Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Proverbs

Proverbs 1

Proverbs 1:1-3

Sino ang may-akda ng mga kawikaan na ito?

Si Solomon, ang hari ng Israel, ang may-akda ng mga kawikaan na ito.

Paano ang mga kawikaan na ito ay nagtuturo sa mga tao para mamuhay?

Ang mga kawikaan na ito ay nagtuturo sa mga tao na mamuhay sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang tama, makatarungan, at patas.

Proverbs 1:4-6

Ano ang maaaring matanggap ng matatalino sa pakikinig sa mga kawikaan na ito?

Ang matalino ay maaaring madagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig sa mga kawikaang ito.

Proverbs 1:7-9

Ano ang simula ng kaalaman?

Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman.

Sa kaninong tagubilin dapat makinig ang anak?

Ang anak ay dapat makinig sa tagubilin mula sa kaniyang ama at ina.

Proverbs 1:10-11

Ano ang dapat gawin ng anak kapag ang mga makasalanan ay sinubukan siyang akitin sa kasalanan?

Ang anak ay dapat tumangging sumunod sa mga sumusubok na akitin siya sa kasalanan.

Proverbs 1:12-14

Sa kung ano pupuin ng mga nagkakasala ang kanilang mga bahay?

Binabalak punuin ng mga nagkakasala ang kanilang mga bahay ng kanilang mga ninakaw sa iba.

Proverbs 1:15-17

Ano ang minamadaling gawin ng mga nagkakasala?

Ang mga nagkakasala ay nagmamadali na magdanak ng dugo.

Proverbs 1:18-19

Ano ang nagagawa ng hindi makatuwirang pagtamo sa mga taong kumakapit dito?

Ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.

Proverbs 1:20-22

Sino ang umiyak ng malakas sa lansangan, liwasang-bayan, at mga tarangkahan ng lungsod?

Ang karunungan ay umiiyak ng malakas sa lansangan, liwasang-bayan, at mga tarangkahan ng lungsod.

Proverbs 1:23-25

Ano ang ginawa ng mga kulang sa karunungan ng tumawag ang Karunungan sa kanila?

Ang mga kulang sa karunungan ay tumangging makinig at hindi pinansin ang Karunungan nang tinawag sila.

Proverbs 1:26-27

Ano ang gagawin ng Karunungan kapag ang kapamahakan ay dumating sa mga kulang sa karunungan?

Ang Karunungan ay tatawa kapag ang kapamahakan ay dumating sa mga kulang sa karunungan.

Proverbs 1:28-30

Ang ang gagawin ng Karunungan kapag ang mga kulang sa karunungan ay tumawag sa kaniya?

Ang Karunungan ay hindi sasagot kapag ang mga kulang sa karunungan ay tumawag sa kaniya.

Proverbs 1:31-33

Sa kung ano mapupuno ang mga kulang sa karunungan?

Ang mga kulang sa karunungan ay mapupuno ng bunga ng kanilang mga balak.

Paano namumuhay ang mga nakikinig sa karunungan?

Ang mga nakikinig sa karunungan ay namumuhay ng ligtas.

Proverbs 2

Proverbs 2:1-2

Ano ang nais ng Karunungan na pahalagahan ng kanyang anak na lalaki?

Nais ng Karunungan na pahalagahan ng kanyang anak na lalaki ang kanyang mga kautusan.

Proverbs 2:3-5

Paano dapat hanapin at saliksikin ng anak na lalaki ang kaunawaan?

Dapat hanapin ng anak na lalaki ang kaunawaan kagaya ng pilak, at saliksikin ito kagaya ng isang nakatagong kayamanan.

Kung hahanapin at sasaliksikin ng anak na lalaki ang kaunawaan, ano ang kanyang mahahanap?

Mahahanap ng anak na lalaki ang kaalaman ng Diyos.

Proverbs 2:6-8

Ano si Yahweh para sa mga lumalakad na may integridad.

Si Yahweh ay kalasag sa sinumang lumalakad na may integridad.

Proverbs 2:9-10

Kapag pumasok sa puso ng anak na lalaki ang karunungan, ano ang kanyang mauunawaan?

Mauunawaan ng anak na lalaki ang katuwiran, katarungan, pagkamakatao, at bawat mabuting landas.

Proverbs 2:11-13

Mula sa ano maililigtas ng mabuting pagpapasiya at kaunawaan ang anak na lalaki?

Mabuting pagpapasiya at kaunawaan ang magliligtas sa anak na lalaki mula sa landas ng masama at mula sa mga taong lumalakad sa mga landas ng kadiliman.

Proverbs 2:14-15

Sa ano nagagalak ang mga taong lumalakad sa kadiliman?

Ang mga taong lumalakad sa mga landas ng kadiliman ay nagagalak kapag sila ay gumagawa ng kasamaan.

Paano maitatago ng mga lumalakad sa daan ng kadiliman ang kanilang mga bakas?

Maitatago ng mga lumalakad sa kadilman ang kanilang mga bakas gamit ang panlilinlang.

Proverbs 2:16-17

Ano ang tinatalikuran at kinakalimutan ng babaeng imoral?

Tinatalikuran ng babaeng imoral ang kasamahan ng kanyang kabataan, at kinakalimutan ang tipan ng kanyang Diyos.

Proverbs 2:18-19

Saan patungo ang mga bakas ng babaeng imoral?

Ang mga bakas ng babaeng imoral ay patungo sa mga nasa libingan.

Proverbs 2:20-22

Kaninong mga daan dapat lumakad ang anak na lalaki?

Ang anak na lalaki ay dapat lumakad sa landas ng mga mabubuting tao at sa mga gumagawa ng matuwid.

Ano ang mangyayari sa mga gumagawa ng matuwid?

Ang mga gumagawa ng matuwid ay magtatayo ng tahanan sa lupain.

Ano ang mangyayari sa sinumang gumagawa ng masama?

Ang mga gumagawa ng masama ay ihihiwalay mula sa lupain.

Proverbs 3

Proverbs 3:1-2

Ano ang maidadagdag ng mga utos at mga turo ni Karunungan sa kaniyang anak?

Ang mga utos at mga turo ni Karunungan ay magdadagdag ng mga taon ng buhay at kapayapaan sa kaniyang anak.

Proverbs 3:3-4

Saan dapat nakasulat ang ang tipan na katapatan at pagiging katiwa-tiwala?

Ang tipan ng katapatan at pagiging katiwa-tiwala ay dapat nakasulat sa tableta ng puso.

Proverbs 3:5-6

Ano dapat ang hindi sandalan ng anak?

Ang anak ay hindi dapat sumandal sa (umasa sa) kaniyang sariling pang-unawa.

Proverbs 3:7-8

Paano dapat hindi tingnan ng anak ang kaniyang sarili?

Ang anak ay hindi dapat tingnan ang kaniyang sarili bilang marunong.

Proverbs 3:9-10

Ano ang dapat gawin ng anak sa kaniyang kayamanan?

Ang anak ay dapat parangalan si Yahweh ng kaniyang kayamanan.

Proverbs 3:11-12

Sino ang dinidisiplina ni Yahweh?

Dinidisiplina ni Yahweh ang kaniyang mga minamahal.

Proverbs 3:13-16

Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa ano?

Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa pilak at ginto.

Proverbs 3:17-18

Ano lahat ang mga landas ng karunungan?

Ang lahat ng mga landas ng karunungan ay kapayapaan.

Proverbs 3:19-20

Ano ang ginawa ni Yahweh sa pamamagitan ng karunungan?

Sa pamamagitan ng karunungan, itinatag ni Yahweh ang mundo.

Proverbs 3:21-22

Ano ang magsisilbing buhay sa kaluluwa ng anak?

Ang mausisa sa paghatol at pagkakilala ang magsisilbing buhay sa kaluluwa ng anak.

Proverbs 3:23-24

Kung ang anak ay lumalakad sa karunungan, ano ang mangyayari kapag siya ay humiga?

Kapag siya ay humiga, hindi siya matatakot at ang kaniyang tulog ay magiging masarap.

Proverbs 3:25-26

Sa ano hindi dapat matakot ang anak?

Ang anak ay hindi dapat matakot sa biglaang kaguluhan o ganap na pagkasira.

Proverbs 3:27-28

Ano ang dapat gawin ng anak sa mga karapat-dapat dito?

Ang anak ay hindi dapat pigilin ang mabuti mula sa mga karapat-dapat dito.

Proverbs 3:29-30

Ano ang hindi dapat gawin ng anak sa kaniyang kapwa?

Ang anak ay hindi dapat gumawa ng plano para saktan ang kaniyang kapwa.

Proverbs 3:31-32

Sino ang kasuklam-suklam kay Yahweh?

Ang nagsisinungaling na tao ay kasuklam-suklam kay Yahweh.

Proverbs 3:33-34

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa mga mangungutya?

Kinukutya ni Yahweh ang mga mangungutya.

Proverbs 3:35

Ano ang namamana ng marunong?

Ang marunong ay nagmamana ng karangalan.

Proverbs 4

Proverbs 4:1-2

Ano ang hindi dapat kalimutan ng mga anak?

Ang tagubilin ng kanilang ama ang hindi dapat kalimutan ng mga anak.

Proverbs 4:3-4

Paano sinabi ng ama sa anak kung papaano mamuhay?

Sinabi ng ama sa anak na mamuhay siya sa pagsunod sa mga utos ng ama.

Proverbs 4:5-6

Ano ang magagawa ng karunungan para sa anak kung hindi siya iiwanan ng anak, sa halip ay mamahalin siya?

Babantayan siya ng karunungan at pananatilihin siyang ligtas.

Proverbs 4:7-9

Ano ang gagawin ng karunungan para sa anak kung mamahalin at yayakapin siya ng anak?

Itataas siya ng karunungan, pararangalan siya. lalagyan siya ng isang korona sa kaniyang ulo, at bibigyan siya ng isang magandang korona.

Proverbs 4:10-12

Patungo sa anong uri ng landas ang pinangungunahan ng ama sa anak?

Pinangungunahan ng ama ang anak sa matuwid na landas.

Proverbs 4:13-15

Saan dapat kumapit ang anak, dahil ito ay kaniyang buhay?

