Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 Peter

1 Peter 1

1 Peter 1:1-2

Kaninong apostol si Pedro?

Si Pedro ay apostol ni Jesu Cristo. (1:1)

Kanino sumulat si Pedro?

Sumulat si Pedro sa mga dayuhan ng pagpapakalat, sa mga pinili, sa buong Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia (1:1)

Paano naging mga pinili ang mga dayuhan?

Ang mga dayuhan ay naging mga pinili ayon sa kaaalaman sa simula pa lamang ng Diyos Ama , at sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Banal na Espiritu. (1:1-2)

1 Peter 1:3-5

Ano ang gusto ni Pedro na magkaroon ang mga mananampalataya?

Gusto ni Pedro na magkaroon sila ng biyaya at karagdagan kapayapaan. (1:3)

Sino ang gustong mapagpala ni Pedro?

Ang gusto mapagpala ni Pedro ay ang Diyos at Ama ng kanilang Panginoong Jesu-Cristo. (1:3)

Papaano sila binigyan ng Diyos ng bagong kapanganakan?

Binigyan sila ng Diyos ng bagong kapanganakan sa kaniyang dakilang kahabagan. (1:3)

Bakit hindi mawawala, madudungisan, o kaya ay kukupas ang pamana?

Dahil ang pamana ay nakalaan sa langit para sa kanila. (1:4)

Sa anong paraan sila iningatan sa kapangyarihan ng Diyos?

Sila ay iningatan sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasan na nakahandang maihayag sa huling panahon. (1:5)

1 Peter 1:6-7

Bakit kinakailangan nilang makaramdam ng kapighatian sa maraming ibat-ibang mga pagsubok?

Ito ay kinakailangan upang ang kanilang pananampalataya ay masubok at na ang kanilang pananampalataya ay matatagpuang nagbunga ng papuri, kaluwalhatian, at karangalan sa kapahayagan ni Jesu-Cristo. (1:7)

Ano ang mas mahalaga kaysa ginto na naglalaho?

Ang pananampalataya ay mas mahalaga kaysa sa ginto. (1:7)

1 Peter 1:8-10

Kahit hindi nakita ng mga mananampalataya si Jesus, ano ang kanilang ginawa?

Siya ay minahal at pinaniwalaan nila, at lubos na nagalak na may kaligayahang hindi maipaliwanag na punong-puno ng kaluwalhatian.(1:8)

Ano ang tinanggap ng mga nanampalataya sa kaniya bilang resulta ng kanilang pananampalataya?

Tinanggap nila ang kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa. (1:9)

Tungkol saan ang maingat na sinaliksik at siniyasat ng mga propeta?

Sinaliksik ng mga propeta ang patungkol sa kaligtasang tinatanggap ng mga mananampalataya, patungkol sa biyaya na maaaring maging kanila. (1:10)

1 Peter 1:11-12

Patungkol saan ang paunang sinasabi ng Espirito ni Christo sa mga propeta?

Sinasabi niya sa kanila ang patungkol sa pagdurusa ni Christo at ang mga kaluwalhatiang na susunod sa kaniya. (1:11)

Kanino naglilingkod ang mga propeta sa kanilang mga pagsisiyasat at pagtatanong?

Naglilingkod sila sa mga mananampalataya. (1:12)

Sino ang pinaglilikuran ng mga propeta sa kanilang mga pagsasaliksik at pagsisiyasat?

Pinaglilingkuran nila ang mga mananampalataya.

Sino ang nagnanais sa resultang maipapahayag sa pagsasaliksik at pagsisiyasat ng mga propeta?

Kahit ang mga angel ay nagnanais sa resulta na maipapahayag. (1:12)

1 Peter 1:13-14

Ano ang iniutos ni Pedro na gawin ng mga mananampalataya bilang masunuring mga anak?

Nag-utos siya sa kanila na ihanda ang kanilang isip para sundin ang Diyos, maging mahinahon sa kanilang pag-iisip at magkaroon ng buong pagtitiwala sa biyaya na dadalhin sa kanila, at huwag umayon sa dati nilang mga pagnanasa. (1:13-14)

1 Peter 1:15-17

Bakit sinasabi ni Pedro na dapat maging banal ang mga mananampalataya?

Sapagkat ang tumawag sa kanila ay banal. (1:15-16)

Bakit dapat gugulin ng mga mananampalataya ang panahon ng kanilang paglalakbay sa paggalang?

Sapagakat tinawag nila bilang "Ama" ang siyang humahatol ng walang kinikilingan ayon sa gawa ng bawat tao. (1:17)

1 Peter 1:18-19

Sa ano tinubos ang mga mananampalataya?

