Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Mark

Mark 1

Mark 1:1-3

Ano ang ipinahayag ni propeta Isaias na mangyayari bago dumating ang Panginoon?

Ipinahayag na ni Isaias na magdadala ang Diyos ng isang mensahero, isang tinig ng tao ang tumatawag mula sa ilang upang ihanda ang daraanan ng Panginoon.

Mark 1:4-6

Ano ang ipinangaral ni Juan sa kaniyang pagdating?

Dumating si Juan na ipinapangaral ang pagbabautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Ano ang ginagawa ng mga tao habang sila ay binabautismuhan ni Juan?

Inamin ng mga tao ang kanilang mga kasalanan habang binabautismuhan sila ni Juan.

Ano ang kinakain ni Juan?

Kumakain si Juan ng mga balang at pulot-pukyutan.

Mark 1:7-8

Ayon kay Juan, sa pamamagitan ng anong pagbabautismo ang darating na kasunod niya?

Sinabi ni Juan na ang darating kasunod niya ay magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Mark 1:9-11

Ano ang nakita ni Jesus habang siya ay umaahon sa tubig matapos na bautismuhan ni Juan?

Matapos bautismuhan, nakita ni Jesus ang langit na bumukas at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tila isang kalapati.

Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit matapos bautismuhan si Jesus?

Sinabi ng tinig mula sa langit na, "Ikaw ang aking minamahal na Anak; labis akong nalulugod sa iyo".

Mark 1:12-13

Sino ang nagpapunta kay Jesus sa ilang?

Ang Espiritu ang nagpapunta kay Jesus sa ilang.

Gaano katagal si Jesus sa ilang at ano ang nangyari sa kaniya doon?

Si Jesus ay nasa ilang sa loob ng apatnapung araw at siya ay tinukso ni Satanas doon.

Mark 1:14-15

Anong mensahe ang ipinangaral ni Jesus?

Ipinangaral ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay malapit na, at ang mga tao ay dapat na magsisi at maniwala sa ebanghelyo.

Mark 1:16-18

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya kay Simon at Andres?

Sinabi ni Jesus na gagawin niyang mangingisda ng tao sina Andres at Simon.

Ano ang trabaho nina Simon at Andres?

Sina Simon at Andres ay mga mangingisda.

Mark 1:19-20

Ano ang trabaho nina Santiago at Juan?

Sina Santiago at Juan ay mga mangingisda.

Mark 1:21-22

Bakit ikinamangha ng mga tao sa sinagoga ang turo ni Jesus?

Ikinamangha ng mga tao ang turo ni Jesus dahil si Jesus ay nagtuturo na katulad ng isang may kapangyarihan.

Mark 1:23-26

Anong katawagan ang ibinigay ng masamang espiritu sa sinagoga kay Jesus?

Ang masamang espiritu sa sinagoga ay binigyan si Jesus ng katawagan na Ang Banal ng Diyos.

Mark 1:27-28

Ano ang nangyari sa balita tungkol kay Jesus?

Ang balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa lahat ng dako.

Mark 1:29-31

Nang pumunta sila sa bahay ni Simon, sino ang pinagaling ni Jesus?

Nang pumunta sila sa bahay ni Simon, pinagaling ni Jesus ang biyenan ni Simon.

Mark 1:32-34

Ano ang nangyari nang gabi na?

Nang gabi na, dinala ng mga tao ang lahat ng mga may sakit o sinapian ng mga demonyo at pinagaling sila ni Jesus.

Mark 1:35-37

Ano ang ginawa ni Jesus bago sumikat ang araw?

Bago sumikat ang araw, pumunta si Jesus sa isang lugar kung saan siya mapag-iisa at nanalangin doon.

Mark 1:38-39

Ano ang sinabi ni Jesus kay Simon na kaniyang gagawin?

Sinabi ni Jesus na siya ay dumating upang mangaral sa nakapaligid na mga bayan

Mark 1:40-42

Anong pag-uugali ang ipinakita ni Jesus tungo sa lalaking may ketong na nagmakaawa kay Jesus upang gumaling?

Naawa si Jesus sa may ketong at pinagaling siya.

Mark 1:43-45

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng lalaking may ketong na gawin at bakit?

Sinabi ni Jesus sa lalaking may ketong na umalis at maghandog ng alay na naaayon sa iniutos ni Moises bilang isang patotoo.

Mark 2

Mark 2:1-4

Ano ang ginawa ng apat na lalaking nagdala sa paralisadong lalaki?

Tinanggal ng mga lalaki ang bubong ng bahay at ibinaba ang lalaking paralisado patungo kay Jesus.

Mark 2:5-7

Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado?

Sinabi ni Jesus, "Anak, ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na".

Bakit tumutol ang ilan sa mga eskriba sa sinabi ni Jesus?

Nangatwiran ang ilan sa mga eskriba na lumapastangan si Jesus, dahil ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan. [2:6-7]

Mark 2:8-9

Paano ipinakita ni Jesus na siya ay may kapangyarihan sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan?

Sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado na kunin ang kaniyang higaan at pumunta sa kaniyang bahay, at ginawa ito ng lalaki.

Mark 2:10-12

Paano ipinakita ni Jesus na siya ay may kapangyarihan sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan?

Sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado na kunin ang kaniyang higaan at pumunta sa kaniyang bahay, at ginawa ito ng lalaki.

Mark 2:13-14

Ano ang ginagawa ni Levi nang sabihan siya ni Jesus na sumunod sa kaniya?

Nakaupo si Levi sa lugar kung saan kinokolekta ang buwis nang tawagin siya ni Jesus.`

Mark 2:15-16

Sa bahay ni Levi, ano ang ginagawa ni Jesus na ikinagalit ng mga Pariseo?

Kumakain si Jesus kasama ang mga makasalanang tao at mga tagasingil ng buwis.

Mark 2:17

Sino ang sinasabi ni Jesus na siya ay dumating upang tawagin?

Sinabi ni Jesus na dumating siya upang tawagin ang mga makasalanang tao.

Mark 2:18-19

Anong katanungan ang tinanong ng ilang tao kay Jesus tungkol sa pag-aayuno?

Tinanong nila si Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno samantalang ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo ay nag-aayuno.

Paano ipinaliwanag ni Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno?

Sinabi ni Jesus na habang ang lalaking ikakasal ay kasama pa ng mga abay, hindi sila maaaring mag-ayuno. [2:19]

Mark 2:20-22

Paano sinagot ni Jesus ang katanungan tungkol sa pag-aayuno?

Sinabi ni Jesus na habang ang ikakasal na lalaki ay kasama pa ang mga abay sa kasal, hindi sila maaaring mag-ayuno, ngunit kung ang ikinasal na lalaki ay ilalayo, mag-aayuno sila.

Mark 2:23-24

Ano ang ginawa ng mga alagad ni Jesus sa ilang mga triguhan sa Araw ng Pamamahinga na ikinagalit ng mga Pariseo?

Namitas ng mga uhay ng butil ang mga alagad ni Jesus at kinain ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.

Mark 2:25-26

Anong halimbawa ang ibinigay ni Jesus tungkol sa isang tao na nangangailangan at kumain ng tinapay na karaniwang ipinagbabawal para sa kanila?

Ibinigay ni Jesus ang halimbawa ni David na dahil sa pangangailangan ay kinain ang tinapay na handog na karaniwang nakalaan para sa mga pari.

Mark 2:27-28

Para kanino ang sinabi ni Jesus na ginawa ang Araw ng Pamamahinga?

Sinabi ni Jesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa mga tao.

Anong kapangyarihan ang inaangkin ni Jesus para sa kaniyang sarili?

Sinabi ni Jesus na Panginoon din siya sa Araw ng Pamamahinga. [2:28]

Mark 3

Mark 3:1-2

Bakit nila minamatyagan si Jesus sa Araw ng Pamamahinga sa sinagoga?

Minamatyagan nila si Jesus upang makita kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang siya ay maakusahan nila. [3:1-2]

Mark 3:3-4

Anong katanungan ang itinanong ni Jesus sa mga tao tungkol sa Araw ng Pamamahinga?

Tinanong ni Jesus ang mga tao kung pinapayagan ba ng batas na gumawa ng mabuti o ang makasakit sa Araw ng Pamamahinga. [3:4]

Paano tumugon ang mga tao sa katanungan ni Jesus?

Nanatiling tahimik ang mga tao. [3:4]

Mark 3:5-6

Ano ngayon ang naging saloobin ni Jesus tungol sa kanila?