Ang anak ay dapat kumapit sa disiplina, dahil ito ang kaniyang buhay.

Anong landas ang dapat iwasan ng anak?

Ang anak ay dapat umiwas sa landas ng masama.

Proverbs 4:16-17

Ano ang kailangan gawin ng masama bago sila makatulog?

Ang masama ay kailangang gumawa ng masama bago sila makatulog.

Proverbs 4:18-21

Ano ang katulad ng landas ng matuwid?

Ang landas ng matuwid ay katulad ng unang liwanag na patuloy na nagliliwanag.

Ano ang katulad ng landas ng masama?

Ang landas ng masama ay katulad ng kadiliman.

Proverbs 4:22-23

Bakit kailangan bantayan ng anak ang kaniyang puso ng buong sigasig?

Kailangan bantayan ng anak ang kaniyang puso ng buong sigasig dahil mula dito dumadaloy ang mga bukal ng buhay.

Proverbs 4:24-27

Anong uri ng pananalita at salita ang dapat alisin ng anak?

Ang baluktot na pananalita at maruruming salita ang dapat alisin ng anak.

Saan dapat nakatuon ng paningin ang anak?

Ang anak ay dapat nakatuon ng kaniyang paningin nang matuwid sa harap niya.

Proverbs 5

Proverbs 5:1-2

Ano ang matututunan ng anak kung siya ay makikinig mabuti sa kaunawaan?

Ang anak ay matututo ng mabuting pagpapasya kung siya ay makikinig mabuti sa kaunawaan.

Proverbs 5:3-4

Sa huli, ano ang tulad ng isang babaeng nangangalunya?

Sa huli, ang isang babaeng nangangalunya ay kasingpait ng halamang mapait.

Proverbs 5:5-6

Saan papunta ang mga paa ng isang babaeng nangangalunya?

Ang mga paa ng isang babaeng nangangalunya ay bumababa sa kamatayan, hanggang sa Sheol.

Proverbs 5:7-8

Anong landas ang dapat tahakin ng matatalinong anak hinggil sa isang babaeng nangangalunya at kaniyang bahay?

Ang matatalinong anak ay dapat tahakin ang landas malayo mula sa isang babaeng nangangalunya at hindi malapit sa kaniyang bahay.

Proverbs 5:9-10

Ano ang ipamimigay ng mga anak kung sila ay nadawit sa isang babaeng nangangalunya?

Kung sila ay nadawit sa isang babaeng nangangalunya, ang mga anak ay ipamimigay ang kanilang karangalan at mga taon ng kanilang buhay.

Proverbs 5:11-14

Ano ang mangyayari sa katapusan ng kanilang mga buhay kung ang mga anak ay nadawit sa isang babaeng nangangalunya?

Kung sila ay nadawit sa isang babaeng nangangalunya, ang kanilang laman at katawan ay mabubulok.

Anong panghihinayang ang sasabihin ng mga anak sa katapusan ng kanilang mga buhay kung sila ay nadawit sa isang babaeng nangangalunya?

Kung sila ay nadawit sa isang babaeng nangangalunya, sasabihin nila sa katapusan ng kanilang mga buhay na nanghihinayang sila na kinapootan nila ang disiplina at hinamak ang pagtatama.

Proverbs 5:15-17

Mula saan dapat uminom ang mga anak?

Ang mga anak ay dapat na uminom ng tubig mula sa kanilang sariling sisidlan at mula sa kanilang sariling balon.

Proverbs 5:18-19

Sino dapat ang kasama ng mga anak na magalak?

Ang mga anak ay dapat magalak sa asawa sa kanilang kabataan.

Ano dapat ang bumihag sa mga anak?

Ang mga anak ay dapat na mabihag ng pag-ibig ng asawa sa kanilang kabataan.

Proverbs 5:20-21

Ano ang nakikita ni Yahweh?

Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng isang tao.

Proverbs 5:22-23

Ano ang susunggab at hahawak ng mahigpit sa masamang tao?

Ang kaniyang kasalanan ay susunggaban at hahawakan ang masamang tao.

Proverbs 6

Proverbs 6:1-2

Paanong makakapaglagay ng bitag ang anak para sa kanyang sarili?

Ang anak ay maaaring maglagay bitag para sa kanyang sarili sa pagbibigay ng kaniyang pangako para sa pagkakautang sa hindi niya kilalang tao.

Proverbs 6:3-5

Ano ang dapat gawin ng anak para iligtas niya ang kaniyang sarili?

Para iligtas niya ang kaniyang sarili ang anak ay dapat pumunta sa kaniyang kapitbahay at magsumamo para mapalaya mula sa kaniyang pinangako.

Proverbs 6:6-8

Anong dapat pinag-aaralan ng tamad na tao?

Ang tamad na tao ay dapat pag-aralan ang langgam.

Ano ang ginagawa ng langgam sa tag-init?

Sa tag-init, ang langgam ay naghahanda at nag-iimbak ng kanilang pagkain.

Proverbs 6:9-11

Anong mangyayari sa tamad na tao na hindi bumangon mula sa kaniyang pagka-idlip?

kahirapan ang darating sa taong tamad na hindi bumangon mula sa kanyang pagka-idlip.

Proverbs 6:12-13

Sa ano namumuhay ang masamang tao?

Namumuhay ang masamang tao sa kabaluktutan ng kaniyang pananalita.

Proverbs 6:14-15

Anong mangyayari sa masamang tao dahil sa kaniyang mga masamang balak?

Agad maabutan ng sakuna ang masamang tao.

Proverbs 6:16

Ilang mga bagay ang kinamumuhian ni Yahweh at ilang mga bagay ang kasuklam-suklam sa kaniya?

Mayroong anim na bagay na kinamumuhian ni Yahweh, pito ang mga kasuklam-suklam para sa kaniya.

Proverbs 6:17-19

Anong klaseng paa ang kinamumuhian ni Yahweh?

Kinamumuhian ni Yahweh ang paa na mabilis tumakbo para gumawa na masama.

Anong klaseng saksi ang kinamumuhian ni Yahweh?

Kinamumuhian ni Yahweh ang saksi na nagsasalita ng kasinungalingan.

Proverbs 6:20-21

Ano ang mga lampara at ilaw para sa anak?

Ang mga utos at mga katuruan ng kaniyang ama at ina ay ang lampara at ilaw para sa anak.

Proverbs 6:22-25

Ano ang inihalintulad sa "mga utos" at "katuruan" ?

Ang mga utos ay inihalintulad sa isang lampara at ang mga katuruan ay inihalintulad sa isang ilaw.

Proverbs 6:26-29

Ano ang makakapinsala sa anak na lalaki sa pagsiping sa asawang babae ng iba?

Sa pagsiping sa asawang babae ng iba ay makakapinsala sa anak na lalaki ng kaniyang mismo buhay.

Proverbs 6:30-31

Bakit hindi kayang hamakin ng mga tao ang isang magnanakaw kung siya ay nagnakaw?

Ang mga tao ay hindi kaya hamakin ang isang magnanakaw kung ito ay nagnakaw para mabusog sa panahong gutom siya.

Proverbs 6:32-33

Sino ang masisira kapag nangalunya siya?

Ang nangangalunya ay sisirain ang kaniyang sarili.

Proverbs 6:34-35

Ano ang hindi tatanggapin ng naghihiganti laban sa pangangalunya?

Ang isang naghihiganti laban sa pangangalunya ay hindi tatanggap ng kabayaran.

Proverbs 7

Proverbs 7:1-3

Ano ang dapat sundin at itago ng anak na lalaki upang mabuhay?

Ang anak na lalaki ay dapat sundin at itago ang mga utos at tagubilin ng kaniyang ama.

Proverbs 7:4-5

Mula kanino dapat iiwas ng karunungan at kaunawaan ang anak na lalaki?

Ang karunungan at kaunawaan ang mag-iiwas sa anak na lalaki mula sa mapang-akit na babae.

Proverbs 7:6-9

Ano ang nakita ni Solomon ng siya ay sumulip sa puwang ng bintana?

Nakita ni Solomon ang maraming batang lalaki na hindi naturuan at sa karamihan nila ay may isang batang lalaki na wala sa kaisipan.

Proverbs 7:10-12

Paano manamit ang babae na kinatagpo ng batang lalaki?

Ang babae ay nakadamit katulad ng isang bayarang babae.

Ano ang ginagawa ng babae sa bawat sulok?

Ang babae ay nag-aabang sa bawat sulok.

Proverbs 7:13-15

Ano ang ginawa ng babae sa maagang araw na iyon?

Maaga ng araw na iyon, ang babae ay gumawa ng kaniyang paghahandog ng kapayapaan.

Ano ang kinasasabikan na makita ng babae?

Ang babae ay kinasasabikan na makita ang mukha ng batang lalaki.

Proverbs 7:16-18

Ano ang gagawin ng batang lalaki sa pag-anyaya sa kaniya ng babae?

Inanyayahan ng babae ang batang lalaki para pumunta kasama niya sa kaniyang kama hanggang mag-umaga.

Proverbs 7:19-21

Nasaan ang asawa ng babae?

Ang asawa ng babae ay nasa malayo sa isang matagal na paglalakbay.

Proverbs 7:22-23

Sa paanong paraan sumunod ang batang lalaki sa babae?

Ang batang lalaki ay sumunod sa babae tulad ng isang bakang lalaki sa katayan o tulad ng isang usa na nahuli sa isang patibong.

Ano ang magiging kabayaran ng kinikilos ng batang lalaki sa kaniya?

Ang kabayaran ng kinikilos ng batang lalaki ay ang kaniyang buhay.

Proverbs 7:24-25

Ano ang matalinong tagubilin ang ibinigay sa batang lalaki tungkol sa babae?

Ang batang lalaki ay mahusay na tinuruan na huwag maligaw sa landas niya.

Proverbs 7:26-27

Sa anong daan ang bahay ng babae?

Ang bahay ng babae ay sa daan patungong sheol.

Proverbs 8

Proverbs 8:1-3

Sino ang nananawagan sa tabi ng pasukan sa lungsod?

Ang karunungan ang nananawagan sa tabi ng pasukan sa lungsod.

Proverbs 8:4-5

Para kanino tumatawag ang karunungan?

Ang karunungan ay tumatawag sa mga anak ng sangkatauhan.