Hindi sila tinubos sa mga pilak o kaya ginto ngunit sa banal na dugo ni Cristo, tulad ng isang tupa na walang kapintasan at walang karumihan. (1:18-19)

Kanino natutunan ng mga dayuhan, mga pinili, ang hangal na pag-uugali?

Natutunan nila ang hangal na pag-uugali sa kanilang mga ninuno.(1:19)

1 Peter 1:20-21

Kailan pinili si Cristo at kailan siya naihayag?

Siya ay pinili bago likhain ang mundo, naihayag siya sa mga dayuhan, sa mga pinili, sa kung ano noon ang huling panahon. (1:20)

Papaano nanampalataya ang mga mananampalataya sa Diyos, at nagkaroon ng pananalig at pagtitiwala sa Diyos?

Sa pamamagitan ni Christo, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay at siyang binigyan ng Diyos ng kaluwalhatian. (1:21)

1 Peter 1:22-23

Paano ginawang dalisay ng mga mananampalataya ang kanilang kaluluwa?

Ginawa nilang dalisay ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan para sa pagmamahal sa kapatiran. (1:22)

Paanong ipinanganak muli ang mga mananampalataya?

Ipinanganak silang muli mula sa hindi nasisirang binhi, sa pamamagitan ng buhay at nanatiling salita ng Diyos, hindi mula sa nasisirang binhi. (1:23)

1 Peter 1:24-25

Ano ang katulad ng lahat ng laman, at ano ang katulad ng kagandahan nito?

Ang laman ay katulad ng damo, at ang kagandahan nito ay tulad sa bulakalak ng damo. (1:24)

Ano ang mangyayari sa salita ng Panginoon?

Ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.(1:25)

1 Peter 2

1 Peter 2:1-3

Ano ang sinabi sa mga mananampalataya na kanilang isang tabi?

Sinabi sa kanila na isang tabi nilang lahat ang masamang panlilinlang, pagkukunwari, pagkaingit at paninirang puri, (2:1)

Bakit mag-aasam ng purong gatas na espiritual ang mga mananampalataya?

Sila ay mag-aasam ng purong gatas na espiritual upang sila ay maaring lumago sa kaligtasan. (2:2)

1 Peter 2:4-6

Sino ang buhay na bato na itinakwil ng mga tao at pinili ng Diyos?

Si Jesu-Cristo ang buhay na bato. (2:4-5)

Bakit katulad din ng buhay na bato ang mga mananampalataya?

Sila ay katulad din ng buhay na bato dahil sila ay itinatayo bilang isang espiritual na tahanan. (2:5)

1 Peter 2:7-8

Bakit natisod ang mga tagapagtayo, sumusuway sa salita?

Natitisod ang mga nagtatayo dahil sila ay itinalaga upang gawin ito. (2:7-8)

1 Peter 2:9-10

Bakit piniling lahi, maharlikang pagkapari, banal na bansa, at mga taong pag-aari ng Diyos ang mga mananampalataya?

Sila ay pinili upang maihayag nila ang mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos. (2:9-10)

1 Peter 2:11-12

Bakit tinawag ni Pedro ang mga minamahal na umiwas sa masasamang pagnanasa?

Sila ay tinawag niya na umiwas ng sa gayon kung sinumang magsasalita tungkol sa kanila na parang nakagawa sila ng masama ay makikita ang kanilang mabuting pag-uugali at magpuri sa Diyos. (2:11-12)

1 Peter 2:13-17

Bakit kinakailangan na sundin ng mga mananampalataya ang kapangyarihan ng tao?

Kinakailangan na sumunod sila sa kapangyarihan ng tao dahil gusto ng Diyos na gamitin ang kanilang pagkamasunurin na mapatahimik ang walang kabuluhang salita ng mga taong mangmang. (2:13-15)

Sa halip na gamitin nila ang kanilang kalayaan sa pagtakip sa kasamaan, ano ang gagawin ng mga dayuhan at mga pinii?

Gagamitin nila ang kanilang kalayaan sa pagiging lingkod ng Diyos.(2:16)

1 Peter 2:18-20

Bakit kinakailangan na magpasakop ang mga lingkod sa kanilang mga amo, kahit sa mga mapanghamak?

Kinakailangan na magpasakop ang mga lingkod kahit sa mapanghamak na amo dahil ang paggawa ng mabuti at pagkatapos magdurusa at maparusahan para dito ay kapuri-puri sa Diyos. (2:18-20)

1 Peter 2:21-23

Bakit tinawag ang mga lingkod upang magdusa sa paggawa ng mabuti?

