Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

2 Corinthians

2 Corinthians 1

2 Corinthians 1:1-2

Sino ang sumulat ng liham na ito?

Sina Pablo at Timoteo ang sumulat ng liham.

Para kanino sinulat ang liham?

Ito ay sinulat para sa iglesia ng Diyos na nasa Corinto at sa lahat ng mga santo sa buong rehiyon ng Acaya.

2 Corinthians 1:3-7

Paano inilalarawan ni Pablo ang Diyos?

Inilalarawan ni Pablo ang Diyos bilang ang ama ng ating Panginoong Jesu Cristo, ang ama ng awa, at ang Diyos ng lahat ng kaaliwan.

Bakit tayo binibigyang aliw ng Diyos sa ating pagdadalamhati?

Binibigyang aliw niya tayo upang ating mabigyang aliw ang mga nagdadalamhati na tulad ng kung paano tayo binigyang aliw ng Diyos.

2 Corinthians 1:8-10

Anong kaguluhan ang naranasan ni Pablo at ng kanyang mga kasamahan sa Asya?

Sila ay lubusang nadurog higit pa sa kanilang makakayanan. Sila ay hinatulan ng kamatayan.

Ano ang dahilan ng pagkahatol ng kamatayan kina Pablo at kanyang mga kasamahan?

Ang pagkahatol ng kamatayan ay naging dahilan para hindi nila pagtiwalaan ang kanilang sarili sa halip pagtiwalaan nila ang Diyos

2 Corinthians 1:11

Paano sinabi ni Pablo sa mga iglesia sa Corinto kung paano sila makakatulong?

Sinabi ni Pablo sa mga iglesia sa Corinto na makakatulong sila sa pamamagitan ng kanilang panalangin.

2 Corinthians 1:12-14

Ano ang sinabi ni Pablo na ipinagmamalaki niya at ng kanyang mga kasamahan?

Ipinagmamalaki nila ang patotoo ng kanilang budhi, na kung saan namuhay sila sa mundo - at lalong lalo na sa pakikitungo sa iglesia ng Corinto - nang may kabanalan at katapatan na nagmumula sa Diyos, hindi naaayon sa makalupang katalinuhan kundi sa biyaya ng Diyos.

Ano ang pinagtitiwalaan ni Pablo na mangyayari sa araw ng ating Panginoong Jesus?

Tiwala si Pablo na sa araw na iyon siya at ang kanyang mga kasamahan ang magiging dahilan ng pagmamalaki ng mga mananampalataya sa Corinto.

2 Corinthians 1:15-20

Ilang ulit binalak ni Pablo na puntahan ang mga mananampalataya ng Corinto?

Binalak niyang puntahan sila nang dalawang beses.

2 Corinthians 1:21-22

Ano ang isang dahilan kung bakit ibinigay ni Cristo ang Espiritu sa ating puso?

Ibinigay niya ang Espiritu bilang katiyakan para sa kung anuman ang ibibigay niya sa atin kalaunan.

2 Corinthians 1:23-24

Bakit hindi pumunta si Pablo sa Corinto?

Hindi siya pumunta sa Corinto sa pagsasakaling maiwasang masaktan niya sila.

Ano ang sinabi ni Pablo na ginagawa at hindi ginagawa niya at ni Timoteo sa iglesia sa Corinto?

Sinabi ni Pablo na hindi nila sinisikap supilin kung ano ang dapat sa kanilang pananampalataya, ngunit gumagawa sila kasama ng iglesia sa Corinto para sa kanilang kagalakan.

2 Corinthians 2

2 Corinthians 2:1-2

Anong mga pangyayari ang sinisikap iwasan ni Pablo sa kanyang hindi pagpunta sa iglesia ng Corinto?

Iniiwasan ni Pablo na pumunta sa iglesiya ng Corinto sa gitna ng masasakit na mga pangyayari.

2 Corinthians 2:3-4

Bakit sumulat si Pablo tulad ng ginawa niya sa kanyang nakaraang liham sa iglesia sa Corinto?

Sumulat siya tulad ng ginawa niya para sa pagpunta niya sa kanila ay hindi siya masaktan ng mga dapat ay nagbibigay kagalakan sa kanya.

Nang naunang sumulat si Pablo, ano ang kalagayan ng kanyang pag-iisip?

Siya ay may matinding pighati na may pusong nagdadalamhati.

Bakit isinulat ni Pablo ang liham na ito sa iglesia sa Corinto?

Sumulat siya sa kanila upang malaman nila ang lalim ng kanyang pag-ibig para sa kanila.

2 Corinthians 2:5-7

Ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin ngayon ng mga santo sa Corinto sa taong pinarusahan nila?

Sinabi ni Pablo na dapat nilang patawarin at bigyan ng kaaliwan ang taong iyon.

Bakit sinabi ni Pablo na dapat patawarin at bigyang kaaliwan ng mga santo sa Corinto ang taong pinarushan nila?

Ito ay upang ang taong pinarusahan nila ay hindi magapi ng lubos na kalungkutan.

2 Corinthians 2:8-9

Ano ang isa pang dahilan na sumulat si Pablo sa iglesia ng Corinto?

Sumulat si Pablo sa kanila upang subukan sila at alamin kung sila ba ay masunurin sa lahat ng bagay.