Sumama ang loob ni Jesus sa kanila. [3:5]

Ano ang ginawa ng mga Pariseo nang napagaling ni Jesus ang lalaki?

Lumabas ang mga Pariseo at bumuo ng plano upang ipapatay si Jesus. [3:6]

Mark 3:7-10

Gaano karaming tao ang sumunod kay Jesus nang pumunta siya sa dagat?

Napakaraming tao ang sumunod sa kanila. [3:7-8]

Mark 3:11-12

Ano ang sinigaw ng mga demonyo nang makita nila sa Jesus?

Isinisigaw ng mga demonyo na si Jesus ang Anak ng Diyos. [3:11]

Mark 3:13-16

Ilang kalalakihan ang itinalaga ni Jesus bilang mga apostol, at ano ang kanilang mga gagawin?

Itinalaga ni Jesus ang labing-dalawang mga apostol upang makasama niya at maaari niya silang ipadala upang mangaral, at magkaroon sila ng kapangyarihang magtaboy ng mga demonyo. [3:14-15]

Mark 3:17-19

Sino ang apostol na magtataksil kay Jesus?

Ang apostol na magtataksil kay Jesus ay si Judas Iskaryote. [3:19]

Mark 3:20-22

Ano ang iniisip ng pamilya ni Jesus tungkol sa maraming mga tao at sa mga pangyayari sa paligid ni Jesus?

Inisip ng pamilya ni Jesus na siya ay wala na sa tamang pag-iisip. [3:21]

Ano ang ibintang ng mga eskriba laban kay Jesus?

Inakusahan ng mga eskriba si Jesus na tumataboy ng demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo. [3:22]

Mark 3:23-27

Ano ang naging tugon ni Jesus sa mga bintang ng mga eskriba?

Sumagot si Jesus na walang kahariang nahahati sa kaniyang sarili ang maaaring tumayo. [3:23-25]

Mark 3:28-32

Anong kasalanan ang sinasabi ni Jesus na hindi maaaring mapatawad?

Sinabi ni Jesus na ang kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu ay hindi maaaring mapatawad. [3:28-30]

Mark 3:33-35

Sino ang sinasabi ni Jesus na kaniyang ina at mga kapatid?

Sinabi ni Jesus na ang kaniyang ina at mga kapatid ay ang mga taong sumusunod sa kagustuhan ng Diyos. [3:33-35]

Mark 4

Mark 4:1-2

Bakit sumakay si Jesus sa bangka upang magturo?

Sumakay si Jesus sa bangka upang magturo, dahil napakaraming mga tao ang nagtipun-tipon sa paligid niya.

Mark 4:3-5

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa daan?

Dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.

Mark 4:6-7

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa mabatong lupa nang sumikat ang araw?

Nalanta ang mga ito dahil wala silang ugat.

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa tinikan?

Sinakal ng mga tinik ang mga ito.

Mark 4:8-9

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa matabang lupa?

Ang mga binhing naihasik ay nakapamunga ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at ang ilan ay tig-iisangdaan.

Mark 4:10-12

Ano ang sinabi ni Jesus na ibinigay sa Labindalawa, ngunit hindi sa mga nasa labas?

Sinabi ni Jesus ang misteryo ng kaharian ng Diyos ay ibinigay sa Labindalawa, ngunit hindi sa mga nasa labas.

Mark 4:13-15

Sa talinghaga ni Jesus, ano ang binhi?

Ang binhi ay ang salita ng Diyos.

Ano ang kinakatawan ng binhing naihasik sa daan?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, ngunit agad itong inaalis ni Satanas.

Mark 4:16-17

Ano ang kinakatawan ng mga binhing naihasik sa mabatong lupa?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita nang may kagalakan, ngunit nang dumating ang pag-uusig sila ay nadapa.

Mark 4:18-20

Ano ang kinakatawan ng mga binhing naihasik sa tinikan?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, ngunit sinakal ng mga alalahanin ng mundo ang salita.

Ano ang kinakatawan ng binhing naihasik sa matabang lupa?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, tinanggap ito, at nakapamunga.

Mark 4:21-25

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa nakatago at lihim na mga bagay?

Sinabi ni Jesus na ang nakatago at lihim na mga bagay ay dadalhin sa liwanag.

Mark 4:26-29

Sa anong paraan natutulad ang kaharian ng Diyos sa isang taong naghahasik ng binhi sa lupa?

Inihahasik ng tao ang binhi,tumutubo ito, ngunit hindi niya alam kung paano, at kapag hinog na ang ani, tinitipon niya ito.

Mark 4:30-34

Sa anong paraan maihahambing ang kaharian ng Diyos sa buto ng mustasa?

Ang buto ng mustasa ay nagsisimula bilang pinakamaliit sa mga buto, gayunpaman tumutubo upang maging isang malaking halaman kung saan marami ang makakagawa ng kanilang mga pugad.

Mark 4:35-37

Ano ang nangyari habang tumatawid ang mga alagad at si Jesus sa lawa?

Nagsimula ang matinding unos, nagbabantang mapuno ng tubig ang bangka.

Mark 4:38-39

Ano ang ginagawa ni Jesus sa bangka sa panahong iyon?

Natutulog si Jesus.

Anong katanungan ang itinanong ng mga alagad kay Jesus?

Tinanong ng mga alagad si Jesus kung nababahala ba siya na malapit na silang mamatay.

Kaya ano ang ginawa ni Jesus?

Sinaway ni Jesus ang hangin at pinayapa ang dagat.

Mark 4:40-41

Matapos gawin ito ni Jesus, ano ang naging tugon ng mga alagad?

Napuno ng matinding takot ang mga alagad at nagtaka kung sino ba talaga si Jesus dahil ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya.

Mark 5

Mark 5:1-2

Sino ang sumalubong kay Jesus nang sila ay dumating sa rehiyon ng Gerasene?

Isang lalaking may masamang espiritu ang sumalubong kay Jesus.

Mark 5:3-4

Ano ang ilang mga bagay na ginawa ng lalaking ito?

Ang lalaki ay nanirahan sa mga libingan, sinira ang mga kadena at pinaghihiwalay ang damal, at sumisigaw at sinusugatan ang sarili gabi at araw.

Ano ang nangyari nang subukan ng mga tao na pigilin ang lalaki sa pamamagitan ng kadena?

Nang subukan ng mga tao na pigilan ang lalaki sa pamamagitan ng kadena winawasak niya ang kadena.

Mark 5:5-6

Ano ang ilang mga bagay na ginawa ng lalaking ito?

Ang lalaki ay nanirahan sa mga libingan, sinira ang mga kadena at pinaghihiwalay ang damal, at sumisigaw at sinusugatan ang sarili gabi at araw.

Mark 5:7-8

Anong katawagan ang binigay ng maruming Espiritu kay Jesus?

Tinawag ng maruming espiritu si Jesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos.

Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaki?

Sinabi ni Jesus sa lalaki, "Lumabas ka sa lalaki, ikaw na masamang espiritu".

Mark 5:9-10

Ano ang pangalan ng maruming espiritu?

Ang pangalan ng maruming espiritu ay Hukbo, dahil sila ay marami.

Mark 5:11-13

Ano ang nangyari ng palayasin ni Jesus ang masamang espiritu mula sa lalaki?

Lumabas ang espiritu at pumasok sa grupo ng mga baboy, na tumakbo pababa sa matarik na burol at nalunod sa lawa.

Mark 5:14-15

Matapos mapalayas ang masamang espiritu, ano ang naging kalagayan ng lalaki?

Ang lalaki ay nakaupo kasama si Jesus, nakadamit at nasa matinong kaisipan.

Mark 5:16-17

Ano ang hiniling ng mga tao sa rehiyon na gawin ni Jesus?

Hiniling ng mga tao na iwan ni Jesus ang kanilang rehiyon.

Mark 5:18-20

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng lalaki na nanirahan sa mga libingan na gawin ngayon?

Sinabi ni Jesus sa lalaki na sabihin sa kaniyang mga tao ang ginawa ng Diyos para sa kaniya.

Mark 5:21-24

Ano ang kahilingan ni Jairo, ang pinuno ng sinagoga kay Jesus?

Hiniling ni Jairo kay Jesus na pumunta kasama niya upang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniyang anak na malapit ng mamatay.

Mark 5:25-27

Ano ang problema sa babaeng humawak sa balabal ni Jesus?

Ang babae ay dumanas ng pagdurugo sa loob ng labing dalawang taon.

Mark 5:28-29

Bakit hinawakan ng babae ang balabal ni Jesus?

