Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

2 Thessalonians

2 Thessalonians 1

2 Thessalonians 1:3-5

Sa anong dalawang bagay na nasa iglesia ng Tesalonica ang ipinagpapasalamat ni Pablo sa Diyos?

Ipinagpapasalamat ni Pablo sa Diyos ang kanilang lumalagong pananampalataya at ang pag-ibig sa isa't isa.

Anong mga pangyayari ang tinitiis ng mga mananampalataya sa Tesalonica?

Ang mga mananampalataya ay tinitiis ang mga pag-uusig at mga paghihirap.

Ano ang magiging positibong bunga ng mga pangyayari na tinitiis ng mga mananampalataya?

Ang mga manampalataya ay ibibilang na karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.

2 Thessalonians 1:6-8

Ano ang gagawin ng Diyos sa mga nagpapahirap sa mga mananampalataya?

Pahihirapan ng Diyos ang mga nagpapahirap sa mga mananampalataya, parurusahan sila sa pamamagitan ng naglalagablab na apoy.

Kailan giginhawa ang mga mananampalataya sa kanilang paghihirap?

Ang mga mananampalataya ay giginhawa kapag naihayag na si Jesu-Cristo mula sa langit.

2 Thessalonians 1:9-10

Gaano katagal ang magiging parusa sa mga hindi naniniwala sa Diyos?

Ang parusa para sa mga hindi naniniwala sa Diyos ay walang hanggan.

Mula saan ihinihiwalay ang mga hindi nakikilala ang Diyos bilang bahagi ng kanilang parusa?

Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay hiwalay sa presensiya ng Panginoon bilang bahagi ng kanilang parusa.

Ano ang gagawin ng mga mananampalataya kapag nakita nila si Cristo na dumating sa kaniyang araw.

Ang mga mananampalataya ay mamamangha kay Cristo kapag dumating na siya sa kanyang araw.

2 Thessalonians 1:11-12

Ano ang resulta ng mabubuting gawa ng pananampalataya na ginawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos?

Ang resulta ng kanilang mabubuting gawa ay maluluwalhati ang pangalan ng Panginoong Jesus.

2 Thessalonians 2

2 Thessalonians 2:1-2

Patungkol sa anong kaganapan ang sinasabi ni Pablo na kaniya nang isusulat?

Sinasabi ni Pablo na patuloy na siyang magsusulat patungkol sa pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo.

Ano ang sinabi ni Pablo na huwag nilang paniwalaan?

Sinabi sa kanila ni Pablo na huwag maniwala na ang araw ng Panginoon ay dumating na.

2 Thessalonians 2:3-4

Ano ang sinasabi ni Pablo na dapat dumating muna bago ang araw ng Panginoon?

Ang pagtalikod at pagbubunyag ng taong lumalabag sa batas ay dapat mangyayari muna bago dumating ang araw ng Panginoon.

Ano ang ginagawa ng taong lumalabag sa batas?

Ang taong lumalabag sa,batas ay sumasalungat at itinataas ang kanyang sarili laban sa Diyos, umuupo sa templo ng Diyos at inilalarawan ang sarili bilang Diyos.

2 Thessalonians 2:5-7

Kailan mabubunyag ang taong lumaabag sa batasl?

Mabubunyag ang taong lumalabag sa batas kapag ito ay oras na, kapag ang siyang pumipigil sa kanya ay tinanggal na sa landas.

2 Thessalonians 2:8-10

Ano ang gagawin ni Jesus sa taong lumalabag sa batas kapag siya ay naihayag na?

Kapag naihayag na si Jesus, papatayin niya ang taong lumalabag sa batas.

Sino ang gumagawa kasama ng taong lumalabag sa batas para bigyan siya ng kapangyarihan, mga tanda, at mga huwad na himala.

Si Satanas ang kasama ng taong lumalabag sa batas para bigyan siya ng kapangyarihan, mga tanda, at mga huwad na himala.