Dahil si Cristo ay nagdusa para sa kanila, nag-iwan ng halimbawa sa kanila, at ibinigay ang kaniyang sarili sa makatwirang tagahatol. (2:21-23)

1 Peter 2:24-25

Bakit dinala ni Cristo ang kasalanan sila Pedro, ng mga mananampalataya, at ng mga lingkod sa kaniyang katawan sa puno?

Dinala niya ang kanilang mga kasalanan upang hindi na sila makibahagi sa kasalanan at mamuhay para sa katuwiran, at dahil sila ay pinagaling sa pamamagitan ng kaniyang mga sugat.(2:24)

Pagkatapos nilang lumibot-libot palayo katulad ng nawawalang tupa, kanino sila bumalik?

Silang lahat ay bumalik sa pastol at tagapag-alaga ng kanilang kaluluwa. (2:25)

1 Peter 3

1 Peter 3:1-2

Bakit kailangan magpasakop ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa lalaki?

Kailangang magpasakop ang mga asawang babae upang ang kanilang mga asawang lalaki na hindi sumusunod ay maaaring mahikayat ng walang salita.

1 Peter 3:3-4

Paano mapapagtagumpayan ng mga asawang babae ang kanilang mga asawa lalaki?

Dapat silang mapagtagumpayan ng kanilang mga asawang babae sa pamamagitan ng nasa kalooban ng puso nila, hindi sa panlabas na anyo.

1 Peter 3:5-6

Sinong babaeng banal ang binanggit ni Pedro bilang halimbawa ng asawang babae na may pananalig sa Diyos at nagpasakop sa kaniyang asawa?

Si Sara a ng binanggit ni Pedro bilang isang halimbawa.

1 Peter 3:7

Bakit kailangan mamuhay ang mga asawang lalaki na kasing-halaga ng kanilang asawa babae ayon sa kaalaman?

Kailangang mamuhay ang mga asawang lalaki na kasing-halaga ng kanilang asawang babae ayon sa kaalaman upang ang kanilang mga panalangin ay hindi mahadlangan.

1 Peter 3:8-9

Bakit tinuruan ni Pedro ang lahat ng mga dayuhan, mga pinili, na maging pareho ang kaisipan at magpatuloy na maging pagpapala?

Dahil tinawag silang lahat na gawin ito upang maaari silang magmana ng pagpapala.

1 Peter 3:10-12

Bakit kailangan na ang siyang nagnanais na magmamahal sa kaniyang buhay na pigilin ang kaniyang dila sa masama, at talikuran kung ano ang masama at gawin kung ano ang mabuti?

Dahil nakikita ng mata ng Panginoon ang matutuwid.

1 Peter 3:13-14

Sino ang siyang mga pinagpala?

Sila na nagdurusa dahil sa pagkamatuwid ang pinagpapala.

1 Peter 3:15-17

Sa halip na matakot sa kung ano ang kinatatakutan at nagiging kaguluhan ng mga gumagawa ng masama, ano ang gagawin ng mga dayuhan at mga pinili?

Kailangan nilang ituring ang Panginoong Cristo na mahalaga sa kanilang mga puso.

Ano ang sinabing gawin ng mga mananampalataya para panatilihin ang kanilang pagtitiwala sa Diyos?

Sila ay sinabihang ibukod-tangi ang Panginoon Cristo bilang pinakamamahal sa kanilang puso.

Paaano sasagutin lagi ng mga mananampalataya ang mga nagtatanong tungkol sa kanilang pagtitiwala sa Diyos?

Lagi silang sasagot ng mahinahon at may pag-galang.

1 Peter 3:18-20

Bakit nagdusa ng minsan si Cristo para sa kasalanan?

Nagdusa ng minsan si Cristo upang madala si Pedro at ang mga mananampalataya sa Diyos.

Bakit ang mga espiritu na kung kanino nangaral si Jesus sa espiiritu ay nasa bilangguan na.

Ang mga espiritu na nasa bilangguan na ay hindi sumunod nang ang pasensiya ng Diyos ay naghihintay sa panahon ni Noah.

1 Peter 3:21-22

Ano ang sinisimbolo ng pagliligtas ng Diyos sa iilang tao sa pamamagitan ng tubig?

Sumisimbolo ito ng pagbautismo na nakakapagligtas na ng mga mananampalataya.

Habang si Jesus ay nasa kanang kamay ng Diyos sa langit, ano ang dapat gawin ng mga anghel, namamahala, at may kapangyarihan?

Sila ay dapat magpasakop lahat sa kanya.

1 Peter 4

1 Peter 4:1-2

Sa ano inutos ni Pedro ang mga mananampalataya na armasan ang kanilang sarili?

Inutusan niya niyang armasan nila ang kanilang sarili ng kaperehong layunin ni Cristo nang siya ay naghirap sa laman.