Inisip ng babae na kung mahawakan man lang niya ang damit ni Jesus, siya ay gagaling.

Mark 5:30-32

Ano ang ginawa ni Jesus nang hawakan ng babae ang kaniyang balabal?

Alam ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya at tumingin sa paligid upang tingnan kung sino ang humawak sa kaniya.

Mark 5:33-34

Nang sinabi ng babae kay Jesus ang buong katotohanan, ano ang sinabi ni Jesus sa kaniya?

Sinabi ni Jesus sa kaniya na ang kaniyang pananampalataya ang nagpagaling sa kaniya, at umalis ng may kapayapaan.

Mark 5:35

Ano ang kalagayan ng anak ni Jairo nang dumating si Jesus sa tahanan?

Patay na ang anak ni Jairo.

Mark 5:36-38

Ano ang sinabi ni Jesus kay Jairo sa pagkakataong ito?

Sinabi ni Jesus kay Jairo na huwag matakot, ngunit maniwala lang.

Sino-sinong mga alagad ang sumama kay Jesus sa silid kung saan naroroon ang bata?

Sina Pedro, Santiago at Juan ay sumama kay Jesus sa silid.

Mark 5:39-40

Ano ang ginawa ng mga tao sa bahay nang sinabi ni Jesus na ang anak ni Jairo ay natutulog lamang?

Pinagtawanan ng mga tao si Jesus ng sabihin niyang ang anak ni Jairus ay natutulog lamang.

Mark 5:41-43

Nang bumangon ang bata at lumakad, ano ang naging reaksyon ng mga tao?

Ang mga tao ay labis na namangha.

Mark 6

Mark 6:1-3

Bakit nagulat ang mga tao tungkol kay Jesus sa kaniyang sariling bayan?

Hindi alam ng mga tao kung saan niya nakuha ang mga katuruan ito, ang kaniyang karunungan, at ang kaniyang mga himala. [6:2]

Mark 6:4-6

Saan walang karangalan ang isang propeta na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan, sa kaniyang mga kamag-anak, at sa kaniyang sariling sambahayan.

Ano ang ikinamangha ni Jesus tungkol sa mga tao sa kaniyang sariling bayan?

Ikinamangha ni Jesus ang kawalan ng pananampalataya ng mga tao sa kaniyang sariling bayan. [6:6]

Mark 6:7-9

Anong kapangyarihan ang ibinigay ni Jesus sa Labindalawa nang ipadala niya ang mga ito?

Ibinigay ni Jesus sa Labindalawa ang kapangyarihan laban sa mga maruruming espiritu.

Ano ang dinala ng Labindalawa sa kanilang paglalakbay?

Dinala ng Labindalawa ang isang tungkod, sandalyas at isang tunika. [6:8-9]

Mark 6:10-13

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng Labindalawa kung ang isang lugar ay hindi tumanggap sa kanila?

Sinabi ni Jesus sa Labindalawa na pagpagin ang alikabok sa kanilang mga paa bilang patotoo laban sa kanila. [6:11]

Mark 6:14-17

Sino si Jesus sa akala ng mga tao?

Inakala ng mga tao na si Jesus ay si Juan na tagapagbautismo, o si Elias, o isang propeta.

Mark 6:18-22

Ano ang sinabi ni Juan na Tagapagbautismo kay Herodes na ginagawa niyang hindi naaayon sa kautusan?

Sinabi ni Juan kay Herodes na hindi ito naaayon sa kautusan na pakasalan ni Herodes ang asawa ng kaniyang kapatid.

Paano tumugon si Herodes nang marinig niyang nangaral si Juan?

Nabagabag si Herodes nang marinig niya na nangaral si Juan, ngunit nagagalak pa rin siya na pakinggan ito. [6:20]

Mark 6:23-25

Anong pangako ang sinumpaan ni Herodes kay Herodias?

Ipinangako ni Herodes na makukuha niya ang anumang hilingin niya sa kaniya, hanggang sa kalahati ng kaniyang kaharian.

Ano ang kahilingan ni Herodias?

Hiniling ni Herodias ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo na nakalagay sa isang plato. [6:25]

Mark 6:26-32

Paano tumugon si Herodes sa kahilingan ni Herodias?

Labis na nalungkot si Herodes, ngunit hindi niya tinanggihan ang kaniyang kahilingan dahil sa mga pangako na nagawa niya sa harapan ng kaniyang mga bisita.

Mark 6:33-36

Anong nangyari nang si Jesus at ang mga apostol ay sinubukang pumunta sa malayo na sila lamang upang magpahinga?

Maraming tao ang nakakilala sa kanila at tumakbo upang maunahan si Jesus at ang mga apostol na makarating doon.

Ano ang saloobin ni Jesus para sa mga tao na naghihintay sa kanila?

Nahabag si Jesus sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. [6:34]

Mark 6:37-38

Nang tanungin ni Jesus, ano ang naisip ng mga alagad na dapat nilang gawin upang pakainin ang mga tao?

Naisip ng mga alagad na kinakailangan nilang umalis at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang dinaryo.

Anong pagkain ang mayroon ang mga alagad?

Mayroong limang tinapay at dalawang isda ang mga alagad.

Mark 6:39-41

Ano ang ginawa ni Jesus habang kinukuha niya ang mga tinapay at isda?

Habang kinukuha niya ang mga tinapay at isda, tumingala si Jesus sa langit, pinagpala at hinati-hati ang mga tinapay, at ibinigay ang mga ito sa kaniyang mga alagad. [6:41]

Mark 6:42-47

Gaano karaming pagkain ang natira pagkatapos makakain ang bawat isa?

May labindalawang basket ng tinapay, at mga piraso ng isda ang natira matapos makakain ang lahat. [6:43]

Ilang mga lalaki ang pinakain?

May limanlibong mga lalaki na pinakain.

Mark 6:48-50

Paano pinuntahan ni Jesus ang mga alagad sa lawa?

Naglalakad na pinuntahan ni Jesus ang mga alagad sa lawa.

Anong sinabi ni Jesus sa mga alagad nang siya ay makita nila?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na maging matapang sila at huwag matakot. [6:50]

Mark 6:51-52

Bakit hindi maintindihan ng mga alagad ang tungkol sa himala ng mga tinapay?

Hindi maiintindihan ng mga alagad ang tungkol sa himala ng mga tinapay dahil mabagal umintindi ang kanilang mga isip. [6:52]

Mark 6:53-55

Anong ginawa ng mga tao sa rehiyon nang makilala nila si Jesus?

Dinala ng mga tao kay Jesus ang mga may sakit na nasa kamilya kahit saan nila marinig na siya ay darating.

Mark 6:56

Anong nangyari sa mga humawak lamang sa laylayan ng damit ni Jesus?

Gumaling ang mga humawak sa laylayan ng damit ni Jesus.

Mark 7

Mark 7:2-5

Ano ang ginagawa ng ilan sa mga alagad ni Jesus na naka-insulto sa mga Pariseo at mga eskriba?

Ang ilan sa mga alagad ay kumakain nang hindi naghuhugas ng kamay. [7:2]

Kaninong kaugalian ang dapat maghugas muna ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, at upuan sa hapag-kainan bago kumain?

Iyon ay kaugalian ng mga nakatatanda na ang mga kamay, tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan ay dapat hugasan bago kumain. [7:3-4]

Mark 7:6-7

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo at mga eskriba tungkol sa kanilang itinuturo tungkol sa paksa ng paghuhugas?

Sinabi ni Jesus na ang mga Pariseo at mga eskriba ay mga mapagpaimbabaw, nagtuturo sila ng mga kautusan ng tao habang inaabanduna ang kautusan ng Diyos. [7:6-7]

Mark 7:8-10

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo at mga eskriba tungkol sa kanilang itinuturo tungkol sa paksa ng paghuhugas?

Tinalikuran nila ang kautusan ng Diyos at mahigpit na kumapit sila sa tradisyon ng tao." At sinabi niya sa kanila na madali nilang tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang kanilang mga kaugalian. [7:8-9]

Mark 7:11-13

Paano ipinawalang-bisa ng mga Pariseo at mga eskriba ang kautusan ng Diyos na nagsasabing igalang ang inyong ama at ina?

