Hebrews
Hebrews 1
Hebrews 1:4-5
Paano naihalintulad ang Anak ng Diyos sa mga anghel?
Ang Anak ng Diyos ay higit na mataas kaysa sa mga anghel. [1:4]
Hebrews 1:6-7
Ano ang iniutos ng Diyos na gawin ng mga anghel kapag ang Anak ay naisugo na sa sanlibutan?
Iniutos ng Diyos sa mga anghel na sambahin ang Anak kapag ang Anak ay naisugo na sa sanlibutan.
Hebrews 1:8-9
Gaano katagal mamumuno ang Anak bilang isang hari?
Ang Anak ay mamumuno bilang isang hari ng walang hangganan. [1:8]
Ano ang minamahal ng Anak at ano ang kinasusuklaman ng Anak?
Minamahal ng Anak ang pagkamakatwiran at kinasusuklaman ang kawalan ng pagsunod sa batas. [1:9]
Hebrews 1:10-12
Ano ang mangyayari sa lupa at sa kalangitan pagkalipas ng panahon?
Ang lupa at ang kalangitan ay maluluma na parang damit at mawawala. [1:10-11]
Hebrews 1:13-14
Saan ang sinabi ng Diyos na umupo ang Anak, at hanggang sa ano ang mangyayari?
Sinabi ng Diyos sa Anak na umupo siya sa kaniyang kanang kamay hanggang gawin ng Diyos na patungan ng paa ang mga kaaway ng Anak. [1:13]
Sino ang aalagaan ng mga anghel?
Ang aalagaan ng mga anghel ay mga magmamana ng kaligtasan.
Hebrews 2
Hebrews 2:1
Bakit nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga mananampalataya ang kanilang narinig?
Nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga mananampalataya ang kanilang narinig upang hindi sila matangay palayo dito.
Hebrews 2:2-4
Ano ang natanggap ng bawat paglabag at pagsuway?
Bawat paglabag at pagsuway ay makatatanggap ng makatarungang kaparusahan. [2:2]
Paano nagpatotoo ang Diyos sa mensahe ng kaligtasan na inihayag ng Panginoon?
Pinatotohanan ng Diyos ang mensahe sa pamamagitan ng mga palatandaan, mga kamangha-mangha, gawang makapangyarihan, at sa pamamagitan ng kaloob ng Banal na Espiritu. [2:4]
Hebrews 2:5-6
Sino ang hindi mamamahala sa mundong darating?
Hindi mamamahala ang mga anghel sa mundo na darating. [2:5]
Hebrews 2:7-8
Sino ang mamamahala sa mundong darating?
Tao ang mamamahala sa mundo na darating. [2:7-8]
Hebrews 2:9-10
Bakit nakoronahan si Jesus ng kaluwalhatian at karangalan?
Nakoronahan si Jesus ng kaluwalhatian at karangalan dahil sa kanyang pagdurusa at kamatayan. [2:9]
Para kanino dinanas ni Jesus ang kamatayan?
Dinanas ni Jesus ang kamatayan para sa bawat tao. [2:9]
Sino ang binalak ng Diyos na dadalhin sa kaluwalhatian?
Binalak ng Diyos na magdala ng maraming mga anak sa kaluwalhatian. [2:10]
Hebrews 2:11-12
Sino ang dalawang nanggaling sa iisang pinagmulan, ang Diyos?
Parehong ang tagapaghandog at mga inihahandog ay nanggaling sa iisang pinagmulan, ang Diyos. [2:11]
Hebrews 2:13-15
Sino ang napawalang-bisa dahil sa kamatayan ni Jesus?
Ang diyablo ang napawalang-bisa dahil sa pagkamatay ni Jesus. [2:14]
Sa anong pagkaalipin napalaya ang mga tao sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus?
Sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus, napalaya ang mga tao mula sa takot ng kamatayan. [2:15]
Hebrews 2:16-18
Bakit kinakailangan ni Jesus na maging katulad ng kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan?
Kinakailangan ito upang siya ay maging maawain at matapat na pinakapunong pari sa mga bagay ng Diyos, at upang maaari niyang makamit ang kapatawaran alang-alang sa kasalanan ng mga tao. [2:17]
Bakit kayang matulungan ni Jesus ang mga natukso?
Kayang tulungan ni Jesus ang mga natukso dahil siya ay natukso rin. [2:18]
Hebrews 3
Hebrews 3:1-4
Ano yong dalawang titulo na ibinigay ng nagsulat ng librong Hebreo kay Jesus?
Binigyan si Jesus ng titulong Apostol at Pinakapunong Pari ng nagsulat ng librong Hebreo ay. [3:1]
Bakit itinuring na karapat-dapat si Jesus na may mas malaking kaluwalhatian kaysa kay Moises?
