Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

John

John 1

John 1:1-3

Ano ang nasa simula?

Sa simula ay ang salita.

Sino ang kasama ng salita?

Ang Diyos ang kasama ng Salita.

Ano ang salita?

Ang salita ay Diyos.

Mayroon bang bagay na ginawa na wala ang salita?

Ang lahat ng bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya ay wala kahit isang bagay na nalikha ang nilikha.

John 1:4-5

Ano ang nasa salita?

Sa kaniya ay buhay.

John 1:6-9

Ano ang pangalan ng lalaking isinugo ng Diyos?

Ang pangalan niya ay Juan.

Ano ang gagawin ni Juan sa pagdating niya?

Dumating siya bilang saksing nagpapatotoo tungkol sa liwanag upang ang lahat ay maaaring maniwala sa pamamagitan niya.

John 1:10-11

Alam ba ng mundo o tinatanggap ba ang liwanag na siyang ipinarito ni Juan upang ipatotoo?

Hindi alam ng mundo ang liwanag na siyang ipinarito ni Juan upang ipatotoo at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling kababayan.

John 1:12-13

Ano ang ginagawa ng liwanag sa mga naniwala sa pangalan niya?

Ipinagkaloob niya sa mga naniwala sa kaniyang pangalan ang karapatang maging mga anak ng Diyos.

Paanong sila na naniniwala sa kaniyang pangalan ay magiging mga anak ng DIyos?

Maaari silang maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagsilang sa Diyos.

John 1:14-15

Mayroong ba o mayroon na kahit sinong tao katulad ng salita na nanggaling sa Ama?

Wala! Ang salita lang ang nag-iisang tao na nanggaling sa Ama.

John 1:16-21

Ano ang natanggap natin mula sa kapunuan tungkol sa isang ipinatotoo ni Juan?

Mula sa kaniyang kapunuan, tayong lahat ay nakatanggap ng maraming libreng kaloob.

Ano ang dumating mula kay Jesu-Cristo?

Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Sino ang nakakita sa Diyos sa anumang paraan?

Kailanman ay walang taong nakakita sa Diyos.

Sino ang nagpakilala sa atin sa Diyos?

Ang isang nasa dibdib ng Ama ang nagpakilala sa kaniya sa atin.

John 1:22-28

Sino si Juan ayon sa kaniyang sarili noong tinanong siya ng mga pari at mga Levita sa Jerusalem?

Sinabi niya, "Ako ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ng propeta na si Isaias."

John 1:29-31

Ano ang sinabi ni Juan noong nakita niya si Jesus na paparating sa kaniya?

Sinabi niya, "Tignan ninyo, narito ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo."

Bakit nagbabawtismo si Juan sa pamamagitan ng tubig?

Dumating siyang nagbabawtismo sa pamamagitan ng tubig sa gayon si Jesus na kordero ng Diyos na siyang nag-aalis ng kasalanan ng mundo, ay maaring mahayag sa Israel.

John 1:32-36

Anong katibayan ang inihayag ni Jesus bilang anak ng Diyos kay Juan?

Ang katibayan na kung sinuman ang makita ni Juan na binabaan ng Espiritu at nanatili sa kaniya, iyon ang siyang magbabawtismo ng Banal na Espiritu.

John 1:37-39

Ano ang ginawa ng dalawang alagad ni Juan nang marinig nila si Juan na tinawag si Jesus na "kordero ng DIyos"?

Sinundan nila si Jesus.

John 1:40-42

Ano ang pangalan ng isa sa dalawang nakarinig nang magsalita si Juan pagkatapos ay sumunod kay Jesus?

Ang pangalan ng isa sa dalawa ay si Andres.

Ano ang sinabi ni Andres sa kaniyang kapatid na si Simon tungkol kay Jesus?

Sinabi ni Andres kay Simon "Nakita na namin ang Mesias".

Ano ang sinabi ni Jesus na maaring itawag kay Simon?

Sinabi ni Jesus na si Simon ay maaring tawaging "Cefas" (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').

John 1:43-48

Ano ang lungsod nila Andres at ni Pedro?

Ang lungsod nila Andres at Pedro ay Bethsaida.

John 1:49-51

Ano sinabi ni Nathanael tungkol kay Jesus?

Sinabi ni Nathanael, "Guro, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel"

Ano ang sinabi ni Jesus na makikita ni Nathanael?

Sinabi ni Jesus kay Nathanael na makikita niya ang pagbukas ng langit, at lahat ng mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa harapan ng Anak ng Tao.

John 2

John 2:1-2

Sino ang nasa kasalan sa Cana ng Galilea?

Si Jesus, ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga alagad ay nasa kasalan sa Cana ng Galilea.

John 2:3-5

Bakit sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, "Wala na silang alak"?

Sinabi niya ito kay Jesus dahil inaasahan niya na may gagawin siya tungkol sa kalagayan.

John 2:6-8

Ano ang dalawang bagay na sinabi ni Jesus sa mga tagapaglingkod na gawin?

Unang sinabi niya sa kanila na punuin ng tubig ang palayok na lagayan ng tubig. Pagkatapos sinabi niya sa mga tagapaglingkod na magdala ng kaunting "tubig" sa punong taga-silbi.

John 2:9-10

Ano sinabi ng punong tagapagsilbi pagkatapos niyang matikman ang tubig na naging alak?

Sinabi ng punong taga-silbi, "unang inihahanda ng bawat lalaki ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga lalaki ay mga nakainom na. Ngunit napanatili ninyo ang napakainam na alak hanggang ngayon."

John 2:11-12

Ano ang tugon ng mga alagad ni Jesus ng nakita nila ang mapaghimalang katibayan?

Ang mga alagad ni Jesus ay naniwala kay Jesus.

John 2:13-14

Ano ang natagpuan ni Jesus nang nagpunta siya sa templo ng Jerusalem?

Natagpuan niya ang mga tagapagpalit ng pera at ang mga nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati.

John 2:15-16

Ano ang ginawa ni Jesus sa mga nagbebenta at mga taga-pagpalit ng pera?

Gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas mula sa templo, kasama pareho ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang salapi ng taga-pagpalit ng pera at itinaob ang kanilang mga mesa.

Anong sinabi ni Jesus sa mga nagbebenta ng kalapati?

Sinabi niya "Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama."

John 2:17-19

Paano tumugon ang mga opisyal ng mga Judio sa mga inasal ni Jesus sa templo?

Tinanong nila si Jesus "Anong tanda ang ipapakita mo sa amin dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito?"

Paano sinagot ni Jesus ang mga opisyal ng mga Judio?

Sinagot niya sila sa pagsasabi ng, "Wasakin ninyo ang templong ito at itatayo ko ito sa ikatlong araw."

John 2:20-22

Anong templo ang tinutukoy ni Jesus?

Tinutukoy ni Jesus ang templo ng kaniyang katawan.

John 2:23-25

Bakit marami ang naniwala sa pangalan ni Jesus?

Naniwala sila dahil nakita nila ang lahat ng mga mapaghimalang tanda na kaniyang ginawa.

Bakit hindi maipagkatiwala ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga tao?

Hindi niya maipagkatiwala ang kaniyang sarili sa mga tao dahil kilala niya ang lahat ng tao, kung ano ang sangkatauhan, at dahil hindi niya kailangan ang sinuman upang magpatotoo tungkol sa sangkatauhan.

John 3

John 3:1-2

Sino si Nicodemo?

Si Nicodemo ay isang Pariseo na kasapi ng Konseho ng Judio

Ano ang pinatotoo ni Nicodemo kay Jesus?

Sinabi ni Nicodemo, "Guro, alam namin na ikaw ay isang guro galing sa Diyos dahil walang sinumang makagagawa ng mga tandang ito na ginawa mo maliban nasa kaniya ang Diyos."

John 3:3-8

Ano ang sinabi ni Jesus na nagpalito at nagpagulo kay Nicodemo?

Sinabi ni Jesus kay Nicodemo na kailangan niyang ipanganak muli, ipanganak sa tubig at sa pamamagitan ng espiritu upang makapasok siya sa kaharian ng Diyos.

Ano ang mga katanungan ni Nicodemo na ipinapaalam sa atin na ang mga pahayag ni Jesus ay nakagulo at nakalito kay Nicodemo?

Sinabi ni Nicodemo, "Paano ipanganak ang isang tao kung siya ay matanda na? Hindi na siya maaaring pumasok sa pangalawang pagkakataon sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak, hindi ba?"

John 3:9-11

Paano sinaway ni Jesus si Nicodemo?

Sinaway niya si Nicodemo sa pamamagitan ng pagsabi, "Ikaw ba ay guro ng Israel, at gayon pa man hindi mo naiintindihan ang mga bagay na ito?"

John 3:12-13

Sino ang umakyat sa langit?

Walang sino man ang umakyat sa langit maliban ang siyang bumaba galing sa langit, ang Anak ng Tao.

John 3:14-15

Bakit kailangang maitaas ang Anak ng Tao?

Kailangan siyang maitaas upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

John 3:16-18

Paano pinakita ng DIyos na mahal niya ang mundo?

Ipinakita niya ang pagmamahal niya sa pamimigitan ng pagbigay niya ng kaniyang natatangi at nag-iisang Anak, upang ang sinumang mananampalataya sa kaniya ay hindi mamamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Isinugo ba ng Diyos ang kaniyang anak upang hatulan ang mundo?

Hindi. Isinugo ng Diyos ang kaniyang anak nang sa gayon ang mundo ay maligtas sa pamamagitan ng kaniyang anak.

John 3:19-28

Bakit nahahatulan ang mga tao?

Ang mga tao ay nahahatulan dahil sa liwanag na dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa.

Bakit ayaw tumungo sa liwanag ang mga gumagawa ng kasamaan?

Ang mga gumagawa ng masama ay galit sa liwanag at ayaw lumapit dito dahil ayaw nilang malantad ang kanilang mga gawa.

Bakit lumalapit sa liwanag ang mga gumagawa ng katotohanan?

Lumalapit sila sa liwanag upang ang kanilang mga gawa ay makita nang malinaw at para malaman ang kanilang mga gawa ay nangyari sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos.

John 3:29-30

Ano ang sinabi ni Juan na mangyayari sa paglilingkod ni Jesus halintulad sa paglilingkod ni Juan?

Sinabi ni Juan, "Siya ay dapat maitaas, subalit ako ay dapat maibaba".

John 3:31-33

Anong ginawa ng mga tumanggap sa patotoo ng siyang mula sa itaas. mula sa langit, ang napapatunayan?

Napatunayan nila na totoo ang Diyos.

John 3:34-36

Ano ang binigay ng Ama sa kamay ng Anak?

Binigay niya ang lahat ng bagay sa kamay ng Anak.

Anong mayroon sa mga naniniwala sa Anak?

Mayroon silang walang hanggan liwanag.

Anong mangyayari sa mga hindi sumusunod sa Anak?

Hindi nila makikita ang buhay, ngunit mananatili ang poot ng Diyos sa kanila.

John 4

John 4:1-3

Kailan umalis si Jesus sa Judea at lumisan papuntang Galilea?

Iniwan ni Jesus ang Judea at lumisan papuntang Galilea pagkatapos niyang malaman na narinig ng mga Pariseo na siya ay gumagawa at nagbabawtismo ng mga alagad higit kay Juan.

John 4:4-5

Saan pumunta si Jesus noong patungo siya sa Galiliea?

Nagpunta siya sa lungsod ng Samaria na tinatawag na Sicar.

John 4:6-8

Sino ang dumating sa balon ni Jacob habang nandoon si Jesus?

Isang babaeng Samaritano ang dumating doon upang mag-igib ng tubig.

Nasaan ang mga alagad ni Jesus?

Sila ay umalis papuntang bayan para bumili ng pagkain.

Ano ang unang sinabi ni Jesus sa babaeng Samaritano?

Sinabi niya sa kaniya, "Bigyan mo ako ng kaunting tubig na maiinom."

John 4:9-10

Bakit nagulat ang babaeng Samaritano ng kinausap siya ni Jesus?

Siya ay nagulat dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.

Ano ang sinabi ni Jesus para ibaling ang pag-uusap sa mga bagay tungkol sa Diyos?

Sinabi ni Jesus sa kaniya kung alam mo ang kaloob ng Diyos at sino siyang kumakausap sa iyo, ikaw sana ay nagtanong, at ibibigay niya sa iyo ang tubig ng buhay.

John 4:11-14

Anong pahayag ang tinutukoy ng babae para ipakita na hindi niya naintindihan ang espirituwal na kalikasan ng mga sinabi ni Jesus?

Sumagot ang babae, "Ginoo, wala kang timba, at malalim ang balon. Saan ka maaring kumuha ng tubig na buhay?

John 4:15-16

Ano ang sinabi ni Jesus sa babae tungkol sa tubig na kaniyang ibibigay?

Sinasabi ni Jesus sa babae na kung sinuman ang uminom sa tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw muli at ang tubig ay magiging bukal na tubig na sumisibol sa buhay na walang hanggan.

Bakit gusto na ngayon ng babae ang tubig na inaalok ni Jesus?

Gusto niya ang tubig nang sa gayon ay hindi na siya mauhaw at hindi na pupunta sa balon upang mag-igib.

Binago ni Jesus ang paksa ng usapan. Ano ang sinabi niya sa babae?

Ang sinabi ni Jesus sa kaniya "Umuwi ka, tawagin mo ang iyong asawa, at bumalik ka dito."

John 4:17-18

Paano sinagot ng babae si Jesus ng sinabi ni Jesus na tawagin niya ang kaniyang asawa?

Sinabi ng babae kay Jesus na wala siyang asawa.

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa babae kung saan hindi niya malalaman sa natural na pamamaraan?

Sinabi niya sa kaniya na mayroon siyang naging limang asawa at ang lalaking kasama niya ngayon ay hindi niya asawa.

