Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

2 Chronicles

2 Chronicles 1

2 Chronicles 1:1

Bakit tumatag si Solomon na anak ni David sa kaniyang pamumuno?

Tumatag si Solomon sa kaniyang pamumuno sapagkat si Yahweh ay kasama niya at ginawa siyang napakamakapangyarihan. [1:1]

2 Chronicles 1:2-5

Ano ang mga bagay ang naroon para sa pagsamba habang papunta si Solomon sa dambana na naroon sa Gibeon?

Naroon ang toldang pinagtitipunan o tabernakulo na ginawa ni Moises sa ilang, at ang tanso na altar na ginawa ni Besabel, ngunit ang kahon ng Diyos ay kinuha mula sa Chiriath Jearim papuntang tolda ng Jerusalem. [1:2-5]

2 Chronicles 1:6-7

Ano ang ginawa ni Solomon bago pa siya lapitan ni Yahweh ng isang katanungan, "Ano ang ibibigay ko sa iyo"?

Sinamba ni Solomon si Yahweh sa tanso na altar sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang libong sinunog na mga alay. [1:6-7]

2 Chronicles 1:8-11

Bakit hiniling ni Solomon kay Yahweh na bigyan siya ng katalinuhan at karunungan?

Hiniling ni Solomon kay Yahweh na bigyan siya ng katalinuhan at karunungan upang maaari niyang mapamunuan ang mga tao ng Israel na napakarami ang bilang. [1: 8-10]

Bakit binigyan ng Diyos si Solomon ng katalinuhan at karunungan?

Binigyan si Solomon ng Diyos ng katalinuhan at karunungan sapagkat hindi siya humingi ng kayamanan, yaman o karangalan ni ang buhay ng mga nagagalit sa kaniya, ni mahabang buhay sa kaniyang sarili ngunit hiningi ang tulong ng Diyos upang pamunuan ang lahat ng kaniyang mga tao. [1:11]

2 Chronicles 1:12-13

Ano ang ibinigay ng Diyos kay Solomon kasama ng katalinuhan at karunungan?

Binigay ng Diyos kay Solomon ang hindi niya hiniling: kayamanan, yaman, at karangalan higit sa sinumang mga hari na nauna sa kaniya. [1:12-13]

2 Chronicles 1:14-17

Sa paanong paraan nakita ng lahat ang yaman ni Solomon?

Si Solomon ay mayroong 1,400 na mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo, pilak at ginto na karaniwan lang tulad sa mga bato at puno ng sedar na karaniwan lang tulad ng sicamoro na mga puno sa mga mabababang lugar. [1:14-15]

2 Chronicles 2

2 Chronicles 2:1-3

Bakit humiling si Solomon kay Hiram na padalhan siya ng mga troso ng sedar katulad ng ginawa niya sa kaniyang ama na si David?

Hiniling ni Solomon kay Hiram na padalhan siya ng mga troso ng sedar upang makapagpatayo siya ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh at palasyo para sa kaniyang kaharian. [2:1-3]

2 Chronicles 2:4-5

Bakit nagbalak si Solomon na magpatayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh na napakalaki?

Nagbalak si Solomon na magpapatayo ng malaking tahanan sa pangalan ni Yahweh sapagkat mas dakila ang kaniyang Diyos kaysa ibang mga diyus-diyosan. [2:4-5]

2 Chronicles 2:6-7

Sino ang kailangan ni Solomon kung magpapatayo siya ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh na sumasalamin sa kadakilaan ni Yahweh?

Nangailangan si Solomon ng tao na dalubhasa sa pagpanday ng ginto, pilak, tanso, bakal at mga lana na kulay ube, matingkad na pula at asul, at tao na makakagawa ng lahat ng uri ng pang-uukit ng kahoy. [ 2:7]

2 Chronicles 2:8-10

Bakit ninais ni Solomon na padalhan siya ni Hiram ng mga puno ng sedar, puno ng sipres at algum na mga puno na mula sa Lebanon?

Ninais ni Solomon na padalhan siya ni Hiram ng mga puno na ito upang ang tahanan na kaniyang ipapatayo sa pangalan ni Yahweh ay napakalaki at kamangha-mangha. [ 2:8-9]

2 Chronicles 2:11-12

Ayon kay Hiram, bakit ginawa ni Yahweh na hari si Solomon sa buong tao ng Israel?

Ayon kay Hiram, ginawa ni Yahweh na hari si Solomon sapagkat mahal ni Yahweh ang kaniyang mga tao at si Solomon ay may likas na pagpapasiya at karunungan. [ 2:11-12]

2 Chronicles 2:13-14

Bakit ipinadala ni Hiram si Huram kay Solomon?

Ipinadala ni Hiram si Huram sapagkat dalubhasa siya sa pagpanday ng ginto, pilak, tanso, bakal, bato at troso at mga lana na kulay ube, matingkad na pula at asul at pino na lino at sa paggawa ng lahat ng uri ng pang-uukit. [ 2:13-14]

2 Chronicles 2:15-18

Paano nadala ang mga kahoy mula sa Lebanon papuntang Israel?

Ang mga kahoy mula sa Lebanon ay naidala sa Israel bilang mga balsa at ipinaanod sa dagat ng Jopa at binuhat papuntang Jerusalem. [2:16]

2 Chronicles 3

2 Chronicles 3:1-3

Bakit sinimulan ni Solomon na ipatayo ang tahanan ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jebuseo sa Bundok ng Moria?

Nagsimulang magpatayo si Solomon ng tahanan ni Yahweh doon sapagkat doon nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. [3:1-2]

Ano ang mga sukat ng pundasyon na inilatag ni Solomon para sa tahanan ng Diyos?

Ang mga sukat ng pundasyon para sa tahanan ng Diyos ay animnapung siko at dalawampung siko ang lapad gamit ang sinaunang paraan ng siko. [3:3]

2 Chronicles 3:4-7

Gaano kataas ang portiko ng harapan ng tahanan?

Dalawampung siko ang haba ng portiko. [3:4]

Ano ang ginamit ni Solomon sa pagpapatayo sa loob ng tahanan ng Diyos?

Ginawa ni Solomon ang kisame at ang pangunahing bulwagan gamit ang mga pinong kahoy, na binalot ng purong ginto at pinalamutian ang tahanan ng mamahaling mga bato. [3:5]

2 Chronicles 3:8-12

Ano ang nakikita sa loob ng kabanal-banalang lugar?

Ang kabanal-banalang lugar ay binalot ng purong ginto at nagtataglay ng dalawang mga imahe ng kerub na may mga pakpak at nakatayo at nakaharap patungo sa pangunahing bulwagan.[3:8]

Ano ang iinilagay sa kabanal-banalang lugar?

Ang kabanal-banalang lugar ay binalot ng purong ginto. [3:8-9]

2 Chronicles 3:13-17

Ano ang nakikita sa loob ng kabanal-banalang lugar?

Ang kabanal-banalang lugar ay binalot ng purong ginto at nagtataglay ng dalawang mga imahe ng kerub na may mga pakpak at nakatayo at nakaharap patungo sa pangunahing bulwagan. [3:13-15]

Ano ang inilagay ni Solomon sa dalawang haligi na nasa harap ng tahanan ng Diyos?

Ikinabit ni Solomon ang isandaang bunga ng granada sa mga kadena kung saan inilagay niya ang mga ito sa tuktok ng mga haligi. [3:16-17]

2 Chronicles 4

2 Chronicles 4:1-3

Ano ang sukat ng altar na tanso?

Ang altar na tanso ay dalawampung siko ang haba, dalawampung siko ang lapad, at sampung siko ang taas.

Gaano kalaki ang ipunan ng maraming tubig na hinulma sa metal?

Sampung siko ang luwang ng labi ng ipunan. Ito ay limang siko ang taas at tatlumpung siko ang sukat pabilog.

2 Chronicles 4:4-6

Ano ang gamit ng ipunan ng maraming tubig na ginawa ni Solomon para sa templo?

Ang ipunan ay para sa paghuhugas ng mga pari.

2 Chronicles 4:7-10

Paano nalaman ni Solomon ang paggawa ng sampung patungan ng ilawan na gawa sa ginto?

Ginawa ni Solomon ang sampung patungan ng ilawan na gawa sa ginto ayon sa mga inutos para sa kanilang disenyo.

2 Chronicles 4:11-13

Ano ang trabaho na natapos ni Huram para kay Haring Solomon sa tahanan ng Diyos?

Natapos ni Huram ang gawain sa dalawang mga haligi, mga mangkok, mga pampalamuting lambat, at sa apatnaraang bunga ng granada.

2 Chronicles 4:14-16

Ano ang ginawa ni Huramabi na gawa sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon para sa tahanan ni Yahweh?

Gumawa si Huramabi ng mga patungan at ng mga palanggana, isang dagat ng maraming tubig at ng labindalawang toro sa ilalim nito, at marami pang mga kasangkapan.

2 Chronicles 4:17-18

Ano ang timbang ng tanso sa lahat ng sisidlan na ginawa ni Solomon?

Ang timbang ng tanso para sa lahat ng mga sisidlan na ginawa ni Solomon ay hindi malaman.

2 Chronicles 4:19-22

Ano ang mga kasangkapang ginawa ni Solomon sa labis na kasaganaan para sa tahanan ng Diyos?

Ginawa ni Solomon ang gintong altar, ang mga hapag para sa tinapay, ang mga patungan ng ilawan kasama ng kanilang mga ilawan, at ng iba pang mga bagay na gawa sa purong ginto.

2 Chronicles 5

2 Chronicles 5:1

Saan inilagay ni Solomon ang mga bagay na inialay ni David sa Diyos?

Inilagay ni Solomon ang lahat ng mga bagay kabilang ang mga pilak, ginto, at lahat ng mga kasangkapan, sa silid-imbakan ng tahanan ng Diyos.

2 Chronicles 5:2-3

Pagkatapos nito, ano ang ipinasyang gawin ni Solomon?

Tinipon ni Solomon ang mga pinuno ng Israel upang kunin ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David.

2 Chronicles 5:4-6

Ano ang ginawa ni Haring Solomon at ng lahat ng kapulungan ng Israel nang dinala ng mga Levita ang kaban ng tipan?

Nagtipun-tipon si Haring Solomon at ang lahat ng kapulungan ng Israel na naghahandog ng maraming tupa at baka.

2 Chronicles 5:7-8

Saan inilagay ng mga pari ang kaban ng tipan ni Yahweh?

Inilagay ng mga pari ang kaban ng tipan ni Yahweh sa dakong kabanal-banalan sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.

2 Chronicles 5:9-10

Anu-ano ang mga bagay na nasa loob ng kaban ng tipan?

Walang laman ang kaban ng tipan maliban sa dalawang tapyas ng bato na inilagay doon ni Moises nang siya ay nasa Horeb.

2 Chronicles 5:11-14

Ano ang ginawa ng lahat ng mga Levita pagkatapos lumabas ng mga pari sa dakong banal?

Ang mga Levita na nakadamit ng pinong lino, na nakatayo sa silangang dulo ng altar ay tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at ng mga lira.

Paano pinuri ng mga umiihip ng trumpeta at ng mga mang-aawit si Yahweh?

Ang mga umiihip ng trumpeta at mga mang-aawit ay tumugtog nang sabay-sabay, na umaawit ng, "Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang katapatan ng kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman."

Bakit hindi makatayo ang mga pari upang maglingkod?

Ang mga pari ay hindi makatayo dahil napuno ang tahanan ni Yahweh ng ulap na ang kaluwalhatian ni Yahweh.

2 Chronicles 6

2 Chronicles 6:1-3

Paano pinaganda ni Solomon ang lugar kung saan titira si Yahweh?

Sinabi ni Yahweh na titira siya sa makapal na kadiliman, ngunit ipinagtayo siya ni Solomon ng matayog na tirahan upang doon ay titira siya magpakailanman.

2 Chronicles 6:4-6

Sa bandang huli saan nagpasiya si Yahweh na tumira at sino ang pinili niya na maghari sa Israel?

Hindi pumili si Yahweh ng lungsod kung saan itatayo ang kaniyang tahanan o sinumang tao na magiging prinsipe sa buong Israel, ngunit pagkatapos pinili niya ang Jerusalem bilang lungsod at si David maging hari sa buong Israel.

2 Chronicles 6:7-9

Ano ang sinabi ni Yahweh kay David upang patuloy na matupad ang mga nais ng kaniyang puso?

Sinabi ni Yahweh kay David, "Nasa iyong puso ang magtayo ng tahanan para sa aking pangalan, ngunit sa halip ang iyong anak ang magtatayo nito."

2 Chronicles 6:10-11

Paano tinupad ni Yahweh ang salita na kaniyang sinabi?

Tinupad ni Yahweh ang salita na kaniyang sinabi sa pamamagitan ng pagpapa-upo kay Solomon sa trono ni David, nagtayo para tahanan ng pangalan ni Yahweh, at inilagay sa loob nito ang arko.

2 Chronicles 6:12-13

Paano tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh?

Tumayo sa Solomon sa tansong entablado, lumuhod sa harapan ng lahat ng kapulungan ng Israel, at iniunat niya ang kaniyang mga kamay sa dako ng kalangitan.

2 Chronicles 6:14-15

Ano ang gagawin ng Diyos sa mga lingkod na lumalakad sa kaniyang harapan ng buong puso nila?

Tinupad ni Yahweh ang kasunduan ng may katapatan sa pagitan ng kaniyang mga lingkod na lumalakad sa kaniyang harapan ng buong puso nila.

2 Chronicles 6:16-17

Ano ang pangako na ginawa ni Yahweh sa kaniyang lingkod na si David?

Sinabi ni Yahweh kay David na hindi niya bibiguin na magkakaroon ng lalaki mula sa kaniyang tribu na uupo sa trono ng Israel kung maging maingat ang kaniyang mga inapo sa paglakad sa kautusan ni Yahweh.

2 Chronicles 6:18-20

Ano ang pangunahing kahilingan ni Solomon kay Yahweh?

Hiniling ni Solomon na pakinggan ni Yahweh ang kaniyang iyak at panalangin upang maging bukas ang kaniyang mga mata sa templo araw at gabi. [6:19-20]

2 Chronicles 6:21

Ano ang pangunahing kahilingan ni Solomon kay Yahweh?

Hiniling ni Solomon na pakinggan ni Yahweh ang kaniyang iyak at panalangin upang maging bukas ang kaniyang mga mata sa templo araw at gabi. [6:19-20]

Ano ang ninais ni Solomon kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na gawin pagkatapos na pakinggan ni yahweh ang mga kahilingan ni Solomon at nang mga taong Israelita?

Ninais ni Solomon na magpatawad si Yahweh . [6:21]

2 Chronicles 6:22-23

Sa paanong paraan maipahayag ang isang taong matuwid na walang sala kung siya ay naparatangang nagkakasala laban sa kaniyang kapwa?

Ang isang matuwid na tao ay maaaring maipahayag na walang sala sa pamamagitan ng panunumpa ng isang pangako sa harapan ng altar sa tahanan ni Yahweh.

2 Chronicles 6:24-25

Ano ang kailangang gawin ng mga tao ng Israel/Israelita noong sila ay matalo ng kanilang kaaway dahil sila ay nakagawa ng kasalanan laban kay Yahweh?

