Nahum
Nahum 1
Nahum 1:2-3
Puno ng ano si Yahweh?
Si Yahweh ay puno ng poot.
Kanino Naghihiganti si Yahweh?
Naghihiganti si Yahweh sa kaniyang mga kalaban.
Saan ginagawa ni Yahweh ng kaniyang daan?
Ginagawa ni Yahweh ang kaniyang daan sa ipu-ipo at sa bagyo.
Nahum 1:4-6
Ano ang nangyayari sa mga bulaklak ng Lebanon?
Nanlulupaypay ang mga bulaklak ng Lebanon.
Ano ang nangyayari sa lupa sa presensiya ni Yahweh?
Gumuguho ang lupa sa presensiya ni Yahweh.
Nahum 1:7-11
Saan natin maaaring ikumpara si Yahweh sa panahon ng kaguluhan?
Si Yahweh ay isang tanggulan sa panahon ng kaguluhan.
Hanggang saan hahabulin ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway?
Hahabulin ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway hanggang sa kadiliman.
Nahum 1:12-13
Ano ang gagawin ni Yahweh sa pamatok ng mga tao?
Babaliin ni Yahweh ang mga pamatok ng mga tao.
Nahum 1:14
Bakit maghuhukay si Yahweh ng mga libingan para sa mga tao ng Ninive?
Maghuhukay siya ng kanilang mga libingan sapagkat sila ay masama.
Nahum 1:15
Nasaan ang mga paa ng siyang nagdadala ng mabuting balita?
Nasa mga kabundukan ang mga paa ng siyang nagdadala ng mga mabuting balita.
Bakit kailangang ipagdiwang ng Juda ang mga kapistahan at tuparin ang mga pangako nito?
Kailangang ipagdiwang ng Juda ang mga kapistahan nito at tuparin ang mga pangako nito, sapagkat hindi na sila sasalakayin pa ng masama.
Nahum 2
Nahum 2:1-2
Ano ang panunumbalikin ni Yahweh?
Panunumbalikin ni Yahweh ang kamaharlikahan ni Jacob.
Nahum 2:3-5
Anong kulay ng mga kalasag ng kaniyang makapangyarihang mga lalaki?
Pula ang kalasag ng kaniyang makapangyarihang mga lalaki.
Ano ang mga humahagibis sa mga lansangan?
Humahagibis sa mga lansangan ang mga karwahe.
Nahum 2:6-7
Ano ang iniutos?
Ito ang iniutos: huhubaran ang reyna at dadalhin; ang kaniyang mga babaeng lingkod ay nanaghoy na parang mga kalapati, sinusuntok ang kanilang mga dibdib.
Nahum 2:8-10
Ano ang gagawin ng mga tao ng Ninive?
Tatakas sila na parang dumadaloy na tubig.
Nahum 2:11-12
Ano ang kinatatakutan ng mga leon?
Wala silang kinatatakutan.
Ano ang pinupuno ng leon sa kaniyang kweba at sa kaniyang yungib?
Pinupuno ng leon ang kaniyang kweba ng mga biktima at ang kaniyang yungib ng mga tangay.
Nahum 2:13
Ano ang gagawin ni Yahweh sa Ninive?
Susunugin ni Yahweh ang kanilang mga karwahe sa usok, lalamunin ang kanilang mga batang leon, at ihihiwalay niya ang kanilang mga nasila mula sa lupa.
Nahum 3
Nahum 3:1-2
Puno ng ano ang lungsod?
Puno ng dugo ang lungsod, kasinungalingan at nakaw na ari-arian.
Nahum 3:3-4
Ilang tao ang mamamatay sa pagsalakay ng mga mangangabayo?
Magkakaroon ng bunton ng mga bangkay, isang malaking tumpok ng mga katawan, at walang katapusang mga katawan.
Bakit nangyayari ang mga bagay na ito?
Nangyayari ito dahil sa mahahalay na kilos ng mga magagandang nagbebenta ng aliw.
Nahum 3:5-7
Ano ang gagawin ni Yahweh ng mga hukbo laban sa babaeng nagbebenta ng aliw dahil siya ay laban sa kaniya?
Itataas ni Yahweh ang kaniyang palda sa kaniyang mukha at ipapakita ang kaniyang mga maseselang bahagi sa mga bansa, ang kaniyang kahihiyan sa mga kaharian. Magtatapon siya ng nakakadiring dumi sa kaniya at gagawin siyang nakakadiri. Gagawin siyang isang bansa na titingnan ng lahat.
Nahum 3:8-9
Kaninong pader ang dagat?
Ang pader ng Tebes ay ang dagat.
Nahum 3:10-11
Sino ang magsasapalaran para sa mga mararangal na tao ng Tebes?
Magsasapalaran ang mga kaaway ng Tebes para sa kaniyang mga mararangal na tao.
Nahum 3:12-15
Ano ang mangyayari kung yuyugyugin ang mga kuta ng Ninive?
Kung yuyugyugin ang mga kuta ng Ninive, mahuhulog sila sa bibig ng mangangain.
Nahum 3:16-17
Ilang mga prinsipe ang naroon?
Ang mga prinsipe ay napakarami na parang mga balang.
Ano ang gagawin ng lahat nang nakarinig ng balita tungkol sa iyo?
Lahat nang nakarinig ng balita tungkol sa iyo ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay sa tuwa tungkol sa iyo.
Nahum 3:18-19
Ano ang gagawin ng lahat na makaririnig ng balita tungkol sa iyo?
Lahat ng makaririnig ng balita tungkol sa iyo ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay sa tuwa dahil sa iyo.