Isaiah
Isaiah 1
Isaiah 1:1
Sino si Isaias?
Si Isaias ay anak ni Amos.
Ano ang pangitain ni Isaias?
Ang pangitain ni Isaias ay patungkol sa Juda at Jerusalem.
Kailan nagkaroon ng pangitain si Isaias?
Nagkaroon ng pangitain si Isaias sa mga araw ni Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias, ang mga hari ng Juda.
Isaiah 1:2-3
Bakit dapat makinig ang langit at ang lupa?
Dapat makinig ang langit at ang lupa dahil nagsalita si Yahwheh.
Ano ang ginawa ni Yahweh?
Nag-alaga at nag-aruga siya ng mga bata.
Ano ang ginawa ng mga anak Yahweh?
Nagrebelde sila kay Yahweh.
Isaiah 1:4-6
Paano inilarawan ang bansa?
Inilarawan sila bilang mga makasalanan, mga taong lubog sa kasalanan, mga anak ng mga mapaggawa ng masama, mga anak ng tiwali.
Ano ang ginawa ng bansa?
Iniwan nila si Yahweh, kinasuklaman nila ang Banal ng Israel, lumayo sila mula sa kaniya.
Isaiah 1:7-8
Ano ang kalagayan ng bansa at mga lungsod nila?
Ang bansa nila ay wasak at ang mga lungsod nila, sinunog.
Isaiah 1:9
Ano ang iniwan ni Yahweh sa kanila?
Nag-iwan si Yahweh ng mga hukbo ng ilan sa ating mga kababayan.
Isaiah 1:10-13
Sa ano nagsasawa si Yahweh?
Nasasawa si Yahweh sa dugo ng mga toro, tupa at kambing.
Isaiah 1:14-15
Ano ang kinamumuhian ni Yahweh?
Namumuhi si Yahweh sa mga bagong buwan at pista nila.
Bakit hindi diringgin ni Yahweh ang mga panalangin nila?
Hindi sila pakikinggan dahil puno ng dugo ang mga kamay nila.
Isaiah 1:16-18
Ano ang sinasabi ni Yahweh na gawin nila?
Sinabi ni Yahweh na tigilan nila ang paggawa ng masama, ang alamin ang pagiging mabuti, isulong ang katarungan, tulungan ang mga inaapi, bigyan ng katarungan ang mga walang ama at protektahan ang mga balo.
Isaiah 1:19-20
Ano ang dapat nilang gawin para makain ang ang maiinam na bunga ng lupa.
Dapat ay handa at susunod sila.
Ano ang mangyayari kung manlalaban sila at magrerebelde?
Lalamunin sila ng espada.
Isaiah 1:21-23
Ano ang kalagayan ng lungsod bago ito naging pokpok?
Ang tapat na lungsod ay puno ng katarungan at katuwiran.
Paano naging pokpok ang tapat na lungsod?
Puno ng mamamatay-tao ang lungsod. Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe. Ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan.
Naging puno ng ano ang lungsod?
Napuno ang lungsod ng mamamatay-tao.
Isaiah 1:24-28
Ano ang gagawin ni Yahweh?
Maghihiganti siya laban sa mga kaaway niya.
Isaiah 1:29-30
Ano ang magpapahiya sa kanila?
Dahil ikahihiya niya ang banal na puno ng owk na ninanais mo, at mahihiya sa mga hardin na pinili niya.
Isaiah 1:31
Ano ang mangyayari sa mga malakas at sa kaniyang ginagawa?
Magkasama silang masusunog.
Isaiah 2
Isaiah 2:1-2
Patungkol saan ang salita ang pangitain na nakita ni Isaias?
Ang pangitain ni Isaias ay patungkol sa Juda at Jerusalem.
Ano ang mangyayari sa mga huling araw?
Sa mga huling araw ang bundok ng tahanan ni Yahweh ay itataguyod.
Isaiah 2:3
Bakit aakyat ang maraming tao sa bundok ni Yahweh?
Aakyat sila para maturuan ng ilan sa mga pamamaraan ni Yahweh.
Isaiah 2:4
Ano ang gagawin ni Yahweh para sa mga bansa at maraming tao?
Hahatulan ni Yahweh ang mga bansa at magbababa siya ng desisyon para sa mga tao.
Ano ang gagawin ng mga bansa?
Hindi na sila huhugot ng espada laban sa isa't isa o magsasanay para sa digmaan.
Isaiah 2:5-8
Ano sinabi sa angkan ni Jacob?
Sinabihan sila na lumakad sa liwanag ni Yahweh.
Ano ang ginawa ni Yahweh?
Iniwan niya ang kaniyang bayan, ang angkan ni Jacob.
Bakit iniwan ni Yahweh ang angkan ni Jacob?
Iniwan niya sila dahil puno sila ng kaugaliang galing sa silangan at sila ay mga manghuhula gaya ng mga Filisteo, at nakikipagkamay sila sa mga anak ng mga dayuhan.
Isaiah 2:9-16
Bakit kailanganang magtago ng angkan ni Jacob sa mababatong lugar at sa ilalim ng lupa?
Dapat silang magtago dahil sa kilabot ni Yahweh, kaluwalhatian at kamahalan niya.
Ano ang mangyayari sa mapagmataas na titig ng mga tao at kahambugan nila?
Ibababa sila at ibabagsak.
Sino ang itataas sa araw na iyon?
Si Yahweh lang ang itataaas sa araw na iyon.
Isaiah 2:17-19
Ano ang mangyayari sa mga diyus-diyosan?
Ganap silang maglalaho.
Saan pupunta ang mga tao?
Pupunta sila sa mga kweba at mga butas sa lupa.
Isaiah 2:20-22
Sino ang sinabi na huwag pagkatiwalaan ng angkan ni Jacob?
Sinabihan sila na huwag magtiwala sa tao.
Isaiah 3
Isaiah 3:1-3
Ano ang aalisin ni Yahweh mula sa Jerusalem at Juda?
Aalisin ni Yahweh ang kanilang tauhan at kawani.
Isaiah 3:4-7
Sino ang mamumuno sa Juda at Jerusalem?
Ang mga nakababata ang mamamahala sa kanila.
Sino ang mang-aapi sa mga mamamayan?
Aapihin ang mga tao, bawat isa ng isa pa, at bawat isa ng kapwa nila.
Isaiah 3:8-9
Bakit wasak ang Jerusalem at Juda bumagsak?
Wasak ang mga ito dahil ang mga sinasabi nila at ang mga ginagawa nila ay laban kay Yahweh.
Ano ang tumetestigo laban sa Juda at Jerusalem?
Ang mga hitsura nila ay tumetestigo laban sa kanila.
Isaiah 3:10-12
Ano ang mangyayari sa matuwid?
Magiging maayos ang lahat para sa matuwid?
Ano ang mangyayari sa masama?
Mamalasin siya.
Ano ang ginagawa sa kanila ng mga pinuno nila?
Nililinlang sila ng mga pinuno nila at nililito ang direksyon ng kanilang landas.
Isaiah 3:13-15
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga nakatatanda at mga opisyanl ng kaniyang bayan?
Ipahahayag ni Yahweh ang hatol niya para sa kanila.
Isaiah 3:16-23
Ano ang gagawin ng Pangingoong Yahweh sa mga anak na babae ng Sion?
Bibigyan sila ng Diyos ng galis, at kakalbuhin sila.
Isaiah 3:24-26
Ano ang mangyayari sa mga kalalakihan?
Mamamatay ang mga kalalakihan sa espada
Isaiah 4
Isaiah 4:1-2
Bakit kukuha ang pitong babae ng isang lalaki para maging asawa?
Gusto nilang dalhin ang kaniyang pangalan para maalis ang kanilang kahihiyan.
Isaiah 4:3-4
Ano ang itatawag sa mga nakaligtas na natira sa Sion at Jerusalem?
Tatawaging banal ang mga nakaligtas na natira sa Sion at Jerusalem.
Ano ang gagawin ni Yahweh sa pamamagitan ng espiritu ng katarungan at naglalagablab na apoy?
Huhugasan ng Panginoon ang karumihan ng mga anak na babae ng Sion at lilinisin ang mga bakas ng dugo sa kalagitnaan ng Jerusalem.
Isaiah 4:5-6
Ano ang lilikhain ni Yahweh para takpan ang buong kampo sa Bundok ng Sion at sa kaniyang lugar kung saan nagkakatipon?
Lilikha siya ng ulap at usok sa umaga at ningning ng nag-aalab na apoy sa gabi; isang silungan ng lahat ng kaluwalhatian.
Isaiah 5
Isaiah 5:1-2
Para kanino nais umawit ng mang-aawit?
Nais niyang umawit para sa kaniyang pinakamamahal.
Tungkol saan ang awit ng mang-aawit?
Ang awit ay tungkol sa ubasan ng kaniyang pinakamamahal.
Ano ang ginawa niya sa ubasan?
Hinukay niya ito, inalis ang mga bato, tinamnan ng pinakamasasarap na ubas, at nagtayo ng tore at pigaan ng ubas dito.
Ano ang naging bunga ng ubasan?
Namunga ng maasim na ubas ang ubasan.
Isaiah 5:3-4
Ano ang hahatulan ng mga nakatira sa Jerusalem at mga tao sa Juda?
Hahatulan nila ang kaniyang pinakamamahal at ang kaniyang ubasan.
Isaiah 5:5-6
Ano ang gagawin ng pinakamamahal sa kaniyang ubasan?
Puputulin niya ang mga halamang nakapaligid dito, gagawing pastulan ang ubasan, at wawasakin ang pader nito para iwanan itong nakatiwangwang, hindi uulan dito.
Isaiah 5:7
Sino ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo?
Ang tahanan ng Israel ang ubasan ni Yahweh.
Ano ang hinihintay ni Yahweh?
Naghihintay siya para sa katarungan at katuwiran.
Ano ang natamo ni Yahweh sa halip na katarungan at katuwiran?
Pagpatay at panawagan para sa tulong ang natamo ni Yahweh.
Isaiah 5:8-12
Ano ang mangyayari sa maraming bahay?
Maraming bahay ang mawawalan ng taong nakatira.
Isaiah 5:13-14
Bakit dinalang-bihag ang bayan ng Israel at Juda?
Dinalang-bihag sila dahil sa kakulangan ng pang-unawa.
Isaiah 5:15-23
Ano ang nagtataas kay Yahweh ng mga hukbo?
Ang katarungan ni Yahweh ang nagtataas sa kaniya.
Paano kinilala ang Diyos na Banal?
Kinilala ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang gawang makatuwiran.
Isaiah 5:24-25
Bakit matutuyot ang ugat ng Israel at matatangay ang bulaklak tulad ng alikabok?
Matutuyot ang ugat ng Israel, at tatangayin ang bulaklak nito tulad ng alikabok dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh at nilait ang salita ng Banal ng Israel.
Isaiah 5:26-30
Paano tatawagin ni Yahweh ang bansa sa malayo?
Tatawagin niya sila sa pamamagitan ng pagtaas ng watawat na nagbibigay-hudyat at sisipol para kanila.
Paano darating ang mga bansa?
Darating ang mga bansa ng nagmamadali at maagap.
Isaiah 6
Isaiah 6:1-3
Kailan nakita ni Isaias na nakaupo si Yahweh sa mataas at tanyag na trono?
Nakita ni Isaias si Yahweh sa taon ng kamatayan ni Haring Uzias.
Sino ang nasa taas ng Panginoon?
Nasa taas ng Panginoon ang mga serapin.
Isaiah 6:4-5
Ano ang nangyari nang nagsabihan sa isa't isa ang mga serapin?
Nang nagsabihan sa isa't isa ang mga serapin, nayanig ang pintuan at napuno ng usok ang bahay.
Ano ang sinabi ni Isaias nang nakita niya ang lahat ng ito?
Sinabi ni Isaias na mapapahamak siya dahil marumi ang labi niya at namuhay kasama ng mga maruruming labi, at dahil nakita niya ang hari, si Yahweh.
Isaiah 6:6-7
Ano ang sinabi ng serapin nang idinampi nito sa labi ni Isaias ang nagbabagang uling mula sa altar?
Sinabi niya, "Masdan, naidampi na ito sa iyong labi; ang iyong kasalanan ay nilinis at tinubos na."
Isaiah 6:8-10
Ano ang narinig ni Isaias na tanong ng Panginoon?
Sinabi ng Panginoon, "Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?"
Paano tumugon si Isaias sa tanong ng Panginoon?
Sinabi ni Isaias, "Narito ako; ako ang iyong ipadala."
Ano ang sinabi ng Panginoon kay Isaias na sabihin sa mga tao?
Sinabi ng Panginoon kay Isaias na sabihin sa mga tao na makinig pero hindi makauunawa; tumingin, pero hindi makakikita.
Isaiah 6:11-13
Hanggang kailan dapat sabihin ni Isaias ang mensaheng pinapasabi ng Panginoon sa mga tao?
Sasabihin ni Isaias ang mensaheng pinapasabi ng Panginoon sa mga tao hanggang mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at wala ng tao sa mga bahay at ang lupain ay nakatiwangwang, at hanggang ipadala ni Yahweh ang mga tao sa malayo at kapag labis na ang kalungkutan sa lupain.
Isaiah 7
Isaiah 7:1-2
Sino si Ahaz?
Si Ahaz ay anak ni Jotam, na anak ni Uzias, ang hari ng Juda.
Sa panahon ni Ahaz, sino ang mga hari na umakyat sa Jerusalem para makipagdigma?
Sina Rezin hari ng Syria at Peka anak ni Remalias, ang hari ng Israel ang umakyat sa Jerusalem para makipagdigma.
Paano tumugon sina Ahaz at ang kaniyang nasasakupan nang malaman nila na nakipagsundo ang Efraim sa Syria?
Kumabog ang dibdib ni Ahaz at ng kaniyang nasasakupan nang narinig nila ito.
Isaiah 7:3-4
Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Isaias?
Sinabi ni Yahweh kay Isaias na lumabas siya kasama ang kaniyang anak para makipagkita kay Ahaz.
Sino ang sinabi ni Yahweh na huwag katakutan ni Ahaz?
Sinabi ni Yahweh kay Ahaz na huwag siyang matakot o masindak kay Rezin at Peka.
Isaiah 7:5-6
Ano ang binabalak gawin ng Aram, Efraim at anak ni Remalias?
Ang mga taong ito ay nagbalak ng masama kay Ahaz at sa Juda. Binalak nilang lusubin at takutin ang Juda, at iluklok ang anak na Tabeel para maging hari.
Isaiah 7:7-9
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ahaz tungkol sa Efraim?
Sinabi ni Yahweh kay Ahaz, "Sa loob naman ng animnapu't limang taon, ang Efraim ay magkakawatak-watak at hindi na magiging bayan."
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ahaz kung hindi siya magpapakatatag sa pananampalataya?
Hindi magiging tiyak ang kaligtasan ni Ahaz maliban na lang kung matatag ang kaniyang pananampalataya.
Isaiah 7:10-12
Ano ang tugon ni Ahaz nang sinabi ng Panginoon na humingi siya ng tanda mula kay Yahweh?
Sinabi ni Ahab, "hindi ako hihingi, ni susubukin si Yahweh."
Isaiah 7:13-15
Ano ang sinabi ni Isaias na ginagawa ni Ahaz?
Sinabi ni Isaias na hindi lang pagtitimpi ng mga tao ang sinusubok niya kundi ang pagtitimpi rin ng Diyos.
Isaiah 7:16-17
Sino ang sinabi ni Isaias kay Ahaz na gagamitin ni Yahweh para sakupin siya?
Sinabi ni Isaias kay Ahaz na gagamitin ni Yahweh ang hari ng Asiria para sakupin siya at ang kaniyang nasasakupan.
Isaiah 7:18-22
Ano ang gagawin ng hari ng Asiria?
Aahitin ng hari ng Asiria ang buhok sa ulo ni Ahaz, pati sa mga binti at balbas.
Isaiah 7:23-25
Ano ang mangyayari sa lupain?
Mapupuno ng dawag at tinik ang lupain at magiging lugar ito kung saan manginginain ng damo ang mga tupa at baka.
Isaiah 8
Isaiah 8:1-2
Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Isaias?
Sinabihan niya si Isaias na kumuha ng isang malapad na bato at isulat dito, "Maher shalal has baz."
Sino ba ang magiging mga tapat na saksi ni Yahweh?
Sina Urias ang pari at Zecharias, na anak ni Jeberequias ang mga saksi ni Yahweh.
Isaiah 8:3-10
Bakit sinabihan ni Yahweh na pangalanan ni Isaias ang kaniyang anak na lalaki ng 'Maher shalal has baz'?
Siya ay papangalanang 'Maher-shalal-hash-baz' sapagkat bago pa lang matutong sumigaw ang bata ng 'Tatay' at 'Nanay,' ang kayamanan ng Damasco at ang nasamsam ng Samaria ay dadalhin sa hari ng Asiria.
Isaiah 8:11-13
Anong mga partikular na mga pamamaraan ng mga tao ang ibinilin kay Isaias na huwag tularan?
Binilinan si Isaias na huwag niyang tawaging pagsasabwatan ang alinmang tinuturing na pagsasabwatan ng mga taong ito at huwag siyang matakot sa kinakatakutan nila, at mamangha sa mga bagay na iyon.
Sino ang sinabi kay Isaias na dapat niyang ituring na banal at katakutan?
Sinabihan si Isaias na matakot at mamangha kay Yahweh ng mga Hukbo at ituring siyang banal.
Isaiah 8:14-15
Si Yahweh ay magiging ano sa parehong bahay ng Israel at sa mga naninirahan sa Jerusalem?
Siya ay magiging isang bato na makakatisod, at isang malaking bato na makakapagpatumba-sa Israel, at siya ay magiging patibong at silo sa mamamayan ng Jersusalem.
Isaiah 8:16-18
Ano ang patotoo ni Isaias na kailangang ibigay sa kanyang mga alagad?
Ang patotoo ni Isaias na maghihintay siya kay Yahweh at ang pagbibigay ni Yahweh ng kaniyang mga anak bilang mga tanda at himala sa Israel.
Isaiah 8:19-20
Ano ang sasabihin ng mamamayan ng Israel sa mga alagad ayon kay Isaias?
Sasabihan nila ang mga alagad ni Isaias na kumonsulta ng mga manghuhula at salamangkero.
Sino ang tinutukoy ni Isaias na dapat pagkonsultahan ng mga tao?
Dapat konsultahin ng mga tao ang kanilang Diyos.
Sa ano iniutos ni Isaias na dapat ituon ng kaniyang mga alagad ang kanilang atensyon?
Sila ay inutusan na ituon ang kanilang atensyon sa batas at ang patotoo.
Isaiah 8:21-22
Ano ang gagawin ng mga mamamayan ng Israel kapag sila ay nahihirapan, nagugutom at nagagalit?
Titingala sila sa itaas at isusumpa ang kanilang hari at ang kanilang Diyos.
Anong mangyayari sa mamamayan ng Israel?
Sila ay itataboy tungo sa lupain ng kadiliman.
Isaiah 9
Isaiah 9:1-5
Ano ang mangyayari sa nagdadalamhati?
Tatanggalin ang kaniyang kulimlim.
Ano-anong mga lupain ang pinahiya ng Diyos noong mga nakaraang panahon?
Pinahiya ng Diyos ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali.
Ano ang gagawin ng Diyos sa Zebulun at Naphtali sa mga susunod na panahon?
Gagawin niya silang maluwalhati.
Kanino sumikat ang liwanag?
Ang liwanag ay sumikat sa mga naninirahan sa lupain ng anino ng kamatayan.
Isaiah 9:6-7
Ano ang pangalan ng siyang magdadala ng kapamahalaan sa kaniyang balikat?
Ang pangalan niya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Paano siya mamamahala?
Mamamahala siya nang may katarungan at katuwiran.
Gaano katagal siya mamamahala?
Mamamahala siya ngayon at magpakailanman.
Isaiah 9:8-10
Ano ang sinabi ng Israel nang may pagmamayabang at pagmamataas sa puso?
Sinabi ng Israel, "Nagiba ang mga laryo, pero bubuuin namin muli sa pamamagitan ng inukit na bato; naputol ang mga sikamore, pero magtatanim kami ng mga sedar pamalit sa kanila.
Isaiah 9:11-12
Sino ang ginamit ni Yahweh na lumaban sa Israel?
Ginamit ni Yahweh si Rezin, ang mga Arameo, at Filisteo laban sa Israel.
Isaiah 9:13-15
Nanumbalik ba ang mga tao kay Yahweh?
Ang mga tao ay hindi nanumbalik kay Yahweh o hinanap siya.
Sino ang mga "ulo" at "buntot" na puputulin ni Yahweh isang araw?
Ang mga pinuno at ang mga mayayaman ang ulo; at ang propetang nagtuturo ng kasinungalingan ang buntot.
Isaiah 9:16-17
Bakit walang awa ang Diyos sa kanilang mga ulila sa ama at mga balo?
Walang awa ang Diyos sa kanila dahil ang lahat ay walang Diyos at masasama, at ang bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan.
Isaiah 9:18-19
Ano ang nangyari bilang resulta ng nag-uumapaw na galit ng Diyos?
Niloob ni Yahweh na masunog ang lupain at ang mga tao ay magiging pandingas para sa apoy.