Kinakailangang ang mga tao ng Israel/Israelita ay manumbalik kay Yahweh, at kilalanin ang iyong pangalan, manalangin, at humiling ng kapatawaran sa harapan mo sa templong ito

2 Chronicles 6:26-27

Paano tutugon ang mga Israelita kapag ang kalangitan ay magsasara at walang ulan dahilan sa kanilang pagkakasala laban kay Yahweh?

Ang mga Israelita ay kailangang manalangin sa harap ng templo, kilalanin ang pangalan ni Yahweh, at tumalikod sa kanilang kasalanan upang bumagsak ang ulan sa kanilang lupain/upang magpadala ng ulan sa kanilang lupain.

2 Chronicles 6:28-31

Ano ang mga kailangang gawin ng mga tao ng Israel upang pakinggan ni Yahweh ang kanilang mga panalangin at patawarin sila sa kanilang mga kasalanan?

Kailangan ng mga tao sa Israel si Yahweh upang pakinggan ang kanilang mga panalangin kung mayroong tag-gutom, karamdaman, tagulamin, mga balang o mga higad, kapag ang mga kaaway ay sumalakay sa mga tarangkahan ng lungsod, o kung may iba pang mga salot at karamdaman.

2 Chronicles 6:32-35

Bakit kailangang gawin ni Yahweh ang mga itinatanong sa kaniya ng mga banyaga nang siya ay dumating at nanalangin patungo sa tahanan ni Yahweh?

Kailangan gawin ni Yahweh kung ano ang mga hinihiling sa kaniya ng mga banyaga upang ang lahat ng mga pangkat/grupo ng tao sa lupa ay makilala ang pangalan ni Yahweh, matakot sa kaniya at malaman/makilala ang tahanan kung saan ay tinawag sa pamamagitan ng kaniyang pangalan

2 Chronicles 6:36-42

Anong kahilingan ang hiningi ni Solomon kay Yahweh?/Ano ang kahilingan na nais ni Solomon na gawin ni Yahweh?

Hiniling ni Solomon kay Yahweh na pakinggan ang mga pagsisisi ng mga tao ng Israel at patawarin sila sa kanilang mga kasalanan pagkatapos na sila ay magkasala, na kinuha upang maging bihag sa lupain ng kanilang mga kaaway, at pagsisihan ang kanilang mga kasalanan.

Ano ang ninais ni Solomon na gawin ni Yahweh?

Ninais ni Solomon na pakinggan ni Yahweh ang mga panalangin ng mga tao, damitan ng kaligtasan ang kaniyang mga pari, at hayaang magsaya ang kaniyang mga binanal sa kaniyang kabutihan. [6:40-42]

2 Chronicles 7

2 Chronicles 7:1-3

Ano ang nangyari nang matapos ni Solomon ang kaniyang panalangin kay Yahweh?/Ano ang nangyari nang si Solomon ay matapos manalangin kay Yahweh?

Nang matapos manalangin si Solomon, may bumabang apoy mula sa langit at nilamon ang sinunog na mga handog at mga alay, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan.

Ano ang tugon ng mga tao ng Israel noong bumaba ang apoy at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan?

Yumuko ang mga tao ng Israel na ang kanilang mga mukha ay nakasayad sa lupa, sumamba at nagbigay pasasalamat kay Yahweh. [7:3]

2 Chronicles 7:4-6

Bakit kailangang mag alay ng handog ni Haring Solomon at ang lahat ng mga tao kay Yahweh?

Si Haring Solomon at lahat ng mga tao ay nag-alay ng handog kay Yahweh upang italaga ang tahanan ng Diyos

2 Chronicles 7:7

Bakit naghandog si Solomon ng sinunog na mga alay at mga taba ng pagtitipong mga kaloob sa gitna ng patyo?

Hinandog ni Solomon ang sinunog na mga kaloob at ang mga taba ng pagtitipong mga kaloob, dahil hindi kinaya ng ginawa niyang altar na tanso ang sinunog na mga handog, ang butil na mga handog, at ang taba.

2 Chronicles 7:8-10

Bakit pina-uwi ni Solomon ang mga tao ng Israel na malayo sa kanilang mga tahanan na may tuwa at galak ang mga puso pagkatapos ng pista?

pina-uwi ni Solomon ang mga tao sa kanilang mga tahanan na may tuwa at kagalakan ang mga puso dahil sa kabutihan na ipinakita ni Yahweh kay David, kay Solomon, at sa Israel na kaniyang mga tao.

2 Chronicles 7:11-12

Ano ang dinala palabas ni Solomon sa tahanan ni Yahweh at sa sariling tahanan ni Solomon?

Lahat ng bagay na nasa puso ni Solomon sa paggawa ng tahanan ni Yahweh at sa kaniyang sariling tahanan.

2 Chronicles 7:13-15

Ano ang kailangang gawin ng mga taong Israelita upang pakinggan ni Yahweh ang kanilang panalangin, at patawarin ang kanilang kasalanan, at pagalingin ang kanilang lupain?

Ang mga tao na tinawag sa pangalan ni Yahweh ay kinakailangang magpakumbaba sa kanilang mga sarili, manalangin, hanapin si Yahweh at tumalikod mula sa kanilang masasamang kaparaanan. [7:14

2 Chronicles 7:16-18

Bakit pinili at ginawang banal ni Yahweh ang kaniyang tahanan?

Pinili ni Yahweh at ginawang banal ang kaniyang tahanan, upang ang kaniyang pangalan ay mananatili roon magpakailanman

Ano ang kondisyon na itinakda ni Yahweh sa mga Israelita na gawin upang ang inapo ni david ay laging nasa trono ng kaniyang kaharian?

Sinabi ni yahweh na kinakailangang sundin ng mga Israelita ang lahat ng kaniyang iniutos sa kanila at panghawakan ang kaniyang panuntunan at mga kautusan [7:17-18]

2 Chronicles 7:19-22

Kung hindi susunod ang mga Israelita sa mga panuntunan at mga kautusan ni Yahweh at sasamba sa ibang mga diyos, ano ang mangyayari sa kanila?

Kung susuway ang mga Israelita sa mga panuntunan at mga kautusan ni Yahweh at sasamba sa ibang mga diyos, bubunutin niya sila mula sa lupanin na ibinigay niya sa kanila at ang tahanan na kaniyang binanal ay gagawin niyang katawa-tawa sa gitna ng mga tao. [7:19-20]

Anong tugon ang ibibigay sa mga tao na dadaan sa templo at nagugulat kung ano ginawa ni Yahweh sa lupain at sa kaniyang tahanan?

Ang magiging tugon ay dinala ni Yahweh ang lahat ng mga salot na ito sa lupain at sa kaniyang tahanan dahil sumunod ang kaniyang mga tao sa kaniya at yumakap sa ibang mga diyos, yumuko at sumamba sa kanila. [7:21-22]

Ano ang mangyayari kung ang mga tao ng Israel ay ibig talikuran ang panuntunan at kautusan ni Yahweh at sasamba sa ibang mga diyos?

Kung ibig talikuran ng mga tao ng Israel ang mga panuntunan, kautusan ni Yahweh at sasamba sa ibang mga diyos, bubunutin niya sila mula sa lupain na kaniyang ibinigay sa kanila at sa tahanan na kaniyang pinabanal at gagawin silang katawa-tawa sa lahat ng tao.

2 Chronicles 8

2 Chronicles 8:1-2

Ano ang ginawa ni Solomon habang ipinapatayo niya ang tahanan ni Yahweh at ang kaniyang sariling tahanan?

Sa panahon na ipinapatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh at ang kaniyang sariling tahanan, ipinapagawa rin niyang muli ang mga bayan na ibinigay sa kaniya ni Hiram at pinatira niya ang mga Israelita doon.

2 Chronicles 8:3-4

Sa anong dahilan nagpasya si Solomon kung anong mga lungsod ang ipapatayo niya?

Nagpasya si Solomon na ipatayo ang anumang mga lungsod na nais niyang ipatayo para sa kaniyang kasiyahan sa lahat ng mga lupaing kaniyang pinamumunuan.

2 Chronicles 8:5-6

Sa pangkalahatan, para saan at para sa anong layunin nagpatayo si Solomon?

Nagpatayo si Solomon para sa kaniyang sariling kasiyahan sa Jerusalem, Lebanon at sa lahat ng mga lupaing kaniyang pinamumunuan . [8:6]

2 Chronicles 8:7-8

Ano ang nangyari sa mga tao sa lupain na hindi kabilang sa Israel?

Ginawa ni Solomon na mga sapilitang manggagawa ang mga tao na hindi kabilang sa Israel.

2 Chronicles 8:9-10

Anong mga gawain ang ibinigay ni Solomon sa mga Israelita?

Ginawang kawal ni Solomon ang mga Israelita, pinuno ng kaniyang mga hukbo,mga tagapangasiwa, pinuno ng kaniyang mga mangangarwahe at mga mangangabayo.

2 Chronicles 8:11

Bakit dinala ni Solomon ang anak ni Faraon sa labas ng lungsod ni David sa tahanan na ipinatayo niya para rito?

Dinala ni Solomon ang anak ni Faraon sa labas ng lungsod ni David sa isang tahanan, dahil naroon sa lungsod ang kaban ni Yahweh kaya banal ang lugar na ito.

2 Chronicles 8:12-13

Paano naghandog si Solomon ng mga alay na susunugin kay Yahweh sa ipinagawa niyang altar sa harap ng portiko?

Naghandog si Solomon ng mga alay na susunugin kay Yahweh gaya ng itinakda na kinakailangan sa araw-araw, na sinusunod ang mga alituntuning nakasaad sa kautusan ni Moises.

2 Chronicles 8:14-15

Ano ang mga tungkulin ng mga pari at mga Levita?

Itinalaga ni Solomon ang mga pari at mga Levita sa kanilang mga tungkulin upang papurihan ang Diyos at upang maglingkod sa mga pari gaya ng itinakda na kinakailangan sa araw-araw.

Gaano katapat ang mga bantay sa tarangkahan sa paggawa ng kanilang mga tungkulin?

Hindi lumabag ang mga bantay ng tarangkahan sa mga utos ng hari sa mga pari at sa mga Levita tungkol sa anumang bagay.

2 Chronicles 8:16-18

Ano ang palatandaan na natapos na ang lahat ng mga gawain ni Solomon sa tahanan ni Yahweh?

Tuluyang natapos ang tahanan ni Yahweh at ginamit ito.

2 Chronicles 9

2 Chronicles 9:1-2

Bakit nagpunta ang reyna ng Sheba sa Jerusalem?

Ang reyna ng Sheba ay nagpunta sa Jerusalem dahil nabalitaan niya ang katanyagan ni Solomon at nais niyang subukin ito ng mahihirap na katanungan. [9:1]

Paano tumugon si Solomon nang tanungin siya ng reyna ng Sheba sa lahat ng katanungang nasa kaniyang puso?

Sinagot ni Solomon ang lahat ng katanungan sa kaniya ng reyna ng Sheba. [9:1-2]

2 Chronicles 9:3-4

Ano ang naging tugon ng reyna ng Sheba nang makita niya ang karunungan ni Solomon at ang lahat ng gusali, pagkain, damit at mga lingkod na nasa kaniyang pag-aari?

Nang makita ng reyna ng Sheba ang lahat ng pag-aari na mayroon si Solomon, nawala ang pagmamalaki niya sa kaniyang sarili. [9:3-4]

2 Chronicles 9:5-6

Ano ang sinabi ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon?

Sinabi ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon na lumampas na ang kaniyang karunungan at kayamanan na narinig niya tungkol sa kaniya at mapalad ang kaniyang mga tao dahil sa kaniyang karunungan.[9:6]

Ano ang naging pagsusuri ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon?

Sinabi ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon na lumampas na ang kaniyang karunungan at kayamanan na narinig niya tungkol sa kaniya.

2 Chronicles 9:7-9

Ano ang sinabi ng reyna ng Sheba upang ipaalala kay Solomon, kung paano siya nailuklok sa trono ng Israel bilang kanilang hari?

Pinaalalahanan ng reyna ng Sheba si Solomon na ginawa siyang hari ni Yahweh sa buong Israel at siya ay iniluklok ni Yahweh sa trono dahil sa minamahal ni Yahweh ang Israel, nais niya itong patatagin magpakailanman. [9:8]

Ano ang sinabi ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon?

Sinabi ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon na na ang kaniyang karunungan at kayamanan ay higit sa narinig niya tungkol sa kaniya at ito ang dahilan kung bakit pinagpapala ang kaniyang mga tao. [9:8]

2 Chronicles 9:10-12

Ano ang kinalabansan ng paglalakbay ng reyna ng Sheba sa kaniyang pakikipagkita kay Haring Solomon?

Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng kaniyang hiniling at anumang hiningi nito bilang karagdagan sa dinala niya sa hari at pagkatapos, bumalik na siya at umuwi sa kaniyang sariling lupain. [9:12]

2 Chronicles 9:13-14

Ano ang ginawa ni Solomon sa mga talento ng mga ginto na dinala ng mga negosyante at mga mangangalakal sa kaniya?

Gumawa si Haring Solomon ng ilang daang mga kalasag na gawa sa pinitpit na ginto kung saan inilagay niya sa Kagubatang Palasyo sa Lebanon.

Gaano karaming ginto ang dumarating kay Solomon sa loob ng isang taon?

Ang timbang ng gintong dumarating kay Solomon sa isang taon ay 666 talento. [9:13]

Sino ang nagdala ng ginto kay Solomon?

Ang mga negosyante, mga mangangalakal at ang lahat ng hari sa Arabia at mga gobernador sa bansa ang nagdala ng ginto kay Solomon. [9:14]

2 Chronicles 9:15-16

Gaano karaming gintong kalasag ang ginawa ni Solomon?

Gumawa si Haring Solomon ng limang daang kalasag na gawa sa pinitpit na ginto. [9:16]

2 Chronicles 9:17-18

Saan gawa ang trono ni Haring Solomon?

Ang trono ni Haring Solomon ay gawa sa garing at binalutan ng pinakapurong ginto. [9:17]

Ano ang sinasabi tungkol sa trono ni Haring Solomon na gawa sa garing at binalutan ng dalisay na ginto?

Sinasabing walang tronong katulad nito sa alinmang ibang kaharian. [9:17]

2 Chronicles 9:19-21

Bakit walang ginawang kopang pilak si Haring Solomon?

Walang inumang kopang gawa sa pilak si Haring Solomon dahil ang pilak ay itinuturing na hindi mahalaga sa mga panahon ni Solomon. [9:20]

2 Chronicles 9:22-24

Bakit hinahangad ng lahat ng tao sa mundo na makakaharap si Solomon?

Gusto ng lahat ng tao sa buong mundo na makaharap si Solomon dahil sa kaniyang kayamanan at upang pakinggan ang karunungang inilagay ng Diyos sa kaniyang puso.

2 Chronicles 9:25-26

Sinong mga hari ang pinamunuan ni Solomon?

Pinamunuan ni Haring Solomon ang lahat ng hari mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Egipto. [9:26]

Ano ang iba pang mga palatandaan ng kayamanan ni Haring Solomon?

Si Haring Solomon ay mayroong apat na libong kuwadra ng mga kabayo at mga karwahe, labin dalawang libong mangangabayo, mga pilak na katulad ng mga bato sa lupa at kahoy na sedar na kasindami ng mga punong sikomoro na nasa kapatagan.

