Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Joshua

Joshua 1

Joshua 1:1-7

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Josue pagkatapos ng kamatayan ni Moises?

Sinabi ni Yahweh kay Josue na tatawid sa Jordan at pangunahan ang bayan ng Israel sa lupaing ibibigay sa kanila ni Yahweh.

Joshua 1:8-13

Ano ang hiniling ni Yahweh kay Josue na pagbubulay-bulayan nila sa araw at gabi?

Hiniling ni Yahweh kay Josue na pagbubulay-bulayan nila ang aklat ng batas sa araw at gabi.

Joshua 1:14-15

Ano ang sinabing gagawin ni Josue sa mga lipi ni Reuben, lipi ni Gad at kalahati sa lipi ni Manases ?

Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reuben, lipi ni Gad at kalahati sa lipi ni Manases na iiwan ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak at mga alagang hayop sa lupaing ibinigay ni Moises sa ibayo ng Jordan, ngunit ang mga kalalakihang mandirigma ay tatawid sa Jordan at tutulong sa kanilang mga kapatid na lalaki.

Joshua 1:16-18

Paano tumugon ang mga tao sa mga utos ni Josue?

Tumugon ang mga tao sa mga utos ni Josue sa pagsasabing gagawin nila kung ano ang sinabi niyang gawin at pupunta saan mang sasabihin niyang puntahan.

Joshua 2

Joshua 2:1-3

Saan nakahanap na matutuluyan ang dalawang espiya na mula sa Sittim noong ipinadala sila ni Josue upang magmanman sa lupain?

Nakahanap ng matutuluyan ang dalawang espiya sa bahay ng isang bayarang babae na nangngangalang Rahab.

Joshua 2:4-9

Ano ang ginawa ni Rahab sa dalawang espiya nang dumating ang mga tauhan ng hari na naghahanap sa kanila?

Nang dumating ang mga tauhan ng hari kay Rahab na naghahanap sa dalawang espiya, itinago niya sila.

Joshua 2:10-11

Ano ang sinabi ni Rahab na mga dahilan na naniwala siyang ibibigay ni Yahweh ang lupain sa mga Israelita?

Sinabi ni Rahab na naniwala siya na ibibigay ni Yahweh ang lupain sa mga Israelita dahil ang tubig sa Dagat na Pula ay tuyo na nagbigay daan sa kanilang pagtakas mula sa Ehipto, at nilipol nila ang mga hari ng Amoreo.

Joshua 2:12-13

Ano ang hiniling ni Rahab na gawin ng mga espiya?

Hiniling ni Rahab sa mga espiya na magpakita ng habag at iligtas siya at ang kaniyang pamilya kapag dumating sila para angkinin ang lupain.

Joshua 2:14-17

Ano ang ipinangako ng mga espiya kay Rahab?

Nangako ang mga espiya kay Rahab na magiging mahabagin at matapat sila sa kaniya kung hindi niya ipagsasabi ang kanilang pakay.

Joshua 2:18-22

Ano ang hiniling ng mga espiya kay Rahab na gawin upang maligtas?

Sinabi ng mga espiya kay Rahab na ilagay ang isang pulang lubid sa kaniyang bintana at tipunin ang kaniyang pamilya sa kaniyang bahay.

Joshua 2:23-24

Ano ang iniulat ng mga espiya kay Josue nang bumalik sila mula sa lungsod ni Rahab?

Sinabi ng mga espiya kay Josue ang lahat ng bagay na nangyari, at ibinibigay ni Yahweh ang lupaing iyon sa kanila.

Joshua 3

Joshua 3:5-16

Ano ang sinabi ni Josue na gagawin ni Yahweh sa bayan ng Israel sa araw na iyon ?

Sinabi ni Josue na gagawa si Yahweh ng "kamangha-manghang" bagay sa mga tao sa araw na iyon.

Joshua 3:17

Ano ang ginawa ng mga paring nagdadala ng kaban ng tipan habang tumatawid ang bayan?

Nanatili sa gitna ng Ilog Jordan sa tuyong lupa ang mga pari na nagdadala ng kaban ng tiban habang tumatawid ang bayan.

Joshua 5

Joshua 5:2-5

Ano ang iniutos ni Yahweh kay Josue na gawin sa mga batong kutsilyo?

Inutusan ni Yahweh si Josue para tuliin ang lahat ng lalaki sa Israel.