Isaiah 9:20-21
Ano ang nangyari sa Manasseh, Efraim at Judah?
Nilapa ng Manasseh at ng Efraim ang bawat isa at pareho nilang sinalakay ang Judah.
Pagkatapos ba ng lahat ng ito humupa na ang galit ni Yahweh?
Hindi, hindi humupa ang galit ni Yahweh. Nakataas pa rin ang kamay ni Yahweh para hampasin ang Israel.
Isaiah 10
Isaiah 10:5-6
Sino ang pamalo ng galit ni Yahweh at ang tungkod para ipakita ang kaniyang poot?
Ang Asiria ang pamalo ng galit ni Yahweh at ang tungkod para ipakita ang kaniyang poot.
Ano ang inutos ni Yahweh na gawin ng mga taga-Asiria?
Inutusan niya ang taga-Asiria na samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
Isaiah 10:7-11
Ano ang intensiyon ng taga-Asiria?
Nasa puso ng taga-Asiria ang wasakin at puksain ang maraming bansa.
Isaiah 10:12-14
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya kapag natapos na siya sa kaniyang gawain sa bundok Sion at sa Jerusalem?
Sinabi ng Diyos na paparusahan niya ang sinabi ng mayabang na puso ng hari ng Asiria at ang kaniyang mapagmataas na hitsura.
Bakit iniisip ng hari ng Asiria na siya ay nagtagumpay?
Inisip ng hari ng Asiria na siya ay nagtagumpay dahil sa kanilang lakas , karunungan at katalinuhan.
Isaiah 10:15-16
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga magiting na mandirigma ng mga taga-Asiria?
Magpapadala ng pagkagutom ang Panginoon sa kanila.
Isaiah 10:17-19
Ano ang sinabi ni Yahweh na tutupukin niya sa Asiria?
Tutupukin ni Yahweh ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ang kaniyang masaganang lupain.
Isaiah 10:20-23
Saan aasa ang mga naiwan sa Israel matapos nilang makatakas?
Ang mga naiwan sa Israel ay hind na aasa sa tumalo sa kanila bagkus kay Yahweh na sila aasa.
Isaiah 10:24-25
Bakit sinabi ng Panginoong Diyos sa mga taong naninirahan sa Sion na huwag katakutan ang taga-Asiria?
Sinabi niya sa kanila na huwag na nilang katakutan ang taga-Asiria dahil sa konting panahon lang ang galit ng Panginoon laban sa mga taga-Sion ay matatapos na at ang galit ng Panginoon ay itutuon na sa pagkawasak ng Asiria.
Isaiah 10:26-34
Ano ang mangyayari sa araw na ihahampas ni Yahweh ang kaniyang latigo laban sa Asiria at sa araw na ipapalo ni Yahweh ang kaniyang tungkod sa ibabaw ng dagat para angatin ito?
Sa araw na tatanggalin na ang pabigat mula sa kanilang balikat at ang pamatok mula sa kanilang leeg.
Isaiah 11
Isaiah 11:1-2
Ano ang manggagaling sa ugat ni Jesse?
Isang sibol at sanga ang manggagaling mula sa ugat ni Jesse.
Ano ang mapapasakanya?
Mapapasakanya ang Espiritu ni Yahweh.
Ano ang ibibigay ng Espiritu ni Yahweh sa kaniya?
Bibigyan siya ng Espiritu ni Yahweh ng karunungan at pang-unawa, espiritu ng paggabay at kapangyarihan at takot kay Yahweh.
Isaiah 11:3-7
Anong pamantayan ang gagamitin niya para husgahan ang mahihirap at mapagkumbaba?
Hindi siya manghahatol ayon sa nakikita ng kaniyang mga mata, ni hindi magpapasya ayon sa naririnig ng kaniyang tainga. Hahatulan siya nang makatwiran at magpapasya ng patas.
Anong gagawin niya sa mga masasama?
Papatayin niya sila sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang mga labi.
Isaiah 11:8-9
Paano kikilos ang mga hayop ng kakaiba?
Hindi nila sasaktan ni wawasakin ang lahat ng banal na bundok.
Bakit hindi mananakit o magwawasak ang mga hayop?
Hindi mananakit ni magwawasak ang mga hayop dahil mapupuno ang mundo ng maraming kaalaman kay Yahweh.
Isaiah 11:10-11
Bakit iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay sa araw na nakatakda?
Iuunat niya ang kaniyang kamay para mabawi ang nalabi sa kaniyang mga tao sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Sinar, Hamat, at mga isla sa karagatan.
Isaiah 11:12-13
Anong mangyayari sa mga laban sa Juda?
Aalisin niya ang mga laban sa Juda.
Anong mangyayari sa pagitan ng Efraim at Juda?
Hindi na kaiinggitan ng Efraim ang Juda, at hindi na laban ang Judah sa Efraim.
Isaiah 11:14-16
Ano ang gagawin ng Efraim at Juda ng magkasama?
lulusob sila sa mga burol ng Filisteo sa kanluran, at sama-sama nilang susugurin ang mga tao sa silangan. Aatakihin nila ang Edom at Moab.
Ano ang gagawin ni Yahweh sa malaking bahagi ng dagat ng Ehipto at Ilog ng Eufrates?
Hahatiin ni Yahweh ang malaking bahagi ng dagat ng Ehipto at hahatiin ang Ilog ng Eufrates sa pitong batis.
Bakit hahatiin ni Yahweh ang malaking bahagi ng dagat ng Ehipto at Ilog ng Eufrates sa pitong batis?
Hahatiin niya ang mga ito para matawiran ito gamit ang mga sandalyas.
Isaiah 12
Isaiah 12:1-4
Bakit magbibigay pasasalamat sila kay Yahweh sa araw na iyon?
Pagbibigay sila ng papasalamat dahil kahit na galit si Yahweh sa kanila, nawala na ang poot niya sa kanila at inaliw niya sila.
Ano ang sasabihin ng mga tao na nasa kanila si Yahweh sa araw na iyon?
Sasabihin ng mga tao na si Yahweh ang kanilang kalakasan, kanilang awitin at kanilang kaligtasan.
Isaiah 12:5-6
Bakit sinabihan ang mga tao na kumanta kay Yahweh?
Sinabihan silang kumanta kay Yahweh dahil gumawa siya ng mga dakilang bagay at para malaman ito sa buong mundo.
Isaiah 13
Isaiah 13:1-3
Anong mensahe ang natanggap ni Isaias kay Yahweh?
Natanggap niya ang pahayag tungkol sa Babilonia.
Ano ang ipapagawa ni Yahweh sa mga malalakas niyang mandirigma?
Tinawag niya sila para isagawa ang kaniyang galit.
Isaiah 13:4-5
Saan nagmula ang hukbo ni Yahweh?
Nanggaling sila mula sa malayong bansa, mula sa lugar na hindi na matanaw.
Ano ang gagawin ng mga instrumento sa paghatol ni Yahweh?
Wawasakin nila ang buong lupain.
Isaiah 13:6-8
Ano ang gagawin ng mga tao kapag nawasak na ang lupain?
Manlalabot ang kanilang mga kamay at matutunaw ang kanilang puso; Matatakot sila; matinding kirot at kalungkutan ang lulupig sa kanila. Titingin sila ng may pagkamangha sa isa't-isa; mag-aalab ang kanilang mga mukha.
Isaiah 13:9-10
Ano pa ang mangyayari sa araw ni Yahweh?
Magiging malagim ang lupain at mawawasak ang mga makasalan doon. Hindi ibibigay ng mga bituin, mga grupo ng bituin, araw at buwan ang kanilang liwanag; magdidilim sila.
Isaiah 13:11-16
Marami bang mga kalalakihan ang maiiwan?
Hindi! Sisiguraduhin ni Yahweh na mas madalang ang mga kalalakihan kaysa sa pinung ginto.
Isaiah 13:17-18
Sino ang pupukawin ni Yahweh para lusubin ang Babilonia?
Pupukawin ni Yahweh ang Medes para lusubin ang Babilonia.
Isaiah 13:19-20
Ano ang mangyayari sa Babilonia?
Itatapon sila ng Diyos gaya ng Sodom at Gomorrah at hindi na ito matitirahan o pamumuhayan mula sa saling-lahi hanggang sa isa pang saling-lahi.
Isaiah 13:21-22
Ano ang hihiga sa Babilonia?
Ang mga mababangis na hayop ng ilang ang hihiga doon.
Kailan ito mangyayari sa Babilonia?
Nalalapit na ang oras ng Babilonia, at hindi na magtatagal ang kaniyang mga araw.
Isaiah 14
Isaiah 14:1-2
Ano ang gagawin ni Yahweh sa Israel?
Pipiliin muli ni Yahweh ang Israel at ibabalik sila sa sarili nilang lupain.
Mayroon pa bang sasama sa Israel pabalik sa kanilang lupain?
Sasapi ang mga dayuhan sa kanila at iaanib ang kanilang mga sarili sa bayan ng Jacob.
Sino ang magbabalik sa mga Israelita sa kanilang lupain?
Ang mga bansa ang magbabalik sa kanilang sariling lugar.
Ano ang gagawin ng bayan ng Israel sa mga bansang humuli sa mga Israelita?
Kukunin sila nang bayan ng Israel bilang lalaki at babaeng mga alipin. Mabibihag nila ang mga bumihag sa kanila, at pamumunuan nila ang lahat ng nang-api sa kanila.
Isaiah 14:3-4
Ano ang mangyayari sa araw ng pahinga na binigay ni Yahweh sa Israel mula sa kanilang paghihirap, dalamhati, at mahirap na trabaho?
Aawit sila ng awiting panghahamak laban sa hari ng Babilonia.
Ano ang nangyari sa nang-aapi?
Natapos na ang nang-aapi.
Isaiah 14:5-9
Ano ang ginawa ng hari ng Babilonia?
Pinalo niya ang mga tao ng poot nang paulit-ulit. Galit niyang pinamahalaan ang mga bansa, sa pamamagitan ng walang tigil na paglusob.
Isaiah 14:10-11
Ano ang sasabihin ng mga patay na hari ng mundo sa hari ng Babilonia?
Sasabihin nila, 'naging mahina ka na gaya namin...' at 'Binaba ang iyong karangyaan sa Sheol...'
Isaiah 14:12-17
Anong nangyari sa anak ng umaga?
Nahulog mula sa kalangitan at naputol sa lupa.
Ano ang sinabi ng anak ng umaga sa kaniyang puso?
Sabi niya na itataas niya ang kaniyang trono sa taas ng mga bituin ng Diyos at gagawin niyang Kataas-taasang Diyos ang kaniyang sarili.
Isaiah 14:18-20
Bakit hindi makakasama ng hari ng Babilonia ang ibang mga hari ng bansa sa libingan?
Hindi siya makakasama dahil winasak niya ang lupain nila at pinatay ang kaniyang kababayan.
Isaiah 14:21-23
Ano ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo laban sa Babilonia?
Kaniyang pinahayag, "Lalabanan ko sila" at "puputulin ko ang pangalan ng Babilonia, kaapu-apuhan, at kayamanan."
Isaiah 14:24-27
Ano ang pinangako ni Yahweh ng mga hukbo tungkol sa Asiria sa lupain ni Yahweh?
Sabi niya wawasakin niya ang mga taga-Asiria sa kaniyang lupain, at tatapakan niya sila sa kaniyang mga bundok.
Isaiah 14:28-30
Ano ang pahayag laban sa Filisteo?
Pinahayag na hindi dapat magalak ang Filisteo, dahil papatayin ni Yahweh ang pinanggalingan ng Filisteo sa pamamagitan ng kagutuman na papatay sa lahat ng nakaligtas sa inyo.
Isaiah 14:31-32
Sino ang nagtatag ng Sion?
Tinatag ni Yahweh ang Sion.
Ano ang mahahanap ng bayan ni Yahweh sa Sion?
Makatatagpo ng kanlungan ang bayan ni Yahweh.
Isaiah 15
Isaiah 15:1-4
Kanino tungkol ang pahayag?
Tungkol sa Moab ang pahayag.
Anong mangyayari sa Ar at Kir ng Moab?
Mawawasak sila pareho at sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak.
Isaiah 15:5-7
Saan pupunta ang mga takas mula sa Moab?
Pupunta ang mga takas sa Zoar at Eglat-selisiya.
Isaiah 15:8-9
Anong nangyari sa tubig ng Dimon at anong mangyayari sa Dimon?
Puno ng dugo ang mga tubig ng Dimon; pero magdadala pa si Yahweh ng mas marami sa Dimon.
Anong mangyayari sa mga tumakas sa Moab at sa mga nanatili sa lupain?
Isang leon ang aatake sa mga tumakas sa Moab at pati sa mga nanatili sa lupain.
Isaiah 16
Isaiah 16:1-2
Kanino ipapadala ang mga tupa?
Ipapadala ang mga tupa sa mga namamahala ng lupain sa bundok ng mga anak na babae ng Sion.
Saan hinalintulad ang mga babae ng Moab sa tawiran ng Ilog Arnon?
Gaya sila ng mga naggagalang ibon o nakakalat na pugad.
Isaiah 16:3-4
Ano dapat ang gagawin ng Juda sa mga takas ng Moab?
Itatago sila at hindi ipagkakanulo at hahayaan na manirahan ang mga takas kasama nila; maging isang taguan mula sa mga taga-wasak.
Isaiah 16:5-10
Ano ang gagawin ng uupo sa trono mula sa tolda ni David?
Maghuhusga siya habang naghahanap ng katarungan at gumagawa ng katuwiran.
Isaiah 16:11-12
Ano ang magagawa ng Moab kapag pumasok siya sa kaniyang templo para manalangin?
Walang magagawa ang kaniyang mga panalangin.
Isaiah 16:13-14
Ano ang mangyayari sa kaluwalhatian ng Moab?
Mawawala ang kaluwalhatian ng Moab sa loob ng tatlong taon sabi ni Yahweh.
Ilan ang malalabi sa Moab?
Kaunti lamang ang matitira sa Moab at hindi pa mahahalaga.
Isaiah 17
Isaiah 17:1-3
Ano ang mangyayari sa lungsod ng Damasco?
Hindi na ito magiging lungsod, sa halip ito ay magiging tambak ng mga gumuhong gusali.
Ano ang maglalaho mula sa Efraim?
Maglalaho ang matitibay na lungsod mula sa Efraim.
Isaiah 17:4-5
Ano ang mangyayari sa kaluwalhatian ni Jacob sa araw na iyon?
Manghihina ang kaluwalhatian ni Jacob at papayat ang katabaan ng kaniyang laman sa araw na iyon.
Isaiah 17:6-7
Kanino titingin ang mga tao sa panahon na iyon?
Titingin ang mga tao sa kanilang Manlilikha at titingin ang kanilang mga mata sa Banal ng Israel.
Isaiah 17:8-11
Ano ang magiging katulad ng matitibay na lungsod sa araw na iyon?
Sa araw na iyon, magiging katulad ng iniwan na kahoy na dalusdos sa rurok ng mga burol ang kanilang matitibay na lungsod.
Isaiah 17:12-14
Ano ang mangyayari kapag umugong ang mga bansa gaya ng rumaragasang malalakas na tubig?
Sasawayin ng Diyos ang mga bansa at tatakbo sila palayo at hahabulin.
Ano ang magiging bahagi ng mga ninakawan ang Israel?
Magiging karumal-dumal ang kanilang bahagi sa gabi at maglalaho sila bago pa man dumating ang umaga.
Isaiah 18
Isaiah 18:1-2
Nasaan ang lupain ng kumakaluskos na mga pakpak?
Ang lupain ng kumakaluskos na mga pakpak ay nasa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia.
Kanino pinapadala ng lupain ng kumakaluskos na mga pakpak ang kanilang mga kinatawan?
Pinapadala nila ang kanilang mga kinatawan sa isang bansa na ang mga mamamayan ay matangkad at makinis, sa mga taong kinakatakutan, sa bansang malakas at nanlulupig, ang lupaing hinihiwalay ng mga ilog.
Isaiah 18:3
Kailan dapat tumingin at makinig ang mga nananahan sa mundo?
Dapat silang tumingin at makinig kapag itinaas na ang hudyat sa mga kabundukan at kapag hinipan na ang trumpeta.
Isaiah 18:4-5
Ano ang gagawin ni Yahweh bago ang pag-aani, kapag tapos na ang pagsibol?
Puputulin niya ang mga sanga gamit ang pamutol na karit at puputulin niya at itatapon ang kumakalat na mga sanga.
Isaiah 18:6-7
Ano ang mangyayari kapag ginawang pagkain ng mga ibon ang mga ito sa tag-araw at lahat ng mga hayop sa lupa sa panahon ng tag-lamig?
Sa panahon na iyon, dadalhin ng mga taong matatangkad at makikinis ang kanilang parangal sa Bundok Sion para kay Yahweh.
Isaiah 19
Isaiah 19:1-2
Kanino tumutukoy ang kapahayagan sa kabanatang ito?
Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa kapahayagan tungkol sa Ehipto.
Sino ang gugulo sa mga taga-Ehipto?
Gugulohin ni Yahweh ang mga taga-Ehipto.
Sino ang lalabanan ng mga taga-Ehipto?
Lalabanan nila ang isa't isa.
Isaiah 19:3-4
Sino ang dudulutin ni Yahweh na mamahala sa mga taga-Ehipto?
Ibibigay ni Yahweh ang mga taga-Ehipto sa mga kamay ng malupit na amo, at pamamahalaan sila ng makapangyarihang hari.
Isaiah 19:5-8
Ano ang mangyayari sa mga tubig ng Ehipto?
Matutuyot ang mga tubig ng dagat at matutuyot at mawawalan ng laman ang ilog.
Isaiah 19:9-10
Ano ang mangyayari sa mga naghahabi ng tela sa Ehipto?
Madudurog ang mga naghahabi ng tela sa Ehipto.
Isaiah 19:11-12
Ano ang nangyari sa payo ng mga taga-payo ng Paraon?
Naging walang kabuluhan ang kanilang mga payo.
Isaiah 19:13-15
Bakit naging walang kabuluhan ang payo ng mga taga-payo ng Paraon?
Naging walang kabuluhan ang kanilang mga payo dahil inilagay ni Yahweh ang espiritu ng kaguluhan sa kalagitnaan ng Ehipto.
Isaiah 19:16-17
Sa panahon na iyon, magiging gaya ng ano ang mga taga-Ehipto?
Sa panahon na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging tulad ng mga babae. Manginginig sila at matatakot.
Isaiah 19:18
Sa panahon na iyon, ano ang gagawin ng limang mga lungsod sa Ehipto?
Manunumpa sila ng katapatan kay Yahweh ng mga Hukbo.
Isaiah 19:19-22
Sa araw na iyon, ano ang magkakaroon sa gitna ng kalupaan ng Ehipto?
Sa araw na iyon, magkakaroon ng altar para kay Yahweh sa gitna ng lupain ng Ehipto.
Isaiah 19:23
Sa araw na iyon, sino ang sama-samang sasamba kay Yahweh?
Sama-samang sasamba kay Yahweh ang mga taga-Ehipto at mga taga-Asiria.
Isaiah 19:24-25
Sa araw na iyon, sino ang magiging pagpapala sa gitna ng sanlibutan?
Ang Israel, Ehipto at Asiria ay magiging pagpapala sa gitna ng kalupaan.
Isaiah 20
Isaiah 20:1-2
Ano ang nangyari nang dumating si Tartan sa Asdod?
Nilabanan at sinakop ni Tartan ang Asdod.
Sino ang nagpadala kay Tartan sa Asdod?
Si Sargon, ang hari ng Asiria, ang nagpadala kay Tartan sa Asdod.
Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Isaias kapag nasakop na ni Tartan ang Asdod?
Sinabi ni Yahweh kay Isaias na hubarin ang kaniyang magaspang na tela at sandalyas at maglakad ng hubo at nakayapak.
Isaiah 20:3-4
Bakit sinabihan si Isaias na maglakad ng hubo?
Para magsilbi itong palatandaan na dadalhin palayo ng hari ng Asiria nang hubo at nakayapak ang mga bihag ng Ehipto at mga tapon ng Etiopia.
Isaiah 20:5-6
Ano ang mangyayari sa mga nilagay ang kanilang mga pag-asa sa Etiopia at Ehipto?
mabibigo at mapapahiya sila.
Isaiah 21
Isaiah 21:1-2
Anong uri ng pangitain ang ibinigay kay Isaias?
Isang nakakabagabag na pangitain ang ibinigay sa kaniya.
Tungkol saan ang pangitain?
Ang pangitain ni Isaias ay tungkol sa isang paglusob sa Elam at isang pagsakop sa Media.
Isaiah 21:3-5
Paano naapektuhan si Isaias ng pangitain?
Binigyan nito ng kirot si Isaias sa kaniyang mga kalamnan. Napaluhod siya at nabagabag. Kumakabog ang kaniyang puso. Nangangatog siya at nanginginig.
Isaiah 21:6-7
Ano ang sinabi ng Panginoon kay Isaias?
Sinabi ng Pangioon kay Isaias na maglagay ng bantay sa tore at sabihan ang bantay na iulat ang nakikita niya.
Ano ang dapat gawin ng bantay sa tore kapag nakakita siya ng karwahe, pares ng mangangabayo at mga nakasakay sa asno at kamelyo?