Pinawalang-bahala nila ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga tao na ibigay sa kanila bilang Corban ang salaping maaaring makatulong sa kanilang mga magulang. [7:11-13]

Mark 7:14-16

Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na walang nagmumula sa labas ng isang tao ang maaaring makapagparumi sa kaniya kapag pumasok ito sa kaniya. [7:15,18-19]

Ano ang sinasabi ni Jesus ang nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya. [7:15,20-23]

Mark 7:17-19

Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na walang nagmumula sa labas ng isang tao ang maaaring makapagparumi sa kaniya kapag pumasok ito sa kaniya. [7:15,18-19]

Anong uri ng mga pagkain ang ginawang malinis ni Jesus?

Pinahayag ni Jesus ang lahat ng mga pagkain bilang malinis. [7:19]

Mark 7:20-23

Ano ang sinasabi ni Jesus na nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya. [7:15,20-23]

Anong tatlong bagay ang sinabi ni Jesus na maaaring lumalabas sa isang tao na makapagpapadungis sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na ang masasamang pag-iisip, seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22pakiki-apid, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan ay maaaring lumabas sa isang tao upang padumihin siya. [7:21-22]

Mark 7:24-26

Ang babae bang may anak na babae na may maduming espiritu ay Judio o Griego?

Ang babaeng may anak na babae na may maruming espiritu ay isang Griyego. [7:25-26]

Mark 7:27-28

Paano sumagot ang babae nang sabihin sa kaniya ni Jesus na hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso?

Sinabi ng babae na kahit ang mga aso sa ilalim ng lamesa ay kinakain ang mga mumo ng mga bata. [7:28]

Mark 7:29-32

Ano ang ginawa ni Jesus para sa babae?

Pinalayas ni Jesus ang demonyo sa anak na babae ng babae. [7:29-30]

Mark 7:33-35

Nang dalhin ang lalaking bingi at nahihirapang magsalita kay Jesus, ano ang ginawa niya upang pagalingin siya?

Hinawakan niya ang kaniyang tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila. Tumingala siya sa langit at nagbuntong hininga. Sinabi niya sa kaniya, "Ephphatha", na ang ibig sabihin ay, "Bukasan!" [7:33-34]

Mark 7:36-37

Ano ang ginawa ng mga tao nang sabihin sa kanila ni Jesus na huwag sabihin sa kahit na sino ang kaniyang pagpapagaling?

Habang ipinag-uutos ni Jesus sa kanila na manahimik, lalo nila itong ipinagsasabi. [7:36]

Mark 8

Mark 8:1-4

Anong pagmamalasakit ang sinabi ni Jesus tungkol sa napakaraming taong sumusunod sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na nagmamalasakit siya dahil walang makain ang napakaraming tao.

Mark 8:5-6

Ilang tinapay mayroon ang mga alagad?

Mayroong pitong tinapay ang mga alagad.

Ano ang ginawa ni Jesus sa mga tinapay ng mga alagad?

Nagpasalamat si Jesus, hinati-hati ang mga tinapay, at ibinigay ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi.

Mark 8:7-10

Ilang tao ang kumain at nabusog?

Humigit-kumulang apat na libong tao ang kumain at nabusog.

Gaano karaming pagkain ang natira matapos makakain ang lahat?

Pitong basket ng pagkain ang natira matapos na makakain ang lahat.

Mark 8:11-13

Upang subukin siya, ano ang nais ng mga Pariseo na gawin ni Jesus?

Nais ng mga Pariseo na bigyan sila ni Jesus ng palatandaan mula sa langit.

Mark 8:14-15

Patungkol saan binalaan ni Jesus ang kaniyang mga alagad tungkol sa mga Pariseo?

Binalaan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na magbantay sa pampaalsa ng mga Pariseo.

Mark 8:16-17

Ano ang inisip ng mga alagad tungkol sa sinasabi ni Jesus?

Inisip ng mga alagad na ang sinasabi ni Jesus ay tungkol sa katotohanang nakalimutan nilang magdala ng tinapay.

Mark 8:18-21

Ano ang ipinaalala ni Jesus sa kaniyang mga alagad na nangyari nang hinati-hati niya ang limang tinapay?

Ipinaalala ni Jesus sa kanila na noong hinati-hati niya ang limang tinapay, limang libong tao ang nakakain at labindalawang basket na puno ng mga piraso nito ang naipon.

Mark 8:22-23

Anong dalawang bagay ang unang ginawa ni Jesus sa lalaking bulag upang mapanumbalik ang kaniyang paningin?

Niluraan muna ni Jesus ang kaniyang mga mata at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya.

Mark 8:24-26

Anong ikatlong bagay ang ginawa ni Jesus sa lalaking bulag upang tuluyang mapanumbalik ang kaniyang paningin?

Ipinatong ni Jesus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata.

Mark 8:27-28

Sino si Jesus ayon sa sinasabi ng mga tao?

Sinasabi ng mga tao na si Jesus ay si Juan na Tagapagbautismo, si Elias, o isa sa mga propeta.

Mark 8:29-30

Sino si Jesus ayon kay Pedro?

Ayon kay Pedro, si Jesus ang Cristo.

Mark 8:31-32

Tungkol sa anong mga pangyayari sa hinaharap ang sinimulang ituro ni Jesus ng malinaw sa kaniyang mga alagad?

Itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa, itakwil, patayin, at muling mabubuhay matapos ang tatlong araw.

Mark 8:33-34

Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro nang sinimulan siyang pagsabihan nito?

Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos, kundi ang mga bagay tungkol sa mga tao."

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng sinumang nagnanais na sumunod sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na ang sinumang nagnanais na sumunod sa kaniya ay kailangang ikaila ang kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus.

Mark 8:35-37

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagnanais ng isang taong makuha ang mga bagay sa mundo?

Sinabi ni Jesus, "Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay?"

Mark 8:38

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya tungkol sa mga taong ikinahihiya siya at ang kaniyang mga salita?

Sinabi ni Jesus na sa kaniyang pagbabalik, ikahihiya niya ang mga taong ikinahihiya siya at ang kaniyang mga salita.

Mark 9

Mark 9:1-3

Sino ang sinabi ni Jesus na makakakita ng kaharian ng Diyos na darating ng may kapangyarihan?

Sinabi ni Jesus na ilan sa mga nakatayo doon na kasama niya ay hindi mamamatay bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan.

Ano ang nangyari kay Jesus nang sina Pedro, Santiago at Juan ay umakyat sa mataas na bundok kasama niya?

Si Jesus ay nagbago ng anyo at ang kaniyang kasuotan ay naging napakakinang.

Mark 9:4-6

Sino ang nakikipag-usap kay Jesus sa bundok?

Nakikipag-usap kayn Jesus sina Elias at Moises.

Mark 9:7-8

Sa bundok, ano ang sinabi ng tinig mula sa ulap?

Sinabi ng tinig, "Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya."

Mark 9:9-10

Ano ang iniutos ni Jesus sa mga alagad tungkol sa kanilang nakita sa bundok?

Inutusan sila ni Jesus na wala silang pagsasabihan sa kung ano ang kanilang nakita, hanggang sa ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa mga patay.

Mark 9:11-16

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagdating ni Elias?

Sinabi ni Jesus na si Elias ay mauunang darating upang ibalik sa dati ang lahat ng mga bagay, at si Elias ay dumating na nga.

Mark 9:17-19

Ano ang hindi kayang gawin ng mga alagad para sa ama at sa kaniyang anak?

Hindi kayang paalisin ng mga alagad ang masamang espiritu mula sa anak ng ama.

Mark 9:20-22

Saan itinapon ng masamang espiritu ang batang lalaki upang subukan siyang sirain?

Itinapon ng masamang espiritu ang batang lalaki sa apoy o sa tubig upang subukan siyang sirain.

Mark 9:23-27

Paano tumugon ang ama nang sabihin ni Jesus na ang lahat ng bagay ay maaari sa kaniya na naniniwala?

Tumugon ang ama na, "Naniniwala ako! tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!"

Mark 9:28-29

Bakit hindi kayang palayasin ng mga alagad ang pipi at binging espiritu sa batang lalaki?

Hindi kayang palayasin ng mga alagad ang espiritu dahil hindi ito mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.

Mark 9:30-32

Ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na mangyayari sa kaniya?

Sinabi ni Jesus sa kanila na siya ay papatayin, at pagkatapos ng ikatatlong araw siya ay muling mabubuhay.

Mark 9:33-35

Ano ang pinagtatalunan ng mga alagad sa daan?

Pinagtatalunan ng mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.

Sino ang sinabi ni Jesus na magiging una?

Sinabi ni Jesus na ang magiging una ay ang siyang lingkod ng lahat.

Mark 9:36-41

Kapag tinanggap ng sinuman ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus, sino ang kanila ring tinatanggap?

