niyang maging katulad ng kaniyang kasintahan?

Nais niya na siya ay maging katulad ng isang gasel o ng isang batang lalaking usa na nasa baku-bakong mga bundok.

Song of Solomon 3

Song of Solomon 3:1-2

Para kanino nananabik ang babae pero hindi niya matagpuan?

Ang babae ay nananabik sa kaniyang mahal pero hindi niya siya matagpuan.

Sino ang hinahanap ng babae sa iba't-ibang dako ng mga lansangan at plasa pero hindi niya matagpuan?

Ang babae ay naghahanap sa iba't ibang dako ng mga lansangan at plasa pero hindi niya matagpuan ang kaniyang minamahal.

Song of Solomon 3:3-4

Ano ang itinanong ng babae sa mga bantay nang siya ay matagpuan nila?

Tinanong niya sa kanila, "Nakita ba ninyo ang aking minamahal?"

Kailan niya natagpuan ang minamahal ng kaniyang kaluluwa?

Natagpuan niya ang minamahal ng kaniyang kaluluwa sa maiksing sandaling nakalipas pagkatapos niyang malampasan ang mga bantay sa lungsod.

Ano ang ginawa niya sa kaniyang minamahal?

Siya ay hinawakan niya at hindi binitiwan hanggang nadala niya sa bahay ng kaniyang ina.

Song of Solomon 3:5

Ano ang nais ng babae na ipangako ng mga dalaga ng bayang Jerusalem?

Nais ng babae na ipangako ng mga dalaga ng bayang Jerusalem na hindi nila gagambalain ang kanilang pagtatalik hanggang sila ay matapos.

Song of Solomon 3:6-7

Ano ang nakita ng dalaga na dumarating mula sa ilang na pinabangohan ng mira at kamanyang at mga pulbos?

Nakita niya ang arag-arag ni Solomon na binubuhat na may 60 mga mandirigmang nakapaligid dito.

Song of Solomon 3:8-9

Saan magaling ang mga mandirigma?

Sila ay magaling sa espada at sa digmaan.

Ano ang ginawa ni Solomon para sa kaniyang sarili?

Si Haring Solomon ay gumawa ng isang upuan na yari sa kahoy mula sa Lebanon.

Song of Solomon 3:10-11

Ano ang hitsura ng upuan ni Haring Solomon?

Ang upuan ay may pilak na mga poste, gintong sandalan, lilang tela na upuan, at pinalamutian ng may pag-ibig.

Kanino nais ng dalaga tumingin ang mga kababaihan ng Jerusalem?

Nais niya na tumingin sila kay Haring Solomon.

Ano ang suot-suot ni Haring Solomon sa araw ng kaniyang kasal?

Siya ay nagsuot ng korona na ikinorona ng kaniyang ina sa araw ng kaniyang kasal.

Song of Solomon 4

Song of Solomon 4:1

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang mga mata?

Ang kaniyang mga mata ay tulad ng mga kalapati sa likod ng kaniyang belo.

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang buhok?

Ang kaniyang buhok ay tulad ng isang kawan ng kambing na bumababa sa Bundok ng Galaad.

Song of Solomon 4:2

Paano inilalarawan ng kaniyang mangingibig ang kaniyang mga ngipin?

Ang kaniyang mga ngipin ay tulad ng bagong gupit at hinugasang babaeng tupa.

Song of Solomon 4:3

Ano ang sinasabi ng mangingibig ng babae tungkol sa kaniyang mga labi at bibig?

Sabi niya ang kaniyang labi ay tulad ng isang hibla ng eskarlata at na ang kaniyang bibig ay kaibig-ibig.

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang mga pisngi?

Inilarawan niya ang kaniyang mga pisngi tulad ng kabiyak ng granada sa likod ng kaniyang belo.

Song of Solomon 4:4-5

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang leeg?

Inilarawan niya ang kaniyang leeg tulad ng tore ni David na itinayo sa mga hanay ng bato na may isang libong mga kalasag ng sundalo na nakasabit dito.