2 Chronicles 9:27-31

Gaano katagal na naghari ni Solomon sa Jerusalem sa buong Israel?

Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel ng apatnapung taon. [9:29-30]

2 Chronicles 10

2 Chronicles 10:1-2

Bakit pupunta ang lahat ng mga taga-Israel sa Shekem?

Pupunta ang lahat ng mga taga-Israel sa Shekem upang gawing hari nila si Rehoboam.[10:1]

Ano ang pumipigil kay Rehoboam upang maging hari ng mga taga-Israel?

Ang pagbabalik ni Jeroboam mula sa pagpapatapon sa kaniya sa Egipto ang pumipigil kay Rehoboam upang maging hari ng mga taga-Israel. [10:2]

2 Chronicles 10:3-5

Ano ang kahilingan ni Jeroboam at ng lahat ng taga-Israel kay Rehoboam?

Hiniling ni Jeroboam at ng lahat ng mga taga-Israel kay Rehoboam na pagaanin niya ang mabigat nilang pasanin na ibinigay sa kanila ni Haring Solomon.[10:3-4]

2 Chronicles 10:6-7

Ano ang ipinayo ng mga matatandang kalalakihan na mga tagapayo ni Solomon noong nabubuhay pa siya na gawin ni Rehoboam?

Ipinayo ng mga matatandang kalalakihan kay Rehoboam na maging mabuti siya sa mga tao at magsabi ng mga salitang ikalulugod nila upang maaari silang maging laging tagapaglingkod niya. [10:6-7]

2 Chronicles 10:8-9

Ano ang ginawa ni Rehoboam pagkatapos niyang hindi pakinggan ang payo na ibinigay ng mga matatandang kalalakihan sa kaniya?

Sumangguni si Rehoboam sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki, na nagtatanong sa kanila kung paano niya tutugunan ang kahilingan ng mga tao na pagaanin ang kanilang mga pasan.[10:8-9]

2 Chronicles 10:10-11

Ano ang ipinayo ng mga kabataang lalaki na kasabayang lumaki ni Rehoboam tungkol sa kahilingan ng mga tao na pagaanin niya ang kanilang mga pasan?

Pinayuhan ng mga kabataang lalaki si Rehoboam na sabihin niya sa mga tao na bagaman pinagdala kayo ng aking ama ng mabigat na pamatok, dadagdagan ko pa ang inyong mabigat na pamatok. [10:10-11]

2 Chronicles 10:12-14

Ano ang nangyari sa ikatlong araw nang puntahan ni Jeroboam at ng lahat ng taga-Israel si Rehoboam?

Ipinagwalang bahala ni Haring Rehoboam ang payo ng mga matatandang kalalakihan at marahas silang sinagot na sinusunod ang payo ng mga kabataang lalaki.

2 Chronicles 10:15

Bakit hindi pinakinggan ni Haring Rehoboam ang mga taga-Israel?

Ang pasya ng hari na hindi pakinggan ang mga taga-Israel ay ang itinakdang pangyayari na dinala ni Yahweh upang isakatuparan ang kaniyang salita na sinabi kay Jeroboam sa pamamagitan ni Ahias.

2 Chronicles 10:16-19

Ano ang naging tugon ng mga taga-Israel sa pahayag ni Haring Rehoboam na gagawin pa niyang mas mabigat ang kanilang mga pamatok?

Nang marinig ng mga taga-Israel ang pahayag mula kay Haring Rehoboam, sinabi ng mga tao sa Israel na wala silang mapapala kay David, sinabihin sa mga tao sa Israel na bumalik na sila sa kanilang mga tolda, at sinabi kay Rehoboam na tingnan ang kaniyang sariling sambahayan.

Paano tumugon ang mga tao sa Israel ng ipadala sa kanila ni Haring Rehoboam si Adoram na [siyang] tagapamahala sa mga pinilit na mga manggagawa?

Binato ng mga taga-Israel si Adoram hanggang sa mamatay siya at tumakas si Haring Rehoboam sakay ng kaniyang karwahe patungong Jerusalem.[10:16]

2 Chronicles 11

2 Chronicles 11:1

Bakit tinipon ni Rehoboam ang sambahayan nina Juda at Benjamin upang makipaglaban sa Israel nang makarating siya sa Jerusalem?

Tinipon ni Rehoboam ang sambahayan nina Juda at Benjamin upang maibalik sa kaniya ang kaharian.

2 Chronicles 11:2-4

Anong mensahe mula kay Yahweh ang inihatid ni Semaias kay Rehoboam at sa buong Israel?

Ang mensahe mula kay Yahweh na hindi nila dapat salakayin at kalabanin ang kanilang mga kapatid.

2 Chronicles 11:5-10

Bakit nagpatayo si Rehoboam ng mga lungsod sa Juda?

Nagpatayo si Rehoboam ng mga lungsod sa Juda upang maging pananggalang.

2 Chronicles 11:11-12

Ano ang ilan sa mga naisakatuparan ni Rehoboam?

Pinatibay niya ang mga kuta, naglagay ng mga pinuno sa mga ito at naglagay ng mga kalasag at mga sibat sa bawat lungsod.

2 Chronicles 11:13-15

Bakit iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at mga pag-aari upang pumunta sa Juda at Jerusalem?

Iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at mga pag-aari dahil itinaboy sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak upang hindi na sila makagawa pa ng mga tungkulin ng pari para kay Yahweh.

Paano pinalitan ni Jeroboam ang mga pari at ang mga Levita na lumipat sa Juda?

Nagtalaga si Jeroboam ng mga pari para sa mga dambana at sa mga diyus-diyosang guya at kambing na kaniyang ipinagawa.

2 Chronicles 11:16-21

Ano ang ginawa ng mga tao mula sa mga tribu ng Israel upang patatagin si Rehoboam at ang kaharian ng Juda?

Ang mga taong itinuon ang kanilang puso na hanapin si Yahweh ay pumunta sa Jerusalem mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maghandog kay Yahweh.

2 Chronicles 11:22-23

Ano ang isang paraan kung saan buong karunungang namuno si Rehoboam?

Buong karunungang namuno si Rehoboam sa pamamagitan ng pagpapatira niya sa kaniyang mga anak sa lahat ng mga lupain ng mga tribu nina Juda at Benjamin sa bawat matibay na lungsod.

2 Chronicles 12

2 Chronicles 12:1

Anong pagkakamali ang ginawa/nagawa ni Haring Rehoboam nang naging matatag na ang kaniyang paghahari?

Tinalikuran ni Rehoboam at ng lahat ng taga-Israel ang kautusan ni Yahweh.

2 Chronicles 12:2-4

Bakit nilusob ni Shishak na hari ng Egipto ang Jerusalem?

Nilusob ni Shishak ang Jerusalem dahil hindi naging tapat ang mga tao kay Yahweh.

2 Chronicles 12:5-6

Ano ang naging tugon ni Haring Rehoboam at ng mga pinuno ng Juda nang sabihin sa kanila ng propetang si Semaias na ibibigay sila ni Yahweh sa mga kamay ni Shishak dahil tinalikuran nila siya?

Nagpakumbaba si Rehoboam at ang mga pinuno ng Juda at ipinahayag na matuwid si Yahweh.

2 Chronicles 12:7-8

Paano tumugon si Yahweh nang makita niyang nagpakumbaba si Rehoboam at ang mga pinuno ng Juda?

Sinagip sila ni Yaweh mula sa tiyak na kapahamakan, ngunit hinayaan pa rin niya silang maging lingkod sa pamumuno ni Shishak.[12:7]

Bakit hinayaan ni Yahweh na maging mga tagapaglingkod ang mga pinuno ng Juda kay Shishak?

Hinayaan sila ni Yahweh na maging mga tagapaglingkod ni Shishak upang maunawaan nila kung paano ang maglingkod sa kaniya gayon din ang maglingkod sa mga pinuno ng ibang mga bansa.[12:8]

2 Chronicles 12:9-10

Ano ang mga kinuha ni Shishak mula sa Jerusalem?

Kinuha ni Shishak ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at sa bahay ng hari, gayon din ang mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.

2 Chronicles 12:11-12

Bakit nawala ang poot ni Yahweh kay Rehoboam?

Nawala ang poot ni Yaweh kay Rehoboam dahil nagpakumbaba siya at may ilan pa rin namang mabubuting tao na makikita sa Juda.[12:12]

2 Chronicles 12:13-16

Bakit sinabi na "Masama ang ginawa ni Haring Rehoboam"?

Sinabi na masama ang ginawa ni Rehoboam dahil hindi niya inayos ang kaniyang puso upang hanapin si Yahweh.

Anong nangyari pagkatapos mamatay at ilibing sa Jerusalem si Rehoboam?

Naging hari ang kaniyang anak na si Abijah sa kaniyang lugar.[12:16]

2 Chronicles 14

2 Chronicles 14:1-4

Ano ang mga aksyon na ginawa ni Asa na nagpapatunay na ginawa niya ang mabuti at tama sa paningin ni Yahweh?

Tinanggal ni Asa ang mga altar ng mga diyus-diyosan at mga dambana. Giniba niya ang mga sagradong batong haligi at ibinuwal ang mga rebultong poste ni Ashera. [14:2-3]

2 Chronicles 14:5-6

Bakit mapayapa ang lupain at walang mga digmaan sa panahon ng paghahari ni Asa?

Mapayapa ang lupain at walang anumang digmaan sa panahong ng paghahari ni Asa dahil binigyan siya ni Yahweh ng kapayapaan. [14:5-6]

2 Chronicles 14:7-8

Bakit binalak ni Asa na magtayo ng mga lungsod na napapaligiran ng pader?

Binalak ni Asa na magtayo ng mga lungsod na napapaligiran ng pader dahil ibinigay ni Yahweh sa kanila ang kapayapaan sa lahat ng dako. [14:7]

2 Chronicles 14:9-11

Ano ang naging tugon ni Asa nang dumating ang napakaraming kawal ni Zera na taga-Etiopia laban sa mga Israelita?

Tumawag si Asa kay Yahweh upang tulungan sila sa pagkilalang siya at ang kaniyang hukbo ay makikipagdigma sa pangalan ni Yahweh laban sa napakaraming kawal ni Zera. [14:9-11]

2 Chronicles 14:12-15

Sino ang humampas sa mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng Juda?

Hinampas ni Yahweh ang mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng Juda. [14:12]

Ano ang naging bunga ng digmaan sa pagitan ng mga kawal ni Asa at ng mga taga-Etiopia?

Ang mga hukbo ng Etiopia ay lubusang nawasak gayundin ang mga nayon sa paligid ng Gerar at napakarami nilang nasamsam.

Ano ang ginawa ng hukbo sa mga nayon sa palibot ng Gerar?

Winasak at sinamsam ng hukbo ang mga nayon sa palibot ng Gerar. [14:14]

2 Chronicles 15

2 Chronicles 15:1-2

Anong mensahe mula sa Diyos ang inihatid ni Azarias kay Haring Asa?

Ang mensahe na sasamahan ni Yahweh si Asa habang nanatili siya kay Yahweh, ngunit kung hindi mananatili si Asa kay Yahweh, iiwan siya ni Yahweh.

2 Chronicles 15:3-5

Ano ang wala sa Israel sa loob ng mahabang panahon?

Hindi kasama ng Israel ang tunay na Diyos, walang nagtuturong pari at wala ang kautusan ng Diyos sa loob ng mahabang panahon.

Sa mga panahong iyon, ano ang naghihintay sa lahat ng mga naninirahan sa mga lupain?

Sa mga panahong iyon, malaki ang kapahamakang naghihintay sa lahat ng mga naninirahan sa mga lupain.

2 Chronicles 15:6-7

Paano pinahirapan ng Diyos ang mga naninirahan sa mga lupain?

Pinahirapan ng Diyos ang mga naninirahan sa mga lupain sa pamamagitan ng lahat ng uri ng pagdurusa.

2 Chronicles 15:8-11

Ano ang muling ipinatayo ni Asa nang marinig niya ang mensahe ng propeta?

Muling ipinatayo ni Asa ang altar ni Yahweh nang marinig niya ang mensahe ng propeta.

Bakit napakaraming tao ang pumunta kay Haring Asa na nagmula sa Efraim, Manases at Simeon?

Pumunta sila dahil nakita nila na kasama ni Haring Asa si Yahweh.

2 Chronicles 15:12-13

Bakit gumawa ng kasunduan ang mga tao?

Gumawa ng kasunduan ang mga tao upang hanapin nila nang buong puso at kaluluwa si Yahweh.

Ano ang mangyayari sa sinumang tumangging hanapin si Yahweh?

Ipapapatay ang sinumang tumangging hanapin si Yahweh.

2 Chronicles 15:14-15

Ano ang ibinigay ni Yahweh sa mga tao matapos silang mangako nang buong puso sa kaniya?

Binigyan ni Yahweh ng kapayapaan ang mga tao sa kanilang buong lupain.

2 Chronicles 15:16-19

Ano ang kalagayan ng puso ni Haring Asa?

Naging tapat kay Yahweh ang puso ni Haring Asa noong mga panahong nabubuhay pa siya.

Ano ang hindi naganap hanggang sa ika-tatlumpu't limang taon ng paghahari ni Asa?

Walang digmaan hanggang sa ika-tatlumpu't limang taon ng paghahari ni Asa.

2 Chronicles 16

2 Chronicles 16:1

Bakit agresibong kumilos si Baasha, ang hari ng Israel laban sa Juda sa pagpapatayo ng Rama?

Agresibong kumilos si Baasha, kaya maari niyang hindi payagang makalabas o makapasok ang sinuman sa lupain ni Asa.

2 Chronicles 16:2-3

Bakit dinala ni Asa ang pilak at ginto mula sa silid imbakan at ipinadala ito kay Ben-hadad, ang hari ng Aram?

Ipinadala ni Asa ang pilak at ginto kay Ben-hadad upang hikayatin siyang bawiin ang kaniyang kasunduan kay Baasa at magtatag ng isang kasunduan kay Asa.

Bakit gusto ni Asa na sirain ni Ben-hadad ang kaniyang kasunduan kay Baasa?

Gusto ni Asa na sirain ni Ben-hadad ang kasunduan upang pabayaan na ni Baasha si Asa.

2 Chronicles 16:4-6

Ano ang nangyari nang tumigil si Baasa pagtatayo ng Rama dahil sa paglusob mula kay Ben-hadad?

Kinuha ni Asa at lahat ng Juda ang mga bato at mga troso kung saan ginagamit ni Baasa sa pagpapatayo ng Rama at ginamit ang mga ito sa pagpapatayo ng Geba at Mizpah.

2 Chronicles 16:7-8

Bakit sinaway ng manghuhulang si Hanani si Asa?

Sinaway ni Hanani si Asa dahil umasa siya sa kasunduan kay haring Aram sa halip na umasa kay Yahweh tulad ng kaniyang ginawa laban sa mga taga-Ethiopia.

2 Chronicles 16:9-10

Bakit nagmamasid si Yahweh sa lahat ng dako sa buong daigdig?

Nagmamasid si Yahweh sa lahat ng dako upang ipakita ang kaniyang kapangyarihan sa ngalan ng mga buong pusong nagtitiwala sa kaniya.

