Joel
Joel 1
Joel 1:1-3
Kaninong salita ang dumating kay Joel?
Ang salita ni Yahweh ang dumating kay Joel.
Kanino sasabihin ng mga nakatatanda ang mga salita ni Yahweh?
Sasabihin nila sa kanilang mga anak, at sasabihin ng kanilang mga anak sa kanilang mga anak.
Joel 1:4
Anong nangyari sa iniwan ng mga malalaking balang?
Kinain ng tipaklong ang iniwan ng mga malalaking balang.
Joel 1:5-7
Bakit hahagulhol ang mga manginginom ng alak?
Hahagulhol ang mga manginginom ng alak dahil pinahinto na ang matamis na alak.
Anong ginawa ng kaaway sa ubasan?
Ginawa niyang katakot-takot na lugar ang ubasan.
Joel 1:8-12
Bakit nagluluksa ang birhen?
Nagluluksa ang birhen dahil sa pagkamatay ng kaniyang batang asawa.
Anong nangyari sa butil?
Sinira ang mga butil.
Joel 1:13-14
Ano ang itinigil na ibigay sa tahanan ng Diyos?
Itinigil na ibigay ang butil na handog at inuming handog sa tahanan ng Diyos.
Joel 1:15-17
Kailan darating ang araw ni Yahweh?
Ang araw ni Yahweh ay malapit na
Ano ang giniba?
Giniba ang mga kamalig.
Joel 1:18-20
Bakit nagdurusa ang mga kawan ng baka?
Nagdurusa ang mga kawan ng baka dahil wala silang pastulan.
Kanino tumatawag si Joel?
Tumatawag si Joel kay Yahweh.
Kanino nagsisihingal ang mga hayop ng bukirin?
Nagsisihingal kay Yahweh ang mga hayop ng bukirin.
Joel 2
Joel 2:1-2
Bakit dapat manginig sa takot ang lahat ng naninirahan sa lupain?
Dapat silang manginig sa takot sapagkat malapit ng dumating ang araw ni Yahweh.
Kailan nagkaroon ng hukbong katulad nito?
Hindi pa nagkaroon ng hukbong katulad nito at hindi na muling magkakaroon ng katulad nito.
Joel 2:3
Ano ang katulad ng lupain na nasa likuran ng hukbo?
Isang wasak na ilang ang lupain na nasa likuran ng hukbo.
Joel 2:4-7
Ano ang katulad at paano kumikilos ang hukbo?
Ang hukbo ay parang mga kabayo at tumatakbo na parang mga mangangabayo.
Joel 2:8-9
Paano pinasok ng hukbo ang lungsod?
Sinugod nila ang lungsod, tumakbo sila sa pader, umakyat sila sa mga bahay, at pumasok sila sa mga bintana na gaya ng mga magnanakaw.
Joel 2:10-11
Kaninong hukbo ito?
Ito ay hukbo ni Yahweh.
Joel 2:12-14
Ano ang dalawang bagay na dapat punitin ng mga tao?
Dapat nilang punitin ang kanilang mga puso at ang kanilang mga kasuotan.
Bakit dapat na manumbalik ang mga tao kay Yahweh?
Sapagkat siya ay mapagbigay-loob at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal at nais niyang tumigil sa pagbibigay ng parusa.
Joel 2:15-17
Bakit dapat hipan ng mga tao ang trumpeta sa Zion?
Dapat nilang hipan ang trumpeta upang maglaan ng pagaayuno at magpatawag ng isang banal na pagtitipon.
Joel 2:18-20
Ano ang kalagayan ng mga tao ni Yahweh sa mga bansa?
Isang kahihiyan sa mga bansa ang mga tao ni Yahweh.
Joel 2:21-23
Bakit hindi dapat matakot ang lupain?
Hindi dapat matakot ang lupain sapagkat gumawa si Yahweh ng mga dakilang bagay.
Joel 2:24-25
Sino ang nagpadala sa malakas na hukbo?
Si Yahweh ang nagpadala ng malakas na hukbo.
Joel 2:26-27
Muli bang ilalagay ni Yahweh sa kahihiyan ang kaniyang mga tao?
Hindi, hindi na niya muling ilalagay sa kahihiyan ang kaniyang mga tao.
Joel 2:28-29
Anong mangyayari kapag ibubuhos ni Yahweh ang kaniyang Espiritu?
Ang kanilang mga anak na lalaki at babae ay maghahayag ng propesiya, mananaginip ang kanilang mga matatandang lalaki, at makakakita ng mga pangitain ang kanilang mga kabataang lalaki.
Joel 2:30-31
Ano ang ipapakita ni Yahweh sa kalangitan at sa lupa?
Ipapakita ni Yahweh ang mga kamangha-manghang bagay sa kalangitan at sa lupa.
Magiging ano ang araw?
Magdidilim ang araw.
Joel 2:32
Sino ang maliligtas sa panahong iyon?
Ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas.
Joel 3
Joel 3:1-3
Sino ang dadalhin ni Yahweh sa Lambak ni Jehoshafat?
Dadalhin ni Yahweh ang mga bansa sa Lambak ni Jehoshafat.
Sino ang mga ipinangalat ng mga bansa?
Ipinangalat ng mga bansa ang mga tao ni Yahweh.
Joel 3:4-6
Kanino galit ang mga taga-Tiro, Sidon at sa lahat ng nasa rehiyon ng Filisteo?
Galit ang mga taga-Tiro, Sidon at sa lahat ng nasa rehiyon ng Felisteo kay Yahweh.
Ano ang ginawa ng mga taga-Tiro, Sidon at ng mga Filisteo sa mga kayamanan ni Yahweh?
Idinala nila ang kaniyang mga mahahalagang kayamanang ito sa kanilang mga templo.
Ano ang ginawa ng mga taga-Tiro, Sidon at ng mga Filisteo sa mga tao ng Juda at Jerusalem?
Ipinagbili nila ang mga tao sa mga Griyego upang mailayo sila sa kanilang lupain.
Joel 3:7-8
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga anak ng Tiro, Sidon at ng mga Filisteo?
Ipagbibili ni Yahweh sa mga Sabeo ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao sa Juda.
Joel 3:9-11
Ano ang dapat gawin ng mga bansa sa kanilang mga araro?
Dapat nilang gawing espada ang kanilang mga araro.
Joel 3:12-13
Ano ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng nakapalibot na bansa?
Uupo si Yahweh upang hatulan ang lahat ng mga nakapalibot na bansa.
Joel 3:14-15
Ano ang mangyayari sa araw, buwan at mga bituin?
Didilim ang araw at buwan at mawawalan ng liwanag ang mga bituin.
Joel 3:16-17
Ano ang dalawang bagay na gagampanan ni Yahweh para sa kaniyang mga tao?
Si Yahweh ang magiging kanlungan at sandigan ng kaniyang mga tao.
Sino ang nananahan sa Zion?
Si Yahweh na kanilang Diyos ang nananahan sa Zion.
Joel 3:18-21
Ano ang aapaw sa mga burol?
Aapaw ang gatas sa mga burol.
Ano ang mapapabayaang lugar dahil sa kanilang ginawang karahasan sa mga tao ng Juda?
Ang Egipto at Edom ay mapapabayaang lugar.