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang dalawang dibdib?

Inilarawan niya ang kaniyang dalawang dibdib tulad ng dalawang usa, magkakambal na gasel, na nagnginginain sa kalagitnaan ng mga liryo.

Song of Solomon 4:6-8

Saan pupunta ang kaniyang mangingibig hanggang dumating ang bukang-liwayway at maglaho ang mga anino?

Sabi niya pupunta siya sa bundok ng mira at sa burol ng kamanyang.

Sa anong paraan maganda ang kaniyang minamahal?

Ang kaniyang minamahal ay maganda sa lahat ng paraan.

Ano ang wala sa maganda niyang minamahal?

Walang anumang kapintasan ang kaniyang minamahal.

Song of Solomon 4:9

Ano ang tawag ni Solomon sa babaeng ikakasal?

Tinatawag siya ni Solomon na kaniyang kapatid na babae.

Ano ang sinasabi ni Solomon sa babaeng ikakasal na ninakaw sa kaniya?

Sinabi niya nabihag niya ang kaniyang puso.

Ano ang sinasabi ni Solomon na maganda at ano itong mas mainam?

Sinabi ni Solomon na ang kaniyang pag-ibig ay maganda at mas mainam kaysa sa alak.

Song of Solomon 4:10-11

Sa ano mas mainam ang samyo ng kaniyang pabango?

Ang samyo ng kaniyang pabango ay mas mainam kaysa anumang sangkap ng pabango.

Ano ang sabi niyang tumulo sa labi ng babaeng ikakasal at ano ang nasa ilalim ng kaniyang dila?

Sabi niya tumutulo ang pulot sa labi ng babaeng ikakasal at mayroon siyang pulot at gatas sa ilalim ng kaniyang dila.

Ano ang tulad ng halimuyak ng mga kasuotan ng babae?

Ang halimuyak ng kaniyang mga kasuotan ay tulad ng halimuyak ng Lebanon.

Song of Solomon 4:12-14

Anong uri ng hardin at anong uri ng bukal ang sabi ni Solomon na tulad ng kaniyang kapatid na babae, na babaeng ikakasal?

Sabi ni Solomon siya ay tulad ng isang hardin na nakakandado at isang bukal na nakaselyo.

Saan niya inihalintulad ang mga sanga ng babae?

Inihalintulad niya ang mga sanga niya sa isang kahuyan ng mga puno ng granada na may piling bunga at mga halaman at lahat ng pinakamainam na mga sangkap ng pabango.

Song of Solomon 4:15-16

Sa anong mga uri ng tubig inilalarawan ni Solomon ang kaniyang mangingibig?

Siya ay kaniyang Inilarawan bilang isang bukal sa hardin, isang balon ng sariwang tubig, at mga batis na umaagos mula sa Lebanon.

Saan nais ng dalaga umihip ang mga hanging hilaga at timog at bakit?

Nais niyang umihip ang mga hanging hilaga at timog sa kaniyang hardin para ang mga sangkap ng pabango nito ay magpalabas ng kanilang halimuyak.

Ano ang nais niyang gawin at kainin ng kaniyang minamahal?

Nais niyang lumapit ang kaniyang minamahal sa kaniyang hardin at kumain ng ilang piling bunga nito.

Song of Solomon 5

Song of Solomon 5:1

Saan lumapit si Solomon?

Lumapit si Solomon sa kaniyang hardin.

Song of Solomon 5:2

Ano ang napapanaginipan ng babaeng ikakasal ni Solomon?

Napanaginipan niyang kumakatok at nagsasalita ang kaniyang minamahal.

Song of Solomon 5:3-4

Ano na ang nagawa ng pag-ibig ni Solomon?

Hinubad na niya ang kaniyang balabal at hinugasan ang kaniyang mga paa.

Saan inilagay ni Solomon ang kaniyang kamay?