Proverbs 8:6-9

Anong mga uri ng mga bagay ang sinasabi ng karunungan?

Ang karunungan ay nagsasabi ng mga mararangal na bagay at kung ano ang mapagkakatiwalan.

Proverbs 8:10-11

Sa ano mas higit na mahalaga ang karunungan?

Ang karunungan ay mas higit na mahalaga kaysa sa mga hiyas.

Proverbs 8:12-13

Ano ang kinapopootan ng mga may takot kay Yahweh?

Kinapopootan ng mga may takot kay Yahweh ang kasamaan, pagmamataas, kayabangan, at maling pananalita

Proverbs 8:14-18

Paano namamahala ang mga hari at mga prinsipe na mayroong karunungan?

Makatarungan na namamahala ang mga hari at mga prinsipe na mayroong karunungan.

Proverbs 8:19-21

Ano ang mas mabuting bunga ng karunungan?

Ang bunga ng karunungan ay mas mabuti pa kaysa sa ginto at pilak.

Ano ang ibibigay ng karunungan sa kanilang mga nagmamahal sa kaniya?

Ang karunungan ay magbibigay ng isang mana sa kanilang mga nagmamahal sa kaniya.

Proverbs 8:22-25

Kailan itinayo ang karunungan?

Itinayo ang karunungan mula pa noong unang panahon, mula ng una.

Proverbs 8:26-29

Nasaan ang karunungan nang likhain ni Yahweh ang lupa at kalangitan?

Naroon na ang karunungan nang likhain ni Yahweh ang lupa at kalangitan.

Proverbs 8:30-34

Ano ang ginagawa ng karunungan sa tabi ni Yahweh nang likhain ni Yahweh ang lahat ng bagay?

Ang karunungan ay nasa tabi ni Yahweh nang likhain ni Yahweh ang lahat ng bagay bilang isang dalubhasang manggagawa.

Ano ang kinasisiyahan ng karunungan?

Kinasisiyahan ng karunungan ang sangkatauhan.

Proverbs 8:35-36

Ano rin ang matatagpuan ng siya na bigong matagpuan ang karunungan?

Kamatayan rin ang matatagpuan ng siyang bigong nakatagpo ng karunungan.

Proverbs 9

Proverbs 9:1-2

Ano ang itinayo ng Karunungan?

Itinayo ng Karunungan ang kaniyang sariling bahay.

Proverbs 9:3-4

Kanino nakatukoy ang paanyaya na pinadala ng Karunungan?

Ang mga paanyaya na pinadala ng Karunungan ay nakatukoy sa mga hindi naturuan, sa mga walang alam.

Proverbs 9:5-6

Ano ang sinasabi ng Karunungan na dapat iwanan ng mga hindi naturuan?

Sinasabi ng Karunungan na dapat iwanan ng mga hindi naturuan ang kanilang hindi naturuang pamamaraan.

Proverbs 9:7-9

Ano ang nangyayari sa isa na siyang itinatama ang mangungutya?

Ang isa na siyang itinatama ang mangungutya ay nag-aanyaya ng abuso at masasaktan at kamumuhian.

Ano ang nangyayari sa isa na siyang nagtatagubilin ng matalinong tao?

Ang isa na siyang nagtatagubilin ng matalinong tao ay minamahal.

Proverbs 9:10-12

Ano ang simula ng karunungan?

Ang takot kay Yahweh ang simula ng karunungan.

Ano ang pang-unawa?

Ang kaalaman sa Isang Banal ay pang-unawa.

Proverbs 9:13-15

Ano ang mga katangian ng mangmang na babae?

Ang mangmang na babae ay maingay, hindi naturuan, at walang alam.

Proverbs 9:16-18

Sa simula, ano ang mga ninakaw at lihim na mga bagay para sa taong nakakuha nito?

Sa simula, ang mga ninakaw at lihim na mga bagay ay maaaring maging matamis at kaaya-aya sa taong nakakuha nito.

Sino ang mga nasa bahay ng mangmang na babae?

Ang patay sa kailaliman ng Sheol ang nasa bahay ng babae.

Proverbs 10

Proverbs 10:1-3

Paano ang tumugon ang isang ama sa marunong na anak?

Napapasaya ang ama ng marunong na anak.

Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga pananabik ng masama?

Binibigo ni Yahweh ang mga pananabik ng masama.

Proverbs 10:4-5

Ano ang bunga ng isang kamay na tamad?

Ang kamay na tamad ay nagdudulot sa isang tao para maging mahirap.

Proverbs 10:6-7

Anong matatanggap ng mga gumagawa ng tama mula sa Diyos?

Silang gumagawa ng tama ay makakatanggap ng mga regalo mula sa Diyos.

Proverbs 10:8-11

Ano ang mangyayari sa isang madaldal na hangal?

Ang isang madaldal na hangal ay mapapahamak.

Proverbs 10:12-15

Ano ang tinatakpan ng pag-ibig?

Tatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagkakasala.

Ano ang matatagpuan sa mga labi ng isang marunong tao?

Karunungan ang matatagpuan sa mga labi ng isang marunong tao.

Proverbs 10:16-17

Ano ang mangyayari sa isa na tumatanggi sa pagpuna?

Ang tumatanggi sa pagpuna ay nadadala sa pagkaligaw.

Proverbs 10:18-21

Ano ang hindi nagkukulang kapag may maraming salita?

Ang paglabag (kasalanan) ay hindi nagkukulang kapag may maraming salita.

Proverbs 10:22-23

Ano dinadala ng mga mabuting regalo ni Yahweh?

Ang mabuting regalo ni Yahweh ay nagdadala ng kayamanan.

Proverbs 10:24-25

Tulad ng ano ang isang masama?

Ang masama ay tulad ng isang bagyo na dumadaan at lumilipas rin.

Proverbs 10:26-27

Tulad ng ano ang usok sa mga mata?

Ang batugan ay tulad ng usok sa mga mata ng nagpadala sa kaniya.

Ano ang magiging ng mga taon ng masama?

Mapapaigsi ang mga taon ng masama.

Proverbs 10:28-30

Sino ang iingatan sa paraan ni Yahweh?

Ang paraan ni Yahweh ay nag-iingat sa kanila na may katapatan.

Proverbs 10:31-32

Ano ang lumalabas mula sa bibig ng gumagawa ng tama?

Mula sa bibig ng mga gumagawa ng tama ay dumadating ang bunga ng karunungan.

Proverbs 11

Proverbs 11:1-2

Ano ang darating bago ang kahihiyan?

Pagmamataas ang darating bago ang kahihiyan.

Proverbs 11:3-4

Ano ang mahalaga sa araw ng matinding kapootan?

Paggawa ng tama ay mahalaga sa araw ng matinding kapootan.

Proverbs 11:5-6

Ano ang bumibitag sa mandaraya (masama)?

Ang mandaraya ay nabibitag sa pamamagitan ng kanilang mga paghahangad.

Proverbs 11:7-8

Ano ang maglalayo sa isang tao mula sa kaguluhan?

Ang paggawa kung ano ang tama ay mag-lalayo sa isang tao mula sa kaguluhan.

Proverbs 11:9-11

Paano sinisira ng taong walang diyos ang kaniyang kapwa?

Sinisira ng taong walang diyos ang kaniyang kapwa sa pamamagitan ng kaniyang bibig.

Proverbs 11:12-14

Ano ang ginagawa ng isang matapat na tao sa halip na manirang puri?

Ang isang matapat na tao ay pinananatiling takpan ang isang bagay sa halip na manirang puri.

Proverbs 11:15-16

Ano ang dapat gawin ng isang tao para sa isang hindi niya kakilala dahil ito ay magdadala sa kaniyang sarili ng kapahamakan?

Ang isang tao ay hindi dapat mag-garantiya sa utang na para sa isang hindi kakilala.

Proverbs 11:17-18

Paano kinukuha ng isang taong masama ang kaniyang mga kabayaran?

Ang isang taong masama ay nagsisinungaling para makuha ang kaniyang mga kabayaran.

Proverbs 11:19-20

Sa kanino si Yahweh nagagalak?

Si Yahweh ay nagagalak sa mga taong ang pamamaraan ay walang kapintasan.

Proverbs 11:21-22

Sa ano maaaring maging tiyak ang bawat isa?

Ang bawat isa ay maaaring maging tiyak na ang masama ay hindi maaaring hindi mapaparusahan.

Proverbs 11:23-24

Ano ang mangyayari sa isang naghahasik ng binhi?

Ang isang naghahasik ng mga binhi ay makakapag-tipon ng higit pa.

Proverbs 11:25-26

Ano ang matatanggap ng isang na nagbibigay ng tubig sa iba?

Ang isang nagbibigay ng tubig sa iba ay makatatanggap ng tubig para sa kaniyang sarili.

Proverbs 11:27-29

Ano ang mangyayari sa isang nagtitiwala sa kaniyang mga kayamanan?

Ang isang nagtitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay babagsak.

Proverbs 11:30-31

Sino ang katulad ng isang puno ng buhay?

Sila na gumagawa ng tama ay katulad ng isang puno ng buhay.

Sino ang tatanggap ng kung ano ang karapat-dapat sa kanila?

Sila na gumagawa ng tama, at lalo pa ang masama at ang makasalanan ay tatanggap kung ano ang karapat-dapat sa kanila.

Proverbs 12

Proverbs 12:1-2

Saan namumuhi ang taong mangmang?

Ang taong mangmang ay namumuhi sa pagtatama.

Sino ang pinarurusahan ni Yahweh?

Pinarurusahan ni Yahweh ang taong gumagawa ng masamang mga plano.

Proverbs 12:3-4

Ano ang korona ng asawang lalaki?

Isang karapat-dapat na asawang babae ang korona ng asawang lalaki.

Proverbs 12:5-6

Anong uri ng payo ang binibigay ng masasama?

Mapanlinlang na payo ang binibigay ng masasama.

Proverbs 12:7-8

Ano ang mangyayari sa bahay ng mga matuwid?

Mananatili ang bahay ng mga matuwid.

Proverbs 12:9-12

Sino ang nagmamalasakit sa pangangailangan ng kaniyang alagang hayop?