Dapat magbigay pansin ang bantay at maging alerto.
Isaiah 21:8-12
Kapag may dumating na mangangabayo, ano ang isisigaw niya?
Isisigaw niya, "Bumagsak na, bumagsak na ang Babilonia at lahat ng mga wasak na rebulto ng mga diyus-diyosan nito ay nagkalat sa lupa."
Isaiah 21:13-15
Sino ang nagpapalipas ng gabi sa disyerto ng Arabia?
Mga karawan ng mga taga-Dedan ang nagpapalipas ng gabi roon.
Ano ang binilin sa mga karawan ng mga taga-Deda na gawin?
Sinabihan silang magdala ng tubig para sa mga nauuhaw.
Ano ang binilin sa mga naninirahan sa lupain ng Tema na gawin?
Sinabihan silang salubungin nang may dalang tinapay ang mga takas.
Isaiah 21:16-17
Ano ang sinabi ng Panginoon kay Isaias tungkol sa Kedar?
Sinabi ng Panginoon kay Isaias na sa loob ng isang taon, magwawakas ang kaluwalhatian ng Kedar at iilang mamamana at mandirigma lang ang matitira.
Isaiah 22
Isaiah 22:1-2
Ano ang paksa ng kabanata 22?
Isa itong kapahayagan tungkol sa lambak ng pangitain.
Saan nagsipuntahan ang mga tao?
Umakyat sila sa mga bubungan.
Ano ang nangyayari sa lungsod at bayan?
Maingay ang lungsod at puno ng katuwaan ang bayan.
Namatay ba sa espada o sa digmaan ang patay?
Hindi. Hindi namatay sa espada o sa digmaan ang patay.
Isaiah 22:3-4
Ano ang nangyari sa kanilang mga pinuno?
Sama samang tumakas ang kanilang mga pinuno at sama sama ding nahuli at nabihag.
Bakit humahagulgol si Isaias?
Humahagulgol siya dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng kaniyang bayan.
Isaiah 22:5-7
Sino ang nagdadala ng lalagyan ng palaso at kalasag laban sa kanila?
Dinala ni Elam ang lalagyan ng palaso at hinanda ni Kir ang kalasag.
Ano ang mangyayari sa mabubuting lambak ni Juda?
Mapupuno ng karwahe ang kanilang mga lambak.
Isaiah 22:8-11
Ano ang ginawa ng Diyos sa proteksiyon ng Jerusalem?
Tinanggal niya ang kanilang proteksiyon.
Isaiah 22:12-14
Ano ang ninais ni Yahweh ng mga Hukbo noong araw na iyon?
Nanawagan siya para sa pagtatangis, pagluluksa, para sa pagaahit ng buhok sa ulo at pagsusuot ng magaspang na tela.
Ano ang ginawa ng mga tao sa halip na magtangis at magluksa?
Nagdiwang at natuwa ang mga tao. Nagkatay sila ng baka at tupa, kumain ng karne at uminom ng alak.
Patatawarin ba ng Panginoon ang kanilang naging tugon?
Hindi sila patatawarin ng Diyos kahit na mamatay na sila.
Isaiah 22:15-16
Ano ang ginawa ni Shebna, ang namamahala, para sa sarili niya?
Gumawa siya ng libingan sa bato para sa sarili niya bilang lugar ng pamamahinga.
Isaiah 22:17-19
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya kay Shebna?
Sinabi niya na itatapon niya si Shebna, at tatanggalin siya mula sa kaniyang tungkulin at himpilan.
Isaiah 22:20-24
Sino ang papalit sa lugar ng pamamahala ni Shebna?
Si Eliakim, ang anak ni Hilkias ang papalit sa lugar ng pamamhala ni Shebna.
Isaiah 22:25
Sa panahon na iyon, ano ang mangyayari sa pakong kahoy na nakabaon ng mabuti?
Bibigay, mababali at malalaglag ang pakong kahoy na nakabaon ng mabuti, at mapuputol ang pabigat na nakalagay dito.
Isaiah 23
Isaiah 23:1-3
Tungkol kanino ang pahayag sa kabanata 23?
Tungkol sa Tiro ang pahayag sa kabanata 23.
Bakit dapat humagulgol ang mga barko ng Tarsis?
Dapat silang humagugol dahil wala na silang tahanan ni daungan.
Ano ang lungsod ng Tiro?
Ang Tiro ang pamilihang lugar ng mga bansa.
Isaiah 23:4-7
Ano ang gagawin ng Ehipto pag narinig nila ang nangyari sa Tiro?
Magdadalamhati ang Ehipto pag narinig nila ang nangyari tungkol sa Tiro.
Isaiah 23:8-14
Sino ang nagplano nito laban sa Tiro?
Ang panginoon ng mga hukbo ng mga anghel ang nagplano nito laban sa Tiro.
Bakit binalak ito ng Panginoon ng mga hukbo laban sa Tiro?
Binalak niya ito para ilagay sa kahihiyan ang kaniyang kayabangan lahat ng kaniyang kaluwalhatian, at para pahiyain ang lahat ng kaniyang pinararangalan sa mundo.
Isaiah 23:15-16
Gaano katagal malilimutan ang Tiro?
Sa araw na iyon ang Tiro ay malilimutan ng pitumpung taon.
Isaiah 23:17-18
Ano ang mangyayari sa Tiro pagkatapos itong malimutan ng pitumpung taon?
Tutulungan ni Yahweh ang Tiro, at babalik siya sa kaniyang paupahan at ibebenta ang kaniyang sarili sa lahat ng kaharian sa mundo.
Ano ang mangyayari sa mga tinubo at kinita ng Tiro?
Ang kaniyang tinubo at kinita ay maitatabi para kay Yahweh.
Ano ang mangyayari sa paninda ng Tiro?
Para ito sa mga naninirahan sa presensya ni Yahweh, para makakain sila at magkaroon ng pangmatagalang kasuotan.
Isaiah 24
Isaiah 24:1-2
Ano ang malapit ng gawin ni Yahweh?
Malapit niya nang ubusin ang laman ng mundo, para sirain ito, dungisan ang ibabaw nito, at ikalat ang mga nainirahan dito.
Isaiah 24:3-5
Paano sinira ang mundo ng mga naninirahan dito?
Sinira ang mundo dahil ang mga naninirahan dito ay sinuway ang mga batas, nilabag ang mga kautusan at winasak ang walang hanggang tipan.
Isaiah 24:6-11
Ano mangyayari sa mga naninirahan sa mundo?
Susunugin sila at kunti nalang ang matitira.
Isaiah 24:12-13
Ano ang imahe na ipapakita ni Isaias kung paano sa oras na iyon ang buong mundo sa bawat mga bansa?
Inihahalintulad niya ang kundisyon sa mundo sa oras na kung paano ang isang puno ng olibo ay pinaghahampas o gaya ng pamumulot ng mga natira nang matapos ang pag-aani ng ubas.
Isaiah 24:14-15
Sa gitna ng lahat ng mga sakunang ito ano ang "kanilang" gagawin?
Itataas nila ang kanilang mga boses at isisigaw ang kadakilaan O Yahweh at sisigaw ng may labis na kagalakan mula sa dagat.
Isaiah 24:16-20
Ano ang tugon ni Isaias sa pagsigaw at pagtawag para luwalhatiin si Yahweh, ang Diyos ng Israel?
Tumugon si Isaias sa pagsasabi, "Sinayang ko lang, sinayang ko lang, kasawian ay sa akin! ang taksil ay gumagawa ng matinding pagtataksil."
Isaiah 24:21-23
Sa araw na iyon sino ang parurusahan ni Yahweh?
Parurusahan ni Yahweh ang hukbo na siyang dakila sa kaitaasan at ang mga hari ng mundo sa lupa.
Ano ang magiging kaparusahan para sa hukbo na siyang dakila na nasa kaitaasan at ang mga hari ng mundo sa lupa?
Sama-sama silang pagtitipunin, bilanggo sa hukay at ikukulong sa bilangguan at pagtapos ng maraming araw sila ay hahatulan.
Bakit mahihiya ang buwan at ang araw ay mapapahiya?
Dahil ito kay Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay maghahari sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, at sa harap ng kaniyang mga nakatatanda sa kaluwalhatian.
Isaiah 25
Isaiah 25:1-5
Bakit dinakila at pinuri ni Isaias si Yahweh?
Dinakila at pinuri ni Isaias si Yahweh dahil gumawa si Yahweh ng mga kamangha-manghang bagay, binalak ang mga bagay ng matagal na panahon, sa ganap na katapatan.
Ano ang kamangha-manghang bagay ang ginawa ni Yahweh?
Ginawa ni Yahweh isang tambakan ang lungsod, wasakin ang isang pinatibay na lungsod, at naglahong lungsod ang isang kanlungan ng mga dayuhan.
Ano ang magiging tugon pagtapos gawin ni Yahweh ang lungsod na isang tambakan, at iba pa?
Malalakas na mga tao ang luluwalhati kay Yahweh at ang lungsod ng masasamang bansa ay matatakot sa kaniya.
Isaiah 25:6-8
Para saan ang gagawin ni Yahweh at sa lahat ng mga tao sa bundok?
Gagawa siya ng pista ng mga matatabang bagay para sa lahat ng mga tao at kaniyang sisirain ang mga tumatakip sa lahat ng mga tao, ang habi ng sapot sa buong mga bansa.
Ano ang lulunukin, pupunasan at aalisin ni Yahweh mula sa kaniyang bayan?
Lulunukin niya ang kamatayan, pupunusan ang mga luha mula sa mga mukha at aalisin niya ang kahihiyan mula sa kaniyang bayan.
Isaiah 25:9-12
Ano ang sasabihin sa araw na iyon?
Ito ang sasabihin: "Masdan, ito ang ating Diyos: naghintay tayo para sa kaniya at ililigtas niya tayo. Ito si Yahweh; naghintay tayo para sa kaniya. Magagalak tayo at magdiriwang sa kaniyang kaligtasan.
Ano ang katulad ng kapalaran ng Moab?
Ang kapalaran ng Moab ay inihalintulad sa dayami na tinapakan sa isang pataba na puno ng dumi.
Isaiah 26
Isaiah 26:1-2
Sa araw na iyon, saan aawitin ang awit na ito?
Ang awiting ito ay inawit sa lupain ng Judah.
Paano ginawang matibay ng Diyos ang isang lungsod?
Ginawa niya itong matibay sa pamamagitan ng paggawa ng kaligtasan sa mga pader at mga kuta nito.
Para kanino magbubukas ang mga tarangkahan ng lungsod?
Magbubukas ang mga tarangkahan para sa mga matuwid na bansa na nagpapatuloy sa pananampalataya.
Isaiah 26:3-4
Kanino dapat tayo magtitiwala at hanggang kailan tayo magtitiwala?
Dapat tayong magtiwala kay Yahweh magpakailanman.
Isaiah 26:5-6
Ano ang mangyayari sa mga mapagmataas na namumuhay; sa matibay na lungsod?
Ibababa sila ni Yahweh; ipapantay ni Yahweh ang matibay na lungsod sa alikabok. Tatapaktapakan ito ng mga paa ng mahihirap at tutungtungan ng mga nangangailangan.
Isaiah 26:7-9
Ano ang nais ng ating kaluluwa?
Ang pangalan at alaala ni Yahweh ang ninanais ng ating mga kaluluwa.
Ano ang mangyayari kapag dumating ang mga hatol sa mundo?
Kapag ang mga hatol ay dumating ang mga naninirahan sa mundo ay matututunan ang katuwiran.
Isaiah 26:10
Ano ang gagawin ng masama kapag siya ay pinakitaan ng tulong?
Hindi niya matututunan ang katuwiran.
Isaiah 26:11-12
Ano ang ginawa ni Yahweh para sa Juda at ano ang kaniyang ibibigay para sa Juda?
Tinapos na ni Yahweh ang lahat ng ating mga gawain para sa atin at siya ang magbibigay ng kapayapaan para sa Juda.
Isaiah 26:13-15
Ano ang nangyari sa ibang mga panginoon na namuno sa Juda?
Namatay sila, hindi na sila mabubuhay; pumanaw sila at hindi na babangon. Dumating si Yahweh para sa kahatulan at winasak sila.
Isaiah 26:16-18
Kailan tumingin ang Juda kay Yahweh?
Tumingin sila kay Yahweh nang sila ay nasa kaguluhan; nang tinuwid sila ni Yahweh.
Isaiah 26:19
Bakit ang mga naninirahan sa alikabok ay dapat gising at umaawit para sa kagalakan?
Sila ay dapat gising at umawit para sa kagalakan dahil ang patay, sila ay mabubuhay, sila ay babangon.
Isaiah 26:20-21
Bakit ang mga tao ay dapat pumunta sa kanilang mga silid at isara ang kanilang mga pinto?
Gagawin nila ito para makapagtago hanggang mawala ang galit.
Ano ang malapit ng gawin ni Yahweh?
Siya ay malapit nang umalis mula sa kanilang lugar para parusahan ang mga naninirahan sa mundo dahil sa kanilang matinding kasalanan.
Isaiah 27
Isaiah 27:1-3
Sa araw na iyon ano ang gagawin ni Yahweh sa kaniyang espada?
Parurusahan ni Yahweh ang Leviatan ang ahas, at papatayin ang halimaw sa dagat.
Sa araw na iyon ano ang gagawin ni Yahweh sa ubasan ng alak?
Iingatan niya ito, didiligan bawat oras at babantayan araw at gabi.
Isaiah 27:4-5
Ano ang gagawin ni Yahweh kung ang mga dawag at mga tinik ay hindi maintidihan ang kaniyang pag-iingat at makipagkasundo sa kaniya?
Magmamartsa si Yahweh laban sa kanila at sama-sama silang susunugin.
Isaiah 27:6-8
Ano ang gagawin ni Jacob at ng Israel sa darating na panahon?
Lalalim ang ugat ni Jacob; mamumunga at uusbong ang Israel; pupunuin nila ang ibabaw ng lupa ng bunga.
Isaiah 27:9
Ano ang magiging buong bunga ni Jacob sa pagtalikod mula sa kaniyang kasalanan?
Gagawin niyang tisa at pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar para sa insenso ang mananatiling nakatayo.
Isaiah 27:10-11
Bakit ang gumawa ng Israel ay walang kahabagan sa kanila?
Dahil silang mga taong nakakaunawa na si Yahweh ay walang kahabagan sa kanila.
Isaiah 27:12-13
Sa araw na iyon paano titipunin ang bayan ng Israel?
Isa-isa silang titipunin.
Sino ang sasamba kay Yawheh sa banal na Bundok sa Jerusalem?
Ang mga pinarusahan sa lupain ng Asirya at ang mga taong pinabayaan sa lupain ng Ehipto ang sasamba kay Yahweh sa lupain ng banal na bundok sa Jerusalem.
Isaiah 28
Isaiah 28:1-2
Paano nakikilala ang Efraim?
Nakikilala ang Efraim bilang mapagmataas at isang lasenggo.
Ano ang nangyayari sa kagandahan ng Efraim?
Ang kagandahan ng Efraim ay kumukupas.[28:1]
Sa ano inihahambing ang isang tao ng Panginoon na makapangyarihan at malakas?
Siya ay inihahambing sa isang bagyo ng yelo, isang namiminsalang bagyo, gaya ng isang makapangyarihan at napakalakas na ulan.[28:2]
Ano ang gagawin ng tao ng Panginoon na makapangyarihan at malakas?
Hahampasin niya ang daigdig ng kanyang kamay.[28:2]
Isaiah 28:3-4
Sa ano itutulad ang kumukupas na bulaklak ng maluwalhating kagandahan ng Efraim?
Ito ay magiging gaya ng unang hinog na igos bago magtag-araw, na kapag nakita ito ng isang tao, habang ito ay nasa kamay pa lamang niya, nilulunok na niya ito.[28:4]
Isaiah 28:5-6
Sa araw na iyon magiging ano si Yahweh para sa natitira pa sa kanyang bayan?
Si Yahweh ay magiging isang magandang korona at isang putong ng kagandahan, isang espiritu ng katarungan para sa kanya na nakaupo sa paghuhukom, at kalakasan para sa mga nagpapaatras sa kanilang mga kaaway sa kanilang mga tarangkahan. [28:5-6]
Isaiah 28:7-10
Sino ang humahapay-hapay sa alak, at nagpapasuray-suray sa matapang na inumin?
Ang natitira pa sa bayan ni Yahweh, ang pari at propeta. [28:7]
Sa ano humahapay-hapay at nagpapasuray-suray ang pari at propeta?
Humahapay-hapay sila sa pangitain at nagpapasuray-suray sa paghatol. [28:7]
Isaiah 28:11-12
Paano magsasalita si Yahweh sa bayang ito?
Magsasalita siya sa kanila nang may nangungutyang mga labi at isang banyagang dila. [28:11]
Ano ang nangyari sa nakaraan nang nagsalita si Yahweh sa kanila?
Hindi sila nakinig. [28:12]
Isaiah 28:13
Ngayon ano ang magiging kalalabasan kapag narinig ng bayang ito ang salita ni Yahweh?
Susulong sila at mabubuwal at masasaktan, mahuhulog sa bitag at mabibihag. [28:13]
Isaiah 28:14-15
Ano ang sinabi ng mga namamahala ng bayan sa Jerusalem?
Sinabi nila na nakipagtipan sila sa kamatayan at nakipagkasundo sa Sheol kaya kapag dumaan ang paghatol, hindi sila nito aabutan. Sinabi nila na ginawa nilang kanilang kanlungan ang isang kasinungalingan, at nagtago sila sa kabulaanan. [28:15]
Isaiah 28:16
Ano ang ilalagay ng Panginoong Yahweh sa Sion?
Maglalagay siya ng isang batong pangpundasyon, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. [28:16]
Ano ang mangyayari kung maniniwala sila sa batong pangpundasyon na ito?
Kung maniniwala sila sa batong pangpundasyong ito hindi sila mapapahiya. [28:16]
Isaiah 28:17
Ano ang mangyayari sa tanggulan ng mga kasinungalingan at sa taguan?
Tatangayin ng yelo ang tanggulan ng mga kasinungalingan at tatabunan ng mga tubig baha ang taguan. [28:17]
Isaiah 28:18-21
Ano ang mangyayari sa tipan sa kamatayan at sa kasunduan sa Sheol na ginawa ng mga namamahala sa bayan ng Jerusalem?
Ang tipan at kasunduan na iyon ay mapapawalang bisa at kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan sila nito. [28:18]
Isaiah 28:22-29
Ano ang sinabi ni Isaias na mga magiging kahihinatnan ng panunuya?
Binabalaan niya sila na huwag mangutya o hihigpitan ang kanilang mga gapos. [28:22]
Isaiah 29
Isaiah 29:1-2
Ano ang Ariel?
Ang Ariel ay ang lungsod kung saan nagkampo si David.
Isaiah 29:3-4
Ano ang gagawin ni Yahweh sa Ariel?
Lulusubin niya ang Ariel at ito ay babagsak.
Isaiah 29:5-6
Gaano katagal pababagsakin ang Ariel?
Mangyayari ito nang biglaan, sa isang saglit.
Isaiah 29:7-8
Sino ang lalaban kay Ariel at sa kanyang kutang tanggulan?
Lalabanan si Ariel ng isang kawan ng lahat ng mga bansa.
Isaiah 29:9-12
Ano ang ibinuhos ni Yahweh sa Ariel?
Ibinuhos sa inyo ni Yahweh ang espiritu ng mahimbing na tulog.
Ano ang nagagawa sa kanila ng pagbuhos na ito ng espiritu ng mahimbing na tulog?
Ipinikit nito ang mga mata ng mga propeta, at tinakpan ang mga ulo ng mga manghuhula.
Isaiah 29:13-16
Ano ang reklamo ng Panginoon laban sa bayang ito?
Sinabi ng Panginoon, "Ang bayang ito ay lumalapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinararangalan ako gamit ang kanilang mga labi, pero malayo ang kanilang puso sa akin. Ang pagpaparangal nila sa akin ay isang kautusan na itinuro ng mga tao."
Dahil sa malayo ang kanilang puso sa Panginoon at hindi nila siya pinaparangalan, ano ang gagawin ng Panginoon sa kanila?
Dudulutin niya na ang karunungan ng kanilang marurunong na mga tao ay mawala, at ang pang-unawa ng kanilang mga maalam na mga tao ay maglaho. [29:14]
Isaiah 29:17-19
Hindi magtatagal, ano ang mangyayari sa Lebanon?
Ang Lebanon ay magiging isang bukid at ang bukid ay magiging isang gubat.[29:17]
Sa araw na iyon ano ang gagawin ng bingi at bulag?
Sa araw na iyon, mariring ng bingi ang mga salita ng isang aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa malalim na kadiliman. [29:18]
Ano ang gagawin ng mga api na tao at ng mga mahihirap?
Magagalak sila kay Yahweh Ang Banal ng Israel. [29:19]
Isaiah 29:20-21
Ano ang mangyayari sa mga mahilig gumawa ng kasamaan?
Sila ay aalisin. [29:20]
Isaiah 29:22-24
Kailan pararangalan ng bahay ni Jacob ang pangalan ni Yahweh?
Pararangalan nila ang pangalan ni Yahweh kapag nakita niya ang kanyang mga anak sa kanyang kalagitnaan, ang gawa ng mga kamay ni Yahweh.
