Job
Job 1
Job 1:1-3
Paano inilarawan ang katauhan ni Job?
Inilarawan si Job bilang isang tao na walang maipipintas, matuwid, may takot sa Diyos at tumatalikod mula sa anumang kasamaan.
Job 1:4-5
Pagkatapos ng mga pista na ginawa ng mga anak na lalaki ni Job kasama ang kanilang mga kapatid na lalaki at babae, ano ang nakaugalian nang gawin ni Job?
Itinatalaga sila muli ni Job sa Diyos, ipinagsusunog ng alay, at ipinapanalangin sila.
Job 1:6-8
Bakit tinanong ni Yahweh si Satanas kung ano ang masasabi niya kay Job?
Dahil nga walang katulad si Job sa mundo, isang tao na walang maipipintas, matuwid, may takot sa Diyos at tumatalikod mula sa kasamaan.
Job 1:9-12
Paano nasabi ni Satanas na iniingatan ni Yahweh si Job?
Gumawa si Yahweh ng bakod sa paligid ni Job, sa paligid ng kanyang bahay, at sa kanyang mga pag-aari.
Ano ang iniisip ni Satanas na maaring maging dahilan para itatanggi ni Job ang Diyos?
Sinabi ni Satanas na itatanggi ni Job ang Diyos kung iuunat niya ang kaniyang kamay laban sa mga pag-aari ni Job.
Ano ang ipinahintulot ni Yahweh na gawin ni Satanas?
Binigyan niya ng pahintulot na kuhanin ang lahat ng pag-aari ni Job, pero huwag lamang siyang pagbubuhatan ng kamay.
Job 1:13-15
Ano ang ibinalita ng mensahero kay Job na ginawa ng mga Sabano sa kaniya?
Pinatay nila ang lahat ng kaniyang mga lingkod at tinangay ang mga baka at mga asno.
Job 1:16-17
Ano ang ibinalita ng pangalawang mensahero kay Job na nangyari sa kaniyang mga tupa?
Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok sila kasama ng kanyang mga lingkod.
Ano ang ibinalita ng pangatlong mensahero kay Job na nangyari sa kaniyang mga kamelyo?
Tatlong grupo ng mga magnanakaw ang dumating at sumalakay sa kanila. Ninakaw nila lahat ng mga kamelyo at pinatay ang lahat ng tagapangalaga.
Job 1:18-19
Anong balita ang dala ng pang-apat na mensahero para kay Job?
Nagkakasayahan ang mga anak ni Job sa bahay ng kanilang panganay na kapatid nang isang malakas na hangin ang umihip mula sa disyerto at giniba ang bahay na bumagsak at pumatay sa kanila.
Job 1:20-22
Ano ang ginawa ni Job matapos niyang matanggap lahat ng mga balitang ito?
Pinunit niya ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.
Ano ang nasabi ni Job tungkol sa kanyang kalagayan matapos ang mga pangyayaring ito?
Sinabi niya na hubad siyang lumabas sa sinapupunan ng kaniyang ina, hubad din siyang babalik doon.
Ano ang sinabi ni Job na ginawa para sa kanya ni Yahweh?
Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang kukuha.
Paano ipinakita ni Job na siya ay hindi hangal na tao?
Hindi nagkasala si Job at hindi siya naging hangal para akusahan ang Diyos.
Job 2
Job 2:1-2
Sino ang pumunta kasama ng mga anak ng Diyos noong humarap sila kay Yahweh?
Pumunta rin si Satanas at iniharap ang kanyang sarili kay Yahweh.
Ano ang sinabi ni Satanas kay Yahweh na kanyang ginagawa?
Sinabi niya na pabalik-balik siya sa paglalakad sa lupa.
Job 2:3
Ano ang sinabi ni Yahweh na patuloy na ginagawa ni Job matapos ang pananakit ni Satanas?
Nanatili pa rin si Job sa kanyang integridad.
Job 2:4-6
Ano naman ngayon ang gustong gawin ni Satanas para isumpa na ni Job ang Diyos?
Gusto ni Satanas na hawakan ang buto at katawan ni Job para saktan siya.
Job 2:7-8
Paano pinahirapan ni Satanas ang katawan ni Job?
Pinahirapan ni Satanas si Job sa pamamagitan ng paglalagay ng mga malulubhang pigsa mula sa kanyang talampakan hanggang sa bumbunan.
Ano ang ginawa ni Job para maibsan ang sakit ng kaniyang paghihirap?
Kumuha siya ng isang piraso ng basag na palayok para kayurin ang sarili habang nakaupo sa ibabaw ng mga abo.
Job 2:9-10
Ano ang gusto ng asawa ni Job na gawin ni Job?
Gusto ng asawa ni Job na isumpa ni Job ang Diyos at mamatay na siya.
Anong paratang ang sinabi ni Job sa kanyang asawa?
Pinaratangan ni Job ang kaniyang asawa na ang iniisip lang nito ay kabutihan lang ang maaring matanggap mula sa Diyos at hindi ang masama.
Job 2:11
Ano ang ginawa ng tatlong kaibigan ni Job nang mabalitaan nila ang nangyari kay Job?
Pumunta sila para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya.
Job 2:12-13
Paano ipinakita ng tatlong kaibigan ni Job ang kanilang kalungkutan nang siya ay makita nila?
Napahiyaw sila at humagulgol sa iyak, pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa kanilang mga ulo, at tahimik na naupo sa lupa sa loob ng pitong araw at gabi.
Job 3
Job 3:1-3
Ano ang sinabi ni Job tungkol sa araw na ipinanganak siya?
Isinumpa niya ang araw ng kaniyang kapanganakan at hiniling na sana napuksa na lang ito.
Job 3:4-5
Ano ang gusto ni Job na umangkin sa araw ng kaniyang kapanganakan?
Gusto niya na ang araw na iyon ay angkinin na lang ng kadiliman at ng anino ng kamatayan.
Job 3:6-10
Ano ang gusto ni Job na bumalot sa gabi ng kaniyang kapanganakan?
Gusto ni Job na hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot sa gabi ng kaniyang kapanganakan.
Job 3:11-12
Ano ang hinihiling ni Job na mangyari nang lumabas siya sa sinapupunan ng kanyang ina?
Hinihiling niya na sana namatay na lang siya at isinuko niya ang kaniyang espiritu.
Job 3:13-16
Ano ang inaasahang ginagawa niya sa ngayon kung siya ay patay na nang ipanganak?
Kasama na niya ang mga hari at mga taga-payo sa lupa na natutulog at namamahinga.
Job 3:17-19
Saan pinalaya ang mga bilanggo at alipin kapag sila ay namatay na?
Ang bilanggo ay pinalaya mula sa boses ng kanyang taga-pamahala at ang alipin ay pinalaya mula sa kanyang amo.
Job 3:20-22
Sino ang tinutukoy ni Job na hindi mamamatay?
Hindi mamatay ang taong naghahanap ng kamatayan at naghahanap nito kaysa kayamanan.
Job 3:23-24
Paano inilarawan ni Job ang kanyang panaghoy?
Ang kaniyang panaghoy ay tulad ng pagbuhos ng tubig.
Job 3:25-26
Ano ang bagay na kinatatakutan ni Job na dumating sa kaniya?
Wala siyang kaginhawaan, katahimikan at kapahingahan.
Job 4
Job 4:1-3
Anong mabubuting bagay ang sinabi ni Elifaz na ginawa ni Job para sa ibang tao?
Tinuruan ni Job ang marami, at pinalakas ang mga nanghihinang kamay.
Job 4:4-6
Ano ang sinasabi ni Elifaz na sanhi ng lakas ng loob at pag-asa ni Job sa panahon ng kaguluhan?
Ang takot ni Job sa Diyos ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob at ang integridad niya sa kanyang mga ginagawa ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa.
Job 4:7-9
Sino ang mamamatay at tutupukin ng hininga at galit ng Diyos?
Silang mga nagbubungkal ng kasalanan at nagtatanim ng kaguluhan ang mamamatay at matutupok.
Job 4:10-11
Ano ang mga tinutukoy ni Elifaz na nabasag?
Ang boses ng mabangis na leon at ang mga ngipin ng batang leon ay nabasag.
Job 4:12-13
Paano tinanggap ni Elifaz nang palihim ang isang mensahe?
Nakarinig siya ng bulong sa kaniyang tainga at nakakita ng mga pangitain sa gabi.
Job 4:14-15
Ano ang naramdaman ni Elifaz noong matanggap niya ang mensahe?
Takot at panginginig ang naramdaman niya.
Job 4:16-17
Ano ang itinanong ng boses tungkol sa mga taong mortal?
Nagtanong ito kung ang isang tao ba ay mas matuwid kaysa sa Diyos, at mas dalisay kaysa sa kaniyang Manlilikha?
Job 4:18-21
Paano inilarawan ni Elifaz ang mga taong mortal?
Sila ay nakatira sa mga bahay na yari sa putikat ang mga pundasyon ay nasa buhangin, at mas madaling durugin kaysa sa mga kulisap.
Job 5
Job 5:1-3
Ano ang sinabi ni Elifaz na mangyayari sa hangal at walang isip?
Papatayin ng galit ang isang hangal at papatayin ng selos ang mangmang.
Job 5:4-5
Ano ang nangyayari sa mga anak ng hangal sa tarangkahan ng lungsod?
Sila ay naipit sa tarangkahan.
Job 5:6-7
Saan ba talaga nagmumula ang kaguluhan?
Ginagawa ng sangkatauhan ang sarili niyang kaguluhan.
Job 5:8-10
Ano ang ibinibigay ng Diyos sa lupa at mga taniman?
Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman
Job 5:11-13
Ano ang ginagawa ng Diyos sa mga balakin ng mga taong tuso?
Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
Job 5:14-16
Mula sa ano inililigtas ng Diyos ang mga nangangailangan at mahirap na tao?
Inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mga espada na nasa kanilang mga bibig, at inililigtas ang mga nangangailangan mula sa kamay ng mga mayayaman.
Job 5:17-19
Bakit masaya ang taong itinatama at itinutuwid ng Diyos?
Masaya siya dahil matapos niyang sugatan, tinatapalan niya ito at ginagamot ng kanyang mga kamay.
Job 5:20-22
Saan matatawa ang taong itinatama ng Diyos?
Tatawanan niya ang pagkawasak at tag-gutom.
Job 5:23-25
Ano ang makikita ng taong itinutuwid ng Diyos kapag dinalaw niya ang kaniyang kawan?
Matatagpuan niyang walang nawala sa mga ito.
Job 5:26-27
Gaano katagal mabubuhay ang taong itinutuwid ng Diyos?
Hahantong siya sa kanyang puntod sa kaniyang katandaan.
Job 6
Job 6:1-3
Paano nilarawan ni Job ang kaniyang paghihirap at kaniyang sakuna?
Kung titimbangin ang kaniyang paghihirap at sakuna, mas magiging mabigat pa ito sa mga buhangin sa dagat.
Job 6:4-6
Ano ang ginawa ng Makapangyarihan kay Job gamit ang kaniyang mga palaso?
Ang kaniyang mga palaso ay nakatarak kay Job, at iniinom ng espirtu ni Job ang lason.
Anong pagkain ang sinasabi ni Job na walang lasa?
Sinasabi niya na walang lasa ang puti ng itlog.
Job 6:7-9
Ano ang isang kahilingan ni Job na gusto niyang tuparin ng Diyos?
Hiniling ni Job na durugin siya ng Diyos at putulin na ang kaniyang buhay.
Job 6:10-11
Ano ang pampalubag-loob ni Job?
Ang pampalubag-loob ni Job ay ang hindi niya pagsuway sa mga salita ng Tanging Banal.
Job 6:12-13
Ano ang tinanggal mula kay Job?
Tinanggal ang karunungan mula kay Job.
Job 6:14-17
Kanino dapat magpakita ng katapatan ang isang kaibigan?
Dapat magpakita ng katapatan ang isang kaibigan sa taong malapit nang mawalan ng malay.
Paano inahalintulad ni Job ang kaniyang mga kapatid sa isang sapa sa disyerto?
Sila ay natuyo, nawawala sila kapag sila ay natunaw, at sila ay nalulusaw kapag mainit.
Job 6:18-20
Anong nangyayari sa mga karawan sa tuwing naghahanap sila ng tubig?