Ang matuwid ang nagmamalasakit ng pangangailangan ng kaniyang alagang hayop.

Proverbs 12:13-14

Ano ang nagpapahuli sa masamang tao?

Ang masamang tao ay naghuhuli sa kaniyang masamang pananalita.

Proverbs 12:15-16

Ano ang tingin ng hangal sa kaniyang sariling kaparaanan?

Tama ang paningin ng isang hangal sa kaniyang kaparaanan.

Proverbs 12:17-18

Ano ang katulad ng mga salitang padalos-dalos?

Ang mga salitang padalos-dalos ay tulad ng saksak ng isang espada.

Proverbs 12:19-20

Ano ang nasa puso ng mga nagbabalak ng kasamaan?

Panlilinlang ang nasa puso ng mga nagbabalak ng kasamaan.

Proverbs 12:21-22

Sa ano galit si Yahweh?

Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi.

Proverbs 12:23-24

Sa ano sasailalim ang mga tamad?

Ang mga tamad ay sasailalim sa sapilitang pagtatrabaho.

Proverbs 12:25-26

Saan sila inaakay ng kaparaanan ng masasama?

Sa lihis na daan sila inaakay ng mga kaparaanan ng masasama.

Proverbs 12:27-28

Ano ang nasusumpungan ng mga lumalakad sa tamang daan?

Buhay ang nasusumpungan ng mga lumalakad sa tamang daan.

Proverbs 13

Proverbs 13:1-2

Ano ang pinapakinggan ng matalinong anak?

Ang pinapakinggan ng matalinong anak ay ang tagubilin ng kaniyang ama.

Proverbs 13:3-6

Paano pinapangalagaan ng isang tao ang kaniyang buhay?

Pinapangalagaan ng isang tao ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagbabantay ng kaniyang bibig.

Sino ang nananabik ng labis, pero walang nakukuha?

Ang tamad ay nananabik ng labis, pero walang nakukuha.

Proverbs 13:7-8

Paano naging tunay na mayaman ang ilan?

Ang ilan ay tunay na mayaman sa pamamagitan ng pamimigay ng lahat ng bagay.

Anong uri ng pagbabanta ang hindi kailanman matatanggap ng isang taong mahirap?

Ang isang taong mahirap ay hindi kailanman makakatanggap ng banta ng pagtubos.

Proverbs 13:9-10

Ano ang bunga ng pagmamataas?

Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng hindi pagkakasundo.

Proverbs 13:11-12

Paano nauubos ang kayamanan?

Ang kayamanan ay nauubos kapag mayroong labis na kalayawan.

Proverbs 13:13-14

Ano ang bukal ng buhay?

Ang katuruan ng isang matalino ay bukal ng buhay.

Proverbs 13:15-16

Mula saan gumagawa ng pagpapasiya ang matalino?

Ang matalino ay gumagawa mula sa kaalaman sa bawat pagpapasya.

Proverbs 13:17-18

Ano ang darating sa kaniya na natutututo mula sa pagtatama?

Darating ang karangalan sa kaniya na natutututo mula sa pagtatama.

Proverbs 13:19-20

Kanino dapat sumamang lumakad ang isang tao para maging matalino?

Para maging matalino, ang isang tao ay dapat lumakad kasama ang mga matatalinong tao.

Proverbs 13:21-22

Para kanino inipon ang kayamanan ng isang makasalanan?

Ang kayamanan ng isang makasalanan ay inipon para sa mga gumagawa ng tama.

Proverbs 13:23-24

Paano ipinapakita ng isang magulang ang pagmamahal para sa kaniyang anak?

Ipinapakita ng isang magulang ang pagmamahal para sa kaniyang anak sa pamamagitan ng pagiging maingat sa pagdidisiplina sa kaniya.

Proverbs 13:25

Nasa anong kalagayan ang tiyan ng masama?

Ang tiyan ng masama ay laging nagugutom.

Proverbs 14

Proverbs 14:1-4

Ano ang ginagawa ng isang marunong na babae?

Ang isang marunong na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay.

Sino ang humahamak kay Yahweh?

Ang isa na hindi tapat sa kaniyang mga pamamaraan ay humahamak kay Yahweh.

Proverbs 14:5-6

Ano ang hindi ginagawa ng isang matapat na saksi?

Ang isang matapat na saksi ay hindi nagsisinungaling.

Proverbs 14:7-10

Ano ang hindi matatagpuan sa mga labi ng isang hangal?

Ang kaalaman ay hindi matatagpuan sa mga labi ng isang hangal.

Proverbs 14:11-12

Ano ang mangyayari sa bahay ng masama?

Ang bahay ng masama ay wawasakin.

Ano ang mangyayari sa tolda ng matuwid?

Ang tolda ng matuwid ay sasagana.

Proverbs 14:13-14

Ano ang hindi matatamo ng isang taong hindi matapat?

Ang isang tao na hindi matapat ay makukuha kung ano ang karapat-dapat sa kaniyang mga pamamaraan.

Proverbs 14:15-16

Ano ang ginagawa ng hangal kapag siya ay binabalaan?

Ang hangal ay may katapangang loob na binabalewala ang babala.

Proverbs 14:17-18

Ano ang ginagawa ng isang tao na madaling magalit?

Ang isang tao na madaling magalit ay gumagawa ng mga kahangalan.

Proverbs 14:19-20

Kanino yuyuko ang masama?

Ang masama ay yuyuko sa harap ng mga mabubuti.

Proverbs 14:21-22

Ano ang natatanggap ng mga nagbabalak ng gumawa ng mabuti?

Ang mga nagbabalak na gumawa ng mabuti ay tumatanggap ng tipan ng katapatan at pagtitiwala.

Proverbs 14:23-25

Ano ang dumarating kasama ng lahat ng pagpupunyagi?

Sa lahat ng pagpupunyagi ay dumarating ang pakinabang.

Proverbs 14:26-27

Ano ang isang bukal ng buhay?

Ang pagkatakot kay Yahweh ay isang bukal ng buhay.

Proverbs 14:28-29

Sino ang nagdadakila sa kahangalan?

Ang madaling magalit ay nagdadakila sa kahangalan.

Proverbs 14:30-33

Sino ang sumusumpa sa kaniyang Maykapal sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa?

Ang isa na pinapahirapan ang mahihirap ay isinusumpa ang kaniyang Maykapal.

Proverbs 14:34-35

Ano ang dumadakila sa isang bansa?

Ang paggawa ng kung ano ang matuwid ay nagdadakila sa isang bansa.

Proverbs 15

Proverbs 15:1-2

Ano ang nag-aalis ng poot?

Isang malumanay na sagot ang nag-aalis ng poot.

Proverbs 15:3-4

Kanino nagmamasid si Yahweh?

Si Yahweh ay nagmamasid sa masasama at mabubuti.

Proverbs 15:5-6

Ano ang ugali ng mangmang tungo sa pagdidisiplina ng kaniyang ama?

Ang mangmang ay hinamak ang pagdidisiplina ng kaniyang ama.

Proverbs 15:7-8

Anong uri ng pag-aalay ang kinasusuklaman ni Yahweh?

Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga pag-aalay ng mga masasama.

Proverbs 15:9-12

Ano ang naghihintay sa mga tumatalikod sa tamang daan?

Malupit na pagdidisiplina ang naghihintay sa lahat ng tumatalikod sa tamang daan.

Proverbs 15:13-14

Ano ang naglilikha sa maayang mukha?

Pusong nagagalak ang naglilikha ng maayang mukha.

Proverbs 15:15-16

Ano ang mas mabuti kaysa sa labis na kayamanan na may kaguluhan?

Ang kaunti na may takot kay Yahweh ay mas mabuti kaysa sa labis na kayamanan na may kaguluhan.

Proverbs 15:17-18

Anong uri ng tao ang nagpapayapa sa alitan?

Ang tao na siyang hindi madaling magalit ang nagpapayapa sa alitan.

Proverbs 15:19-20

Ano ang dinadala ng matalinong anak na lalaki sa kaniyang ama?

Ang matalinong anak na lalaki ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama.

Proverbs 15:21-24

Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng mga balakin?

Maraming mga taga-payo ang dahilan kaya nagtatagumpay ang mga balakin.

Proverbs 15:25-26

Ano ang winawasak ni Yahweh?

Winawasak ni Yahweh ang pamana ng mga mapagmataas.

Proverbs 15:27-30

Ano ang ginagawa ng gumagawa ng tama bago siya sumagot?

Ang gumagawa ng tama ay nag-iisip bago sumagot.

Proverbs 15:31-32

Ano ang ginagawa ng matalinong tao kapag may isang tao na nagtatama sa kaniya?

Ang matalinong tao ay nagbibigay ng pansin kapag may isang tao na nagtatama sa kaniya.

Proverbs 15:33

Ano ang nauuna bago ang dangal?

Kababaang-loob ay nauuna bago ang dangal.

Proverbs 16

Proverbs 16:1-2

Paano tinitingnan ng isang tao ang lahat ng kanyang pamamaraan?

Lahat ng pamamaraan ng isang tao ay malinis sa kanyang sariling paningin.

Proverbs 16:3-4

Para sa ano ginawa ni Yahweh ang lahat ng bagay?

Ginawa ni Yahweh ang lahat ng bagay para sa kanyang layunin.

Proverbs 16:5-8

Sa pamamagitan ng ano napapatawad ang kasalanan?

Napapatawad ang kasalanan sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan at pagkamaaasahan.

Proverbs 16:9-10

Kapag pinaplano ng isang tao ang kanyang landas, ano ang ginagawa ni Yahweh?

Kapag pinaplano ng isang tao ang kanyang landas, tinuturo ni Yahweh ang kanyang mga hakbang.

Proverbs 16:11-12

Paano napapatatag ang isang trono?

Ang isang trono ay napapatatag sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang tama.

Proverbs 16:13-14

Ano ang isang sugo ng kamatayan?

Ang matinding galit ng isang hari ang isang sugo ng kamatayan.

Proverbs 16:15-16

Ano ang dapat piliin nang higit pa sa ginto at pilak?

Ang karunungan at pang-unawa ay dapat piliin kaysa ginto at pilak.

Proverbs 16:17-18

Ano ang dumadating bago sa isang pagbagsak?