Inilagay ni Soloman ang kaniyang kamay sa bungad ng pintuan ng tarangkahan

Song of Solomon 5:5

May anong tumutulo sa kamay ng babaeng ikakasal noong binuksan niya ang pintuan?

May tumutulo na mamasa-masang mira sa kaniyang mga kamay.

Song of Solomon 5:6

Ano ang natagpuan ng babaeng ikakasal noong binuksan niya ang pintuan at ano ang naramdaman niya?

Natagpuan niyang nakaalis at wala na ang kaniyang minamahal, kaya ang puso niya ay napanghinaan at siya ay naging malungkot.

Song of Solomon 5:7

Ano ang ginawa ng mga bantay nang matagpuan nila ang babaeng ikakasal ni Solomon?

Siya ay kanilang hinagupit at sinugatan at kinuha ang kaniyang balabal.

Song of Solomon 5:8

Ano ang hiniling ng babaeng ikakasal na ipangako ng mga kababaihan ng Jerusalem?

Hiniling niya sa mga kababaihan ng Jerusalem na mangakong sasabihin nila sa kaniya kung natagpuan nila ang kaniyang minamahal.

Paano ipinadama ng minamahal ng dalaga sa kaniya?

Ipinadama ng mangingibig ng dalaga na siya ay may sakit dahil sa pag-ibig

Song of Solomon 5:9

Ano ang tinanong ng mga dalaga sa babaeng ikakasal ?

Siya ay tinanong nila kung paano at bakit mas mabuti ang kaniyang minamahal kaysa sa iba.

Song of Solomon 5:10-11

Paano inilalarawan ng dalaga ang kaniyang minamahal?

Siya ay inilarawan niya bilang nagniningning, mamula-mula, at namumukod tangi.

Paano inilalarawan ng babae ang ulo at buhok ng kaniyang minamahal?

Inilarawan niyang parang gintong dalisay ang kaniyang ulo at parang kulot at maitim ang kaniyang buhok.

Song of Solomon 5:12

Paano inilalarawan ng babae ang mga mata ng kaniyang minamahal?

Inilarawan niya ang kaniyang mga mata tulad ng mga kalapati na hinugasan sa gatas.

Song of Solomon 5:13

Paano inilalarawn ng babaeng ikakasal kay Solomon ang kaniyang mga pisngi at mga labi?

Inilarawan niya ang kaniyang mga pisngi tulad ng hardin ng mga sangkap ng pabango at ang kaniyang mga labi tulad ng mga mirang binabad sa mga liryo.

Song of Solomon 5:14

Paano inilalarawan ng babae ang mga bisig at tiyan ng kaniyang minamahal?

Inilarawan niya ang kaniyang mga bisig tulad ng ginto na may mga hiyas at ang kaniyang tiyan tulad ng garing na may takip na mga sapiro.

Song of Solomon 5:15

Paano inilalarawan ng babae ang mga binti at mukha ng kaniyang minamahal?

Kaniyang inilarawan ang mga binti niya tulad ng mga posteng marmol na may mga patungang ginto at tulad ng Lebanon ang kaniyang mukha, kasing espesyal ng mga punong sedar.

Song of Solomon 5:16

Paano inilalarawan ng babaeng ikakasal kay Solomon ang bibig ng kaniyang minamahal at si Solomon sa mga anak na babae ng Jerusalem?

Inilarawan niya ang kaniyang bibig na pinakamatamis at ganap na kaibig-ibig si Solomon.

Song of Solomon 6

Song of Solomon 6:1

Ano ang mga katanungan ng mga kababaihan ng Jerusalem sa dalaga?

Tinatanong nila kung saan nagpunta ang kaniyang minamahal at kung saang direksyon siya nagpunta?

Ano nais ng mga dalaga na hanapin?

Nais ng mga dalaga na maghanap para sa minamahal ng dalaga.

Song of Solomon 6:2-3

Ano ang sinabi ng dalaga na ginagawa ng kaniyang minamahal?