Nagpaikot-ikot sila sa tuyong lupain at saka namatay. Nabigo sila at nalinlang.
Job 6:21-23
Bakit wala nang halaga ang mga kaibigan ni Job sa kaniya?
Nakita nila ang kaawa-awang kalagayan ni Job at sila ay natakot.
Job 6:24-25
Ano ang sinabi ni Job na gagawin niya kung tuturuan siya ng kaniyang mga kaibigan?
Mananahimik lang siya.
Job 6:26-27
Ano ang sinasabi ni Job na gagawin ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang sinabi?
Balak nilang hindi pansinin at ituring parang hangin ang kaniyang sinasabi .
Job 6:28-30
Bakit nasabi ni Job sa kaniyang mga kaibigan na pigilan nila ang kanilang mga sarili sa pag-salakay sa kaniya?
Nasa tamang panig si Job.
Job 7
Job 7:1-3
Sa ano inihahambing ni Job ang kanyang mga buwan ng paghihirap at mga gabing punong-puno ng kahirapan?
Inihahambing niya ang mga ito sa isang alipin na naghahangad ng gabi, o sa isang trabahador na naghihintay sa kanyang sahod.
Job 7:4-5
Ano ang bumabalot sa laman ni Job?
Mga uod at mga tipak ng alikabok ang bumabalot sa kanyang laman.
Job 7:6-7
Anong imahe ang ginagamit ni Job para ilarawan ang bilis ng kanyang mga araw?
Ang kanyang mga araw ay mas mabilis kaysa panghabi.
Job 7:8-10
Sa ano inihahambing ni Job ang isang tao na bumaba sa sheol?
Gaya siya ng ulap na napawi at nawawala.
Job 7:11-12
Sa anong pamamaraan magsasalita at magrereklamo si Job?
Magsasalita sa dalamhati ng kanyang espiritu at magrereklamo sa kapaitan ng kanyang kaluluwa.
Job 7:13-15
Ano ang ginagawa ng Diyos kay Job kapag siya ay matutulog?
Tinatakot siya ng Diyos sa mga panaginip at sinisindak siya sa pamamagitan ng mga pangitain.
Job 7:16-18
Bakit nais ni Job na iwanan siyang mag-isa ng Diyos?
Sinabi ni Job na wala nang halaga ang kanyang buhay.
Job 7:19-20
Ano ang ipinapaki-usap ni Job sa Diyos na pabayaan muna siyang mag-isa para magawa niya?
Nakiki-usap siya na hayaan muna siyang mag-isa para malunok ang kanyang sariling laway.
Job 7:21
Ano ang iniisip ni Job na hindi gagawin ng Diyos?
Iniisip ni Job na hindi patatawarin ng Diyos ang kanyang kasalanan at aalisin ang kanyang kasamaan.
Job 8
Job 8:1-3
Sa ano inihahambing ni Bildad ang mga salita sa bibig ni Job?
Inihambing niya ito sa malakas na hangin.
Job 8:4-5
Paano sinabi ni Bildad na alam niya na nagkasala ang mga anak ni Job?
Sinabi niya na alam niya ito dahil ipinaubaya ng Diyos ang mga anak ni Job sa kanilang mga kasalanan.
Job 8:6-7
Paano sinabi ni Bildad na pagpapalain ng Diyos si Job kung siya ay busilak at matuwid?
Gagantimpalaan niya si Job ng isang tahanan na tunay niyang pag-aari.
Job 8:8-10
Sa ano inihahambing ni Bildad ang ating buhay sa daigdig?
Sinasabi niya na sila ay isang anino.
Job 8:11-12
Ano ang kinakailangan ng papirus at tambo para tumubo?
Kailangan ng papirus ang lupa, at kailangan ng tambo ang tubig para tumubo.
Job 8:13-15
Sa ano inihahambing ni Bildad ang tiwala ng mga taong walang diyos?
Ang kanilang tiwala ay kasing rupok ng sapot ng gagamba.
Job 8:16-18
Ano ang ginagawa ng mga ugat na kumakatawan sa isang tao na nakakalimot sa Diyos?
Ang kanyang mga ugat ay nakapulupot sa mga tambak ng bato at humahanap ng magagandang lugar sa gitna ng mga bato.
Job 8:19-20
Paano magkaibang tinatrato ng Diyos ang isang inosenteng tao at ang mga taong gumagawa ng masama?
Hindi niya itatapon ang isang inosenteng tao, pero hindi niya aalalayan ang kamay ng mga gumagawa ng masama.
Job 8:21-22
Sa ano pupunuin ng Diyos ang bibig at mga labi ng inosenteng tao?
Pupunuin niya ng tawanan ang kanyang bibig at kanyang mga labi ng sigawan.
Job 9
Job 9:1-3
Ano ang maaring mangyari sa isang tao na nais makipagtalo sa Diyos?
Hindi makasasagot ang isang tao sa Diyos minsan sa isang libong beses.
Job 9:4-6
Ano ang gagawin ng Diyos sa mga bundok kapag siya ay galit?
Tinatanggal niya ang mga bundok ng walang babala at itinataob niya ang mga ito.
Job 9:7-9
Ano ang tinatapakan ng Diyos?
Tinatapakan at sinusupil niya ang mga alon ng dagat.
Job 9:10-12
Nakikita ba ni Job ang Diyos kapag siya ay dumadaan?
Sinasamahan siya ng Diyos pero hindi siya nakikita at nararamdaman ni Job.
Job 9:13-15
Kahit na si Job ay matuwid, paano niya kailangan sagutin ang Diyos?
Hindi siya maaring sagutin ni Job, pero maaari lamang siyang magsumamo ng awa.
Job 9:16-18
Bakit naniniwala si Job na pinarami ng Diyos ang kanyang mga sugat?
Naniwala si Job na pinarami ng Diyos ang kanyang mga sugat nang walang dahilan.
Job 9:19-20
Posible bang maging matuwid at perpekto si Job?
Hindi, dahil noon pa man, ang kanyang bibig ang hahatol sa kanya at patutunayan na siya ay may kasalanan.
Job 9:21-24
Iniisip ba ni Job na magkaiba ang pakikitungo ng Diyos sa mga taong walang kasalanan at mga taong masasama?
Sinasabi niya na magkasamang winawasak ng Diyos ang mga taong walang kasalanan at mga taong masasama.
Job 9:25-26
Sa anong tatlong mga bagay inihahalintulad ang bilis ng kanyang mga araw?
Mas mabilis ang mga ito kaysa tumatakbong mensahero, mas mabilis ang mga ito gaya ng mga bangkang tambo at kasing-bilis ng pumapagaspas na agila.
Job 9:27-31
Bakit sinabi ni Job na magiging walang kabuluhan na kalimutan ang kanyang mga reklamo?
Hindi siya maaring ituring ng Diyos na walang kasalanan, ngunit si Job ay hahatulan.
Job 9:32-33
Ano ang sinasabi ni Job na hindi magagawa ng sinumang hukom?
Walang hukom ang makapagpapatong ng kanyang kamay kay Job at sa Diyos.
Job 9:34-35
Ano ang sinasabi ni Job na hindi magagawa ng ibang hukom?
Walang sinumang hukom ang maaring magtanggal ng pamalo ng Diyos mula kay Job, o pumigil sa pananakot ng Diyos kay Job.
Job 10
Job 10:1-3
Bakit gusto ni Job na ipakita ng Diyos sa kanya, sa halip na isumpa lamang siya.
Gusto niyang ipakita ng Diyos kay Job kung bakit inaakusahan siya.
Job 10:4-7
Anong uri ng mga mata ang tinatanong ni Job sa Diyos kung meron siya?
Tinatanong ni Job kung meron siyang mga mata na nakakakita kagaya nang nakikita ng tao.
Ano ang sinasabi ni Job na sinasaliksik at hinahanap ng Diyos?
Sinasaliksik ng Diyos ang mga kasamaan ni Job at hinahanap ang kanyang mga kasalanan.
Job 10:8-9
Ano ang nagawa ng mga kamay ng Diyos kay Job?
Binalangkas at hinubog nito si Job, kasama ang buong kapaligiran.
Job 10:10-11
Sa ano binihisan ng Diyos si Job?
Binihisan siya ng balat at laman
Job 10:12-14
Ano ang ipinagkaloob ng Diyos kay Job?
Ipinanagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhay at katapatan sa tipan.
Ano ang gagawin ng Diyos kung si Job ay nagkasala?
Papansinin ng Diyos ang kanyang kasalanan, at hindi siya ipapawalang sala sa kanyang kasamaan.
Job 10:15-16
Ano ang ginagawa ng Diyos kay Job kung itinataas ni Job ang kanyang ulo?
Huhulihin siya ng Diyos gaya ng isang leon.
Job 10:17
Sino ang dinadala ng Diyos laban kay Job na naglalarawan kung ano ang nangyayari sa kanya?
Nagdadala ang Diyos ng mga bagong saksi laban sa kanya.
Job 10:18-19
Ano ang hinihiling ni Job na sana nangyari sa kanya?
Hinihiling niya na isinuko na sana ang kanyang espiritu at para wala ng mata ang nakakita sa kanya.
Job 10:20-22
Saan pupunta si Job, kung saan hindi na siya makakabalik?
Pupunta siya sa lupain ng kadiliman at sa anino ng kamatayan.
Job 11
Job 11:1-3
Ano ang iniisip ni Zofar na nagawa ni Job sa kanilang katuruan?
Inisip niya na nilait ni Job ang katuruan ng kanyang mga kaibigan.
Job 11:4-6
Ano ang sinasabi ni Zofar na hinihingi ng Diyos mula kay Job?
Sinabi niya na mas maliit ang hiningi ng Diyos mula kay Job kaysa kabaluktutan na nararapat sa kanya.
Job 11:7-9
Iniisip ba ni Zofar na maaring mauunawaan ni Job ang Diyos?
Iniisip ni Zofar na ito ay imposible dahil ang Diyos ay kasing-taas ng langit, mas malalim kaysa sheol, mas mahaba kaysa daigdig at mas malawak kaysa dagat.
Job 11:10-14
Iniisip ba ni Zofar na posibleng pigilan ng sinuman ang Diyos?
Imposibleng mapigilan ang Diyos dahil kilala niya ang mga hindi totoong mga tao at alam niya ang mga kasalanan.
Kailan sinasabi ni Zofar na ang mga taong hangal ay magkakaroon ng pang-unawa?
Magkakaroon sila ng pang-unawa kapag ang isang ligaw na asno ay magsisilang ng isang tao.
Job 11:15-17
Ano ang sinasabi ni Zofar ang nais niyang mangyari sa paghihirap ni Job kung totoong alisin niya ang kanyang kasalanan.
Malilimutan ni Job ang kanyang paghihirap at maaalala na lamang ito gaya ng mga tubig na umaagos palayo.
Job 11:18-19
Bakit magiging ligtas si Job kung aalisin niya ang kanyang kasalanan?
Magiging ligtas siya dahil magkakaroon ng pag-asa.
Job 11:20
Ano ang sinasabi ni Zofar na tanging pag-asa ng mga masasamang tao?
Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay.
Job 12
Job 12:1-3
Paano inihahambing ni Job ang kanyang sarili sa kanyang mga kaibigan?
Sinasabi niya na mayroon din siyang pang-unawa at hindi ito mas mababa kaysa kanila.
Job 12:4-6
Ano ang iniisip ng mga kapitbahay ni Job tungkol sa kanya ngayon?
Pinagtatawanan nila siya.
Job 12:7-8
Ano ang iniisip ni Job na maaring magturo sa kanyang mga kaibigan?
Ang mga mababangis na hayop, ang mga ibon, ang daigdig, at ang mga isda sa dagat ay maaring magturo sa kaniyang mga kaibigan.
Job 12:9-10
Ano ang nalalaman ng lahat ng hayop?
Nalalaman nila na ang kamay ni Yahweh ang nagbigay sa kanila ng buhay.
Job 12:11-12
Ano ang sinasabi ni Job tungkol sa mga matatandang lalaki at ang pang-unawa?
Ang mga matatandang lalaki ay may karunungan at sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.
Job 12:13-15
Ano ang gagawin ng Diyos sa mga tubig?
Hahawakan niya ang mga ito at matutuyo sila at kung pakakawalan niya ang mga ito ay matatabunan nila ang kalupaan.
Job 12:16-18
Ano ang kukunin ng Diyos sa mga hari?