Ano ang naging tugon ni Asa sa pagsaway ni Hanani?

Nagalit si Asa kay Hanani at inilagay siya sa bilangguan.

2 Chronicles 16:11-12

Paano ang naging tugon ni Asa sa malubhang sakit ng kaniyang mga paa?

Hindi humingi ng tulong si Asa kay Yahweh, sa halip ay sa manggagamot lamang.

2 Chronicles 16:13-14

Paano pinarangalan si Asa pagkatapos ng kaniyang pagkamatay?

Inilagay ng mga tao si Asa sa isang kabaong na puno ng iba't ibang uri ng pabango at gumawa ng napakalaking apoy para sa kaniyang karangalan.

2 Chronicles 17

2 Chronicles 17:1-2

Saan naglagay si Jehoshafat ng mga hukbo?

Naglagay si Jehoshafat ng mga hukbo sa lahat ng pinatibay na lungsod sa Juda.

2 Chronicles 17:3-4

Bakit kasama ni Jehoshafat si Yahweh?

Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa kaparaanan ng kaniyang amang si David.

Kaninong pag-uugali ang hindi sinundan ni Jehoshafat dahil lumakad siya sa mga kautusan ng Diyos?

Lumakad siya ayon sa kautusan ng Diyos, hindi ayon sa pag-uugali ng Israel.

2 Chronicles 17:5-6

Saan nakatuon ang puso ni Jehoshafat?

Nakatuon ang puso ni Jehoshafat sa mga kaparaanan ni Yahweh.

2 Chronicles 17:7-9

Anong aklat ang dala ng mga opisyal at mga Levita at mga pari nang magturo sila sa Juda?

Nagturo sila sa Juda dala ang aklat ng kautusan ni Yahweh.

2 Chronicles 17:10-11

Ano ang hindi ginawa ng mga kaharian sa palibot ng Juda dahil sa Malaking Takot kay Yahweh?

Nagkaroon ng malaking takot kay Yahweh ang mga nasa palibot ng Juda kaya hindi sila nakipagdigma laban kay Jehoshafat.

2 Chronicles 17:12-13

Ano ang dalawang bagay na ipinatayo ni Jehoshafat sa Juda?

Nagpatayo si Jehoshafat ng mga tanggulan at mga imbakang lungsod sa Juda.

2 Chronicles 17:14-19

Ano ang kusang inihandog ni Amasias na anak ni Zicri?

Nagkusang maglingkod si Amasias kay Yahweh.

Anong uri ng tao si Eliada na mula sa tribo ng Benjamin?

Si Eliada ay makapangyarihan na lalaking matapang.

2 Chronicles 18

2 Chronicles 18:1-3

Paano nakipagkasundo si Jehoshafat kay Ahab?

Nakipagkasundo si Jehoshafat kay Ahab sa pamamagitan ng pagpapakasal niya sa isa sa kaniyang pamilya sa anak na babae ni Ahab.

2 Chronicles 18:4-5

Ano ang sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel na gawin upang malaman ang kasagutan?

Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, "Pakiusap sumangguni muna tayo sa salita ni Yahweh para sa kasagutan."

2 Chronicles 18:6-8

Bakit kinamumuhian ng hari ng Israel si Micaias na anak ni Imla?

Kinamuhian ng hari ng Israel si Micaias dahil hindi kailanman ito nagpropesiya ng anumang mabuti tungkol sa hari kundi mga paghihirap lamang.

2 Chronicles 18:9-11

Sino ang tinutukoy ng mga propeta na nagbigay ng Ramot-gilead sa kamay ng hari?

Nagpropesiya silang lahat, sinasabing ibinigay ni Yahweh ang Ramot-gilead sa kamay ng hari.

2 Chronicles 18:12-14

Ano ang sinabi ng mensahero kay Micaias tungkol sa mga salita ng mga propeta na kanilang ipinahayag sa hari?

Sinabi ng mensahero kay Micaias na naghayag ng mga mabuting bagay ang mga propeta sa hari na iisa ang sinasabi.

2 Chronicles 18:15-16

Kanino inihalintulad ni Micaias ang mga Israel nang makita niya sila na nagkalat sa mga bundok?

Sinabi ni Micaias na nakita niya ang lahat ng Israel na nagkalat sa bundok katulad ng mga tupa na walang pastol.

2 Chronicles 18:17-18

Nang makita ni Micaias si Yahweh sa kaniyang trono nasaan ang mga hukbo ng langit?

Nakita ni Micaias si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo ng langit ay nakatayo sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.

2 Chronicles 18:19

Ano ang hinihingi ni Yahweh na mangyari kapag umakyat si Ahab sa Ramot-gilead?

Hinihingi ni Yahweh na may isang mag-udyok kay Ahab na hari ng Israel na pumunta at bumagsak sa Ramot-gilead.

2 Chronicles 18:20-21

Kanino pupunta ang espiritu upang maging isang sinungaling na espiritu?

Sinabi ng espiritu na lalabas siya at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng mga propeta ni Ahab.

2 Chronicles 18:22-24

Ano ang sinabi ni Micaias na iniutos ni Yahweh na mangyayari sa hari ng Israel?

Sinabi ni Micaias na iniutos ni Yahweh na kapahamakan ang mangyayari sa kaniya.

2 Chronicles 18:25-27

Saan ilalagay si Micaias hanggang sa makabalik nang ligtas ang hari ng Israel?

Sinabi ng hari na ikulong si Micaias hanggang makabalik siya nang ligtas.

2 Chronicles 18:28-30

Kung bumalik nang ligtas ang hari, ano ang kahulugan niyon tungkol sa sinabi ni Micaias?

Sinabi ni Micaias na kung bumalik nang ligtas ang hari, hindi nagsalita ang Yahweh sa pamamagitan niya.

Ayon sa hari ng Aram, sino ang sasalakayin ng mga kapitan?

Sinabi ng hari ng Aram sa mga kapitan ng kaniyang mga karwahe na huwag salakayin ang mga kawal, sa halip salakayin lamang ang hari ng Israel.

2 Chronicles 18:31-32

Ano ang ginawa ng mga pinuno nang nakita nila na hindi si Jehoshafat ang hari ng Israel?

Nang makita ng mga pinuno na hindi siya ang hari ng Israel, tumigil sila sa paghabol sa kaniya.

2 Chronicles 18:33-34

Anong oras namatay si Ahab?

Nang lumulubog na ang araw, namatay si Ahab.

2 Chronicles 19

2 Chronicles 19:1-3

Ano ang kabutihan na matatagpuan sa puso ni Jehoshafat?

May ilang mabuting makikita kay Jehoshafat, nakatuon ang kaniyang pusong hanapin ang Diyos.

2 Chronicles 19:4-5

Saan naglagay si Jehoshafat ng mga hukom?

Naglagay si Jehoshafat ng mga hukom sa lupain, sa bawat pinatibay na lungsod ng Juda

2 Chronicles 19:6-7

Ayon kay Jehoshafat, nasaan si Yahweh sa pagsasagawa ng mga hukom ng paghatol?

Sinabi niya sa mga hukom na si Yahweh ay kasama nila sa pagsasagawa ng paghatol.

2 Chronicles 19:8-9

Ayon kay Jehoshafat, anong uri ng puso ang dapat nasa mga hukom sa Jerusalem bilang paggalang kay Yahweh?

Tinuruan sila ni Jehoshafat na bilang paggalang kay Yahweh, humatol sila nang tapat at may matuwid na puso.

2 Chronicles 19:10

Ano ang hindi bababa sa kanila kung hindi magkakasala ang mga tao laban kay Yahweh?

Sinabihan ang mga tao na huwag magkasala laban kay Yahweh upang hindi bumaba ang galit sa kanila.

2 Chronicles 19:11

Sa dalangin ni Jehoshafat, kanino mananahan si Yahweh?

Dalangin ni Jehoshafat na manahan si Yahweh sa mga mabuti.

2 Chronicles 20

2 Chronicles 20:1-2

Para sa anong dahilan ang pagdating ng mga taong Moab at Ammon, at mga Meunita laban kay Jehoshafat?

Dumating sila laban kay Jehoshafat para sa isang digmaan .

2 Chronicles 20:3-4

Saan galing ang mga tao ng Juda upang hanapin si Yahweh?

Ang mga tao ay dumating upang hanapin si Yahweh mula sa lahat ng lungsod ng Juda.

2 Chronicles 20:5-7

Saan tumayo si Jehoshafat sa pagpupulong ng mga tao?

Tumayo si Jehoshafat sa tahanan ni Yahweh, sa harap ng bagong patyo.

2 Chronicles 20:8-9

Ano ang pangako ni Yahweh na muling binanggit ni Jehoshafat nang dumadaing ang mga tao sa kaniya sa kanilang paghihirap?

Sinabi ni Jehoshafat na kung ang mga tao ay dadaing kay Yahweh sa kanilang paghihirap, sila ay kaniyang pakikinggan at ililigtas.

2 Chronicles 20:10-11

Ano ang hindi hinayaan ni Yahweh na gawin ng mga Israel sa mga Ammon, Moab, at sa Bundok ng Seir nang umalis sila sa Egipto?

Hindi hinayaan ni Yahweh na sila ay masakop ng Israel nang sila ay umalis sa lupain ng Egipto.

2 Chronicles 20:12-13

Ilang bahagi ng mga tao sa Juda ang nakatayo sa harap ni Yahweh?

Lahat ng Judah ay nakatayo sa harap ni Yahweh, kasama ang kanilang mga sanggol, mga asawang babae, at mga anak.

2 Chronicles 20:14-15

Bakit sinabi ni Yahweh na huwag matakot o panghinaan ng loob sa malaking hukbo na paparating laban sa kanila?

Sinabi ni Yahweh sa kanila na huwag silang matakot o panghinaan ng loob dahil sa malaking hukbong ito dahil ang laban ay hindi sa kanila kundi sa Diyos.

2 Chronicles 20:16-17

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao na dapat nilang makita kapag sila ay manatili sa kanilang mga kinatatayuan?

Sinabi ni Yahweh na manatili silang nakatayo, at makikita nila ang pagliligtas sa kanila ni Yahweh.

2 Chronicles 20:18-19

Ano ang ginawang pagsamba ng mga Juda at mga naninirahan sa Jerusalem sa harap ni Yahweh?

Lahat ng mga Juda at mga naninirahan sa Jerusalem ay lumuhod sa harap ni Yahweh na sumasamba sa kaniya.

2 Chronicles 20:20-21

Sa pag-alis ng mga hukbo, bakit sinabi ni Jehoshafat na magbigay pasasalamat kay Yahweh?

Sa kanilang pag-alis, sa panguguna ni Jehoshafat sa mga hukbo, sinabi ni Jehoshafat sa kanila na sabihin, "Magbigay pasasalamat kay Yahweh; dahil ang kaniyang katapatan sa kasunduan ay mananatili magpakailanman!"

2 Chronicles 20:22-23

Ano ang ginawa ni Yahweh nang magsimulang umawit at magpuri ang mga Juda?

Nang nagsimula silang umawit at magpuri, si Yahweh ay naglagay ng mga kalalakihan na pantambang laban sa kanilang mga kaaway.

2 Chronicles 20:24

Ano ang nakita ng mga tao ng Juda nang sila ay nagmasid sa mga hukbo ng kaaway?

Nang makita nila ang mga hukbo, silang lahat ay patay na, nakahandusay sa lupa.

2 Chronicles 20:25-26

Gaano katagal na hinakot ng mga tao ang mga nasamsam mula sa hukbo?

Umabot sa tatlong araw ang pagbubuhat ng mga tao sa mga nasamsam, dahil ito ay napakarami.

2 Chronicles 20:27-28

Bakit bumalik si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao sa Jerusalem na may galak?

Bumalik sila sa Jerusalem na may galak dahil si Yahweh ang nagbigay sa kanila ng kagalakan dahil sa kanilang mga kaaway.

2 Chronicles 20:29-30

Ano ang ibinigay ng Diyos kay Jehoshafat para sa katahimikan ng kaniyang kaharian?

Ang kaharian ni Jehoshafat ay tahimik, dahil ang kaniyang Diyos ang nagbigay sa kaniya ng kapayapaan sa lahat ng nakapalibot sa kaniya.

2 Chronicles 20:31-34

Ano ang ginawa ni Jehoshafat sa paningin ni Yahweh?

Ginawa ni Jehoshafat kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh.

2 Chronicles 20:35-37

Ano ang naihayag na propesiya laban kay Jehoshafat dahil nakipagkasundo siya kay Ahazias?

Dahil nakipagkasundo si Jehoshafat kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang kaniyang mga ginawa.

2 Chronicles 21

2 Chronicles 21:1-3

Bakit ibinigay ni Jehoshafat ang trono kay Jehoram?

Ibinigay ni Jehoshafat kay Jehoram ang trono dahil si Jehoram ang kaniyang panganay.

2 Chronicles 21:4-5

Ano ang ginawa ni Jehoram sa kaniyang mga kapatid na lalaki matapos siyang itinalaga bilang hari?

Nang matatag na itinalaga ni Jehoram ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak.

2 Chronicles 21:6-7

Bakit hindi hinangad ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David?

Hindi hinangad na wasakin ni Yahweh ang sambahayan ni David dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David.

2 Chronicles 21:8-10

Bakit naghimagsik ang Libna mula sa kapangyarihan ng Juda?

Naghimagsik sila sa kapangyarihan ng Juda dahil si Jehoram ay tumalikod kay Yahweh.

2 Chronicles 21:11

Ano ang ipinatayo ni Jehoram sa mga bundok ng Juda?

Nagtayo rin si Jehoram ng mga dambana sa mga bundok ng Juda.

2 Chronicles 21:12-15

Ano ang sinabi ni Elias na mangyayari sa bituka ni Jehoram sa kaniyang pagkakasakit?

Magkakaroon ng malubhang sakit si Jehoram hanggang sa lumabas ang kaniyang bituka dahil sa karamdaman.

2 Chronicles 21:16-17

Ano ang mga bagay na kinuha ng mga Filisteo at mga Arabo mula sa sambahayan ng hari.

Kinuha nila ang lahat ng kayamanan na natagpuan sa sambahayan ng hari.

2 Chronicles 21:18-20

Ano ang hindi ginawa ng mga tao kay Jehoram na kanilang ginawa sa kaniyang mga ninuno?

Ang kaniyang mga tao ay hindi nagsunog para sa kaniyang karangalan gaya ng kanilang ginawa para sa kaniyang mga niuno.

2 Chronicles 22

2 Chronicles 22:1-3

Kaninong kaparaanan lumakad si Ahazias dahil sa mga payo ng kaniyang ina?

Lumakad si Ahazias sa mga kaparaanan ng sambahayan ni Ahab dahil ang kaniyang ina ang tagapayo sa paggawa ng mga masasamang bagay.

2 Chronicles 22:4-5

Paano kumilos si Ahazias sa paningin ni Yahweh na tulad ng ginagawa ng sambahayan ni Ahab?

Ginawa ni Ahazias ang mga masasamang bagay sa paningin ni Yahweh, tulad ng ginagawa ng sambahayan ni Ahab.

2 Chronicles 22:6

Bakit bumisita si Ahazias kay Joram, ang anak ni Ahab?