Ang mapagmataas na kalooban ay dumadating bago sa isang pagbagsak.

Proverbs 16:19-22

Paano masusumpungan ng isang tao kung ano ang mabuti sa kung ano ang itinuturo sa kaniya?

Ang taong nagbubulay-bulay sa kung ano ang itinuturo sa kaniya ay makakasumpong ng kung ano ang mabuti.

Proverbs 16:23-24

Ano ang ginagawa ng puso ng marunong para sa kaniyang bibig?

Ang puso ng marunong ay nagbibigay ng mahusay na pananaw sa kaniyang bibig.

Proverbs 16:25-26

Kahit na ang isang daan ay tama sa tingin ng isang tao, saan ito maaaring humantong?

Kahit na ang isang daan ay tama sa tingin ng isang tao, maaari itong humantong sa kamatayan.

Proverbs 16:27-28

Ano ang naghihiwalay sa matalik na magkaibigan?

Ang tsismis ang naghihiwalay sa matalik na magkaibigan.

Proverbs 16:29-30

Ano ang ginagawa ng isang taong kumikindat?

Ang isang taong kumikindat ay nagbabalak ng napakasamang mga bagay.

Proverbs 16:31-32

Ano ang isang korona ng karangalan?

Ang mga puting buhok ay isang korona ng karangalan.

Sino ang mas malakas kaysa sa taong sumasakop sa isang lungsod?

Ang isang nagpipigil sa kanyang sarili ay mas malakas kaysa sa isang sumasakop sa isang lungsod.

Proverbs 16:33

Paano ginagawa ang pagpapasya sa mga palabunutan?

Ang pagpapasya sa mga palabunutan ay ginagawa ni Yahweh.

Proverbs 17

Proverbs 17:1-2

Ano ang ginagawa ng marunong na alipin sa kahiya-hiyang anak na lalaki?

Pinamamahalaan ng isang marunong na alipin ang isang kahiya-hiyang anak na lalaki.

Proverbs 17:3-4

Kanino itinutuon ng sinungaling ang kanyang pansin?

Itinutuon ng sinungaling ang kanyang pansin sa mga taong nagsasalita ng mga masasamang bagay.

Proverbs 17:5-6

Ano ang mangyayari sa mga taong nagagalak sa kasawian?

Ang mga taong nagagalak sa kasawian ay hindi makakaligtas sa kaparusahan.

Proverbs 17:7-8

Paano na ang isang suhol ay kagaya ng mahikang-bato?

Ang suhol ay kagaya ng isang mahikang bato sapagkat ang sinumang nagbibigay nito ay nagtatagumpay kahit saan man siya dumako.

Proverbs 17:9-10

Kahit anong kabiguan ang makaka-epekto ng labis sa isang hangal?

Kahit na isang daang dagok ay bigong makaka-epekto ng labis sa isang hangal.

Proverbs 17:11-12

Ano ang mas malala kaysa sa makasalubong ang isang osong ninakawan ng kanyang anak?

Ang makatagpo ang isang hangal sa kanyang kahangalan ay mas malala pa kaysa makasalubong ang isang oso na ninakawan ng kanyang anak.

Proverbs 17:13-14

Ano ang dapat gawin ng isang tao bago magsimula ang isang pagtatalo?

Ang isang tao ay dapat nang lumayo bago magsimula ang isang pagtatalo.

Proverbs 17:15-16

Anong uri ng mga tao ang karumal-dumal kay Yahweh?

Ang isang taong nagpapawalang-sala sa mga taong masama o humahatol sa mga gumagawa ng mabuti ay karumal-dumal kay Yahweh.

Proverbs 17:17-18

Ano ang ginagawa ng taong walang isip?

Ang taong walang isip ay gumagawa ng mahigpit na pangako para sa utang ng kanyang kapitbahay.

Proverbs 17:19-20

Ano ang dahilan ng pagkahulog ng isang tao sa kapahamakan?

Ang taong may tiwaling dila ay babagsak sa kapahamakan.

Proverbs 17:21-24

Ano ang mainam na gamot?

Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot.

Proverbs 17:25-26

Ano ang mangmang na anak para sa kaniyang ama at kaniyang ina?

Ang mangmang na anak ay isang pighati sa kanyang ama at kapaitan para sa kanyang ina.

Proverbs 17:27-28

Paano maituturing na matalino ang isang mangmang ?

Ang isang mangmang ay maaaring ituring na matalino kung nananatili siyang tahimik.

Proverbs 18

Proverbs 18:1-2

Saan hindi nakahahanap ng kasiyahan ang hangal?

Ang hangal ay hindi nakahahanap ng kasiyahan sa pag-unawa.

Proverbs 18:3-4

Ano ang kasama sa pagdating ng masama?

Paghamak, kahihiyan at kasiraan ang kasama sa pagdating ng masama.

Proverbs 18:5-6

Ano ang dala ng labi ng mangmang?

Ang labi ng mangmang ay nagdadala sa kaniya ng alitan.

Proverbs 18:7-8

Ano ang katulad ng masarap na pagkain?

Ang mga tsimis ay tulad ng masarap na pagkain.

Proverbs 18:9-10

Ano ang matibay na tore?

Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tore.

Proverbs 18:11-12

Ano ang ugali ng isang tao bago ang kaniyang pagbagsak?

Bago ang kaniyang pagbagsak, ang puso ng tao ay mapagmataas.

Proverbs 18:13-16

Ano ang mahirap tiisin?

Ang isang espiritung mahina ay mahirap tiisin.

Proverbs 18:17-18

Sino ang mukhang tama sa una?

Ang unang maglapit ng kaniyang kaso ang mukhang tama sa una.

Proverbs 18:19-20

Ano ang mas mahirap na amuin kaysa isang matatag na lungsod?

Ang nasaktang kapatid ay mas mahirap na amuin kaysa isang matatag na lungsod.

Proverbs 18:21-22

Ano ang nasa kapangyarihan ng dila?

Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila.

Proverbs 18:23-24

Paano sinasagot ng mayaman ang ibang tao?

Ang sagot ng mayaman sa ibang tao ay magaspang.

Proverbs 19

Proverbs 19:1-4

Ano ang dapat mayroon sa isang tao bilang karagdagan sa pagnanais?

Ang isang tao ay dapat mayroong kaalaman bilang karagdagan sa pagnanais.

Proverbs 19:5-6

Ano ang mangyayari sa isang bulaang saksi?

Ang bulaang saksi ay mapaparusahan.

Proverbs 19:7-10

Ano ang mangyayari sa mahirap na nanawagan sa kaniyang mga kaibigan?

kapag ang mahirap ay nanawagan sa kaniyang mga kaibigan, sila ay nawawala.

Ano ang ginagawa ng taong nagmamahal sa kaniyang sariling buhay?

Ang taong nagmamahal sa kaniyang sariling buhay ay magkakaroon ng karunungan.

Proverbs 19:11-12

Ano ang ginagawa ng isang taong maingat kapag siya ay ginagawan ng kasalanan?

Ang isang taong maingat ay hindi pinapansin ang kasalanan.

Proverbs 19:13-16

Ano ang katulad ng tubig na tuloy-tuloy ng patak?

Ang mapangaway na asawang babae ay katulad ng tuloy-tuloy na patak ng tubig.

Mula saan nanggaling ang isang masinop na asawang babae?

Ang masinop na asawang babae ay mula kay Yahweh.

Proverbs 19:17-18

Paano nagpapautang ang isang tao kay Yahweh?

Ang sinumang mabait sa mga mahihirap ay nagpapautang kay Yaweh.

Proverbs 19:19-22

Sino ang dapat sagipin sa pangalawang pagkakataon?

Ang taong mainitin ang ulo ay dapat sagipin sa pangalawang pakakataon.

Paano ang isang tao ay magiging marunong sa katapusan ng kaniyang buhay?

Ang isang tao ay magiging marunong sa katapusan ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng pakikinig ng payo at pagtanggap ng tagubilin.

Proverbs 19:23-25

Ano ang nagdadala ng buhay sa mga tao?

Ang pagpaparangal kay Yahweh ang nagdadala ng buhay sa mga tao.

Ano ang hindi kayang gawin ng isang batugan?

Ang isang batugan ay hindi kayang i-angat maging ang kaniyang kamay sa pagkain pataas sa kaniyang bibig.

Proverbs 19:26-27

Ano ang dinadala ng isang anak na ninanakawan ang kaniyang ama at pinalalayas kaniyang ina?

Ang isang anak na ninanakawan ang kaniyang ama at pinalalayas ang kaniyang ina ay nagdadala ng kahihiyan at kasiraan.

Proverbs 19:28-29

Sino ang ginagawang kakutya-kutya sa katarunangan?

Ang isang masamang saksi ay ginagawang kakutya-kutya ang katarungan.

Proverbs 20

Proverbs 20:1-2

Ano ang mangyayari sa isang taong ginagalit ang hari?

Ang isang tao na ginagalit ang hari ay binabalewala ang kaniyang buhay.

Proverbs 20:3-4

Sa ano sumasali ang bawat hangal?

Bawat hangal ay sumasali sa isang pagtatalo.

Proverbs 20:5-8

Anong uri ng tao ang mahirap matagpuan?

Ang isang matapat na tao ay mahirap matagpuan.

Proverbs 20:9-10

Ano ang isang bagay na hindi maaaring sabihin patungkol sa kaniyang sarili?

Walang maaaring makapagsabi patungkol sa kaniyang sarili, "Pinanatili kong malinis ang aking puso; Ako ay malaya mula sa kasalanan."

Proverbs 20:11-12

Sa pamamagitan ng kung ano nakikilala kahit ang isang kabataan?

Kahit ang isang kabataan ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang mga kilos.

Proverbs 20:13-14

Ang pagmamahal sa ano ang nagdadala sa isang tao sa kahirapan?

Ang pagmamahal sa pagtulog ang nagdadala sa isang tao sa kahirapan.

Proverbs 20:15-16

Ano ang katulad ng isang mamahaling hiyas?

Ang mga labi ng kaalaman ay katulad ng isang mamahaling hiyas.

Proverbs 20:17-18

Ano ang lasa ng tinapay matapos makamit sa pamamagitan ng panlilinlang?