Ano ang mangyayari sa mga mareklamo at mga mali sa kanilang iniisip?
Ang mga mareklamo ay matututo ng kaalaman at ang mga mali sa kanilang iniisip ay magkakaroon ng pang-unawa.
Isaiah 30
Isaiah 30:1-2
Ano ang sinabi ni Yahweh na ginagawa ng mga suwail na mga anak?
Sinabi niya na gumagawa sila ng mga plano, pero hindi mula sa kanya at gumagawa sila ng mga alyansa sa ibang mga bansa, pero hindi sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, sa gayon nagdadagdag sila ng kasalanan sa kasalanan. [30:1]
Sino ang hinahanap ng mga suwail na mga anak para protektahan sila?
Naghahanap sila ng proteksyon mula sa Faraon at kumakanlong sa anino ng Ehipto. [30:2]
Isaiah 30:3-5
Magiging ano ang proteksyon ni Faraon at lilim sa Ehipto sa mga mapanghimagsik na mga anak?
Ang proteksyon ni Faraon ay magiging kanilang kahihiyan at ang lilim ng Ehipto ay magiging kanilang kaalipustahan.
Isaiah 30:6-7
Gaano kahalaga ang tulong ng Ehipto sa mga mapanghimagsik na mga anak?
Walang kwenta ang tulong ng Ehipto? [30:7]
Isaiah 30:8-9
Bakit nais ni Yahweh na isulat ito ni Isaias sa presensya nila sa isang bato, at itala ito sa isang balumbon ng kasulatan?
Nais ni Yahweh na mapanatili ito para sa darating na panahon bilang isang katibayan.
Ano ang hindi pakikinggan ng mga mapanghimagsik na mga tao?
HIndi sila makikinig sa mga tagubilin ni Yahweh. [30:9]
Isaiah 30:10-14
Ano ang nais marinig ng mga mapanghimagsik na mga anak?
Nais nilang makarinig ng mga bagay na magandang pakinggan at mga mapanlinlang na mga pahayag. [30:10]
Isaiah 30:15-16
Paano sinasabi ni Yahweh maaaring maging malakas at mailigtas ang mga mapanghimagsik na mga anak? [30:15]
Sinasabi ni Yahweh na maaari silang mailigtas sa pamamagitan ng panunumbalik at pagpapahinga, at sa katahimikan at sa pagtitiwala ang kanilang magiging kalakasan.
Ano ang tugon ng mga suwail na mga anak kay Yahweh?
Sinabi nila, "Hindi, kami ay tatakas sakay ang mga kabayo," at, "Sasakay kami sa matutulin na mga kabayo."
Ano ang tugon ni Yahweh sa pahayag ng mga mapanghimagsik na mga anak tungkol sa pagtakas sakay ang mga kabayo at pagsakay sa matutulin na mga kabayo?
Tumugon si Yahweh sa pamamagitan ng pagsabi sa mga mapanghimagsik na mga anak na tatakas sila at na ang mga hahabol sa kanila ay magiging matulin. [30:16]
Isaiah 30:17
Ilan ang sinabi ni Yahweh na tatakas sa banta ng isa?
Sinabi ni Yahweh na isang libo ang tatakas sa banta ng isa.
Isaiah 30:18-19
Ano ang hinihintay ni Yahweh at handang gawin?
Hinihintay niyang maging mapagbigay-biyaya sa mga mapanghimagsik na mga anak at mahabag sa kanila.[30:18]
Ano ang nangyayari sa lahat ng mga naghihintay kay Yahweh?
Sila ay pagpapalain. [30:18]
Isaiah 30:20-21
Kahit na binibigyan sila ni Yahweh ng tinapay ng kasawiang palad at tubig ng dalamhati, ano ang hindi na gagawin ng kanilang guro?
Hindi na itatago ng kanilang guro ang kanyang sarili, bagkus makikita nila ang kanilang guro ng sarili nilang mga mata.
Isaiah 30:22-24
Ano ang gagawin ng mga mapanghimagsisk na mga anak sa mga inukit na imahe at pigurang hinulma sa ginto?
Lalapastanganin nila at itatapon ang mga iyon.
Isaiah 30:25-29
Ano ang gagawin ni Yahweh sa kanyang bayan pagkaraan ng araw ng walang habas na pagpatay nang bumabagsak ang mga tore?
Bibigkisin ni Yahweh ang pagkabali ng kanyang bayan at pagagalingin ang mga pasa ng kanyang pananakit sa kanila.
Isaiah 30:30
Paano ipapakita ni Yahweh ang karangyaan ng kanyang tinig at ipapakita ang galaw ng kanyang bisig?
Ipapakita niya ang mga iyon nang may silakbo ng galit at mga liyab ng apoy, kasama ng bagyo na may malakas na hangin, ulang kasama ng unos, at mga yelo.
Isaiah 30:31-32
Kanino itutuon ang tinig ni Yahweh at galaw ng kanyang bisig?
Itutuon ang mga iyon sa Asiria. Dahil sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang Asiria; hahampasin niya iyon gamit ang isang baston. [30:31]
Ano ang kasama ng bawat hampas ng inilaang pamalo na ibabagsak sa kanya ni Yahweh?
Ang musika ng mga tamburin at mga alpa ang kasama ng bawat hampas ng inilaang pamalo habang ginegiyera at nilalabanan ni Yahweh ang Asiria.
Isaiah 30:33
Ano ang inihanda para sa hari ng Asiria?
Isang lugar ng pagsusunugan ay inihanda para sa hari ng Asiria.
Ano or sino ang magsisindi ng apoy na inihanda para sa hari ng Asiria?
Ang hininga ni Yahweh ang magsisindi dito.
Isaiah 31
Isaiah 31:1-2
Bakit ipinahayag na kaawa-awa ang mga bumababa sa Ehipto para sa tulong?
Kaawa-awa ang ipinahayag sa kanila dahil nagtitiwala sila sa mga karwahe at sa mangangabayo pero hindi isinasaalang-alang tungkol sa Banal ng Israel, ni hanapin nila si Yahweh.
Para kanino babangon si Yahweh para lumaban?
Siya ay babangon laban sa masamang sambahayan at laban sa mga alipin ng mga nakagawa ng kasalanan.
Isaiah 31:3-4
Ano ang mangyayari sa kaniya na tumutulong at sa kaniya na tinulungan?
Kapwa sila mamamatay.
Isaiah 31:5-9
Ano ang gagawin ni Yahweh para sa Jerusalem?
Kaniyang pangangalagaan, sasagipin at pananatilihin ito.
Ano ang sinasabi ni Isaias na gawin ng bayan ng Israel?
Sinabi niya sa kanila na bumalik kay Yahweh na mula sa kaniya, kayo ay lubos na tumalikod.
Pagkatapos bumagsak ng Asirya sa pamamagitan ng espada, ano ang pilit ipapagawa sa mga binata?
Ang mga binata ng Asirya ay pipiliting gumawa ng mabigat na trabaho.
Isaiah 32
Isaiah 32:1-3
Ano ang magiging tulad ng isang matuwid na hari at makatarungang mga prinsipe?
Sila ay magiging tulad ng isang kanlungan sa hangin at isang kublihan sa bagyo, tulad ng tubig sa batis sa isang tuyong lugar, tulad ng lilim ng isang malaking bato sa isang lupain ng kapaguran.
Isaiah 32:4-6
Ano ang gagawin ng panlilinlang at utal kapag naghari ang isang hari sa katuwiran at namuno ang mga prisipe na may katarungan?
Ang walang pag-iingat ay mag-iisip ng mabuti na may pagkaunawa, at ang utal ay magsasalita ng malinaw at madali. Hindi magtatagal ang hangal ay tatawaging marangal, ni ang mandaraya ay tatawaging may prinsipyo.
Ano ang gagawin ng hangal?
Magsasalita siya ng kahangalan, ang kaniyang puso ay magpaplano ng masama at hindi maka-diyos na kilos at magsasalita siya ng mali laban kay Yahweh.
Isaiah 32:7-8
Ano ang gagawin ng mandaraya?
Gagamit siya ng mga masamang paraan. Mag-iisip siya ng mga masamang balak nang may kasinungalingan para wasakin ang mahirap.
Ano ang mangyayari sa marangal?
Ang marangal ay itataas dahil sa kaniyang marangal na kilos.
Isaiah 32:9-13
Bakit sinabihan ang mga babaeng kampante na makinig sa tinig ni Isaias?
Sinabi niya na makinig sa tinig ni Isaias dahil higit na lamang sa isang taon ang kanilang tiwala ay masisira, ang aning ubas ay magkukulang, ang pagtitipon ay hindi darating.
Isaiah 32:14-15
Ano ang mangyayari sa palasyo at sa matataong lungsod?
Ang palasyo ay iiwan at ang matataong lungsod ay pababayaan.
Gaano magtatagal ang pagkasira?
Ito ay magtatagal hanggang ang Espiritu ay bumuhos buhat sa kaitaasan at ang ilang ay magiging isang mabungang bukirin at ang mabungang bukirin ay maging isang gubat.
Isaiah 32:16-18
Ano ang magiging gawa at bunga ng matuwid?
Ang gawa ng matuwid ay magiging kapayapaan, katahimikan, at pagtitiwala magpakailanman.
Isaiah 32:19-20
Sino ito na magiging mapalad?
Mapalad silang mga naghahasik sa tabi ng lahat ng mga batis at silang nagpapalabas sa kanilang baka at asno para manginain.
Isaiah 33
Isaiah 33:1-2
Ano ang mangyayari sa mga tagawasak at sa mga taksil kapag tumigil sila sa pagwawasak at pagtataksil?
Ang tagawasak ay mawawasak at ang taksil ay pagtataksilan.
Isaiah 33:3-4
Ano ang mangyayari kapag bumangon si Yahweh?
Ang mga bansa ay nagkakawatak-watak.
Isaiah 33:5-6
Sa ano pupunuin ni Yahweh ang Sion?
Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.
Magiging ano si Yahweh sa kanilang panahon?
Siya ay magiging katatagan sa mga panahon nila, kasaganaan ng kaligtasan at karunungan at kaalaman.
Isaiah 33:7-9
Bakit umiyak ang kanilang sugo at nanangis ang kanilang kinatawan?
Siya ay umiyak at tumangis dahil ang malawak na daanan ay napabayaan; wala ng manlalakbay doon. Ang mga kasunduan ay nasira, ang mga saksi ay hinamak at ang mga lungsod ay hindi iginalang.
Isaiah 33:10-12
Ano ang magiging resulta kapag bumangon si Yahweh?
Si Yahweh ay itataas at itatanghal.
Ano ang mangyayari sa mga nasa Sion na ipinagbubuntis ang ipa, at ipanganganak ang dayami?
Ang kanilang hininga ay isang apoy na tutupok sa kanila. Ang bayan ay masusunog sa apog.
Isaiah 33:13-14
Ano ang tugon ng mga makasalanan sa Sion?
Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos.
Isaiah 33:15-21
Sino ang nasa gitna ng mga nasa Sion na maaaring manahan na may lumalamon ng apoy at walang hanggang nasusunog?
Ang isa na maaring manahan sa may apoy na ito at nasusunog ay ang isa na lumalakad ng matuwid at nagsasalita ng matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, siyang tumatangging kunin ang isang suhol, siyang hindi gumagawa ng marahas na krimen at hindi tumingin sa masama.
Nasaan siya na lumalakad ng matuwid at nagsasalita ng matapat na gumawa sa kaniyang tahanan?
Siyang lumalakad ng matuwid at nagsasalita ng matapat ay gumawa sa kaniyang tahanan sa kaitaasan.
Isaiah 33:22
Sino si Yahweh at ano ang gagawin niya?
Si Yahweh ay ating hukom, ating tagapagbigay ng batas at ating hari; siya ang magliligtas sa atin.
Isaiah 33:23-24
Kailan hinati ang malaking samsam na siyang nasa gitna ng mga kumuha nito?
Kahit ang pilay ay hihilahin ang nasamsam.
Isaiah 34
Isaiah 34:1-2
Sino ang dapat lumapit, makinig at magbigay-pansin?
Ang mga bansa, ang lupa at ang lahat ng pumupuno rito, ang mundo at lahat ng bagay na nanggagaling mula rito ay dapat lumapit, makinig at magbigyan-pansin.
Bakit nararapat ang mga bansa, ang lupa at lahat ng pumupuno rito, ang mundo at lahat ng mga bagay na nanggagaling mula rito ay dapat lumapit, makinig at magbigay-pansin?
Nararapat nilang gawin ito dahil si Yahweh ay galit sa lahat ng mga bansa at galit na galit laban sa lahat ng kanilang mga hukbo.
Isaiah 34:3-4
Ano ang mangyayari sa mga bituin at kalawakan?
Lahat ng mga bituin sa kalawakan ay maglalaho at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho.
Isaiah 34:5-7
Ano ang gagawin ni Yahweh pagkatapos mabusog ang espada sa kalangitan?
Pagkatapos ang kaniyang espada ay darating pababa sa Edom at sa mga tao na hindi kasamang ang kaniyang pag-aari sa paghatol.
Ano ang mayroon si Yahweh sa Bozra at Edom?
Si Yahweh ay may isang malaking handog sa Bozra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
Isaiah 34:8-10
Ano ang mangyayari sa lupain ng Edom?
Ang kaniyang batis ay mapapalitan ng alkitran at ang kaniyang alikabok ay asupre. Siya ay magiging nasusunog na alkitran. Ito ay magiging isang tambakan ng basura walang sinuman ang makararaan dito.
Isaiah 34:11-15
Sa pangkalahatan ano ang maninirahan sa Edom?
Ang mga ligaw na ibon at mga hayop ay maninirahan sa Edom.
Isaiah 34:16-17
Gaano katagal aangkinin ng mga ibon at mga hayop ang Edom?
Aangkinin nila ito magpakailanman; mula salinlahi sa isang salinlahi sila ay maninirahan doon.
Isaiah 35
Isaiah 35:1-2
Ano ang mangyayari sa desyerto?
Ito ay magsasaya at mamumulaklak tulad ng rosas.
Ano ang ibibigay sa desyerto?
Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay dito, ang karangyaan ng Carmelo at Sharon.
Ano ang makikita ng ilang, ng Araba at ng desyerto?
Makikita nila ang kaluwalhatian ni Yahweh, ang karangyaan ng ating Diyos.
Isaiah 35:3-4
Bakit kailangang maging matapang at huwag matakot ang may matatakuting puso?
Dahil ang kanilang Diyos ay darating na may paghihiganti, kasama ang paniningil ng Diyos. Siya ay darating at ililigtas sila.
Isaiah 35:5-7
Ano ang ilang mga bagay na mangyayari pagkatapos dumating ang kanilang Diyos?
Ang bulag ay makakakita. Ang bingi ay makakarinig. Ang taong pilay ay lulukso. Ang pipi ay aawit. Magkakaroon doon ng tubig sa Araba at batis sa ilang. Ang nasusunog na buhangin ay magiging lawa at ang uhaw na lupa ay magiging bukal na tubig. Magkakaroon doon ng mga tambo at mga talahib kung saan hinihigaan ng mga pusang-gubat na may wangis na aso.
Isaiah 35:8-9
Ano ang magiging pangalan ng malawak na daanan na lumitaw sa oras na iyon?
Ang isang malawak na daanan ay tatawagin doon Ang Banal na Daan.
Sino ang dapat at hindi dapat makatungtong sa malawak na daan?
Ang marumi ay hindi makapaglalakbay dito at walang hangal ang makapupunta dito. Walang leon o mabangis na hayop dito. Ang malawak na daan ay para sa kaniya na lumalakad sa daan ng kabanalan. Ang tinubos ay maglalakad doon.
Isaiah 35:10
Ano ang mangyayari sa tinubos ni Yahweh sa oras na sila ay bumalik?
Walang hanggang kagalakan ay magiging sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ay pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Isaiah 36
Isaiah 36:1-5
Ano ang naganap sa ika labing-apat na taon ni Haring Hezekias?
Si Senaquerib, hari ng Asiria, ay nilusob ang lahat ng pinagtibay na lungsod ng Juda at nabihag ang mga ito.
Sino ang sinugo ng hari ng Asiria kay Hezekias mula sa Laquis sa Jerusalem?
Isinugo ng hari ng Asiria ang Rabsaki.
Saan huminto ang Rabsaki?
Huminto siya sa daluyan ng tubig ng lawang nasa itaas, sa daang patungo sa bukid ng labahan.
Sino ang lumabas at nakipagkita sa Rabsaki?
Si Eliakim anak ni Hilkias, Sebna ang escriba at Joa ang tagapagtala, ang anak ni Asaf ay lumabas at nakipagkita sa Rabsaki.
Isaiah 36:6-7
Ayon sa Rabsaki, sino ang Faraon, hari ng Egipto, sa sinumang nagtiwala sa kanya?
Sinabi ng Rabsaki na ang Faraon ay isang yantok na may lamat na kung gagamiting bilang tungkod ay susugat sa kanyang kamay.
Isaiah 36:8
Ano sinasabi ng Rabsaki ang gagawin ng hari ng Asiria kung makipagkakasundo si Hezekias sa hari ng Asiria?
Ang Rabsaki ay nagsabing bibigyan ng hari ng Asiria si Hezekias ng dalawang libong kabayo.
Isaiah 36:9-10
Sino ang sinasabi ng Rabsaki ang nag-utos sa kanyang lusubin ang Juda at lipulin ito?
Ang Rabsaki ay nagsabing si Yahweh ang nag-utos sa kanyang lusubin ang Juda at lipulin ito.
Isaiah 36:11-12
Bakit hiniling nila Eliakim, Sebna at Joa sa Rabsaki na magsalita sa kanila sa Aramaico?
Hindi nila gustong marinig at maunawaan ng mga nasa pader ang sinasabi.
Isaiah 36:13-15
Papaanong tumugon ang Rabsaki sa kahilingan sa kanya nila Eliakim, Sebna at Joa na kausapin sila sa Aramaico?
Siya ay tumugon sa pagtayo at pagsigaw ng malakas sa wika ng mga Judio.
Sa madaling sabi, ano ang sinabi ng Rabsaki na ipinararating ng hari ng Asiria kay Hezekias?
Sinabi niyang huwag magpalinlang kay Hezekias dahil hindi kayang sila ay iligtas ni Hezekias at sinabing huwag silang magtiwala kay Yahweh.
Isaiah 36:16-20
Ano ang sinasabi ng hari ng Asiria na mangyayari sa mga Judio kapag sila ay makipag-ayos at sumuko sa kanya?
Sinabi niyang ang Judio ay kakain mula sa kanilang ubasan, at mula sa sariling puno ng igos, at iinom mula sa sariling balon, hanggang siya ay dumating at dalhin ang Judio sa lupaing tulad ng kanilang lupain, isang lupain ng butil at bagong alak, isang lupain ng tinapay at ubasan.
Isaiah 36:21-22
Ano ang tugon sa pananalita ng Rabsaki?
Nanatili silang tahimik at hindi tumugon, dahil ang utos ng hari ay, ''Huwag siyang sasagutin''.
Ano ang ginawa nila Eliakim, Sebna at Joa matapos makapagsalita ang Rabsaki?
Nagtungo sila kay Hezekias na punit ang damit at sinabi kay Hezekias ang mga salita ng Rabsaki.
Isaiah 37
Isaiah 37:1-2
Ano ang ginawa ni Hezekias pagkarinig ng ulat mula kina Eliakim, Sebna at Joa?
PInunit ni Hezekias ang kanyang damit, nagsuot ng sakong tela at nagtungo sa tahanan ni Yahweh. Isinugo niya rin sina Eliakim, Sebna at mga nakatatandang pari kay Isaias ang propeta .
Isaiah 37:3-4
Ano ang hiniling gawin ni Hezekias kay Isaias?
Hiniling niya kay Isaias na manalangin kay Yahweh para sa mga nalalabi na naroroon pa.
Isaiah 37:5-7
Ano mensahe ang ipinarating ni Isaias kay Hezekias sa pamamagitan ng kanyang lingkod?
Ang mensahe kay Hezekias ay huwag matakot sa salita ng Rabsaki, lingkod ng hari ng Asiria. Bibigyan ni Yahweh ng isang espiritu ang hari ng Asiria, at siya makakarinig ng isang balita at uuwi sa sariling lupain at doon papaslangin sa pamamagitan ng espada.
Isaiah 37:8-13
Pagkatapos marinig ng hari ng Asiria na si Tiraka, hari ng Etiopia, ay naghahanda para lumaban sa kanya, anong mensahe ang ipinadala ng hari ng Asiria kay Hezekias?
Sinabi ng hari ng Asiria sa isang liham kay Hezekias na huwag hayaang linlangin ng Diyos si Hezekias sa pagsasabing, hindi babagsak ang Jerusalem sa kamay ng hari ng Asiria.
Isaiah 37:14-16
Ano ang ginawa ni Hezekias matapos niyang matanggap at basahin ang liham mula sa hari ng Asiria?
Nagtungo sa tahanan ni Yahweh si Hezekias at binuksan ang liham at nanalangin kay Yahweh.
Isaiah 37:17-18
Ano ang ipinalangin ni Hezekias na gawin ni Yahweh?