Bakit ang ilan ay nalinlang ng taong lumalabag sa batas at sila ay napapahamak?

Ang ilan ay nalilinlang sapagkat hindi nila tinanggap ang pagmamahal sa katotohanan na sila ay maaaring maligtas.

2 Thessalonians 2:11-12

Saan kumukuha ng kasiyahan ang mga nalinlang at mga napapahamak?

Silang mga nalinlang at napahamak ay nagsasaya sa kanilang kasamaan.

2 Thessalonians 2:13-15

Ano ang pinili ng Diyos para sa mga taga Tesalonica na makamit sa pamamagitan ng ebanghelyo?

Pinili ng Diyos para sa mga taga Tesalonica ang makamit ang kaluwalhatian ng Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng ebanghelyo.

Ano ang panawagan ni Pablo na gawin ng mga taga Tesalonica ngayon na natanggap na nila ang ebanghelyo?

Nananawagan si Pablo sa mga taga-Tesalonica na at tumayong may katatagan at unawain ang mga tradisyon na naituro sa kanila.

2 Thessalonians 2:16-17

Ano ang hangad ni Pablo sa mga taga Tesalonica na maitatag sa kanilang mga puso?

Hinahangad ni Pablo na ang mga taga Tesalonica ay maging matatag sa bawat mabuting gawa at salita.

2 Thessalonians 3

2 Thessalonians 3:1-3

Para sa ano ang nais ni Pablo na ipanalangin ng mga taga Tesalonica tungkol sa salita ng Panginoon?

Nais ni Pablo na ipanalangin ng mga taga Tesalonica ang salita ng Panginoon para mabilis itong maipalaganap at maluwalhati.

Mula kanino nais maligtas si Pablo?

Nais ni Pablo na maligtas siya mula sa mga makasalanan at masasamang tao na walang pananampalataya.

2 Thessalonians 3:4-5

Ano ang sinasabi ni Pablo sa mga tagaTesalonica na ipagpatuloy na gawin?

Sinasabi ni Pablo sa mga taga Tesalonica na ipagpatuloy gawin ang mga bagay na iniutos niya sa kanila.

2 Thessalonians 3:6-9

Ano ang dapat gawin ng mga mananampalataya sa bawat kapatid na namumuhay sa katamaran?

Ang mga mananampalataya ay dapat umiwas sa bawat kapatid sa katamaran.

Anong halimbawa ang ipinakita ni Pablo para sa mga taga Tesalonica tungkol sa kanyang gawain at sa kanyang pagtulong?

Si Pablo ay gumagawa gabi at araw, binabayaran ang kanyang kinakain, upang hindi maging pabigat kanino man.

2 Thessalonians 3:10-12

Ano ang utos ni Pablo tungkol sa ilang taong ayaw magtrabaho?

Iniutos ni Pablo sa sinumang ayaw magtrabaho na huwag kumain.

Sa halip na maging tamad, Ano ang utos ni Pablo na gawin ng mga taong tulad nito?

Inutusan ni Pablo ang mga tamad na gumawa nang may katahimikan at kumain ng kanilang sariling pagkain.

2 Thessalonians 3:13-15

Ano ang dapat gawin ng mga kapatid sa sinumang hindi sumusunod sa tagubilin ni Pablo sa sulat na ito?

Ang mga kapatid ay huwag makikisama sa sinuman na hindi sumusunod sa mga tagubilin ni Pablo sa kanyang sulat.

Ano ang hinahangad ni Pablo na ibigay ng Panginoon sa mga taga Tesalonica?

Hangad ni Pablo na bigyan ng Panginoon ang mga taga Tesalonica ng kapayapaan sa lahat ng oras at lahat ng paraan.

2 Thessalonians 3:16-18

Paano ipinakita ni Pablo na siya ang may akda sa liham na ito?

Isinulat mismo ni Pablo ang pagbati sa sarili niyang kamay bilang tanda na siya ang may akda.