2 Corinthians 2:10-11

Bakit mahalaga para sa iglesia sa Corinto na malaman na sinumang pinatawad nila ay pinatawad rin nina Pablo at sa harap ni Cristo.

Ito ay upang hindi sila malinlang ni Satanas.

2 Corinthians 2:12-13

Bakit walang kapayapaan si Pablo sa kanyang isipan nang siya ay pumunta sa lungsod ng Troas?

Wala siyang kapayapaan sa isipan sapagkat hindi niya makita ang kanyang kapatid na si Tito sa Troas.

2 Corinthians 2:14-15

Ano ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan?

Sa pamamagitan ni Pablo at ng kanyang mga kasamahan, ipinalaganap ng Diyos ang mabangong samyo ng kaalaman tungkol kay Cristo sa lahat ng dako.

2 Corinthians 2:16-17

Paano sinabi ni Pablo na siya at ang kanyang mga kasamahan ay naiiba sa maraming tao na ipinagbili ang salita ng Diyos para kumita?

Sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan ay naiiba sa paraan na nagsasalita sila nang may dalisay na hangarin, bilang mga sugo mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos, na nangungusap dahil kay Cristo.

2 Corinthians 3

2 Corinthians 3:1-3

Anong sulat ng tagubilin ang mayroon sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan?

Ang mga santo sa Corinto ang kanilang sulat ng tagubilin, na alam at nauunawaan ng lahat ng tao.

2 Corinthians 3:4-6

Anong tiwala na mayroon sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo?

Ang kanilang tiwala ay hindi sa kanilang sariling kakayahan kundi sa kasapatan na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Ano ang batayan ng bagong kasunduan na kung saan ginawang karapat-dapat ng Diyos sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan na maging mga lingkod?

Ang bagong kasunduan ay batay sa espiritu na nagbibigay buhay, at hindi sa sulat na pumapatay.

2 Corinthians 3:7-8

Bakit hindi makatingin nang tuwiran ang mga tao ng Israel sa mukha ni Moises?

Hindi sila makatingin nang tuwiran sa mukha niya dahil sa kaningningang mayroon sa kaniyang mukha, isang kaningningan na nawawala.

2 Corinthians 3:9-13

Ano ang mas may higit na kaluwalhatian, ang paglilingkod na may kahatulan o ang paglilingkod ng may katuwiran?

Ang paglilingkod ng katuwiran ay umaapaw ng mas higit sa kaluwalhatian.

2 Corinthians 3:14-16

Anong problema ang nananatili ngayon para sa bayan ng Israel kapag binabasa ang lumang kasunduan ni Moises?

Ang problema nila ay sarado ang kanilang mga isipan at may tabing sa kanilang mga puso.

Paano mabubuksan ang isipan ng Israel at maaalis ang tabing mula sa kanilang mga puso?

Mabubuksan lamang ang isipan at mawawala ang tabing ng Israel kung lalapit sila sa Panginoong Cristo.

2 Corinthians 3:17-18

Ano ang mayroon kasama ng Espiritu ng Panginoon?

Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, naroon ang kalayaan.

Patungo sa anong pagbabago ang lahat ng mga nakakakita ng kaluwalhatian ng Panginooon ?

Sila ay binabago patungo sa katulad na maluwalhating wangis mula sa isang antas ng kaluwalhatian papunta sa isa pa.

2 Corinthians 4

2 Corinthians 4:1-2

Bakit hindi pinanghinaan ng loob sina Pablo at ang kaniyang mga kasamahan?

Hindi sila pinanghinaan ng loob dahil sa ministeryo nila at dahil sa nakatanggap sila ng awa.

Ano ang mga kaparaanang tinalikuran nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan?

Tinalikuran nila ang mga kaparaanang kahiya-hiya at nakatago. Hindi sila namuhay sa katusuhan at hindi nila binaluktot ang salita ng Diyos.

Paano iminungkahi nina Pablo at ng mga katulad niya ang kanilang mga sarili para sa ikabubuti ng lahat sa harap ng Diyos?

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan.

2 Corinthians 4:3-4

Kanino nakakubli ang ebanghelyo?

Ito ay nakakubli sa mga napapahamak.

Bakit nakakubli ang ebanghelyo sa mga napapahamak?

Nakakubli ito sapagkat binulag ng diyos ng mundong ito ang kanilang hindi naniniwalang kaisipan kaya't wala silang kakayanang makita ang liwanag ng ebanghelyo.

2 Corinthians 4:5-6

Ano ang inihayag nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan tungkol kay Jesus at tungkol sa kanilang sarili?

Inihayag nila si Cristo Jesus bilang Panginoon at ang kanilang sarili bilang mga lingkod ng iglesia sa Corinto alang-alang kay Jesus.

2 Corinthians 4:7-12

Bakit mayroong kayamanan sa mga banga ng luwad sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan?

Mayroon sila ng kayamanan na ito sa mga banga ng luwad upang maging malinaw na ang lubhang dakilang kapangyarihan ay pag-aari ng Diyos at hindi sa kanila.

Bakit dinala nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan sa kanilang mga katawan ang kamatayan ni Jesus?

Dinala nila ang kamatayan ni Jesus sa kanilang mga katawan upang makita sa kanilang mga katawan ang buhay ni Jesus.