Unang una hiniling ni Hezekias kay Yahweh na dinggin at buksan ang kanyang mata at tingnan ang lahat ng nakasulat sa liham ni Senaquerib. Pangalawa, hiniling ni Hezekias kay Yahweh na iligtas ang Jerusalem sa kamay ni Senaquerib.
Isaiah 37:19-20
Ano ang binigay na dahilan ni Hezekias na mag-uudyok kay Yahweh na iligtas ang Jerusalem kay Senaquerib?
Nais ni Hezekias na iligtas ni Yahweh ang Jerusalem kay Senaquerib para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na ikaw Yahweh ang nag-iisang Diyos.
Isaiah 37:21-25
Paanong tinugon si Yahweh sa panalangin ni Hezekias?
Tumugon si Yahweh kay Hezekias sa isang mensaheng ipinadala kay Isaias.
Sa mensahe ni Yahweh kay Hezekias, ano ang sinabi ni Yahweh na masamang ginawa ni Senaquerib?
Sinabi ni Yahweh si Senaquerib ay dinungisan, nilaspastangan, sinigawan at nagmataas laban sa Ang Banal ng Israel.
Isaiah 37:26-27
Ano ang binalak ni Yahweh noon pa at naganap sa unang panahon?
Binalak niya at nangyari na si Senaquerib ay gagawing mga tumpok ng batong durog ang hindi matinag na mga lungsod.
Isaiah 37:28-32
Ano pa ang nalalaman ni Yahweh kay Senaquerib?
Alam ni Yahweh kapag si Senaquerib ay uupo, lalabas, papasok, at kanyang labis na galit kay Yahweh.
Ano ang naging bunga ng labis na galit ni Senaquerib kay Yahweh?
Ibinalik ni Yahweh si Senaquerib sa pinanggalingan niya.
Isaiah 37:33-34
Ano ang sinabi ni Yahweh sa hari ng Asiria tungkol sa Jerusalem?
Sinabi ni Yahweh na hindi makakapasok ang hari ng Asiria sa Jerusalem, o panain ito ng isang palaso at makalapit ito ng may kalasag o magtambak na lupang akyatan laban dito.
Isaiah 37:35
Ano ang dahilang ibinigay ni Yahweh kaya niya ipinagtatanggol at ililigtas ang Jerusalem?
Sinabi niya na ipagtatanggol at ililigtas niya ang Jerusalem para sa sarili niyang kapakanan at sa kapakanan ni David ang kanyang lingkod.
Isaiah 37:36-37
Ano ang ginawa ng angel ni Yahweh?
Siya ay dumating at pinaslang ang 185,00 na kawal sa kampo ng taga-Asiria.
Isaiah 37:38
Anong nangyari kay Senaquerib makalipas siyang umalis at bumalik sa Nineve?
Habang siya ay sumasamba sa tahanan ng kanyang diyos, na si Nisroc, pinaslang siya ng kanyang mga anak, si Adrammelec at Sarezer gamit ang espada.
Isaiah 38
Isaiah 38:1-3
Sa mga araw na iyon, ano ang nangyari kay Hezekias?
Siya ay malubhang nagkasakit at nasa binggit ng kamatayan.
Ano ang sinabi ni Isaias kay Hezekias?
Sinabi ni Isaias kay Hezekias, ''Pinasasabi ni Yahweh, 'ilagay sa ayos ang iyong sambahayan, dahila ikaw ay mamatay at hindi gagaling.' ''
Ano ginawa ni Hezekias matapos niyang tanggapin ang mensahe ni Yahweh mula kay Isaias?
Nanalangin siya kay Yahweh hinihiling na alalahanin ni Yahweh ang kanyang katapatan sa harapan ni Yahweh ng buong puso at ginawa kung ano ang mabuti sa paningin ni Yahweh. At tumangis si Hezekias.
Isaiah 38:4-6
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Isaias na iparating kay Hezekias?
Sinabi niyang iparating kay Hezekias na narinig niya ang panalangin ni Hezekias at ang kanyang pag-iyak. Sinabi ni Yahweh kay Hezekias na daragdagan niya ng labinlimang taon ang kanyang buhay at ililigtas pa niya si Hezekias at Jerusalem mula sa hari ng Asiria at ipagtatanggol ang Jerusalem.
Isaiah 38:7-8
Ano ang tandang sinabing ibibigay ni Yahweh para malaman ni Hezekias na gagawin ni Yahweh ang kanyang ipinahayag?
Sabi ni Yahweh na paatrasin niya ang anino sa hagdan ni Ahaz ng sampong hakbang.
Isaiah 38:9-15
Sa nakasulat na panalangin ni Hezekias ano ang sinabi niyang magaganap sa kalagitnaan ng kanyang buhay?
Sinabi niya na siya ay maglalakbay sa tarangkahan ng Sheol.
Sa simula ng nakasulat na panalangin ni Hezekias ano ang sinabi niya tungkol kay Yahweh?
Sinabi ni Hezekias na hindi na niya makikita pa si Yahweh sa lupain ng mga nabubuhay.
Isaiah 38:16-19
Ano ang sinabi ni Hezekias sa Panginoon tungkol sa kanyang paghihirap at kalungkutan?
Sinabi ni Hezekias na mabuti para sa kanya ang paghihirap na galing sa Panginoon at na makikinabang si Hezekias sa mga kalungkutang nararanasan.
Ano ang sabi ni Hezekias na ginawa ng Panginoon sa kanyang kasalanan?
Sinabi ni Hezekias na kinalimutan ng Panginoon ang kanyang kasalanan.
Isaiah 38:20
Paano ipagdidiwang ni Hezekias ang pagliligtas ni Yahweh sa kanya?
Sinabi ni Hezekias na magdidiwang sila habang nabubuhay ng may tugtugan sa tahanan ni Yahweh.
Isaiah 38:21-22
Ano ang sinabi ni Isaias na kanilang gagawin para gumaling si Hezekias?
Sinabi niya, '' Hayaan silang magmasa ng igos at itapal sa pigsa at siya ay gagaling.
Isaiah 39
Isaiah 39:1-2
Sino ang nagpadala ng mga liham at regalo kay Hezekias?
Si Merodac-baladan anak ni Baladan, hari ng Babilonia ang nagpadala ng mga liham at regalo kay Hezekias.
Ano ang ipinakita ni Hezekias sa mga nagdala ng liham at regalo mula kay Merodac-baladan?
Pinakita ni Hezekias sa kanila ang kanyang ingatang yaman - ang pilak, ang ginto, pabango, mamahaling langis, ang imbakan ng armas at lahat ng makikita sa kanyang imbakan. Pinakita lahat ni Hezekias ang mayroon sa kanyang tahanan at kaharian.
Isaiah 39:3-4
Ano ang tinanong ni Isaias kay Hezekias?
Tinanong niya si Hezekias kung ano ang sinabi nila sa kanya, saan sila nagmula, ano ang kanilang nakita sa tahanan ni Hezekias.
Isaiah 39:5-6
Anong bagay ang sinabi ni Isaias kay Hezekias na tatangayin sa Babilonia?
Sinabi ni Yahweh na lahat ng inipon niya at kanyang mga ninuno hanggang sa araw na iyon ay tatangayin sa Babilonia.
Isaiah 39:7-8
Bakit inakala ni Hezekias na ang salita ni Yahweh na sinabi ni Isaias ay mabuti?
Inakala niyang ito ay mabuti dahil iniisip niyang magkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa kanyang kapanahunan.
Isaiah 40
Isaiah 40:1-2
Paano sinabi ng Diyos na aliwin ang kaniyang bayan?
Sinabi niya na aliwin sila sa pamamagitan ng pagkausap sa kanila nang may pagmamahal sa Jerusalem, sa pagsasabi sa kaniya na tapos na ang kaniyang pakikipagdigmaan at ng kaniyang mabigat na pagkakasala ay napatawad na at siya ay nakatanggap ng doble mula sa kamay ni Yahweh para sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.
Isaiah 40:3-5
Ano ang sinisigaw ng isang tinig?
Ito ay sumisigaw, "ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; lumikha ng tuwid na daanan sa Araba para sa ating Diyos"
Ano ang mangyayari sa lupain sa Israel?
Ang bawat lambak ay itataas, bawat bundok at burol ay papatagin; at ang baku-bakong lupa ay gagawing patag, at papantayin ang mabatong mga lugar.
Kanino maipapakita ang kaluwalhatian ni Yahweh?
Ang kaluwalhatian ni Yahweh ay maipapakita sa lahat ng taong magkakasama.
Isaiah 40:6-8
Anong ang mamamalagi magpakailanman?
Ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailanman.
Isaiah 40:9-14
Anong mabuting balita ang maihahayag sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda?
Ang mabuting balita ay, "Narito ang inyong Diyos!"
Paano dumating ang Panginoon na si Yahweh?
Siya ay dumating bilang matagumpay na mandirigma.
Ano ang kasamang dadalhin ni Yahweh kapag siya ay dumating?
Dadalhin ni Yahweh ang kaniyang gantimpala kasama niya, at ang kaniyang gantimpala ay nauuna sa kaniya.
Isaiah 40:15-20
Ano ang katulad ng mga bansa kay Yahweh?
Ang mga bansa ay tulad ng isang patak sa isang sisidlan kay Yahweh at itinuturing na tulad ng alikabok sa timbangan.
Isaiah 40:21-22
Saan nakaupo ang Diyos?
Ang Diyos ay nakaupo sa itaas ng abot-tanaw ng mundo.
Isaiah 40:23-24
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga pinuno?
Ibinabagsak ng Diyos ang mga pinuno at ginagawang walang halaga ang mga pinuno sa mundo
Isaiah 40:25-26
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga bituin?
Pinangungunahan niya ang kanilang mga pagkakaayos at tinatawag silang lahat sa pangalan at sa kadakilaan ng kaniyang lakas at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan, walang isang mawawala.
Isaiah 40:27-28
Sino si Yahweh, at ano ang katulad niya?
Si Yahweh ay ang walang hanggang Diyos, ang Manlilikha ng mga dulo ng mundo. Hindi siya napapagod o nanghihina at walang hangganan ang kaniyang kaunawaan.
Isaiah 40:29-31
Ano ang ginagawa ni Yahweh sa mga napapagod at nanghihina?
Si Yahweh ay nagbibigay ng kalakasan sa pagod at nagbibigay siya ng bagong lakas sa mga mahihina.
Ano ang mangyayari sa mga naghihintay kay Yahweh?
Silang naghihintay kay Yahweh ay panunumbalikin ang kanilang kalakasan; sila ay pumailanglang ng may pakpak tulad ng mga agila; sila ay tatakbo at hindi manghihina; sila ay maglalakad at hindi mahihimatay.
Isaiah 41
Isaiah 41:1-2
Para sa anong layunin sinabi ni Yahweh ang, "hayaan tayong magkasamang lumapit"?
Sinabi ni Yahweh sakanila na hayaan silang magkasamang lumapit para pag-usapan ang isang hindi pagkakaunawaan
Isaiah 41:3-4
Sino ang nagpatawag sa mga henerasyon mula sa umpisa?
Si Yahweh ang gumawa ng mga bagay na ito.
Isaiah 41:5-7
Ano ang tugon ng mga maliit na pulo na nakakita at natakot at ang dulo ng mundo na nayanig?
Ang kanilang tugon ay paglapit at paghikayat ng bawat isa na magtayo ng diyus-diyusan.
Isaiah 41:8-9
Ano ang tawag ni Yahweh sa Israel?
Tinatawag ni Yahweh ang Israel na kaniyang lingkod, ang anak ni Abraham na kaniyang kaibigan at kaniyang tinatawag na pinili ang Israel.
Ano pa ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa Israel?
Sinabi ni Yahweh na kaniyang ibabalik ang Israel mula sa dulo ng mundo.
Isaiah 41:10
Ano ang sinabi ni Yahweh na huwag gagawin ng Israelita at bakit?
Sinabi ni Yahweh sa Israel na huwag matakot sapagkat kasama nila si Yahweh at huwag mabalisa dahil siya ay ang kanilang Diyos.
Ano pa ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa Israel?
Sinabi ni Yahweh na paglalakasin at tutulungan sila at aalalayan sila sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay na nararapat na katagumpayan niya.
Isaiah 41:11-15
Ano ang mangyayari sa mga nagagalit at kumakalaban sa Israel?
Sila ay mahihiya at manlilit at sila ay papanaw at maglalaho.
Isaiah 41:16
Ano ang gagawin ng Israel kapag tinahipan nila ang mga nakipagdigma at nakipaglaban sa kanila?
Ang Israel ay magagalak kay Yahweh, sa Banal ng Israel.
Isaiah 41:17-20
Ano ang gagawin ni Yahweh kapag ang api at nangangailangan ay naghanap ng tubig?
Sinabi ni Yahweh na siya ay tutugon sa kanilang panalangin sa pamamagitan ng pagpapaagos ng mga batis sa mga hilig ng lupa, at paggawa ng bukal sa kalagitnaan ng mga lambak, sa paggawa ng lawa ng tubig sa disyerto at ang tuyong lupain sa bukal ng batis. Sila ay hindi niya pababayaan.
Isaiah 41:21-22
Ano ang sinasabi ni Yahweh para sa mga sumusunod sa mga diyus-diyusan?
Kaniyang sinabi na Ihain mo ang kanilang kaso, sabihin ang kanilang pinakamagagaling na katuwiran para sa kanilang mga diyus-diyusan.
Anong katibayan ang sinasabi ni Yahweh sa mga sumusunod sa mga diyus-diyusan na dapat ilahad para malaman natin kung dapat maniwala sa kanila o hindi?
Para sa katibayan, sinabi ni Yahweh na magsabi ng mangyayari pa lamang, at magsabi ng maagang mga hula para mapag-isipan at para malaman kung paano ito natupad.
Isaiah 41:23-24
Ano ang tingin ni Yahweh sa mga diyus-diyusan at sa mga taong pumili sa kanila?
Sinabi ni Yahweh na ang kanilang diyus-diyusan ay walang kwenta at ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan; sinumang pumili sa kanila ay kasuklam-suklam.
Isaiah 41:25-26
Sino sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan ang nag-utos o naghayag na may isang darating mula sa hilaga at yuyurak sa mga pinuno gaya ng putik, gaya ng manggagawa ng palayok na nakatungtong sa luad?
Wala sa mga sumasamba sa diyus-diyusan ang nag-utos at walang nakarinig sa kanila na nagsabi ng kahit anong bagay.
Isaiah 41:27-29
Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa isang itinalaga niya mula sa hilaga?
Una niyang sinabi kay Sion, "masdan ninyo, nandito na sila;' nagpadala siya ng tagapagbalita sa Jerusalem.
Sa kabanatang ito, ano ang pangwakas na mga salita ni Yahweh sa mga sumusunod sa mga diyus-diyusan?
Ito ang kaniyang mga salita: "Walang sinuman ang nandoon nang ako ay tumingin, walang ni isa sakanila ang makapagbibigay ng mabuting payo, sino, kapag ako ay nagtanong, ang makakasagot. Masdan na, lahat sila ay walang kabuluhan, at ang kanilang mga gawa ay walang kahulugan; ang kanilang mga bakal na rebulto ay hangin at kawalang laman.
Isaiah 42
Isaiah 42:1-2
Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang ginawa sa kaniyang mga lingkod?
Sinabi ni Yahweh na kaniyang napili ang kaniyang lingkod, na siya ay nagagalak sa kaniya at ang kaniyang Espiritu ay nasa kaniya.
Ano ang sinabi ni Yahweh na idudulot ng kaniyang lingkod sa mga bayan?
Sinabi ni Yahweh na ang kaniyang lingkod ay matapat na magdudulot ng katarungan sa mga bayan.
Isaiah 42:3-4
Ano ang hindi gagawin ng mga lingkod ni Yahweh sa napitpit na tambo o sa isang kulimlim na nagaapoy na mitsa?
Sinabi ni Yahweh na hindi babaliin ng kaniyang lingkod ang napitpit na tambo o apulahin ang isang kulimlim na nag-aapoy na mitsa.
Isaiah 42:5-6
Paano inilarawan ni Yahweh ang kaniyang sarili?
Inilarawan niya ang kaniyang sarili bilang isa na lumikha ng kalangitan at naglatag sa kanila: siyang naglatag ng mundo at binigyang buhay ito; siyang nagbigay ng hininga sa mga tao doon, at buhay sa mga namumuhay doon.
Isaiah 42:7
Ano ang gusto ni Yahweh na gawin ng kaniyang mga napili para sa mga bulag at mga bilanggo?
Nais ni Yahweh na buksan ng kaniyang mga lingkod ang mata ng bulag, para pakawalan ang mga bilanggo sa piitan, at mula sa tahanan ng pagkakulong silang mga nakaupo sa kadiliman.
Isaiah 42:8-11
Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi niya ibabahagi?
Hindi niya ibabahagi ang kaniyang kaluwalhatian sa iba ni ang kaniyang papuri sa mga nakaukit na mga diyus-diyosan.
Paano pinagkaiba ni Yahweh ang kaniyang sarili sa mga nakaukit na diyus-diyusan?
Ang pinagkaiba ng nakaukit na diyus-diyusan, ang mga nakaraang mga bagay ay nangyari na nang ihayag sila ni Yahweh.
Para sa paglawak ng pagpapahayag ng kaniyang kaluwalhatian, ano ang sinabing gagawin ni Yahweh?
Sinabi niya na siya ay maghahayag ng mga bagong kaganapan. Siya ay magsasabi ng patungkol sa kanila bago pa mangyari.
Isaiah 42:12-15
Ano ang gagawin ni Yahweh sa kaniyang mga kaaway?
Kaniyang ipapakita sa kanila ang kapangyarihan niya.
Isaiah 42:16
Ano ang gagawin ni Yahweh para sa mga bulag?
Ang bulag ay dadalhin niya sa daan na hindi nila alam; sa mga landas na hindi nila alam na dadalhin sila. Ang kadiliman ay gagawin niyang liwanag sa harap nila at itutuwid ang baluktot na mga lugar.
Isaiah 42:17
Ano ang mangyayari sa mga nagtitiwala sa mga diyus-diyusan at nagsasabi sa mga hinulmang bakal na pigurin, "kayo ang aming mga diyos"?
Sila ay tatanggihan, at sila ay ganap na mailalagay sa kahihiyan.
Isaiah 42:18-19
Ano ang iniutos na gawin ng mga bingi at bulag?
Ang mga bingi ay inutusan na makinig at ang bulag ay inutusan na tumingin para sila ay makakita.
Isaiah 42:20-21
Bakit sila inutusan na makinig at tumingin ni Yahweh?
Sila ay kaniyang inutusan na makinig at tumingin dahil kahit maraming silang nakikitang mga bagay, pero hindi nauunawaan; ang mga tainga ay nakabukas pero walang nakaririnig.
Isaiah 42:22
Ano ang sinabi ni Yahweh na kalagayan ng bayan?
Sinabi ni Yahweh na ang mga tao ay pinagnakawan at nilooban; silang lahat ay nakulong sa mga hukay, nabihag sa mga bilangguan; sila ay naging isang inagaw na walang sinumang makakasagip sa kanila.
Isaiah 42:23-24
Sino ang nagbigay kay Jacob sa mga magnanakaw, at ang Israel sa mga mandarambong?
Si Yahweh ang nagbigay sa kanila
Bakit binigay ni Yahweh si Jacob sa mga magnanakaw, at ang Israel sa mga mandarambong?
SIla ay binigay ni Yahweh dahil sila'y nagkasala laban sa kaniya sa daang kanilang tinanggihan na lakaran at sa batas na kanilang tinanggihang sundin.
Isaiah 42:25
Naunawaan kaya ng Israel kung sino ang nagpahirap sa kanila kasama ang pagkawasak ng digmaan at bakit niya ito ginawa?
Hindi! Ito ay nagliyab sa kanilang kapaligiran, pero hindi nila ito naunawaan; tinupok sila nito, pero hindi nila ito isinapuso.
Isaiah 43
Isaiah 43:1
Sa pangkalahatan ano sinabi ni Yahweh kay Jacob, Israel na gawin?
Sinabi niya kay Jacob, Israel na huwag matakot .
Isaiah 43:2-3
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa Israel para maingatan sila?
Sinabi ni Yahweh sa Israel na sa mga ilog hindi ka malulunod at hindi ka masasaktan o masusunog ng apoy.
Ano ang ibinigay ni Yahweh na pangtubos at pamalit para sa Israel?
Ibinigay niya ang Ehipto pangtubos at Etiopia at Seba bilang pamalit para sa Israel.
Isaiah 43:4-9
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa anak ng mga Israel?
Sinabi ni Yahweh na dadalhin niya sila mula sa silangan at titipunin mula sa kanluran.
Isaiah 43:10-11
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang mga pagtitipon ng kaniyang mga anak na lalaki at anak na babae mula sa silangan at kanluran at sinabi sa kanila ang mga naunang pangyayari?
Ginawa ni Yahweh ito para makilala siya at maniwala sa kaniya at maunawaan na siya ay Diyos.
Meron bang ibang diyos o tagapagligtas maliban kay Yahweh?
Walang ibang nilikhang diyos sa harapan ni Yahweh at walang sinuman ang makakasunod sa kaniya. Siya si Yahweh, at wala nang ibang Tagapagligtas maliban sa kaniya.
Isaiah 43:12-13
Sino ang makapagliligtas sa atin mula sa kamay ng Diyos?