John 4:19-22

Anong pagtatalo ang iminungkahi ng babae kay Jesus tungkol sa pagsamba?

Iminungkahi niyang pagtalunan ang tungkol sa kung saan nararapat ang lugar ng pagsamba.

John 4:23-24

Ano ang sinabi ni Jesus sa babae tungkol sa uri ng mga sumasamba ang hinahanap ng Ama?

Sinabi ni Jesus na ang Diyos ay espiritu at ang tunay na sumasamba ay kailangan sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan.

John 4:25-27

Ano ang sinabi ni Jesus sa babae nang sinabi ng babae kay Jesus kapag dumating ang Mesias (Cristo), kaniyang ihahayag ang lahat ng bagay sa kanila?

Sinabi ni Jesus sa kaniya na siya ay ang Mesias (Cristo).

John 4:28-33

Anong ginawa ng babae pagkatapos ng pag-uusap niya kay Jesus?

Iniwan ng babae ang kaniyang sisidlan ng tubig, bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tao, "Halikayo at tingnan ninyo ang lalaking nagsabi sa akin ng lahat ng dati kong ginagawa. Hindi ito maaring si Cristo, hindi kaya?'

Ano ang ginawa ng mga taong bayan pagkatapos marinig ang balita ng babae?

Umalis sila sa lungsod at lumapit kay Jesus.

John 4:34-38

Ano sinasabi ni Jesus sa kaniyang pagkain?

Sinabi ni Jesus na ang kaniyang pagkain ay gawin ang kalooban na siyang nagsugo sa kaniya, at para tapusin ang kaniyang gawa.

Ano ang pakinabang ng pag-aani?

Ang mga nag-aani ay tatanggap ng bayad at magtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang siya na nagtatanim at nag-aani ay magkasamang magdiwang.

John 4:39-40

Bakit maraming Samaritano sa bayang iyon ang nananampalataya kay Jesus?

Ang ulat ng babae ay nagdulot sa maraming Samaritano sa lungsod na iyon na manampalataya kay Jesus.

John 4:41-42

Ano ang pinaniniwalaan ng karamihang Samaritano tungkol kay Jesus?

Sinabi nila na alam na nila ngayon na si Jesus ay ang tunay na tagapagligtas ng mundo.

John 4:43-45

Nang dumating si Jesus sa Galilea bakit sinalubong siya ng mga taga-Galilea?

Siya ay sinalubong nila dahil nakita nila ang lahat ng bagay na ginawa niya sa Jerusalem sa kapistahan.

John 4:46-47

Pagkatapos umalis si Jesus sa Judea at bumalik sa Galilea, sino ang nagpunta kay Jesus at ano ang gusto niya?

Isang maharlikang tagapangasiwa kung saan may sakit ang kaniyang anak ang lumapit kay Jesus, nagsusumamo sa kaniya na sumama at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki.

John 4:48-52

Ano ang sinabi ni Jesus sa maharlikang tagapangasiwa tungkol sa mga tanda at mga kababalaghan?

Sinabi ni Jesus na ang mga tao ay hindi maaaring maniwala maliban makita nila ang mga tanda at kahanga-hangang mga gawa.

Ano ang ginawa ng maharlikang tagapangasiwa nang hindi sumama si Jesus sa kaniya ngunit sinabi sa kaniya, "Humayo ka, mabubuhay ang iyong anak."

Ang lalaki ay nanampalataya sa salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, at nagtuloy sa kaniyang landas.

John 4:53-54

Ano ang bunga pagkatapos sinabihan ang ama ng may sakit na anak na buhay ang kaniyang anak at nawala ang lagnat bago ang araw na iyon bandang ala una, sa parehong oras na sinabi ni Jesus sa kaniya, "Mabubuhay ang iyong anak?"

Ang naging bunga ay ang maharlikang tagapangasiwa at ang lahat niyang sambahayan ay nanampalataya.

John 5

John 5:1-4

Ano ang pangalan ng palanguyan sa Jerusalem sa may pintuan ng mga tupa na mayroong limang portiko bubong?

Ang palanguyan ay tinawag na Bethzata.

Sino ang nasa Bethzata?

Isang malaking bilang ng mga tao na may sakit, bulag, pilay, o paralisado na nakahiga sa portiko ng Bethzata.

John 5:5-6

Sa Bethzata sino ang tinanong ni Jesus, "Gusto mo bang bumuti?

Tinanong ni Jesus ang isang lalaki na naging lumpo ng tatlumpu't walong taon at nakahiga roon sa mahabang panahon.

John 5:7-8

Ano ang tugon ng lalaking may sakit sa tanong ni Jesus, "Gusto mo bang bumuti?"

Ang lalaking may sakit ay tumugon, "Ginoo, wala akong kahit sinuman, kapag gumalaw paitaas ang tubig, upang ilagay ako sa palanguyan. Kapag aking sinusubukan, may ibang mga nauuna sa akin."

John 5:9

Anong nangyari nang sinabi ni Jesus sa lalaking may sakit, "Bumangon ka, kunin mo ang iyong banig, at lumakad."?

Agad-agad ang lalaki ay gumaling, binuhat ang kaniyang higaan, at lumakad

John 5:10-13

Bakit ikinagalit ito ng mga pinuno ng Judio nang nakita nila ang lalaking may sakit na nakakalakad dala ang kaniyang higaan (banig)?

Ikinagalit nila ito dahil ito ay araw ng pamamahinga at sinabi nila na hindi niya maaaring buhatin ng lalaki ang kaniyang banig sa araw ng pamamahinga.

John 5:14-15

Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaking may sakit na kaniyang pinagaling pagkatapos siyang matagpuan ni Jesus sa templo?

Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Tingnan mo, ikaw ay magaling na! Huwag ka nang magkasala muli, baka may mas masamang bagay pa ang mangyari sa iyo."

Ano ang ginawa ng lalaking gumaling pagkatapos sabihin ni Jesus sa kaniya na tumigil na sa pagkakasala?

Ang lalaki ay pumunta at sinabi sa pinuno ng mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya.

John 5:16-18

Paano tumugon si Jesus sa pinuno ng mga Judio na umusig sa kaniya dahil ginagawa niya ang mga bagay na ito (pagpapagaling) sa Araw ng Pamamahinga?

Sinabi sa kanila ni Jesus, "Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon at ako rin ay gumagawa

Bakit ang pahayag ni Jesus sa mga pinuno ng Judio ay nagawang gustuhin na patayin si Jesus?

Nangyari ito dahil hindi lamang nilabag ni Jesus ang Araw ng Pamamahinga (sa kanilang mga isipan), ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang sariling Ama, ipinapantay niya ang kaniyang sarili sa Diyos.

John 5:19-20

Ano ang ginawa ni Jesus?

Ginawa niya kung ano ang nakita niyang ginawa ng Ama.

Ano ang gagawin ng Ama upang ang mga pinunong Judio ay mamangha?

Ipapakita ng Ama sa Anak ang mga malalaking bagay kaysa rito upang ang mga pinunong Judio ay mamangha.

John 5:21-23

Ano ang mga malalaking bagay na ipinakita ng Ama sa Anak upang ang mga pinuno ng Judio ay mamangha?

Binuhay ng Ama ang patay at binigyan sila ng buhay, gayundin ang Anak ay nagbibigay ng buhay kung kanino man niya naisin.

Bakit ibinigay ng Ama ang lahat ng paghuhukom sa Anak?

Ibinigay ng Ama ang lahat ng paghuhukom sa Anak upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal sa Ama.

Ano ang mangyayari kung hindi mo pararangalan ang Anak?

Kung hindi mo pinaparangalan ang Anak hindi mo pinaparangalan ang Ama na siyang nagsugo sa kaniya.

John 5:24-25

Ano ang mangyayari kung ikaw ay maniniwala sa salita ni Jesus at mananampalataya sa Ama na nagsugo sa kaniya?

Kung gayon, ikaw ay magkakaroon ng walang hanggang buhay at hindi na mapaparusahan ngunit makakaligtas sa kamatayan tungo sa buhay.

John 5:26-27

Ano ang ibinigay ng Ama sa Anak tungkol sa buhay?

Ibinigay ng Ama sa Anak upang magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.

John 5:28-29

Ano ang mangyayari kapag lahat ng mga nasa libingan ay narinig ang tinig ng Ama?

Sila ay magsisilabasan. Sa mga mayroong nagawang mabuti ay mabubuhay muli, at sa mga gumawa ng masama ay may paghahatol sa muling pagkabuhay.

John 5:30-35

Bakit ang paghahatol ni Jesus ay matuwid?

Ang kaniyang paghatol ay matuwid dahil hindi siya naghahanap ng sariling kalooban ngunit ang kalooban ng Ama na nagsugo sa kaniya.

John 5:36-38

Ano ang patotoo na higit sa ginawa ni Juan na kailangang patunayan ni Jesus na siya ang isinugo mula sa Ama?

Ang mga gawa na ginawa ni Jesus ang nagpatunay na isinugo siya ng Ama.

Sino ang hindi nakarinig ng tinig ng Ama o nakakita ng kaniyang anyo sa anumang paraan?

Ni hindi narinig ang tinig o nakita ng mga pinunong Judio ang kaniyang anyo sa kahit anong paraan.

John 5:39-42

Bakit hinahanap ng mga pinunong Judio ang mga kasulatan?

Hinanap nila ang mga ito dahil akala nila na nasa kanila ang buhay na walang hanggan.

Sino ang pinatotohanan ng mga kasulatan?

Pinatotohanan ng mga kasulatan ang tungkol kay Jesus.

John 5:43-44

Sino ang mga pinunong Judio na hindi humahanap ng papuri mula kanino?

Hindi sila naghahanap ng kapurihan na nanggagaling mula sa nag-iisang Diyos.

John 5:45-47

Sino ang mag-aakusa sa mga pinunong Judio bago ang Ama?

Si Moises ang mag-aakusa sa mga pinunong Judio bago ang Ama.

Ano ang sinasabi ni Jesus na gagawin ng mga pinunong Judio kapag sila ay naniwala kay Moises?

Sinabi niya sa mga pinunong Judio na maniniwala sila kay Jesus kapag naniniwala sila kay Moises na sumulat tungkol kay Jesus.

John 6

John 6:1-3

Ano ang isa pang pangalan ng Dagat ng Galilea

Ang Dagat ng Galilea ay tinatawag din na Dagat ng Tiberias.

Bakit may isang napakaraming tao ang sumusunod kay Jesus?

Siya ay sinusundan nila dahil nakikita nila ang mga tanda na si Jesus ay gumagawa sa kanila na may sakit.

John 6:4-6

Ano ang nakita ni Jesus pagkatapos niyang maupo sa gilid ng bundok kasama ng kaniyang mga alagad at tumingala?

Nakita niya ang isang napakaraming tao na papalapit sa kaniya.

Bakit tinanong ni Felipe, "Saan tayo pupunta para bumili ng tinapay upang ang mga ito ay makakain?

Sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe.

John 6:7-9

Ano ang isinagot ni Felipe sa tanong ni Jesus, "Saan tayo pupunta para bumili ng tinapay upang ang mga ito ay makakain?

Sumagot si Felipe, "Dalawang daang denariong halaga ng tinapay ay hindi sapat para sa bawat isa upang magkaroon ng kahit na kaunti.

Ano ang sinagot ni Andres sa tanong ni Jesus, "Saan tayo pupunta para bumili ng tinapay upang ang mga ito ay makakain?"

Sumagot si Andres, "May isang batang lalaki na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa gitna ng napakarami.

John 6:10-12

Gaano karami ang mga lalaki na naroon sa lugar na iyon?

Mayroong limang libong kalalakihan ang naroon.

Ano ang ginawa ni Jesus sa mga tinapay at isda?

Kinuha ni Jesus ang mga tinapay at pagkatapos magbigay ng pasasalamat, kaniyang ipinamahagi sa mga taong nakaupo. Ipinamahagi niya rin ang isda sa parehong paraan.

Gaano karami ang nakuha ng mga tao para kainin?

Nakakuha sila nang higit sa nais nilang kainin.

John 6:13-15

Gaano karami ang tinapay na napulot pagkatapos ng pananghalian?

Napuno ng mga alagad ang labindalawang basket na mga pinagputol-putol mula sa limang sebadang tinapay—ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain.

Bakit muling umakyat si Jesus sa bundok ng mag-isa?

Umakyat si Jesus dahil kaniyang napagtanto ang mga tao, pagkatapos nilang makita ang mga tanda na ginawa niya (pagpapakain ng limang libo), nagsimula silang magsilapit at sapilitang kunin at gawin siyang hari.

John 6:16-18

Ano ang nangyari sa panahon pagkatapos sumakay ng bangka ang mga alagad at nagsimulang magbaybay sa Capernaum?

Isang malakas na hangin ang umihip at ang dagat ay nagsimulang nagiging maalon.

John 6:19-25

Bakit nagsimulang matakot ang mga alagad?

Sila ay natakot dahil nakita nila si Jesus na naglalakad sa dagat at papalapit sa bangka.

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad na nagawa nilang tanggapin sa bangka?

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako ito! Huwag kayong matakot."

John 6:26-27

Ano ang sinabi ni Jesus na dahilan ng napakaraming tao na naghahanap sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na sila ay naghahanap sa kaniya hindi dahil nakita nila ang mga tanda, kundi dahil nakakain sila ng ilang tinapay at sila ay nabusog.

Ano ang sinabi ni Jesus sa napakaraming tao na dapat at hindi dapat gawin?

Sinabi sa kanila ni Jesus na huwag magtrabaho para sa pagkain na nasisira, ngunit magtrabaho para sa pagkain na mananatili sa walang hanggang buhay.

John 6:28-34

Paano pinaliwanag ni Jesus ang gawa ng Diyos para sa maraming tao?