Joshua 5:6-9

Bakit inutusan si Josue na tuliin ang lahat ng lalaki sa Israel?

Inutusan si Josue na tuliin ang lahat ng lalaki ng Israel dahil ang mga kalalakihang isinilang sa panahon ng pagpaikut-ikot sa ilang ay hindi pa tinuli.

Joshua 5:10-11

Ano ang ipinagdiriwang ng bayan ng Israel sa ikalabing-apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico?

Ipinagdiriwang ng Israelita ang Paskua sa ikalabing-apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico.

Joshua 5:12

Ano ang huminto nang dumating sa araw na pagkatapos kainin ng bayan ng Israel ang bunga mula sa lupain?

Huminto ang pagdating ng manna sa araw na matapos kainin ng bayan ng Israel ang bunga mula sa lupain.

Joshua 5:13

Sino ang nakita ni Josue, na nakatayo sa kaniyang harapan malapit sa Jerico?

Nakita ni Josue ang isang lalaking may inilabas na espada sa kaniyang kamay.

Joshua 5:14-15

Ano ang sinabi ni Josue sa lalaking may inilabas na espada?

Sinabi ni Josue sa lalaking may inilabas na espada, "Para sa amin ka ba o para sa aming mga kaaway?"

Sino ang lalaking may inilabas na espada na siya ay nagsasabi?

Ang lalaking may inilabas na espada ay nagsabi kay Josue na siya ay namumuno ng hukbo ni Yahweh.

Joshua 6

Joshua 6:1-2

Ano ang ipinangako ni Yahweh kay Josue tungkol sa Jerico?

Ipinangako ni Yahweh kay Josue na ibibigay niya sa kaniyang kamay ang Jerico.

Joshua 6:3-4

Ilang beses maglalakad ang bayan ng Israel sa palibot ng mga pader ng Jerico sa unang anim na araw?

Maglalakad palibot ang mga kalalakihan ng Israel sa pader ng Jerico isang beses bawat araw sa loob ng amin na araw.

Joshua 6:5-9

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng mga tao sa ikapitong araw?

Sinabi ni Yahweh sa kalalakihan na maglakad sa palibot ng Jerico nang pitong beses sa ikapitong araw at magpatunog ang mga pari sa kanilang mga trumpeta.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari kung gagawin ito ng mga kalalakihan ng Israel at ng mga pari?

Sinabi ni Yahweh na guguho ang mga pader sa palibot ng Jerico kung gagawin ito ng kalalakihan at mga pari.

Joshua 6:10-16

Ano ang iniutos ni Josue sa mga tao na huwag gawin hanggang sa ikapitong araw?

Inutusan ni Josue ang mga tao na huwag sumigaw hanggang sa ikapitong araw.

Joshua 6:17-21

Sino ang sinabi ni Josue sa mga tao na hayaang mabuhay kapag ibibigay sa kanila ni Yahweh ang lungsod?

Sinabi ni Josue sa mga tao na hayaang mabuhay si Rahab at ang lahat ng kaniyang sambahayan dahil itinago niya ang mga espiya.

Joshua 6:22

Sino ang dinala palabas ng dalawang espiya sa lungsod bago ito sunugin?

Dinala palabas si Rahab ng dalawang espiya at lahat ng kaniyang pamilya bago nila winasak ang lungsod ayon sa ipinangako nilang gawin.

Joshua 6:23-25

Sino ang inilabas ng dalawang espiya mula sa siylungsod bago ito sunugin?

Dinala palabas si Rahab ng dalawang espiya at lahat ng kaniyang pamilya bago nila winasak ang lungsod ayon sa ipinangako nilang gawin.

Joshua 6:26-27

Ano ang sinabi ni Josue na mangyayari sa taong sumubok na itayo muli ang Jerico?

Sinabi ni Josue na isusumpa ang taong sumubok na itayo muli ang Jerico.

Joshua 7

Joshua 7:1-5

Bakit sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel?

Sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel dahil kumuha si Acan ng ilang mga bagay para sa kaniyang sarili na inilaan para sa pagkawasak.

Joshua 7:6-12

Ano ang ginawa ni Josue nang malaman niya ang pagkatalo ang kaniyang hukbo sa Ai?