Walang makapagliligtas sa atin mula sa kamay ng Diyos.
Isaiah 43:14-15
Para kaninong kapakanan ipanadala sa Babilonia at pangunahan silang lahat na bumasak bilang pugante, ginawang mga awit ng panaghoy ang masayang kapahayagan ng Babilonia.
Ginawa ni Yahweh ito para sa kapakanan ng Israel.
Isaiah 43:16-17
Ano ang mga bagay na ginawa dati ni Yahweh na sinasabi sa kanila na hindi dapat nilang alalahanin o isaalang-alang?
Nagbukas ng daan sa dagat at isang landas sa malawak na katubigan. Naglabas siya ng mga karwahe at kabayo, ang kawal at ang makapangyarihang hukbo.sila ay magkakasamang nabuwal; sila ay hindi na babangon muli; sila ay malilipol, pinatay tulad ng isang nag-aapoy na mitsa.
Isaiah 43:18-21
Ano ang mga bagong bagay na sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa disyerto at sa ilang?
Sinabi ni Yahweh gagawa ako ng isang daanan sa disyerto at batis ng tubig sa ilang.
Isaiah 43:22-23
Ano ang nabigong gawin ng mga taong ito, ang Israel, na binuo ni Yahweh para sa kaniyang sarili?
Sila ay nabigong tumawag kay Yahweh. sila ay hindi nagdala sa kaniya ng kahit anong tupa na bilang handog na susunugin at hindi nila siya pinarangalan ng kanilang alay.
Isaiah 43:24
Ano ang ginawa ng Israel kay Yahweh?
Pinabigat ng Israel ang loob ni Yahweh ng kanilang mga kasalanan at pinagod siya ng kanilang masasamang gawain.
Isaiah 43:25-26
Bakit inalis ni Yahweh ang mga kasalanan ng mga Israel at hindi na inalala muli ang kanilang mga kasalanan?
Ginawa ito ni Yahweh para sa kaniyang sariling kapakanan.
Isaiah 43:27-28
Bakit pumunta si Yahweh para dungisan ang mga banal na pamunuan. ilalagay ko sa ganap na kahirapan si Jacob at Isarael sa labis na kahihiyan?
Ginawa ni Yahweh ito dahil ang iyong ama ang unang nagkasala at ang iyong mga pinuno ay lumabag laban kay Yahweh.
Isaiah 44
Isaiah 44:3-6
Bakit sinabi ni Yahweh kay Jacob na magbubuhos siya sa anak ni Jacob?
Sinabi ni Yahweh na aking ibubuhos sa iyong mga anak ang aking Espiritu.
Isaiah 44:7-8
Paano mapatutunayan kay Yahweh na mayroong siyang katulad; na ibang diyos?
Para patunayan kay Yahweh dapat ipaliwanag sa kaniya ang mga nangyari simula nang kaniyang itinatag ang sinaunang bayan, at hayaan niyang ipahayag ang mga darating na pangyayari.
Isaiah 44:9-10
Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa mga nagbibigay anyo sa diyus-diyosan?
Sinasabi ni Yahweh sila ay walang halaga at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Isaiah 44:11-13
Ano ang mangyayari sa gumagawa at nakikisamang humuhulma at gumanap bilang diyus-diyosan?
Ang mga gumagawa at ang kasama nilang humuhulma at gumaganap bilang diyus-diyosan ay mapapahiya.
Isaiah 44:14
Paano sinisimulan ng isang karpintero ang pag-gawa ng isang diyus-diyosan?
Pumuputol siya ng mga cedar, o pumipili siya ng puno ng sipress o isang puno ng ensena.
Isaiah 44:15-18
Ano ang ginagawa ng tao mula sa pinuputol niyang puno?
Gumagamit ang tao ng isang panggatong at nagpapainit sa kaniya. pinangluluto ng tinapay. at iniihaw ang kaniyang karne dito, pagkatapos ginagawa niya mula dito ang isang diyos at sasambahin ito.
Isaiah 44:19-20
Dahil ang mga gumagawa at sumasamba sa diyos-diyosan ay walang pangunawa o walang kaalaman at bulag ang kanilang mata at ang kanilang puso ay walang maramdaman. ano ang dalawang tanong na hindi nila tinatanong sa kanilang sarili?
Una, hindi nila tinatanong ang kanilang mga sarili kung dapat nilang gawin ang ibang bahagi ng kahoy para sambahin. pangalawa hindi nila tinatanong ang kanilang mga sarili kung karapat-dapat ba na lumuhod sa isang piraso ng kahoy.
Isaiah 44:21-22
Bakit sinabi kay Jacob at Israel na alalahanin na si Yahweh bilang nag iisang Diyos at ang diyus-diyosan nila ay walang halaga?
Alalahanin tungkol sa mga bagay na ito dahil si Yahweh ang lumikha sa atin, dahil tayo ay lingkod niya at hindi niya sila kalilimutan. maging si Yahweh kaniyang pinawi ang ating kasalanan at ang mapanghimagsik nating mga gawa.
Isaiah 44:23
Bakit ang kalangitan, ang mga bundok ang kagubatan at lahat ng puno ay inutusan umawit?
Inuutusan silang umawit dahil tinubos ni Yahweh si Jacob at ipinakita niya ang kaniyang kalwalhatian sa Israel.
Isaiah 44:24-25
Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga hula at sa kanilang mga bumabasa nito?
Binibigo ni Yahweh ang nagsasalita ng walang katuturan at ipinapahiya ang mga bumabasa ng mga hula.
Isaiah 44:26-27
Ano ang ginawa ni Yahweh sa kaniyang lingkod at mensahero?
Tinupad ni Yahweh ang mga pahayag ng kaniyang lingkod at isinasagawa ang payo ng kaniyang mga mensahero.
Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa Jerusalem at ang mga lungsod ng Juda?
Kaniyang sinabi na ang Jerusalem ay titirhan at ang mga lungsod ng Juda ay muling itatatag, at ibabangon ko ang kanilang mga wasak na lugar.
Isaiah 44:28
Ano ang ginawang sabihin ni Yawheh tungkol kay Ciro at ano ang kaniyang gagawin?
Sinabi ni Yahweh kay Ciro. "ikaw ang aking pastol, gagawin niya ang lahat kong nais' - kaniyang ipaguutos tungkol sa Jerusalem, 'Hayaan siyang muling maitatag at ang tungkol sa templo, 'Hayaan ang pundasyon ay mailatag.
Isaiah 45
Isaiah 45:1
Sa kabanatang ito, sino ang hinirang ng Panginoon?
Sa kabanatang ito, sinasabi ni Yahweh si Ciro ang kaniyang hinirang.
Bakit hinawakan ni Yahweh ang kamay ni Ciro?
Hinawakan ni Yahweh si Ciro' sa kanyang kamay para lupigin ang mga bansa sa harap niya para tanggalan ng sandata ang mga hari, at para buksan ang mga pintuan sa kaniyang harapan, kaya ang mga tarangkahan ay mananatiling nakabukas.
Isaiah 45:2-3
Bakit nais ni Yahweh na mauna kay Ciro at ang mga bundok ay kanyang papatagin, wawasakin ang mga pintuang tanso, at puputol-putulin ang kanilang bakal na rehas at ibibigay niya ang mga kayamanang nasa kadiliman at ang mga natatagong kayamanan?
Ginawa ni Yahweh ang mga bagay na ito para malaman ni Ciro ang mga bagay na ito, si Yahweh ang Diyos ng Israel na kaniyang tinawag.
Isaiah 45:4-6
Para sa kanino kapakanan tinawag ni Yahweh si Ciro sa kaniyang pangalan?
Para sa kapakanan ni Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili.
kilala ba ni Ciro si Yahweh?
Hindi, hindi kilala ni Ciro si Yahweh.
Isaiah 45:7-8
Meron bang ibang Diyos maliban kay Yahweh?
Wala, walang ibang Diyos maliban Kay Yahweh.
Sino ang lumikha ng liwanag at kadiliman at nagbibigay ng kapayapaan at lumilikha ng kapahamakan?
Si Yahweh ang siyang gumawa ng lahat ng bagay na ito.
Sino ang lumikha ng kaligtasan?
Si Yahweh ang lumikha ng kaligtasan.
Isaiah 45:9-12
Sa anong bagay ikinumpara ni Yahweh ang sinuman nakikipag-talo sa kaniyang manlilikha?
Ikinumpara niya ang sinumang nakikipag-talo sa lumalang sa kanyang nilikha sa putik na sinasabi sa manggagawa ng palayok, 'Ano ang iyong ginagawa? o, ang iyong lilikhain- hindi mo ba ginagamitan ng kamay kapag nililikha mo ito?'
Isaiah 45:13-15
Ano ang gagawin ni Ciro para kay Yahweh?
Itatayo niya ang lungsod ni Yahweh; hahayaan niyang umuwi sa tahanan ang aking bayang ipinatapon, at hindi bilang bayad o suhol.
Isaiah 45:16-17
Sino ang lalakad sa kahihiyan?
Silang mga gumagawa ng mga diyus-diyusan ay lalakad sa kakahiyan.
Gaano katagal maliligtas ang Israel?
Ang Israel ay ililigtas ni Yahweh ng walang-hangang kaligtasan.
Isaiah 45:18-19
Bakit ginawa ni Yahweh na anyuan ang mundo?
kaniyang ginawa ito para tirahan.
Isaiah 45:20-21
Sino ang walang nalalaman?
Sila na nagdadala ng larawang inukit at nanalangin sa mga diyos na hindi nakapagliligtas, ang walang nalalaman.
Isaiah 45:22-23
Kanino sumusumpa si Yahweh?
Si Yahweh ay sumusumpa sa kaniyang sarili.
Isaiah 45:24-25
Ano ang laging sinusumpa ng dila?
Bawat dila ay susumpa, "Kay Yahweh lamang ang kaligtasan at kalakasan.
Ano ang mayayari sa lahat ng mga kaapu-apohan ng Israel?
Kay Yahweh ang lahat ng kaapu-apuhan ng Israel ay mapapawalang sala; ipagmamalaki nila siya.
Isaiah 46
Isaiah 46:1-2
Ano si Bel at si Nebo?
Sila ay diyus-diyosan.
Sino ang pumapasan kay Bel at Nebo?
Si Bel at Nebo ay pinapasan ng mga hayop.
Isaiah 46:3-4
Sino ang nagpasan sa sambahayan ni Jacob
Si Yahweh ang nagpasan sa sambahayan ni Jacob?
Gaano katagal inalagaan ni Yahweh ang sambahayan ni Jacob at gaano katagal niya dala sila?
Inalagaan sila ni Yahweh mula sa kanilang pagsilang at hanggang ang kanilang buhok ay pumuti.
Isaiah 46:5-6
Ano ang ginagawa ng tao sa ginto at pilak?
Sila ay umuupa ng isang panday, at kaniyang ginagawang isang diyos ito.
Isaiah 46:7
Maaari ba ang diyos nila ay makakasagot o makapagliligtas?
Hindi ito makakasagot ni makapagliligtas ng sinuman mula sa kanilang kaguluhan.
Isaiah 46:8-9
Kanino maikukumpara si Yahweh? Sino ang kaniyang katulad?
Si Yahweh ay Diyos at walang ng iba pa. Walang sinumang katulad niya.
Isaiah 46:10-11
Ano ang itinakda ni Yahweh, ang Diyos, na naiiba sa mga diyus-diyosan?
Naiiba si Yahweh dahil ipinapahayag niya ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari.
Isaiah 46:12-13
Ano ang ginagawa ni Yahweh sa mga matitigas ang ulo, na malayo sa paggawa ng tama?
Inilalapit ni Yahweh ang kaniyang katwiran.Ibibigay niya ang kaligtasan sa Sion at ang kaniyang kagandahan sa Israel.
Isaiah 47
Isaiah 47:1-2
Sino ang hindi na tatawaging kaakit-akit at kahali-halina?
Ang birheng anak na babae ng Babilonia, ang anak na babae ng mga taga-Caldea, ay hindi na tatawaging kaakit-akit at kahali-halina.
Isaiah 47:3-5
Ano ang hindi na itatawag sa anak na babae ng mga taga-Caldea?
Ang anak na babae ng mga taga-Caldea ay hindi na tatawaging Reyna ng mga kaharian.
Isaiah 47:6-7
Bakit dismayado si Yahweh sa mga taga-Caldea?
Dismayado si Yahweh sa mga taga-Caldea dahil kahit na binigay ni Yahweh ang kaniyang bayan sa mga kamay ng mga taga-Caldea, wala silang pinakitang awa sa bayan ni Yahweh at nagpatong ng napakabigat na pamatok sa mga matatanda.
Isaiah 47:8-9
Ano ang biglang mangyayari sa anak ng mga taga-Caldea sa isang araw?
Ang anak ng mga taga-Caldea ay mararanasan ang pagkamatay ng mga anak at pagiging balo nang biglaan sa isang araw.
Isaiah 47:10-13
Ano ang pinagkatiwalaan ng anak ng mga taga-Caldea?
Nagtiwala siya sa kaniyang kasamaan.
Ano ang hindi nakapagtaboy sa sakuna at pagkawasak na parating sa mga anak ng mga taga-Caldea?
Ang mga orasyon ng mga anak ng mga taga-Caldea ay hindi nataboy ang sakuna at pagkawasak sa parating sa kanila.
Isaiah 47:14-15
Ano ang mangyayari sa mga nagtatala ng kalangitan at tumitingin sa mga bituin, sa mga nagpapahayag ng mga bagong buwan?
Ang mga nagtatala ng kalangitan at tumitingin sa mga bituin at sa mga nagpapahayag ng mga bagong buwan ay magiging parang mga pinaggapasan. Susunugin sila ng apoy.
Sino ang magliligtas sa anak ng mga taga-Caldea?
Walang magliligtas sa kanila.
Isaiah 48
Isaiah 48:1-2
Ano ang tawag sa Lipi ni Jacob at kanino sila nagmula?
Tinatawag silang Israel at mula sila kay Juda.
Ano ang ginagawa ng Israel na hindi taos-puso at sa hindi matuwid na paraan?
Nanunumpa sila sa pangalan ni Yahweh at tinatawag ang Diyos ng Israel nang hindi taos-puso at sa hindi matuwid na paraan.
Isaiah 48:3-8
Ano ang ginawa ni Yahweh na nalalaman na matigas ang ulo ng Israel?
Nagpahayag siya ng mga bagay mula pa dati at ipinaalam sila, bigla niyang ginawa ang mga ito at nangyari sila.
Sa pagpapahayag ng mga bagay na ito sa Israel noon, ano ang inasahan ni Yahweh na maiiwasan?
Gustong iwasan ni Yahweh na masabi ng Israel na, "Ang aking diyos-diyosan ang gumawa nito," o "ang aking inukit na rebulto, o ang aking bakal na rebulto ang nagtalaga ng mga bagay na ito."
Isaiah 48:9-13
Bakit ipinagpaliban ni Yahweh ang kaniyang galit at pinigil ang pagwasak ng Israel?
Gagawin niya ito para sa kapakanan ng kaniyang sariling pangalan.
Paano ginawang dalisay ni Yahweh ang Israel?
Ginawa niya silang dalisay sa pugon ng pagdurusa.
Isaiah 48:14-16
Sino ang tinawag ni Yahweh at para sa anong layunin?
Tinawag ni Yahweh ang kaniyang kakampi para tapusin ang kaniyang layunin laban sa Babilonia.
Isaiah 48:17-19
Ano sana ang mangyayari kung sinunod ng Israel ang mga utos ni Yahweh?
Kung sumunod sila, ang kapayapaan at kasaganaan sana nila ay umagos tulad ng ilog, at ang kanilang kaligtasan ay tulad ng mga alon ng dagat. Ang mga kaapu-apuhan sana nila ay kasing dami ng buhangin, at ang mga anak mula sa kanilang sinapupunan ay kasing dami ng mga butil ng buhangin; ang pangalan nila ay hindi sana pinutol o inalis mula sa kaniyang harapan.
Isaiah 48:20
Anong pagpapahayag ang paaabutin sa dulo ng mundo?
Ang pagpapahayag ay, "Niligtas ni Yahweh ang kaniyang lingkod na si Jacob."
Isaiah 48:21-22
Ayon kay Yahweh, sino ang hindi makatatanggap ng kapayapaan?
Sinabi ni Yahweh na walang kapayapaan para sa mga masasama.
Isaiah 49
Isaiah 49:1-2
Ano ang ginawa ni Yahweh para sa kaniyang lingkod na si Israel?
Tinawag siya ni Yahweh sa kaniyang pangalan mula sa kapanganakan. Ginawa niyang parang matalas na espada ang bibig ni Israel at tinago si Israel sa anino ng kaniyang kamay; ginawa niyang pinakinis na palaso si Israel; tinago siya ni Yahweh sa kaniyang lalagyan ng palaso.
Isaiah 49:3-4
Ano ang gagawin ni Yahweh sa pamamagitan ni Israel?
Ipapakita ni Yahweh ang kaniyang kaluwalhatian sa pamamagitan ni Israel.
Ano ang pinagkakatiwala ni Israel kay Yahweh?
Sinasabi ni Israel na ang kaniyang katarungan ay na kay Yahweh at ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniyang Diyos.
Isaiah 49:5-6
Ano ang tungkulin ni Israel bilang lingkod ni Yahweh?
Ang kaniyang tungkulin ay ang ibalik si Jacob muli kay Yahweh at tipunin ang Israel sa kaniya.
Ano ang maliit na bagay para sa lingkod ni Yahweh?
Maliit na bagay na maging lingkod ni Yahweh para itatag muli ang mga tribo ni Jacob, at ibalik ang mga nakaligtas ng Israel.
Ano pa ang gagawin ni Yahweh para sa kaniyang lingkod?
Gagawin niyang ilaw ng mga hentil ang kaniyang lingkod para maging kaligtasan ni Yahweh ang kaniyang lingkod sa dulo ng mundo.
Isaiah 49:7
Ano ang mangyayari sa hinamak, kinamuhian ng mga bansa, isang alipin ng mga pinuno?
Makikita siya ng mga hari at tatayo sila, at makikita siya ng mga prinsipe at luluhod sila.
Isaiah 49:8-9
Kailan tutulungan at sasagutin ni Yahweh ang kaniyang lingkod?
Sa oras na napagpasyahan ni Yahweh na ipakita ang kaniyang pabor, sasagutin niya ang kaniyang lingkod, at sa araw ng kaligtasan pangangalagaan ni Yahweh ang kaniyang lingkod.
Para sa anong dahilan na binigay ang lingkod ni Yahweh bilang isang tipan para sa mga tao?
Binigay siya bilang isang tipan para sa mga tao para itayo muli ang lupain, para itakda muli ang pinabayaang pamana.
Isaiah 49:10-11
Sino ang mangunguna sa mga bilanggo?
Siya na may awa sa mga bilanggo ang mangunguna sa kanila.
Isaiah 49:12-13
Bakit dapat umawit at magpakasaya ang kalangitan, kalupaan at mga bundok?
Dapat silang umawit at magpakasaya dahil inaaliw ni Yahweh ang kaniyang bayan, at mahahabag sa mga nasasaktan.
Isaiah 49:14-15
Ano ang sagot ni Yahweh kay Sion nang dumaing sila; "Pinabayaan ako ni Yahweh, at kinalimutan ako ng Panginoon."?
Ang sagot ni Yahweh kay Sion ay, "Makakalimutan ba ng isang babae ang kaniyang sanggol, na pinasususo sa kaniyang dibdib, kaya wala siyang habag sa kaniyang anak na isinilang? Oo, maaaring makalimutan nila, pero hindi kita makakalimutan."
Isaiah 49:16-18
Ano ang binibigay na katibayan ni Yahweh ng kaniyang pag-aalala sa Sion?
Pinapahayag ni Yahweh ang kaniyang katibayan sa sumusunod: "Tingnan mo, sinulat ko ang pangalan mo sa aking mga palad; nasa harapan ko palagi ang iyong mga pader. Nagmamadaling bumalik ang mga anak mo, habang ang mga nagwasak sa iyo ay umaalis na. Tingnan mo ang paligid mo at masdan, lahat sila ay nagtitipon at papunta sa iyo."
Isaiah 49:19-20
Ano ang sasabihin ng mga batang pinanganak sa panahon ng pangungulila ng Sion?
Sasabihin nila, "Masyadong masikip ang lugar na ito para sa atin, bigyan ninyo kami ng lugar, para manirahan kami dito."
Isaiah 49:21
Ano ang itatanong ng Sion sa kaniyang sarili?
Tatanungin niya, "Sino ang nagpaanak ng mga batang ito para sa akin?" at "Sino ang nagpalaki sa mga batang ito?" at sa huli, "...saan nanggaling ang mga ito?"
Isaiah 49:22-23
Sino ang magbabalik ng mga anak na lalaki at babae ng Sion?
Ang mga mamamayan ng mga bansa ang magbabalik sa kanila.
Isaiah 49:24-25
Maaari bang makuha ang mga nasamsam mula sa mandirigma o maligtas ang mga bihag mula sa taong malupit?
Oo, makukuha ang mga bihag mula sa mandirigma, at ang mga nasamsam ay maliligtas; dahil kakalabanin ni Yahweh ang kaaway ng Sion at ililigtas ang kaniyang mga anak.