Sinabi ni Jesus sa maraming tao, "Ito ang gawa ng Diyos: na maniwala kayo sa kaniyang sinugo.

John 6:35-37

Ang napakaraming tao ay nagsisimulang humingi kay Jesus ng isang tanda katulad ng manna, tinapay mula sa langit, na binigay ng ama sa kanila upang kainin. Anong tinapay ang tinutukoy ni Jesus?

Si Jesus ay nagsasalita tungkol sa totoong tinapay sa langit na mula sa Diyos na nagbibigay ng buhay sa mundo. At sinasabi ni Jesus sa kanila na siya ang tinapay ng buhay.

Ano ang sinabi ni Jesus ay ang tinapay ng buhay?

sinasabi ni Jesus na siya ang tinapay ng buhay.

John 6:38-42

Ano ang kalooban ng Ama na nagsugo kay Jesus?

Ang kalooban ng Ama ay hindi dapat mawalan si Jesus ng kung ano sa ibinigay ng Ama sa kaniya at nang lahat na nakakakita sa anak at nananampalataya sa kaniya ay dapat magkaroon ng buhay na walang hanggan; at si Jesus ay itataas niya sa huling araw.

John 6:43-45

Paano makakalapit ang isang tao kay Jesus?

Makakalapit lamang ang isang tao kay Jesus kung ilalapit siya ng kaniyang Ama.

John 6:46-49

Sino ang nakakita sa Ama?

Siya lamang na nagmula sa Diyos ang nakakita sa Ama.

John 6:50-51

Ano ang tinapay na ibibigay ni Jesus para sa mundo?

Ang tinapay na ibibigay ni Jesus ay ang kaniyang laman para sa buhay ng mundo.

John 6:52-53

Ano ang gagawin ninyo upang magkaroon ng buhay sa inyong sarili?

Para magkaroon ng buhay sa inyong sarili ikaw ay dapat kumain ng laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo.

John 6:54-56

Paano tayo mananatili kay Jesus at si Jesus ay mananatili sa atin?

Kapag kinain natin ang kaniyang laman at ininom ang kaniyang dugo tayo ay mananatili kay Jesus at siya sa atin.

John 6:57-59

Bakit nabuhay si Jesus?

Nabuhay si Jesus dahil sa Ama.

John 6:60-63

Paano tumugon ang karamihan sa mga alagad ni Jesus pagkatapos marinig ang katuruan ni Jesus tungkol sa pagkain ng kaniyang laman at pag-inom ng kaniyang dugo?

Nang marinig ng mga alagad ang katuruang ito, marami sa kanila ang nagsabi, "Ito ay isang mahirap na katuruan; sino ang tatanggap dito? Pagkatapos nito marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na sumama sa kaniya.

John 6:64-65

Ano ang alam ni Jesus tungkol sa mga tao mula ng pasimula?

Alam na ni Jesus mula sa simula silang mga hindi maniniwala at kung sino itong magkakanulo sa kaniya.

John 6:66-69

Nang tanungin ni Jesus ang labindalawa, "Hindi rin ninyong gustong umalis, hindi ba?", sino ang sumagot at ano ang sinabi niya?

Sinagot siya ni Simon Pedro at sinabi, "Panginoon, kanino kami dapat pumunta? Nasa iyo ang ang mga salita ng walang hanggang buhay, at kailangan naming maniwala at lumapit upang makikila na ikaw ang Isang Banal na Diyos."

John 6:70-71

Sino ang tinutukoy ni Jesus nang sinabi niya na isa sa labindalawa ay isang demonyo?

Nagsalita si Jesus kay Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya ito na isa sa labindalawa ang magkakanulo kay Jesus.

John 7

John 7:1-2

Bakit hindi niloob ni Jesus na pumunta sa Judea?

Hindi niya niloob na pumunta sila roon dahil nais siyang patayin ng mga Judio.

John 7:3-4

Bakit pinipilit ng mga kapatid ni Jesus na pumunta siya sa Judea sa Pista ng mga Tolda?

Pinilit nila siyang pumunta upang makita ng mga alagad ni Jesus ang kaniyang mga ginagawa at upang malaman ng mundo.

John 7:5-9

Ano ang dahilan na binigay ni Jesus para hindi pumunta sa pista?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga kapatid na hindi pa dumating ang tamang panahon para pumunta, at ang kaniyang oras ay hindi pa nagaganap.

Bakit kinamumuhian ng mundo si Jesus?

Sinabi ni Jesus na kinamumuhian siya ng mundo dahil pinatotohanan niya ang tungkol sa mundo na ang mga gawain nito ay masama.

John 7:10-11

Kailan at paano pumunta si Jesus sa pista?

Pumunta si Jesus sa pista pagkatapos pumunta ang kaniyang mga kapatid sa pista ngunit nagpunta siya nang walang nakakaalam.

John 7:12-13

Ano ang sinasabi ng napakaraming tao tungkol kay Jesus?

Sinabi ng iba, "Siya ay mabuting tao" At ang sinabi naman ng iba, "Hindi, niligaw niya ang napakaraming tao."

Bakit walang sinuman ang hayagang nagsalita tungkol kay Jesus?

Ito ay dahil sa takot ng mga Judio kaya walang sinuman ang hayagang nagsalita tungkol kay Jesus.

John 7:14-16

Kailan pumunta si Jesus sa templo at nagsimulang magturo?

Nang malapit ng matapos ang kapistahan, nagpunta si Jesus sa templo at nagsimulang magturo.

John 7:17-18

Paano sinabi ni Jesus na malalaman ng isang tao kung ang kaniyang katuruan ay mula sa Diyos, o kung si Jesus ay nagsasalita sa kaniyang sarili?

Sinabi ni Jesus na kung sinuman ang nais gumawa ng kalooban sa taong nagsugo kay Jesus, malalaman niya ang tungkol sa kaniyang katuruan, kung ito ay mula sa Diyos o hindi.

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa humahanap ng kaluwalhatian ng nagsugo sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na ang taong iyon ay totoo, at walang hindi kabanalan sa kaniya.

John 7:19-22

Alinsunod kay Jesus, sino ang nakagawa ng kautusan?

Sinabi ni Jesus wala sa inyo ang nakagawa ng kautusan.

John 7:23-24

Ano ang katwiran ni Jesus sa pagpapagaling sa Araw ng Pamamahinga?

Ang katwiran ni Jesus ay: Ikaw ay magtutuli ng isang lalaki sa Araw ng Pamamahinga upang ang kautusan ni Moises ay hindi malabag. Kung gayon bakit ka nagagalit sa akin dahil ginawa kong ganap ang isang lalaki sa Araw ng Pamamahinga.

Paano sinabi ni Jesus sa mga tao ang paghahatol?

Sinabi sa kanila ni Jesus na huwag humatol ayon sa itsura, ngunit humatol ng matuwid.

John 7:25-29

Ano ang isa sa mga katwiran na ginawa ng mga tao upang hindi maniwala na si Jesus ay ang Cristo?

Sinabi ng mga tao na alam nila kung saan nagmula si Jesus, ngunit nang si Cristo ay dumarating sinabi nila na wala ni isa ang nakakaalam kung saan siya nagmula.

John 7:30-34

Sino ang nagpadala sa mga opisyal upang dakpin si Jesus?

Ang mga punong pari at ang mga Pariseo ang nagpadala sa mga opisyal upang dakpin si Jesus.

John 7:35-38

Naiintindihan ba ng mga Judio kung ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sinabi niya, "Sa sandaling panahon mananatili pa ako kasama ninyo, pagkatapos pupunta na ako sa nagsugo sa akin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita; kung saan ako papunta, hindi kayo makakasama."?

Sa kanilang pakikipag-usap sa kanilang mga sarili ipinakita na hindi nila naiintindihan ang pahayag ni Jesus.

John 7:39-44

Ano ang tinutukoy ni Jesus nang sinabi niya na "Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay."

Sinabi ito ni Jesus tungkol sa Espiritu, silang mga naniniwala sa kaniya ay makatatanggap.

John 7:45-49

Paano sinagot ng mga opisyal ang mga punong pari at mga Pariseo na sinabi sa kanila, "Bakit hindi ninyo siya dinala (Jesus)"?

Sinagot ng mga opisyal, "Walang tao ang nagsalita ng ganito noon."

John 7:50-53

Paano sinagot ni Nicodemo ang mga Pariseo nang nagtanong ang mga Pariseo sa mga opisyal na pinadala upang dakpin si Jesus, "Kayo ba ay nailigaw na rin? "Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya?

Sinabi ni Nicodemo sa mga Pariseo, "Nagawa ba ng ating kautusan na husgahan ang isang lalaki maliban ito ay una nating narinig mula sa kaniya at alam ang kaniyang ginawa?"

John 8

John 8:1-3

Habang si Jesus ay nagtuturo sa mga tao sa templo ano ang ginawa ng mga eskriba at mga Pariseo?

Nagdala sila ng isang babae na nahuli sa aktong nangangalunya at inilagay nila sa gitna at tinanong si Jesus kung ano ang kaniyang masasabi tungkol sa kaniya (upang husgahan siya).

John 8:4-6

Bakit dinala ng mga eskriba at Pariseo ang babae kay Jesus?

Dinala nila ang babae kay Jesus para hulihin si Jesus upang magkaroon sila ng anumang bagay upang siya ay akusahan."

John 8:7-8

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga eskriba at mga Pariseo pagkatapos nilang tanungin si Jesus tungkol sa babaeng nahuling nangangalunya?

Sinabi sa kanila ni Jesus, "Kung sinuman ang walang kasalanan sa inyo, hayaaan siyang bumato ng bato sa kaniya."

John 8:9-11

Ano ang ginawa ng mga tao pagkatapos magsalita si Jesus sa kanila tungkol sa unang dapat bumato ng bato sa babaeng nahuling nangangalunya?

Pagkatapos magsalita si Jesus umalis sila isa-isa, mula sa mga nakatatanda hanggang sa kahuli-hilihan.

Ano ang sinabi ni Jesus sa babae (nahuling nangangalunya) na gawin?

Sinabi sa kaniya ni Jesus magtungo ka sa inyo at simula ngayon ikaw ay huwag nang magkasala.

John 8:12-16

Ano ang reklamo ng mga Pariseo pagkatapos sabihin ni Jesus, "Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay."

Nagrereklamo ang mga Pariseo na si Jesus ay nagpapatunay tungkol sa kaniya at ang kaniyang patunay ay hindi totoo.

John 8:17-22

Paano pinagtanggol ni Jesus ang kaniyang patunay bilang totoo?

Sinabi ni Jesus na sa kanilang kautusan ay nasusulat na ang patotoo ng dalawang lalaki ay totoo. At kaniyang sinasabi na siya at ang kaniyang Ama na siyang nagpadala sa kaniya ay parehong nagpapatunay tungkol kay Jesus.

John 8:23-24

Sa ano ibinatay ni Jesus ang kaniyang pahayag tungkol sa mga Pariseo na sila ay mamatay sa kanilang mga kasalanan?

Pinagbatayan ni Jesus ang pahayag sa kaniyang kaalaman sa kanila, na sila ay mula sa ibaba, siya ay mula sa itaas. Sila ay sa mundong ito at siya ay hindi sa mundong ito.

Paano makakatakas ang mga Pariseo sa kamatayan ng kanilang mga kasalanan?

Sinabi ni Jesus na sila ay mamamatay sa kanilang mga kasalanan malibang sila ay maniwala na Ako nga.

John 8:25-27

Ano ang mga bagay na sinabi ni Jesus sa mundo?

Sinabi ni Jesus sa mundo ang mga bagay na kaniyang narinig mula sa Ama.

John 8:28-30

Bakit ang Ama na nagsugo kay Jesus ay nanatili sa kaniya at hindi siya iniiwanang mag-isa?

Ang Ama ay kasama ni Jesus at hindi siya iniwang mag-isa dahil ginagawa ni Jesus ang mga bagay na nakalulugod sa Ama.

John 8:31-33

Paano sinabi ni Jesus sa mga Judio na naniwala sa kaniya ay malalaman na sila ay ang tunay niyang mga alagad?

Alam nila na sila ay tunay na mga alagad ni Jesus sa pamamagitan ng pananatili sa kaniyang salita.

Ano ang inisip ng mga Judio na nanampalataya kay Jesus ang tinutukoy nang sabihin niyang, "...at malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo."?

Iniisip ng mga Judio na si Jesus ay nagsasalita sa pagiging alipin ng, o pagkabihag sa, mga tao.

John 8:34-36

Ano ang tinutukoy ni Jesus nang sabihin niyang" ...at malalaman ninyo ang katotohan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

Tinutukoy ni Jesus ang pagiging malaya mula sa pagiging mga alipin ng kasalanan.

John 8:37-38

Ano ang dahilan, ayon kay Jesus, ang mga Judio ay naghangad na patayin si Jesus?

Sila ay naghangad na patayin si Jesus dahil ang kaniyang salita ay walang lugar sa kanila.

John 8:39-41

Bakit sinabi ni Jesus ang mga Judiong ito ay hindi anak ni Abraham?

Sinabi ni Jesus na sila ay hindi mga anak ni Abraham dahil hindi nila ginagawa ang mga gawa ni Abraham. Sa halip hinangad nilang patayin si Jesus.

John 8:42-44

Nang ang mga Judiong ito ay sinasabing sila ay mayroong isang Ama, Diyos, paano tumugon si Jesus sa kanila?

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin ninyo ako, dahil ako ay dumating at pumarito mula sa Diyos; dahil kahit na pumarito ako sa aking sarili, ngunit sinugo niya ako."

Sino ang sinasabi ni Jesus na ama nitong mga Judio?

Sinabi ni Jesus na ang demonyo ang kanilang ama.

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa demonyo?