Kukunin niya ang kadena ng kapangyarihan mula sa kanila.
Job 12:19-21
Ano ang sinasabi ni Job tungkol sa ginagawa ng Diyos sa mga taong mapagkakatiwalaan at mga nakatatanda?
Tinatanggal niya ang pananalita ng mga taong mapagkakatiwalaan at mga nakatatanda.
Job 12:22-23
Ano ang sinasabi ni Job tungkol sa ginagawa ng Diyos sa mga bansa?
Pinapalakas niya sila o winawasak sila, at pinaparami sila o dinadala niya ang mga ito bilang mga bihag.
Job 12:24-25
Ano ang nangyayari sa mga pinuno ng mga tao sa daigdig kapag tinanggal ng Diyos ang kanilang pang-unawa.
Dinudulot niya na sila ay magpaikot-ikot sa ilang kung saan walang daan.
Job 13
Job 13:1-2
Paano sinabi ni Job na ang kaniyang kaalaman ay maihahambing sa kaniyang mga kaibigan?
Sinabi ni Job na alam niya ang pareho ng nalalaman nila, at hindi siya mababa sa kanila.
Job 13:3-5
Sino ang gustong makausap ni Job sa halip na kaniyang mga kaibigan at bakit?
Mas gusto niyang kausapin ang Makapangyarihan dahil gusto ni Job na mangatwiran sa Diyos.
Ano ang sinabi ni Job na ginagawa ng kaniyang mga kaibigan sa katotohanan?
Tinatakpan nila ang katotohanan ng kasinungalingan.
Job 13:6-8
Ano ang gusto ni Job na marinig ng kaniyang mga kaibigan?
Gusto niyang marinig nila ang panawagan ng kaniyang mga labi.
Job 13:9-10
Sasang-ayon ba ang Diyos kung magpapakita ng pagtatangi ang mga kaibigan ni Job sa Diyos?
Hindi, susumbatan niya sila kung magpapakita ng pagtatangi sa kaniya.
Job 13:11-12
Ano ang iniisip ni Job tungkol sa mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan at mga pagtatanggol?
Sinasabi niya na ang kanilang mga sinasabi ay mga kawikaan na gawa sa mga abo, at ang kanilang mga pagtatanggol ay gawa sa putik.
Job 13:13-15
Ano ang hinihiling ni Job sa kaniyang mga kaibigan na gawin para siya ay makapagsalita?
Hinihiling ni Job sa kanila na manahimik at hayaan siyang mag-isa.
Job 13:16-17
Bakit iniisip ni Job na aabsweltuhin siya?
Hindi siya makakalapit sa harapan ng Diyos tulad ng isang taong hindi maka-diyos.
Job 13:18-19
Ano ang inilagay ni Job sa kaayusan?
Inilagay niya sa kaayusan ang kaniyang pagtatanggol.
Job 13:20-22
Ano ang nais ni Job na bawiin sa kaniya ng Diyos?
Nais ni Job na bawiin ng Diyos ang kaniyang mapang-aping kamay (mula kay Job).
Job 13:23-25
Sino ang tinatrato ng Diyos na tulad kay Job?
Tinatrato niya si Job gaya ng kaniyang kaaway.
Job 13:26-28
Ano mga walang kwentang bagay na sinasabi ni Job na katulad niya?
Tulad siya ng isang mabahong bagay na nabubulok, tulad ng isang damit na kinain ng gamugamo.
Job 14
Job 14:1-3
Paano sinabi ni Job na ang tao ay tulad ng isang bulaklak?
Umuusbong ang tao sa lupa gaya ng isang bulaklak, at pinuputol.
Job 14:4-6
Sino ang nagpapasya sa haba ng buhay ng tao?
Pinagpasyahan ng Diyos ang kaniyang araw at ang bilang ng kaniyang mga buwan.
Job 14:7-9
Ano ang sinabi ni Job tungkol sa isang puno na naputol?
Maaaring magkaroon ng pag-asa para sa isang puno na pinutol, dahil maaari itong sumibol muli.
Job 14:10-12
Sinasabi ba ni Job na maaaring mabuhay muli ang isang tao?
Sinasabi niya na hindi na muling mabubuhay ang mga tao, at hindi na babangon sa kanilang pagkatulog.
Job 14:13-14
Saan hinihiling ni Job na itago siya ng Diyos?
Nais ni Job na itago siya ng Diyos sa sheol na malayo sa mga kaguluhan.
Job 14:15-17
Paano ituturing ng Diyos ang pagsuway at kasalanan ni Job kung nagwakas na ang galit ng Diyos?
Itatago ng Diyos sa sako ang pagsuway ni Job, at tinakpan ang kasalanan.
Job 14:18-19
Ano ang kahanga-hangang bagay ang nagagawa ng tubig sa pagdaan ng panahon?
Maaaring masira ng tubig ang mga bato.
Job 14:20-22
Paano naaapektuhan ang taong patay kung ang kaniyang mga anak ay pinaparangalan o hinahamak?
Kung sila ay pararangalan, hindi niya ito malalaman, at kung sila ay hinahamak, hindi niya makikita itong nangyayari.
Job 15
Job 15:1-3
Sa ano hindi dapat punuin ng taong marunong ang kaniyang sarili?
Hindi niya dapat punuin ang kaniyang sarili ng hanging silangan.
Job 15:4-6
Paano iniisip ni Elifaz na ang mga pahayag ni Job ay inilalagay ang Diyos sa kahihiyan?
Iniisip niya na binabawasan ni Job ang paggalang sa Diyos, at hinahadlangan ang debosyon sa kaniya.
Job 15:7-9
Iniisip ba ni Elifaz na may alam si Job na hindi alam ng ibang mga kaibigan?
Hindi niya iniisip na alam ni Job ang hindi nila alam, o nauunawaan niya kung ano ang wala rin sa kanila.
Job 15:10-11
Sinu-sinong tao ang sinabi ni Elifaz na sumasang-ayon sa mga kaibigan ni Job?
Ang kapwa puti ang buhok at napakatandang tao na mas matanda pa kaysa sa ama ni Job ang kasama ni Elifaz at kaniyang mga kaibigan.
Job 15:12-14
Ano ang iniisip ni Elifaz na nagawa ng espiritu ni Job?
Iniisip niya na tumalikod ang espiritu ni Job laban sa Diyos.
Job 15:15-16
Paano nakikita ng Diyos ang kaniyang mga hinirang at ang mga kalangitan?
Hindi siya nagtitiwala kahit sa kaniyang mga hinirang, at ang mga kalangitan ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
Job 15:17-18
Mula kanino kinuha ni Elifaz ang mga bagay na kaniyang ipapahayag kay Job?
Ang mga bagay na nakita niya ay ang mga bagay na ipinasa ng marurunong na mga tao mula sa kanilang ama, at mga bagay na hindi tinago ng mga ninuno.
Job 15:19-21
Kailan darating sa masamang tao ang maninira?
Darating ang maninira sa kaniya habang siya ay nasa kaniyang kasaganaan.
Job 15:22-24
Ano ang naghihintay sa masamang tao?
Naghihintay ang espada sa masamang tao.
Job 15:25-26
Sa ano binabangga ng masamang tao ang Diyos?
Binabangga niya ang Diyos nang may matigas na leeg at makapal na kalasag.
Job 15:27-28
Ano ang mangyayari sa mga lungsod at mga tahanan ng masamang tao?
Handa silang maging mga tambakan.
Job 15:29-30
Ano ang magiging dahilan para mamatay ang masama?
Mamamatay siya sa hininga ng bibig ng Diyos.
Job 15:31-33
Ano ang gantimpala na makukuha ng masamang tao sa pagtitiwala sa mga walang kwentang bagay?
Ang pagkawalang kwenta ang magiging gantimpala niya.
Job 15:34-35
Ano ang mangyayari sa grupo ng taong hindi maka-diyos?
Ito ay magiging tigang at tutupukin ng apoy ang kanilang mga tolda ng panunuhol.
Job 16
Job 16:1-5
Ano ang sinasabi ni Job tungkol sa pag-aaliw ng kaniyang mga kaibigan?
Sinabi ni Job na sila ay nakakayamot na mga taga-aliw na gumagamit ng walang kwentang mga salita.
Job 16:6-8
Paano nakaapekto ang pagsasalita ni Job sa kaniyang pighati?
Kung nagsalita siya, ang kaniyang pighati ay hindi mababawasan, at kung patuloy siyang magsasalita, hindi siya matutulungan.
Job 16:9-10
Paano tinuturing ng ibang tao si Job habang minamalupitan siya ng Diyos?
Napapanganga sila kay Job, sinasampal siya ng mapanisi sa pisngi, at nagsama-samang nagtitipon laban sa kaniya.
Job 16:11-12
Kanino ibinigay ng Diyos si Job?
Ibinigay siya ng Diyos sa taong hindi maka-diyos, at hinagis siya sa mga kamay ng masamang tao.
Job 16:13-14
Paano napinsala ng Diyos si Job?
Tinusok niya ang mga laman-loob ni Job at pinalabas niya ang aking bituka sa lupa.
Job 16:15-17
Ano ang ginawa ni Job sa kaniyang balat para ipakita ang kaniyang pighati?
Tinahi niya ang sako sa kaniyang balat?
Job 16:18-19
Sino ang saksi ni Job at kayang managot para kay Job?
Nasa langit ang saksi ni Job, at ang mananagot sa kaniya ay nasa kaitaasan.
Job 16:20-22
Kanino siya lumalapit habang kinukutya siya ng kaniyang mga kaibigan?
Umiiyak si Job sa Diyos.
Job 17
Job 17:1-3
Ano ang dapat laging makita ni Job?
Lagi niya dapat makita ang pagtatangka ng mangungutyang kasama niya.
Anong pangako ang gusto ni Job na gawin ng Diyos para sa kaniya?
Gusto niya na mangako na maging isang garantiya ang Diyos para sa kaniya.
Job 17:4-5
Kaninong masasamang gawa ang magdudulot sa mga mata ng kaniyang anak para mabigo?
Ang mga bumabatikos sa kaniyang mga kaibigan para sa isang gantimpala ang magdudulot sa mata ng kaniyang mga anak para hindi magtagumpay.
Job 17:6-8
Ano ang nangyari sa mga mata ni Job at kaniyang katawan nang dahil sa kalungkutan?
Ang kaniyang mata ay lumabo at lahat ng bahagi ng kaniyang katawan ay namayat gaya ng mga anino.
Job 17:9-10
Iniisip ba ni Job na mahahanap niya ang matatalinong tao sa mga kaibigan niya?
Nalalaman ni Job na hindi niya mahahanap ang matatalinong tao sa kanila.
Job 17:11-12
May mga plano ba si Job para sa kinabukasan?
Tapos na ang mga plano ni Job, gaya ng mga kahilingan ng kaniyang puso.
Job 17:13-16
Naging ano ang ama, ina, at kapatid na babae ni Job?
Naging hukay ang kaniyang ama, at ang uod ay ang kaniyang ina at kapatid na babae.
Job 18
Job 18:3-4
Ano ang iniisip ni Bildad na inaakala ni Job sa kaniyang mga kaibigan?
Iniisip ni Bildad na inaakala ni Job na sila ay gaya ng halimaw, at inisip nila na sila ay mga hangal.
Job 18:5-6
Ano ang mangyayari sa ilaw ng mga masasamang tao?
Ang kaniyang ilaw ay papatayin, at ang kislap ng apoy ay hindi magliliwanag.
Job 18:7-8
Ano ang maghahahgis sa masasamang tao sa lambat?
Siya ay ihahagis sa lambat ng kaniyang sariling paa, at siya ay lalakad sa isang patibong.
Job 18:9-11
Ano ang huhuli sa mga masasamang tao?
Mahuhuli siya ng isang bitag, isang silo, at isang patibong.
Job 18:12-13
Ano ang mangyayari sa kayamanan ng mga masasamang tao?
Ang kaniyang kayamanan ay mapapalitan ng kagutuman.
Job 18:14-15
Saan hindi maninirahan ang mga masasamang tao?
Ilalabas siya sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan.
Job 18:16-17
Anong larawan ang ginamit ni Bildad na maglalarawan sa mangyayari sa mga masasamang tao?
Inilalarawan niya ang mga masasamang tao gaya ng isang puno na natutuyo ang mga ugat sa lupa, at mga sanga na puputulin.