Sinabi ng dalaga na siya ay nasa kaniyang hardin ng mga sangkap ng pabango para manginain sa hardin at magtipon ng mga liryo.

Kaninong pag-aari ang dalaga at ang kaniyang mangingibig?

Pag-aari ng dalaga at ng kaniyang mangingibig ang isa't-isa.

Saan nanginginain ng damo ang mangingibig ng dalaga?

Ang mangingibig ng dalaga ay nanginain sa kalagitnaan ng mga liryo.

Song of Solomon 6:4

Ano ang dalawang lungsod na ginagamit ng mangingibig ng babae para ilarawan siya?

Siya ay kaniyang inilarawan bilang dalawang lungsod, Tirsa at Jerusalem.

Ano ang naramdaman ng kaniyang minamahal tungkol sa kaniya?

Nadama niyang siya ay ganap na kaakit-akit.

Song of Solomon 6:5

Bakit nais ng mangingibig ng babae na ilayo ang kaniyang paningin mula sa kaniya?

Nais ng mangingibig ng babae na ilayo niya ang kaniyang mga paningin mula sa kaniya dahil nadadaig siya ng kaniyang mga paningin.

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang buhok?

Inilarawan niya ang kaniyang buhok bilang isang kawan ng mga kambing sa mga libis ng Bundok Galaad.

Song of Solomon 6:6-7

Paano inilalarawan ng mangingibig niya ang kaniyang mga ngipin?

Inilarawan niya ang kaniyang mga ngipin tulad ng isang kawan ng mga babaeng tupa na umaahon mula sa lugar na pinagliguan.

Paano inilalarawan ng mangingibig niya ang kaniyang mga pisngi?

Inilarawan ng kaniyang mangingibig ang kaniyang mga pisngi tulad ng kabiyak na granada sa likod ng kaniyang belo.

Song of Solomon 6:8-9

Ilan pa silang mga kababaihan ang sinasabi ng mangingibig ng babae?

Sinabi niya na may 60 reyna, 80 babaeng kinakasama ng hari, at mga dalagang hindi mabilang.

Paano inilalarawan ng mangingibig ng babae ang kaniyang kalapati?

Inilarawan siya ng mangingibig ng babae bilang kaniyang dalisay, ang isa lamang, at ang natatangi at paboritong anak na babae ng kaniyang ina.

Ano ang sinasabi ng mga reyna at ng mga babaeng kinakasama ng hari tungkol sa kaniya noong siya ay nakita nila?

Pinuri siya ng mga reyna at mga babaeng kinakasama ng hari.

Song of Solomon 6:10

Paano siya inilalarawan ng mangingibig ng babae?

Inilarawan siya ng mangingibig ng babae tulad ng bukang-liwayway, buwan, araw, at ganap na kaakit-akit.

Song of Solomon 6:11-12

Bakit pumunta ang mangingibig ng babae sa kahuyan ng mga puno ng pili?

Ang mangingibig ng babae ay nagpunta sa kahuyan ng mga puno ngpili para tingnan kung sumibol ang mga puno ng ubas at ang mga granada ay namulaklak.

Ano ang naramdaman ng mangingibig ng babae?

Naramdaman ng mangingibig ng babae na siya ay parang nakasakay sa karwahe ng prinsipe.

Song of Solomon 6:13

Ano ang nais ng mangingibig ng babae na kaniyang gagawin?

Nais ng mangingibig ng babae na manumbalik siya sa kaniya.

Bakit nais ng mangingibig ng babae na bumalik siya sa kaniya?

Nais ng mangingibig ng babae na bumalik siya sa kaniya para maaari niya siyang pagmasdan.

Ano ang sinasabi ng dalaga tungkol sa kaniyang sarili?

Inilarawan ng dalaga ang kaniyang sarili bilang isang ganap na babae na tila sumasayaw sa pagitan ng dalawang hanay ng mga mananayaw.

