Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

2 John

2 John 1

2 John 1:1-3

Sa anong titulo ipinapakilala ng manunulat na si Juan ang kaniyang sarili sa liham na ito?

Ipinapakilala ni Juan ang kanyang sarili bilang isang nakatatanda.

Para kanino naisulat ang liham na ito?

Ang liham na ito ay isinulat sa piniling nakatatandang babae at sa kanyang mga anak.

Mula kanino sinasabi ni Juan nanggaling ang biyaya, awa, at kapayapaan?

Sinasabi ni Juan na ang biyaya, awa, at kapayapaan ay mula sa Diyos Ama at mula kay Jesu-Cristo na kaniyang Anak.

2 John 1:4-6

Bakit nagagalak si Juan?

Nagagalak si Juan dahil nakita niya ang ilang mga anak ng babae na lumalakad sa katotohanan.

Anong utos ang sinasabi ni Juan na nasa kanila na mula pa noong simula?

Sinasabi ni Juan na mayroon na silang utos na mahalin ang isa't isa mula pa sa simula.

Ano ang pag-ibig para kay Juan?

Sinasabi ni Juan na ang pag-ibig ay ang lumakad ayon sa mga utos ng Diyos.

2 John 1:7-8

Ano ang tawag ni Juan sa mga hindi ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay naparito sa laman?

Tinatawag ni Juan ang hindi nagpapahayag na si Jesu-Cristo ay naparito sa laman na mandaraya at ang anticristo.

Ano ang sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na mag-ingat na hindi gawin?

Sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na mag-ingat na huwag mawala ang mga bagay na kanilang pinaghirapan.

2 John 1:9-11

Ano ang sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na gawin sa sinumang nagdadala ng hindi totoong katuruan tungkol kay Cristo?

Sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na huwag tanggapin ang sinumang hindi nagdadala ng totoong katuruan tungkol kay Cristo.

Ano ang kasalanan ng isang mananampalataya na tumatanggap ng sinumang hindi nagdadala ng totoong katuruan tungkol kay Cristo?

Ang isang mananampalataya ay may sala ng pakikibahagi sa mga masamang gawa ng isang nagdadala ng hindi totoong katuruan tungkol kay Cristo.

2 John 1:12-13

Ano ang inaasahang gawin ni Juan sa hinaharap?

Inaasahan ni Juan na makapunta at makipag-usap sa kanila ng harap-harapan na kasama ang piniling ginang.