Sinabi ni Jesus na ang demonyo ay isang mamamatay tao mula sa pasimula at hindi tumatayo sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Nang ang demonyo ay nagsasalita ng isang kasinungalingan, nagsasalita siya mula sa kaniyang sariling likas dahil siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan.

John 8:45-49

Sino ang nakaririnig ng mga salita ng Diyos?

Siyang nasa Diyos ang nakaririnig ng mga salita ng Diyos.

John 8:50-51

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa sinumang mananatili sa salita ng Diyos?

Kung sinuman ang magpapanatili ng salita ni Jesus, hindi niya makikita ang kamatayan.

John 8:52-56

Bakit sinabi ng mga Judio na si Jesus ay mayroong isang demonyo?

Sinabi nila ito dahil sinabi ni Jesus, "Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, kung sinuman ang mananatili sa aking salita, hindi matitikman ang kamatayan."

Bakit iniisip ng mga Judio ang pahayag ay tungkol sa hindi pa nakakita ng kamatayan ay katawa-tawa?

Iniisip nila ito dahil iniisip nila ang pisikal na kamatayan ng katawan. Kahit si Abraham at ang mga propeta ay namatay (kanilang pisikal na katawan)

John 8:57-59

Ano ang mga pahayag ni Jesus upang sabihin na siya ay buhay bago kay Abraham?

Sinabi ni Jesus, "Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham ay Ako na."

John 9

John 9:1-2

Ano sa palagay ng mga alagad kung bakit ang isang lalaki ay ipinanganak ng bulag?

Inakala ng mga alagad na ang dahilan ng lalaking ipinanganak na bulag ay dahil ang lalaki o kaya ang kaniyang magulang ay nagkasala.

John 9:3-5

Ano ang sinabi ni Jesus na dahilan na ipinanganak ang lalaki na bulag?

Sinabi ni Jesus na ang lalaki ay ipinanganak na bulag upang ang gawa ng Diyos ay dapat maihayag sa kaniya.

John 9:6-7

Ano ang ginawa at sinabi ni Jesus sa lalaking bulag?

Dumura si Jesus sa lupa, gumawa ng isang putik at ipinahid sa mata ng lalaki ang putik. At sinabi ni Jesus sa lalaki na maghilamos sa paliguan ng Siloam.

Ano ang nangyari pagkatapos maghugas ang bulag na lalaki sa paliguan ng Siloam?

Bumalik siya ng nakakakita.

John 9:8-12

Ano ang patotoo nang lalaki noong nagkaroon ng isang pagtatalo tungkol sa kung siya ba o hindi ang lalaking ipinanganak na bulag na laging nakaupo o nagmamakaawa?

Ang lalaki ay nagpatotoo na siya ang pulubing bulag.

John 9:13-15

Ano ang ginawa ng mga tao na dating kasama ng pulubing bulag?

Dinala nila ang lalaki sa mga Pariseo.

Kailan nangyari ang pagpapagaling?

Ang pagpapagaling sa lalaking bulag ay naganap sa Araw ng Pagpapahinga.

Ano ang tinanong ng mga Pariseo sa dating lalaking bulag?

Tinanong nila siya kung paano siya nakatanggap ng paningin.

John 9:16-18

Ano ang paghahating naganap sa mga Pariseo?

Ang ibang Pariseo ay sinabi na si Jesus ay hindi mula sa Diyos dahil hindi niya pinanatili ang Araw ng Pamamahinga (Nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga) at ang ibang mga Pariseo ay nagsabi paano ang isang lalaki na isang makasalanan ay makakagawa ng mga ganiyang tanda.

Ano ang sinabi ng lalaking dating bulag nang tinanong siya tungkol kay Jesus?

Sinabi ng dating bulag, "Siya ay isang propeta."

Bakit pinatawag ng mga Judio ang magulang ng bulag na lalaki na nakatanggap ng paningin?

Pinatawag nila ang magulang ng lalaki dahil hindi pa rin sila makapaniwala na ang lalaki ay ang siyang dating bulag.

John 9:19-21

Ano ang patotoo ng magulang ng lalaki tungkol sa kanilang anak?

Pinatotohanan ng magulang na ang lalaki ay totoo ngang kanilang anak at pinanganak siyang bulag.

Ano ang sinabi ng magulang ng lalaki na hindi nila alam?

Sinabi nila na hindi nila alam kung paanong nakakakita na siya ngayon o sino ang nagmulat ng kaniyang mga mata.

John 9:22-23

Bakit sinabi ng magulang ng lalaki na, "Siya ay matanda na. Tanungin ninyo siya."

Sinabi nila ito dahil natatakot sila sa mga Judio. Dahil ang mga Judio ay sumag-ayon na kung sinuman ang umamin na si Jesus ay ang Cristo, siya ay paaalisin sa sinagoga.

John 9:24-25

Ano ang sinabi ng mga Pariseo sa dating bulag na lalaki nang tawagin nila siya sa pangalawang pagkakataon?

Sinabi nila, "Magbigay luwalhati sa Diyos. Kilala namin ang lalaking ito (Jesus) ay isang makasalanan."

Ano ang tugon ng lalaking dating bulag sa mga Pariseo nang tinawag nilang makasalanan si Jesus?

Sumagot siya, "Kung siya ay makasalanan, hindi ko alam. Isang bagay lang ang alam ko: Minsan ako ay isang bulag, at ngayon nakakakita na."

John 9:26-29

Anong mga katanungan sa dating bulag ang tinanong ng mga Pariseo?

Sinabi ng dating bulag, "Bakit gusto ninyong marinig ito muli? Gusto rin ba ninyong maging mga alagad niya?"

John 9:30-31

Nang nilait ng mga Pariseo ang lalaki, ano ang sinabi ng dating bulag sa lahat ng nakakaalam?

Sinabi ng dating bulag na lahat ng nakakakilala sa Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan.

John 9:32-34

Paano sinagot ng mga Pariseo ang bulag na lalaki sa kaniyang sinabi?

Sinabi nila sa lalaki na ipinanganak siya sa kasalanan at ikaw ay nangahas na turuan kami. Pagkatapos ay itinapon nila ang lalaki palabas ng sinagoga.

John 9:35-38

Ano ang ginawa ni Jesus nang marinig niya na ang dating bulag na lalaki ay ipinatapon palabas ng sinagoga?

Umalis at hinanap ni Jesus ang lalaki at nakita siya.

Ano ang sinabi ni Jesus sa dating bulag na lalaki pagkatapos siyang makita ni Jesus?

Tinanong ni Jesus ang lalaki kung naniniwala siya sa Anak ng Tao at pagkatapos sinabi niya sa dating lalaking bulag na siya (Jesus) ang Anak ng Tao.

Paano tumugon ang dating lalaking bulag nang sinabi ni Jesus itong kaalaman na si Jesus ang Anak ng Tao?

Ang lalaking dating bulag ay naniwala at sinamba si Jesus.

John 9:39-41

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga kasalanan ng mga Pariseo?

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung kayo ay bulag, kayo ay walang magiging kasalanan. Subalit, ngayon sinasabi ninyo, 'Nakita namin.' Kaya ang inyong kasalanan ay nananatili."

John 10

John 10:1-2

Ayon kay Jesus sino ang magnanakaw at tulisan?

Siya na hindi pumapasok sa tarangkahan papunta sa kulungan ng mga tupa, ngunit umaakyat sa ibang paraan, ang taong iyon ay isang magnanakaw at isang tulisan.

Sino ang pumapasok sa kulungan ng tupa gamit ang tarangkahan?

Siya na pumapasok sa kulungan ng mga tupa gamit ang tarangkahan ay ang pastol ng mga tupa.

John 10:3-4

Bakit sumusunod ang mga tupa sa pastol kapag tinawag niya sila?

Sumusunod sila sa pastol dahil kilala nila ang kaniyang tinig.

John 10:5-6

Susunod ba ang tupa sa taong hindi nila kilala?

Hindi. Ang tupa ay hindi sumusunod sa hindi nila kilala.

John 10:7-8

Ano ang mga dumating bago kay Jesus?

Ang mga dumating bago kay Jesus ay mga magnanakaw at mga tulisan, at ang mga tupa ay hindi nakinig sa kanila.

John 10:9-10

Sinabi ni Jesus na siya ang tarangkahan. Ano ang mangyayari sa mga pumasok sa pamamagitan ng tarangkahang iyon?

Silang mga papasok sa pamamagitan ni Jesus, ang tarangkahan, ay maliligtas; papasok sila at lalabas at makakahanap ng pastulan.

John 10:11-13

Ano ang ginagawa ng mabuting pastol, si Jesus, para sa kaniyang mga tupa?

Si Jesus, ang mabuting pastol, ay inaalay ang kaniyang buhay para sa mga tupa.

John 10:14-16

Mayroon bang ibang kulungan ng tupa si Jesus at kung mayroon ano ang mangyayari sa kanila?

Sinabi ni Jesus na mayroon siyang ibang mga tupa na wala sa kulungang iyon. Sinabi niya na kailangan niyang dalhin sila at maririnig nila ang kaniyang tinig upang magkaroon ng isang kawan at isang pastol.

John 10:17-18

Bakit mahal ng Ama si Jesus?

Mahal ng Ama si Jesus dahil inialay ni Jesus ang kaniyang buhay upang muli niya itong maitaas.

Mayroon bang kumuha ng buhay ni Jesus?

Wala. Inialay niya ito ng kaniyang sarili.

Saan nakuha ni Jesus ang kapangyarihan na ilagay ang kaniyang sariling buhay at kunin ito muli?

Natanggap ni Jesus ang kautusan na ito mula sa kaniyang Ama.

John 10:19-21

Anong sinabi ng mga Judio dahil sa mga salita ni Jesus?

Sinabi ng marami, "Siya ay may isang demonyo at sira ang ulo. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?" Sinabi ng iba, "Hindi ito ang mga pahayag ng isang inaalihan ng demonyo. Kaya ba ng demonyong buksan ang mga mata ng isang bulag?"

John 10:22-24

Ano ang sinabi ng mga Judio kay Jesus nang pinalibutan nila siya sa Templo sa portiko ni Solomon?

Sinabi nila, "Gaano katagal mo kaming paghihintayin? Kung ikaw ang Cristo, Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo nang maliwanagan ka."

John 10:25-26

Paano sinagot ni Jesus ang mga Judio sa portiko ni Solomon?

Sinabi ni Jesus na binaggit na niya sa kanila (na siya ang Cristo) at hindi sila naniwala sa kaniya dahil hindi niya sila mga tupa.

John 10:27-28

Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa kaniyang pangangalaga at proteksiyon sa kaniyang mga tupa?

Sinabi ni Jesus na binibigyan niya ang kaniyang mga tupa ng buhay na walang hanggan, hindi sila kailanman mamamatay, at walang kahit sino ang maka-aagaw sa kanila mula sa kaniyang mga kamay.

John 10:29-31

Sino ang nagbigay ng tupa kay Jesus?

Ang Ama ang nagbigay ng tupa kay Jesus.

Mayroon bang mas hihigit pa sa Ama?

Mas higit ang Ama kaysa sa lahat.

John 10:32-33

Bakit namulot ng mga bato ang mga Judio para batuhin si Jesus?

Dahil naniniwala sila na nilalapastangan niya ang Diyos at ginagawa niyang Diyos ang kaniyang sarili kahit na siya ay tao lamang.

John 10:34-36

Paano pinagtanggol ni Jesus ang kaniyang sarili laban sa paratang na paglalapastangan niya sa Diyos?

Pinagtanggol ni Jesus ang kaniyang sarili sa pagsasabi na, "Hindi ba nakasulat sa inyong batas, 'sinabi ko, "Kayo ay mga diyos"'? Kung tinawag niya silang mga diyos, sa kanila na pinagmulan ng salita ng Diyos (at hindi maaaring malabag ang kasulatan), sinasabi ba ninyo sa kaniya na ginawang banal ng Ama at pinadala sa mundo, "Nilalapastangan mo ang Diyos,' dahil sinabi kong, 'Ako ang Anak ng Diyos'?

John 10:37-39

Ano ang sinabi ni Jesus na gawin ng mga Judio upang matiyak kung papaniwalaan ba siya o hindi?

Sinabi ni Jesus sa mga Judio na tingnan ang kaniyang mga gawa. Kung hindi ginagawa ni Jesus ang mga gawain ng Ama, huwag siyang paniwalaan. Kung ginagawa niya ang mga gawain ng Ama, paniwalaan siya.

Ano ang sinasabi ni Jesus na maaaring malaman at maunawaan ng mga Judio kung sila ay maniniwala sa mga gawain na ginawa ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na maaari nilang malaman at maunawaan na ang Ama ay nasa kaniya at siya ay nasa Ama.

Ano ang tugon ng mga Judio sa pahayag ni Jesus tungkol sa Ama na nasa kaniya at siya ay nasa Ama?

Muling sinubukan ng mga Judio na sunggaban siya.

John 10:40-42

Saan pumunta si Jesus pagkatapos ng pangyayaring ito?

Muling umalis si Jesus sa kabila ng Jordan sa lugar nang unang ginagawa ni Juan ang pagbabawtismo.

Ano ang sinabi at ginawa ng maraming tao na lumapit kay Jesus?

Patuloy nilang sinasabi, "Sa katunayan walang ginawang mga tanda si Juan, ngunit lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo." Doon ay maraming sumampalataya kay Jesus.

John 11

John 11:1-2

Sino itong si Lazaro?

Si Lazaro ay isang lalaki na mula sa Bethania. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Maria at Marta. Iyon din ang Maria na magpapahid ng mira sa Panginoon at magpupunas sa kaniyang mga paa gamit ang kaniyang buhok.

John 11:3-4

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol kay Lazaro at sa kaniyang karamdaman nang malaman ni Jesus na may karamdaman si Lazaro?