2 Corinthians 4:13-15

Sino ang muling bubuhayin at dadalhin sa harapan niya na siyang bumuhay muli sa Panginoong Jesus?

Sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan pati na ang mga mananampalataya sa Corinto ang dadalhin sa harapan niya na siyang bumuhay muli sa Panginoong Jesus.

Ano ang mangyayari bunga ng paglaganap ng biyaya sa maraming tao?

Habang lumalaganap ang biyaya sa maraming tao, madadagdagan ang pasasalamat sa ikaluluwalhati ng Diyos.

2 Corinthians 4:16-18

Bakit may dahilan sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan na panghinaan ng loob?

May dahilan sila na pangnhinaan ng loob dahil nanghihina ang kanilang katawang lupa.

Bakit hindi pinanghinaan ng loob sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan?

Hindi sila pinanghinaan ng loob dahil pinalalakas ang kanilang kalooban araw-araw. Inihahanda rin sila ng kanilang panandaliang gaan ng pagdadalamhati para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na higit sa lahat ng sukat. Panghuli, tumitingin sila sa mga di nakikitang mga bagay na walang hanggan.

2 Corinthians 5

2 Corinthians 5:1-3

Ano ang sinabi ni Pablo na mayroon pa din tayo kung masisira ang ating makalupang tinatahanan?

Sinabi ni Pablo na mayroon tayong tahanan mula sa Diyos, isang tahanang hindi ginawa ng kamay ng tao kundi isang walang hanggang tahanan, sa langit.

2 Corinthians 5:4-5

Bakit sinabi ni Pablo na tayo ay dumaraing habang tayo ay nasa toldang ito?

Sinabi ito ni Pablo dahil habang nasa toldang ito, tayo ay nabibigatan at nais nating madamitan, upang ang katawang mamamatay ay lulunin ng buhay.

Ano ang ibinigay sa atin ng Diyos bilang katibayan ng kung ano ang darating?

Ibinigay ng Diyos sa atin ang Espiritu bilang isang pangako sa kung ano ang darating.

2 Corinthians 5:6-8

Mas pipiliin pa ba ni Pablo na iwanan ang katawan niya o manirahan kasama ng Panginoon?

Sinabi ni Pablo, "mas gugustuhin pa namin na iwanan ang katawang ito at manirahan kasama ng Panginoon".

2 Corinthians 5:9-10

Ano ang layunin ni Pablo?

Ginawang layunin ni Pablo na maging kalugud-lugod sa Panginoon.

Bakit ginawang layunin ni Pablo na maging kalugud-lugod sa Panginoon?

Ginawang layunin ito ni Pablo sapagkat lahat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo upang tanggapin kung ano ang nararapat sa mga bagay na ginawa sa katawan, maging mabuti man o masama.

2 Corinthians 5:11-12

Bakit hinikayat nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan ang mga tao?

Hinikayat nila ang mga tao sapagkat alam nila ang takot sa Panginoon.

Sinabi ni Pablo na hindi nila muling iminumungkahi ang kanilang sarili sa mga santo sa Corinto. Ano ang kanilang ginagawa?

Binibigyan nila ang mga santo sa Corinto ng isang dahilan para ipagmalaki ang mga santo sa Corinto, upang magkaroon sila ng maisasagot sa mga nagmamalaki sa mga nakikita ngunit hindi tungkol sa kung ano ang nasa puso.

2 Corinthians 5:13-15

Dahil sa si Cristo ay namatay para sa lahat, ano ang dapat gawin ng mga nabubuhay?

Sila ay hindi na dapat mamuhay para sa kanilang mga sarili kundi para sa kanya na namatay at muling binuhay.

2 Corinthians 5:16-17

Sa anong pamantayan hindi na dapat husgahan ng mga santo ang sinuman?

Hindi na huhusgahan ng mga santo ang sinuman ayon sa pantaong pamantayan.

Bakit sinabi ni Pablo na hindi na natin huhusgahan ang sinuman ayon sa maka-taong pamantayan?

Ito ay dahil sa namatay si Cristo para sa lahat, at hindi na tayo namumuhay para sa sarili kundi para kay Cristo.

Ano ang nangyayari sa sinumang na kay Cristo?

Siya ay bagong nilalang. Ang luma ay lumipas na; ito ay naging bago na.

2 Corinthians 5:18-19

Kapag ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo ay ipinagkakasundo ang mga tao sa kaniya, ano ang ginagawa ng Diyos para sa kanila?

Hindi binibilang ng Diyos laban sa kanila ang kanilang mga makasalanang pagkatisod at ipinagkakatiwala niya sa kanila ang mensahe ng pakikipagkasundo.

2 Corinthians 5:20-21

Bilang itinalagang mga kinatawan ni Cristo, ano ang pakiusap nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan sa mga taga Corinto?

Ang kanilang pakiusap sa mga taga-Corinto ay na makipagkasundo sila sa Diyos alang-alang kay Cristo.

Bakit ginawa ng Diyos si Jesus na handog para sa ating mga kasalanan?

Ginawa ito ng Diyos upang kay Cristo tayo ay maging katuwiran ng Diyos.

2 Corinthians 6

2 Corinthians 6:1-3

Ano ang minakaawa nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan sa mga taga-Corinto na huwag gawin?

