Colossians
Colossians 1
Colossians 1:1-3
Paano naging apostol si Pablo ni Jesu-Cristo?
Naging apostol si Pablo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos.
Kanino sinulat ni Pablo ang sulat na ito?
Sinulat ito sa mga pinili ng Diyos at mga mananampalataya at tapat na mga kapatid kay Cristo sa Colosas.
Colossians 1:4-6
Saan narinig ng mga taga-Colosas ang tungkol sa tiyak na pag-asa na mayroon sila ngayon?
Narinig ng mga taga-Colosas ang tiyak na pag-asa sa salita ng katotohanan, ang ebanghelyo.
Ano ang sinabi ni Pablo na ginagawa ng ebanghelyo sa daigdig?
Sinabi ni Pablo na ang ebanghelyo ay namumunga at lumalago sa buong mundo.
Colossians 1:7-8
Sino ang nagpahayag ng ebanghelyo sa mga taga-Colosas?
Si Epafras, ang tapat na lingkod ni Cristo, ang nagpahayag ng ebanghelyo sa mga taga-Colosas.
Colossians 1:9-10
Saan dapat mapuspos ang mga taga-Colosas ayon sa panalangin ni Pablo?
Pinapanalangin ni Pablo na mapuspos ng kaalaman ng kalooban ng Diyos sa lahat ng karunungan at pang-unawang espirituwal.
Paano nanalangin si Pablo sa kung paano lalakad sa buhay ang mga taga-Colosas?
Pinanalangin ni Pablo ang mga taga-Colosas na lumakad ng karapat- dapat sa Panginoon, mamunga sa bawat mabubuting gawa, lumago sa kaalaman sa Diyos.
Colossians 1:11-12
Saan nararapat ang mga pinili ng Diyos?
Nararapat ang mga pinili ng Diyos na maging kabahagi sa kayamanan sa liwanag.
Colossians 1:13-14
Mula saan niligtas ng Ama ang mga pinili para sa kaniya?
Sinagip niya sila mula sa pamamahala ng kadiliman at inilipat sila sa kaharian ng kaniyang Anak.
Kay Cristo, mayroon tayong katubusan, ano iyon?
Kay Cristo, mayroong tayong katubusan, iyon ay ang kapatawaran sa mga kasalanan.
Colossians 1:15-17
Sino ang nilalarawan ng Anak?
Nilalarawan ng Anak ang hindi nakikitang Diyos.
Ano ang nalikha sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at sa kaniya?
Nalikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at para sa kaniya.
Colossians 1:18-20
Paano pinagkasundo ng Diyos ang lahat ng bagay para sa kaniyang sarili?`
Pinagkasundo ng Diyos ang lahat ng bagay sa kaniyang sarili nang gumagawa siya ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang Anak.
Colossians 1:21-23
Anong kaugnayan ang mayroon ang Diyos sa mga taga-Colosas bago sila maniwala sa ebanghelyo?
Bago maniwala sa ebanghelyo, hindi kilala ng Diyos ang mga taga-Colosas at kaaway niya sila.
Ano ang dapat patuloy na gawin ng mga taga-Colosas?
Dapat magpatuloy ang mga taga-Colosas na panampalataya at magtiwala sa ebanghelyo.
Colossians 1:24-27
Para kanino naghihirap si Pablo, at ano ang kaniyang pag-uugali?
Naghihirap si Pablo para sa iglesia, at natutuwa siya dito.
Anong lihim na katotohanan ang matagal ng nakatago pero ngayon ay naihayag na?
Ang matagal ng nakatagong lihim na katotohan ngayon ay naihayag kay Cristo sa inyo, ang katotohanan ng kaluwalhatian.
Colossians 1:28-29
Ano ang layunin ng paalala at mga turo ni Pablo?
Layunin ni Pablo na ihayag sa bawat tao ang lahat ng tungkol kay Cristo.
Colossians 2
Colossians 2:1-3
Ano ang lihim na katotohanan ng Diyos?
Ang lihim na katotohanan ng Diyos ay si Cristo.
Ano ang nakatago kay Cristo?
Lahat ng nakatagong kayamanan ng karunungan at kaalaman ay nakatago kay Cristo.
Colossians 2:4-5
Ano ang inaalala ni Pablo na mangyari sa mga taga-Colosas?
Inaalala ni Pablo na baka madaya ang mga taga-Colosas sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita.