Sinabi ni Jesus, "Ang karamdamang ito ay hindi magtatapos sa kamatayan, sa halip ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos, upang ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito."

John 11:5-7

Ano ang ginawa ni Jesus nang marinig niyang may karamdaman si Lazaro?

Nanatili si Jesus ng dalawa pang araw sa lugar kung nasaan siya.

John 11:8-9

Ano ang sinabi ng mga alagad ni Jesus nang sinabi niya sa kanila, "Bumalik tayo sa Judea."?

Sinabi ng mga alagad ni Jesus, "Guro, ngayon palang ay sinusubukan kang batuhin ng mga Judio, at babalik pa kayong muli roon?"

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa paglalakad ng araw?

Sinabi ni Jesus na kung may taong maglalakad ng araw, hindi siya matitisod, dahil nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.

John 11:10-11

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa paglalakad ng gabi?

Kung mayroong lumalakad sa gabi, matitisod siya dahil wala sa kaniya ang liwanag.

John 11:12-14

Anong inakala ng mga alagad sa pagkakatulog ni Lazaro?

Inakala ng mga alagad na nakatulog si Lazaro upang magpahinga lang.

Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sinabi niya na nakatulog si Lazaro?

Nang sinabi ni Jesus na nakatulog si Lazaro, siya ay nagsasalita tungkol sa kamatayan ni Lazaro.

John 11:15-16

Bakit masaya si Jesus na wala siya doon nang mamatay si Lazaro?

Sinabi ni Jesus, "Masaya ako para sa inyong kapakanan, na wala ako doon upang kayo ay maniwala."

Ano ang inakala ni Tomas na mangyayari kapag bumalik sila sa Judea?

Inakala ni Tomas na mamamatay silang lahat.

John 11:17-20

Gaano katagal na nasa libingan si Lazaro nang dumating si Jesus?

Si Lazaro ay nasa libingan nang apat na araw.

Ano ang ginawa ni Marta nang marinig niyang paparating si Hesus?

Nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya.

John 11:21-23

Ano ang inisip ni Marta na gagawin ng Diyos para kay Jesus?

Sinabi ni Marta, "Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo."

John 11:24-26

Nang sinabi ni Jesus kay Marta,"Ang kapatid mo ay babangong muli", ano ang kaniyang naging tugon kay Jesus?

Sinabi niya kay Jesus, "Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw."

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari doon sa mga naniwala sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na kung sino man ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; 26at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay.

John 11:27-29

Ano ang patotoo ni Marta tungkol sa kung sino si Jesus?

Sinabi ni Marta kay Jesus, "Oo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos, na siyang dadating sa mundo."

John 11:30-32

Nang tumayo at umalis si Maria, ano ang inisip at ginawa ng mga Judio na kasama niya?

Inakala ng mga Judio na nasa bahay ni Maria na pupunta siya sa libingan upang umiyak doon, kaya kanilang sinundan siya.

Saan papunta si Maria?

Papunta si Maria upang salubungin si Jesus.

John 11:33-35

Ano ang nag-udyok kay Jesus na maghinagpis sa espiritu at mabagabag at umiyak?

Si Jesus ay naghinagpis sa espiritu, nabagabag, at umiyak matapos niyang makita si Maria at ang mga Judio na kasama niyang umiiyak.

John 11:36-37

Ano ang napagtanto ng mga Judio nang makita nilang umiiyak si Jesus?

Napagtanto nila na minahal ni Jesus si Lazaro.

John 11:38-40

Ano ang pagtutol ni Marta sa kautusan ni Jesus na alisin ang bato mula sa bibig ng kuweba kung saan nakalibing si Lazaro?

Sinabi ni Martha, "Panginoon, sa mga oras na ito ang katawan ay naaagnas na, sapagkat apat na araw na siyang patay."

Ano ang sagot ni Jesus sa pagtutol ni Marta sa pag-aalis ng bato?

Sinabi ni Jesus kay Marta, "Hindi ko ba sinabi sa iyo na, kung ikaw ay maniniwala, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?"

John 11:41-42

Ano kaagad ang ginawa ni Jesus nang matanggal ang bato mula sa kweba?

Tumingin sa taas si Jesus at nanalangin ng malakas sa kaniyang Ama.

Bakit nanalangin nang malakas si Jesus at sinabi kung ano ang kaniyang sinabi sa kaniyang Ama?

Nanalangin siya nang malakas at sinabi kung ano ang kaniyang ginawa dahil sa mga tao na nakatayo sa paligid niya, upang manampalataya sila na sinugo siya ng Ama.

John 11:43-44

Ano ang nangyari nang sumigaw si Jesus nang may malakas na tinig, "Lazaro, lumabas ka!"

Lumabas ang patay na tao, nakabalot ang kamay at paa ng damit panglibing, at ang kaniyang mukha ay nakabalot din ng tela.

John 11:45-48

Ano ang naging tugon ng mga Judio nang makita nila si Lazaro na lumabas mula sa kuweba?

Marami sa mga Judio ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Jesus, ngunit ang iba ay pumunta sa mga Pariseo at sinabi sa kanila kung ano ang ginawa ni Jesus.

John 11:49-50

Sa pagpupulong ng konseho ng mga punong pari at ng mga Pariseo, ano ang naging propesiya ni Caifas?

Sinabi ni Caifas na ito ay naaangkop na may isang taong dapat mamatay para sa mga tao kaysa ang buong bansa ang mamatay.

John 11:51-53

Mula ng araw na iyon ano ang naging plano ng mga konseho?

Nagplano sila kung paano patayin si Jesus.

John 11:54-55

Ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos niyang buhayin si Lazaro?

Hindi na muling lumakad si Jesus ng hayag sa mga Judio, ngunit umalis siya mula sa Bethania papunta sa isang bansa na malapit sa ilang sa isang bayan na tinatawag na Efraim. Nanatili siya doon kasama ang kaniyang mga alagad.

John 11:56-57

Ano ang utos na binigay ng mga punong pari at mga Pariseo?

Nagbigay sila ng utos na kung sino man ang nakakaalam kung nasaan si Jesus, dapat niyang ipagbigay-alam iyon upang maaari nila siyang hulihin.

John 12

John 12:1-3

Kailan bumalik si Jesus sa Bethania?

Dumating siya sa Bethania anim na araw bago ang Paskua.

Ano ang ginawa ni Maria sa hapunan na hinanda para kay Jesus?

Kumuha sa Maria ng litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa.

John 12:4-6

Bakit nagreklamo si Judas Isacriote, isa sa mga alagad ni Jesus, na ang pabango ay dapat na lang sanang ipinagbili at binigay ang pera sa mga mahihirap?

Sinabi ito ni Judas, hindi dahil sa may malasakit siya sa mga mahihirap, kundi dahil siya ay isang magnanakaw: siya ang may hawak ng sisidlan ng pera, at kumukuha dito ng ilang pera para sa kaniyang sarili.

John 12:7-8

Paano ipinagtanggol ni Jesus ang paggamit ni Maria ng pabango (nardo)?

Sinabi ni Jesus, "Hayaan ninyong ilaan niya ang mayroon siya para sa araw ng aking libing. 8Palagi ninyong kapiling ang mga mahihirap, ngunit hindi ninyo ako laging makakasama."

John 12:9-11

Bakit nagtipon ang maraming tao sa Bethania?

Pumunta sila dahil kay Jesus at upang makita din si Lazaro, na siyang binuhay muli ni Jesus mula sa pagkamatay.

Bakit gustong patayin ng mga punong pari si Lazaro?

Gusto nilang patayin si Lazaro dahil siya ang dahilan kung bakit maraming mga Judio ang umalis at nanampalataya kay Jesus.

John 12:12-13

Ano ang ginawa ng mga tao na nasa pista nang marinig nila na parating si Jesus?

Kumuha sila ng mga sanga mula sa mga puno ng palma at lumabas sila upang salubungin siya at sumigaw, "Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!"

John 12:14-16

Anong propesiya ang natupad tungkol kay Jesus habang papasok siya sa lungsod sakay ng isang batang asno?

Ang propesiya na ang Hari ng Sion ay darating, nakasakay sa isang batang asno ang natupad.

John 12:17-22

Bakit lumabas ang mga tao na nasa pagdiriwang upang salubungin si Jesus?

Lumabas sila para salubungin si Jesus dahil narining nila sa mga saksing nakakita na tinawag ni Jesus si Lazaro palabas ng libingan at binuhay siya mula sa kamatayan.

John 12:23-24

Ano ang paunang sinabi ni Jesus pagkatapos sabihin nila Andres at Felipe kay Jesus na nais siyang makita ng ilang mga Griyego?

Sinagot sila ni Jesus at sinabing, "Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng tao ay maluwalhati..."

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa isang butil ng trigo kapag nahulog ito sa lupa at namatay?

Sinabi ni Jesus na kapag namatay ito ay madadala ito ng maraming bunga.

John 12:25-26

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari doon sa mga nagmamahal ng kaniyang buhay at doon sa kinamumuhian ang kaniyang buhay sa mundong ito?

Sinabi ni Jesus na doon sa nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay.

Ano ang mangyayari sa sinumang maglingkod kay Jesus?

Paparangalan siya ng Ama.

John 12:27-29

Ano ang nangyari nang sinabi ni Jesus, "Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan?

Pagkatapos isang tinig ang nagmula sa langit, at nagsabi, "Niluwalhati ko na ito at muli ko itong luluwalhatiin."

John 12:30-31

Ano ang sinabi ni Jesus na dahilan para sa tinig na mula sa langit?

Sinabi ni Jesus, "Hindi dumating ang tinig na ito para sa aking kapakanan, kundi para sa inyong (mga Judio) mga kapakanan.

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari ngayon?

Sinabi ni Jesus, "Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito."

John 12:32-33

Bakit sinabi ni Jesus, "At ako, kung maitataas ako mula sa lupa, aking ilalapit ang mga tao sa akin."

Sinabi ito ni Jesus upang ipahiwatig kung papaanong paraan siya mamamatay.

John 12:34-36

Nang tinanong ng maraming tao, "Paano mo nasasabi, 'Ang anak ng tao ay kailangang itaas?" Sino ba itong anak ng tao?", sinagot ba sila kaagad ni Jesus?

Hindi. Hindi niya kaagad sinagot ang kanilang tanong.

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa ilaw?

Sinabi ni Jesus, ""Gayunman sa kaunting panahon na lamang ay kasama ninyo ang ilaw. Lumakad habang nasa inyo ang liwanag upang hindi kayo abutan ng kadililman. Ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nakakaalam kung saan siya patutungo. Habang mayroon sa inyo ang liwanag, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga anak ng liwanag."

John 12:37-38

Bakit hindi sumampalataya ang mga tao kay Jesus?

Hindi sila sumampalataya upang ang salita ni Isaias na propeta ay maaring matupad, na kaniyang sinabi: "Panginoon, sino ang naniwala sa aming ulat? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?"

John 12:39-40

Bakit hindi kayang maniwala ng mga tao kay Jesus?

Hindi nila kayang maniwala dahil sinabi ni Isaias, "Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila.

John 12:41-43

Bakit sinabi ni Isaias ang mga bagay na ito?

Sinabi niya ang mga bagay na ito dahil nakita niya ang kadakilaan ng Diyos.

Bakit hindi ito inamin ng mga namumuno na naniniwala kay Jesus?

Ayaw nilang aminin ito dahil natatakot sila sa mga Pariseo at para hindi sila mapagbawalan sa sinagoga. Mahal nila ang papuri na nagmumula sa mga tao kaysa sa papuri na nagmumula sa Ama.

John 12:44-45

Anong pahayag ang ginawa ni Jesus tungkol sa kaniyang sarili at sa kaniyang Ama?

Sinabi ni Jesus, "Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lang sa akin sumasampalataya kundi maging sa kaniya na nagsugo sa akin. 45At ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kaniya na nagsugo sa akin."

John 12:46-47

Ano ang sinabi ni Jesus na dahilan ng kaniyang pagdating sa mundo?

Sinabi ni Jesus na dumating siya upang iligtas ang mundo.

John 12:48-50

Ano ang hatol doon sa mga tatanggi kay Jesus at sa hindi tatanggap ng kaniyang mga salita?

Ang salita na sinabi ni Jesus ang hahatol doon sa mga tatanggi sa kaniya sa huling araw.

Nagsalita ba si Jesus ayon sa kaniyang sariling?

Hindi. Ang Ama na nagsugo kay Jesus ang nag-utos sa kaniya kung ano ang dapat niyang sabihin at salitain.

Bakit sinabi ni Jesus sa mga tao ang tulad ng pagsabi sa kaniya ng Ama?

Ginawa ito ni Jesus dahil alam niyang ang utos ng Ama ay buhay na walang hanggan.

John 13

John 13:1-2

Gaano katagal minahal ni Jesus ang mga nasa kaniya?

Minahal niya sila hanggang katapusan.

Ano ang ginawa ng demonyo kay Judas Isacriote?

Nilagay ng demonyo sa puso ni Judas Iscariote na pagtaksilan si Jesus.

John 13:3-5

Ano ang binigay ng Ama kay Jesus?

Binigay ng Ama ang lahat ng mga bagay sa mga kamay ni Jesus.

Saan nagmula si Jesus at saan siya papunta?

Nagmula si Jesus sa Diyos at babalik sa Diyos.

Ano ang ginawa ni Jesus nang tumayo siya sa hapunan?

Ibinaba niya ang kaniyang panglabas na kasuotan, kumuha ng tuwalya at ibinigkis ito sa kaniyang sarili, nagbuhos ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad upang punasan sila ng tuwalya.

John 13:6-9

Ano ang sinabi ni Jesus nang hindi pumayag si Pedro na hugasan ni Jesus ang kaniyang mga paa?

Sinabi ni Jesus, "Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin."