Nang malaman ni Josue ang pagkatalo ang kaniyang hukbo sa Ai, pinunit niya ang kaniyang mga kasuotan, naglagay ng alabok sa kaniyang ulo, at dumapa sa harapan ng kaban.

Joshua 7:13-23

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Josue na gawin?

Sinabihan ni Yahweh si Josue na bumangon at ilaan ang mga tao na ibigay ang mga bagay na ihahandog para sa pagkawasak.

Joshua 7:24

Ano ang nangyari kay Achan?

Dinala si Achan, kaniyang pamilya, kaniyang mga baka, mga asno, tupa at tolda sa lambak ng Achor kung saan sila susunugin at batuhin.

Joshua 7:25-26

Ano ang nangyari kay Achan?

Dinala si Achan, kaniyang pamilya, kaniyang mga baka, mga asno, tupa at tolda sa lambak ng Achor kung saan sila susunugin at batuhin.

Joshua 8

Joshua 8:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Josue na gawin niya upang makuha ang lungsod ng Ai?

Sinabihan ni Yahweh si Josue na kunin ang lahat ng mga tao ng digmaan sa Ai at maglagay ng isang pananambang sa likod ng lungsod.

Joshua 8:3-7

Kailan ipinadala ni Josue ang tatlumpung libo na malalakas at matatapang na mga kalalakihan sa Ai?

Pinadala ni Josue ang tatlumpung malalakas at matatapang na kalalakihan sa Ai sa gabi.

Joshua 8:8-14

Ano ang gagawin ng mga kalalakihan ni Josue sa lungsod kapag nabihag nila ito?

Kapag nabihag ng mga kalalakihan ang lungsod, susunugin nila ito.

Joshua 8:15-17

Ano ang ginawa ng kalalakihan ng Ai nang lumayo ang hukbo ni Josue patungo ng ilang?

Tinugis ng mga kalalakihan ng Ai ang hukbo ni Josue nang lumayo sila patungo ng ilang, hanggang walang natirang tao sa lungsod.

Joshua 8:18-26

Ano ang sinabing hudyat ni Yahweh kay Josue na ibinigay kapag handa na siya para sa kaniyang hukbo upang kunin ang lungsod?

Sinabihan ni Yahweh si Josue na ituon ang sibat na nasa kaniyang kamay patungong Ai.

Joshua 8:27-28

Ano ang kinuha ng Israel mula sa lungsod ng Ai bago nila ito sinunog?

Kinuha ng Israel ang mga alagang hayop at ninakaw, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue.

Joshua 8:29-35

Ano ang ginawa ni Josue sa hari ng Ai?

Ibinitin ni Josue ang hari ng Ai sa isang puno at pagkatapos itinapon ang kaniyang katawan sa harap ng tarangkahan ng lungsod.

Joshua 9

Joshua 9:1-2

Ano ang ginawa ng mga hari na naninirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lugar upang makipagdigman kay Josue at Israel?

Ang mga haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lugar na nakipagsanib sa ilalim ng isang pamumuno upang talunin si Josue at Israel.

Joshua 9:3-13

Sino ang gumawa ng isang tusong plano?

Ang mga mamamayan ng Gabaon ang gumawa ng isang tusong plano.

Ano ang tusong plano?

Nagdala ang mga tao ng Gabaon ng mga lumang sako, mga lumang balat na sisidlan ng alak, mga tinagpiang sandalyas at nagsuot ng mga kupas na damit, nagsasabing nagmula sila sa isang napakalayong bansa at ninanais na gumawa ng isang kasunduan kay Josue dahil sa ginagawa ni Yahweh.

Joshua 9:14-15

Ano ang nabigong gawin ng mga Israelita?

Hindi sumangguni ang mga Israelita kay Yahweh para sa patnubay.

Joshua 9:16-17

Ano ang natuklasan ng mga Israelita tungkol sa mga tao na mula sa Gabaon pagkalipas ng ilang araw?

Natuklasan ng mga Israelita na ang mga taong nagmula sa Gabaon ay mga kapitbahay at naninirahan sa malapit.

Joshua 9:18-19

Bakit hindi sinalakay ng mga Israelita ang bayan ng Gabaon?

Hindi sinalakay ng mga Israelita ang bayan ng Gabaon sapagkat gumawa sila ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh.

Joshua 9:20-23

Bakit pinayagan ng mga Israelita ang bayan ng Gabaon na mabuhay?