Si Ahazias ay bumaba sa Jezreel upang siya ay makita dahil si Joram ay sugatan.

2 Chronicles 22:7-8

Ano ang dinulot ng Diyos sa pagbisita ni Ahazias kay Joram?

Ang pagkawasak ni Ahazias ay dulot ng Diyos sa pamamagitan ng pagbisita ni Ahaziah kay Joram.

2 Chronicles 22:9

Ano ang naalala ni Jehu sa ama ni Ahazias?

Sinabi ni Jehu na si Ahazias ay lalaking anak ni Jehoshafat, na buong puso niyang hinahangad si Yahweh.

2 Chronicles 22:10-12

Ano ang ginawa ng ina ni Ahazias nang makitang niyang patay na si Ahazias?

Nang makita niyang patay na ang kaniyang anak, bumangon siya at pinatay ang lahat ng mga maharlikang anak ng hari sa sambahayan ng Juda.

Gaano katagal na itinago si Joas sa bahay ng Diyos habang namumuno si Atalia?

Si Joas ay nakatago sa bahay ng Diyos sa loob ng anim na taon habang namumuno si Atalia sa buong lupain.

2 Chronicles 23

2 Chronicles 23:1-3

Ano ang nagpatapang kay Joiada na magsalita sa mga pinuno na ang anak ng hari ay dapat maghari?

Sinabi ni Joiada na ang anak ng hari ay dapat maghari, gaya ng sinabi ni Yahweh tungkol sa kaapu-apuhan ni David.

2 Chronicles 23:4-5

Anong trabaho ang itinalaga sa mga pari at mga Levita na naglilingkod sa Araw ng Pamamahinga?

Ang mga pumunta upang maglingkod sa Araw ng Pamamahinga ang magiging bantay sa mga pintuan.

2 Chronicles 23:6-7

Kailan mananatiling kasama ng hari ang mga Levita?

Sinabihan silang manatili kasama ang hari kapag pumasok siya at lumabas.

2 Chronicles 23:8-9

Paano lubos na ginawa ng mga Levita at lahat ng Juda na sumunod sa utos ni Joiada?

Naglingkod siya sa lahat ng kaparaanan na iniutos ni Joiada na pari.

2 Chronicles 23:10-11

Ano ang ibinigay nila sa anak ng hari nang ilagay nila ang korona sa kaniya?

Inilabas nila ang anak ng hari, inilagay ang korona sa kaniya at ibinigay sa kaniya ang tipan ng kautusan.

2 Chronicles 23:12-13

Anong ingay ang nagpapunta kay Atalia sa mga tao sa tahanan ni Yahweh?

Nang marining niya ang ingay ng mga tao na tumatakbo at pinupuri ang hari, pinuntahan niya ang mga tao sa tahanan ni Yahweh.

Ano ang ginawa ni Atalia habang sumisigaw siya ng "Pagtataksil"?

Pinunit niya ang kaniyang damit at sumigaw, "Pagtataksil!"

2 Chronicles 23:14-15

Ano ang iniutos ni Joiada na mangyayari sa sinuman na susunod kay Atalia?

Sinabi ni Joiada na hayaan ang sinuman na susunod sa kaniya na patayin sa espada.

2 Chronicles 23:16-17

Anong kasunduan ang ginawa ni Joiada sa kaniyang sarili, sa mga tao, at sa hari?

Gumawa ng isang kasunduan si Joiada sa pagitan ng kaniyang sarili, sa lahat ng mga tao, at sa hari, na sila ay dapat na maging tao ni Yahweh.

2 Chronicles 23:18-19

Para kanino ginawa ni Joiada na panatilihin mula sa pagpasok sa tahanan ni Yahweh sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bantay sa mga tarangkahan?

Naglagay ng mga bantay si Joiada sa mga tarangkahan ng tahanan ni Yahweh, kaya walang sinuman na marumi ang dapat makapasok.

2 Chronicles 23:20-21

Saan inilagay ni Joiada at ng mga tao ang hari pagkatapos dumaan sa pamamagitan ng Mataas na Tarangkahan?

Ang mga tao ay dumaan sa pamamagitan ng Mataas na Tarangkahan sa bahay ng hari at naupo ang hari sa trono ng kaharian.

2 Chronicles 24

2 Chronicles 24:1-3

Gaano katagal ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh?

Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni paring Joiada.

2 Chronicles 24:4-5

Para sa anong trabaho ipadadala ni Joas ang mga pari at mga Levita na lumabas at magtipon ng pera mula sa lahat ng Israel?

Ipinadala sila ni Joas upang kolektahin ang pera mula sa lahat ng taga-Israel upang ayusin ang tahanan ng kanilang Diyos.

2 Chronicles 24:6-7

Ano ang ninakaw ng mga anak na lalaki ni Atalia mula sa bahay ni Yahweh at ibinigay sa mga Baal?

Ibinigay nila sa mga Baal ang lahat ng mga kagamitan na inilaan sa tahanan ni Yahweh.

2 Chronicles 24:8-10

Saan ilalagay ang kaban ayon sa utos ng hari?

Nag-utos ang hari at gumawa sila ng isang kaban at inilagay ito sa labas ng pasukan sa tahanan ni Yahweh.

Sino ang mga na nagalak at nagdala ng pera upang ilagay sa kaban?

Ang nagalak ang lahat ng pinuno at lahat ng tao at dinala ang pera at inilagay ito sa kaban.

2 Chronicles 24:11-12

Katulad ng pag-alis ng mga opisyal sa lahat ng laman ng kaban araw-araw, ano ang tinipon nila?

Inaalis nila lahat ng laman ng kaban araw-araw, nakakalikom sila ng malaking halaga ng pera.

2 Chronicles 24:13-14

Paano isinaayos ng mga manggagawang lalaki ang tahanan ng Diyos habang inaayos nila ito?

Isinaayos ng mga manggagawang lalaki ang tahanan ng Diyos sa dati nitong disenyo at pinatibay ito.

2 Chronicles 24:15-16

Bakit inilibing si Joiada kasama ng mga hari sa lungsod ni David?

Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David kasama ng mga hari, dahil gumawa siya ng mabuti sa Israel, sa Diyos at sa bahay ng Diyos.

2 Chronicles 24:17-19

Ano ang ginawa ng mga tao nang magpadala si Yahweh ng mga propeta upang magpatotoo laban sa kanila?

Nagpadala si Yahweh ng mga propeta na magpatotoo laban sa kanila, ngunit tumanggi silang makinig.

2 Chronicles 24:20-22

Bakit sinabi ni Zacarias sa mga tao na tinalikuran sila ni Yahweh?

Sinabi ni Zacarias sa mga tao na yamang tinalikuran nila si Yahweh, tinalikuran din sila ni Yahweh.

Paano pinagsawalang-bahala ni Joas ang kabaitan na nagawa sa kaniya ng ama ni Zacarias?

Sa paraang ito, pinagsawalang-bahala ni haring Joas ang kabaitan na ginawa sa kaniya ni Joiada, ang ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya ang anak ni Joiada.

2 Chronicles 24:23-24

Ano ang ibinigay ni Yahweh sa munting hukbo ng Arameo dahil tinalikuran siya ng Juda?

Ang hukbo ng mga Arameo ay nagpunta na may munting bilang, ngunit ibinigay ni Yahweh ang katagumpayan sa kanila laban sa isang napakalaking hukbo, dahil tinalikuran ng taga-Juda si Yahweh.

2 Chronicles 24:25-27

Bakit nagsabuwatan ang mga lingkod ni Joas laban sa kaniya?

Nagsabuwatan ang mga lingkod ni Joas laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ni paring Joiada.

2 Chronicles 25

2 Chronicles 25:1-2

Ilang taon si Amazias nang siya ay magsimulang maghari at ilang taon siya naghari?

Dalawamput-limang taong gulang nang magsimulang maghari si Amazias at siya ay naghari ng dalawamput- siyam na taon.

Ano ang kalagayan ng puso ni Amazias?

Ang puso ni Amazias ay hindi ganap na tapat kay Yahweh.

2 Chronicles 25:3-4

Bakit hindi pinatay ni Amazias ang mga anak ng kaniyang mga lingkod na pumatay sa kaniyang ama na hari?

Hindi pinatay ni Amazias ang mga anak ng kaniyang mga lingkod na pumatay sa kaniyang ama dahil sabi sa kautusan sa aklat ni Moises na hindi dapat mamatay ang mga anak para sa mga ama, ngunit dapat mamatay ang bawat tao para sa kaniyang sariling kasalanan.

2 Chronicles 25:5-6

Paano dinagdagan ni Amazias ang 300,000 na piling mga lalaki mula sa Juda at Benjamin na nakatala ayon sa bahay ng kanilang mga ninuno?

Umupa si Amazias ng 100,000 na mandirigma na mga lalaki mula sa Israel upang idagdag sa 300,000 na piling mga lalaki mula sa Juda.

2 Chronicles 25:7-8

Bakit sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari na hindi niya dapat hayaan na sumama sa kaniya ang hukbo ng Israel?

Sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari na hindi niya dapat isama ang hukbo ng Israel dahil hindi kasama ng Israel si Yahweh.

Ano ang sinabi ng lingkod ng Diyos na mangyayari kahit na si Amazias ay matapang at malakas sa labanan?

Sinabi sa kaniya ng lingkod ng Diyos na ipapatalo siya ng Diyos sa harapan ng kaaway.

2 Chronicles 25:9-10

Paano sinagot ng lingkod ng Diyos ang tanong ni Amazias tungkol sa kung ano ang gagawin sa isandaang talento na kaniyang ibinigay sa hukbo ng Israel?

Sinabi ng lingkod ng Diyos na kaya ni Yahweh na bigyan siya ng mas higit pa rito.

Bakit sumiklab ang galit ng hukbong mula sa Efraim laban sa Juda?

Sumiklab ang kanilang galit laban sa Juda dahil inihiwalay ni Amazias ang hukbo at sila ay kaniyang pinauwi.

2 Chronicles 25:11-12

Ano ang nangyari sa sampung libong lalaki ng Seir nang pangunahan ni Amazias ang kaniyang mga taong pumunta sa lambak ng Asin?

Pinangunahan ni Amazias ang kaniyang mga tao na pumunta sa lambak ng Asin at tinalo niya ang sampung libong lalaki ng Seir.

Ano ang ginawa ng hukbo ng Juda sa karagdagang sampung libong lalaki ng Seir na kinuha nilang buhay?

Inihulog ng hukbo ng Juda ang mga lalaki ng Seir mula sa tuktok ng bangin.

2 Chronicles 25:13

Ano ang ginawa ng hukbo ng Israel sa mga lungsod ng Juda mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon?

Nilusob ng hukbo ng Israel ang mga lungsod ng Juda mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon, pinatay nila ang tatlong libong tao at kinuha ang maraming samsam.

2 Chronicles 25:14-15

Ano ang ginawa ni Amazias sa mga diyos na dinala niya pabalik mula sa mga tao ng Seir?

Itinayo ni Amazias ang mga diyos na maging kaniyang sariling mga diyos, yumuko siya sa harapan ng mga ito at nagsunog ng insenso para sa mga ito.

Ano ang itinanong ng propeta na ipinadala ni Yahweh kay Amazias tungkol sa mga diyos ng mga angkan ni Seir?

Tinanong ng propeta si Amazias kung bakit siya naghangad ng mga diyos ng mga tao na hindi man lamang nakapagligtas ng sarili nitong mga tao laban sa mga kamay ni Amazias.

2 Chronicles 25:16

Ano ang sinabi ng propeta na dahilan ng Diyos sa kaniyang pasya na sirain si Amazias?

Ang dahilan ng Diyos sa kaniyang pasya na sirain si Amazias ay ang paggawa ni Amazias nitong gawain at hindi nakinig sa payo ng propeta.

2 Chronicles 25:17

Ano ang mensahe na ipinadala ni Amazias kay Joas na hari ng Israel?

Nagpadala ng mensahe si Amazias kay Joas na nagsasabi na pumunta at makipagkita kay Amazias ng harapan sa labanan.

2 Chronicles 25:18-19

Bakit sinabi ng mga mensahero ni Joas kay Amazias na dapat siyang manatili sa kaniyang tahanan?

Sinabi ng mga mensahero ni Joas kay Amazias na dapat siyang manatili sa kaniyang tahanan dahil parehong babagsak si Amazias at ang taga-Juda.

2 Chronicles 25:20-22

Bakit ipapasakamay ng Diyos ang mga tao ng Juda sa kamay ng kanilang mga kaaway?

Ipapasakamay ng Diyos ang mga tao ng Juda sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil humingi sila ng payo sa mga diyos ng Edom.

Ano ang kinahinatnan nang magkita ng harapan sina Joas na hari ng Israel at Amazias na hari ng Juda sa Beth-semes?

Ang kinahinatnan ay bumagsak ang taga-Juda sa harap ng Israel at tumakas papunta sa mga tahanan ang bawat lalaki.

2 Chronicles 25:23-24

Saang lugar bumalik si Joas matapos niyang gibain ang pader ng Jerusalem at kinuha ang maraming mahahalagang mga kagamitan sa templo at sa palasyo, kasama ang mga bihag?

Bumalik si Joas sa Samaria matapos niyang gibain ang pader ng Jerusalem at kinuha ang lahat ng mahahalagang mga kagamitan at mga bihag.

2 Chronicles 25:25-26

Ilang taon nabuhay si Amazias, ang hari ng Juda, pagkatapos ng kamatayan ni Joas na hari ng Israel?

Nabuhay si Amazias ng labinlimang taon pagkatapos ng kamatayan ni Joas.

Saan nakasulat ang ibang mga bagay tungkol kay Amazias?

Nakasulat ang ibang mga bagay tungkol kay Amazias sa Ang Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.

2 Chronicles 25:27-28

Ano ang nasimulan laban kay Amazias matapos siyang tumalikod mula sa pagsunod kay Yahweh?

Matapos tumalikod si Amazias mula sa pagsunod kay Yahweh, sinimulan ang sabwatan laban sa kaniya.

Saan inilibing si Amazias matapos mapatay sa Laquis?

Inilibing si Amazias kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ng Juda.

2 Chronicles 26

2 Chronicles 26:1-3

Sino ang nagluklok kay Uzias na maging hari pagkatapos mamatay ang kaniyang ama na si Amazias?

Kinuha ng lahat ng tao sa Juda si Uzias at ginawa nilang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amazias.

Ano ang ginawa ni Uzias sa bayan ng Elat pagkatapos niyang maging hari?

Muling itinayo ni Uzias ang Elat at pinanumbalik niya ito sa Juda.

2 Chronicles 26:4-5

Paano sinunod ni Uzias ang halimbawa ng kaniyang ama sa kaniyang ugnayan kay Yahweh?

Ginawa niya kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh at inilaan niya ang kaniyang sarili na hanapin ang Diyos.

Ano ang nangyari kay Uzias habang hinahanap niya si Yahweh

Habang hinahanap ni Uzias si Yahweh, pinagpala siya ng Diyos.

2 Chronicles 26:6-8

Ano ang kinahinatnan ng pagtulong ng Diyos kay Uzias habang nakikipaglaban sa kaniyang mga kaaway?