John 13:10-11

Bakit sinabi ni Jesus sa mga alagad, "Hindi lahat sa inyo ay malinis."

Sinabi ito ni Jesus dahil alam ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya.

John 13:12-15

Bakit hinugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad?

Hinugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad upang magbigay ng halimbawa nang sa gayon ay dapat gawin din nila ang ginawa niya sa kanila.

John 13:16-18

Ang lingkod ba ay mas mataas kaysa sa kaniyang panginoon o ang isinugo ba ay mas mataas kaysa sa nagpadala sa kaniya?

Ang lingkod ay hindi mas mataas kaysa sa kaniyang panginoon at ang isinugo ay hindi mas mataas kaysa sa nagpadala sa kaniya.

Sino ang nagtaas ng kaniyang sakong laban kay Jesus?

Siyang kumain ng tinapay ni Jesus ang nagtaas ng kaniyang sakong laban sa kaniya.

John 13:19-22

Bakit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Hindi lahat sa inyo ay malinis" at "Siyang kumain ng aking tinapay ang nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin?

Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito bago pa man ito mangyari upang kapag nangyari ito ay maniniwala sila na siya ang AKO NGA.

Sino ang tatanggapin mo kapag tinanggap mo si Jesus?

Kapag tinanggap mo si Jesus tatanggapin mo kung sino man ang kaniyang isinugoa at tatanggapin mo din ang siyang nagsugo kay Jesus.

John 13:23-25

Nang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na isa sa kanila ay pagtataksilan siya, ano ang ginawa ni Simon Pedro?

Sinenyasan ni Simon Pedro ang alagad na siyang mahal ni Jesus at sinabing, "Sabihin mo sa amin kung sino ang kaniyang tinutukoy."

John 13:26-27

Paano tumugon si Jesus nang nagtanong ang alagad na siyang mahal ni Jesus sa kaniya kung sino ang magtataksil sa kaniya?

Sumagot si Jesus, "Iyong aking ipagsawsaw ng pirasong tinapay at bibigyan." At sinawsaw ni Jesus ang tinapay at binigay ito kay Judas, ang anak ni Simon Iscariote.

John 13:28-30

Ano ang nangyari at ginawa ni Judas pagkatapos ibigay ni Jesus sa kaniya ang tinapay ?

Pagkatapos kunin ni Judas ang tinapay, pumasok si Satanas sa kaniya at agad siyang lumabas.

John 13:31-33

Paano maluluwalhati ang Diyos?

Maluluwalhati ang Diyos sa Anak ng Tao. Nang naluwalhati ang Anak ng Tao naluwalhati doon ang Diyos.

John 13:34-35

Ano ang bagong kautusan na binigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad?

Ang bagong kautusan ay dapat nilang mahalin ang bawat isa tulad ng pagmamahal sa kanila ni Jesus.

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa mga alagad kapag sumunod sila sa kautusan na mahalin ang bawat isa?

Sinabi ni Jesus na sa pagsunod nila sa kautusan na ito, malalaman ng lahat ng tao na sila ay kaniyang naging mga alagad.

John 13:36-38

Naintindihan ba ni Simon Pedro kung saan papunta si Jesus nang sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung saan ako pupunta, sa ngayon ay hindi kayo makakasunod."?

Hindi. Hindi nainitindihan ni Simon Pedro dahil tinanong niya si Jesus, "Panginoon, saan ka pupunta?"

Paano sumagot si Jesus nang sinabi ni Simon Pedro, "Ibibigay ko ang buhay ko para sa iyo."?

Sumagot si Jesus, "Ibibigay mo ang buhay mo para sa akin? Tunay nga na sinasabi ko sa iyo, hindi titiilaok ang tandang hanggang ikaila mo ako ng tatlong beses."

John 14

John 14:1-3

Anong mayroon sa bahay ng Ama?

Mayroong maraming mga tirahan sa bahay ng aking Ama.

Ano ang gagawin ni Jesus para sa kaniyang mga alagad?

Si Jesus ay naghanda ng lugar para sa kanila.

Bakit ang puso ng mga alagad ay dapat hindi mabagabag?

Ang kanilang puso ay dapat hindi hayaan mabalisa dahil aalis ako at maghahanda ng matitirahan ninyo, ako ay muling babalik at tatanggapin kayo, upang kung saan man ako, kayo ay naroon din.

John 14:4-7

Ano ang nag-iisang daan papunta sa Ama?

Ang nag-iisang daan papunta sa Ama ay sa pamamagitan ni Jesus.

John 14:8-9

Anong sinabi ni Felipe kay Jesus na gagawin niya na magiging sapat na sa mga alagad?

Sinabi ni Felipe kay Jesus, "Panginoon ipakita mo sa amin ang Ama, at iyon ay sapat na sa amin."

John 14:10-11

Nangungusap ba si Jesus sa mga alagad sa kaniyang kagustuhan?

Si Jesus ay hindi nagsasalita sa kaniyang kagustuhan, sa halip, ang Ama na namumuhay sa kaniya na siyang gumagawa ng gawain ng Ama.

Kung wala nang ibang dahilan, bakit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan maniwala na si Jesus ay nasa Ama at ang Ama ay na kay Jesus?

Sinabi ni Jesus na kailangan nila maniwala hindi para sa ibang dahilan kundi dahil sa gawain ni Jesus.

John 14:12-14

Bakit sinabi ni Jesus sa mga alagad na mahihigitan pa ang mga ginawa niya?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na mahihigitan pa ang kaniyang mga gawa dahil pupunta si Jesus sa Ama.

Bakit gagawin ni Jesus ang kahit anong hilingin ng kaniyang mga alagad sa ngalan niya?

Gagawin ito ni Jesus sa gayon maluwalhati ang Ama sa Anak.

John 14:15-20

Anong sinasabi ni Jesus na gagawin mo kung mahal mo siya?

Sinabi ni Jesus na susundin ninyo ang aking mga kautusan kung mahal ninyo ako.

Ano daw ang tawag ni Jesus sa isa pang manga-aliw na ibinigay ng Ama na makakasama ng mga alagad habang buhay?

Tinawag siya ni Jesus na ang Espiritu ng Katotohanan.

Bakit hindi matanggap ng mundo ang Espiritu ng Katotohanan?

Hindi matatangap ng mundo ang Espiritu ng Katotohanan dahil hindi siya nakikita o nakikilala man.

Saan sinabi ni Jesus na ang Espiritu ng Katotohanan ipagkakaloob?

Sinabi ni Jesus ang espiritu ng katotohanan ay ipagkakaloob sa mga alagad.

John 14:21-24

Ano ang mangyayari sa sinumang nasa kaniya ang mga utos ni Jesus at nagpapanatila sa mga ito?

Ang mga taong iyon ay mamahalin ni Jesus at ang kaniyang Ama at ipapakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga tao.

John 14:25-27

Ano ang gagawin ng Manga-aliw, ang Banal na Espiritu kapag ipinadala siya ng Ama?

Ang Manga-aliw, ang Banal na Espiritu ang magtuturo ng lahat ng mga bagay at magpaala-ala sa lahat ng sinabi ni Jesus sa kanila.

John 14:28-31

Bakit kailangang magalak ang mga alagad na lalayo si Jesus?

Sinabi ni Jesus na kailangan nilang magalak dahil pupunta si Jesus sa kaniyang Ama at higit na dakila ang Ama kaysa kay Jesus.

Ano ang dahilan ni Jesus nang sabihin niya na hindi na siya magsasalita pa sa mga alagad niya?

Ang dahilan na binigay ni Jesus ay parating na ang prinsipe ng mundo.

John 15

John 15:1-2

Sino ang tunay na puno ng ubas?

Si Jesus ang tunay na puno ng ubas.

Sino ang tagapag-alaga ng puno ng ubas?

Ang Ama ang tagapag-alaga ng puno ng ubas.

Ano ang ginagawa ng Ama sa mga sanga na na kay Cristo?

Inaalis ng Ama ang mga sanga na hindi nagbubunga at nililinis niya ang bawat sangang nagbubunga upang mas lalo pang magbunga.

John 15:3-4

Bakit malinis ang mga alagad?

Malinis sila dahil sa mensahe ni Jesus na sinabi sa kanila.

John 15:5-7

Sino ang mga sanga?

Tayo ang mga sanga.

Ano ang dapat nating gawin upang magkaroon ng bunga?

Upang magkaroon tayo ng bunga dapat tayong manatili kay Jesus.

Ano ang mangyayari kung hindi tayo mananatili kay Jesus?

Kung sinuman ang hindi mananatili kay Jesus, siya ay itatapon katulad ng sanga at matutuyo ito.

Ano ang kailangan nating gawin upang sa gayon anuman ang ating hilingin ay gagawin para sa atin?

Dapat manatili tayo kay Jesus at dapat manatili tayo sa kaniyang salita. Pagkatapos maaari tayong humingi ng anumang hilingin natin at gagawin ito para sa atin.

John 15:8-9

Ano ang dalawang paraan upang maluwalhati ang Ama?

Ang Ama ay naluluwalhati kapag magbubunga tayo nang sagana at kapag tayo ay mga alagad ni Jesus.

John 15:10-11

Ano ang dapat nating gawin upang manatili sa pag-ibig ni Jesus?

Dapat natin sundin ang kaniyang mga utos.

John 15:12-13

Ano ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring magkaroon ang isang tao?

Wala nang makahihigit pa sa pag-ibig na ito, na kaniyang ibigay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.

John 15:14-17

Paano natin malalaman kung tayo ay mga kaibigan ni Jesus o hindi?

Mga kaibigan tayo ni Jesus kung gumagawa tayo ng mga bagay na kaniyang pinag-uutos sa atin.

Bakit tinawag ni Jesus na mga kaibigan ang kaniyang mga alagad?

Tinawag niya silang mga kaibigan, dahil ipinaalam niya ang lahat ng bagay na kaniyang narinig mula sa Ama.

John 15:18-22

Bakit napopoot ang mundo sa mga sumusunod kay Jesus?

Napopoot ang mundo sa mga sumusunod kay Jesus dahil hindi sila taga-mundo at dahil pinili sila ni Jesus mula sa mundo.

John 15:23-25

Ano ang ginawa ni Jesus nang sa gayon walang maidadahilan ang mundo sa kanillang kasalanan?

Walang maidadahilan ang mundo sa kanilang kasalanan dahil dumating si Jesus at ginawa niya sa kanila ang mga gawa na hindi nagawa ng iba.

John 15:26-27

Sino ang magdadala ng patotoo tungkol kay Jesus?

Ang Manga-aliw, na ang Espiritu ng Katotohanan, at ang mga alagad ni Jesus na magdadala ng patotoo tungkol kay Jesus.

Bakit ang mga alagad ang magdadala ng patotoo tungkol kay Jesus?

Magdadala sila ng patotoo kay Jesus dahil nakasama nila siya mula sa simula.

John 16

John 16:1-2

Bakit sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa mga alagad?

Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kanila, upang hindi sila matisod.

John 16:3-4

Bakit gusto ng mga tao na ilagay ang mga alagad ni Jesus sa labas ng sinagoga at patayin ang ilan sa kanila?

Ginawa nila ito dahil hindi pa nila kilala ang Ama o si Jesus.

Bakit hindi sinabihan ni Jesus ang mga alagad tungkol sa mga bagay na ito noong una?

Hindi sinabi ni Jesus sa kanila noong una dahil siya ay kasama pa nila.

John 16:5-7

Bakit mas mabuti pa kay Jesus na lumayo?

Mas mabuti para kay Jesus na umalis dahil ang Manga-aliw ay hindi dadating sa kanila kung hindi aalis si Jesus; at kung aalis si Jesus, ipapadala ni Jesus ang Manga-aliw para sa kanila.

John 16:8-11

Tungkol saan hihikayatin ng Manga-aliw ang mundo?

Hihikayatin ng Manga-aliw ang mundo tungkol sa kasalanan, kabanalan at paghuhukom.

John 16:12-14

Ano ang gagawin ng Espiritu ng Katotohanan para sa mga alagad sa kaniyang pagdating?

Gagabayan niya ang mga alagad sa lahat ng katotohanan; sapagkat hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili; ngunit anumang bagay ang kaniyang maririnig, sasabihin niya sa mga bagay na iyon at ipapahayag sa kanila ang mga bagay na darating.

Paano maluluwalhati ng Espiritu ng Katotohanan si Jesus?

Maluluwalhati si Jesus sa pamamagitan ng pagkuha sa mga bagay ni Jesus at ipahayag ito sa mga alagad.

John 16:15-16

Anong mga bagay ni Jesus ang kukunin ng Espiritu ng Katotohanan?

Kukunin ng Espiritu ng Katotohanan ang mga bagay ng Ama. Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay kabilang kay Jesus.

John 16:17-18

Anong kasabihan ni Jesus ang hindi naiintindihan ng mga alagad?

Hindi nila naiintidihan nang sabihin ni Jesus, "Sa kaunting panahon at hindi na ninyo ako makikita,' at muli 'Sa kaunting panahon at makikita ninyo ako' at 'Dahil ako ay pupunta sa Ama".

John 16:19-21

Ano ang mangyayari sa kalungkutan ng mga alagad?

Ito ay mapapalitan ng kaligayahan.

John 16:22-25

Ano ang mangyayari upang magalak ang mga alagad?

Makikita nilang muli si Jesus at ang kanilang mga puso ay magagalak.

Bakit sinabihan ni Jesus ang mga alagad na humingi at tumanggap?

Sinabi ni Jesus na gawin ito upang ang kanilang kagalakan ay mapuno.

John 16:26-31

Sa anong dahilan ginawa ng Ama na mahalin ang mga alagad ni Jesus?

Minahal ng Ama ang mga alagad dahil minahal ng mga alagad si Jesus at pinaniwalaang siya ay galing sa Ama.

Saan galing si Jesus at saan siya papunta?