Itinuring si Jesus na mas karapat-dapat na may mas malaking kaluwalhatian dahil habang si Moises ay matapat sa lahat ng kasambahayan ng Diyos, si Jesus ang siyang nagtayo ng bahay. [3:2-3]
Hebrews 3:5-6
Ano ang naging tungkulin ni Moises sa sambahayan ng Diyos?
Si Moises ay isang lingkod sa sambahayan ng Diyos. [3:5]
Tungkol saan ang ibinigay na patotoo ni Moises?
Nagbigay ng patotoo si Moises tungkol sa mga bagay na sasabihin sa hinaharap. [3:5]
Ano ang naging tungkulin ni Jesus sa sambahayan ng Diyos?
Si Jesus ang Anak na namamahala sa sambahayan ng Diyos. [3:6]
Sino ang sambahayan ng Diyos?
Ang mga mananampalataya ang sambahayan ng Diyos kung mahigpit nilang hahawakan ang kanilang pananalig. [3:6]
Hebrews 3:7-8
Ano ang ginawa ng mga Israelita na nasa ilang nang marinig nila ang tinig ng Diyos?
Pinatigas ng mga Israelita ang kanilang mga puso.
Hebrews 3:9-11
Ano ang isinumpa ng Diyos tungkol sa mga Israelita na naliligaw sa kanilang mga puso?
Isinumpa ng Diyos na hindi na sila makapapasok sa kaniyang kapahingahan. [3:10-11]
Hebrews 3:12-13
Saan binalaan na mag-ingat ang mga kapatid?
Ang mga kapatid ay binalaan maging maingat na huwag tumalikod sa Diyos na buhay sa pamamagitan ng kawalan ng pananampalataya. [3:12]
Ano ang maaaring gawin ng mga kapatid upang maiwasan na mapatigas sila ng kamadayaan ng kasalanan?
Kailangang nilang palakasin ang loob ng bawat isa sa kanila. [3:13]
Hebrews 3:14-15
Bilang kasama ni Cristo, ano ang nararapat gawin ng mga mananampalataya?
Bilang kasama ni Cristo, kailangang matinding panghawakan ng mga mananampalataya ang kanilang pananalig sa kaniya mula sa simula hanggang sa katapusan. [3:14]
Hebrews 3:16-19
Kanino galit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon?
Galit ang Diyos sa mga nagkasala sa ilang.[3:17]
Ano ang nangyari doon sa mga kinagalitan ng Diyos?
Ang kanilang mga namatay na katawan ay nakaratay sa ilang. [3:17]
Bakit hindi makapapasok ang mga suwail na mga Israelita sa kapahingahan ng Diyos?
Hindi sila nakapasok sa kapahingahan ng Diyos dahil sa kawalan ng pananampalataya.[3:19]
Hebrews 4
Hebrews 4:1-2
Anong magandang balita ang kapwa narinig ng mga mananampalataya at ng mga Israelita?
Ang mga mananampalataya at mga Israelita ay kapwa nakarinig ng magandang balita tungkol sa kapahingahan ng Diyos. [4:2]
Bakit hindi nakinabang ng mga Israelita ang magandang balita?
Hindi nakinabang ang mga Israelita sa magandang balita dahil hindi sila pananampalataya nito. [4:2]
Hebrews 4:3-5
Sino ang mga makapapasok sa kapahingahan ng Diyos?
Sila na nakarinig ng magandang balita at nanampalataya ay makapapasok sa pahingahan ng Diyos. [4:3]
Kailan tinapos ng Diyos ang kaniyang paglikha at namahinga?
Tinapos ng Diyos ang kaniyang paglikha sa simula pa ng mundo at namahinga sa ikapitong araw.
Ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga Israelita at ang kanyang kapahingahan?
Sinabi ng Diyos na ang mga Israelita ay hindi makapapasok sa kanyang kapahingahan. [4:5]
Hebrews 4:6-7
Anong araw ang itinakda ng Diyos para makapasok ang mga tao sa kaniyang kapahingahan?
Itinakda ng Diyos ang "Ngayong araw" bilang araw para makapasok ang mga tao sa kapahingahan ng Diyos. [4:7]
Anong ang dapat gawin ng tao upang makapasok sa kapahingahan ng Diyos?
Dapat makinig ang tao sa tinig ng Panginoon at hindi patigasin ang kaniyang puso. [4:7]
Hebrews 4:8-11
Ano ang nanatiling nakalaan para sa mga tao ng Diyos?