Isaiah 49:26
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga nang-aapi sa Sion?
Ipapakain niya sa mga nang-aapi sa kanila ang sarili nilang laman.
Ano ang malalaman ng buong sangkatauhan?
Malalaman nila na si Yahweh ang tagapagligtas at manunubos ng Sion, ang makapangyarihan ng Jacob.
Isaiah 50
Isaiah 50:1
Bakit ipinagbili at pinatapon ang ina ng Sion?
Ipinagbili ang Sion dahil sa kaniyang mga kasalanan, at dahil sa kaniyang paghihimagsik, pinatapon ang kaniyang ina.
Isaiah 50:2-3
Anong nangyayari sa pagsaway ni Yahweh?
Sa pagsaway ni Yahweh, natutuyo ang dagat at ginagawang disyerto ang mga ilog. Dinadamitan ni Yahweh ang himpapawid ng kadiliman at tinatakpan ito ng magaspang na tela.
Isaiah 50:4
Ano ang binigay ni Yahweh sa kaniyang lingkod?
Binigyan niya ang kaniyang lingkod ng dila na katulad ng marunong.
Ano ang ginawa ng lingkod ni Yahweh sa dila na binigay sa kaniya ni Yahweh?
Nagsabi siya ng mga nakakatulong na salita sa mga napapagod.
Isaiah 50:5-6
Dahil hindi siya mapaghimagsik at hindi tumalikod, ano ang ginawa ng lingkod ni Yahweh?
Binigay ng lingkod ni Yahweh ang kaniyang likod sa mga bumubugbog sa kaniya at ang kaniyang mga pisngi sa mga bumunot ng kaniyang balbas; Hindi niya tinago ang kaniyang mukha mula sa pamamahiya at panunura.
Isaiah 50:7
Bakit sinasabi ng lingkod ni Yahweh na hindi siya napahiya?
Sinasabi ng lingkod ni Yahweh na hindi siya napahiya dahil tutulungan siya ng Panginoong si Yahweh.
Isaiah 50:8-9
Anong mangyayari sa mga nag-aakusa sa lingkod ni Yahweh at nagpapahayag na may kasalanan siya?
Ang mga nag-aakusa sa kaniya ay masisira tulad ng damit; kakainin sila ng gamugamo.
Isaiah 50:10
Ano dapat gawin ng natatakot kay Yahweh, ang sumusunod sa boses ng kaniyang lingkod at naglalakad sa malalim na kadiliman nang walang liwanag?
Dapat siyang magtiwala sa pangalan ni Yahweh at sumandal sa kaniyang Diyos.
Isaiah 50:11
Ano ang gagawin ng lingkod ni Yahweh sa mga nagsisindi ng apoy, mga nagdadala ng mga sulo?
Pahihigain sila ng lingkod ni Yahweh sa lugar ng kirot.
Isaiah 51
Isaiah 51:1
Ayon kay Yahweh, ano dapat ang tingnan ng mga naghahabol ng katuwiran?
Sinabi ni Yahweh na tumingin sa bato kung saan kayo tinapyas at sa tibagan ng bato kung saan kayo tinibag.
Isaiah 51:2-5
Ano ang ginawa ni Yahweh kay Abraham?
Tinawag siya ni Yahweh, pinagpala at pinarami.
Isaiah 51:6
Ano ang mangyayari sa kalangitan, sa mundo, at sa mga naninirahan dito?
Maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw.
Ano ang magpapatuloy magpakailanman at hindi titigil na kumilos?
Ang kaligtasan ni Yahweh ay magpapatuloy magpakailanman, at ang kaniyang katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
Isaiah 51:7-8
Kanino nakatuon ang pahayag na ito: "Huwag ninyong katakutan ang mga insulto ng mga tao, maging ang mapanghinaan ng loob dahil sa kanilang abuso..."?
Ang pahayag na iyon ay nakatuon sa mga nakakaalam ng tama at sa mga taong mayroong batas ni Yahweh sa kanilang puso.
Isaiah 51:9-10
Sino ang dumurog sa halimaw sa dagat; nagpatuyo ng dagat at ginawang daanan ang kailaliman ng dagat para makadaan ang mga iniligtas?
Ang bisig ni Yahweh ang gumawa sa mga bagay na ito.
Isaiah 51:11-13
Ano ang mananaig at ano ang lalayo mula sa mga tinubos ni Yahweh kapag bumalik sila at pumunta sa Sion?
Kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
Isaiah 51:14-16
Ano ang gagawin ni Yahweh sa isang nakayuko?
Magmamadali si Yahweh na pakawalan siya.
Isaiah 51:17-22
Ano ang ininom ng Jerusalem mula sa kamay ni Yahweh?
Ininom nila ang kopa ng galit ni Yahweh; ininom nila ang mangkok, ang kopa ng pagsuray.
Sino sa mga anak ng Jerusalem ang pinanganak para gabayan siya?
Wala sa lahat ng mga anak niya ang gagabay sa kaniya.
Isaiah 51:23
Pagkatapos kunin ni Yahweh ang kopa ng pagsuray mula sa Jerusalem, kanino niya ito ibibigay?
Ilalagay niya ito sa kamay ng mga nagpapahirap sa Jerusalem.
Isaiah 52
Isaiah 52:1-3
Ano ang hindi na kailanman mangyayari sa Jerusalem?
Hindi na muling makakapasok ang mga hindi tuli at mga marurumi sa Jerusalem
Isaiah 52:4
Sino ang umapi sa Jerusalem kamakailan lamang?
Kamakailan lamang ay inapi sila ng Asiria.
Isaiah 52:5-6
Sa araw na iyon bakit kinakailangan malaman ng bayan ni Yahweh ang pangalan ni Yahweh?
Malalaman nila ang pangalan ni Yahweh dahil patuloy nilang sinisiraang-puri ang kanyang pangalan buong araw.
Isaiah 52:7-8
Sino ang makakakita sa pagbabalik ni Yahweh sa Sion?
Makikita ng lahat ng mga bantay sa Sion ang pagbabalik ni Yahweh.
Isaiah 52:9-10
Bakit dapat na ang mga nalalabi ng Jerusalem ay biglang aawit nang sama-sama nang may kagalakan?
Dapat nilang gawin ito dahil inaliw ni Yahweh ang kanyang bayan. Tinubos niya ang Jerusalem. Inilantad ni Yahweh ang kanyang banal na bisig sa paningin ng lahat ng mga bansa.
Isaiah 52:11-12
Ano ang gagawin ng mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh?
Kailangan silang umalis, huwag humipo ng anumang maruming bagay at dalisayin ang kanilang mga sarili.
Bakit hindi kinakailangang magmadali ang bayan ni Yahweh o matakot kapag sila ay umalis?
Hindi nila kinakailangang magmadali o matakot dahil si Yahweh ang mangunguna sa kanila at ang Diyos ng Israel ang bantay sa kanilang likuran.
Isaiah 52:13-14
Ano ang gagawin ng lingkod ni Yahweh?
Siya ay makikitungo nang may karunungan at magiging matagumpay; siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri.
Ano ang nangyari sa kaanyuan ng lingkod ni Yahweh?
Ang kanyang hitsura ay pinapangit mula sa anyo ng tao.
Isaiah 52:15
Ano ang gagawin ng mga hari dahil sa lingkod ni Yahweh?
Ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya.
Isaiah 53
Isaiah 53:1-2
Paano lumaki ang lingkod ni Yahweh?
Lumaki siya sa harapan ni Yahweh gaya ng isang supling, at gaya ng isang usbong na lumitaw sa isang tigang na lupa.
Ano ang hitsura ng lingkod ni Yahweh?
Wala siyang taglay na kapansin-pansin na hitsura o kaningningan; noong makita namin siya, walang kagandahan para umakit sa amin.
Isaiah 53:3
Paano tinanggap ng mga tao ang lingkod ni Yahweh?
Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao at itinuring na hindi mahalaga.
Isaiah 53:4
Ano ang nagawa ng lingkod ni Yahweh sa atin?
Pinasan niya ang ating mga karamdaman at dinala niya ang ating mga kalungkutan.
Isaiah 53:5
Bakit sinaksak at dinurog ang lingkod ni Yahweh?
Sinaksak siya dahil sa ating pagrerebelde at dinurog dahil sa ating mga kasalanan.
Ano ang nagawa ng kaparusahan at mga sugat ng lingkod para sa atin?
Ang kanyang kaparusahan ay nagdala sa atin ng kapayapaan at ang kanyang mga sugat ang nagpagaling sa atin.
Isaiah 53:6-7
Paano tayo naging kagaya ng tupa?
Naging kagaya tayo ng tupa dahil tayong lahat ay naligaw; ang bawat isa ay nagkanya-kanyang daan.
Isaiah 53:8-9
Anong mga pamamaraan ang ginamit para hatulan ang lingkod ni Yahweh?
Sa pamamagitan pamimilit at paghuhusga ang ginamit para siya ay hatulan.
Bakit ang lingkod ni Yahweh ay ihiniwalay sa lupain ng mga buhay?
Siya ay ihiniwalay dahil sa kasalanan ng kanyang bayan.
Nakagawa ba ng anumang mali ang lingkod ni Yahweh?
Hindi, hindi siya nakagawa ng anumang karahasan. Ni nagkaroon ng panlilinlang ang kanyang bibig.
Isaiah 53:10-11
Bakit kalooban ni Yahweh na durugin ang kanyang lingkod?
Ito ay kalooban ni Yahweh para ang kanyang layunin ay matupad sa pamamagitan niya.
Isaiah 53:12
Bakit bibigyan ni Yahweh ang kanyang lingkod ng bahagi sa gitna ng maraming tao?
Bibigyan ni Yahweh ang kanyang lingkod ng kanyang bahagi dahil ibinuhos niya ang kanyang kaluluwa sa kamatayan at ibinilang kasama ng mga makasalanan. Dinala niya ang mga kasalanan ng marami at siya ay namagitan para sa mga makasalanan.
Isaiah 54
Isaiah 54:1
Bakit sinasabi ni Yahweh na dapat umawit ang babaing baog?
Sinasabi niya na dapat siyang umawit, dahil ang mga anak ng ulila ay mas marami kaysa mga anak ng isang babaeng may asawa.
Isaiah 54:2-4
Ano ang gagawin ng mga kaapu-apuhan ng Sion?
Sasakupin nila ang mga bansa at titirhan muli ang mga lungsod na walang tao.
Isaiah 54:5-6
Sino ang asawa ng Sion?
Si Yahweh ang pinuno ng mga Hukbo, ang gumawa sa Sion, ay ang kanilang asawa.
Isaiah 54:7-8
Ano ang ginawa ni Yahweh sa Israel?
Siya ay kanyang iniwan sa maikling sandali.
Ano ang gagawin ni Yahweh para sa Israel?
Titipunin sila ni Yahweh na may lubos na kahabagan.
Isaiah 54:9-12
Ano ang isinumpa ni Yahweh tungkol sa Israel?
Sumumpa siyang hindi na siya magagalit muli sa kanila o sasawayin sila.
Ano ang hindi na mayayanig at hindi aalisin mula sa Israel?
Ang tipan ng kapayapaan ni Yahweh sa Israel ay hindi mayayanig at ang kanyang katapatan sa tipan ay hindi aalisin mula sa Israel.
Isaiah 54:13-14
Ano ang hindi na mararanasan ng Israel?
Ang Israel ay hindi na muli makakaranas ng pag-uusig.
Isaiah 54:15-16
Ano ang mangyayari sa sinuman na nag-uumpisal ng kaguluhan para sa Israel?
Ang sinuman na nag-uumpisa ng kaguluhan para sa Israel ay babagsak sa pagkatalo.
Isaiah 54:17
Ano ang mangyayari sa sinuman na mag-aakusa sa Israel?
Isusumpa sila ng Israel.
Isaiah 55
Isaiah 55:1
Ano ang sinabi sa mga walang pera na bilhin?
Sinabi sa kanila na bumili ng alak at gatas ng walang pera at walang bayad.
Isaiah 55:2
Ano ang sinabi na kainin na mga nauuhaw?
Sinabi sa kanila na kainin kung ano ang mabuti.
Isaiah 55:3-4
Sino ang inilagay ni Yahweh bilang saksi sa mga bansa at pinuno at kumander ng mga tao?
Inilagay ni Yahweh si David sa posisyon na iyon.
Isaiah 55:5
Bakit ang isang bansa na hindi kilala ang Israel ay pupunta sa kanila?
Pupunta sila sa Israel dahil si Yahweh ang kanilang Diyos, Ang Banal ng Israel na siyang dumakila sa kanila.
Isaiah 55:6-7
Kailan dapat hanapin at tawagan si Yahweh?
Hanapin nila si Yahweh habang maaari pa siyang matagpuan; tumawag sa kanya habang siya ay nasa malapit.
Ano ang gagawin ng mga masasama at ang taong gumagawa ng kasalanan?
Hayaan ninyo na ang mga masasama ay iwanan ang kanilang pamamaraan at ang taong gumagawa ng kasalanan ang kanyang mga kaisipan.
Ano ang gagawin ni Yahweh sa taong bumabalik sa kanya?
Maaawa sa kanya si Yahweh at lubusan siyang patatawarin.
Isaiah 55:8-9
Bakit ang mga pag-iisip at pamamaraan ni Yahweh ay hindi mga kaisipan at mga pamamaraan ng Israel?
Ito ay totoo dahil tulad ng mga kalangitan ay mas mataas kaysa lupa gayon din ang mga pamamaraan ni Yahweh ay mas mataas kaysa kanilang pamamaraan at mga kaisipan ni Yahweh ay mas mataas kaysa mga kaisipan ng Israel.
Isaiah 55:10-11
Ano ang mangyayari sa mga salita na lumalabas mula sa bibig ni Yahweh?
Tutuparin nito kung ano ang mga nais mangyari ni Yahweh at ito ay magtatagumpay kung kanino niya ito ipinadala.
Isaiah 55:12-13
Ano ang walang hanggang tanda na hindi mapuputol?
Ito ang tanda: Ang Israel ay magsisilabas nang may kagalakan at magpapatuloy na pangunahan ng may kapayapaan. Ang mga bundok at mga burol ay mag-uumpisang sumigaw nang may kagalakan sa kanilang harapan at lahat ng mga puno sa mga bukirin ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay. Sa halip na mga matinik na halaman, tutubo ang mga luntiang halaman; at sa halip na dawag, tutubo ang puno ng mirtel.
Isaiah 56
Isaiah 56:1-2
Bakit sinabi ni Yahweh na sundin kung ano ang mabuti at gawin kung ano ang makatarungan?
Sinabi niya ito dahil ang kanyang pagpapalaya ay malapit na at ang kanyang pagtatanggol ay ipapahayag na.
Isaiah 56:3
Ano ang hindi dapat sabihin ng isang dayuhan at isang eunuko na naging tagasunod ni Yahweh?
Hindi dapat sabihin ng isang dayuhan, "Tiyak na ihihiwalay ako ni Yahweh mula sa kanyang bayan." At hindi dapat sabihin ng eunuko "Tingnan ninyo, ako ay isang tuyot na puno."
Isaiah 56:4-5
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga eunuko na tumutupad sa mga Araw ng Pamamahinga ni Yahweh, na pumipili kung ano ang nakakalugod sa kanya, at mahigpit na pinanghahawakan ang tipan ni Yahweh?
Itatatag ni Yahweh ang isang bantayog na nararapat sa kanila, sa tahanan ni Yahweh sa loob ng kanyang mga pader, na mas mabuti kaysa sa mga anak na lalaki at mga anak na babae.
Isaiah 56:6-8
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga dayuhan na umanib kay Yahweh para paglingkuran siya, na sumasamba sa kanya at nagmamahal sa kanyang pangalan, na tumutupad sa kanyang Araw ng Pamamahinga at nag-iingat para madungisan ito, at mahigpit na pinanghahawakan ang Tipan ni Yahweh?
Dadalhin sila ni Yahweh sa kanyang banal na bundok at gagawin silang maligaya sa kanyang bahay dalanginan; ang kanilang mga handog na susunugin at mga alay ay tatanggapin ni Yahweh sa kanyang altar.
Isaiah 56:9-10
SIno ang inihambing sa isang piping aso?
Ang kanilang mga bantay ay inihalintulad sa mga piping aso.
Isaiah 56:11-12
Ano ang ginawa ng kanilang mga bantay at mga pastol?
Silang lahat ay bumaling sa kanilang sariling mga daan, bawat isa sa kanila ay naghangad ng hindi makatarungang pakinabang.
Isaiah 57
Isaiah 57:1-2
Ano ang hindi isaalang-alang o mauunawaan tungkol sa mga matutuwid kapag sila ay namatay?
Hindi nila isinasaalang-alang o mauunawaan na ang mga matutuwid ay inilayo mula sa kasamaan at makapasok sa kapayapaan.
Isaiah 57:3-4
Sino ang mga masayang nanlilibak at nagbubukas ng kanilang bibig at nandidila?
Ang mga bagay na ito ay ginagawa ng mga anak ng mga mangkukulam, mga anak ng nakikiapid, at ang masamang babae na ipinagbili ang kanyang sarili.
Isaiah 57:5
Ano pa ang ginagawa ng mga tinatawag na mga anak ng mapagrebelde at mga anak ng mapanlinlang?
Nakikipagtalik sila sa ilalim ng mga punong ensena sa ilalim ng bawat luntiang puno. Pinatay nila ang kanilang mga anak sa mga tuyong ilog, sa ilalim ng mga mabatong bangin.
Isaiah 57:6
Ano ang mga pinagtutuunan ng kanilang mga debosyon?
Ang pinagtutuunan ng kanilang debosyon ay ilang makikinis na bagay sa pampang ng ilog.
Isaiah 57:7-12
Ano ang ginagawa ng mga mapagrebelde at mandaraya ukol kay Yahweh?
Iniwan nila si Yahweh.
Isaiah 57:13
Ano ang sasabihin ni Yahweh sa mga masasama at mga mapanghimagsik kapag sila ay tatawag?
Sasabihin ni Yahweh sa kanila na hayaang iligtas sila ng kanilang naipon na mga diyus-diyosan.
Ano ang mangyayari sa mga masasama at mga mapanghimagsik?
Tatangayin silang lahat ng hangin palayo, ang isang hininga ay dadalhin silang lahat palayo.
Ano ang magyayari sa sinuman na magkukubli kay Yahweh?
Mamanahin nila ang lupain at magiging pag-aari nila ang banal na bundok ni Yahweh.
Isaiah 57:14-15
Sino ang mananahan kasama si Yahweh sa dakila at banal na lugar?
Sila na may durog at mapagpakumbabang espiritu ang mananahan doon kasama si Yahweh.
Isaiah 57:16-17
Ano ang mangyayari kung paparatangan ni Yahweh ang tao ng walang hanggan?
Ang espiritu ng tao ay manlulupaypay sa harapan ni Yahweh.
Bakit nagalit si Yahweh sa tao?
Nagalit si Yahweh sa tao dahil sa kanyang marahas na pakinabang.
Isaiah 57:18-19
Kahit na nakita ni Yahweh ang pamamaraan ng mga tao, ano ang gagawin ni Yahweh para sa tao?
Sinabi ni Yahweh na pagagalingin siya.
Isaiah 57:20-21
Sino ang walang kapayapaan?
Ang mga masasama ay walang kapayapaan.
Isaiah 58
Isaiah 58:1-2
Ano ang inutos ni Yahweh sa bahay ni Jacob na haharapin?
Iniutos niya sa bahay ni Jacob na harapin ang kanilang pagrerebelde at mga kasalanan.
Paano hinanap ng bahay ni Jacob si Yahweh?
Siya ay kanilang hinanap tulad ng isang bansa na gumagawa ng katuwiran at hindi tinalikuran ang batas ng kanilang Diyos.
Isaiah 58:3
Ano ang reklamo ng bahay ni Jacob na ginawa kay Yahweh tungkol sa kanilang pagpapakumbaba at pag-aayuno?
Ang kanilang reklamo kay Yahweh ay noong sila ay nag-ayuno at nagpakumbaba, hindi ito nakita o pinansin ni Yahweh.
Ano ang sinabi ni Yahweh na ginawa ng bahay ni Jacob sa araw ng kanilang pag-aayuno?
Sinabi ni Yahweh na sa araw ng kanilang pag-aayuno, kinakatagpo nila ang sariling kasiyahan at pinapahirapan ang lahat ng kanilang mga manggagawa.
Isaiah 58:4-5
Paano tumugon si Yahweh sa bahay ni Jacob?
Sinabi ni Yahweh na noong sila ay nag-ayuno, kinatagpo nila ang sariling kasiyahan at pinahirapan ang kanilang mga manggagawa. Sila rin, ay nag-ayuno para makipag-away at makipag-laban at para sumuntok sa pamamagitan ng kanilang mga kamao ng kasamaan.
Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi siyang dahilan na nag-ayuno ang bahay ni Jacob?
Sinabi ni Yahweh na hindi nag-aayuno ang bahay ni Jacob para marinig ang kanilang tinig sa kaitaasan.
Isaiah 58:6-8
Ano ang pag-aayuno na pinipili ni Yahweh?