Kapag tinanggap ng sinuman ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus, tinatanggap rin nila si Jesus at ang nagsugo kay Jesus.

Mark 9:42-46

Ano ang mas mabuti sa sinumang nagiging dahilan ng pagkadapa ng isang bata na naniniwala kay Jesus?

Mas mabuti pa sa taong iyon kung ang isang gilingang bato ay nakatali sa kaniyang leeg at siya ay itapon sa dagat.

Mark 9:47-50

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin sa anumang bagay na nagdudulot sa iyo upang madapa?

Sinabi ni Jesus na alisin ang anumang nagiging dahilan sa iyo upang madapa.

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin sa iyong mata kung ito ay nagiging dahilan upang ikaw ay madapa?

Sinabi ni Jesus na tanggalin mo ang ang iyong mata kung ito ay nagiging sanhi ng iyong pagkadapa.

Ano ang sinabi ni Jesus na nangyayari sa impiyerno?

Sinabi ni Jesus na sa impiyerno ang mga uod ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi mapapatigil.

Mark 10

Mark 10:5-6

Bakit ibinigay ni Moises sa mga Judio ang kautusang ito tungkol sa paghihiwalay?

Ibinigay ni Moises ang kautusang ito sa mga Judio dahil sa kanilang matitigas na mga puso.

Sa anong pangyayari sa kasaysayan tinukoy ni Jesus sa mga Pariseo ang tungkol sa orihinal na layunin ng Diyos para sa pag-aasawa?

Tinukoy ni Jesus ang paglikha sa lalaki at babae sa simula, nang sinasabi niya ang tungkol sa orihinal na layunin ng Diyos para sa pag-aasawa. [10:6]

Mark 10:7-12

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa dalawang tao, ang lalaki at ang kaniyang asawa, mangyayari kapag sila ay mag-asawa na?

Sinabi ni Jesus na ang dalawa ay magiging iisang laman.

Anong sinabi ni Jesus tungkol sa pinagbuklod ng Diyos bilang mag-asawa?

Sinabi ni Jesus na kung ano ang pinagbuklod ng Diyos, huwag hayaang paghiwalayin ng tao. [10:9]

Mark 10:13-14

Ano ang naging reaksiyon ni Jesus nang sawayin ng mga alagad ang mga nagdadala ng mga maliliit na bata sa kaniya?

Nagalit si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila na payagan ang mga maliliit na bata na pumunta sa kaniya.

Mark 10:15-16

Paano ang sinabi ni Jesus dapat tanggapin ang kaharian ng Diyos upang makapasok dito?

Sinabi ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay dapat tanggapin na tulad ng isang maliit na bata upang makapasok dito.

Mark 10:17-19

Ano ang unang sinabi ni Jesus sa lalaki na dapat niyang gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?

Sinabi ni Jesus sa lalaki na dapat huwag pumatay, huwag mangalunya, huwag magnakaw, huwag magpatotoo ng kasinungalingan, huwag mandaya, at dapat igalang ang kaniyang ama at ina. [10:19]

Mark 10:20-22

Anong karagdagang kautusan ang ibinigay ni Jesus sa lalaki?

Inutusan ni Jesus ang lalaki na ipagbili ang lahat ng mayroon siya at sumunod sa kaniya. [10:21]

Paano tumugon ang lalaki nang ibinigay sa kaniya ang kautusang ito at bakit?

Labis na nalungkot ang lalaki at naglakad palayo, sapagkat mayroon siyang maraming ari-arian. [10:22]

Mark 10:23-25

Sino ang sinasabi ni Jesus na labis na mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Sinabi ni Jesus na ang mga mayayaman ay labis na mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Mark 10:26-28

Paano sinabi ni Jesus na kahit ang isang mayamang tao ay maaaring maligtas?

Sinabi ni Jesus na para sa mga tao ito ay imposible, ngunit sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay posible.

Mark 10:29-31

Ano ang sinabi ni Jesus na matatanggap ng sinumang nag-iwan ng bahay, pamilya, at mga lupain para sa kapakanan ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na makakatanggap sila ng isang daang ulit ng higit pa sa mundong ito, na may mga pag-uusig, at buhay na walang hanggan sa mundong paparating.

Mark 10:32-34

Sa anong daan naglalakbay si Jesus at ang mga alagad?

Naglakbay si Jesus at ang mga alagad sa daan paakyat sa Jerusalem.

Anong sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na mangyayari sa kaniya sa Jerusalem?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na siya ay hahatulan ng kamatayan, at pagkatapos ng tatlong araw ay muli siyang mabubuhay. [10:33-34]

Mark 10:35-37

Anong kahilingan ang ginawa nina Santiago at Juan kay Jesus?

Hiniling nina Santiago at Juan na paupuin sila ni Jesus sa kanan at kaliwang kamay kasama niya sa kaluwalhatian.

Mark 10:38-40

Ano ang sinabi ni Jesus na kailangang tiisin nina Santiago at Juan?

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang kopang iinuman ko, iinuman ninyo, at ang bautismo kung saan ako nabautismuhan, titiisin ninyo. [10:39]

Ipinagkaloob ba ni Jesus ang hiling nina Santiago at Juan?

Hindi, sinabi ni Jesus na ang mga upuan sa kaniyang kanan at kaliwang kamay ay hindi siya ang magkakaloob. [10:40]

Mark 10:41-42

Paano pinakikitunguhan ng mga Gentil ang kanilang mga nasasakupan na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na nangingibabaw ang mga pinuno ng mga Gentil sa kanilang mga nasasakupan. [10:42]

Mark 10:43-45

Paano dapat mamuhay ang mga nagnanais na maging dakila sa mga alagad na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na dapat maging tagapaglingkod ng lahat ang mga nagnanais maging dakila sa mga alagad.

Mark 10:46-50

Ano ang ginawa ng lalaking bulag na si Bartimeo nang sinaway siya ng marami at sinabi sa kaniya na tumahimik siya?

Lalo pang sumigaw si Bartimeo, "Anak ni David, maawa ka sa akin!" [10:48]

Mark 10:51-52

Ano ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo na nagpagaling sa kaniyang pagiging bulag?

Sinabi ni Jesus kay Bartimeo na pinagaling siya ng kaniyang pananampalataya. [10:52]

Mark 11

Mark 11:1-3

Ano ang pinagawa ni Jesus sa dalawang ipinadala niyang alagad sa katapat nilang nayon?

Sinugo sila ni Jesus upang dalhan siya ng isang bisirong hindi pa nasasakyan. [11:2]

Mark 11:4-6

Ano ang nangyari nang kalagan ng mga alagad ang bisiro?

May ilang taong nagtanong sa mga alagad kung ano ang kanilang ginagawa, kaya nakipagusap sila sa mga tao gaya ng sinabi sa kanila ni Jesus at hinayaan na silang umalis ng mga tao. [11:5-6]

Mark 11:7-10

Ano ang inilatag ng mga tao sa daan habang si Jesus ay nakasakay sa bisiro?

Inaglatag ng mga tao ang kanilang mga kasuotan, at mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. [11:8]

Tungkol sa anong paparating na kaharian ang isinisigaw ng mga tao habang nakasakay si Jesus patungo sa Jerusalem?

Sinisigaw ng mga tao na ang kaharian ng kanilang amang si David ay paparating na. [11:10]

Mark 11:11-12

Anong ginawa ni Jesus nang pumasok siya sa templo?

Tumingin sa paligid si Jesus at tumungo sa Betania. [11:11]

Mark 11:13-14

Ano ang ginawa ni Jesus nang makita niya na walang bunga ang puno ng igos?

Sinabi ni Jesus sa puno ng igos, "Wala nang makakakain muli ng bunga mula sa iyo." [11:14]

Mark 11:15-16

Anong ginawa ni Jesus sa loob ng templo sa pagkakataong ito?

Pinalayas ni Jesus ang mga nagbebenta at mga mamimili, at hindi niya pinapayagan nang kahit na sino na magpasok ng kahit na anong paninda sa loob ng templo. [11:15-16]

Mark 11:17-19

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat na mangyayari sa simbahan, ayon sa Kasulatan?

Sinabi ni Jesus na ang templo ay dapat na bahay dasalan para sa lahat ng mga bansa. [11:17]

Ano ang sinabi ni Jesus na ginawa sa templo ng mga punong pari at mga eskriba?

Sinabi ni Jesus na ginawa nilang yungib ng mga magnanakaw ang templo. [11:17]

Ano ang tinangkang gawin ng mga punong pari at mga eskriba kay Jesus?