Minakaawa nila sa mga taga- Corinto na huwag tanggapin ang biyaya ng Diyos na parang walang bisa.

Kailan ang kanais-nais na panahon? Kailan ang araw ng kaligtasan?

Ngayon ang kanais-nais na panahon. Ngayon ang araw ng kaligtasan.

Bakit hindi naging balakid sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan sa harap ng sinuman?

Hindi sila naging balakid sa harap ng sinuman sapagkat ayaw nilang mabahiran ng kasiraan ang kanilang paglilingkod.

2 Corinthians 6:4-7

Ano ang pinatunayan ng mga ginawa nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan?

Pinatunayan ng mga ginawa nila na sila ay mga lingkod ng Diyos.

Ano ang ilan sa mga bagay na tiniis nina Pablo at ng kanyang mga kasamahan?

Tiniis nila ang maraming pagdadalamhati, kahirapan, pangamba, pambubugbog, hapis, pagkabilanggo, pag-aaway away, pagtatrabaho nang labis, magdamag na walang tulog at gutom.

2 Corinthians 6:8-10

Kahit na matapat sina Pablo at ang kanyang mga kasamahan, ano ang ibinintang sa kanila?

Sila ay pinagbintangan na nagsisinungaling.

2 Corinthians 6:11-13

Anong pagpapalitan ang nais ni Pablong gawin sa mga taga-Corinto?

Sinabi ni Pablo na maluwag na bukas ang kanilang puso sa mga taga-Corinto at bilang kapalit, nais ni Pablo na buksan din nang maluwag ng mga santo sa Corinto ang kanilang mga puso kina Pablo at kanyang mga kasamahan.

2 Corinthians 6:14-16

Anong mga dahilan ang ibinigay ni Pablo kung bakit hindi dapat matali sa mga di-mananampalataya ang mga santo ng Corinto?

Ibinigay ni Pablo ang mga sumusunod na dahilan: Anong pakikihalubilo mayroon ang matuwid sa walang katuwiran? Mayroon bang pagsasamahan ang liwanag sa kadiliman? Maari bang makipagkasundo si Cristo kay Belial? Anong bahagi mayroon ang mga sumasampalataya sa mga hindi sumasampalataya? Maaari bang magkaroon ng pakikipagkasundo ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan?

2 Corinthians 6:17-18

Ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin niya para sa mga "Lumayo sa kanila at humiwalay kayo, at huwag humawak sa maruming bagay..."?

Sinabi ng Panginoon na tatanggapin niya sila. Siya ay magiging isang Ama sa kanila at sila ay magiging mga anak niyang lalaki at mga anak na babae.

2 Corinthians 7

2 Corinthians 7:1

Ayon kay Pablo, mula sa ano dapat nating linisin ang ating mga sarili?

Dapat nating linisin ang ating mga sarili mula sa lahat ng nagpaparumi sa ating katawan at espiritu.

2 Corinthians 7:2-4

Ano ang nais ni Pablo na gawin ng mga taga-Corinto para sa kanya at sa kanyang mga kasamahan?

Nais ni Pablo na "Patuluyin ninyo kami!"

Anong mga salita na nagpapalakas ng loob ang mayroon si Pablo para sa mga santo sa Corinto?

Sinabi ni Pablo sa mga santo sa Corinto na sila ay nasa puso niya at ng kanyang mga kasamahan, upang sila ay mamamatay nang magkakasama at mabubuhay nang magkakasama. Sinabi rin ni Pablo na malaki ang kanyang tiwala sa kanila, at na ipinagmamalaki niya sila.

2 Corinthians 7:5-7

Anong aliw ang ibinigay ng Diyos kina Pablo at sa kaniyang mga kasamahan nang sila ay makarating sa Macedonia at nabagabag sa lahat na paraan - kaguluhan sa panlabas at takot sa kalooban?

Sila ay binigyang aliw ng Diyos sa pamamagitan ng pagdating ni Tito, sa pamamagitan ng ulat ng aliw na natanggap ni Tito mula sa mga santo sa Corinto, sa lubos nilang pagmamahal, sa kanilang kalungkutan at sa kanilang lubos na pag-aalala kay Pablo.

2 Corinthians 7:8-10

Ano ang bunga ng nakaraang sulat ni Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto?

Nakaranas ng kalungkutan ang mga santo sa Corinto, isang maka-Diyos na kalungkutan bilang tugon sa nakaraang sulat ni Pablo.

Ano ang ibinunga sa mga santo sa Corinto ng maka-Diyos na kalungkutan?

Ang kalungkutan ay nagbunga sa kanilang pagsisisi.

2 Corinthians 7:11-12

Ano ang ibinunga sa mga taga-Corinto ng maka-Diyos na kalungkutan?

Ang maka-Diyos na kalungkutan ay nagdala sa kanila ng pagsisisi at isang matibay na hangarin upang patunayan na wala silang kasalanan.

Bakit sinabi ni Pablo na isinulat niya ang kanyang nakaraang liham sa mga santo sa Corinto?

Sinabi ni Pablo na siya ay sumulat upang ipagbigay alam sa mga santo sa Corinto ang lubos na pagmamalasakit ng mga santo sa Corinto para kina Pablo at mga kasamahan niya sa paningin ng Diyos.