1 Peter 4:3-6

Bakit nagsalita ng masama ang mga Gentil tungkol sa mga mananampalataya?

Nagsalita sila ng masama tungkol sa mga dayuhan, at sa mga pinili, dahil hindi sila nakisama sa kahalayan, pagkahumaling, paglalasing, panggugulo, labis na pagsasaya at kasuklam-suklam na pagsamba sa diyus-diyosan na katulad ng mga Gentil.

Sino ang handang hatulan ng Diyos?

Parehong handang hatulan ng Diyos ang buhay at ang patay.

1 Peter 4:7-9

Bakit kailangan maging mahinahon sa pag-iisip at magmahalan ng tapat sa isa't isa ang mga mananampalataya?

Kailangan nilang gawin ang mga bagay na iyon dahil nalalapit na ang katapusan ng lahat ng mga bagay, at para sa kapakanan ng kanilang mga panalangin.

1 Peter 4:10-11

Bakit kinakailangang gamitin ng bawat isang mananampalataya ang mga kaloob na natanggap nila upang paglingkuran ang isa't isa?

Kinakailangan nilang gamitin ang kanilang mga kaloob upang ang Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

1 Peter 4:12-14

Bakit sinabi sa mga mananampalataya na magalak kung maranasan nila ang mga paghihirap ni Cristo o kaya'y hinamak ng dahil sa pangalan ni Cristo?

Dahil pinagpala sila kung sila'y hinamak.

1 Peter 4:15-16

Bakit hindi na dapat magdusa ang mga mananampalataya sa pagiging mamamatay tao, sa pagnanakaw, sa gumagawa ng masama, o pakialamero?

Sapagka't ito na ang panahon ng paghuhukom na magsisimula sa sambahayan ng Diyos.

1 Peter 4:17-19

Para sa anong mga gawain hindi dapat matagpuang nagkasala at maparusahan ang mga Kristiyano

Ang mga Kristiyano ay hindi dapat magdusa bilang mamamatay tao, magnanakaw, masasamang tao o pakialamero.

Bakit dapat sumunod ang mga hindi maka-diyos at mga makasalanan sa ebanghelyo ng Diyos?

Dahil kahit ang matuwid na tao ay naligtas sa pamamagitan ng mga paghihirap.

Paano dapat kumilos ang mga nagdusa ayon sa kalooban ng Diyos?

Dapat nilang ipagkatiwala ang kanilang mga kaluluwa sa matapat na Manglilikha habang gumagawa ng kabutihan.

1 Peter 5

1 Peter 5:1-4

Sino si Pedro?

Si Pedro ay isang kapwa nakatatanda, isang saksi sa mga pagdurusa ni Cristo, at isang kalahok sa kaluwalhatian na maihahayag.

Ano pinayo ni Pedro na gawin ng kanyang mga kapwa nakatatanda?

Sila ay pinayuhan niya na ingatan at alagaan ang mga kawan ng Diyos.

1 Peter 5:5-7

Kanino magpapasakop ang nakababatang mga kalalakihan?

Sila'y magpapasakop sa nakatatandang kalalakihan.

Bakit kailangan lahat sila ay magkaroon ng kababaang-loob at maglingkod sa isat-isa?

Sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba, at upang maari silang itaas ng Diyos sa takdang panahon.

Ano ang katulad ang diyablo?

Siya ay katulad ng isang umaatungal na leon na lihim na sumusubaybay ng palihim sa paligid naghahanap ng isang tao na sasakmalin.

1 Peter 5:8-9

Ano ang itinuro sa mga tao na gawin?

Sila ay tinuruan na maging mahinahon, maging mapagmasid, tumayong matatag laban sa diyablo, at maging malakas sa kanilang pananampalataya.

1 Peter 5:10-11

Ano ang mangyayari sa mga tao pagkatapos nilang maghirap ng panandalian habang tulad ng kanilang kapatiran na nagtitiis sa parehong mga pagdurusa?

Sila ay gagawing ganap, matatag at malakas ng Diyos.

1 Peter 5:12-14

Bilang kanino pinalagay ni Pedro si Silvanus?

Si Silvanus ay pinalagay ni Pedro bilang isang matapat na kapatid.

Ano ang sinabi ni Pedro tungkol sa kanyang isinulat?

Sinabi niya na ang kanyang isinulat ay ang tunay na biyaya ng Diyos.

Sino ang bumati sa mga mananampalataya at paano sila dapat magbatian sa isat-isa?

Siya na nasa Babilonia, at si Marcos, anak ni Pedro, ay bumati ss kanila; sila ay dapat magbatian sa isa't isa ng may halik ng pag-ibig.