Job 18:18-21
Mayroon bang mga kaapu-apuhan ang mga masasamang tao?
Walang anak o ni anak man ng anak ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili.
Paano tumugon ang mga tao sa kung ano ang mangyayari sa mga masasamang tao?
Ang mga taong naninirahan sa kanluran ay manginginig at ang mga tao na naninirahan sa silangan ay matatakot.
Job 19
Job 19:1-2
Naging ano si Job nang binasag siya ng kaniyang mga kaibagan?
Sinasabi ni Job na siya ay naging pira-piraso matapos siyang basagin ng mga kaibigan niya.
Job 19:3-4
Ilang beses pinagsabihan si Job ng kaniyang mga kaibigan?
Pinagsabihan nila si Job ng sampung beses.
Kaninong pananagutan kapag nagkamali si Job?
Sinasabi ni Job na pananagutan niya ang sarili niyang pagkakamali.
Job 19:5-6
Ayon kay Job, paano siya tinuring ng Diyos?
Sinasabi ni Job na ginawan siya ng mali ng Diyos at nahuli sa lambat ng Diyos.
Job 19:7-9
Ano ang nangyayari kay Job kapag tumatawag siya ng tulong dahil ginawan siya ng mali?
Hindi siya dininig at walang katarungan.
Job 19:10-12
Paano tinuring si Job ng Diyos?
Tinuring si Job ng Diyos bilang isa sa kaniyang mga kaaway.
Job 19:13-14
Ano ang nangyari sa lahat ng pamilya at kaibigan ni Job?
Nilayo ng Diyos ang mga kapatid niyang lalaki sa kaniya, inalis ang mga kakilala niya, binigo siya ng mga kamag-anak niya, at kinalimutan siya ng mga malalapit niyang kaibigan.
Job 19:15-16
Paano tumugon ang lingkod ni Job nang nanawagan siya sa kaniya?
Ang lingkod niya ay hindi sumagot kahit nagmamakaawa siya.
Job 19:17-19
Paano tinugon si Job ng mga minamahal niya?
Tinalikuran siya ng mga minamahal niya.
Job 19:20-22
Paano nakaligtas si Job?
Naligtas si Job nang buto't balat na lamang ang natira sa kaniya.
Job 19:23-24
Ano ang nais ni Job na mangyari sa kaniyang mga sinabi?
Nais niyang maisulat ang mga ito at maitala sa isang aklat, o maiukit gamit ang panulat at tingga sa bato magpakailanman!
Job 19:25-27
Ano ang sinasabi ni Job na alam niya?
Alam niyang nabubuhay ang kaniyang Manunubos, at balang araw ay tatayo sa daigdig ang Manunubos niya.
Ano ang sinasabi ni Job na mangyayari kapag nawasak na ang katawan niya?
Sa kaniyang katawan, makikita ni Job ang Diyos.
Job 19:28-29
Ano ang dinadala ng poot?
Dinadala ng poot ang kaparusahan ng espada.
Job 20
Job 20:1-3
Bakit sinagot agad ni Zofar si Job?
Sinagot niya agad si Job dahil sa pagaalala niya at may espiritu na tumutugon sa kaniya na higit sa kaniyang kaalaman. Narinig niya ang pagsaway ni Job at sinasabi niyang pinapahiya siya nito.
Job 20:4-5
Hanggang kailan nagtatagal ang kagalakan ng taong hindi naniniwala sa Diyos?
Ang kagalakan ng taong hindi naniniwala Diyos ay nagtatagal lamang ng maikling panahon.
Job 20:6-7
Paano magdudusa ang masamang tao?
Tuluyang magdudusa ang taong iyong katulad ng kaniyang dumi.
Job 20:8-9
Paano maglalaho ang masamang tao?
Maglalaho siya katulad ng panaginip, at itataboy palayo tulad ng pangitain sa gabi.
Job 20:10-11
Ano ang gagawin ng mga anak ng masama?
Hihingi ng kapatawaran ang mga anak niya sa mga dukha.
Job 20:12-14
Ano ang nangyayari sa kasamaan na nasa loob ng masamang tao?
Dudulutin nitong maging mapait ang mga pagkain sa kaniyang bituka, at magiging tulad ng kamandag ng ahas sa loob niya.
Job 20:15-16
Ano ang mangyayari sa kayamanan na nilulunok ng masasamang tao?
Isusuka niya ulit ang mga ito.
Job 20:17-19
Ano ang hindi ikabubuhay ng masamang tao para maging masaya?
Hindi siya mabubuhay para maging masaya sa panonood ng mga ilog at dumadaloy na agos ng pulot at mantikilya.
Bakit hindi magiging masaya ang masamang tao?
Inapi niya at pinabayaan ang mahihirap, at marahas niyang kinuha ang mga bahay na hindi niya itinayo.
Job 20:20-22
Bakit hindi magtatagal ang kasaganaan ng masama?
Hindi ito magtatagal dahil walang naiwang bagay ang hindi niya nilamon.
Job 20:23-25
Ano ang gagawin ng Diyos sa masasama na bubusugin na ang kaniyang sarili?
Papaulanin niya ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon habang kumakain siya.
Ano ang mangyayari kapag tumakas ang masamang tao mula sa bakal na sandata?
Papatamaan siya ng tanso na pana.
Job 20:26-27
Ano ang gagawin ng langit at lupa laban sa masamang tao?
Ihahayag ng kalangitan ang kaniyang kasalanan at magiging saksi ang kalupaan laban sa kaniya.
Job 20:28-29
Ano ang mangyayari sa masamang tao sa araw ng poot ng Diyos?
Maglalaho ang kayamanan ng kaniyang tahanan at aanurin ang kaniyang mga ari-arian.
Job 21
Job 21:1-3
Ano sa tingin ni Job ang gagawin ng mga kaibigan niya pagkatapos niyang magsalita?
Sa tingin ni Job patuloy siyang lalaitin ng mga kaibigan niya.
Job 21:4-6
Paano tutugon ang mga tao kapag tinitingnan nila si Job?
Magugulat sila at ilalagay ang mga kamay nila sa kanilang mga bibig.
Ano ang nangyayari kay Job kapag iniisip niya ang mga paghihirap niya?
Nababagabag siya at nananaig ang takot sa kaniyang laman.
Job 21:7-9
Ano ang tinatanong ni Job patungkol sa masamang mga tao?
Tinatanong ni Job kung bakit sila patuloy na nabubuhay, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay.
Job 21:10-12
Ano ang nangyayari sa toro at baka ng mga masasama?
Hindi nabibigong manganak ang mga toro at hindi namamatay ang mga guya ng baka dahil sa maagang pagkapanganak nito.
Job 21:13-15
Ano ang sinasabi ng masasama sa Diyos?
Sinasabi nila na layuan sila ng Diyos, dahil wala silang nais na malaman sa pamamaraan niya.
Job 21:16-18
Paano tumugon si Job sa payo ng masasama?
Wala siyang gagawin sa kanilang mga payo.
Job 21:19-21
Sino ang nais ni Job na magbayad sa kasalanan ng masama?
Nais ni Job na pagbayaran ng masama ang kaniyang kasalanan, at hindi ng kaniyang mga anak, para malaman niya ang kaniyang kasalanan.
Job 21:22-24
May maaari bang makapagturo ng kaalaman sa Diyos?
Wala, dahil hinahatulan niya kahit ang mga nasa nakatataas.
Job 21:25-26
Ano ang nangyayari sa parehong tao na namamatay nang malakas pa at sa taong namamatay nang may kapaitan sa kaniyang kaluluwa?
Pareho silang namamatay sa alikabok at pareho silang babalutan ng uod.
Job 21:27-28
Ano ang alam ni Job sa pag-iisip at pamamaraan ng kaniyang mga kaibigan?
Alam niya ang kanilang mga iniisip at ang mga paraan na nais nilang hamakin siya.
Job 21:29-30
Ano ang nakita ng mga taong naglalakbay na nangyayari sa masamang tao?
Nakita nilang iniingatan ang masamang tao mula sa araw ng kapahamakan, at nilalayo siya mula sa araw ng poot.
Job 21:31-33
Ano ang gagawin ng mga tao para sa puntod ng masamang tao?
Babantayan ng mga tao ang kaniyang puntod.
Job 21:34
Sa anong paraan ang sinabi ni Job na sinusubukan siyang pasiyahin ni Zofar?
Sinasabi ni Job na sinusubukan siyang pasiyahin ni Zofar sa pamamagitan ng walang kabuluhan.
Job 22
Job 22:1-3
Ano ang tinatanong ni Elifaz kay Job na magagawa ng kaniyang pagiging matuwid para sa Makapangyarihan?
Tinatanong niya kung nagdadala ba ito ng kasiyahan sa Makapangyarihan kung matuwid si Job.
Job 22:4-5
Paano kinukutya ni Elifaz ang paggalang ni Job para sa Diyos?
Kinukutiya niya si Job sa pagsasabi na dahil ginagalang ni Job ang Diyos, sinasaway siya ng Diyos.
Job 22:6-8
Ano ang binibintang ni Elifaz na ginagawa ni Job sa mga nakahubad?
Binibintang niya na hinubaran ni Job ang mga tao.
Job 22:9-11
Ano ang binibintang ni Elifaz na ginagawa ni Job sa mga balo?
Sinasabi niya na pinaalis niya ang mga balo nang walang mga dala.
Ano ang sinsasabi ni Elifaz na ginawa ng kadiliman kay Job?
Sinasabi niya na may kadiliman, para hindi makakita si Job.
Job 22:12-14
Ayon kay Elifaz, ano ang sinasabi ni Job tungkol sa Diyos na hindi nakikita ang mga tao?
Sinasabi ni Job, "Binabalutan ng makapal na ulap ang Diyos, para hindi niya makita ang mga tao."
Job 22:15-17
Ano ang nangyayari sa pundasyon ng masasamang tao?
Tinangay ang mga pundasyon ng masasama tulad ng ilog.
Job 22:18-20
Paano kumikilos ang mga taong tuwid kapag nakikita nila ang kapalaran ng masasama?
Nakikita ng mga taong tuwid ang kanilang kapalaran at nagagalak.
Job 22:21-22
Ano ang mangyayari kung may kapayapaan si Job sa Diyos?
Kung may kapayapaan si Job sa Diyos, darating sa kaniya ang kabutihan.
Job 22:23-25
Ano ang sinasabi ni Elifaz kay Job kung babalik siya sa Makapangyarihan?
Kung babalik si Job sa Makapangyarihan, maitatatag siya.
Job 22:26-28
Ano ang mangyayari kapag nasisiyahan si Job sa Makapangyarihan?
Kapag nasisiyahan si Job sa Makapangyarihan, itataas niya ang kaniyang mukha sa Diyos.
Job 22:29-30
Ano ang ginagawa ng Diyos sa mga mapagmataas?
Binababa niya ang mga mapagmataas.
Job 23
Job 23:1-2
Ano ang sinasabi ni Job na mas mabigat kaysa sa kaniyang pagdadaing?
Sinasabi ni Job na mas mabigat ang kaniyang paghihirap kaysa sa kaniyang pagdadaing.
Job 23:3-5
Ano ang gagawin ni Job sa harapan ng Diyos kung matatagpuan niya siya?
Ihahain niya ang kaniyang kaso sa harapan ng Diyos at pupunuin ang kaniyang bibig ng mga pangangatwiran.
Job 23:6-7
Iniisip ba ni Job na lalabanan siya ng Diyos sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan kung makatatayo siya sa harapan ng Diyos?
Hindi, iniisip niya na papansinin siya ng Diyos.
Job 23:8-9
Ano ang sinasabi ni Job na ginagawa ng Diyos sa timog?
Sinasabi niya na sa timog, tinatago ng Diyos ang kaniyang sarili para hindi siya makita ni Job.
Job 23:10-12
Anong bunga ang inaasahan ni Job mula sa pagsusubok sa kaniya ng Diyos?
Kapag nasubukan na ng Diyos si Job, lalabas siya gaya ng ginto.
Ano ang ginawa ni Job sa mga salita sa bibig ng Diyos?
Iningatan niya sa kaniyang puso ang mga salita ng Diyos.
Job 23:13-14
Ano ang isinasakatuparan ng Diyos para kay Job?
Isinasakatuparan niya ang kaniyang mga tagubilin para kay Job.