Colossians 2:6-7
Ano ang pinapagawa ni Pablo sa mga taga-Colosas ngayon na natanggap na nila si Jesu-Cristo?
Pinapagawa ni Pablo sa mga taga-Colosas na lumakad kay Jesu-Cristo gaya ng pagtanggap nila kay Cristo.
Colossians 2:8-9
Saan nakabatay ang inaalala ni Pablo tungkol sa mga walang kabuluhang pagmamayabang ?
Nakabatay ang walang kabuluhang pagmamayabang sa tradisyon ng tao at sa makasalanang paniniwala ng daigdig.
Ano ang namumuhay kay Cristo?
Lahat ng kalikasan ng Diyos ay namumuhay kay Cristo.
Colossians 2:10-12
Sino ang ulo ng lahat ng patakaran at awtoridad?
Si Cristo ang ulo ng lahat ng patakaran at awtoridad.
Ano ang naalis sa pamamagitan ng pagtutuli ni Cristo?
Naalis na ang makasalanang katawan ng laman sa pamamagitan ng pagtutuli ni Cristo.
Ano ang nangyayari sa bautismo?
Inilibing ang tao kasama si Cristo sa bautismo.
Colossians 2:13-15
Ano ang kalagayan ng isang tao bago buhayin ni Cristo?
Ang tao ay patay sa kaniyang kasalanan bago siya buhayin ni Cristo.
Ano ang ginagawa ni Cristo sa tala ng mga utang natin?
Tinanggal niya ang nakatalang mga pagkaka-utang at pinako sa krus.
Ano ang ginagawa ni Cristo sa mga namamahala at awtoridad?
Tinanggal ni Cristo ang mga namamahala at awtoridad, lantaran niya silang ibinunyag at dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang.
Colossians 2:16-17
Ano ang sinabi ni Pablo sa anino ng mga bagay na darating?
Sinabi ni Pablo na ang pagkain, inumin, araw ng pista at araw ng Pamamahinga ay anino ng mga bagay na paparating.
Sa anong katotohanan nakaturo ang mga anino?
Nakaturo ang mga anino sa katotohanan ni Cristo.
Colossians 2:18-19
Paano natutustusan at nagsasama-sama ang buong katawan?
Natutustusan at nagsasama-sama ang buong katawan dahil sa ulo, si Cristo.
Colossians 2:20-23
Anong mga uri ng mga kautusan ang sinasabi ni Pablo na kasama sa maniniwala ng mundo?
Mga kautusan na hindi paghawak, tikman, at hawakan ay bahagi ng maniniwala ng mundo.
Saan hindi naaayon sa mga patakaran na gawa ng taong relihiyon na walang halaga?
Ang mga patakaran ng relihiyon na gawa ng tao ay walang halaga laban sa kalayawan ng laman.
Colossians 3
Colossians 3:1-4
Saaa naitaas si Cristo?
Naitaas si Cristo na umupo sa kanang kamay ng Diyos.
Ano ang dapat hanapin ng mga mananampalataya at hindi dapat hanapin?
Hanapin dapat ng mga mananampalataya ang nasa langit, at hindi ang mga bagay sa lupa.
Saan nilagay ng Diyos ang buhay ng mananampalataya?
Tinago ng Diyos ang buhay ng mga mananampalataya kay Cristo.
Ano ang mangyayari sa mananampalataya kapag nailahad na si Cristo?
Kapag nailahad na si Cristo, ang mananampalataya ay mailalahad din kasama niya sa kaluwalhatian.
Colossians 3:5-8
Ano ang dapat ilagay ng mananampalataya sa kamatayan?
Dapat ilagay ng mananampalataya sa kamatayan ang mga masasamang naisin sa mundo.
Anong mangyayari sa mga hindi sumusunod sa Diyos?
Darating ang poot ng Diyos sa mga hindi sumusunod sa Diyos.
Ano ang sinabi ni Pablo na ilang bagay na dapat alisin ng mga mananampalataya, na bahagi ng dati nilang sarili?
Dapat alisin ng mga mananampalataya ang poot, galit, mga masasamang layunin, mga pang-aalipusta at malaswang pananalita.
Colossians 3:9-11
Kanino gawa ang imahe ng bagong pagkatao ng mga mananampalataya?
Gawa sa imahe ni Cristo ang bagong pagkatao ng mga mananampalataya.