2 Corinthians 7:13-14

Bakit nagalak si Tito?

Siya ay nagalak dahil muling napalakas ng mga santo sa Corinto ang kanyang espiritu.

2 Corinthians 7:15-16

Bakit lalong lumaki ang pagmamahal ni Tito para sa mga santo sa Corinto?

Ang pagmamahal ni Tito para sa mga santo sa Corinto ay lalong umigting habang naaalala niya ang kanilang pagiging masunurin sa lahat ng mga santo sa Corinto habang tinanggap nila siya nang may takot at panginginig.

2 Corinthians 8

2 Corinthians 8:1-5

Ano ang nais ni Pablo na malaman ng mga kapatid na lalaki at kapatid na babae sa Corinto?

Nais ni Pablo na malaman nila ang tungkol sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa mga iglesia sa Macedonia.

Ano ang ginawa ng mga iglesia sa Macedonia sa panahon ng isang matinding pagsubok ng pagdurusa sa kabila ng sila ay lubos na mahihirap?

Nagpakita sila ng matinding kasaganaan sa kanilang kagandahang loob.

2 Corinthians 8:6-9

Ano ang ipinakiusap ni Pablo na gawin ni Tito?

Ipinakiusap ni Pablo na kumpletuhin ni Tito ang gawain ng biyayang ito ng mga santo sa Corinto.

Sa anung bagay pa sumagana ang mga santo sa Corinto?

Sumagana sila sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa lahat ng kasipagan, at sa kanilang pag-ibig para kay Pablo..

2 Corinthians 8:10-12

Ano ang sinabi ni Pablo na maganda at katanggap-tanggap na bagay?

Sinabi ni Pablo na maganda at katanggap-tanggap na bagay para sa mga santo ng Corinto na maging masigasig sa gawaing iyon.

2 Corinthians 8:13-15

Nais ba ni Pablo na ang gawaing ito ay maisagawa upang magaanan ang iba at ang mga santo sa Corinto ay mabigatan?

Hindi. Sinabi ni Pablo na ang kasaganaan ng mga taga-Corinto sa panahong iyon ay makapagtutustos ng kanilang mga pangangailangan. Ganun din, ang kanilang kasaganaan ay maaaring makapagtustos sa mga pangangailangan ng mga santo sa Corinto at sa ganun ay magkaroon ng pagkakapantay-pantay .

2 Corinthians 8:16-19

Ano ang ginawa ni Tito pagkaraang ilagay ng Diyos sa kanyang puso ang katulad na taimtim na malasakit na mayroon si Pablo para sa mga santo sa Coriinto?

Tinanggap ni Tito ang panawagan ni Pablo sa kanya at sa kanyang pagiging napaka-taimtim tungkol dito, kusang loob na pumunta siya sa mga santo sa Corinto.

2 Corinthians 8:20-21

Ano ang pinag-iingatang iwasan ni Pablo sa kanyang mga ginagawa tungkol sa gawain ng kagandahang loob na ito?

Nag-iingat si Pablo na hindi bigyan ang sinuman ng dahilan para magreklamo tungkol sa kagandahang loob na ito.

2 Corinthians 8:22-24

Ano ang sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto tungkol sa mga kapatid na ipinadala sa kanila ng ibang mga iglesia?

Sinabihan ni Pablo ang iglesia sa Corinto na pakitaan sila ng pag-ibig, at ipakita sa kanila kung bakit ipinagmamalaki ni Pablo ang iglesia sa Corinto sa gitna ng ibang mga iglesia.

Ano ang ginawa nina Pablo at ibang mga santo upang iwasan ang kaganapan na may mahanap na dahilan ang sinuman na ireklamo tungkol sa masaganang kaloob na nililikom nila?

Ipinadala nina Pablo at ibang mga santo hindi lamang si Tito, kundi pati na ang isa pang kapatid na pinuri sa lahat ng mga iglesia dahil sa kanyang gawain sa pagpapahayag ng ebanghelyo. Ang kapatid na ito at at isa pang subok na kapatid ay tutulong din na dalhin ang kaloob (itong gawain ng biyaya).

2 Corinthians 9

2 Corinthians 9:1-2

Tungkol saan ang sinabi ni Pablo na hindi kinakailangan isulat sa mga banal sa Corinto?

Sinabi ni Pablo hindi kinakailangan na isulat sa kanila ang tungkol sa pangangasiwa para sa mga banal.

2 Corinthians 9:3-5

Bakit pinadala ni Pablo ang mga kapatid sa Corinto?

Pinadala niya ang mga kapatid upang ang kanyang pagmamalaki tungkol sa mga banal sa Corinto ay hindi mawalan ng saysay, at upang ang mga banal sa Corinto ay maging handa, tulad ng sinabi ni Pablo na sila ay magiging.

Bakit inisip ni Pablo na kailangan na igiit sa mga kapatid na pumunta sa mga banal sa Corinto at gumawa ng paunang pagsasaayos para sa regalo na ipinangako ng mga Corinto?