Job 23:15-17
Ano ang nararamdaman ni Job kapag iniisip niya ang Diyos?
Kapag iniisip ni Job ang Diyos, siya ay natatakot sa kaniya.
Ano ang bumabalot sa mukha ni Job?
Binabalutan ng makapal na kadiliman ang mukha ni Job.
Job 24
Job 24:1
Ano ang mga panahon na sa tingin ni Job na hindi itinakda ng Makapangyarihan?
Tinatanong ni Job kung bakit hindi itinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghuhukom sa masasama.
Job 24:2-4
Ano ang ginagawa ng masasama sa asno ng walang ama?
Tinataboy nila ang alagang asno ng taong walang ama.
Job 24:5-7
Ano ang inaasahan ng mahihirap na ipagkakaloob ng Arabah?
Inaasahan nila na pagkakalooban sila ng Arabah ng pagkain para sa kanilang mga anak.
Ano ang wala sa mahihirap kapag malamig?
Wala silang panakip sa lamig.
Job 24:8-10
Ano ang niyayakap ng mahihirap dahil wala silang masisilungan?
Yumayakap sila sa bato dahil wala silang masisilungan.
Ano ang ginagawa ng mahihirap para sa iba kahit nagugutom sila?
Kahit na nagugutom sila, dinadala nila ang bugkos ng mga butil para sa iba.
Job 24:11-12
Ano ang ginagawa ng mahihirap para sa iba kahit nagdudusa sila sa uhaw?
Tinatapakan nila ang pigaan ng ubas ng masasama, pero nagdudusa sila sa kauhawan.
Job 24:13-14
Ano ang katulad ng mamamatay tao sa gabi?
Sa gabi, ang mamamatay tao ay tulad ng magnanakaw.
Job 24:15-17
Bakit kinukulong ng masasama ang kanilang sarili sa umaga?
Walang pakialam sa liwanag ang masasama.
Sa anong nakakatakot na mga bagay nagiginhawaan ang masasama?
Nagiginhawaan sila sa nakakatakot na mga bagay sa makapal na kadiliman.
Job 24:18-19
Sino ang nilalamon ng sheol?
Nilalamon ng sheol ang mga nagkasala.
Job 24:20-21
Sino ang nilalamon ng masasama?
Nilalamon ng masasama ang babaeng baog na kailanman ay hindi nanganak.
Job 24:22-23
Sino ang tinatangay ng Diyos?
Tinatangay ng Diyos ang mga makapangyarihang tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
Job 24:24-25
Ano ang mangyayari sa makapangyarihang tao sa ilang sandali?
Sa ilang sandali lang, maglalaho ang makapangyarihang tao.
Job 25
Job 25:1-3
Saan nagtatakda ng kaayusan ang Diyos?
Nagtatakda ng kaayusan ang Diyos sa kanyang mga matataas na lugar sa langit.
Job 25:4-6
Kanino, tinatanong ni Bildad, maaari silang maging malinis at katanggap-tanggap sa Diyos?
Tinatanong niya kung ang isa na ipinanganak ng isang babae ay maaaring maging malinis at katanggap-tanggap sa Diyos.
Saan inihahambing ni Bildad ang isang anak ng tao?
Sinasabi niya na ang isang anak ng tao ay isang uod.
Job 26
Job 26:1-4
Iniisip ba ni Job na galing kay Bildad ang kanyang sariling mga salita?
Hindi, gustong malaman ni Job kung sino ang tumulong kay Bildad na magsabi ng kanyang mga salita.
Job 26:5-6
Ano ang walang panakip sa harap ng Diyos?
Ang mismong Pagkawasak ay walang panakip laban sa Diyos.
Job 26:7-8
Saan binibigkis ng Diyos ang mga tubig?
Binibigkis niya ang mga tubig sa kanyang mga makapal na ulap.
Job 26:9-10
Ano ang inilalatag ng Diyos sa mukha ng buwan?
Tinatakpan niya ang mukha ng buwan at inilalatag dito ang kanyang mga ulap.
Job 26:11-12
Ano ang pinakalma ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan?
Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Job 26:13-14
Sa pamamagitan ng ano inalis ng Diyos ang mga bagyo mula sa mga kalangitan?
Sa pamamagitan ng kanyang hininga, inalis niya ang mga bagyo mula sa mga kalangitan.
Anong sukat ng tinig ng Diyos ang naririnig natin?
Naririnig lamang natin ang isa niyang mahinang bulong.
Job 27
Job 27:1-3
Ano ang sinabi ni Job na inalis ng Diyos mula sa kanya?
Inalis ng Diyos ang kanyang katarungan.
Job 27:4-5
Ano ang ipinangako ni Job na hindi sasabihin ng kanyang mga labi?
Ipinangako ni Job na tiyak na hindi magsasalita ng hindi matuwid ang kanyang mga labi.
Job 27:6-7
Gaano katagal hindi susumbatan si Job ng kanyang isipan ?
Hindi siya susumbatan ng kanyang mga isipan habang siya ay nabubuhay.
Job 27:8-10
Ano ang sinasabi ni Job na ginagawa ng Diyos kapag kinikitil niya ang buhay ng isang taong walang diyos?
Kapag kinikitil ng Diyos ang kanyang buhay, inaalis ng Diyos ang kanyang kaluluwa.
Job 27:11-12
Ano ang sinasabi ni Job na hindi niya itatago tungkol sa Makapangyarihan?
Sinabi ni Job na hindi niya itatago ang mga isipan ng Makapangyarihan.
Job 27:13-14
Ano ang hindi magkakaroon ng sapat ang anak ng masamang tao?
Ang kanyang anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
Job 27:15-17
Ano ang hindi gagawin ng biyuda ng masamang tao para sa kanya?
Ang kanyang biyuda ay hindi mananaghoy para sa kanya.
Ano ang mangyayari sa pilak ng masamang tao?
Paghahati-hatian ng mga inosente ang kanyang pilak sa kani-kanilang sarili.
Job 27:18-19
Ano ang nakikita ng masamang tao nang iminulat niya ang kanyang mga mata pagkaraan niyang humiga bilang isang mayaman?
Iminumulat niya ang kanyang mga mata, at lahat ng bagay ay naglaho na.
Job 27:20-21
Ano ang ginagawa ng hanging silangan habang palayo na tinatangay nito ang masamang tao?
Tinatangay siya palayo ng hanging silangan, at winawalis siya palabas ng kanyang lugar.
Job 27:22-23
Ano ang sinisikap gawin ng masamang tao kapag hindi humihinto ang hanging silangan?
Sinisikap niyang tumakas mula sa kamay nito.
Job 28
Job 28:1-2
Mula saan tinutunaw ang tanso?
Tinutunaw ang tanso mula sa bato.
Job 28:3-4
Ano ang sinasaliksik ng tao sa pinakamalayong hangganan?
Sinasaliksik ng tao, sa pinakamalayong hangganan, ang mga bato sa karimlan at sobrang kadiliman.
Saan gumagawa ng isang lagusan ang tao?
Siya ay gumagawa ng isang lagusan malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao.
Job 28:5-6
Ano ang nilalaman ng alabok ng daigdig?
Ang alabok ng daigdig ay naglalaman ng ginto.
Job 28:7-8
Ano ang hindi pa nakalalakad sa landas ng lagusan ng tao?
Hindi pa nalalakaran ng mga mapagmalaking hayop ang ganoong landas, ni nadaanan na iyon ng mabangis na leon.
Job 28:9-11
Ano ang nakikita ng tao sa mga lagusan na binubutas niya sa mga bato?
Nakikita ng kanyang mata ang bawat mahalagang bagay doon.
Job 28:12-14
Saan hindi natatagpuan ang karunungan at pang-unawa?
Ang dalawang ito ay hindi natatagpuan sa lupain ng mga buhay.
Job 28:15-17
Ano ang hindi matutumbasan ng halaga ng karunungan at pang-unawa?
Hindi matutumbasan ng ginto at kristal ang halaga ng dalawang ito.
Job 28:18-19
Ang presyo ng karunungan ay higit pa sa anong alahas?
Ang presyo ng karunungan ay higit pa sa mga rubi.
Job 28:20-22
Mula kaninong mga mata natatago ang karunungan?
Ang karunungan ay natatago mula sa mga mata ng lahat ng mga buhay na bagay.
Job 28:23-25
Sino ang nakakaalam ng lugar ng karunungan?
Nauunawaan ng Diyos ang daan patungo sa karunungan at alam niya ang lugar nito.
Ano ang binaha-bahagi ng Diyos ayon sa sukat?
Binaha-bahagi niya ang mga tubig ayon sa sukat.
Job 28:26-28
Para saan gumawa ng isang kautusan ang Diyos?
Gumawa siya ng isang kautusan para sa ulan.
Ano, ang sinabi ng Diyos sa tao, ang karunungan?
Sa mga tao, sinabi ng Diyos, "Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon - iyon ay karunungan.
Job 29
Job 29:1-3
May naaalala ba si Job na panahon nang pinangalagaan siya ng Diyos?
Naaalala ni Job na sa mga nakalipas na mga buwan pinangalagaan siya ng Diyos.
Job 29:4-6
Ano ang nasa tolda ni Job sa kahinugan ng kanyang mga araw?
Naaalala ni Job ang kahinugan ng kanyang mga araw, nang ang pagkakaibigan ng Diyos ay nasa kanyang tolda.
Ano ang ibinuhos ng bato para kay Job noong nakaraan?
Noong ang Makapangyarihan ay kasama pa ni Job, ibinuhos ng bato ang mga batis ng langis para sa kanya.
Job 29:7-8
Paano ipinakita ng mga kabataang lalaki ang kanilang paggalang kay Job sa plasa?
Natanaw nila si Job at pinanatili ang kanilang distansya mula sa kanya bilang tanda ng paggalang.
Job 29:9-10
Ano ang ginagawa ng mga prinsipe noong nakaraan kapag dumarating si Job?
Dati ay itinitigil ng mga prinsipe ang kanilang usapan kapag dumarating si Job.
Ano ang nangyari sa dila ng mga maharlika nang dumating si Job?
Kumapit ang kanilang dila sa bubong ng kanila mga bibig.
Job 29:11-13
Ano ang ginagawa ng mga maharlika matapos nilang makita si Job?
Nagpapatotoo sila kay Job at sumasang-ayon sa kanya.
Ano ang dinulot ni Job na gawin ng puso ng biyuda?
Dinulot niya na kumanta ang kanyang puso dahil sa kagalakan.
Job 29:14-16
Ano ang ginawa ni Job para sa tao kahit hindi niya kilala?
Sinusuri niya ang kaso ng isang tao kahit hindi niya kilala.
Job 29:17-19
Sino ang hinila ni Job mula sa mga ngipin ng masamang tao?
Hinila niya ang biktima mula sa pagitan ng ngipin ng masama.
Job 29:20-22
Ano ang sinasabi ni Job na laging bago sa kanyang kamay?
Ang pana ng kanyang kalakasan ay laging bago sa kanyang kamay.
Job 29:23-24
Ano ang hinintay ng mga tao na inumin tulad ng ulan mula kay Job?
Ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang kanyang salita gaya ng ginagawa nila sa ulan sa panahon ng tag-araw.
Job 29:25
Saan inihahambing ni Job ang kanyang sarili sa isang libing?
Sinasabi niya na siya ay tulad ng isang umaaliw sa mga nagdadalamhati sa isang libing.
Job 30
Job 30:1-3
Sino ang walang maidulot kundi pangungutya kay Job?
Ang mga mas nakababata kay Job ay walang maidulot kundi pangungutya sa kanya.
Ano ang nagpapayat sa mga ama ng mga kabataang lalaki?
Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman.
Job 30:4-6
Mula saan pinalayas ang mga ama ng mga kabataang lalaki?
Ang kanilang mga ama ay pinalayas mula sa mga tao.
Job 30:7-8
Kaninong inapo, sinabi ni Job, ang mga ama ng mga kabataang lalaki?
Sinabi ni Job na sila ay mga inapo ng mga hangal, tunay nga, ng mga walang kwentang lalaki.
Job 30:9-11
Naging ano si Job para sa mga anak ng mga walang kwentang lalaki?
Si Job ay naging kanilang paksa ng kanta ng pangungutya.
Ano ang nawawala sa mga tao ngayon sa harap ni Job?