Colossians 3:12-14
Ano ang ilang bagay na sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na dapat nilang taglayin, na bahagi ng kaniyang bagong sarili?
Dapat taglayin ng mga mananampalataya ang pusong may awa, kabaitan, kapakumbabaan, kaamuhan at katiyagaan.
Sa papaanong paraan dapat magpatawad ang mananampalataya?
Dapat magpatawad ang mga mananampalataya katulad ng pagpapatawad ng Panginoon sa kanila.
Ano ang ganap na bigkis ng mga mananampalataya?
Ang pag-ibig ang ganap na bigkis.
Colossians 3:15-17
Ano dapat ang manaig sa puso ng mananampalataya?
Ang kapayapaan ni Cristo ang dapat manaig sa puso ng mananampalataya.
Ano ang dapat ipamuhay ng masaga ng mananampalataya?
Ang salita ni Cristo ang dapat mamuhay ng sagana sa mga mananampalataya.
Ano ang dapat ibigay na ugali ng mananampalataya sa Diyos, awitin, salita, at mabuting paggawa?
Sa kaniyang ugali, awitin, salita, at mabuting paggawa ang dapat ibigay na pasasalamat sa Diyos.
Colossians 3:18-21
Paano dapat tumugon ang asawang babae sa kaniyang asawang lalake?
Ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kaniyang asawang lalake.
Paano dapat pakitunguhan ng asawang lalake ang kaniyang asawang babae?
Dapat mahalin ng asawang lalake ang kaniyang asawang babae at hindi siya pagmalupitan.
Paano dapat pakitunguhan ng anak ang kaniyang mga magulang?
Dapat sumunod ang anak sa kaniyang mga magulang sa lahat ng bagay.
Ano ang hindi dapat gawin ng ama sa kaniyang mga anak?
HIndi dapat galitin ng ama ang kaniyang mga anak.
Colossians 3:22-25
Kanino nagtratrabaho ang mga mananampalataya sa lahat ng kanilang gagawin?
Nagtratrabaho ang mga mananampalataya para sa Panginoon sa lahat ng kanilang gagawin.
Ano ang matatanggap ng mga naglilikod sa Panginoon sa lahat ng kanilang ginagawa?
Sa mga naglilikod sa Panginoon sa lahat ng kanilang ginagawa ay makatatanggap ng gantimpala ng pamana.
Ano ang matatanggap ng mga gumagawa ng kasamaan?
Sa mga gumagawa ng kasamaan ay makatatanggap ng parusa sa kanilang ginawa.
Colossians 4
Colossians 4:1
Ano ang pinaalala ni Pablo sa mga panginoon na dapat din nilang gawin?
Pinaalala ni Pablo sa mga panginoon na mayroon din silang panginoon sa langit.
Colossians 4:2-4
Saan gusto ni Pablo na taimtim na magpatuloy ang mga taga-Colosas?
Gusto ni Pablo na taimtim na magpatuloy ang mga taga-Colosas na manalangin.
Para saan gusto ni Pablo manalangin ang mga taga-Colosas?
Gusto ni Pablo na manalangin ang mga taga-Colosas na mayroon siyang bukas na pinto na makapagsalita ng lihim na katotohanan ni Cristo.
Colossians 4:5-6
Paano tinuruan ni Pablo ang mga taga-Colosas na pakitunguhan ang mga hindi mananampalataya?
Tinuruan ni Pablo sila na mamumahay sa karunungan, at magsalita ng may biyaya sa mga hindi mananampalataya.
Colossians 4:7-9
Anong trabaho ang binigay ni Pablo kay Tiquico at Onesimus?
Binigyan sila ng trabaho na ipaalam sa lahat ang tungkol sa kaniya sa mga taga-Colosas.
Colossians 4:10-11
Anong mga tagubilin ang binigay ni Pablo tungkol kay Marcos, ang pinsan ni Barnabas?
Sinabi ni Pablo sa mga taga-Colosas na tanggapin si Marcos kung darating siya sa kanila.
Colossians 4:12-18
Para saan ang panalangin ni Epafras para sa mga taga-Colosas?
Pinanalangin niya na tumayo ang mga taga-Colosas ng ganap at punong-puno ng katiyakan sa lahat ng kalooban ng Diyos.
Ano ang pangalan ng manggagamot na kasama ni Pablo?
Ang pangalan ng manggagamot ay Lucas.