Naisip ni Pablo na kailangan niya at ng kanyang mga kasama na pumunta para hindi mapahiya kung dumating ang mga taga-Macedonia na kasama ni Pablo at matagpuan na ang mga taga-Corinto ay hindi handa. Gusto ni Pablo na ang mga taga-Corinto ay maging handa sa walang bayad na regalo na inalay at hindi dahil ang mga taga-Corinto ay pinilit magbigay.

2 Corinthians 9:6-9

Ano ang punto sa sinabi ni Pablo sa kanilang pagbibigay?

Ang punto na sinabi ni Pablo dito ay ito: "Ang isang magtatanim ng kaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang sinuman na magtatanim ng sagana ay mag-aani din ng sagana."

Paano dapat magbigay ang bawat isa?

Ang bawat isa ay magbibigay ayon sa pasiya ng kanyang puso - hindi dahil sa pananagutan o malungkot kung siya ay nagbibigay.

2 Corinthians 9:10-11

Ano ang gagawin ng nagbigay ng binhi para sa manghahasik at tinapay para sa pagkain ng mga banal sa Corinto?

Siya ay magbibigay at magpaparami ng kanilang binhi para sa pag-aani at pagpapalago ng ani para ng kanilang katuwiran. Sila ay magiging masagana sa lahat ng pamamaraan para sila ay maging mapagbigay.

2 Corinthians 9:12-15

Paano niluwalhati ng mga banal sa Corinto ang Diyos?

Niluwalhati nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa pagpapahayag sa Ebanghelyo ni Cristo, at ang kanilang masaganang handog.

Bakit nanabik ang mga banal sa Corinto habang ipinapanalangin sila?

Nanabik sila sa kanila dahil sa lubhang umaapaw na dakilang biyaya ng Diyos sa mga taga-Corinto.

2 Corinthians 10

2 Corinthians 10:1-2

Ano ang pinakiusap ni Pablo sa mga banal sa Corinto?

Pinaikausap ni Pablo sa kanila na kapag siya ay nasa harapan nila, hindi niya kailangang maging matapang na may tiwala sa sarili.

Sa anong pagkakataon inisip ni Pablo na kailangan niya na maging matapang na may tiwala sa sarili?

Inisip ni Pablo na kailangan niya na maging matapang na may tiwala sa sarili nang tinutulan niya ang mga nag-aakala na siya at kanyang mga kasama ay namumuhay ng ayon sa laman.

2 Corinthians 10:3-6

Noong nakipaglaban si Pablo at kanyang mga kasama, anong uri ng sandata ang hindi nila ginamit?

Si Pablo at ang kanyang mga kasama ay hindi gumamit ng panlaman na mga sandata noong sila ay nakipaglaban.

Ano ang kayang gawin ng mga sandatang ginamit ni Pablo?

Ang mga sandata na ginamit ni Pablo ay may banal na kapangyarihan na kayang sumira ng mga matibay na tanggulan.

2 Corinthians 10:7-8

Sa anong dahilan ibinigay ng Diyos kay Pablo at sa kanyang mga kasama ang kapangyarihan?

Ang Diyos ay nagbigay kay Pablo at sa kanyang mga kasamahanan ng kapangyarihan upang pagtibayin ang mga banal sa Corinto at hindi upang wasakin sila.

2 Corinthians 10:9-10

Ano ang mga sinasabi ng ilang mga tao tungkol kay Pablo at sa kanyang mga sulat?

Ang ilan ay nagsasabi na ang sulat ni Pablo ay lubhang mahalaga at makapangyarihan, ngunit ang kanyang katawan ay mahina at ang kanyang mga salita ay hindi karapat-dapat na pakinggan.

2 Corinthians 10:11-12

Ano ang sinabi ni Pablo sa mga nag-iisip na siya ay sobrang kakaiba sa personal kaysa sa nakasulat sa kanyang liham?

Sinabi ni Pablo na ang kanyang sinabi sa pamamagitan ng kanyang liham noong siya ay malayo ay katulad sa kanyang gagawin noong siya ay kasama ng mga banal sa Corinto.

Ano ang ginawa ng mga pumuri sa kanilang mga sarili para ipakita na wala silang kaalaman?

Ipinakita nila na wala silang kaalaman dahil sinukat nila ang kanilang mga sarili sa isa't-isa at inihambing ang kanilang mga sarili sa bawat isa.

2 Corinthians 10:13-16

Ano ang mga limitasyon ng pagmamalaki ni Pablo?

Sinabi ni Pablo na ang kanilang pagmamalaki ay mananatili sa pook na naitalaga ng Diyos sa kanila, at umaabot pa ng kasing layo ng mga taga-Corinto. Sinabi ni Pablo na hindi sila magmamalaki patungkol sa trabaho ng iba, patungkol sa mga gawain na tinatapos sa ibang pook.

2 Corinthians 10:17-18

Sino ang isa na sinang-ayunan?

Kung sino ang sinang-ayunan ay siya rin ang sinang-ayunan ng Panginoon.

2 Corinthians 11

2 Corinthians 11:1-2

Bakit nagkaroon ng maka-Diyos na pagseselos si Pablo sa mga banal sa Corinto?

Siya ay nagselos sa kanila dahil ipinangako sila na ikasal sa isang asawa, para iharap sila na dalisay na birhen kay Cristo.

2 Corinthians 11:3-6

Ano ang pinangangambahan ni Pablo patungkol sa mga banal sa Corinto?