Si Jesus ay nagmula sa Ama sa mundo at lilisanin niya ang mundo at babalik sa Ama.

John 16:32-33

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad sa mga oras na iyon?

Sinabi ni Jesus na magkakahiwa-hiwalay ang mga alagad, bawa't isa sa kaniyang sariling pag-aari, at iiwan nila si Jesus na mag-isa.

Sino ang nanatiling kasama ni Jesus pagkatapos iwan siya ng mga alagad?

Ang Ama ang nanatiling kasama ni Jesus.

Bakit sinabi ni Jesus sa mga alagad na maging malakas ang loob kahit na ang mundo ay may mga kaguluhan?

Sinabi sa kanila ni Jesus na lakasan nila ang kanilang loob dahil napagtagumapayan na niya ang mundo.

John 17

John 17:1-2

Bakit ibinigay ng Ama kay Jesus ang kapahintulutan sa lahat ng laman?

Ginawa ito ng Ama sa gayon maibigay niya ang buhay na walang hanggan sa lahat nang ibinigay niya sa kaniya.

John 17:3-5

Ano ang buhay na walang hanggan?

Ang buhay ng walang hanggan ay pagkilala sa Ama, ang nag-iisang tunay na Diyos, at siya na isinugo, ang Jesu-Cristo.

Paano ginawa ni Jesus na luwalhatiin ang Diyos dito sa mundo?

Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtupad sa gawain na binigay ng Ama sa kaniya.

Ano ang kaluwalhatian ang nais ni Jesus?

Ang kaluwalhatiang mayroon siya nang kasama niya ang Ama bago ang mundo ay nilikha.

John 17:6-8

Para kanino ipinahayag ni Jesus ang pangalan ng Ama?

Ipinahayag ni Jesus ang pangalan ng Ama sa mga tao, na ang Ama ang nagbigay kay Jesus sa mundo.

Paano tumugon ang mga taong binigay ng Ama kay Jesus sa mga salita ni Jesus?

Natanggap nila ang mga salita ni Jesus at nalaman nila na si Jesus ay mula sa Ama, at nanampalataya sila sa Ama na nagsugo kay Jesus.

John 17:9-11

Sino ang sinasabi ni Jesus ang hindi niya ipinapanalangin

Sinabi ni Jesus na hindi siya nananalangin para sa mundo.

John 17:12-14

Habang si Jesus ay nasa mundo, ano ang ginawa ni Jesus sa mga ibinigay sa kaniya ng Ama?

Iningatan sila ni Jesus.

John 17:15-17

Sa halip ano ang hiniling ni Jesus sa Ama na gawin niya sa mga ibinigay niya kay Jesus?

Hiniling ni Jesus sa Ama na ingatan niya sila sa ngalan ng Ama upang maging isa sila, upang ingatan sila mula sa masama, upang maitalag sila sa katotohanan, upang sila ay na kay Jesus at sa Ama at upang makasama niya ang mga ibinigay ng Ama sa kaniya kung saan man siya ngayon.

John 17:18-19

Bakit itinalaga ni Jesus ang kaniyang sarili?

Itinalaga ni Jesus ang kaniyang sarili upang ang mga ibinigay ng Ama sa kaniya ay maitalaga rin sa katotohanan.

John 17:20-21

Para kanino ang dalangin ni Jesus?

Nanalangin si Jesus para sa mga mananampalataya sa kaniya sa pamamagitan ng salita ng mga sumusunod sa kaniya sa panahong iyon.

Sa halip ano ang hiniling ni Jesus sa Ama na gawin niya sa mga ibinigay niya kay Jesus?

Hiniling ni Jesus sa Ama na ingatan niya sila sa ngalan ng Ama upang maging isa sila, upang ingatan sila mula sa masama, upang maitalag sila sa katotohanan, upang sila ay na kay Jesus at sa Ama at upang makasama niya ang mga ibinigay ng Ama sa kaniya kung saan man siya ngayon.

John 17:22-23

Paano minahal ng Ama ang mga ibinigay niya kay Jesus?

Minahal sila ng Ama gaya sa pagmamahal niya kay Jesus.

John 17:24

Sa halip ano ang hiniling ni Jesus sa Ama na gawin niya sa mga ibinigay niya kay Jesus?

Hiniling ni Jesus sa Ama na ingatan niya sila sa ngalan ng Ama upang maging isa sila, upang ingatan sila mula sa masama, upang maitalag sila sa katotohanan, upang sila ay na kay Jesus at sa Ama at upang makasama niya ang mga ibinigay ng Ama sa kaniya kung saan man siya ngayon.

John 17:25-26

Bakit ipinahayag at ipapahayag ni Jesus ang pangalan ng Ama sa mga ibinigay ng Ama sa kaniya?

Ipinahayag at ipapahayag ito ni Jesus upang ang pagmamahal ng Ama na nagmahal kay Jesus ay mapasakanila at nang si Jesus ay manatili sa kanila.

John 18

John 18:1-3

Pagkatapos ni Jesus magsalita ng mga salitang ito, saan siya pumunta?

Siya ay nagpunta kasama ng kaniyang mga alagad sa lambak ng Cedron sa isang hardin at siya ay pumasok dito.

Paano nalaman ni Judas ang tungkol sa hardin?

Alam niya ang tungkol dito dahil madalas magpunta doon si Jesus kasama ng kaniyang mga alagad.

Sino pa ang pumunta sa hardin na may mga lampara, mga sulo at mga sandata?

Sina Judas, isang grupo ng mga sundalo at mga opisyal mula sa mga punong pari at mga Pariseo ay pumunta rin sa hardin.

John 18:4-5

Ano ang tinanong ni Jesus sa grupo ng mga taong ito sa hardin?

Tinanong ni Jesus sa kanila, "Sino ang inyong hinahanap?"

John 18:6-7

Ano ang nangyari nang sinabi ng mga grupo ng tao na hinahanap nila si Jesus ng Nazaret at sumagot si Jesus, "Ako nga."?

Ang mga sundalo at ibang mga kasama nila ay umatras at bumagsak sa lupa.

John 18:8-9

Bakit sinabi ni Jesus, "Sinabi ko na sa inyo na ako nga siya; kaya kung ako ang inyong hinahanap, hayaan ninyong makaalis ang mga ito."?

Sinabi ni Jesus ito upang matupad ang salitang kaniyang sinabi; "Sa lahat ng mga ibinigay mo sa akin, wala ni isang nawala."

John 18:10-11

Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro matapos putulin ni Pedro ang tainga ni Malco, ang lingkod ng punong pari?

Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Ibalik mo ang espada sa lalagyan nito. Ang kopa na ibinigay ng aking Ama, hindi ko ba ito iinumin?"

John 18:12-14

Pagkatapos dakpin si Jesus ng mga grupo ng mga sundalo, kanilang kapitan, at ang mga opisyal ng Judio, saan nila dinala si Jesus?

Unang dinala nila si Jesus kay Annas.

Sino si Annas?

Si Annas ang biyenan ni Caifas, na punong pari noong taon na iyon.

John 18:15-16

Paanong nakapasok si Pedro sa patyo ng pinakapunong pari?

Isa pang alagad na kilala ng pinakapunong pari ang lumabas at nagsalita sa babaing lingkod na nagbabantay sa pinto at dinala sa loob si Pedro.

John 18:17-18

Sino ang nagtanong kung si Pedro ay isang alagad ni Jesus o naging kasama ni Jesus?

Ang babaing nagbabantay sa pinto ng patyo, ang mga taong nakatayo sa paligid ng apoy gamit ang mga uling at isa sa mga lingkod ng pinakapunong pari na isang kamag-anak ng lalaking tinapyasan ng tainga ni Pedro, ay lahat nagtanong kay Pedro kung siya ay kasama ni Jesus o isang alagad ni Jesus.

John 18:19-21

Sa maikling pananalita paano sumagot si Jesus noong tinanong siya ng pinakapunong pari tungkol sa kaniyang mga alagad at kaniyang katuruan?

Sinabi ni Jesus na lantaran siyang nagsalita sa mundo. Sinabi niya sa punong pari na tanungin sa mga nakarinig sa kaniya tungkol sa kung ano ang sinabi niya.

John 18:22-24

Matapos tanungin ni Annas si Jesus saan niya ipinadala si Jesus?

Ipinadala ni Annas si Jesus kay Caifas ang pinakapunong pari.

John 18:25-27

Ano ang agad na nangyari matapos ikaila ni Pedro sa ikatlong pagkakataon ang kaniyang pakikipag-ugnayan niya kay Cristo?

Ang manok ay kagyat na tumilaok matapos ikaila ni Pedro sa ikatlong pagkakataon ang pakikipag-ugnayan niya kay Cristo.

John 18:28-30

Bakit hindi pumasok sa Pretorio ang mga nagdala kay Jesus dito?

Hindi sila pumasok sa Pretorio upang hindi sila madungisan at upang makakain sila sa paskwa.

Paano sinagot ng mga nagpaparatang kay Jesus si Pilato ng tinanong sila. "Anong paratang ang dinadala ninyo laban sa taong ito?

Sumagot sila at sinabi sa kaniya, "Kung ang lalaking ito ay hindi manggagawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa iyo."

John 18:31-32

Bakit dinala ng mga Judio si Jesus kay Pilato sa halip na sila mismo ang nagparusa sa kanila?

Nais patayin ng mga Judio si Jesus at hindi naaayon sa kanilang batas na patayin nila ang sinumang tao nang walang pahintulot mula sa mga may kapangyarihan ng Roma. (Pilato).

John 18:33-35

Ano ang sinabi ni Pilato kay Jesus?

Tinanong ni Pilato si Jesus kung siya ang hari ng mga Judio, at tinanong din niya si Jesus kung ano ang kaniyang ginawa.

John 18:36-37

Ano ang sinabi ni Jesus kay Pilato tungkol sa kaharian ni Jesus?

Sinabi ni Jesus kay Pilato na ang kaniyang kaharian ay hindi bahagi ng mundong ito at hindi manggagaling mula dito.

Sa anong dahilan ipinanganak si Jesus?

Si Jesus ay ipinanganak para maging hari.

John 18:38-40

Ano ang hatol ni Pilato tungkol kay Jesus matapos makipag-usap sa kaniya?

Sinabi ni Pilato sa mga Judio, "Wala akong nakitang krimen sa taong ito."

Nang alukin ni Pilato na palayain si Jesus, ano ang isinigaw ng mga Judio kay Pilato?

Muling isinigaw ng mga Judio at sinabi, "Hindi ang lalaking ito, kundi si Barabas."

John 19

John 19:1-3

Ano ang ginawa ng mga sundalo kay Jesus matapos ipapalo ni Pilato si Jesus?

Ang mga sundalo ay inikot ng sama-sama ang mga tinik para gumawa ng isang korona, ipinatong ito sa ulo ni Jesus, at dinamitan nila siya ng kulay lilang kasuotan. Pumunta sila sa kaniya at sinabi, "Bigyang parangal, hari ng mga Judio!" At hinampas nila siya ng kanilang mga kamay.

John 19:4-6

Bakit muling inilabas ni Pilato si Jesus sa mga tao?

Inilabas ni Pilato si Jesus sa mga tao para malaman nila na walang nakitang sala si Pilato kay Jesus.

Ano ang suot ni Jesus nang dinala muli siya ni Pilato sa mga tao?

Suot ni Jesus ang koronang tinik at ang lilang kasuotan.

Ano ang mga sinabi ng pinunong pari at mga opisyal nang makita nila si Jesus?

Sumigaw sila at sinabing, "Ipako siya, ipako siya!"

John 19:7-9

Ano ang sinabi ng mga Judio na nagdala ng mas malaking takot kay Pilato?

Sinabi ng mga Judio kay Pilato, "Kami ay may isang kautusan, at sa ilalim ng kautusang iyon ay dapat siyang mamatay sapagkat ginawa niya ang kaniyang sarili na Anak ng Diyos."

Ano ang sinabi ni Jesus noong itinanong ni Pilato si Jesus, "Saan ka nanggaling?"

Hindi binigyan ng sagot ni Jesus si Pilato.

John 19:10-11

Sino ang sinabi ni Jesus na nagbigay kay Jesus sa ilalim ng kapangyarihan ni Pilato?

Sumagot si Jesus, "Wala kang kapangyarihan laban sa akin maliban kung ito ay ibinigay sa iyo mula sa itaas."

John 19:12-13

Kahit na ninais ni Pilato na palayain si Jesus, ano ang sinabi ng mga Judio na humadlang sa kanila?

Ang mga Judio ay sumigaw at sinabing, "Kung palalayain mo ang lalaking ito, hindi ka kaibigan ni Cesa: Bawat isa na gawing hari ang kaniyang sarili ay nagsasalita laban kay Cesar."

John 19:14-16

Ano ang huling bagay na sinabi ng mga punong pari bago ipinasakamay ni Pilato sa kanila si Jesus para ipako sa krus?

Sinabi ng mga punong pari, "Wala kaming hari kundi si Cesar."

John 19:17-18

Saan nila ipinako si Jesus?

Ipinako nila si Jesus sa Golgota na ang ibig sabihin ay lugar ng isang bungo.

Si Jesus ba ang tanging nag-iisang ipinako sa krus doon noong araw na iyon?

Hindi. Ang dalawang ibang lalaki, isa sa magkabilang tabi ni Jesus ay ipinakong kasama niya.

John 19:19-22

Ano ang sinulat ni Pilato sa karatula na inilagay sa krus ni Jesus?

Nakasulat sa karatula, "SI JESUS NG NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO."

Sa anong mga wika isinulat ang karatula sa krus ni Jesus?

Ang karatula ay sinulat sa Hebreo, Latin at Griyego.

John 19:23-24

Ano ang ginawa ng mga sundalo sa kasuotan ni Jesus?