Ang tinapay matapos makamit sa pamamagitan ng panlilinlang ay lasang graba.

Proverbs 20:19-20

Ano ang nangyayari sa isang tao na isinusumpa ang kaniyang ama o ina?

Ang isang tao na isinusumpa ang kaniyang ama o ina ang kaniyang ilawan ay papatayin.

Proverbs 20:21-24

Sa halip na subukang gantihan ang isang tao sa isang pagkakamali, ano ang dapat gawin ng isang tao?

Sa halip na subukang gantihan ang isang tao, ang isang tao ay dapat hintayin si Yahweh para sagipin siya.

Proverbs 20:25-26

Ano ang nagiging patibong kapag gumagawa nang padalus-dalos?

Ang gumawa ng isang panata nang padalus-dalos ay isang patibong.

Proverbs 20:27-28

Ano ang nag-iingat sa hari?

Ang tipan ng katapatan at pagtitiwala ay nag-iingat sa hari.

Proverbs 20:29-30

Ano ang kadakilaan ng mga kabataang lalaki?

Ang kadakilaan ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan.

Proverbs 21

Proverbs 21:1-2

Ano ang pinapatnubayan ni Yahweh kahit saan niya naisin?

Pinapatnubayan ni Yahweh ang puso ng hari kahit saan niya naisin.

Proverbs 21:3-4

Ano ang mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sakripisyo?

Ang paggawa ng kung ano ang tama at makatarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa anumang handog.

Proverbs 21:5-6

Ano ang nangyayari sa isang tao na nagtatamo ng kayaman sa pamamagitan ng sinungaling dila?

Ang isang tao na nagtamo ng kayamanan sa pamamagitan ng singungaling na dila ay pinapatay sa pamamagitan ng patibong.

Proverbs 21:7-8

Bakit sila tatangayin ng kasamaan?

Ang kasamaan ay tatangayin sila dahil sila ay tumangging gawin ang kung ano ang makatarungan.

Proverbs 21:9-10

Ano ang hindi makikita sa mga mata ng kasamaan?

Ang kabaitan ay hindi makikita sa mga mata ng kasamaan.

Proverbs 21:11-12

Sino ang natututo ng karunungan kapag ang nangungutya ay pinarusahan?

Ang mangmang ay natuto ng karunungan kapag ang nangungutya ay naparusahan.

Proverbs 21:13-14

Ano ang nagagawa ng isang lihim na regalo?

Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit.

Proverbs 21:15-18

Saan nagpapahinga ang isang naliligaw mula sa kaunawaan?

Ang isang naliligaw mula sa kaunawaan ay nagpapahinga sa kapulungan ng mga walang buhay.

Proverbs 21:19-20

Saan mas mabuti mamuhay mag-isa kaysa kasama ang mareklamong asawang babae?

Mas mabuti pang mamuhay sa disyerto kaysa makasama ang mareklamong asawang babae.

Proverbs 21:21-22

Ano ang maaaring gibain ng matalinong tao?

Ang matalinong tao ay maaaring gibain ang matibay na moog lungsod ng makapangyarihan.

Proverbs 21:23-26

Ano ang pangalan para sa isang mapagmalaki at mapagmataas na tao?

Ang mapagmalaki at mapagmataas na tao ay tinatawag na "mangungutya"

Proverbs 21:27-29

Anong uri ng alay ang kasuklam-suklam?

Ang alay ng masama ang kasuklam-suklam.

Proverbs 21:30-31

Ano ang hindi makakatalo kay Yahweh?

Walang karunungan, pag-unawa, o payo ang kayang makatalo kay Yahweh.

Sino ang magbibigay ng tagumpay sa araw ng labanan?

Si Yahweh ang magbibigay ng tagumpay sa araw ng labanan.

Proverbs 22

Proverbs 22:1-2

Ano ang pagkakapareho ng mayaman at mahirap?

Si Yahweh ang tagalikha ng kapwa mayaman at mahirap.

Proverbs 22:3-4

Para saan ang gantimpalang kayamanan, karangalan, at buhay?

Para sa kababaang-loob at takot kay Yahweh ang gantimpalang kayamanan, karangalan, at buhay.

Proverbs 22:5-6

Kung ang bata ay tinuruan sa daan na dapat niyang puntahan, ano ang hindi niya gagawin sa kaniyang pagtanda?

Kung ang bata ay tinuruan sa daan na dapat niyang puntahan, hindi niya tatalikuran ang bilin sa kaniyang pagtanda.

Proverbs 22:7-8

Ano ang relasyon sa pagitan ng isang humiram at ang isang nagpahiram?

Ang humiram ay isang alipin ng isang na siyang nagpahiram.

Proverbs 22:9-12

Kung ang mangungutya ay napaalis ano ang mahihinto?

Ang pagtatalo,hindi pagkakaunawaan, at ang insulto ay mahihinto kung napaalis ang mangungutya.

Proverbs 22:13-14

Anong ginagamit na dahilan ng isang tamad na tao?

Sinasabi ng isang tamad na tao na mayroong leon sa mga lansangan bilang dahilan.

Ano ang sisiklab sa mga nahulog sa pangangalunya?

Sa mga nahulog sa mga pangangalunya sisiklab ang galit ni Yahweh laban sa kanila.

Proverbs 22:15-16

Ano ang nagpapaalis sa kahangalan mula sa bata?

Ang pamalo ng disiplina ang aalis sa kahangalan mula sa bata.

Proverbs 22:17-21

Kanino dapat magtiwala ang tao?

Ang tao ay dapat magtiwala kay Yahweh.

Proverbs 22:22-23

Ano ang hindi dapat gawin sa mahihirap at dukha?

Ang mahihirap at dukha ay hindi dapat nakawan at durugin.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa sinumang magnakaw sa mahihirap?

Nanakawin ni Yahweh ang buhay ng magnakaw sa mahihirap.

Proverbs 22:24-25

Bakit ang tao ay hindi dapat makipagkaibigan sa isang taong pinamunuan nang galit?

Ang tao ay hindi dapat makipagkaibigan sa isang taong pinamunuan nang galit dahil ang tao ay matutunan ang kaniyang mga paraan at mapupulupot sa isang patibong.

Proverbs 22:26-27

Ano ang maaaring mawala sa isang tao kung sila ay hindi makakabayad ng kanilang mga pagkakautang?

Ang tao ay maaaring mawalan na kanilang higaan kung sila ay hindi makakabayad na kanilang mga pagkakautang.

Proverbs 22:28-29

Ano ang hindi dapat matanggal?

Ang sinaunang hangganang bato na itinakda ng mga ama ay hindi dapat matanggal.

Proverbs 23

Proverbs 23:1-3

Kailan dapat magmasid nang mabuti ang isang tao kung ano ang nasa harapan niya?

Kapag ang isang tao ay umupo para kumain kasama ang isang pinuno, dapat siyang magmasid nang mabuti kung ano ang nasa harapan niya.

Proverbs 23:4-5

Alam ng isang marunong na tao kung kailan ititigil ang paggawa ng ano?

Alam ng isang marunong na tao kung kailan ititigil ang magtrabaho ng labis para sikapin maging mayaman.

Ano ang mangyayari kapag ang isang tao ay nagliliwanag ang kaniyang mga mata sa pera?

Kapag nagliliwanag ang mga mata ng isang tao sa pera, nawala na ito.

Proverbs 23:6-8

Bakit ang puso ng isang masamang tao ay wala sa iyo kapag ikaw ay kaniyang iniimbitahan para kumain at uminom?

Ang puso ng isang masamang tao ay wala sa iyo sapagkat inaalam ang halaga ng pagkain.

Proverbs 23:9-12

Paano tumutugon ang isang hangal sa marunong na mga salita?

Kinamumuhian ng isang hangal ang marurunong na mga salita

Sino ang makikiusap para sa kapakanan ng mga ulila?

Ang kanilang malakas na Tagapagligtas ang magsusumamo para sa kapakanan ng mga ulila.

Proverbs 23:13-14

Ano ang hindi dapat pigilin mula sa isang bata?

Hindi dapat pinipigil ang disiplina mula sa isang bata.

Proverbs 23:15-18

Ano ang nagpapasaya sa kaloob-looban ng puso ng isang ama?

Kapag ang kaniyang anak ay nagsasalita ng kung ano ang matuwid, ang kaloob-looban ng isang ama ay nagsasaya.

Proverbs 23:19-21

Kanino hindi dapat makisama ang isang tao?

Ang isang tao ay hindi dapat makisama sa mga lasenggero o mga matatakaw kumain.

Proverbs 23:22-25

Ano ang dapat bilhin ng isang tao?

Ang isang tao ay dapat bumili ng katotohanan, karunungan, disiplina at pang-unawa.

Proverbs 23:26-28

Ano ang dapat ibigay ng isang anak sa kaniyang ama?

Dapat ibigay ng isang anak sa kaniyang ama ang kaniyang puso.

Ano ang idinadagdag ng ibang asawa ng lalaki sa sangkatauhan?

Dinadagdagan ng ibang asawa ng lalaki ang bilang ng mga traydor sa sangkatauhan.

Proverbs 23:29-30

Sino ang may kasawian at mga labanan?

Ang isang tao na nagtatagal sa alak ang may kasawian at mga labanan.

Proverbs 23:31-33

Ano ang nakikita ng mga mata ng isang tumitingin sa alak kapag ito ay namumula?

Ang isang tumitingin sa alak kapag ang mga mata nito na namumula ay nakakakita ng kakaibang mga bagay.

Proverbs 23:34-35

Ano ang sinasabi ng lasenggero na gagawin niya kapag siya ay nagising?

Sinasabi ng lasenggero na maghahanap siya ng isa pang maiinom kapag siya ay nagising.

Proverbs 24

Proverbs 24:1-2

Kanino dapat hindi mainggit ang isang tao?

Ang isang tao ay hindi dapat mainggit sa kanila na masasama.

Proverbs 24:3-4

Sa ano naitatatag ang isang bahay?

Sa pang-unawa, ang isang bahay ay naitatatag.

Proverbs 24:5-7

Ano ang mas maigi kaysa sa isang taong malakas?

Ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang taong malakas.

Proverbs 24:8-9

Ano ang tawag ng mga tao sa isang tao na nagbabalak gumawa ng masama?