Pinayagan ng mga Israelita ang bayan ng Gabaon na mabuhay sapagkat gumawa sila ng isang panata patungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh na payagan silang mabuhay.

Joshua 9:24-25

Anong dahilan ang ibinigay ng mga Gabaoneo kay Josue kung bakit nilinlang nila siya?

Sinabi ng mga Gabaoneo kay Josue na labis silang natakot para sa kanilang mga buhay.

Joshua 9:26-27

Ano ang nangyari sa mga Gabaoneo?

Inalis sila ni Josue mula sa kapangyarihan ng mga Israelita at ginawa silang mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig para sa sambayanan at sa altar ni Yahweh.

Joshua 10

Joshua 10:3-4

Ano ang ginawa ng hari ng Jerusalem na hingin sa ibang mga hari na para gawin?

Ang hari ng Jerusalem ay humingi sa ibang mga hari na pumunta sa kaniya at tulungan siya na salakayin ang Gabaon.

Joshua 10:5

Ano ang ginawa ng mga hari?

Pumunta sila at kasama ang lahat ng kanilang hukbo at sinalakay ang Gabaon.

Joshua 10:6-7

Ano ang ginawa ng mga tao ng Gabaon nang nakita nila ang lahat ng mga hari at ang kanilang mga hukbo?

Ang mga tao ni Gabaon ay nagpadala ng isang mensahe para kay Josue upang pumunta at iligtas sila.

Joshua 10:8-10

Ano ang sinabi ni Yahweh para kay Josue?

Sinabi ni Yahweh kay Josue na ang mga hari ay ibinigay sa kaniyang kamay.

Joshua 10:11

Papaano pinatay ni Yahweh ang karamihan sa mga kaaway?

Naghulog si Yahweh ng mga malalaking mga bato mula sa langit na nakapatay ng mas marami kaysa sa mga pinatay gamit ang espada sa kalalakihan ng Israel.

Joshua 10:12-19

Anong sinabi ni Josue kay Yahweh sa araw ng binigyan niya ng katagumpayan ang Israel?

Sinabi ni Josue kay Yahweh, "Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Aijalon."

Joshua 10:20-25

Ano ang nangyari sa mga hukbo ng mga hari?

Pinatay ng mga Israelita ang marami sa kanila. Mayroon ilan lamang mga tao ang nakatakas.

Joshua 10:26-39

Ano ang nangyari sa limang hari na nagtago sa kuweba ng Maceda?

Ang mga hari na nagtago sa loob ng kuweba ay dinala kay Josue, inatake at pinatay, ibinigti sa ibabaw ng limang puno hanggang sa paglubog ng araw, at pagkatapos itinapon sa loob ng kuweba.

Joshua 10:40-41

Ano ang ginawa ni Joshua at ang hukbo ng Israel sa lahat ng dako ng mga lupain sa burol ng lungsod, ang Negev, ang mga kapatagan at ang mababang burol?

Si Josue at ang hukbo ng Israel ay nasakop ang lahat ng hari walang iniwan kahit isang tao.

Joshua 10:42-43

Bakit matagumpay na sinakop ni Josue ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain?

Matagumpay na sinakop ni Josue ang mga haring ito at ang kanilang lupain sapagkat si Yahweh, Diyos ng Israel, ang nakipaglaban para sa Israel.

Joshua 11

Joshua 11:1-3

Ano ang ginawa ni Jabin, hari ng Hazor, nang marinig niya ang tungkol sa tagumpay ng mga Israelita sa Gabaon?

Nagpadala siya ng isang mensahe sa maraming hari sa rehiyon.

Joshua 11:4-5

Ano ang kahalintulad ng bilang nila?

Gaya ng buhangin sa dalampasigan ang bilang nila.

Joshua 11:6-9

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Josue na gagawin niya pagkatapos ng labanan?

Sinabi ni Yahweh kay Josue na pipilayan niya ang kanilang mga kabayo at sunugin ang kanilang mga karwahe.

Joshua 11:10-11

Ano ang ginawa ni Josue sa Hazor at sa hari nito?

Sinunog ni Josue ang lungsod at sinaksak ang hari ng kaniyang espada.

Joshua 11:12-13

Ano ang ginawa ni Josue sa natitirang mga hari at mga lungsod na nakipagdigmaan sa Israel?

Sinakop ni Josue ang mga hari at binihag sila, subalit hindi niya sinunog ang kanilang mga lungsod.