Tinangkang patayin ng mga punong pari at mga eskriba si Jesus. [11:18]

Mark 11:20-23

Anong nangyari sa puno ng igos na kinausap ni Jesus?

Ang puno ng igos na kinausap ni Jesus ay nalanta hanggang sa mga ugat nito. [11:20]

Mark 11:24-26

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa lahat ng ating mga hinihiling sa pagdarasal?

Sinabi ni Jesus na ang lahat ng ating mga hinihiling sa panalangin, maniwala tayong natanggap na natin ito, at ito ay magiging atin.[11:24]

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating gawin upang mapatawad din tayo ng Amang nasa langit?

Sinabi ni Jesus na dapat nating patawarin ang kahit na anong mayroon tayo laban sa kahit na sino, upang patawarin din tayo ng ating Ama. [11:25]

Mark 11:27-28

Sa loob ng templo, ano ang gustong malaman ng mga punong pari, eskriba, at mga nakatatanda mula kay Jesus?

Gusto nilang malaman kung sa anong kapangyarihan niya nagawa ang mga bagay na ginagawa niya. [11:27-28]

Mark 11:29-30

Anong katanungan ang itinanong ni Jesus sa mga punong pari, mga eskriba, at mga nakatatanda?

Tinanong sila ni Jesus kung ang pagbabawtismo ni Juan ay mula sa langit o sa tao. [11:30]

Mark 11:31-33

Bakit ayaw ng mga punong pari, eskriba at mga nakatatanda na sagutin na mula sa langit ang bawtismo ni Juan?

Hindi nila gustong ibigay ang kasagutang ito dahil maaari silang tanungin ni Jesus kung bakit hindi nila pinaniwalaan si Juan. [11:31]

Bakit ayaw ng mga punong pari, eskriba at mga nakatatanda na sagutin na mula sa tao ang bawtismo ni Juan?

Hindi nila gustong ibigay ang kasagutang ito dahil natakot sila sa mga tao, na naniniwalang si Juan ay isang propeta. [11:32]

Mark 12

Mark 12:1-3

Matapos maipatayo at mapaupahan ang ubasan, ano ang ginawa ng may-ari?

Matapos maipatayo at mapaupahan ang ubasan, umalis ang may-ari upang maglakbay.

Mark 12:4-5

Ano ang ginawa ng mga tagapag-alaga ng ubas sa maraming mga lingkod na ipinadala ng may-ari upang tanggapin ang bunga ng ubasan?

Ang mga tagapag-alaga ng ubas ay binugbog ang ilan at ipinapatay ang iba sa maraming mga lingkod.

Mark 12:6-7

Sino ang huling ipinadala ng may-ari sa mga tagapag-alaga ng ubas?

Ang kaniyang pinakamamahal na anak ang huling ipinadala ng may-ari.

Mark 12:8-9

Ano ang ginawa ng mga tagapag-alaga ng ubas sa huling ipinadala ng may-ari?

Dinakip siya ng mga tagapag-alaga ng ubas, pinatay at ipinatapon siya sa labas ng ubasan.

Ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan sa mga tagapag-alaga ng ubas?

Pupunta ang may-ari ng ubasan at papatayin ang mga tagapag-alaga ng ubas at ibibigay ang ubasan sa iba.

Mark 12:10-12

Sa kasulatan, ano ang nangyari sa batong itinakwil ng mga tagapagtayo?

Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging batong panulukan.

Mark 12:13-15

Anong katanungan ang itinanong kay Jesus ng mga Pariseo at ng ilan sa mga tauhan ni Herodes?

Itinanong nila sa kaniya kung naaayon ba sa kautusan na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi.

Mark 12:16-17

Paano sinagot ni Jesus ang kanilang katanungan?

Sinabi ni Jesus na nararapat nilang ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos, ang mga bagay na sa Diyos.

Mark 12:18-19

Ano ang hindi pinaniniwalaan ng mga Saduceo?

Hindi naniniwala ang mga Saduceo sa muling pagkabuhay.

Mark 12:20-23

Sa kwentong sinabi ng mga Saduceo, nagkaroon ng ilang asawa ang babae?

Nagkaroon ng pitong asawa ang babae.

Anong katanungan ang itinanong ng mga Saduceo kay Jesus tungkol sa babae?

Itinanong nila kung sino sa mga lalaki ang magiging asawa ng babae sa muling pagkabuhay.

Mark 12:24-25

Anong dahilan ang ibinigay ni Jesus sa mga Saduceo para sa kanilang pagkakamali?

Sinabi ni Jesus na hindi nalalaman ng mga Saduceo ang kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos.

Ano ang isinagot ni Jesus sa katanungan ng mga Saduceo tungkol sa babae?

Sinabi ni Jesus na sa muling pagkabuhay, ang mga babae at lalaki ay hindi na mag-aasawa, ngunit magiging tulad ng mga anghel.

Mark 12:26-27

Paano ipinakita ni Jesus mula sa kasulatan na mayroong muling pagkabuhay?

Ipinakita ni Jesus mula sa aklat ni Moises, kung saan sinabi ng Diyos na siya ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob - samakatwid nararapat na manatiling buhay ang lahat.

Mark 12:28-34

Anong kautusan ang sinabi ni Jesus na pinakamahalaga?

Sinabi ni Jesus na ang pinakamahalagang kautusan ay ang ibigin ang Panginoon ninyong Diyos nang buong puso, kaluluwa, pag-iisip at kalakasan.

Anong ang ikalawang kautusan na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na ang ikalawang utos ay ang ibigin ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili.

Mark 12:35-37

Anong katanungan ang itinanong ni Jesus sa mga eskriba tungkol kay David?

Tinanong ni Jesus kung paano matatawag ni David na Panginoon ang Cristo kung ang Cristo ay anak ni David.

Mark 12:38-42

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga tao na dapat nilang iwasan tungkol sa mga eskriba?

Sinabi ni Jesus na ang mga eskriba ay nagnanais na igalang sila ng mga tao, ngunit kinakamkam nila ang mga bahay ng mga balo, at gumagawa ng mga mahahabang panalangin upang makita ng mga tao.

Mark 12:43-44

Bakit sinabi ni Jesus na ang mahirap na balo ay nakapaglagay ng higit kaysa sa lahat ng mga nagbigay sa lalagyan ng kaloob?

Sinabi ni Jesus na nakapagbigay siya ng higit dahil nagbigay siya sa kabila ng kaniyang kahirapan samantalang nagbigay ang iba mula sa kanilang kasaganahan.

Mark 13

Mark 13:1-2

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa kahanga-hangang mga bato at mga gusali ng templo?

Sinabi ni Jesus na walang matitirang isang bato sa ibabaw ng kapwa bato na hindi guguho.

Mark 13:3-4

Anong katanungan ang tinanong ng mga alagad kay Jesus?

Tinanong ng mga alagad kay Jesus kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang magiging palatandaan.

Mark 13:5-6

Anu ang sinasabi ni Jesus sa mga alagad tungkol sa dapat nilang pag-ingatan?

Sinabi ni Jesus na ang mga alagad ay dapat na mag-ingat na walang sinuman ang magdadala sa kanila sa pagkaligaw.

Mark 13:7-8

Ano ang sinabi ni Jesus na magiging simula ng pasakit ng panganganak?

Sinabi ni Jesus na ang simula ng pasakit ng panganganak ay digmaan, mga balita ng digmaan, lindol at tag-gutom.

Mark 13:9-10

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa mga alagad?

Sinabi ni Jesus na ang mga alagad ay dadalhin sa mga konseho, bubugbugin sa mga sinagoga at tatayo sa harapan ng mga gobernador at mga hari bilang isang patotoo.

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat munang mangyari?

Sinabi ni Jesus na ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng bansa.

Mark 13:11-13

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya?

Sinabi ni Jesus na ang isang miyembro ng pamilya ay ihahatid ang ibang miyembro ng pamilya sa kamatayan.

Sino ang sinabi ni Jesus na maliligtas?

Sinabi ni Jesus na sinumang makapagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas.

Mark 13:14-16

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga taga-Judea na dapat nilang gawin kapag nakita nila ang kasuklam-suklam na lagim?

Sinabi ni Jesus na ang mga nasa Judea ay dapat na tumakas sa mga bundok kapag nakita nila ang kasuklam-suklam na lagim.

Mark 13:17-20

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng Panginoon para sa kapakanan ng mga hinirang, upang sila ay maligtas?