Song of Solomon 7

Song of Solomon 7:1

Paano inilalarawan ni Solomon ang mga paa ng kaniyang mangingibig sa kaniyang mga sandalyas at ang mga hugis ng kaniyang mga hita?

Inilarawan niya ang kaniyang mga paa sa kaniyang mga sandalyas bilang maganda at ang mga hugis ng kaniyang mga hita ay tulad ng mga hiyas.

Song of Solomon 7:2

Paano inilalarawan ni Solomon ang pusod at puson ng kaniyang minamahal?

Inilarawan ni Solomon ang pusod ng kaniyang minamahal tulad ng isang pabilog na mangkok na hindi kailanman magkukulang ng pinaghalong alak at ang kaniyang puson bilang tambak ng trigo na napaliligiran ng mga liryo.

Song of Solomon 7:3-4

Paaano inilalarawan ni Solomon ang dalawang dibdib ng kaniyang mangingibig?

Inilarawan ni Solomon ang kaniyang dalawang dibdib tulad ng dalawang munting usa, magkakambal na gasel.

Paano inilalarawan ni Solomon ang leeg ng kaniyang mangingibig, mga mata, at ilong?

Inilarawan ni Solomon ang kaniyang leeg tulad ng isang garing tore, ang kaniyang mga mata tulad ng isang lawa, at ang kaniyang ilong ay tulad ng tore sa Lebanon.

Song of Solomon 7:5-6

Paano inilalarawan ni Solomon ang ulo at buhok ng kaniyang mangingibig?

Inilarawan ni Solomon ang kaniyang ulo tulad ng Bundok ng Carmel at ang kaniyang buhok na maitim.

Song of Solomon 7:7-8

Paano inilalarawan ni Solomon ang kaniyang mangingibig at ang kaniyang mga dibdib?

Siya ay inilarawan niya bilang isang puno ng palmang datiles at ang mga dibdib niya bilang mga kumpol ng bunga.

Ano rin ang nais niya maging katulad ng mga dibdib at hininga ng kaniyang mangingibig?

Nais niya rin maging katulad ng mga kumpol na ubas ang mga dibdib ng kaniyang mangingibig at ang hininga niya ay maging matamis tulad ng halimuyak ng bunga na aprikot.

Song of Solomon 7:9

Ano ang nais niya na maging katulad ng bibig ng kaniyang mangingibig?

Nais niya na ang kaniyang bibig ay maging katulad ng pinakamainam na alak.

Song of Solomon 7:10-11

Kanino pag-aari ang dalaga at sino ang ninanais ninanais ng hari?

Ang dalaga ay pag-aari ng kaniyang minamahal at ninanais siya ng kaniyang minamahal.

Saan nais ng dalaga na sumama sa kaniya ang kaniyang mangingibig?

Ninais niyang sumama siya sa kabukiran para magpalipas ng gabi sa mga nayon.

Song of Solomon 7:12

Bakit niya nais bumangon ng maaga ang kaniyang minamahal?

Ninais niyang bumangon siya ng maaga para tingnan kung umusbong ang mga puno ng ubas sa ubasan at ang mga bunga ng granada.

Ano ang sinasabi niyang ibibigay sa mangingibig niya kapag dumating sila sa mga ubasan?

Sabi niya ibibigay niya ang kaniyang pag-ibig sa kaniya.

Song of Solomon 7:13

Ano ang sinasabi niyang gagawin ng mga mandragora?

Sabi niya magbibigay ng kanilang halimuyak ang mga mandragora.

Ano ang sinabi niya na nasa pintuan kung saan siya at ang kaniyang mangingibig ay nananatili?

Sabi niya na sa pintuan kung saan sila ay nananatili ay may mga uri ng lahat na piling mga prutas, bago at luma, na kaniyang inimbak para sa kaniya.

Song of Solomon 8

Song of Solomon 8:1

Ano ang hinahangad ng babae na maging tulad ng kaniyang mangingibig at bakit?

Hinangad niyang maging tulad siya ng kaniyang kapatid na lalaki sa gayon mahahalikan niya ang kaniyang mangingibig anumang oras at walang sinuman ang maaaring humamak sa kaniya.