Joshua 11:14-23

Ano ang inutos ni Moises kay Josue na gawin?

Inutos ni Moises kay Josue na patayin ang bawat tao.

Joshua 12

Joshua 12:1-5

Ano ang ginawa ng mga Israelita sa lupain sa silangang bahagi ng Jordan?

Inangkin nila ang lupain sa silangang bahagi ng Jordan kung saan sumisikat ang araw.

Joshua 12:6

Sino ang nanguna sa bayan ng Israel habang tinalo nila ang mga tao sa silangang bahagi ng Jordan?

Pinangunahan sila ni Moises, ang lingkod ni Yahweh habang tinalo nila ang mga tao sa silangang bahagi ng Jordan.

Joshua 12:7-24

Sino ang nanguna sa bayan ng Israel habang tinalo nila ang mga tao sa silangang bahagi ng Jordan?

Pinangunahan sila ni Moises, ang lingkod ni Yahweh habang tinalo nila ang mga tao sa silangang bahagi ng Jordan.

Joshua 13

Joshua 13:1-5

Bakit sinabi ni Yahweh kay Jusue na mayroon paring mga lupain na sasakupin?

Sinabi ni Yahweh kay Jusue na mayroon paring mga lupain na sasakupin sapagkat matanda na si Jusue at puspos na ng mga taon.

Joshua 13:6-7

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jusue na gawin pagkatapos niyang itaboy ang mga naninirahan sa harapan ng mga hukbo ng Israel?

Sinabi ni Yahweh kay Jusue na magtalaga ng lupain sa Israel bilang isang pamana na iniuutos ni Yahweh.

Joshua 13:8-13

Saan natanggap ng iba at kalahating mga lipi ang kanilang pamana?

Natanggap ng mga kalahating lipi ni Manases, ang Rubenita at ang Gadita ang kanilang pamana sa silangang bahagi ng Jordan

Joshua 13:14-33

Kaninong lipi ang hindi binigyan ni Moises ng isang pamana?

Hindi binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Levi.

Anong pamana ang binigay ni Moises sa lipi ni Levi.

Ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Levi ay "Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na gawa sa apoy" bilang isang pamana.

Joshua 14

Joshua 14:10-11

Ilang taon na si Caleb nang pumunta siya kay Josue?

Walumpu't limang taong gulang na si Caleb nang pumunta siya kay Josue.

Joshua 14:12-15

Ano ang hiningi ni Caleb kay Josue?

Hiningi ni Caleb kay Josue ang maburol na lugar bilang isang pamana.

Joshua 15

Joshua 15:19-62

Ano ang ibinigay ni Caleb sa kaniyang anak na babae, si Acsa, nang humingi siya nito?

Ibinigay ni Caleb kay Acsa ang mataas at mababang mga bukal nang humingi siya.

Joshua 15:63

Anong mga taong hindi mapaalis sa Jerusalem ng lipi ni Juda?

Hindi mapaalis ang mga Jebuseo sa Jerusalem ng lipi ni Juda.

Joshua 16

Joshua 16:1-4

Ano ang dalawang liping pinag-usapan sa kabanata 16?

Ang lipi ni Jose at Efraim ang pinag-usapan sa kabanata 16.

Joshua 16:5-9

Ano ang dalawang lipi ang pinag-usapan sa kabanata 16?

Ang lipi ni Jose at Efraim ang pinag-usapan sa kabanata 16.

Joshua 16:10

Ano ang bayang hindi pinaalis ng mga lipi ni Efraim sa Gezer?

Ang mga Cananeo ang hindi nagawang paaalisin ng mga lipi ni Efraim sa Gezer.

Joshua 17

Joshua 17:1-12

Sino ang panganay ni Jose?

Si Manases ang panganay ni Jose.

Sino si Makir?

Si Makir ang panganay ni Manases at ama ni Galaad.

Joshua 17:13

Ano ang ginawa ng mga tao ng Israel sa mga Cananeo nang lumakas ang mga Israelita?

Nang lumakas ang bayan ng Israel, inilagay nila sa sapilitang pagtatrabaho ang mga Cananeo.

Joshua 17:14-18

Ano ang sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose kay Josue?

Sinabi ng kaapu-apuhan ni Jose kay Josue na hindi sapat ang maburol na lupain para sa kanilang bilang.