Sinabi ni Jesus na paiiksiin ng Panginoon ang mga araw ng paghihirap para sa kapakanan ng mga hinirang.

Mark 13:21-23

Sino ang sinabi ni Jesus na babangon upang linlangin ang mga tao?

Sinabi ni Jesus na ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay babangon upang linlangin ang mga tao.

Mark 13:24-29

Ano ang mangyayari sa mga kapangyarihan sa kalangitan pagkatapos ng kahirapan ng mga araw na iyon?

Ang araw at ang buwan ay didilim, ang mga bituwin ay mahuhulog mula sa langit, at ang kapangyarihan sa kalangitan ay mayayanig.

Ano ang makikita ng mga tao sa ulap?

Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Ano ang gagawin ng Anak ng Tao kapag siya ay dumating?

Titipunin ng Anak ng Tao ang kaniyang mga hinirang mula sa dulo ng kalupaan at ng kalangitan.

Mark 13:30-32

Ano ang sinabi ni Jesus na hindi lilipas hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

Sinabi ni Jesus na hindi lilipas ang salinlahin na ito hanggang sa ang lahat ng mga bagay na ito ay maganap.

Ano ang sinabi ni Jesus na hindi kailanman lilipas?

Sinabi ni Jesus na ang kaniyang salita ay hindi kailan man lilipas.

Kailan sinabi ni Jesus na mangyayari ang mga bagay na ito?

Sinabi ni Jesus na walang nakakaalam ng araw o oras, maliban sa Ama.

Mark 13:33-34

Anong utos ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad patungkol sa kaniyang pagdating?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na maging handa at magbantay.

Mark 13:35-37

Anong utos ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad patungkol sa kaniyang pagdating?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na maging handa at magbantay.

Mark 14

Mark 14:1-2

Ano ang isinasaalang-alang ng mga punong pari at mga eskriba na gawin?

Isinasaalang-alang nila kung paano nila patagong madadakip si Jesus at pagkatapos ay papatayin siya.

Bakit ayaw kumilos ng mga punong pari at mga eskriba sa panahon ng Pista ng Tinapay na walang Lebadura?

Nag-aalala sila na magdudulot ito ng kaguluhan sa mga tao. [14:2]

Mark 14:3-5

Ano ang ginawa ng isang babae kay Jesus sa bahay ni Simon na ketongin?

Sinira ng babae ang isang maliit na bote ng mamahaling likido at ibinuhos niya ito sa ulo ni Jesus.

Para saan ang pagsaway ng ilan sa babae?

Sinasaway ng ilan ang babae sa hindi niya pagbenta ng pabango at pagbigay ng salapi sa mahihirap. [14:5]

Mark 14:6-9

Ano ang sinabi ni Jesus na ginawa ng babae para sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na pinahiran ng babae ang kaniyang katawan para sa libing. [14:8]

Anong pangako ang sinabi ni Jesus tungkol sa ginawa ng babae?

Ipinangako ni Jesus na saan man ipangaral ang mabuting balita sa buong mundo, ang ginawa ng babae ay ipahahayag bilang pag-alaala sa kaniya. [14:9]

Mark 14:10-11

Bakit lumayo si Judas Iscariote sa mga punong pari?

Lumayo si Judas Iscariote sa mga punong pari upang maaari niyang madala si Jesus sa kanila.

Mark 14:12-16

Paano natagpuan ng mga alagad ang lugar kung saan maaari silang kumain lahat sa Paskua?

Sinabi sa kanila ni Jesus na pumunta sa lungsod at sundan ang isang lalaki na may dalang pitsel ng tubig, at pagkatapos tanungin siya kung nasaan ang silid pampanauhin na maaari nilang gamitin upang kumain sa Paskua.

Mark 14:17-19

Ano ang sinabi ni Jesus habang nakasandal sila sa mesa at kumakain?

Sinabi ni Jesus na isa sa mga alagad na kaumakain kasama niya ang magkakanulo sa kaniya. [14:18]

Mark 14:20-21

Sinong alagad ang sinasabi ni Jesus na magkakanulo sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na ang alagad na kasama niyang nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok ang magkakanulo sa kaniya.

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa kapalaran ng alagad na magkakanulo sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na mas mabuti pang hindi na siya isinilang. [14:21]

Mark 14:22-25

Ano ang sinabi ni Jesus habang ibinibigay niya sa mga alagad ang hinati-hating tinapay?

Sinabi ni Jesus, "Kunin ninyo ito. Ito ang aking katawan".

Ano ang sinabi ni Jesus habang ibinibigay niya ang kopa sa mga alagad?

Sinabi ni Jesus, "Ito ang aking dugo ng kasunduan, ang dugo na ibinuhos para sa marami". [14:24]

Kailan ang sinabi ni Jesus na muli siyang iinom ng katas ng ubas?

Sinabi ni Jesus na muli siyang iinom ng katas ng ubas na ito sa araw kung kailan iinumin niya itong muli sa kaharian ng Diyos. [14:25]

Mark 14:26-29

Sa Bundok ng mga Olibo, ano ang ipinahayag ni Jesus sa kaniyang mga alagad?

Ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng kaniyang mga alagad ay lalayo dahil sa kaniya. [14:27]

Mark 14:30-31

Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro matapos nitong sabihin na hindi siya lalayo kailanman?

Sinabi ni Jesus kay Pedro na bago tumilaok ang tandang ng dalawang ulit, ipagkakaila siya ni Pedro ng tatlong ulit.

Mark 14:32-34

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng kaniyang tatlong alagad habang siya ay nananalangin?

Sinabi ni Jesus sa kanila na manatili sila doon at magbantay.

Mark 14:35-36

Para saan ang ipinanalangin ni Jesus?

Ipinanalangin ni Jesus na kung maaari, malampasan siya ng oras na ito .

Ano ang handang tanggapin ni Jesus bilang kasagutan sa kaniyang panalangin sa Ama?

Nakahanda si Jesus na tanggapin ang anumang kalooban ng Ama para sa kaniya.

Mark 14:37-39

Ano ang nakita ni Jesus nang balikan niya ang tatlong alagad?

Natagpuan ni Jesus na natutulog ang tatlong alagad.

Mark 14:40-42

Ano ang nakita ni Jesus sa pangalawang pagkakataon nang makabalik siya mula sa pananalangin?

Nakita ni Jesus na natutulog ang tatlong alagad.

Ano ang naikita ni Jesus sa pangatlong pagkakataon nang makabalik siya mula sa pananalangin?

Nakita ni Jesus na natutulog ang tatlong alagad.

Mark 14:43-46

Anong palatandaan ang ibinigay ni Judas upang ipakita sa mga bantay na ang taong iyon ay si Jesus?

Hinalikan ni Judas si Jesus upang ipakita na ang taong iyon ay si Jesus. [14:44-45]

Mark 14:47-50

Ano ang sinabi ni Jesus na nangyayari sa kaniyang pagkakadakip upang matupad ang kasulatan?

Sinabi ni Jesus na ang kasulatan ay natutupad dahil dumating sila na may mga tabak at mga pamalo upang dakipin siyang tulad ng isang magnanakaw. [14:48-49]

Ano ang ginawa ng mga kasama ni Jesus nang si Jesus ay dinakip?

Ang lahat ng mga kasama ni Jesus ay umalis at tumakas. [14:50]

Mark 14:51-52

Ano ang ginawa ng isang binata na sumusunod kay Jesus nang dinakip si Jesus?

Iniwan ng binata doon ang kaniyang kasuotang lino at nakahubad na tumakbo.

Mark 14:53-54

Nasaan si Pedro nang dinala si Jesus sa pinakapunong pari?

Nakaupo si Pedro kasama ng mga bantay, malapit sa apoy upang manatiling naiinitan.

Mark 14:55-59

Ano ang mali sa patotoo laban kay Jesus na ibinigay sa Konseho?

Ang patotoo laban kay Jesus ay kasinungalingan at hindi nagtugma.

Mark 14:60-62

Anong katanungan ang itinanong kay Jesus ng pinakapunong pari patungkol sa kung sino si Jesus?

Itinanong ng pinakapunong pari kay Jesus kung siya ba ang Cristo, ang anak ng Pinagpala.

Ano ang kasagutan ni Jesus sa tanong ng pinakapunong pari?

Sumagot si Jesus na siya ang Cristo, ang anak ng Pinagpala.

Mark 14:63-65

Nang marinig ang kasagutan ni Jesus, tungkol saan ang sinabi ng pinakapunong pari na pagkakasala ni Jesus?