Song of Solomon 8:2-3

Saan gustong dalhin ng babae ang kaniyang mangingibig?

Gusto niyang dalhin siya sa bahay ng kaniyang ina para siya ay maturuan niya.

Ano ang ginagawa ng kanan at kaliwang kamay ng kaniyang mangingibig?

Hinahawakan ng kaliwang kamay niya ang kaniyang ulo at niyayapos siya ng kaniyang kanang kamay.

Song of Solomon 8:4

Ano ang nais ng babae na ipangako ng mga kababaihan sa Jerusalem?

Ninais ng babae na mangako ang mga kababaihan ng Jerusalem na hindi nila gagambalain ang pagtatalik niya at ng kaniyang mangingibig hanggang sila ay matapos.

Song of Solomon 8:5

Ano ang tinatanong ng mga kababaihan ng Jerusalem?

Tinanong nila kung sino ang dumarating mula sa ilang, na sumasandal sa kaniyang minamahal.

Ano ang sinasabi ng dalaga sa kaniyang mangingibig nang siya ay ginising niya sa ilalim ng puno ng aprikot?

Sinabi niya sa kaniya na siya ay ipinagbuntis ng kaniyang ina at ipinanganak siya sa ilalim ng puno ng aprikot.

Song of Solomon 8:6

Ano ang nais ng dalaga na gagawin ng kaniyang mangingibig at bakit?

Nais niyang ilagay siya bilang isang tatak sa puso niya dahil ang pag-ibig ay kasing lakas ng kamatayan at isang mainit na apoy.

Song of Solomon 8:7

Ano ang maaaring hindi makapagpipigil sa pag-ibig?

Hindi makapagpipigil sa pag-ibig ang napakaraming gumagalaw na tubig.

Song of Solomon 8:8

Ano ang sinasabi ng mga kapatid na lalaki ng babae tungkol sa bata nilang kapatid na babae?

Sabi nila hindi pa lumalaki ang kaniyang mga dibdib at iniisip nila kung ano ang kanilang gagawin para sa kaniya kapag siya ay naipangakong ipakakasal.

Song of Solomon 8:9

Ano ang gagawin ng mga kapatid na lalaki ng babae kung siya ay isang pader?

Kung siya ay isang pader, sila ay magtatayo ng isang tore ng pilak para sa kaniya.

Ano ang gagawin ng mga kapatid na lalaki ng babae kung siya ay isang pintuan?

Kung siya ay isang pintuan, siya ay pagagandahin nila ng may mga tabla ng sedar.

Song of Solomon 8:10

Paano inilalarawan ng dalaga ang kaniyang sarili?

Inilarawan niya ang kaniyang sarili tulad ng isang pader na may mga dibdib gaya ng kuta ng mga tore at ganap na ang laki.

Song of Solomon 8:11-12

Ano ang sinasabi ng dalaga na ginawa ni Solomon sa kaniyang ubasan sa Baal Hamon?

Pinaupahan ni Solomon ang kaniyang ubasan sa mga nais mag-alaga nito.

Ano ang sinasabi ng dalaga tungkol sa sarili niyang ubasan at sa mga nag-aalaga nito?

Sabi niya ang 1000 pera ay pag-aari ni Solomon at sa mga nag-alaga nito ay tatanggap ng 200 pera.

Song of Solomon 8:13

Ano ang sinasabi ng mangingibig ng babae sa kaniya na naninirahan sa mga hardin tungkol sa kung ano ang ninais ng mga kaibigan niya , maging ang nais niya rin na marinig?

Sabi niya na ang kaniyang mga kaibigan, tulad din niya, ay nais na makarinig ng kaniyang tinig.

Song of Solomon 8:14

Ano ang nais ng dalaga na gagawin ng kaniyang minamahal at maging katulad?

Nais niyang magmadali at maging tulad ng isang usa ang kaniyang minamahal.