Nawawala sa mga taong ito ang lahat ng pagpipigil sa sarili sa harap niya.
Job 30:12-13
Bakit naitulak ng mga lalaki ang kapahamakan para kay Job?
Itinutulak nila ang kapahamakan para sa kanya, dahil walang sinumang makapipigil sa kanila.
Job 30:14-15
Ano ang sinabi ni Job na itinaboy ng hangin?
Ang kanyang karangalan ay itinaboy na parang ng hangin.
Job 30:16-17
Ano ang humawak kay Job na parang ang kanyang buhay ay ibinubuhos mula sa kanya?
Maraming araw ng pagdurusa ang humawak sa kanya.
Job 30:18-19
Ano ang sinabi ni Job na humablot sa kanyang kasuotan?
Hinablot ng malakas na pwersa ng Diyos ang kanyang kasuotan.
Job 30:20-21
Paano sinabi ni Job na pinapahirapan siya ng Diyos dahil nagbago na siya at naging malupit?
Nagbago na ang Diyos at naging malupit sa kanya; sa kapangyarihan ng kanyang kamay pinapahirapan siya ng Diyos
Job 30:22-23
Ano ang alam ni Job na nakatadhana para sa lahat ng mga bagay na nabubuhay?
Alam niya na dadalhin siya ng Diyos sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga bagay na nabubuhay .
Job 30:24-26
Ano ang dumating nang naghintay si Job para sa liwanag?
Nang naghintay siya para sa liwanag, sa halip nito ay dumating ang kadiliman.
Job 30:27-29
Saan tumayo si Job para manawagan para sa tulong?
Tumayo siya sa kapulungan at humingi ng tulong.
Job 30:30-31
Para sa anong uri ng musika sinabi ni Job nakatono ang kanyang alpa?
Sinasabi ni Job na nakatono ang kanyang alpa para sa mga kanta ng pagluluksa.
Job 31
Job 31:1-2
Anong pagnanasa ang sinabi ni Job na nasupil ng isang pakikipagtipan sa kanyang mga mata?
Nakipagtipan si Job sa kanyang mga mata na hindi tumingin nang may pagnanasa sa isang birhen.
Job 31:3-4
Para kanino dating iniisip ni Job nakalaan ang kalamidad?
Dating iniisip ni Job na ang kalamidad ay para sa mga makasalanan.
Job 31:5-6
Ano ang hinihingi ni Job na magawa para malaman ng Diyos ang kanyang integridad?
Hinihingi niya na matimbang siya sa isang pantay na timbangan para malaman ng Diyos ang kanyang integridad.
Job 31:7-8
Ano ang hinihingi ni Job na mangyari sa ani, kung nalihis siya sa tamang daan?
Sinasabi niya na hayaang mabunot ang ani mula sa kanyang bukid.
Job 31:9-10
Ano ang sinabi ni Job na dapat maging hatol kung naakit siya sa ibang babae?
Sinasabi ni Job na hayaang ang kanyang asawa ay gumiling ng butil para sa ibang lalaki.
Job 31:11-12
Anong uri ng apoy sinabi ni Job ang tulad ng ganitong krimen?
Sinasabi ni Job na ito ay isang apoy na sinusunog ang lahat ng bagay para sa sheol.
Job 31:13-15
Ano ang ginawa ng Diyos para sa kapwa mga lingkod at kay Job?
Ginawa at hinubog silang lahat ng Diyos sa sinapupunan.
Job 31:16-18
Paano sinabi ni Job niya tinarato ang ulila mula pa sa kanyang pagkabata?
Sinasabi niya na lumaki ang ulila kasama niya parang kasama ng isang ama.
Job 31:19-21
Ano ang dapat ialok para mainitan ang ngangangailangang tao na walang pananamit?
Dapat sila mainitan ng balahibo ng kanyang tupa.
Job 31:22-23
Anong bahagi ng kanyang katawan sinabi ni Job ang dapat matanggal kung nabigo siyang magkaroon ng habag?
Sinasabi ni Job na hayaang malaglag ang kanyang balikat mula sa paypay.
Job 31:24-25
Ano ang maaaring sabihin ng mga tao sa mainam na ginto?
Maaari nilang sabihin sa mainam na ginto "Sa iyo ako may tiwala".
Job 31:26-28
Sino ang ikakaila ni Job kung sinamba niya ang araw o buwan?
Kung sinamba niya ang mga iyon ikakaila niya ang Diyos na nasa itaas.
Job 31:29-30
Paano hindi pinayagan ni Job ang kanyang bibig na magkasala?
Hindi pinayagan ni Job na magkasala ang kanyang bibig sa pamamagitan ng paghingi, gamit ang isang sumpa, ng buhay ng mga namumuhi sa kanya.
Job 31:31-32
Ano ang laging ginagawa ni Job para sa mga manlalakbay?
Lagi niyang binubuksan ang kanyang mga pinto sa manlalakbay.
Job 31:33-34
Paano sinabi ni Job itinago ng sangkatauhan ang kanyang mga kasalanan?
Itinago niya ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago ng kanyang kasalanan sa loob ng kanyang tunika.
Job 31:35-37
Ano ang nais ni Job na magkaroon na isinulat ng kanyang kalaban?
Ninais ni Job ang sakdal na isinulat ng kanyang kalaban.
Paano lalapitan ni Job ang kanyang kalaban kung nasa kanya ang kanilang sakdal?
Lalapit siya sa kanya bilang isang prinsipe na malakas ang loob.
Job 31:38-40
Kung dinulot ni Job na mamatay ang mga may-ari ng lupa, ano ang pinapanawagan niya na tumubo sa halip na mga ani?
Sinabi ni Job na hayaang tumubo ang mga tinik sa halip na trigo at mga damo sa halip na barley.
Job 32
Job 32:1-2
Ano ang ginawa ng tatlong kaibigan ni Job nang hindi nila mahikayat si Job na siya ay may ginawang anumang mali?
Tumigil sila sa pagsagot kay Job.
Anong damdamin ang sumiklab kay Elihu nang patuloy na binigyang katuwiran ni Job ang kanyang sarili sa halip na ang Diyos?
Ang galit ni Elihu ay sumiklab laban kay Job.
Job 32:3-5
Bakit sumiklab ang galit ni Elihu laban sa tatlong kaibigan ni Job?
Nagagalit siya sa tatlong kaibigan ni Job dahil wala silang nahanap na sagot kay Job gayunman kinondena nila si Job.
Job 32:6-7
Bakit nahihiya at natatakot sabihin ni Elihu kina Job at sa kanyang mga kaibigan kung ano ang kanyang iniisip?
Bata pa si Elihu at ang iba ay mas nakakatanda na at dapat makapagturo ng karunungan.
Job 32:8-10
Sino ang sinasabi ni Elihu na nagbibigay ng pang-unawa sa tao?
Ang hininga ng Makapangyarihan ay nagbibigay ng pang-unawa sa tao.
Bakit sinabi ni Elihu na dapat makinig sa kanya at payagan siyang ipahayag ang kanyang nalalaman?
Hindi lamang ang dakila ang marunong, at hindi ang matanda lamang ang nakakaunawa ng katarungan.
Job 32:11-12
Ano ang hindi nagawa ng mga kaibigan ni Job kahit na naghintay si Elihu na sila ay makapagsalita, at nakinig nang mabuti.
Hindi nahikayat si Job ng tatlo niyang mga kaibigan ni tumugon sa kanyang mga salita.
Job 32:13-14
Sino ang sinabi ni Elihu na dapat magpasinungaling kay Job nang ang tatlong kaibigan, na nag-akalang sila ay marurunong, ay hindi iyon nagawa?
Ang Diyos ang dapat magpasinungaling kay Job.
Job 32:15-16
Ano ang ipinapasya ni Elihu na gawin dahil ang tatlong kaibigan ay hindi makaimik at hindi makasagot kay Job?
Ipinasya ni Elihu na dahil sa wala nang masabi ang tatlong kaibigan, hindi na siya makapaghihintay pa.
Job 32:17-19
Ano ang tumutulak kay Elihu na ibahagi ang kanyang nalalaman kay Job?
Itinutulak ng espiritu na ibahagi ni Elihu ang kanyang kaalaman.
Ano ang sinasabi ni Elihu na katulad ng kanyang nararamdaman sa loob ng kanyang dibdib?
Sinasabi niya na pakiramdam ng kanyang dibdib ay parang alak sa bagong mga sisidlan na handa nang sumabog.
Job 32:20-22
Ano ang sinasabi ni Elihu na gagawin sa kanya ng kanyang Maylikha kung siya ay magsasalilta at magbibigay ng mga titulo ng paggalang sa sinumang tao?
Sinasabi ni Elihu na kukunin siya ng kanyang Maylikha sa lalong madaling panahon.
Job 33
Job 33:1-3
Bakit nagmakaawa si Elihu kay Job na makinig sa mga sasabihin niya?
Nagmakaawa si Elihu kay Job na makinig dahil sasabihin niya ang pagkamatapat ng kaniyang puso.
Job 33:4-5
Sino ang lumikha kay Elihu at nagbigay ng kaniyang buhay?
Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa kay Elihu at ang Mapangyarihan ang nagbigay buhay sa kaniya.
Ano ang pinagawa ni Elihu kay Job kung sasagot siya sa kaniya?
Ipinahanda niya ang mga sasabihin ni Job at tumindig sa harapan niya.
Job 33:6-7
Anong dahilan ang binigay ni Elihu kay Job na hindi dapat matakot o kabahan sa kaniya?
Sinabi ni Elihu kay Job na parehas lang sila sa paningin ng Diyos at parehas silang hinulma mula sa putik.
Job 33:8-9
Ano ang narinig ni Elihu na sinabi ni Job?
Narinig ni Elihu na sinabi ni Job na siya ay malinis, walang pagkakasala, inosente at walang kasalanan.
Job 33:10-12
Sino ang sinisisi ni Job na nakahanap ng pagkakataon na lusubin siya, at tinuring siyang kaaway?
Sinisi ni Job ang Diyos sa paggawa ng lahat ng ito.
Paano sinabi ni Elihu ang paghahambing ng Diyos sa tao?
Sinabi ni Elihu na mas higit ang Diyos kaysa sa tao.
Job 33:13-15
Bakit sinabi ni Elihu na walang silbi ang lumaban sa Diyos?
Hindi kailangan ng Diyos ipaliwanag ang lahat ng kaniyang mga ginagawa.
Paano sinabi ni Elihu na nakikipag-usap ang Diyos sa tao?
Nagsasalita ang Diyos sa panaginip at sa pangitain sa kalagitnaan ng gabi habang natutulog ang mga tao.
Job 33:16-18
Bakit binubukasan ng Diyos ang mga tainga ng mga tao at tinatakot sila ng mga banta?
Ginagawa ito ng Diyos para hilahin ang tao mula sa makasalanang mga layunin, at ilayo ang kayabangan sa kaniya.
Job 33:19-20
Ano ang sinasabing dahilan ni Elihu kung bakit ang tao ay may kirot sa kaniyang higaan, paghihirap sa kaniyang mga buto, at walang ganang kumain o sa masasarap na pagkain?
Sinabi ni Elihu na nangyayari ito sa tao dahil pinaparusahan siya ng Diyos.
Job 33:21-22
Ano ang sinabi ni Elihu na mangyayari sa taong pinaparusahan ng Diyos?
Mauubos ang laman, ang kaniyang mga buto ay lumilitaw na at ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit na sa hukay.
Job 33:23-24
Anong sasabihin ng anghel na tagapamagitan sa Diyos para maligtas ang tao mula sa pagpunta sa hukay?
Sasabihin ng anghel sa Diyos, "nakahanap ako ng pangtubos para sa kaniya."
Job 33:25-26
Anong mangyayari sa laman ng taong naligtas mula sa pagpunta sa hukay?
Ang kaniyang laman ay magiging mas sariwa kaysa sa isang bata.
Job 33:27-28
Anong mangyayari sa buhay ng taong umamin sa kaniyang kasalanan at niligtas ng Diyos mula sa hukay?
Patuloy na makikita ng taong iyon ang liwanag sa kaniyang buhay.
Job 33:29-30
Bakit sinabi ni Elihu na nililigtas ng Diyos ang tao mula sa hukay?
Ginawa ito ng Diyos para maliwanagan ang taong iyon ng liwanag ng buhay.