Pinaghati-hatian ng mga sundalo ang kasuotan ni Jesus sa apat na bahagi, isang bahagi sa bawat sundalo. Ngunit nagpalabunutan sila para malaman kung sino makakakuha ng damit ni Jesus na walang tahi.

Bakit ginawa ng mga sundalo ang ginawa nila sa mga kasuotan ni Jesus?

Nangyari ito upang maisakatuparan ang Kasulatan na nagsabing "Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan at sa aking damit sila ay nagpalabunutan."

John 19:25-27

Sino ang nakatayo malapit sa krus ni Jesus?

Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria ang asawa ni Cleopas, si Maria Magdalena, at ang alagad na minamahal ni Jesus ang mga nakatayo malapit sa krus ni Jesus.

Ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang ina nang makita niya ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit?

Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak!"

Ano ang ginawa ng alagad na minamahal ni Jesus matapos sabihin ni Jesus sa kaniya, "Tingnan mo, narito ang iyong ina!"?

Mula sa oras na iyon dinala ng alagad na minamahal ni Jesus ang ina ni Jesus sa kaniyang sariling tahanan.

John 19:28-30

Bakit sinabi ni Jesus, "Ako ay nauuhaw."?

Sinabi ito ni Jesus upang mangyari ang nasa Kasulatan.

Ano ang ginawa ni Jesus matapos inumin ang suka mula sa espongha na itinaas sa kaniyang bibig?

Matapos inumin ni Jesus ang suka sinabi niya, "Ito ay tapos na." Kaya iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.

John 19:31-33

Bakit gusto ng mga Judio na baliin ni Pilato ang mga binti ng binitay ng mga lalaki?

Ito ay ang Paghahanda, at para hindi manatili ang mga katawan sa krus sa Araw ng Pamamahinga, (sapagkat ang Araw ng Pamamhinga noon ay isang napakahalagang araw), para hindi manatili sa araw ng Araw ng Pamamahinga, hiniling ng mga Judio kay Pilato na baliin ang mga binti ng binitay na mga lalaki, at ibaba ang kanilang mga katawan.

Bakit hindi binali ng mga sundalo ang mga binti ni Jesus?

Hindi nila binali ang mga binti ni Jesus dahil sa nakita nilang siya ay patay na.

John 19:34-35

Ano ang ginawa ng mga sundalo kay Jesus matapos makita nilang siya ay patay na?

Sinaksak ng sibat ng isa sa mga sundalo ang tagiliran ni Jesus.

Bakit ang isa na nakakita ng lahat ng mga bagay na ito tungkol sa pagkapako ni Jesus sa krus ay nagpatotoo sa kanila?

Na ang isa na nagpatotoo sa mga pangyayaring ito ay upang maniwala rin kayo.

John 19:36-37

Bakit hindi binali ang mga binti ni Jesus at bakit sinaksak ng sibat si Jesus?

nangyari ang mga bagay na ito upang maisakatuparan ang kasulatan, "Walang mababali ni isa sa kaniyang mga buto ." Muli, "Pagmamasdan nila siya na kanilang ipinako."

John 19:38-39

Sino ang dumating at hiniling na kunin ang katawan ni Jesus?

Hiniling ni Jose na taga-Arimatea kay Pilato na kukunin niya ang katawan ni Jesus.

Sino ang nagpuntang kasama si Jose na taga-Arimatea para kunin ang katawan ni Jesus?

Si Nicodemo ang nagpuntang kasama ni Jose na taga-Arimatea.

John 19:40-42

Ano ang ginawa nina Jose na taga-Arimatea at Nicodemo sa kawatan ni Jesus?

Binalot nila ang katawan ni Jesus sa telang lino na may mga pabango. Pagkatapos inilagay nila ang katawan si Jesus sa may isang bagong libingan sa isang hardin.

John 20

John 20:1-2

Kailan pumunta si Maria Magdalena sa libingan?

Siya ay pumunta sa libingan ng maaga nang unang araw nang linggo.

Ano ang nakita ni Maria Magdalena nang siya ay makarating sa libingan?

Nakita niya na naigulong ang bato mula sa libingan.

Ano ang sinabi ni Maria Magdalena sa dalawang alagad?

Sinabi niya sa kanila, "Kinuha nila ang katawan ng Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya dinala."

Ano ang ginawa ni Maria Magdalena pagkatapos niyang makita na naigulong ang bato mula sa libingan?

Tumakbo siya at pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na minamahal ni Jesus.

John 20:3-5

Ano ang ginawa nina Simon Pedro at ng isa pang alagad pagkaraang marinig nila ang sinabi ni Maria Magdalena?

Pareho silang sabay na tumakbo sa libingan.

John 20:6-7

Ano ang nakita ni Simon Pedro sa libingan?

Nakita ni Pedro ang mga telang lino na nakalatag doon. Ang tela na nasa ulo niya ay hindi nakalatag kasama ng mga telang lino ngunit nakabalumbon sa lugar kung saan ito nakalagay.

John 20:8-10

Ano ang tugon ng isa pang alagad sa kung ano ang nakita niya sa libingan?

Nakita niya at naniwala.

John 20:11-13

Ano ang nakita ni Maria nang siya ay yumuko at tumingin sa loob ng libingan?

Nakita niya ang dalawang puting anghel na nakaupo, isa sa may uluhan, at isa sa may paanan, kung saan ang katawan ni Jesus ay nakahiga.

Ano ang sinabi ng mga anghel kay Maria?

Tinanong nila sa kaniya, "Babae, bakit ka umiiyak?

John 20:14-15

Nang lumingon si Maria ano ang kaniyang nakita?

Nakita niya na nakatayo si Jesus doon, ngunit hindi niya alam na ito ay si Jesus.

Sino si Jesus sa akala ni Maria?

Inisip niya na siya ang hardinero.

John 20:16-18

Kailan nakilala ni Maria si Jesus?

Nakilala niya si Jesus nang sinabi niya ang kaniyang pangalan, "Maria".

Bakit sinabi ni Jesus kay Maria na huwag siyang hawakan?

Sinabi ni Jesus sa kaniya na huwag siyang hawakan sapagkat hindi pa siya nakakaakyat sa Ama.

Ano ang sinabi ni Jesus kay Maria para sabihin sa kaniyang mga kapatid na lalaki?

Sinabi sa kaniya ni Jesus na sabihin sa kaniyang mga kapatid na lalaki, na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos at inyong Diyos".

John 20:19-20

Ano ang nangyari kung saan naroon ang mga alagad, kinagabihan ng unang araw ng linggo?

Dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila.

Ano ang ipinakita ni Jesus sa mga alagad?

Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran.

John 20:21-23

Ano ang sinabi ni Jesus na ginagawa niya sa mga alagad?

Sinabi ni Jesus na isinusugo niya ang mga alagad na tulad ng pagkasugo sa kaniya ng kaniyang Ama.

Ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad makatapos niyang hingahan sila?

Sinabi niya sa kanila, "Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. Kung kanino mang kasalanan ang inyong patatawarin, ang mga ito ay pinatatawad para sa kanila; kung kanino mang mga kasalanan ang inyong pinanatili, ang mga ito ay mananatili."

John 20:24-25

Sino sa mga alagad ang wala roon kasama ng ibang mga alagad nang nakita nila si Jesus?

Si Tomas, ang isa sa labindalawa, na tinatawag na Didimo, ay hindi kasama ng ibang alagad noong dumating si Jesus.

Ano ang sinabi ni Tomas na kailangan para maniwala siya na si Jesus ay buhay?

Sinabi ni Tomas na maliban na makita ko ang mga bakas ng mga pako sa kaniyang mga kamay, at mailagay ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako, at mailagay ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako maniniwala."

John 20:26-27

Kailan nakita ni Tomas si Jesus?

Pagkaraan ng walong araw kasama ni Tomas ang ibang mga alagad nang dumating si Jesus habang ang mga pinto ay nakasara, at tumayo sa kalagitnaan nila.

Ano ang sabi ni Jesus kay Tomas na gawin?

Sinabi ni Jesus kay Tomas na iabot mo dito ang iyong daliri at tingnan ang aking mga kamay; iabot mo rito ang iyong mga kamay at ilagay sa aking tagiliran; huwag mawalan ng pananampalataya ngunit maniwala ka.

John 20:28-29

Ano ang sinabi ni Tomas kay Jesus?

Sinabi ni Tomas, "Aking Panginoon at aking Diyos"

Sino ang sinabi ni Jesus na mapalad?

Sinabi ni Jesus, "Mapalad ang mga hindi nakakita ngunit naniwala."

John 20:30-31

Gumawa ba si Jesus ng ibang mga tanda na hindi nakasulat sa aklat?

Oo, gumawa si Jesus ng mga ibang mga tanda sa harap ng mga alagad na hindi nakasulat sa aklat ng Juan.

Bakit nakasulat sa aklat ang mga tanda?

Ngunit naisulat ang mga ito upang kayo ay maniwala na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang habang kayo ay naniniwala, kayo ay magkakaroon ng buhay sa kaniyang pangalan.

John 21

John 21:1-3

Saan naroon ang mga alagad nang ipakita muli ni Jesus ang kaniyang sarili sa kanila?

Ang mga alagad ay nasa Dagat ng Tiberias nang ipakita muli ni Jesus ang kaniyang sarili.

Sinong mga alagad ang nasa Dagat ng Tiberias?

Simon Pedro, Tomas, na tinatawag na Didimus, Nataniel na taga-Cana sa Galilea, ang mga anak ni Zebedee at ang dalawa pang ibang alagad ni Jesus' na nasa Dagat ng Tiberias.

Ano ang ginagawa ng mga alagad?

Ang mga alagad ay nangingisda ngunit wala silang nahuli sa buong gabi.

John 21:4-6

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad para gawin?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na ihagis ang kanilang lambat sa kanang bahagi ng kanilang bangka at sila ay makahuhuli ng isda.

Ano ang nangyari nang ihagis ng mga alagad ang kanilang lambat?

Hindi nila mahatak ang kanilang lambat dahil sa dami ng isda sa loob.

John 21:7-9

Ano ang ginawa ni Simon Pedro nang ang alagad na iniibig ni Jesus ay nagsabi, "Ang Panginoon nga."

Sinuot niya ang kaniyang damit panlabas, at tumalon sa dagat.

Ano ang ginawa ng ibang alagad?

Ang ibang alagad ay lumapit sa bangka, hinihila ang lambat na puno ng isda.

John 21:10-11

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad na gawin sa ilang isda na kanilang nahuli?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na magdala ng ilang isda na kanilang nahuli.

John 21:12-14

Ano ang dalawang bagay na sinabi ni Jesus sa mga alagad para gawin?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na magdala ng ilang mga isda na kanilang nahuli at sinabi rin sa kanila na lumapit at mag-agahan.

Ilang beses ipinakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga alagad noong siya ay bumangon mula sa patay?

Ito ang ikatlong beses na ipinakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga alagad noong siya ay bumangon mula sa patay.

John 21:15-16

Pagkatapos nilang mag-agahan ano ang unang bagay na tinanong ni Jesus kay Simon Pedro?

Tinanong ni Jesus si Simon Pedro kung mahal ni Simon si Jesus nang higit sa mga ito, at sa pangalawang beses tinanong ni Jesus si Pedro, "Mahal mo ba ako?"

Paano sinagot ni Simon Pedro si Jesus sa bawat oras na tinanong ni Jesus si Pedro kung mahal niya si Jesus?

Sa bawat oras na tinanong niya si Pedro ay tumugon, "Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita"

Sa bawat oras na si Pedro ay tumutugon sa tanong ni Jesus na, "Mahal mo ba ako?" ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro para gawin?

Ang unang beses na sinabi ni Jesus kay Pedro, " Pakainin mo ang aking tupa." Ang pangalawang beses sinabi ni Jesus, "Alagaan mo ang aking tupa" Ang pangatlong beses na sinabi ni Jesus, "Pakainin mo ang aking Tupa."

John 21:17-18

Paano sinagot ni Simon Pedro si Jesus sa pangatlong pagkakataon na tinanong siya ni Jesus kung mahal niya si Jesus?

At sa pangatlong pagkakataon na tinanong niya si Pedro ay tumugon, "Panginoon, alam mo ang lahat ng bagay, alam mo na mahal kita"

Sa pangatlong pagkakataon si Pedro ay tumugon sa tanong ni Jesus, "Mahal mo ba ako?" ano ang sinabi ni Jesus kay Perdo na gawin?

Sa pangatlong pagkakataon na sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pakainin mo ang aking tupa."

Ano ang sinabi ni Jesus kay Simon Pedro sa mangyayari sa kaniya kapag siya ay tumanda na si Simon?

Sinabi ni Jesus kay Simon Pedro kapag siya ay tumanda, iuunat niya ang kaniyang mga kamay at dadamitan siya ng ibang tao at bubuhatin siya kung saan ayaw niyang pumunta.

John 21:19

Bakit sinabi ito ni Jesus ang mangyayari kay Pedro kung ano ang mangyayari pagtanda niya?

Sinabi ni Jesus ito upang balaan kung anong klaseng kamatayan ni Pedro ang makakapagbigay luwalhati sa Diyos.

John 21:20-21

Ano ang tinanong ni Pedro kay Jesus tungkol sa alagad na minahal ni Jesus?

Tinanong ni Jesus si Pedro, " Panginoon, ano ang gagawin ng lalaking ito?"

John 21:22-23

Paano tinugon ni Jesus ang katanugan ni Pedro, "Panginoon, ano ang gagawin ng lalaking ito?"

Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Sumunod ka sa akin."

John 21:24-25

Sino ang sumulat ng aklat na ito at ano ang dapat masaksihan?

Ang alagad na minahal ni Jesus ang sumulat nitong aklat at upang masaksihan ang mga pangyayari na nakalarawan sa aklat na ito ay totoo.