Ang nananatiling nakalaan para sa mga tao ng Diyos ay ang araw ng pamamahinga. [4:9]
Ang taong makapapasok sa kapahingahan ng Diyos ay makakapagpahinga rin mula sa ano?
Ang tao na siyang makapapasok sa kapahingahan ng Diyos ay makapagpapahinga mula sa kaniyang mga gawa.
Bakit dapat masabik ang mga mananampalataya na makapasok sa kapahingahan ng Diyos?
Dapat masabik ang mga mananampalataya na makapasok sa kapahingahan ng Diyos upang hindi sila mahulog gaya ng ginawa ng mga Israelita. [4:11]
Hebrews 4:12-13
Ang salita ng Diyos ay mas matalim kaysa sa?
Ang salita ng Diyos ay mas matalim kaysa sa anumang espadang magkabila ang talim. [4:12]
Ano ang kayang hatiin ng salita ng Diyos?
Kayang hatiin ng salita ng Diyos ang kaluluwa mula sa espiritu, at kasu-kasuan mula sa utak ng buto. [4:12]
Ano ang kayang malaman ng salita ng Diyos?
Kayang malaman ng salita ng Diyos ang mga isip at mga layunin ng puso. [4:12]
Sino ang nakatago sa paningin ng Diyos?
Walang nilikhang bagay ang nakatago sa paningin ng Diyos. [4:13]
Hebrews 4:14-16
Sino ang naglilingkod bilang dakilang pinakapunong pari para sa mga mananampalataya?
Si Jesus ang Anak ng Diyos ang naglilingkod bilang pinakapunong pari sa mga mananampalataya. [4:14]
Bakit nakakaramdam ng habag si Jesus sa kahinaan ng mga mananampalataya?
Nakakaramdam ng pagkahabag si Jesus sa mga mananampalataya dahil sa lahat ng paraan ay tinukso rin siya [4:15]
Ilang beses nagkasala si Jesus?
Si Jesus ay hindi nagkasala. [4:15]
Sa panahon ng pangangailangan, ano ang gagawin ng mga mananampalataya upang makatanggap ng awa at makahanap ng biyaya?
Sa panahon ng pangangailangan, ang mga mananampalataya ay magsilapit ng may pananalig sa trono ng biyaya. [4:16]
Hebrews 5
Hebrews 5:1-3
Ano ang ginagawa ng bawat pinaka-punong pari sa ngalan ng mga tao?
Para sa mga tao , ang bawat pinakapunong pari ay mag-aalay ng mga kaloob at mga handog para sa mga kasalanan.
Sa karagdagan sa mga tao, para kanino rin mag-aalay ng mga handog ang pinakapunong pari?
Ang pinakapunong pari ay mag-aalay rin ng mga handog para sa kanyang mga kasalanan.
Hebrews 5:4-5
Paano makatatanggap ang isang tao ng karangalan bilang pinakapunong pari ng Diyos?
Ang tao ay kinakailangang tinawag ng Diyos na maging pinakapunong pari ng Diyos.
Sino ang nagpahayag na si Cristo ay magiging pinakapunong pari?
Ang Diyos ang nagpahayag na si Cristo ang magiging pinakapunong pari.
Hebrews 5:6
Gaano katagal na si Cristo ang pinakapunong pari ng Diyos?
Si Cristo ang pinakapunong pari ng Diyos magpakailanman.
Sa anong pagkapari si Cristo bilang pinakapunong pari?
Si Cristo ang pinakapunong pari ng pagkapari ni Melquisedec.
Hebrews 5:7-8
Bakit narinig ng Diyos si Cristo nang siya ay nanalangin?
Narinig ng Diyos si Cristo dahil pinarangalan niya ang Diyos.
Paano natutunan ni Cristo ang pagsunod?
Natutunan ni Cristo ang pagsunod mula sa mga bagay na kanyang pinagdusahan.
Hebrews 5:9-11
Para kanino na si Cristo ay naging dahilan ng walang hanggang kaligtasan?
Para sa lahat ng susunod sa kanya, si Cristo ay naging dahilan ng kanilang walang hanggang kaligtasan.
Ano ang kalagayang ispiritwal ng mga unang mambabasa ng sulat na ito?
Ang unang mga mambabasa ay mapurol sa pakikinig.
Hebrews 5:12-14
Paano sinabi ng may-akda ng sulat na ang mga mananampalataya ay lumago mula sa pagiging sanggol sa Ispirituwal patungo sa ganap na gulang?
Ang mga mananampalataya ay lumalago sa Ispiritwal sa pamamagitan ng pagsasanay sa pagkilala sa tama mula sa mali, at pagwari sa masama at mabuti.