Job 33:31-33
Ano ang gustong ituro ni Elihu kay Job kung magbibigay pansin si Job at makikinig sa kaniya at mananatiling tahimik?
Gustong ituro ni Elihu ang karunungan kay Job.
Job 34
Job 34:1-3
Sino ang gustong makinig ni Elihu sa mga sasabihin niya?
Gusto ni Elihu na makinig sa kaniya ang mga matatalino at ang may mga kaalaman.
Job 34:4-6
Ano ang gustong ipapili ni Elihu sa kanila at malaman nila sa kanilang sarili?
Gusto ni Elihu na piliin nila kung ano ang makatarungan at malaman kung ano ang tama.
Ano ang sinabi ni Job na kinuha ng Diyos sa kaniya kahit na wala siyang kasalanan at ano ang wala ng lunas?
Sinabi ni Job na kinuha ng Diyos ang kaniyang mga karapatan.
Job 34:7-9
Kanino sumasama si Job na sinasabi ni Elihu?
Sinasabi niya na sumasama si Job sa mga gumagawa ng masama.
Job 34:10-12
Ano ang sinabi ni Elihu sa mga matatalinong tao na hindi ginagawa ng Diyos?
Ang Diyos ay hindi gumagawa ng kasamaan, hindi nagkakasala, o binabaluktot ang katarungan.
Job 34:13-15
Ano ang sinabi ni Elihu na mangyayari kung iipunin ng Diyos pabalik para sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at kaniyang hininga?
Lahat ng laman ay mawawala at babalik muli sa alabok ang sangkatauhan.
Job 34:16-17
Sino ang pinapatungkulan ng tanong ni Elihu na hinahatulan ni Job?
Pinapatungkulan niya si Job na hinahatulan ang Diyos na matuwid at makapangyarihan.
Job 34:18-20
Sino ang sinasabi ni Elihu na gawa ng mga kamay ng Diyos?
Mga pinuno, mamayaman, at mahihirap, lahat ay gawa ng mga kamay ng Diyos.
Job 34:21-23
Ano ang sinabi ni Elihu na nakikita ng Diyos?
Sinabi ni Elihu na nakikita ng Diyos ang pamumuhay ng tao at lahat ng mga hakbang niya.
Job 34:24-25
Ano ang ginagawa ng Diyos sa gabi sa mga malalakas na tao na alam niya ang pamumuhay at mga ginagawa?
Tinatapon sila ng Diyos sa gabi at namatay sila.
Job 34:26-28
Ano ang gagawin ng Diyos sa mga gumagawa ng kasamaan gaya ng mga kriminal at ginawang lumapit ang mga umiiyak na mahihirap?
Papatayin sila sa harapan ng lahat ng tao.
Job 34:29-30
Saan namamahala ang Diyos?
Namamahala ang Diyos sa lahat ng bansa at sa bawat tao.
Job 34:31-33
Ano ang minumungkahi ni Elihu na dapat aminin ni Job sa Diyos?
Minumungkahi ni Elihu na dapat aminin ni Job na siya ay may sala at nakagawa ng kasalanan, pero hindi niya na ito gagawin muli.
Job 34:34-35
Ano ang sasabihin ng mga matatalinong tao tungkol kay Job?
Sasabihin nila kay Job, "Nagsasalita si Job ng walang kaalaman at karunungan.
Job 34:36-37
Ano ang sinasabi ni Elihu na dinadagdag na kasalanan ni Job dahil nagsasalita siya gaya ng mga masasamang tao?
Sinasabi niya na nagdadagdag si Job ng pagrerebelde sa kaniyang kasalanan.
Job 35
Job 35:1-3
Paano pinahiwatig ni Elihu kay Job na hinahalintulad niya ang kaniyang sarili sa Diyos?
Pinahiwatig ni Elihu na iniisip ni Job na siya ay inosente, at mas matuwid siya kaysa sa Diyos.
Job 35:4-5
Ano ang sinasabi ni Elihu kay Job at sa kaniyang mga kaibigan na tumingala at tumingin?
Sinasabi ni Elihu na tumingala sila at tingnan ang kalangitan.
Job 35:6-8
Ano ang epekto ng kasamaan ni Job o kaniyang katuwiran sa ibang tao?
Ang kasamaan ni Job ay maaring makasakit ng tao at ang kaniyang katuwiran ay maaring pakinabangan ng ibang tao.
Job 35:9-11
Bakit umiiyak ang mga tao sa paghingi ng tulong mula sa kamay ng mga malalakas na tao?
Umiyak sila sa paghingi ng tulong dahil marami sa kanila ang nang-aapi.
Anong mga bagay ang sinabi ni Elihu na kayang gawin ng Diyos para sa mga tao kahit na walang kumilala dito?
Nagbibigay ang Diyos ng mga awitin sa gabi, tinuturuan kami, at ginagawa kaming matalino.
Job 35:12-14
Bakit sinasabi ni Elihu na hindi nagbibigay ng sagot ang Diyos kapag umiiyak ang mga tao sa kaniya?
Sinasabi ni Elihu na hindi nagbibigay ng sagot ang Diyos kapag ang mga tao ay umiiyak dahil sa kayabangan ng masasamang tao.
Ano ang tiyak na hindi papakinggan Diyos?
Tiyak na hindi niya papakinggan ang iyak ng hangal.
Job 35:15-16
Ano ang bintang ni Elihu na ginagawa ni Job kapag binubuksan ni Job ang kaniyang bibig?
Sinasabi niya na binubuksan ni Job ang kaniyang bibig para magsabi ng kahangalan at magsabi ng mga salitang walang kaalaman.
Job 36
Job 36:1-5
Kanino ibinibilang ni Elihu ang pagkilala sa katuwiran?
Kinikilala ni Elihu na ang katuwiran ay nabibilang sa kaniyang Manlilikha.
Job 36:6-7
Ano ang ginagawa ng Diyos para sa mga naghihirap?
Ginagawa niya ang tama para sa mga naghihirap.
Ano ang ginagawa ng Diyos sa matutuwid?
Nilalagay niya sila magpakailanman sa mga trono gaya ng mga hari, at naitaas sila.
Job 36:8-9
Ano ang ipinakita ng Diyos sa mga nakagapos sa kadena at nahuli sa mga lubid ng paghihirap?
Ipinakita sa kanila ang kanilang ginawa, kanilang mga kasalanan at kung paano sila kumilos ng may pagmamataas.
Job 36:10-12
Anong mangyayari sa mga nakinig at sumamba sa Diyos?
Ilalaan nila ang kanilang mga araw sa kasaganahan at ang kanilang mga taon sa kaligayahan.
Anong mangyayari sa mga taong hindi nakinig sa Diyos?
Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; at mamamatay sila dahil wala silang alam.
Job 36:13-14
Anong mangyayari sa mga hindi maka-diyos na nagkimkim ng galit at hindi humingi ng tulong sa Diyos?
Mamamatay sila sa kanilang kabataan at ang kanilang buhay ay magtatapos sa kahihiyan.
Job 36:15-16
Paano sinabi ni Elihu na ginagamit ng Diyos ang paghihirap at pang-aapi?
Ginagamit ng Diyos ang paghihirap para iligtas ang mga taong naghihirap at pang-aapi para buksan ang kanilang mga tainga.
Ano ang sinabi ni Elihu na gustong gawin ng Diyos para kay Job?
Gusto ng Diyos na tanggalin si Job sa pagkabalisa tungo sa malawak na lugar kung saan walang paghihirap .
Job 36:17-18
Ano ang pumuno kay Job?
Napuno siya ng paghatol sa mamasamang tao.
Anong mga bagay ang maaring makaakit kay Job at lumihis mula sa katarungan?
Ang kayaman ang maaaring maging daan para maakit si Job at isang suhol ang maaring makalihis sa kaniya sa katarungan.
Job 36:19-21
Anong mga bagay ang hindi makakatulong kay Job sa kaniyang kabalisahan?
Hindi makakatulong ang kayamanan at kalakasan ni Job para mawala ang kabalisahan niya.
Bakit sinasabi ni Elihu na sinusubukan si Job sa pamamagitan ng paghihirap?
Sinusubukan si Job sa pamamagitan ng paghihirap para manatili siyang malayo mula sa pagkakasala.
Job 36:22-24
Ano ang hindi maaring sabihin tungkol sa Diyos?
Walang maaaring magsabi na nakagawa ng kasamaan ang Diyos.
Job 36:25-26
Ano ang tungkol sa Diyos na hindi natin kayang bilangin?
Hindi natin kayang bilangin ang kaniyang mga taon.
Job 36:27-29
Paano sinasanhi ng Diyos na bumuhos ang ulan?
Kinukuha niya ang mga singaw mula sa mga patak ng tubig na naging ulan, na binubuhos ng mga ulap at bumabagsak ng masagana sa sangkatauhan.
Job 36:30-31
Bakit sinasabi ni Elihu na kinakalat ng Diyos ang kidlat at binabalot ang dagat ng kadiliman?
Kinalat niya ang kidlat sa kaniyang paligid at binalot niya ng kadiliman ang dagat para mapakain niya ang mga tao at mabigyan sila ng masaganang pagkain.
Job 36:32-33
Ano ang nagsasabi sa mga tao at mga baka na paparating na ang bagyo?
Ang ingay ng mga kidlat na tumatama sa kanilang mga kalaban ang nagsasabi sa mga tao at mga baka na paparating na ang bagyo.
Job 37
Job 37:1-3
Ano ang nagpapakabog ng puso ni Elihu?
Ang ingay ng tinig ng Diyos at ang tunog na lumalabas mula sa kaniyang bibig ang nagpapakabog ng puso ni Elihu.
Job 37:4-6
Ano ang sinasabi ng Diyos na gagawin ng mga niyebe at ulan?
Sinasabi niya sa niyebe na mahulog sa lupa, at sinabi niya sa ulan na maging malakas na pagbuhos ng ulan.
Job 37:7-9
Bakit pinigil ng Diyos ang kamay ng bawat tao sa pagtratrabaho?
Pinigil sila ng Diyos para makita ng lahat ng tao ang kaniyang mga ginawa.
Ano ang dahilan bakit pumunta ang mga hayop sa kanilang taguan at nanatili sa kanilang mga lungga?
Nagtago sila at nanatili sa kanilang mga lungga dahil sa mga paparating na bagyo.
Job 37:10-11
Ano ang naibigay sa pamamagitan ng hininga ng Diyos?
Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos naibigay ang yelo.
Job 37:12-13
Sa anong mga dahilan nang pagbibigay ng gabay ng Diyos sa mga ulap at dulutin silang gawin ang mga inuutos niya?
Ginagawa niya itong mangyari minsan para sa pagtatama, minsan para sa lupain, at minsan bilang mga pagkilos sa katapatan sa tipan.
Job 37:14-17
Tungkol saan ang nais ni Elihu na ipahinto at pag-isipan ni Job?
Nais niya na huminto si Job at isipin ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa ng Diyos.
Anong mangyayari kapag pinilit ng Diyos ang kaniyang kagustuhan sa mga ulap?
Gagawin ng Diyos na kumislap ang mga kidlat sa mga ulap.
Job 37:18-20
Anong larawan ang ginamit ni Elihu para sa himpapawid?
Sinabi niya na ang himpapawid ay kasing tibay ng salamin na gawa sa bakal.
Bakit sinasabi ni Elihu na siya at ang mga iba ay hindi matanto ang kanilang mga katwiran sa harap ng Diyos?
Hindi nila matanto ang kanilang mga katwiran sa harap ng Diyos dahil sa kadiliman ng kanilang mga isipan.
Job 37:21-22
Ano ang hindi matingnan ng mga tao kapag maaliwalas ang himpapawid?
Hindi makatingin ang mga tao sa araw kapag nagliliwanag ito sa himpapawid.
Job 37:23-24
Ano ang sinabi ni Elihu na hindi ginagawa ng Makapangyarihan sa kaniyang mga tao?
Ang Makapangyarihan ay hindi nang-aapi ng mga tao.
Kanino sinabi ni Elihu na hindi nagbibigay pansin ang Diyos?
Ang Makapangyarihan ay hindi nagbibigay pansin sa mga nag-iisip na matalino sila.
Job 38
Job 38:1-5
Mula saan nagsalita ni Yahweh kay Job?
Nagsalita si Yahweh kay Job mula sa malakas na bagyo.