Joshua 18

Joshua 18:10

Ano ang ginawa ni Josue matapos bumalik sa kaniya ang mga kalalakihan tapos gumawa ng pagsusuri?

Nagpalabunutan ni Josue para sa kanila sa Silo sa harapan ni Yahweh nang nakabalik ang kalalakihan mula sa pagsusuri ng lupain.

Joshua 18:11-28

Sa pagitan ng anong dalawang lipi tinalagahan bilang isang pamana ang lipi ni Benjamin?

Tinalagahan ang lipi ni Benjamin bilang isang pamana ang lupain na nasa pagitan ng mga kaapu-apuhan ni Juda at sa mga kaapu-apuhan ni Jose.

Joshua 19

Joshua 19:1-9

Tumapat sa aling lipi ang ikalawang palabunutan?

Tumapat ang ikalawang palabunutan sa Simeon.

Joshua 19:10-16

Tumapat sa aling lipi ang ikatlong palabunutan?

Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ng Zebulun.

Joshua 19:17-23

Tumapat sa aling lipi ang ikaapat na palabunutan?

Tumapat ang ikaapat na palabunutan sa lipi ng Isacar.

Joshua 19:24-31

Tumapat sa aling lipi ang ikalimang palabunutan?

Tumapat ang ikalimang palabunutan sa lipi ng Aser.

Joshua 19:32-37

Tumapat sa aling lipi ang ikaanim na palabunutan?

Tumapat ang ikaanim na palabunutan sa lipi ng Neftali.

Joshua 19:38-39

Ilang lungsod ang kasama sa pamana ng lipi ng Neftali?

Kasama sa pamana ng lipi ng Neftali ang labing-siyam na lungsod.

Joshua 19:40-51

Sa aling lipi tumapat ang ikapitong palabunutan?

Tumapat ang ikapitong palabunutan sa lipi ng Dan.

Joshua 20

Joshua 20:4-8

Kanino at saan magpapaliwanag ng kaniyang usapin ang taong nakapatay ng kaniyang kapwa?

Tatayo ang taong nakapatay ng ibang tao sa pasukan ng lungsod-tarangkahan at magpapaliwanag ng kaniyang usapin sa mga nakatatanda ng lungsod na iyon.

Joshua 20:9

Ano ang gagawin ng napagbintangang tao sa lungsod-kanlungan upang maiwasan niyang mapatay ng isang gustong maghiganti sa pagdanak ng dugo?

Ang napagbintangan ay kailangang humarap muna sa kapulungan.

Joshua 21

Joshua 21:1-7

Sino ang nakiusap sa bayan ng Israel na bigyan sila ng mga lungsod upang tirahan at mga lupang pastulan para sa kanilang mga mga alagang hayop?

Nakiusap ang mga angkan ng mga Levita sa bayan ng Israel na bigyan sila ng mga lungsod upang tirahan at mga lupang pastulan para sa kanilang mga alagang hayop.

Joshua 21:8-40

Paano tiyakin ng bayan ng Israel ang mga siyudad at mga lupang pastulan na ibibigay sa mga Levita?

Tiniyak ng bayan ng Israel ang mga lungsod at mga lupang pastulan na ibibigay sa mga Levita sa pamamagitan ng palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh.

Joshua 21:41-45

Ilang lungsod ang ibinigay sa lahat ng Levita mula sa gitna ng lupang inangkin ng bayan ng Israel?

Apatnapu't walong lungsod, kalakip ang kanilang mga lupang pastulan, ang ibinigay sa mga Levita mula sa gitna ng lupain.

Joshua 22

Joshua 22:1-9

Aling lipi ang pinagpala ni Josue at pinabalik sa kanilang mga tolda sa lupain na sila ang may-ari?

Pinagpala ni Josue ang mga lipi ng lahi ng Reuben, Gad at kalahating lipi ni Manases, at pinabalik sila sa kanilang mga tolda sa lupain na sila ang may-ari.

Joshua 22:10-11

Ano ang ginawa ng lahi nina Reuben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa tabi ng Jordan na nagpagalit sa bayan ng Israel sa lupain ng Canaan?

Nagtayo ang mga lahi nina Reuben, Gad, at kalahating lipi ng Manases ng isang malaking altar sa gilid ng Jordan na nabibilang sa bayan ng Israel.

Joshua 22:12

Ano ang ginawa ng bayan ng Israel nang marinig nila ang tungkol sa altar?