Tinulungan ng Diyos si Uzias na makipaglaban sa kaniyang mga kaaway at lumaganap ang kaniyang katanyagan sa ibang lupain at siya ay naging lubos na makapangyarihan.

2 Chronicles 26:9-10

Ano ang itinayo ni Uzias sa tarangkahan ng Jerusalem at sa ilang?

Nagtayo si Uzias ng mga tore sa Jerusalem sa may Tarangkahan sa Sulok at sa paikot ng pader. Nagtayo rin siya ng mga toreng bantayan sa ilang.

Bakit nagtayo si Uzias ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon?

Nagtayo si Uzias ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon dahil marami siyang baka at mga tao na nagsasaka at mahal niya ang pagsasaka.

2 Chronicles 26:11-13

Paano nakidigma ang hukbo ni Uzias?

Nakidigma nang may dakilang kapangyarihan ang hukbo ni Uzias upang tulungan ang hari laban sa kaaway.

2 Chronicles 26:14-15

Ano ang inimbento ng mga bihasang lalaki sa Jerusalem habang sinasanay ni Uzias ang kaniyang hukbo?

Nagtayo si Uzias sa Jerusalem ng mga makina na inimbento ng mga bihasang lalaki.

Gaano kalayo ang paglaganap ng katanyagan ni Uzias nang siya ay lubos na tinulungan ni Yahweh hanggang sa siya ay naging lubos na makapangyarihan?

Lumaganap sa malayong mga lupain ang katanyagan ni Uzias.

2 Chronicles 26:16-18

Paano sumuway si Uzias laban kay Yahweh, ang kaniyang Diyos, nang siya ay maging makapangyarihan?

Sumuway si Uzias laban kay Yahweh, ang kaniyang Diyos nang siya ay pumunta sa tahanan ni Yahweh upang magsunog ng insenso sa altar ng insenso.

Bakit sumunod si Azarias at ang walumpung pari ni Yahweh kay Uzias, at bakit sinabi ni Azarias na sumuway si Uzias nang magsunog siya ng insenso sa altar?

Sinabi ng mga pari kay Uzias na tanging ang mga pari lamang, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang mga naitalaga para magsunog ng insenso sa altar, kaya sumuway si Uzias nang magsunog siya ng insenso para kay Yahweh.

2 Chronicles 26:19-20

Ano ang nangyari kay Uzias habang hawak niya ang suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng insenso at nang siya ay nagalit sa mga pari?

Habang hawak niya ang suuban at nang siya ay nagalit sa mga pari, may tumubong ketong sa kaniyang noo.

Bakit tumubo ang ketong sa kaniyang noo?

Tumubo ang ketong sa noo ni Uzias dahil siya ay hinampas ni Yahweh.

2 Chronicles 26:21-23

Bakit kailangan ni Uzias na tumira sa hiwalay na tahanan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan?

Kailangan na tumira si Uzias sa hiwalay na bahay dahil ketongin siya at pinaalis siya mula sa tahanan ni Yahweh.

Sino ang pumalit na hari pagkatapos mamatay si Uzias at inilibing kasama ng kaniyang mga ninuno?

Si Jotam na anak ni Uzias ang naging hari na kahalili niya.

2 Chronicles 27

2 Chronicles 27:1-2

Ilang taong gulang si Jotam nang siya ay naging hari ng Juda at gaano katagal siya naghari?

Si Jotam ay dalawampu't limang taong gulang nang naging hari siya at naghari siya sa loob ng labing anim na taon sa Jerusalem

Paano kumikilos ang mga taga-Juda kahit na ginawa ni Jotam ang matuwid sa paningin ni Yahweh?

Nanatili sa masamang gawain ang mga taga-Juda, kahit na ginawa ni Jotam ang matuwid sa paningin ni yahweh.

2 Chronicles 27:3-4

Ano ang ipinatayo ni Jotam sa Jerusalem?

Ipinatayo ni Jotam ang mataas na tarangkahan sa tahanan ni Yahweh at nagtayo pa siya ng marami sa burol ng Ofel.

Ano ang ipinatayo ni Jotam sa maburol na bahagi at mga kagubatan ng Juda?

Nagpatayo si Jotam ng mga lungsod sa maburol na bahagi at mga kastilyo at tore sa mga kagubatan ng Juda.

2 Chronicles 27:5

Bakit nagbigay ang mga Amonita kay Jotam ng pilak, trigo at sebada?

Nagbigay ang mga Amonita kay Jotam ng pilak, trigo at sebada dahil sila ay nilabanan niya at tinalo.

2 Chronicles 27:6-7

Bakit naging makapangyarihan si Jotam?

Naging makapangyarihan si Jotam dahil lumakad siya ng may katatagan kay Yahweh na kaniyang Diyos.

2 Chronicles 27:8-9

Saan inilibing si Jotam nang siya ay namatay?

Inilibing si Jotam sa lungsod ni David.

Sino ang naging hari ng Juda pagkatapos mamatay ni Jotam?

Si Ahaz, na anak ni Jotam ang naging hari.

2 Chronicles 28

2 Chronicles 28:1-2

Ano ang hindi ginawa ni Ahaz na ginawa ni David na kaniyang ninuno?

Hindi ginawa ni Ahaz ang matuwid sa paningin ni Yahweh, na ginawa ni David na kaniyang ninuno.

Ano ang ginawa ni Ahaz sa kaniyang paglakad sa mga pamamaraan ng mga hari ng israel?

Gumawa si Ahaz ng mga metal na imahen para sa mga Baal.

2 Chronicles 28:3-4

Ano ang ginawa ni Ahaz sa kaniyang mga anak bukod pa sa paggawa ng mga rebulto ni Baal, sa paghahandog ng insenso at pagsunod sa mga kalapastanganan ng mga taong pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga Israelita?

Sinunog ni Ahaz ang kaniyang mga anak bilang mga alay na susunugin.

2 Chronicles 28:5-6

Ano ang dahilan ng mga pagkatalo ni Ahaz sa kamay ng mga Arameo at sa hari ng Israel?

Tinalo ng mga Arameo at ng hari ng Israel si Ahaz dahil tinalikuran nila ng mga tao niya si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

2 Chronicles 28:7-8

Ano ang dinala pabalik sa Samaria ng hukbo ng Israel?

Nagdala ng mga bihag ang hukbo ng Israel mula sa kanilang mga kamag-anak at nagdala rin sila ng napakaraming mga sinamsam patungo sa Samaria.

2 Chronicles 28:9-11

Sino ang lumabas upang salubungin ang hukbo patungong Samaria?

Si Oded na isang propeta ni Yahweh ang lumabas upang salubungin ang hukbo.

Ano ang ipinaratang ni Oded laban sa hukbo?

Pinaratangan ni Oded ang hukbo sa pagpatay sa mga taga-Juda sa galit na umabot hanggang langit.

Ano ang sinabi ni Oded sa hukbo ng Israel na gawin sa mga bihag na dinala nila mula sa Jerusalem bilang mga alipin?

Sinabihan ni Oded ang hukbo na ibalik ang mga bihag dahil matindi ang galit ni Yahweh sa kanila.

2 Chronicles 28:12-13

Ano ang sinabing dahilan ng mga pinuno ng mga tao ng Efraim na hindi nila dapat dalhin sa Samaria ang mga bihag?

Sinabi ng mga pinuno na maaaring makadagdag ito sa kanilang kasalanan laban kay Yahweh at maging dahilan upang magalit ng matindi si Yahweh sa Israel.

2 Chronicles 28:14-15

Ano ang ginawa ng mga pinuno sa mga bilanggo nang iwanan ito ng mga kawal sa harapan nila?

Dinamitan sila ng mga pinuno, binigyan sila ng sandalyas, binigyan sila ng makakain at inumin, ginamot nila ang kanilang mga sugat at isinakay ang mga nanghihina sa mga asno at ibinalik sila sa kanilang mga pamilya sa Jerico.

2 Chronicles 28:16-18

Ano ang naging dahilan ni haring Ahaz upang magpadala ng mga mensahero sa mga hari ng Asiria upang humingi ng tulong?

Kinakailangan ni Ahaz na humingi ng tulong sa mga hari ng Asiria dahil sinalakay ng mga Edomita ang Juda at sinakop ng mga Filisteo ang mga lungsod sa mabababang lupain at ang Negev ng Juda.

2 Chronicles 28:19-21

Ano ang ginawa ni Ahaz na naging dahilan ni Yahweh na ibaba ang Judah?

Ibinaba ang Juda dahil sa mga masasamang ginawa ni Ahaz at labis na nagkasala laban kay Yahweh.

Bakit pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng hari at ng mga pinuno?

Pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng hari at ng mga pinuno upang ibigay ang mga mahahalagang bagay sa mga hari ng Asiria.

2 Chronicles 28:22-23

Ano ang nagdala ng pagkasira kay Ahaz at sa buong Israel?

Nagkasala si Ahaz laban kay Yahweh at nag-alay sa mga diyos ng Damasco.

2 Chronicles 28:24-25

Ano ang ginawa ni Ahaz sa mga kagamitan sa tahanan ni Yaweh?

Pinagpira-piraso ni Ahaz ang mga kagamitan at isinara ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh.

Ano ang kinahinatnan ng paggawa ni Ahaz ng mga altar sa Jerusalem para sa kaniyang sarili, at sa pagpapagawa ng mga dambana upang pagsunugan ng mga alay sa ibang diyos sa bawat lungsod ng Judah?

Ang kinahinantnan ng mga ginawa ni Ahaz ay naging sanhi upang magalit si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.

2 Chronicles 28:26-27

Saan nakatala ang lahat ng mga gawa ni Ahaz?

Ang lahat ng kaniyang mga ginawa ay nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.

Sino ang naging hari matapos mamatay ni Ahaz at nailibing sa Jerusalem?

Si Ezequias, ang anak ni Ahaz ang naging hari na pumalit sa kaniyang lugar.

2 Chronicles 29

2 Chronicles 29:1-2

Ano ang halimbawang sinunod ni Ezequias nang magsimula siyang maghari sa gulang na dalawampu't lima?

Sinunod ni Ezequias ang halimbawa ng ninuno niyang si David at ginawa niya ang matuwid sa paningin ni Yahweh.

2 Chronicles 29:3-5

Ano ang sinabi ni Ezequias sa mga Levita matapos niyang buksan ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at kumpunihin ang mga ito?

Sinabi ni Ezequias sa mga Levita na linisin nila ang kanilang mga sarili, na linisin ang tahanan ni Yahweh at alisin ang mga karumihan mula sa banal na lugar.

2 Chronicles 29:6-7

Ano ang sinabi ni Ezequias na ginawa ng kanilang mga ninuno sa paningin ni Yahweh?

Sinabi ni Ezequias na lumabag ang kanilang mga ninuno at ginawa ang masama sa paningin ni Yahweh na kanilang Diyos.

Ano ang hindi ginawa ng kanilang mga ninuno sa lugar kung saan nananahan si Yahweh?

Hindi nagsunog ng insenso ang kanilang mga ninuno o naghandog ng alay na susunugin sa banal na lugar sa Diyos ng Israel.

2 Chronicles 29:8-9

Ano ang kinahinatnan ng galit ni Yahweh na bumagsak sa Juda at Jerusalem?

Ginawa ni Yahweh na halimbawa ng pagkatakot, pagkasindak at kahihiyan ang Juda at Jerusalem.

Ano ang nangyari sa kanilang mga ama, mga anak at mga asawa dahil sa poot ni Yahweh?

Bumagsak sa tabak at ang kanilang mga anak at mga asawa ay binihag dahil sa poot ni Yahweh.

2 Chronicles 29:10-11

Ano ang iminungkahi ni Ezequias na gawin upang mawala ang matinding galit ni Yahweh sa kanila?

Iminungkahi ni Ezequias na gumawa sila ng kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.

2 Chronicles 29:12-14

Ano ang ginawa ng mga Levita bilang tugon sa mungkahi ni Ezequias?

Tumayo ang mga Levita, tinipon nila ang kanilang mga kapatid, nilinis nila ang kanilang mga sarili at sinunod ang mga salita ni Yahweh na linisin ang tahanan ni Yahweh.

2 Chronicles 29:15-17

Ano ang ginawa ng mga Levita bilang tugon sa mungkahi ni Ezequias?

Tumayo ang mga Levita, tinipon nila ang kanilang mga kapatid, nilinis nila ang kanilang mga sarili at sinunod ang mga salita ni Yahweh na linisin ang tahanan ni Yahweh.

Ano ang ginawa ng mga Levita pagkatapos nilang tipunin ang kanilang mga kapatid?

Itinalaga ng mga Levita at ng mga kapatid nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at pumunta sila upang linisin ang tahanan ni Yahweh.

Ano ang ginawa ng mga pari sa mga maruruming bagay na nakita nila sa tahanan ni Yahweh habang nililinis nila ito?

Kinuha ng mga Levita ang lahat ng mga marumi at dinala sa batis ng Kidron.

Gaano katagal ang inabot bago naitalaga ng mga pari ang tahanan ni Yahweh?

Nagsimula ang mga pari sa unang araw ng unang buwan at natapos sila sa ika-anim na araw ng unang buwan.

2 Chronicles 29:18-19

Ano ang sinabi ng mga pari kay Ezequias na inihanda nila at itinalaga bukod pa sa paglilinis sa buong tahanan ni Yahweh?

Bukod pa sa paglilinis sa buong tahanan ni Yahweh, inihanda at itinalaga ng mga pari ang lahat ng mga kasangkapan na itinapon ni haring Ahaz nang siya ay lumabag sa panahon ng kaniyang paghahari.

2 Chronicles 29:20-21

Ano ang iniutos ni Ezeaquias sa mga pari na gawin sa mga hayop na kanilang dinala bilang mga handog para sa mga kasalanan para sa Juda?

Iniutos ni Ezequias sa mga pari na ihandog ang mga hayop sa altar ni Yahweh.

2 Chronicles 29:22-24

Bakit pinatay ng mga pari ang mga hayop at iwinisik ang dugo ng mga ito sa altar?

Pinatay ng mga pari ang mga hayop at iwinisik ang dugo ng mga ito sa altar upang maging kabayaran sa mga kasalanan para sa buong Israel. Ang alay na susunugin at handog para sa mga kasalanan ay kailangang gawin para sa buong Israel.

2 Chronicles 29:25-26

Kanino nagmula ang utos para isaayos ang mga Levita at ang kanilang mga instrumento sa tahanan ni Yahweh?

Ang utos ay galing kay Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.

2 Chronicles 29:27-28

Gaano katagal nagpatuloy ang pag-aawitan at pagtugtog ng musika habang sumasamba ang buong kapulungan at ang alay na susunugin ay sinisimulan?

Nagpatuloy ang pag-aawitan at musika hanggang sa natapos ang paghahandog sa mga alay na susunugin.

2 Chronicles 29:29-30

Ano ang naging tugon ng mga Levita habang umaawit sila ng mga papuri kay Yahweh gamit ang mga salita ni David at Asaf?

Umawit ng papuri ang mga Levita ng may kagalakan at yumukod sila at sumamba.

2 Chronicles 29:31

Ano ang dinala ng kapulungan sa tahanan ni Yahweh?

Nagdala ang kapulungan ng mga alay at mga handog ng pasasalamat at ang lahat ng may pusong nagnanais ay nagdala ng mga alay na susunugin.