Sa paanong paraan nagdala ng kadiliman ang isang tao sa mga plano ni Yahweh?
Nagdala si Job ng kadiliman sa mga plano ni Yahweh sa pamamagitan ng mga salitang walang kaalaman.
Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin ni Job kapag tinanong na siya?
Dapat talian ni Job ang kaniyang baywang gaya ng isang lalaki at sagutin ang mga tanong ni Yahweh.
Job 38:6-7
Ano ang kumanta ng sama-sama at sino ang sumigaw sa galaw nang nailatag ni Yahweh ang panulukang-bato ng mundo?
Sama-samang kumanta ang mga bituin sa umaga at sumigaw sa galak ang lahat ng mga anak ng Diyos nang nailatag ang panulukang-bato.
Job 38:8-9
Saan hinalintulad ni Yahweh ang pagbulwak ng dagat pagkatapos ito isara ng mga pinto?
Hinalintulad ni Yahweh ang pagbulwak ng dagat sa mga pinto sa paglabas sa sinapupunan.
Job 38:10-13
Ano ang nilagay ni Yahweh para tandaan ang hangganan ng dagat para ito ay pumunta lamang hanggang sa tinandaan niya at hindi na ito makalayo?
Naglagay si Yahweh ng mga rehas at mga pinto para tandaan ang hangganan ng dagat.
Job 38:14-18
Paano nagbago ng anyo ang mundo gaya ng luwad ng nagbabago sa ilalim ng pangtatak?
Ang liwanag sa madaling araw ay binabago ang mundo kaya lahat ng mga bagay na nandoon ay gaya ng mga natiklop ng piraso ng damit.
Job 38:19-21
Ano ang sinabi ni Yahweh para kutyain si Job tungkol sa kaniyang kakulangan sa kaalaman tungkol sa daanan ng bahay ng liwanag at kadiliman?
Kinutya ni Yahweh si Job sa pamamagitan ng pagsasabi na siguradong alam ni Job ang tungkol dito dahil ang bilang ng mga araw ni Job ay sobrang haba.
Job 38:22-24
Sa anong dahilan bakit sinabi ni Yahweh na naglaan siya ng imbakan para sa niyebe at yelo?
Naglaan ni Yahweh ng mga imbakan para sa mga panahon ng kaguluhan at para sa mga araw ng labanan at digmaan.
Job 38:25-30
Bakit sinasanhi ni Yahweh na umuulan sa ilang kung saan walang tao?
Sinasanhi niyang umuulan para matugunan ang mga pangangailangan ng baog at malungkot na mga rehiyon, at para gawing sumibol ang sariwang damo.
Job 38:31-35
Bakit tinatanong ni Yahweh kung kayang pumunta ni Job sa Pleyades at Orion?
Tinatanong niya si Job kung kaya niya bang ikandado ang mga kadena sa Pleyades, o kalagan ang mga tali ng Orion.
Job 38:36-38
Anong nangyari sa mga alikabok at tipak ng lupa nang binuhos ni Yahweh ang ulan sa kanila?
Nagsama-sama ang mga maraming alikabok at nagkumpulan ng magkakasama ang tipak ng lupa.
Job 38:39-40
Saan naghihintay ang mga batang leon para sa kanilang pagkain?
Sumisiksik sila sa kanilang mga lungga at nakahigang naghihintay sa kanilang taguan.
Job 38:41
Bakit sumusuray-suray ang mga batang uwak?
Sumusuray-suray sila dahil sa kakulangan ng pagkain.
Job 39
Job 39:3-4
Ano ang nangyayari sa mga batang usa pagkatapos nilang lumaki sa mga damuhan?
Lumalabas sila at hindi na bumabalik muli.
Job 39:5-6
Saan gumawa si Yahweh ng tahanan para sa asno?
Ginawa niya ang tahanan ng asno sa Araba, at ang kaniyang bahay sa asin na lupain.
Job 39:7-8
Saan humahanap ng pagkain ang ligaw na asno?
Gumagala siya sa mga bundok kung saan siya naghahanap ng mga luntiang halaman para kainin.
Job 39:9-12
Ano ang tinatanong ni Yahweh kay Job na gawin sa mabangis na toro gamit ang lubid?
Tinatanong niya si Job kung gamit ang lubid, kaya niyang mapasunod ang mabangis na toro na mag-araro ng mga tudling o suyurin ang mga lambak para sa kaniya.
Job 39:13-15
Ano ang pinapagaspas ng ostrits nang may pagmamalaki?
Ang mga pakpak ng ostrits ay nagmamalaking pumapagaspas.
Ano ang ginagawa ng ostrits sa mga itlog niya?
Iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok.
Job 39:16-18
Bakit hindi natatakot ang ostrits na ang kaniyang hirap ay mawalan ng kabuluhan?
Pinagkaitan siya ni Yahweh ng karunungan at hindi siya binigyan ng anumang pang-unawa.
Ano ang sinasabi ni Yahweh na ginagawa ng ostrits kapag tumatakbo siya?
Tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
Job 39:19-20
Ano ang damit sa leeg ng kabayo?
Malambot na buhok ang damit sa leeg niya.
Job 39:21-23
Paano tumutugon ang kabayo sa espada?
Hindi siya umaatras sa espada.
Job 39:24-26
Ano ang hindi magawa ng kabayo sa tunog ng trumpeta?
Hindi siya makakatayo sa isang lugar.
Job 39:27-30
Saan gumagawa ang agila ng kaniyang pugad at tahanan?
Gumagawa siya ng kaniyang pugad sa matataas na lugar, at kaniyang tahanan sa mga tuktok ng mga bangin.
Job 40
Job 40:3-5
Ano ang ginawa ni Job para ipakita na wala siyang halaga para sagutin si Yahweh?
Nilagay ni Job ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig.
Job 40:6-7
Mula sa ano sinagot ni Yahweh si Job?
Sumagot si Yahweh kay Job sa isang malakas na bagyo.
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Job na gawin para maghandang sumagot kay Yahweh?
Sinabi niya kay Job na bigkisin ang kaniyang damit bilang isang tunay na lalaki.
Job 40:8-9
Bakit sinabi ni Yahweh na hinahatulan siya ni Job?
Sinabi niya na hinahatulan siya ni Job para masabi ni Job na tama siya.
Job 40:10-11
Hinahamon ni Yahweh na damitan ni Job ang kaniyang sarili ng ano?
Hinahamon niya si Job na damitan ang kaniyang sarili ng kaluwalhatian, dignidad, karangalan at karangyaan.
Job 40:12-14
Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Job sa mga masasamang tao?
Sinabi ni Yahweh kay Job na tapakan sila kung saan sila nakatayo.
Job 40:15-16
Ano ang kinakain ng dambuhalang hayop?
Kumakain siya ng damo katulad ng toro.
Job 40:17-18
Ano ang tulad ng buntot ng dambuhalang hayop?
Ang kaniyang buntot ay parang sedar.
Job 40:19-21
Sino ang makatatalo sa dambuhalang hayop?
Tanging ang Diyos ang makatatalo sa dambuhalang hayop.
Saan nahihiga ang dambuhalang hayop?
Nahihiga siya sa ilalim ng mga halamang tubig sa silungan ng mga talahib.
Job 40:22-24
Ano ang iniisip ng dambuhalang hayop kapag umapaw ang ilog at ang Ilog Jordan?
Hindi siya nanginginig at panatag siya.
Job 41
Job 41:1-3
Tinatanong ni Yahweh si Job kung kaya niya na palabasin ang leviatan gamit ang ano?
Tinatanong ni Yahweh si Job kung kaya niya bang palabasin ang leviatan gamit ang kawit sa pangingisda.
Job 41:4-6
Ano ang tinatanong ni Yahweh kay Job na gagawin ng mga mangingisda sa leviatan?
Tinatanong niya si Job kung tatawad ba sila para sa leviatan o hahatiin ito para makipagkalakalan sa mga mangangalakal.
Job 41:7-9
Ano ang mangyayari kung ilalagay ng isang tao ang kamay niya sa leviatan?
Kung ilalagay ng isang tao ang kaniyang kamay sa leviatan nang isang beses lamang, maaalala niya ang labanan at hindi na ito gagawin.
Job 41:10-12
Dahil walang matapang na maglalakas-loob na pukawin ang leviatan, mayroon bang makatatayo sa harap ni Yahweh?
Walang maglalakas-loob na pukawin ang leviatan, kaya walang makatatayo sa harap ni Yahweh.
Job 41:13-15
Paano pa inilalarawan ni Yahweh ang bibig ng leviatan?
Sinasabi niya na ito ay mga pinto ng kaniyang mukha na napalilibutan ng kaniyang mga ngipin na kakila-kilabot.
Job 41:16-18
Gaano kalapit ang mga kaliskis sa likod ng leviatan?
Ang isa ay napakalapit sa isa na walang hangin ang makakapasok sa gitna nila.
Paano inilarawan ni Yahweh ang mga mata ng leviatan?
Ang kaniyang mga mata ay tulad ng talukap ng bukang-liwayway.
Job 41:19-21
Ano ang lumalabas sa bibig ng leviatan?
Mula sa bibig ng leviatan ay mga nag-aapoy na sulo at ang mga kislap ng apoy ay nagtatalsikan.
Ano ang katulad ng usok mula sa mga butas ng ilong ng leviatan?
Ito ay katulad ng kumukulong palayok sa apoy na pinaypayan para maging napakainit.
Job 41:22-24
Ano ang katulad ng puso ng leviatan?
Ang kaniyang puso ay kasing tigas ng batong gilingan.
Job 41:25-27
Ano ang ginagawa ng mga diyos kapag tinataas ng leviatan ang kaniyang sarili?
Natatakot sila at umaatras.
Anong mangyayari kapag tinamaan ang leviatan ng espada, sibat, palaso o iba pang matulis na sandata?
Walang silang magagawa sa kaniya.
Ano ang tingin ng leviatan sa bakal at tanso?
Ang tingin niya sa bakal ay parang dayami, at sa tanso ay parang bulok na kahoy.
Job 41:28-30
Anong uri ng bakas ang iniiwan ng leviatan?
Nag-iiwan siya ng malaking bakas sa putik na para siyang karetang giikan.
Job 41:31-32
Ano ang ginagawa niya sa kailaliman?
Pinabubula niya ang kailaliman katulad ng kumukulong palayok ng tubig.
Job 41:33-34
Bakit walang kapantay ang leviatan sa lupa?
Ginawa siya para mamuhay nang walang takot.
Job 42
Job 42:1-3
Ano ang inamin ni Job na sinabi niya?
Nagsabi siya ng mga bagay na hindi niya naintindihan, mga bagay na napakahirap para maunawaan niya, na hindi niya alam.
Job 42:4-6
Paano tumugon si Job kay Yahweh pagkatapos niyang makita siya sa kaniyang mata?
Kinamuhian ni Job ang kaniyang sarili at nagsisi sa alikabok at abo.
Job 42:7-9
Ano ang sinabi ni Yahweh na ginawang mali nila Elifaz at dalawa niyang kaibigan?
Hindi sila nagsabi ng mga katotohanan tungkol kay Yahweh, katulad ng ginawa ni Job.
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Elifaz na ihandog?
Sinabi niya kay Elifaz na kumuha ng pitong toro at pitong tupa para ihandog para sa sarili nila bilang handog na susunugin.
Kaninong panalangin ang sinabi ni Yahweh na tatanggapin niya?
Sinabi ni Yahweh na tatanggapin niya ang panalangin ni Job.
Job 42:10-11
Ano ang nangyari pagkatapos ipanalangin ni Job ang kaniyang mga kaibigan?
Ibinalik ni Yahweh ang yaman niya at binigay ang doble ng kung ano ang pag-aari niya dati.
Ano ang binigay ng bawat isang tao nang dumating sila para aliwin si Job?
Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
Job 42:12-14
Paano pinagpala ni Yahweh si Job sa huling bahagi ng buhay niya?
Mas pinagpala ni Yahweh si Job kaysa sa unang bahagi ng buhay niya.
Ilan pang mga anak ang binigay ni Yahweh kay Job?
Nagkaroon siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
Job 42:15-17
Ano ang natatangi sa mga anak na babae ni Job?
Walang babae sa buong lupain ang matatagpuang kasing ganda ng mga anak ni Job, at binigyan sila ni Job ng pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.