Si Pablo ay nangangamba na ang kanilang kaisipan ay humantong sa pagkaligaw mula sa tapat at dalisay na dedikasyon kay Cristo.

Ano ang pinahintulutan ng mga banal sa Corinto?

Pinahintulutan nila ang pagdating ng iba at nagpapahayag ng ibang Jesus, ibang Ebalhelyo kaysa sa ipinangaral ni Pablo at kanyang mga kasama.

2 Corinthians 11:7-11

Paano ipinangaral ni Pablo ang Ebanghelyo sa mga taga-Corinto?

Ipinangaral ni Pablo ng walang bayad ang Ebanghelyo sa mga taga-Corinto.

Paano "ninakawan" ni Pablo ang ibang mga iglesya?

"Ninakawan" niya sila sa pamamagitan ng pagtanggap ng tulong sa kanila upang ang mga taga-Corinto ay kanyang mapaglingkuran.

2 Corinthians 11:12-13

Paano nilalarawan ni Pablo ang mga gustong makita na kapantay niya at ng kanyang mga kasama sa mga bagay na ipinagmamalaki nila?

Nilarawan ni Pablo na ang ganoong mga tao bilang hindi totoong apostol, mapaglinlang na mga manggagawa, nagbabalat-kayo na apostol ni Cristo.

2 Corinthians 11:14-15

Paano nagbabalat-kayo si Satanas?

Nagbabalat-kayo siya bilang anghel ng liwanag.

2 Corinthians 11:16-18

Bakit hiniling ni Pablo sa mga banal sa Corinto na tanggapin siya tulad ng isang hangal?

Hiniling ni Pablo na tanggapin siya na tulad ng isang hangal upang siya ay makapagmalaki ng kaunti.

2 Corinthians 11:19-21

Kanino sinabi ni Pablo na ang mga banal sa Corinto ay masayang nagtitiyaga?

Sinabi ni Pablo na masaya silang nagtitiyaga sa mga mangmang, sa umalipin sa kanila, sa nagdulot ng pagkakahati-hati nila, sa nanlamang sa kanila, sa nagmalaki sa kanila o sa sumampal sa kanilang mukha.

2 Corinthians 11:22-23

Ano ang mga pinagmamalaki ni Pablo sa kanyang sarili na inihahambing niya sa mga gustong makita na kapantay niya para sila ay makapagmalaki?

Pinagmamalaki ni Pablo na siya ay isang Hebreo, Israelita at kaapu-apohan ni Abraham katulad ng mga umaangkin na katulad ni Pablo. Sinabi ni Pablo na mas higit siyang alipin ni Cristo kaysa sa kanila - higit sa mahirap na trabaho, sa mas maraming bilangguan, nakaranas ng hindi mabilang na pamamalo, humarap sa mga panganib ng kamatayan.

2 Corinthians 11:24-26

Ano ang mga tiyak na panganib na tiniis ni Pablo?

Si Pablo ay nakatanggap ng limang "apatnapung latigo bawas ng isa" mula sa mga Judio. Tatlong beses siya na pinalo ng tungkod. Minsan siya ay pinagbabato. Tatlong beses na nawasakan ng barko. Magdamag at buong araw na nasa karagatan. Siya ay nasa panganib sa ilog, sa mga magnanakaw, sa kanyang sariling mga tao, at sa mga Hentil. Siya ay nasa panganib sa lungsod, sa ilang, sa karagatan at sa mga mapagpanggap na mga kapatid. Si Pablo ay nanganib din sa gobernador ng Damasco.

2 Corinthians 11:27-29

Ayon kay Pablo, ano ang dahilan ng pag-aalab sa kanyang kalooban?

Ang isang nagdudulot ng pagkahulog ng iba sa kasalanan ang nagpapa-alab ng kalooban ni Pablo.

2 Corinthians 11:30-33

Ano ang sinabi ni Pablo na kanyang ipagmamalaki, kung kailangan niyang magmalaki?

Sinabi ni Pablo na ipagmamalaki niya ang nagpakita ng kanyang mga kahinaan.

2 Corinthians 12

2 Corinthians 12:1-5

Tungkol saan ang sinasabi ni Pablo na kanyang ipagyayabang ngayon?

Sinabi ni Pablo na patuloy niyang ipagyayabang ang tungkol sa mga pangitain at mga pahayag na galing sa Panginoon.

Ano ang nangyari sa lalaking na kay Cristo labing-apat na taon na ang nakaraan?

Siya ay dinala sa ikatlong langit.

2 Corinthians 12:6-7

Bakit nasabi ni Pablo na hindi naman kahangalan sa kanya kung siya ay nagyabang?

Sinabi ni Pablo na hindi naman kahangalan para sa kanya ang magyabang sapagkat nagsasabi siya ng katotohanan.

Ano ang nangyari kay Pablo para makaiwas siya na mapuno ng pagmamalaki?

Si Pablo ay binigyan ng isang tinik sa kanyang laman, isang mensahero mula kay Satanas upang siya ay guluhin.

2 Corinthians 12:8-10

Ano ang sinabi ng Panginoon kay Pablo pagkatapos niyang hilingin na tanggalin ang tinik sa kanyang laman?

Sinabi ng Panginoon kay Pablo, "Ang aking biyaya ay sapat sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging ganap sa kahinaan".