2 Chronicles 29:32-33

Anong uri ng mga hayop ang dinala ng kapulungan upang gamitin bilang mga alay na susunugin?

Nagdala ang kapulungan ng mga lalaking baka, lalaking mga tupa, mga kordero, mga baka at tupa upang gamitin bilang mga alay na susunugin.

2 Chronicles 29:34

Bakit kinailangang ng mga pari na humingi ng tulong sa mga Levita upang balatan ang mga alay na susunugin?

Kinailangan ng mga pari na humingi ng tulong sa mga Levita upang tulungan silang balatan ang mga alay na susunugin dahil kakaunti lamang ang mga paring gagawa.

2 Chronicles 29:35-36

Ano ang ginawa ni Ezequias at ng lahat ng mga tao nang maisaayos ang seremonya sa tahanan ni Yahweh?

Nagsaya si Ezequias at ang lahat ng mga tao.

2 Chronicles 30

2 Chronicles 30:1-3

Saan pinapunta ni Ezequias ang mga mensahero at kanino siya sumulat ng mga sulat?

Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat ng mga liham kina Efraim at Manases. [30:1]

Ano ang sinasabi sa kanila ng mensahe ni Ezequias?

Sinabi sa mensahe sa kanila na kinakailangan nilang pumunta sa Jerusalem sa tahanan ni Yahweh, upang ipagdiwang ang Paskwa. [30:1]

Sinu-sino sila na samasamang sumangguni, upang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan?

Sila ay ang mga hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem. [30:2]

Bakit hindi nila maaaring ipagdiwang kaagad ang Paskwa?

Hindi nila maaaring ipagdiwang kaagad ang Paskwa, sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring nagpabanal, maging ang mga tao na nagtipon-tipon sa Jerusalem. [30:3]

2 Chronicles 30:4-5

Paano lumabas ang planong ito sa hari at sa lahat ng kapulungan?

Tama ang kinalabasan ng plano sa kanilang paningin. [30:4]

Ano ang ginawa at itinatag ng hari at ng lahat ng kapulungan?

Nagtatag sila ng kautusan at ipinahayag. [30:5]

Saan ipinahayag?

Ipinahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan. [30:5]

Ano ang sinabi sa pahayag?

Sinabi sa pahayag na kinakailangan na pumunta ang mga tao upang ipagdiwang ang paskwa ni Yahweh sa Jerusalem. [30:5]

2 Chronicles 30:6

Sa anong paraan ipinadala ang pahayag?

Dinala ang pahayag sa pamamagitan ng tagapagdala ng mga sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno sa buong Israel at Juda. [30:6]

2 Chronicles 30:7-9

Ano ang sinabi ng pahayag na mangyayari kung ang mga tao ay manumbalik kay Yahweh?

Makakasumpong ng kahabagan ang mga kapatid na lalaki at mga anak sa harapan ng mga kumuha sa kanila bilang mga bilanggo, at muling ibabalik sa Israel. [30:9]

2 Chronicles 30:10-12

Saan pumunta ang mga tagapagdala ng sulat at paano tumugon ang mga tao?

Pumunta ang mga tagapagdala ng sulat sa mga lungsod patungo sa mga lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zabulon, ngunit tumugon sa kanila ang mga tao ng may pagtawa at pagngungutya.

Sinu-sino ang mga nagpakumbaba sa kanilang sarili at ano ang ginawa nila?

Ilang mga kalalakihan na taga-Aser at Manases at Zabulon, ang nagpakumbaba sa kanilang dsarili at pumunta sa Jerusalem.

Ano ang ginawa ng kamay ng Diyos at ano ang nangyari?

Dumating ang kamay ng Diyos sa Juda at nagkaroon sila ng isang puso upang gawin nila ang utos.

2 Chronicles 30:13-15

Ilan ang mga nagsamasama sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura sa ikalawang buwan?

Maraming mga tao, isang napakalaking kapulungan, ang nagsamasama sa Jerusalem.

Ano ang ginawa ng mga nagsamasama sa Jerusalem?

Kinuha nila ang mga altar, ang lahat ng mga altar ng insenso, at itinapon ang mga iyon sa Kidron. Pagkatapos sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa.

Ano ang ginawa ng mga pari at mga Levita ng mahiya sila?

Pinabanal nila ang kanilang mga sarili at nagdala ng mga susunuging handog sa tahanan ni Yahweh.

2 Chronicles 30:16-17

Paano sila [nanindigan] at ano ang ginawa ng mga pari?

Tumayo sila sa kani-kanilang mga pangkat na sinusunod ang kautusan ni Moises, at iwinisik ng mga pari ang dugo.

Bakit iwinisik ng mga pari ang dugo na kanilang tinanggap mula sa mga Levita?

Dahil marami ang hindi nagpabanal sa kanilang mga sarili, ang mga Levita ang nangasiwa sa pagkatay ng mga kordero ng Paskwa, at tinanggap ito ng mga pari mula sa kanila upang iwisik.

2 Chronicles 30:18-20

Bakit nanalangin si Ezequias para sa mga tao ng Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, at ano ang kaniyang ipinanalangin?

Marami sa mga tao ang hindi nakapaglinis ng kanilang mga sarili at kumain ng pagkain ng Paskwa na laban sa nakasulat na mga tagubilin. Kaya nanalangin si Ezequias kay Yahweh upang patawarin silang mga naghanda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, kahit na hindi sila nakapaglinis sa pamamagitan ng mga pamantayan ng banal na lugar.

Ano ang ginawa ni Yahweh bilang tugon sa panalangin?

Pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling ang mga tao.

2 Chronicles 30:21-22

Ano ang ginawa ng mga Israelita, mga Levita, at mga pari?

Ipinagpatuloy ng mga tao ang Pista sa pitong araw ng may labis na kagalakan. Nagpuri kay Yahweh ang mga Levita at mga pari na umaawit ng may malakas na tunog ng mga instrumento.

Paano nagsalita si Ezequias sa mga Levita na nakakaunawa sa paglilingkod kay Yahweh, at ano ang kanilang ginawa?

Pinalakas ni Ezequias ang kanilang loob at kumain sila ng pitong araw sa kabuuan ng pista, na nag-aalay ng mga handog para sa pangkapayapaan, at nagpahayag sila ng pagsisisi kay Yahweh.

2 Chronicles 30:23-24

Ano ang napagpasyahang gawin ng buong kapulungan, nang magbigay si Ezequias ng isang libong toro at pitong libong tupa, at nagbigay ang mga pinuno ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing?

Napagpasyahan ng buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nila ng may kagalakan.

2 Chronicles 30:25-27

Sino ang lahat ng nagalak sa pagdiriwang?

Ang lahat ng kapulungan ng Juda, mga pari, mga Levita, at ang lahat ng mga tao na samasamang pumunta mula sa Israel, ang mga dayuhan na mula sa Israel at silang mga naninirahan sa Juda ay nagalak.

Paano naisalarawan ang pagdiriwang?

Nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem, at sa panahon ni Solomon, hindi na nagkaroon ng ganitong pangyayari sa Jerusalem.

Ano ang sumunod na ginawa ng mga pari at mga Levita sa pagdiriwang?

Pinagpala nila ang mga tao at narinig ang kanilang mga tinig at umabot sa langit ang kanilang mga panalangin.

2 Chronicles 31

2 Chronicles 31:1

Ano ang ginawa ng mga Israelita pagkatapos ng pagdiriwang ng Pista ng tinapay na walang Libadura?

Lumabas ang mga sraelita sa lungsod ng Judah at sinira ang sagradong haliging bato, giniba ang haligi ni Asera, sinira ang dambana at altar sa Judah, Benjamin, Efraim at Manases, hanggang sa nawasak nilang lahat ang mga ito.[31:1]

Saan pumunta ang mga Israelita pagkatapos nilang gawin ito?

Bumalik sila sa kanilang sariling lupain at lungsod.[31:1]

2 Chronicles 31:2-3

Ano ang itinalaga ni Ezequias na gagawin ng mga pari at mga levita pagkatapos silang ayusin sa kani-kanilang mga pangkat?

Itinalaga sila ni Ezequias upang taga-pagsunog ng mga handog, handog pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at magpuri sa tarangkahan ng templo ni Yahweh. [31:2]

Anong bahagi ang itinalaga ni Ezequias at kailan ito iaalay?

Ang bahagi na ibinahagi ng hari ay mula sa kaniyang saliring pag-aari, at ang mga handog na susunugin ay para sa umaga, gabi, mga Araw ng Pamamahinga, mga bagong buwan, at mga nakatakdang pagdiriwang. [31:3]

2 Chronicles 31:4-5

Ano ang iniutos ni Ezequias sa mga taong nakatira sa Jerusalem upang mapag-ukulan ng panahon ng mga pari at ng mga Levita ang pagsunod nila sa kautusan ni Yahweh?

Magbibigay ang mga tao ng bahagi para sa mga pari at Levita.[31:4]

Ano ang nangyari nang makarating ang kautusan sa mga tao?

Nagbigay ng masagana ang mga Israelita ng unang bunga ng butil, bagong alak, langis, pulot, at lahat ng mula sa kanilang mga inani sa kanilang mga bukirin. Ibinigay din nila ang ikasampung bahagi ng lahat ng mga bagay. [31:5]

2 Chronicles 31:6-8

Ano ang ginawa ng mga tao sa mga lungsod ng Judah tungkol sa kautusan?

Ang mga tao sa lungsod ng Judah ay nagdala ng ika-sampung bahagi ng baka, tupa, at ika-sampung bahagi ng mga bagay na pinabanal para kay Yahweh, inipon nila ang mga ito, [31:6]

Anong mga buwan nang mag-ipon ang mga tao?

Nag-ipon ang mga tao sa simula ng ikatlong buwan at natatapos nila ang mga ito sa ikapitong buwan. [31:7]

Sino ang nagpuri kay Yahweh at sa mga tao nang nakita nila ang kanilang inipon?

Pinapurihan ni Ezequias at ng mga pinuno si Yahweh at ang mga tao.[31:8]

2 Chronicles 31:9-15

Paano sinagot ni Azarias na pinakapunong pari si Ezequias nang tinanong niya ang mga pari at mga Levita tungkol sa mga naipon?

Sumagot si Azarias na dinala ng mga tao ang mga ika-sampung bahagi at inipon ang mga ito. Sinabi niya kay Ezequias na nakakain na sila ng sapat, at ang mga inipong ito ay natira dahil pinagpala ni Yahweh ang kaniyang mga tao. [31:10]

Ano ang iniutos ni Ezechias na ihanda at ano ang ginawa ng mga tao?

Iniutos ni Ezequias na ihanda ang silid-imbakan sa tahanan ni Yahweh, at inihanda ng mga tao mga ito at ipinasok ang mga handog, mga ikapu at mga pinabanal na mga bagay.[31:11-12]

Sino ang itinalaga nina Ezequias at Azarias upang maging mga taga-pangasiwa sa silid imbakan?

Itinalaga nina Ezequias at Azarias si Conanias bilang taga-pangasiwa kasama si Simie na kaniyang kapatid bilang kaniyang katuwang.[31:12

2 Chronicles 31:16

Kanino ibinigay ni Korah at ng kaniyang mga kasama ang mga handog?

Ibinigay nila sa mga kalalakihan na may tatlong taong gulang pataas, sa bawat pangkat, na kabilang sa talaan ng mga angkan na nakapasok sa tahanan ni Yahweh na ginawa ang kanilang mga tungkulin. [31:16]

2 Chronicles 31:17-19

Sino ang kabilang sa susunod na tatanggap ng mga handog?

Ibinigay nila sa mga Levitang dalawampung taong gulang pataas, sa bawat pangkat na gumagawa sa kani-kanilang mga tungkulin. [31:17]

Ano ang ginawa ng mga tao bago sila tumanggap ng mga handog mula kay Korah at sa kaniyang mga kasamahan?

Nagpakabanal muna ang mga tao bago ang pamamahagi sa lahat ng kanilang mga maliliit na anak, kanilang mga asawang babae, at sa mga anak na lalaki at mga anak na babae, na kabilang sa talaan ng mga angkan. [31-18]

Ano ang ginawa para sa mga pari na kabilang sa talaan ng mga angkan bilang kasama sa mga Levita?

May mga nakatalagang mga kalalakihan na magbibibigay ng mga bahagi para sa lahat ng mga kalalakihang nasa bukirin ng mga nayon na nasa mga lungsod o sa bawat lungsod. [31:19]

2 Chronicles 31:20-21

Saan ginanap ni Ezequias ang mga ito at paano niya ito nagawa?

ginanap ito ni Ezequias sa buong Juda at natapos ito ng mahusay, wasto, at may katapatan kay Yahweh. [31:20]

Sa paanong paraan isinagawa ni Ezequias ang bawat proyekto, at ano ang kanahinatnan?

Isinagawa ni Ezequisias ang lahat ng mga proyektong ito ng kaniyang buong puso, at siya ay nagtagumpay.[31:21]

2 Chronicles 32

2 Chronicles 32:1

Ano ang ginawa ni Sinaquerib na hari ng Asiria sa Juda?

Pumasok siya sa Juda at nilusob ang mga lungsod. [32:1]

2 Chronicles 32:2-4

Anong tulong ang hiningi ni Ezequias sa kaniyang mga pinuno?

Hiniling niya sa kanila na harangan ang lahat ng bukal at sapa upang walang matagpuang tubig ang hari ng Asiria. [32:2-2-4]

2 Chronicles 32:5

Ano ang ginawa ni Ezequias upang mabantayan ang paglusob ng kaaway?

Pinataas niya ang mga pader at gumawa ng maraming sandata. [32:5]

2 Chronicles 32:6-8

Ano ang mga salitang ibinigay ni Ezequias na nakapagpalakas ng loob sa kaniyang mga tao?

Sinabi niya sa kanila na maging malakas, maging matapang, at huwag matakot dahil si Yahweh na mas dakila kaysa sa kanilang kaaway, ang tutulong sa kanilang makipaglaban. [32:6-8]

2 Chronicles 32:9-10

Bakit ipinadala ni Sinaquerib ang kaniyang alipin sa Jerusalem?

Gusto niyang malaman kung ano ang inaasahan ni Ezequias upang magtagumpay. [32:9-10]

2 Chronicles 32:11-12

Paano sinubukang hikayatin ni Sinaquerib ang mga tao na nilinlang sila ni Ezequias?

Sinabi niya na maaari silang mamatay sa gutom at sa pagka-uhaw at tinanong kung ililigtas ba sila ni Yahweh. [32:11]

2 Chronicles 32:13-15

Ano ang ginawa ni Sinaquerib at ng kaniyang mga ninuno sa ibang mga tao at sa kanilang mga lupain?

Dahil sa hindi sila matulungan ng kanilang diyos, sila ay lubusang nalupig. [32:13-14]

Bakit sinabi ni Sinaquerib sa mga israelita na hindi dapat sila maniwala kay Ezequias?

Gusto ni Sinaquerib na malinlang ang mga tao na maniwalang hindi sila kayang iligtas ng Diyos mula sa kaniyang makapangyarihang kamay. [32:14-15]

2 Chronicles 32:16-17

Ano ang ginawa ni Sinaquerib upang kutyain si Yahweh?