Ang mga tao ay tinatawag na bihasa sa mga masamang balakin ang isang taong nagbabalak gumawa ng masama.

Proverbs 24:10

Paano ipinakita na kaunti ang kalakasan ng isang tao?

Kapag ang isang tao ay ipinapakita ang kaniyang kahinaan ng loob sa araw ng kaguluhan, ipinapakita niya ang kaniyang kalakasan na kaunti.

Proverbs 24:11-14

Ano ang binibigay ng Diyos sa bawat tao?

Binibigay ng Diyos sa bawat tao kung ano ang karapat-dapat sa kaniya.

Proverbs 24:15-16

Ano ang inaabangan ng mga masasama para gawin?

Ang masasama ay nag-aabang upang lusubin ang bahay ng mga gumagawa ng tama.

Proverbs 24:17-18

Ano ang gagawin ni Yahweh kung ang isang tao ay nagdiriwang kapag ang kaniyang kaaway ay bumabagsak?

Si Yahweh ay makikita at tututulan, at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaaway.

Proverbs 24:19-20

Ano ang mangyayari sa ilawan ng masama?

Ang ilawan ng masama ay mamamatay.

Proverbs 24:21-23

Kanino dapat hindi makisama ang isang tao?

Ang isang tao ay hindi dapat makisama sa mga naghihimagsik laban sa hari.

Proverbs 24:24-25

Ano ang mangyayari sa isa na nagsasabi sa may kasalanan, "Ikaw ay nasa tama."?

Ang taong iyon ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.

Proverbs 24:26-27

Ano ang tulad ng isang halik sa mga labi?

Ang isang tapat na sagot ay tulad ng isang halik sa mga labi.

Proverbs 24:28-29

Ano ang hindi dapat sabihin ng isang tao tungkol sa kaniyang kapwa?

Ang isang tao ay hindi dapat sabihin na babalikan niya ang kaniyang kapwa dahil sa kaniyang ginawa.

Proverbs 24:30-31

Ano ang itsura ng bukirin ng tamad na tao?

Sa bukirin ng tamad na tao, ang mga tinik ay tumubo, ang lupa ay mayroong halamang matinik, at ang pader ay sira.

Proverbs 24:32-34

Ano ang pupunta sa tamad na tao tulad ng isang magnanakaw?

Ang kahirapan ay pupunta sa tamad na tao tulad ng isang magnanakaw.

Proverbs 25

Proverbs 25:1-3

Sino ang may-akda ng kawikaang ito?

Si Haring Solomon ang may-akda ng kawikaang ito.

Ano ang kaluwalhatian ng Diyos na gawin?

Kaluwalhatian ng Diyos ang ikubli ang isang bagay.

Proverbs 25:4-6

Paano maitatatag ang trono ng hari?

Sa pamamagitan ng pag-alis ng masamang tao mula sa harapan ng hari, ang trono ng hari ay maitatatag.

Proverbs 25:7-12

Ano ang mas mabuti kaysa sa pagtayo sa lugar na nakalaan para sa mga dakila?

Paghihintay na sabihin ng hari sa'yo na, "Umayat ka rito," ay mas mabuti kaysa sa pagtayo sa lugar na nakalaan para sa mga dakila.

Kung nasaksihan mo ang isang bagay tungkol sa iyong kapit-bahay, bakit hindi ka dapat magmadali na dalhin ito sa paglilitis?

Hindi ka dapat magmadali na dalhin ito sa paglilitis dahil maaaring ipahiya ka ng kapit-bahay mo.

Proverbs 25:13-14

Ano ang ginagawa ng tapat na mensahero para sa kaniyang mga amo?

Ang tapat na mensahero ay ipinanunumbalik ang buhay ng kaniyang mga amo.

Proverbs 25:15

Sa ano maaaring mahikayat ang isang pinuno?

Sa pagtitiis ay maaaring mahikayat ang isang pinuno.

Proverbs 25:16-17

Paano maaaring mapagod ang kapit-bahay mo sa iyo?

Maaaring magsawa ang kapit-bahay mo sa iyo kung napakadalas mong pumunta sa bahay niya.

Proverbs 25:18-20

Ano ang katulad ng paa na nadudulas?

Ang hindi tapat na lalaki na pinagkakatiwalaan mo ay katulad ng paa na nadudulas.

Proverbs 25:21-28

Ano ang dapat mong gawin para sa kaaway mo?

Dapat mong bigyan ang kaaway mo ng pagkain na makakain at tubig na maiinom.

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa isang nagbibigay sa kanilang kaaway ng makakain at maiinom?

Gagantimpalaan ni Yahweh ang isang nagbibigay sa kanilang kaaway ng makakain at maiinom.

Proverbs 26

Proverbs 26:1-2

Ano ang hindi tumatalab sa isang tao?

Ang isang sumpa na hindi nararapat ay hindi tumatalab sa isang tao.

Proverbs 26:3-4

Magiging ano ang sa isang tao kung sasali siya sa kahangalan ng isang hangal?

Ang isang taong sasali sa kahangalan ng isang hangal ay magiging hangal.

Proverbs 26:5-8

Ano ang kahalintulad ng pagpuputol ng sariling mga paa?

Ang isang nagpapadala ng isang mensahe sa kamay ng isang hangal ay kahalintulad ng pagpuputol ng sariling mga paa.

Proverbs 26:9-10

Ang umuupa ng isang hangal ay tulad ng ano?

Ang umuupa ng isang hangal ay tulad ng isang gumagamit ng palaso na sumusugat ng lahat.

Proverbs 26:11-12

Bakit ang isang hangal ay tulad ng isang asong bumabalik sa kanyang suka?

Ang isang hangal ay tulad ng asong bumabalik sa kanynag suka dahil ang isang hangal ay inuulit ang kanyang kahangalan.

Proverbs 26:13-14

Ano ang kahalintulad ng isang pinto na bumabaling sa mga bisagra nito?

Ang isang pinto na bumabaling sa mga bisagra nito ay kahalintulad ng isang tamad na tao sa ibabaw ng kaniyang kama.

Proverbs 26:15-17

Paano tinitingnan ng isang tamad na tao ang kanyang sarili?

Ang isang tamad na tao ay mas marunong sa kanyang paningin kaysa sa pitong lalaking may pang-unawa.

Proverbs 26:18-19

Ano ang sinasabi ng isang tao pagkaraang linlangin niya ang kaniyang kapwa?

Sinasabi ng isang tao matapos niyang linlangin ang kanyang kapwa, "Di ba't nagsasabi lang ako ng isang biro?"

Proverbs 26:20-23

Ano ang pinapasiklab ng isang palaaway na tao?

Ang isang palaaway na tao ay nagpapasiklab ng alitan.

Proverbs 26:24-26

Paano itinatago ng isang tao ang katotohanan na namumuhi siya sa iba?

Itinatago ito ng taong namumuhi sa iba gamit ang kanyang mga labi.

Proverbs 26:27-28

Ano ang mangyayari sa taong naghuhukay ng isang malalim na butas?

Ang taong naghuhukay ng isang malalim na butas ay mahuhulog dito.

Ano ang dinadala ng isang nang-uuto na bibig?

Ang nang-uuto na bibig ay nagiging dahilan ng pagkawasak.

Proverbs 27

Proverbs 27:1-2

Bakit hindi dapat magmalaki ang isang tao tungkol sa araw ng bukas?

Ang tao ay hindi dapat magmalaki tungkol sa araw ng bukas dahil hindi niya alam kung ano ang dala ng isang araw.

Proverbs 27:3-4

Ano ang mas mabigat kaysa timbang ng buhangin?

Ang pagpapagalit ng isang hangal ay mas mabigat kaysa sa timbang ng buhangin.

Proverbs 27:5-6

Ano ang maaaring gawin ng isang kalaban para ikaw ay malinlang?

Ang isang kalaban ay maaari kang halikan ng maraming beses para ikaw ay malinlang.

Proverbs 27:7-8

Kanino na ang bawat mapait na bagay ay matamis?

Sa taong gutom, ang bawat mapait na bagay ay matamis.

Proverbs 27:9-10

Ano ang mas mabuti kaysa sa isang kapatid na malayo?

Ang kapwa ay mas mabuti kaysa sa isang kapatid na malayo.

Proverbs 27:11-12

Ano ang ginagawa ng isang maingat na tao kapag siya ay nakakakita ng gulo?

Ang isang maingat na tao ay itinatago ang kaniyang sarili kapag siya ay nakakakita ng gulo.

Proverbs 27:13-14

Kailan ipinapalagay na isang sumpa ang pagpapalang ipinapahayag sa malakas na tinig?

Ang isang pagpapalang ipinapahayag sa malakas na tinig ng maagang-maaga ay ipinapalagay na isang sumpa.

Proverbs 27:15-16

Ano ang gaya ng pagpipigil sa hangin?

Pagpipigil sa nakikipag-away na asawa ay gaya ng pagpipigil sa hangin.

Proverbs 27:17-18

Ano ang katulad ng bakal na nagpapatalas sa bakal?

Ang tao na hinahasa ang kaniyang kaibigan ay katulad ng bakal na naghahasa ng bakal.

Proverbs 27:19-20

Ano ang hindi nasisiyahan kailanman, katulad ni Abbadon?

Ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailanman , katulad ni Abbadon.

Proverbs 27:21-22

Ano ang hindi maaalis sa kahangalan mula sa isang hangal?

Kahit na durugin ang isang hangal ay hindi maaalis ang kahangalan mula sa isang hangal.

Proverbs 27:23-25

Gaano magtatagal ang kayamanan?

Ang kayamanan ay hindi magtatagal habang buhay.

Proverbs 27:26-27

Ano ang naibibigay ng mga tupa sa sambahayan?

Ang mga tupa ay nagbibigay ng kasuotan para sa sambahayan.

Proverbs 28

Proverbs 28:1-2

Sino ang tumatakas kahit na walang humahabol sa kanila?

Ang masama ay tumatakas kahit na walang humahabol sa kanila.

Proverbs 28:3-4

Sino ang pinupuri na mga tumalikod sa batas ?

Ang mga tumalikod sa batas ay pinupuri ang masamang tao.

Proverbs 28:5-6

Alin ang mas mahalaga, pera o katapatan?