Sinabi ng pinakapunong pari na nagkasala si Jesus ng kalapastanganan sa Diyos.

Ano ang ginawa nila kay Jesus matapos siyang hatulan bilang isang nararapat sa kamatayan?

Dinuraan nila siya, hinampas at binugbog.

Mark 14:66-70

Ano ang isinagot ni Pedro sa babaeng alipin na nagsabing kasama ni Jesus si Pedro?

Sumagot si Pedro na hindi niya nalalaman o naiintindihan ang tungkol sa sinasabi ng babae.

Mark 14:71-72

Ano ang naging tugon ni Pedro nang tanungin siya sa ikatlong pagkakataon kung isa siya sa mga alagad ni Jesus?

Nanumpa si Pedro at ipinasailalim ang kaniyang sarili sa mga sumpa na hindi niya kilala si Jesus.

Ano ang nangyari matapos sumagot si Pedro sa ikatlong pagkakataon?

Pagkatapos sumagot ni Pedro sa ikatlong pagkakataon, tumilaok ang tandang sa ikalawang pagkakataon.

Ano ang ginawa ni Pedro matapos niyang marinig ang tandang?

Matapos niyang marinig ang tandang, nanlumo si Pedro at tumangis.

Mark 15

Mark 15:1-3

Nang madaling araw, ano ang ginawa ng mga punong pari kay Jesus?

Iginapos nila si Jesus ng madaling araw at ipinasa kay Pilato. [15:1]

Mark 15:4-5

Habang nagbibigay ng maraming paratang ang mga punong pari laban kay Jesus, ano ang nakapagpamangha kay Pilato tungkol kay Jesus?

Namangha si Pilato na hindi na siya sinagot ni Jesus. [15:5]

Mark 15:6-8

Ano ang kadalasang ginagawa ni Pilato para sa mga tao sa panahon ng pista?

Kadalasang nagpapalaya si Pilato ng isang bilanggo sa mga tao na kanilang hinihiling sa panahon ng pista. [15:6]

Mark 15:9-11

Bakit gustong palayain ni Pilato si Jesus sa mga tao?

Alam ni Pilato na dahil sa inggit kung kaya ipinasa ng mga punong pari si Jesus sa kaniya. [15:10]

Sino ang isinigaw ng mga tao na palayain?

Isinigaw ng mga tao na si Barabas ang palayain. [15:11]

Mark 15:12-15

Ano ang sinabi ng mga tao na gagawin sa Hari ng mga Judio?

Sinabi ng mga tao na ang Hari ng mga Judio ay dapat ipako sa krus. [15:12-13]

Mark 15:16-18

Paano binihisan ng pangkat ng mga kawal si Jesus?

Nilagyan ng mga kawal si Jesus ng damit na kulay lila at gumawa sila ng isang koronang gawa sa tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo. [15:17]

Mark 15:19-21

Sino ang nagbuhat ng krus ni Jesus?

Isang dumaraan, si Simon na taga-Cyrene, ay pinilit na magkarga sa krus ni Jesus. [15:21]

Mark 15:22-24

Ano ang pangalan ng lugar kung saan dinala ng mga kawal si Jesus upang ipako?

Ang pangalan ng lugar ay Golgota, na ang ibig sabihin ay Lugar ng Bungo. [15:22]

Ano ang ginawa ng mga kawal sa damit ni Jesus?

Pinaghati-hatian ng mga kawal ang kasuotan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsasapalaran. [15:24]

Mark 15:25-28

Anong bintang laban kay Jesus ang isinulat ng mga kawal na karatula?

Sinulat nila sa isang karatula ang bintang laban sa kaniya, "Ang Hari ng mga Judio." [15:26]

Mark 15:29-30

Ano ang hamon ng mga dumaraan na gawin ni Jesus?

Hinamon ng mga dumaraan si Jesus na iligtas niya ang kaniyang sarili at bumaba mula sa krus. [15:29-30]

Mark 15:31-32

Ano ang sinabi ng punong pari na dapat gawin ni Jesus para sila ay maniwala?

Sinabi ng mga punong pari na si Jesus ay dapat bumaba mula sa krus upang sila ay maniwala. [15:31-32]

Anong mga titulo ang ginamit ng mga punong pari para insultuhin si Jesus?

Tinawag ng mga punong pari si Jesus na Cristo at ang Hari ng Israel. [15:32]

Mark 15:33-35

Ano ang nangyari sa ika-anim na oras?

Sa ika-anim na oras, nagdilim ang buong lupain. [15:33]

Ano ang isinigaw ni Jesus sa ika-siyam na oras?

Sa ika-siyam na oras, sumigaw si Jesus ng "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" [15:34]

Mark 15:36-38

Ano ang ginawa ni Jesus bago siya namatay?

Sumigaw si Jesus ng may malakas na boses bago siya namatay. [15:37]

Ano ang nangyari sa templo nangg namatay si Jesus?

Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba. [15:38]

Mark 15:39-41

Ano ang napatunayan ng senturion nang makita niya kung paano namatay si Jesus?

Tumestigo ang senturion na ang lalaking ito ay tunay na Anak ng Diyos. [15:39]

Mark 15:42-44

Sa anong araw namatay si Jesus?

Namatay si Jesus sa araw bago ang Araw ng Pamamahinga. [15:42]

Mark 15:45-47

Ano ang ginawa ni Jose ng Arimatea matapos mamatay ni Jesus?

Ibinaba ni Jose na taga-Arimatea si Jesus mula sa krus, binalot siya sa linong tela, at inihimlay siya sa libingan at naggulong ng isang malaking bato sa pasukan ng libingan. [15:46]

Mark 16

Mark 16:1-2

Kailan pumunta ang mga babae sa libingan ni Jesus upang pahiran ang kaniyang katawan?

Pumunta sa libingan ang mga babae noong unang araw ng linggo nang sumikat ang araw.

Mark 16:3-4

Paano nakapasok sa libingan ang mga babae kahit mayroong isang napakalaking bato sa pasukan?

May isang taong nagpagulong ng napakalaking bato mula sa pasukan.

Mark 16:5-8

Ano ang nakita ng mga babae nang pumasok sila sa libingan?

Nakita ng mga babae ang isang binatang nakasuot ng puting balabal, nakaupo sa gawing kanan.

Ano ang sinabi ng binata tungkol kay Jesus?

Sinabi ng binata na si Jesus ay bumangon at wala na roon.

Saan makikita ng mga alagad si Jesus na sinabi ng binata?

Sinabi ng binata na makikita ng mga alagad si Jesus sa Galilea.

Mark 16:9-11

Kanino unang nagpakita si Jesus matapos ang kaniyang muling pagkabuhay?

Unang nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena.

Paano tumugon ang mga alagad ni Jesus nang sabihin ni Maria sa kanila na nakita niyang buhay si Jesus?

Hindi naniwala ang mga alagad.

Mark 16:12-13

Paano tumugon ang mga alagad ni Jesus nang sabihin sa kanila ng dalawang tao na nakita nilang buhay si Jesus?

Hindi naniwala ang mga alagad.

Mark 16:14-16

Nang nagpakita siya sa mga alagad, ano ang sinabi ni Jesus sa kanila tungkol sa kanilang kawalan ng pananampalataya?

Sinaway ni Jesus ang mga alagad dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya.

Anong utos ang ibinigay ni Jesus sa mga alagad?

Inutusan ni Jesus ang mga alagad na humayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita.

Sino ang sinabi ni Jesus na maliligtas?

Sinabi ni Jesus na ang mga sumampalataya at nabautismuhan ay maliligtas.

Sino ang sinabi ni Jesus na hahatulan?

Sinabi ni Jesus na hahatulan ang mga hindi sumampalataya.

Mark 16:17-18

Anong mga palatandaan ang sinabi ni Jesus na tataglayin ng mga sumamapalataya?

Sinabi ni Jesus na ang mga sumampalataya ay magpapalayas ng mga demonyo, magsasalita sa bagong mga wika, hindi masasaktan ng anumang nakamamatay, at magpapagaling ng iba.

Mark 16:19-20

Ano ang nangyari kay Jesus matapos siyang magsalita sa mga alagad?

Matapos siyang magsalita sa mga alagad, iniakyat si Jesus sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos.

Ano ang ginawa ng mga alagad pagkatapos?

Umalis ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako.

Ano ang ginawa ng Panginoon pagkatapos?

Kumilos ang Panginoon kasama ng mga alagad at pintunayan ang salita sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang palatandaaan.