Sumulat siya ng mga liham upang makapagsalita ng laban kay Yahweh, upang ipaalala sa mga Israelita ang nakaraan, at hindi sila ililigtas ng Diyos ni Ezequias. [32:16-17]

2 Chronicles 32:18-19

Bakit sumigaw ang mga alipin ni Sinaquerib sa salita ng mga Judio sa mga Israelita?

Gustong takutin ng mga alipin ang mga Israelita upang maaari nilang sakupin ang lungsod.[32:18]

2 Chronicles 32:20-21

Paano tumugon si Yahweh nang nanalangin at nagmaka-awa sina Ezequias at Isaias sa langit?

Nagpadala siya ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma at sa mga pinuno. [32:20-21]

Ano ang nangyari kay Sinaquerib pagkatapos na patayin ng anghel ang kaniyang mga hukbo?

Napahiyang bumalik si Sinaquerib sa kaniyang sariling lupain, kung saan pinatay siya ng kaniyang mga anak. [32:21]

2 Chronicles 32:22-23

Paano naging tanyag si Ezequias?

Iniligtas ni Yahweh si Ezequias kay Sinaquerib at sa iba. Marami ang nagdala ng mga mahahalagang kaloob kay Yahweh at kay Ezequias. [32:22-23]

2 Chronicles 32:24-26

Ano ang nangyari kay Ezequias nang hindi siya nagpasalamat kay Yahweh nang siya ay nagkasakit ng nakamamatay?

Nagalit ang Diyos sa kaniya, at sa Juda at sa Jerusalem. Pagkatapos niyang magpakumbaba at ng mga Israelita, hindi na nagalit si Yahweh sa kanila sa mga panahong natitira sa buhay ni Ezequias. [32:24-26]

2 Chronicles 32:27-29

Pagkatapos magpakumbaba ni Ezequias, ano ang ibinigay ng Diyos sa kaniya?

Masagana siyang pinagpala ng Diyos ng mga mahahalagang bato, masaganang ani, maraming hayop, at mga lungsod. [32:27-29]

2 Chronicles 32:30-31

Bakit iniwan ng Diyos si Ezequias pagkatapos niyang magtagumpay sa lahat ng kaniyang proyekto?

Nais siyang subukin ng Diyos at alamin kung ano ang laman ng kaniyang puso. [32:30-31]

2 Chronicles 32:32-33

Saan naisulat ang magagandang ginawa ni Ezequias?

Naisulat ang mga ito sa Pangitain ni Isaias na Propeta at sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. [32:32]

2 Chronicles 33

2 Chronicles 33:1-3

Anong uri ng hari si Manases sa limangpu't limang taon?

Gumawa siya ng mga masasama sa paningin ni Yahweh, muli niyang ipinatayo ang mga diyus-diyosan na giniba ni Ezequias, at sinamba ang mga bituin sa langit. [33:1-2]

2 Chronicles 33:4-6

Ano ang ginawa niya na ikinagalit ng Diyos ?

Inihandog ni Manases ang kaniyang mga anak bilang alay na susunugin, gumawa ng pangkukulam at humingi ng payo sa mga nakikipag-usap sa mga patay. [33:6]

2 Chronicles 33:7-9

Ano ang ginawa ni Manases upang mapangunahan ang mga tao ng Juda at ng Jerusalem na gumawa ng masama?

Linabag niya ang mga kautusan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga inukit na imahe sa tahanan ng Diyos. [33:7]

2 Chronicles 33:10-11

Ano ang nangyari kay Manases nang kina-usap siya ni Yahweh at ang mga tao?

Dahil sa hindi sila nakinig, pinapunta ni Yahweh ang mga hukbo ng hari ng Asiria upang ikadena si Manases at dalhin siya sa Babilonia. [33:10-11]

2 Chronicles 33:12-13

Ano ang ginawa ni Manases upang pabalikin siya ng Diyos sa Jerusalem?

Nagpakumbaba siya, nanalangin at nagmakawa sa Diyos. [33:12-13]

2 Chronicles 33:14-15

Pagkatapos manalangin ni Manases, ano ang ginawa niya upang maipakita ang kaniyang pagsisisi?

Nagtayo siya ng mataas na pader sa paligid ng Juda at inalis niya ang mga diyos ng dayuhan, ang diyus-diyosan na inilagay niya sa tahanan ng Diyos, at ang lahat ng mga altar na kaniyang itinayo. [33:14-15]

2 Chronicles 33:16-17

Kanino inihandog ng mga tao ang mga alay sa dambana?

Inihandog lamang nila kay Yahweh ang mga alay sa dambana. [33:17]

2 Chronicles 33:18-20

Paano iningatan ang mga panalangin ni Manases at mga mahahalagang bagay sa kaniya?

Itinala ang mga mahalagang bagay, mga panalangin ni Manases, at ang mga salita ng mga propeta kasama ang mga ginawa ng mga hari ng Israel. [33:18]

2 Chronicles 33:21-23

Anong uri ng hari si Ammon nang siya ay naghari ng dalawang taon?

Mas masama siya kaysa sa kaniyang ama, sumamba siya sa inukit na mga imahe, at hindi siya nagpakumbaba kay Yahweh. [33:21-23]

2 Chronicles 33:24-25

Pagkatapos patayin si Ammon ng kaniyang mga alipin, ano ang ginawa ng mga tao sa lupain sa mga pumatay sa kaniya?

Pinatay ng mga tao sa lupain ang lahat ng mga alipin na pumatay kay Ammon. [33:24]

2 Chronicles 34

2 Chronicles 34:1-3

Bagaman walong taong gulang lamang si Haring Josias nang siya ay maging hari, ano ang kaniyang ginawa sa panahon ng kaniyang paghahari na ikinalugod ni Yahweh?

Hinanap niya ang Diyos, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem mula sa mga dambana, mga rebulto, at mga inukit na imahe. [34:1-3]

2 Chronicles 34:4-5

Paano nilinis ni Josias ang Juda at ang Jerusalem?

Winasak niya ang mga altar, giniba ang mga imahen ni Ashera, mga inukit na imahe, at mga moldeng gawa sa metal at ikinalat niya ang mga abo sa mga libingan. Sinunog niya ang mga buto ng mga pari sa kanilang mga altar. [34:4-5]

2 Chronicles 34:6-7

Ano ang ginawa ni Josias sa lupain ng Israel bago siya bumalik sa Jerusalem?

Inulit niya ang paglilinis na ginawa niya sa Juda at sa Jerusalem. [34:6-7]

2 Chronicles 34:8-9

Saan nanggaling ang salapi na gagamitin upang ipagawang muli ang tahanan ni Yahweh?

Kinolekta ang salapi mula sa mga mamamayan ng Jerusalem at ipinagkatiwala sa pinaka punong pari. [34:8-9]

2 Chronicles 34:10-11

Kanino ibinahagi ang salapi at para saan ito ginamit?

Bumili ng mga bato at troso ang mga karpentero at manggagawa upang ayusin ang templo. [34:10-11]

2 Chronicles 34:12-13

Ano ang tungkulin ng mga Levita sa pagpapaayos ng templo?

Ang iba ay mga tagapamahala, kalihim, administrador, at mga bantay ng tarangkahan; ang iba ay magagaling na mga musikero at ang nangangasiwa sa mga tapat na mga manggagawa. [34:12-13]

2 Chronicles 34:14-16

Ano ang natagpuan ng pari nang ilabas niya ang salapi na dinala sa tahanan ni Yahweh?

Natagpuan ng pinakapunong pari ang aklat ng kautusan ni Yahweh na ibinigay kay Moises. [34:14]

2 Chronicles 34:17-22

Ano ang ginawa ng hari matapos niyang marinig ang mga salita ng kautusan?

Pinunit ni Haring Josias ang kaniyang mga kasuotan. [34:19]

2 Chronicles 34:23-25

Bakit ibubuhos ng Diyos ang kaniyang galit sa mga tao at hindi siya titigil?

Tinalikuran nila siya sa pamamagitan ng pagsamba sa ibang mga diyos gaya ng ginawa ng kanilang mga ninuno. [34:25]

2 Chronicles 34:26-28

Dahil sa malambot ang puso ni Josias, ano ang nangyari nang ibinaba niya ang kaniyang sarili matapos niyang marinig ang mga salita ng Diyos?

Sinabi ng Diyos na bibigyan niya siya ng kapayapaan, at hindi niya makikita ang kahit na anong delubyo na dadalhin ng Diyos sa mga tao at sa lupain. [34:26-28]

2 Chronicles 34:29-30

Bakit tinipon-tipon ni Josias ang lahat ng mga tao, dakila man o maliit?

Binasahan sila ni Josias mula sa aklat ng kasunduan. [34:29-30]

2 Chronicles 34:31-32

Ano ang kasunduang ginawa ni Josias kay Yahweh?

Gumawa siya ng kasunduan sa harap ni Yahweh na susundin niya ang kaniyang mga kautusan. [34:31-32]

2 Chronicles 34:33

Ano ang ginawa ng mga mamamayan ng Israel upang sundin si Josias?

Sinamba nila si Yahweh at hindi tumalikod sa kaniya. [34:33]

2 Chronicles 35

2 Chronicles 35:1-2

Paano pinanatili ni Josias ang pagdiriwang ng Paskwa sa Jerusalem?

Pinakatay niya ang mga tupang pang-Paskwa at itinalaga ang mga pari sa kani-kaniyang mga posisyon sa tahanan ni Yahweh. [35:1-2]

2 Chronicles 35:3-4

Saan ang sinabi ni Josias sa mga tao na paglagyan ng banal na kaban sa halip na buhatin nila ito sa kanilang mga balikat?

Sinabihan sila na ilagay ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Solomon. [35:3]

2 Chronicles 35:5-9

Paano naghanda ang mga tao para sa Paskwa?

Kakatayin ng mga tao ang mga tupang pang-Paskwa at ilaan ang kanilang mga sarili sa pagsunod sa salita ng Diyos. [35:6]

2 Chronicles 35:10-15

Paano nag-alay ng mga handog ang mga Israelita kay Yahweh?

Kinatay nila ang tupang pang-Paskwa, isinaboy ang dugo nito, at inihandog ang sinunog na mga handog kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises. [35:11-12]

2 Chronicles 35:16-17

Ano ang ginawa ng mga mamamayan ng Israel pagkatapos ng pagdiriwang ng Paskwa?

Ipinagdiwang nila ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura sa loob ng pitong araw. [35:16-17]

2 Chronicles 35:18-19

Bakit napaka espesyal ang pagdiriwang ng Paskwa?

Napaka espesyal nito dahil ito ang unang pagkakataon na ginanap ito sa Israel magmula pa noong panahon ng propetang si Samuel. [35:18]

2 Chronicles 35:20-21

Ano ang dinalang mensahe ng hari ng Ehipto kay Josias?

SInabi niya na inutusan siya ng Diyos na labanan ang mga Caldeo at hindi dapat makialam si Josias. [35:20-21]

2 Chronicles 35:22

Ano ang naging reaksyon ni Josias sa mensahe na nagmula sa hari ng Ehipto?

Hindi siya nakinig sa mga salita ng hari, sa halip, nagbalatkayo si Josias para makalaban siya. [35:22]

2 Chronicles 35:23-24

Ano ang nangyari kay Josias sa lugar ng digmaan?

Napana siya ng mga mamamana at dinala siya ng kaniyang mga lingkod sa Jerusalem kung saan di nagtagal ay namatay siya. [35:23-24]

2 Chronicles 35:25-27

Ano ang mga awit ng pagluluksa na naging kaugalian sa Israel?

Ito ay mga awitin na kinakanta sa pagluluksa para kay Josias at hanggang ngayon ay inaawit pa rin. [35:25]

Saan nakatala ang mga magagandang ginawa ni Josias?

Ang mga ito ay napapaloob sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. [35:26-27]

2 Chronicles 36

2 Chronicles 36:1-2

Matapos mamatay ni Josias, sino ang naging hari ng Jerusalem?

Ginawang hari ng mga mamamayan ng lupain si Jehoahaz, ang anak ni Josias upang maging hari at namuno siya ng tatlong buwan. [36:1-2]

2 Chronicles 36:3-4

Paano naging hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim?

Tinanggal ng hari ng Ehipto ang kapatid ni Eliakim na si Jehoahaz at ginawang hari si Eliakim at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Jehoiakim. [36:3-4]

2 Chronicles 36:5-7

Anong uri na pinuno si Jehoiakim sa kaniyang paghahari sa loob ng labing-isang taon?

Masama si Jehoiakim sa paningin ni Yahweh. [36:5]

Ano ang ginawa ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa hari ng Juda?

Siya ay sinalakay niya, iginapos siya ng kadena, at dinala siya sa Babilonia. [36:6]

Ano ang ginawa ni Nebucadnezar sa tahanan ni Yahweh?

Dinala niya sa Babilonia ang ilan sa mga kagamitan sa tahanan ni Yahweh at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo. [36:7]

2 Chronicles 36:8

Sino ang naging hari pagkatapos ni Jehoiakim?

Ang kaniyang anak na si Jehoiakin, ang naging hari pagkatapos niya. [36:8]

2 Chronicles 36:9-10

Anong uri ng hari si Jehoiakin?

Sa maikling panahon ng kaniyang paghahari, gumawa siya ng masasamang bagay sa paningin ni Yahweh. [36:9]

Paano trinato ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin?

Dinala niya si Jehoiakin sa Babilonia kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh. [36:10]

2 Chronicles 36:11-12

Paano tumugon si Zedekias kay Yahweh?

Gumawa siya ng masamang bagay sa paningin ni Yahweh, at hindi siya nagpakumbaba sa harapan ng propetang si Jeremias, na siyang nagsalita mula sa bibig ni Yahweh. [36:12]

2 Chronicles 36:13-14

Paano nagrebelde si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar?

Pinatigas niya ang kaniyang puso laban kay Yahweh at lumayo kay Haring Nebucadnezar. [36:13]

2 Chronicles 36:15-16

Paano tumugon ang mga tao sa habag sa patuloy na ipinapakita sa kanila ni Yahweh?

Kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta. [36:15-16]

2 Chronicles 36:17

Paano pinakitunguhan ng Diyos ang mga mangungutya?

Pinapatay niya ang mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng hari ng mga Caldeo at ang lahat ng iba pa ay ibinigay sa hari. [36:17]

2 Chronicles 36:18-19

Ano ang ginawa ng hari ng mga Caldeo sa Jerusalem at ano ang dinala niya sa Babilonia?

Sinira niya ang tahanan ng Diyos, ang pader ng Jerusalem, ang lahat ng mga palasyo nito, at ang mga magagandang mga bagay dito. Pagkatapos ay dinala niya ang kagamitan at kayamanan sa Babilonia. [36:18-19]

2 Chronicles 36:20-21

Ano ang nangyari sa mga nakaligtas mula sa pagpatay?

Sila ay naging mga lingkod para sa hari at sa kaniyang mga anak, na siyang naging katuparan ng mga salita ni Yahweh kay Jeremias. [36:20-21]

2 Chronicles 36:22-23

Ano ang ipinahayag at isinulat ni Ciro na hari ng Persia?

Sinabi niya na inutusan siya ni Yahweh na magtayo ng tahanan ng Diyos sa Jerusalem at makakasama nila ang Diyos sa panahong pupunta sila sa lupain. [36:22-23]