Ang pag-aayuno na pinipili ni Yahweh ay para magpalaya ng mga masamang gapos, kalagin ang mga lubid ng pamatok, palayain ang mga sarili sa pagkakadurog, at baliin ang bawat pamatok, para ipamahagi ang kanilang tinapay sa nagugutom, dalhin ang dukha at walang tahanan sa kanilang mga bahay, bihisan ang nakahubad at para hindi itago ang kanilang mga sarili mula sa kanilang mga sariling kamag-anak.
Isaiah 58:9-13
Ano ang gagawin ni Yahweh kung aalisin ng bahay ni Jacob sa kanilang mga sarili ang pamatok, ang nagpaparatang na daliri, at ang pananalita ng kasamaan, kung nagbibigay sila para sa nagugutom at nagbibigay kasiyahan sa pangangailangan ng namimighati?
Kung gagawin nila ang mga bagay na ito sa gayon aangat ang kanilang liwanag sa kadiliman, at ang kanilang kadiliman ay magiging tulad ng katanghalian.
Isaiah 58:14
Ano ang mangyayari kung ang bahay ni Jacob ay bumalik sa ginagawa nila mula sa sarili nilang kasiyahan sa Araw ng Pamamahinga, tinatawag ang Araw Pamamahinga na isang kasiya-siya at tinawag na banal at pinarangalan ang mga gawain ni Yahweh?
Kung ginawa nila ito makikita nila ang kasiyahan kay Yahweh at sila ay kaniyang pasasakayin sa mga mataas na lugar ng daigdig. Sila ay maaaring pakainin ni Yahweh mula sa minana ni Jacob na kanilang ama.
Isaiah 59
Isaiah 59:1-2
Maaari ba tayong iligtas ni Yahweh? Naririnig niya ba tayo?
Ang kamay ni Yahweh ay hindi napakaigsi para hindi ito makapagligtas; ni ang kaniyang pandinig ay napakapurol, para hindi ito makarinig.
Bakit hindi dininig o iniligtas ni Yahweh ang bahay ni Jacob?
Ang kanilang mga masasamang kilos ang nakapaghiwalay sa kanila mula sa kanilang Diyos at dahil sa kanilang mga kasalanan nagawang maitago ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa kanila at sa pakikinig sa kanila.
Isaiah 59:3-6
Ano ang ilan sa mga nagawang kasalanan ng bahay ni Jacob na nakapaghiwalay sa kanila mula kay Yahweh?
Ilan sa mga kasalanan na nakapaghiwalay sa kanila mula kay Yahweh ay: Dinungisan nila ng dugo ang kanilang mga kamay. Sila ay nagsinungaling at nagsalita ng may malisya. Sila ay may mahalay na damdamin at sinungaling. Sila ay nagbuo ng kaguluhan.
Isaiah 59:7-13
Ano ang nangyayari sa mga naglalakbay sa likong mga landas?
Ang mga naglalakbay sa likong mga landas ay hindi nalalaman ang kapayapaan.
Isaiah 59:14-15
Ano ang nangyari sa kaniya na tumalikod mula sa masama?
Nagawa niyang isang biktima ang kaniyang sarili.
Ano ang nagpagalit kay Yahweh?
Ito ang nagpagalit kay Yahweh noong nakita niyang walang katarungan.
Isaiah 59:16
Ano ang ginawa ni Yahweh noong nakita niya na walang isa man ang namamagitan?
Noong nakita ni Yahweh na wala isa man para mamagitan, ang sarili niyang bisig ang nagdala ng kaligtasan para sa kaniya.
Isaiah 59:17-18
Pagkatapos ano ang ginawa ni Yahweh?
Isinuot niya ang pagkamatuwiran bilang isang baluti sa dibdib at isang helmet ng kaligtasan sa kaniyang ulo. Dinamitan niya ang kaniyang sarili ng mga kasuotan ng paghihiganti at nagsuot ng kasigasigan bilang isang panakip. Sila ay kaniyang pagbabayarin sa kanilang ginawa, galit ang paghatol sa kaniyang mga kaaway, paghihiganti para sa kaniyang mga kalaban, para sa mga isla ng kaparusahan bilang gantimpala nila.
Isaiah 59:19-20
Ano ang magiging bunga ng paghihiganti ni Yahweh sa kanilang nagawa?
Katatakutan nila ang pangalan ni Yahweh mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian mula sa pagsikat ng araw.
Sino ang isang manunubos na darating?
Isang manunubos ang darating sa Sion at para sa mga nagbago mula sa kanilang mga pagrerebeldeng gawain kay Jacob.
Isaiah 59:21
Ano ang tipan ni Yahweh sa kanila?
Ito ang tipan: Ang espiritu ni Yahweh na nasa inyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa inyong bibig, ay hindi iiwan ng inyong bibig, o lalabas sa bibig ng inyong mga anak, o lalabas sa bibig ng mga anak ng inyong mga anak mula sa panahon na ito at magpakailanman.
Isaiah 60
Isaiah 60:2-3
Kahit tatakpan ng kadiliman ang mundo, ano ang gagawin ni Yahweh sa Israel?
Angat si Yahwe sa kanila at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa kanila.
Sino ang darating sa liwanag ng Israel?
Mga bansa at hari ang darating sa kanilang liwanag.
Isaiah 60:4-7
Bakit pagmamasdan ng Israel at magiging maliwanag at ang kanilang puso ay nagagalak at nag-uumapaw?
Dahil ang kasaganaan ng dagat ay ibubuhos para sa kanila, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa kanila.
Isaiah 60:8-9
Sino ang mangunguna sa pagdadala ng mga anak na lalaki ng Israel mula sa malayo?
Ang mga barko sa Tarsis ang mangunguna.
Isaiah 60:10-11
Sino ang magtatayo muli ng lungsod ni Yahweh at sino ang maglilingkod sa kanila?
Ang mga anak na lalaki ng mga dayuhan ang magtatayong muli ng kanilang mga pader at ang mga hari ang maglilingkod sa kanila.
Bakit palaging mananatiling bukas ang mga tarangkahan ng lunsod?
Ang mga ito ay mananatiling bukas sa gayon maaaring maipasok ang kayamanan ng mga bansa.
Isaiah 60:12-14
Ano ang mangyayari sa mga bansa at kahariang iyon na hindi maglilingkod sa kanila?
Ang mga bansa at kahariang iyon ay maglalaho; sila ay ganap na wawasakin.
Isaiah 60:15-16
Ano ang gagawin ni Yahweh sa magiging Lungsod ni Yahweh?
Gagawin niyang maging isang bagay na maipagmamalaki magpakailanman, isang kagalakan mula sa mga salinlahi.
Isaiah 60:17-18
Ano ang hindi na kailanman maririnig sa lupain ng Sion?
Ang karahasan ay hindi na kailanman maririnig sa kanilang lupain, o ang pagkawasak, kahit mapanira sa loob ng kanilang mga hangganan.
Isaiah 60:19-20
Ano ang magbibigay liwanag sa lupain?
Si Yahweh ang kanilang magiging liwanag magpakailanman.
Isaiah 60:21-22
Gaano katagal aangkinin ng bayan ni Yahweh ang lupain?
Aangkinin nila ang lupain sa lahat ng panahon.
Gaano katagal para tuparin ni Yahweh ang mga bagay na ito?
Agad tutuparin ni Yahweh ang mga bagay na ito sa darating na panahon.
Isaiah 61
Isaiah 61:1-3
Bakit nasa kaniya ang espiritu ng Panginoong Yahweh?
Ang espiritu ay nasa kaniya dahil hinirang siya ni Yahweh.
Ano ang dahilan ni Yahweh na hinirang siyang gawin?
Siya ay hinirang ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita para sa mapagpakumbaba.
Ano yung unang tatlong bagay na ipinapagawa sa kaniya ni Yahweh noong siya ay ipinadala?
Ipinadala siya ni Yahweh para pagalingin ang sugatang-puso, ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, buksan ang bilangguan sa mga nakagapos.
Isaiah 61:4-5
Ano ang gagawin ng mga dayuhan sa Sion?
Sila ay tatayo at pakakainin ang mga kawan ng mga nasa Sion at ang mga anak na lalaki ng mga dayuhan ay magtatrabaho sa kanilang mga bukid at ubasan.
Isaiah 61:6-7
Ano ang itatawag sa mga nasa Sion?
Sila ay tatawaging mga pari ni Yahweh; mga lingkod ng Diyos.
Isaiah 61:8-9
Ano ang iniibig ni Yahweh at ano ang kaniyang kinamumuhian?
Iniibig ni Yahweh ang katarungan at kinamumuhian ang pagnanakaw at karahasang walang katarungan.
Isaiah 61:10-11
Ano ang nagawa ni Yahweh sa kaniya?
Binihisan siya ni Yahweh ng mga kasuotan ng kaligtasan at ng may balabal ng katuwiran.
Ano ang idudulot ng Panginoong Yahweh para sumibol sa harapan ng lahat ng mga bansa?
Siya ay magdudulot ng katuwiran at papuri para sumibol sa harapan ng lahat ng mga bansa.
Isaiah 62
Isaiah 62:1-2
Sino ang makakakita ng katuwiran at kaluwalhatian ng Sion?
Makikita ng mga bansa ang katuwiran ng Sion at makikita ng lahat ng mga hari ang kaniyang kaluwalhatian.
Isaiah 62:3-5
Ano ang hindi na kailanman nasabi sa Sion at sa kaniyang lupain?
Ang Sion ay hindi na kailanman tatawaging "Pinabayaan" at ang kaniyang lupain ay hindi na kailanman tatawaging "Malungkot."
Bakit ang Sion ay tatawaging "Ang aking kaluguran ay nasa kaniya" at ang lupain ng Sion ""Ang may asawa?"
Siya ay tatawagin sa mga bagay na iyon dahil nalulugod si Yahweh sa kaniya at ang kaniyang lupain ay ipakakasal.
Isaiah 62:6-7
Bakit inilagay ang mga bantay sa mga pader ng Jerusalem?
Sila ay inilagay doon para patuloy na magpaalala kay Yahweh, pinapahintulutan niyang walang pahinga hanggang muli niyang maitatag ang Jerusalem at gagawin itong isang papuri sa daigdig.
Isaiah 62:8-10
Ano ang ipinangako ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay at lakas ng kaniyang bisig?
Ipinangako niya na hindi na niya kailanman bibigyan ng butil ang Jerusalem bilang pagkain para sa kanilang mga kaaway, at ang mga dayuhan ay hindi iinom ng kaniyang bagong alak.
Isaiah 62:11-12
Ano ang ipinapahayag ni Yahweh sa mga dulo ng daigdig?
Ito ang ipinapahayag ni Yahweh: "Sabihin sa anak na babae ng Sion,"Pagmasdan, dumarating ang inyong tagapagligtas! Tingnan, dadalhin niya ang inyong gantimpala, at mauuna sa kaniya ang kaniyang gantimpala."
Isaiah 63
Isaiah 63:1-2
Ano ang kasuotan nang siyang dumarating mula sa Edom at paano siya dumating?
Siya ay nakasuot ng pulang maharlikang kasuotan at dumating na nagmamartsa ng may kumpiyansa.
Bakit nagmamartsa ng may kumpiyansa ang nagmula sa Edom?
Siya ay nagmamartsang ng may kumpiyansa dahil sa kanyang dakilang kalakasan.
Ano ang sabi ng nagmula sa Edom tungkol sa kanyang sarili?
Sabi niya siya ay nagsasalita ng katuwiran at siya ay may makapangyarihang kakayanan na magligtas.
Isaiah 63:3-4
Ano ang inaasam-asam ng nagmula sa Edom?
Inaasam-asam niya ang araw ng paghihiganti, at ang taon ng kanyang pagliligtas ay dumating na.
Isaiah 63:5-6
Meron bang sinumang nandoon para tumulong sa kanya na nagmula sa Edom?
Wala. Naghanap siya pero walang sinuman na makakatulong.
Ano ang ginawa sa mga mamamayan nitong siyang nagmula sa Edom?
Sa kanyang galit sila ay kanyang dinurog at sa kanyang poot nilasing niya ang mga mamamayan, at isinaboy ang kanilang dugo sa lupa.
Isaiah 63:7-8
Bakit at paano ipinakita ni Yahweh ang kanyang kahabagan sa bayan ng Israel.
Nagpakita siya ng pagkahabag sa kanila dahil sa kanyang awa at sa pamamagitan ng maraming gawa ng katapatan sa tipan.
Isaiah 63:9
Ano ang nangyari noong sinaunang panahon nang ang bayan ni Yahweh ay nagdusa?
Si Yahweh ay nagdusa din nang ang bayan ng Israel at nagdusa.
Sino ang nagligtas sa Israel noong sinaunang panahon?
Ang mensahero ng kanyang presensya ang nagligtas sa kanila noong sinaunang panahon.
Isaiah 63:10-14
Bakit siya naging kaaway nila?
Siya ay naging kaaway nila dahil sila ay nagrebelde at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu.
Isaiah 63:15-16
Ano ang pangalan ni Yahweh mula pa noong sinaunang panahon?
Ang kanyang pangalan mula pa noon sinaunang panahon ay "Ang Aming Tagapagligtas."
Isaiah 63:17-19
Ano ang reklamo at katanungan ng bayan ng Israel kay Yahweh?
Ang reklamo at katanungan nila ay, "Yahweh, bakit mo kami hinayaang maligaw mula sa iyong mga landas at tumigas ang aming mga puso kaya hindi ka namin sinusunod?"
Isaiah 64
Isaiah 64:1-2
Anong mangyayari kung malaman ng mga kaaway ni Yahweh ang kanyang pangalan
Ang mga bansa ay manginginig sa kanyang presensya.
Isaiah 64:3-5
Mula noong sinaunang panahon, mayroon bang sinuman nakarinig o nakakilala ng anumang Diyos maliban kay Yahweh na gumagawa ng mga bagay para sa mga naghihintay sa kanya?
Wala, walang sinuman ang nakarinig o nakakilala ng anumang Diyos na gumawa ng mga bagay para sa naghihintay sa kanya.
Isaiah 64:6-7
Ano ang katulad ng lahat ng mga matutuwid na mga gawa ng Israel?
Ang mga ito ay katulad ng isang pasador.
Bakit walang tumawag sa pangalan ni Yahweh at nagsikap na humawak sa kanya?
Ito ay dahil itinago ni Yahweh ang kanyang mukha sa kanila at pinabayaan sila sa kanilang mga kasalanan.
Isaiah 64:8-9
Sa ano inihahambing ng manunulat si Yahweh at ang mamamayan ng Israel?
Si Yahweh ay inihambing sa magpapalayok at ang ang mamamayan ng Israel ay inihambing sa putik.
Isaiah 64:10-12
Ano ang nangyari sa mga banal na lungsod ni Yahweh?
Ang mga banal na lungsod ni Yahweh ay naging ilang at ang Jerusalem isang desyerto.
Ano ang dalawang katanungan meron ang manunulat para kay Yahweh?
Ang dalawang katanungan ay, "Paano ka pa nakakapagpigil, Yahweh?" at "Paano mo nagagawang manatiling tahimik at nakapagpapatuloy na hiyain kami?"
Isaiah 65
Isaiah 65:1-2
Ano ang gusto ni Yahweh mula sa mga hindi humihingi at hindi naghahanap?
Gusto niyang siya ay matanggap at matagpuan ng mga hindi humihingi at hindi naghahanap.
Ano ang sinusunod ng mga taong matitigas ang ulo?
Sila ay sumunod sa sarili nilang mga kaisipan at plano.
Isaiah 65:3-5
Ano ang ibang mga paraan na mayroon ang mga taong ito na patuloy na sinasaktan ang damdamin ni Yahweh?
Patuloy nilang sinasaktan ang damdamin ni Yahweh dahil sila ay nag-aalay ng mga handog sa mga hardin at nagsusunog ng insenso sa mga altar ng gawa sa tisa. Umuupo sila sa mga libingan at nananatiling nakabantay buong gabi, at kumakain ng baboy na may sabaw ng maruming karne sa kanilang pinggan
Isaiah 65:6-8
Ano ang ginawa at gagawin ni Yahweh sa mga taong ito na matitigas ang ulo?
Sila ay kaniyang ginantihan at pagbabayarin para sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno.
Isaiah 65:9-11
Ano ang gagawin ni Yahweh para sa kanyang mga pinili?
Sila ang magmamay-ari ng lupain.
Isaiah 65:12
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga tumalikod sa kanya?
Sila ay itatakda niya para sa espada at sila ay yuyukod sa magkakatay.
Isaiah 65:13-16
Ano ang mangyayari sa mga lingkod ni Yahweh?
Sila ay kakain, iinom, magsasaya at sisigaw sa kagalakan
Ano pa ang mangyayari sa mga tumalikod kay Yahweh?
Sila ay magugutom at mauuhaw. Sila ay malalagay sa kahihiyan at iiyak sa sama ng loob, at mananaghoy dahil sa pagkadurog ng espiritu.
Isaiah 65:17-19
Ano ang lilikhain ni yahweh?
Si Yahweh ay lilikha ng bagong langit at bagong lupa.
Ano ang magiging tugon ng mga lingkod ni Yahweh sa bagong langit at bagong lupa?
Sila ay magagalak at magsasaya magpakailanman sa lilikhain ni Yahweh.
Isaiah 65:20-21
Ano ang gagawin ng mga tao sa bagong Jerusalem?
Magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan doon, at magtatanim sila ng ubasan at kakainin ang mga bunga nito.
Isaiah 65:22-23
Ilang mga araw mabubuhay ang mga tao
Sila ay mabubuhay ng matagal gaya ng buhay ng mga puno
Isaiah 65:24-25
Kailan maririnig at sasagutin ni Yahweh ang kanyang bayan sa bagong langit at bagong lupa?
Habang sila ay nagsasalita diringgin sila ni Yahweh at bago sila manalangin sila ay tutugunin niya.
Ano ang magiging kakaiba sa mga hayop na nasa lahat ng banal na bundok ni Yahweh?
Hindi na sasaktan at wawasakin ng mga hayop ang bawat isa. Ang mga asong-gubat at ang tupa ay magkasamang manginginain, ang mga leon ay kakain ng dayami tulad ng baka .
Isaiah 66
Isaiah 66:2
Sino ang lumikha ng langit at lupa?
Si Yahweh ang lumikha ng lahat ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay?
Anong uri ng tao ang sinasang-ayunan ni Yahweh?
Sinasang-ayunan ni Yahweh ang mga taong mapagpakumbaba at nagsisipagsisi, at ang mga nanginginig sa kanyang mga salita.
Isaiah 66:3-4
Anong mga halimbawa ang ibinigay ni Isaias para ipakita ang pagkukunwari ng mga tao?
Sabi ni Yahweh ang isang tao na pumapatay ng baka at pumapatay din ng isang tao; ang siyang nag-aalay ng isang tupa ay nag-aalay din ng patay na aso; ang siyang naghahandog ng isang butil ay naghahandog din ng dugo ng baboy; ang siyang naghahandog ng isang pang-alaalang insenso ay pinagpapala rin ng kasamaan.
Isaiah 66:5
Ano ang gagawin sa kanila ng mga kababayan ng mga nanginginig sa salita ni Yahweh?
Ang mga nanginginig sa salita ni Yahweh ay kapopootan at palalayasin ng mga kababayan nila.
Isaiah 66:6-9
Ano ang tunog na nagmumula sa lungsod at sa templo?
Ito ay tunog ng pagkakagulo sa labanan na nagmumula sa lungsod, ang tunog ng paghihiganti ni Yahweh sa kanyang mga kaaway.
Isaiah 66:10-11
Bakit ang lahat ng nagmamahal sa Jerusalem ay dapat makisaya at magalak para sa kanya?
Dapat tayong makisaya at magalak para sa Jerusalem dahil kayo ay sususo at masisiyahan; sa kanyang dibdib kayo ay magiginhawahan, dahil makakainom kayo ng lubos at masisiyahan kayo sa kasaganaan ng kanyang kadakilaan.
Isaiah 66:12-14
Ano na ang palalaganapin ni Yahweh sa Jerusalem?
Palalaganapin na ni Yahweh ang kasaganaan sa Jerusalem tulad ng isang ilog at ang kayamanan ng mga bansa tulad ng umaapaw na batis.
Isaiah 66:15-17
Ano ang gagamitin ni Yahweh para ipatupad ang paghatol sa sangkatauhan?
Gagamitin niya ang apoy at kanyang espada.
Isaiah 66:18-19
Bakit titipunin ni Yahweh ang lahat ng mga bansa at mga wika.
Titipunin ni Yahweh ang lahat ng mga bansa at mga wika para maari silang pumunta at makita ang kanyang kaluwalhatian at para yung ibang nakaligtas ay maaring bumalik sa kanilang mga bansa para ipahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh sa mga bansa.
Isaiah 66:20-21
Sino ang ibibigay bilang handog kay Yahweh?
Ang mga mamamayan ng Israel mula sa lahat ng mga bansa ay ibibigay bilang handog kay Yahweh.
Isaiah 66:22-23
Ano ang gagawin ng mga tao buwan-buwan at tuwing Araw ng Pamamahinga?
Lahat ng mamamayan ay pupunta at yuyukod kay Yahweh buwan-buwan at tuwing Araw ng Pamamahinga.
Isaiah 66:24
Ano ang mangyayari sa mga patay na katawan ng mga taong nagrebelde laban kay Yahweh?
Kakainin sila ng mga uod at lalamunin sila ng apoy.