Bakit sinabi ni Pablo na mas mabuti pang ipagyabang ang tungkol sa kanyang kahinaan?

Sinabi ni Pablo na mas mabuti ito upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manahan sa kanya.

2 Corinthians 12:11-13

Ano ang ginawa sa kalagitnaan ng mga taga Corinto ng buong katiyagaan?

Mga palatandaan at mga kahangahanga at mga dakilang gawa, ang mga tunay na palatandaan ng isang apostol, ang mga ito ay ginawa sa kanilang kalagitnaan ng buong katiyagaan.

2 Corinthians 12:14-18

Bakit sinabi ni Pablo sa mga taga Corinto na hindi naman siya magiging pabigat sa kanila?

Ito ay sinabi ni Pablo para ipakita sa kanila na hindi niya gusto ang anumang nasa kanila. Sila ang gusto niya.

Ano ang sinabi ni Pablo na buong galak niyang gagawin para sa mga mananampalatayang taga Corinto?

Sinabi ni Pablo na labis siyang matutuwa na gumastos at mapagod para sa kanilang kaluluwa.

2 Corinthians 12:19

Ano ba ang hangarin ni Pablo bakit niya sinabi ang lahat ng mga bagay na ito sa mga mananampalatayang taga Corinto?

Sinabi ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito upang patatagin ang pananampalataya ng mga taga-Corinto.

2 Corinthians 12:20-21

Ano ba ang kinakatakutan ni Pablo na maari niyang matuklasan kapag bumalik na siya sa mga mananampalatayang taga- Corinto?

Nangangamba si Pablo na sa kanilang kalagitnaan ay makasumpong siya ng mga pagtatalo, selos, pagsilakbo ng galit, makasariling hangarin, tsismis, pagmamataas at kaguluhan.

Ano ang ipinapangamba ni Pablo na maaring gawin sa kanya ng Diyos?

Nangangamba si Pablo na maaari siyang ng Diyos sa harapan ng mga mananampalatayang taga Corinto.

Ano ang dahilan kung bakit iniisip ni Pablo na baka siya magdalamhati dahil sa maraming nagkasala noon na mga mananampalatayang taga Corinto?

Nangangamba si Pablo na sila ay hindi nagsisi mula sa karumihan at pangangalunya at kahalayan na kanilang nakaugalian.

2 Corinthians 13

2 Corinthians 13:1-2

Ilang beses ng napuntahan ni Pablo ang mga mananampalatayang taga-Corinto nang panahon na isinusulat ang 2 Corinto?

Napuntahan na sila ni Pablo ng dalawang beses sa panahong isinulat ang 2 Corinto.

2 Corinthians 13:3-4

Bakit sinabi ni Pablo sa lahat ng mga nagkasalang mananampalatayang taga-Corinto at sa iba pa na kung sa kanyang pagbalik muli ay hindi na niya sila palalampasin?

Sinabi ito ni Pablo sa kanila sapagkat ang mga mananampalatayang taga-Corinto ay naghahanap ng katibayan kung si Cristo nga ang nagsasalita sa pamamagitan ni Pablo.

2 Corinthians 13:5-6

Bakit sinabi ni Pablo sa mga mananampalatayang taga- Corinto na siyasatin at subukin ang kanilang mga sarili?

Sinabi ni Pablo sa kanila na siyasatin at subukin ang kanilang mga sarili upang makita kung sila ay nasa pananampalataya.

Ano ang natitiyak ni Pablo na malaman ng mga mananampalatayang taga Corinto tungkol sa kanya at kaniyang mga kasama?

Nakakatiyak si Pablo na ang mga mananampalatayang taga Corinto ay matatagpuan na sila ay pinagtibay.

2 Corinthians 13:7-8

Ano ang sinabi ni Pablo na siya at ang kanyang mga kasama na hindi nila kayang gawin?

Sinabi ni Pablo na hindi nila maaaring gawin ang anumang bagay na labag sa katotohanan.

2 Corinthians 13:9-10

Bakit sinulat ni Pablo ang mga bagay na ito sa mga mananampalatayang taga Corinto habang siya ay malayo sa kanila?

Ginawa ito ni Pablo habang nasa malayo siya para kung siya ay kasama na nila, hindi na niya kailangang gawing pagmalupitan sila.

Paano nais ni Pablo na gamitin ang kapahintulutan na ibinigay ng Panginoon sa kanya patungkol sa mga mananampalatayang taga Corinto?

Gusto ni Pablo na gamitin ang kanyang kapahintulutan upang pagtibayin ang mga mananampalatayang taga Corinto at hindi upang sila ay pabagsakin.

2 Corinthians 13:11-12

Bilang pagtatapos, ano ang nais ni Pablo na gawin ng mga taga Corinto?

Nais ni Pablo na sila ay magalak, gumawa para pagpapanumbalik, pagkakasundo, pagkakaisa, mamuhay sa kapayapaan at magbatian ang bawat isa ng may banal na halik.

2 Corinthians 13:13-14

Ano ang gusto ni Pablo sa lahat ng mga mananampalatayang taga Corinto na taglayin nila?

Nais ni Pablo na ang lahat ay makamit ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipisan ng Banal na Espiritu.