Nagtipon-tipon ang bayan ng Israel sa Silo upang humayo at maglunsad ng digmaan laban sa mga liping iyon nang marinig nila ang tungkol sa altar.

Joshua 22:13-16

Anong mga mensahero ang ipinadala ng bayan ng Israel sa bayan ni Reuben, Gad at kalahating lipi ni Manases?

Ipinadala ng bayan ng Israel si Finehas, ang anak na lalaki ni Eleazar na pari, at sampung pinuno bilang mga mensahero para sa Reuben, Gad, at kalahating lipi ni Manases.

Joshua 22:17-25

Anong dalawang kasalanan ang binanggit ng mga mensahero ng bayan ng Israel sa bayan ni Reuben, Gad, at kalahating lipi ni Manases?

Binanggit ng mga mensahero ng bayan ng Israel ang kasalanan sa Peor na nagdulot ng isang salot, at ng paglabag ng pananampalataya ni Achan na nagdulot naman na bumagsak ang poot sa bayan ng Israel sa bayan ni Reuben, Gad at kalahating lipi ni Manases.

Joshua 22:26-29

Anong sinabi ng mga lipi nina Reuben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa mga mensahero ng bayan ng Israel?

Sinabi ng mga lipi nina Reuben, Gad, at kalahating lipi ni Manases sa mga mensahero ng Israel na itinayo nila ang altar, hindi para sa sinunog na mga handog o mga alay, ngunit bilang isang saksi sa pagitan nila at ng bayan ng Israel na kanilang gagawin ang paglilingkod kay Yahweh para makita ng mga hinaharap na mga salinlahi.

Joshua 22:30-33

Ang ang sinabi nina Finehas na pari at ng ibang mga mensahero tungkol sa mga salitang kanilang narinig mula sa mga lahi nina Reuben, Gad, at Manases?

Sinabi nina Finehas at ng ibang mga mensahero na ang mga salitang sinabi ng mga lahi nina Reuben, Gad, at Manases ay mabuti sa kanilang paningin.

Joshua 22:34

Ano ang ipinangalan ng mga lahi nina Reuben at Gad sa altar?

Pinangalanan ng mga lahi nina Ruben at Gad ang altar na "Saksi."

Joshua 23

Joshua 23:1-13

Ano ang ginawa ni Josue matapos binigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway?

Matapos binigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway, tinawag si Josue para sa buong Israel.

Joshua 23:14-15

Ano ang sinabi ni Josue na mangyayari sa kaniya?

Sinabi ni Josue na pupunta siya sa daan ng buong sanlibutan.

Joshua 23:16

Ano ang sinabi ni Josue na magdadala kay Yahweh ng lahat ng masamang bagay sa bayan ng Israel?

Sinabi ni Josue na magdadala si Yahweh ng lahat ng masamang bagay sa bayan ng Israel kung sisirain nila ang kasunduan ni Yahweh.

Joshua 24

Joshua 24:13-18

Ano ang mga bagay ang sinabi ni Yahweh sa bayan ng Israel sa mga salita ni Joshua?

Sa pamamagitan sa mga salita ni Joshua, sinabi ni Yahweh sa bayang Israel ang mga bagay na kaniyang nagawa para sa kanila mula kay Abraham hanggang sa pag-angkin sa pinangakong lupain.

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang ibinigay sa bayan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na kaniyang ibinigay sa bayan ng Israel ang lupain na alin ay hindi nila pinagtrabahuan, mga lungsod na hindi nila itinayo, at mga ubasan at mga halamang olibo na hindi nila itinanim.

Joshua 24:19-20

Paano sinagot ni Joshua ang bayan ng Israel?

Sinabihan ni Joshua ang bayan ng Israel na hindi nila maaring paglingkuran si Yahweh dahil sa kanilang mga pagkakasala at mga kasalanan.

Joshua 24:21-26

Ano ang katapusang sinabi ng bayan ng Israel kay Jushua?

Ang katapusang sinabi ng bayan ng Israel kay Joshua, "Hindi, sasambahin namin si Yahweh."

Joshua 24:27-33

Sa ano sinabi ni Joshua na ang bato ay magiging isang saksi?

Sinabi ni Joshua na ang bato ay magiging isang saksi laban sa mga Israelita dahil narinig nito ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh at ang bayan ng Israel.