Ang katapatan ay mas mahalaga kaysa pera.

Proverbs 28:7-8

Ano ang mangyayari sa kayamanan ng isa na naging mayaman sa pamamagitan ng labis na pagsingil ng tubo?

Ang kaniyang yaman ay ibibigay sa ibang may awa sa mga dukha.

Proverbs 28:9-10

Sino ang mahuhulog sa sarili niyang hukay?

Ang isang taong nagliligaw sa matuwid sa masamang paraan ay babagsak sa kaniyang sariling hukay.

Proverbs 28:11-12

Paano tumugon ng mga tao kapag ang masama ay bumangon?

Ang mga tao ay tinatago ang kanilang mga sarili kapag ang masama ay bumangon.

Proverbs 28:13-14

Paano matatanggap ng isang makasalanan ang habag?

Ang isang makasalan na nagtatapat at tumatalikod sa kanilang kasalanan ay makakatanggap ng habag.

Proverbs 28:15-16

Paano tatagal ang buhay ng isang pinuno?

Tatagal ang buhay ng isang pinuno kung kakamuhian niya ang kawalan ng katapatan.

Proverbs 28:17-18

Ano ang makakagawa sa isang tao na maging pugante hanggang sa kamatayan?

Ang pagdanak ng dugo ng ibang tao ay gagawing pugante ang isang tao hanggang sa kamatayan.

Proverbs 28:19-20

Paano ang isang tao ay magkakaroon ng maraming paghihirap?

Kung ang isang tao ay sumusunod sa walang kabuluhang gawain, siya ay magkakaroon ng maraming paghihirap .

Proverbs 28:21-24

Paano hinahabol ng isang kuripot ang mga kayamanan?

Ang kuripot na tao ay magmadaling habulin ang mga kayamanan.

Proverbs 28:25-26

Ano ang bunga ng pagtitiwala kay Yahweh?

Ang isa na magtititwala kay Yahweh ay magtatagumpay.

Proverbs 28:27-28

Ano ang matatangap ng isang tao na nagsasara ng kanilang mga mata sa mahihirap?

Ang tao na nagsasara ng kanilang mga mata sa mahihirap ay makakatanggap ng maraming sumpa.

Proverbs 29

Proverbs 29:1-2

Ano ang mangyayari sa isang tao na pinatitigas ang kaniyang leeg pagkatapos ng maraming pagsasaway?

Ang isang tao na pinatitigas ang kaniyang leeg pagkatapos ng maraming pagsasaway ay mababali na hindi na mapapagaling.

Proverbs 29:3-4

Ano ang sumisira sa kayaman ng isang tao?

pananatiling kasama ang mga masasamang tao ang nakasisira sa kayaman ng isang tao.

Proverbs 29:5-6

Ano ang nagdudulot sa masamang tao na mahuli sa isang patibong?

Ang kaniyang sariling kasalanan ang nagdudulot sa isang masamang tao na mahuli sa isang patibong.

Proverbs 29:7-8

Anong uri ng tao ang nag-aalis ng poot?

Isang taong matalino ang nag-aalis ng poot.

Proverbs 29:9-10

Sino ang hinahanap para patayin ng isang uhaw sa dugo?

Ang uhaw sa dugo ay hinahanap para patayin ang isang matuwid.

Proverbs 29:11-12

Ano ang ginagawa ng isang taong matalino sa kaniyang galit?

Ang isang taong matalino ay pinipigilan ang kaniyang galit at pinapakalma ang kaniyang sarili.

Proverbs 29:13-16

Paano maitatatag ng isang hari ang kaniyang trono ng walang hanggan?

Ang isang hari ay maitatatag ang kaniyang trono ng walang hanggan sa pamamagitan ng paghahatol sa mahirap sa pamamagitan ng katotohanan.

Proverbs 29:17-18

Ano ang resulta ng pagdidisiplina sa isang bata?

Ang isang disiplinadong bata ay magbibigay sa kaniyang magulang ng kapahingahan.

Kung ang mga tao ay hindi sumusunod sa batas, ano ang kanilang ginagawa?

Kung ang mga tao ay hindi sumusunod sa batas, sila ay namumuhay ng marahas.

Proverbs 29:19-22

Ano ang mas malala kaysa sa pagiging mangmang?

Ang isang tao na pabigla-bigla sa kaniyang salita ay mas malala pa sa pagiging isang mangmang.

Proverbs 29:23-24

Anong uri ng tao ang binibigyan ng parangal?

Isang tao na may isang mapagkumbabang espiritu ang binibigyan ng parangal.

Proverbs 29:25-26

Ano ang ginagawa ni Yahweh para sa nagtitiwala sa kaniya?

Pinangangalagaan ni Yahweh ang siyang nagtitiwala sa kaniya.

Proverbs 29:27

Sino ang kasuklam-suklam sa mga gumagawa ng tama?

Ang isang tao hindi makatarungan ay isang kasuklam-suklam sa mga gumagawa ng tama.

Proverbs 30

Proverbs 30:1-4

Kaninong mga kasabihan ang nakasulat sa kawikaang ito?

Ang mga kasabihan ni Agur ang anak na lalaki ni Jakeh ang nakasulat sa kawikaang ito.

Ano ang hindi natutunan ng may akda?

Ang may akda ay hindi natutunan ang karunungan.

Proverbs 30:5-6

Ano ang mangyayari sa isang tao na nagdadagdag sa mga salita ng Diyos?

Sasawayin ng Diyos ang isang tao na nagdadagdag sa mga salita ng Diyos.

Proverbs 30:7-10

Gaano kayaman ang hinihiling ng may akda na maging?

Ang may akda ay hindi humihiling ng kahirapan ni kayamanan.

Ano ang kinatatakutan ng may akda na gawin niya kung siya ay mayaman?

Ang may akda ay takot na itatanggi niya si Yahweh kung siya ay mayaman.

Proverbs 30:11-12

Sino ang hindi nahugasan ng kanilang karumihan?

Ang isang salinlahi na sinusumpa ang kanilang ama at hindi pinagpapala ang kanilang mga ina ay hindi nahugasan sa kanilang karumihan.

Proverbs 30:13-14

Ano ang ginawa ng mapagmataas na salinlahi sa mahirap?

Ang mapagmataas na salinlahi ay nilapa ang mahirap.

Proverbs 30:15-17

Ano ang apat na bagay na hindi kailanman nagsabi ng "tama na"?

Ang apat na bagay na hindi kailanman nagsabi ng "tama na" ay ang sheol, baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at apoy.

Proverbs 30:18-20

Ano ang pangalawang bagay na hindi naiintindihan ng may akda dahil ito ay labis na kamangha-mangha?

Hindi maintindihan ng may akda ang daan ng isang ahas sa isang bato.

Proverbs 30:21-26

Ano ang unang bagay na sinabi ng may akda na nagdudulot sa lupa para mayanig?

Ang unang bagay na nagdudulot sa lupa para mayanig ay ang alipin kapag siya ay naging hari.

Proverbs 30:27-28

Ano ang nakita ng may akda na kamangha-mangha tungkol sa mga balang?

Nakita ng may akda na kamangha-mangha ang mga balang dahil wala silang hari, pero ang lahat sa kanila ay naglalakad ng maayos.

Proverbs 30:29-31

Ano ang hindi tumatalikod sa kahit na ano?

Ang leon ay hindi tumatalikod mula sa kahit na ano.

Proverbs 30:32-33

Ano ang gagawin ng isang tao na nag-iisip ng kasamaan?

Inilalagay ng isang tao na nag-iisip ng kasamaan ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig.

Ano ang nililikha ng galit?

Ang galit ay naglilikha ng hindi pagkakasundo.

Proverbs 31

Proverbs 31:1-3

Sino ang nagsulat ng kawikaang ito?

Si Haring Lemuel ang nagsulat ng kawikaang ito.

Kanino hindi dapat ibigay ng hari ang kaniyang mga kaparaanan?

Hindi niya dapat ibigay ang kaniyang mga kaparaanan sa mga naninira sa mga hari.

Proverbs 31:4-5

Ano ang nakakalimutan ng mga namumuno kapag mayroon silang matapang na inumin?

Nakakalimutan ng mga namumuno kung ano ang naisabatas kapag mayroon silang matapang na inumin.

Proverbs 31:6-7

Ano ang nakakalimutan nilang mga may mapait na kalungkutan kapag mayroon silang matapang na inumin?

Nakakalimutan nilang mga may mapait na kalungkutan ang kanilang kabalisahan. kapag mayroon silang matapang na inumin.

Proverbs 31:8-9

Kaninong kapakanan dapat makiusap ang hari?

Ang hari ay dapat makiusap sa kapakanan ng mga mahihirap at nangangailangan.

Proverbs 31:10-12

Ano ang higit na mahalaga kaysa sa mga alahas?

Ang isang may kakayahang asawang babae ay higit na mahalaga kaysa sa mga alahas.

Ano ang ginagawa ng may kakayahang asawang babae sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay?

Gumagawa siya ng mabuti para sa kaniyang asawa at hindi masama sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.

Proverbs 31:13-15

Kailan bumabangon ang may kakayahang asawang babae?

Bumabangon siya habang gabi pa.

Proverbs 31:16-19

Ano ang dinadamit ng may kakayahang asawang babae sa kaniyang sarili?

Dinadamitan niya ang kaniyang sarili ng lakas.

Proverbs 31:20-21

Kanino umaabot ang may kakayahang asawang babae?

Umaabot siya sa mga mahihirap at nangangailangan.

Proverbs 31:22-25

Saan umuupo ang asawa ng may kakayahang asawang babae?

Ang kaniyang asawa ay umuupo kasama ang mga nakatatanda sa mga tarangkahan.

Proverbs 31:26-27

Ano ang nasa dila ng may kakayahang asawang babae?

Ang batas ng kabaitan ay ang nasa dila ng may kakayahang asawang babae.

Proverbs 31:28-29

Ano ang tawag ng mga anak ng may kakayahang asawang babae sa kaniya?

Tinatawag siya ng kaniyang mga anak na pinagpala.

Proverbs 31:30-31

Anong uri ng babae ang pupurihin?

Ang babaeng may takot kay Yahweh ang pupurihin.