Hebrews 6
Hebrews 6:1-3
Tungkol sa ano ang nais ng may-akda ng Hebreo na magpatuloy ang mga mananampalataya?
Nais ng may-akda ng Hebreo na ang mga mananampalataya ay magpatuloy sa pagiging ganap na gulang.
Anong mga katuruan ang itinala ng may-akda bilang saligan ng mensahe ni Cristo?
Ang saligan ng mga katuruan ay ang mga pagsisisi mula sa mga patay na gawa, pananampalataya sa Diyos, mga pababautismo, pagpapatong ng kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at walang hanggang paghatol.
Hebrews 6:4-6
Ano ang imposible para sa kanila na mga kabahagi sa Banal na Espiritu, ngunit pagkatapos ay nahiwalay, upang gumawa?
Ito ay Imposible para sa kanila na mga kabahagi sa Banal na Espiritu, ngunit pagkatapos ay nahiwalay, na ibalik muli sa pagsisisi.
Ano ang nalasap na ng mga taong nalinawagan?
Itong mga taong naliwanagan ay nakalasap ng mga kaloob ng kalangitan, salita ng Diyos, at ang mga kapangyarihan ng kapanahunang darating.
Bakit ang mga taong ito ay hindi na maaaring ibalik sa pagsisisi?
Sila ay hindi na maaring ibalik dahil sila mismo ang muling nagpako sa krus sa tunay na Anak ng Diyos.
Hebrews 6:7-8
Sa paghahalintulad ng may-akda, ano ang mangyayari sa lupa na tumanggap ng ulan ngunit namunga ng tinik at dawag?
Pagkasunog ang katapusan ng lupa na tumanggap ng ulan at namunga ng tinik at dawag.
Hebrews 6:9-10
Ano ang inaasahan ng may-akda ukol sa mga mananampalataya na kaniyang sinulatan?
Ang may-akda ay umaasa ng mas mabuting mga bagay ukol sa mga mananampalatayang ito, mga bagay na tungkol sa kaligtasan.
Ano ang hindi malilimutan ng Diyos tungkol sa mga mananampalatayang ito?
Hindi malilimutan ng Diyos ang kanilang mga gawa, pag-ibig, at paglilingkod sa mga banal.
Hebrews 6:11-12
Ano ang kinakailangang gayahin ng mga mananampalataya tungkol sa mga nagmana sa mga pangako ng Diyos?
Ang mga mananampalataya ay kinakailangang gayahin ang pananampalataya at pagtitiis ng mga nagmana ng mga pangako ng Diyos.
Hebrews 6:13-15
Ano ang kinakailangang gawin ni Abraham upang makuha kung ano ang ipinangako ng Diyos sa kanya?
Kinakailangang matiyagang maghintay si Abraham upang makamit kung ano ang ipinangako ng Diyos sa kaniya.
Hebrews 6:16-18
Bakit pinapanindigan ng Diyos ang kaniyang pangako na may kasamang panunumpa?
Pinanindigan ng Diyos ang kaniyang pangako ng may panunumpa upang ipakita ng mas malinaw ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin.
Ano itong hindi maaaring gawin ng Diyos?
Ito ay hindi maaari para sa Diyos na magsinungaling.
Hebrews 6:19-20
Ano ang magagawa ng pagtitiwala ng mga mananampalataya sa Diyos para sa kaniyang kaluluwa?
Ang pagtitiwala ng mga mananampalataya sa Diyos ay isang matatag at maaasahang angkla para sa kaniyang kaluluwa.
Saan pumasok si Jesus bilang tagapanguna para sa mga mananampalataya?
Si Jesus ay pumasok sa dakong loob sa likod ng tabing bilang tagapanguna para sa mga mananampalataya.
Hebrews 7
Hebrews 7:1-3
Ano ang dalawang titulo na mayroon si Melquizedek?
Si Melquizedek ay hari ng Salem at pari ng Diyos na Kataas-taasan.
Ano ang ibinigay ni Abraham kay Melquizedek?
ibinigay ni Abraham kay Melquizedek ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang nasamsam.
Ano ang ibig sabihin ng pangalang Melquisedek?
Ang pangalang Melquisedek ay nangangahulugang "hari ng katuwiran" at "hari ng kapayapaan".
Sino ang mga ninuno ni Melquisedek, at kailan siya namatay?
Si Melquisedek ay walang mga ninuno at walang katapusan ang buhay.
Hebrews 7:4-6
Kanino nagmula ang mga pari, sino ang mga pari ayon sa kautusan, at sino ang magtitipon ng mga ikasampung bahagi mula sa mga tao?
Ang mga pari ng Kautusan ay magmula kay Levi at Abraham.
Hebrews 7:7-10
Sino ang mas dakilang tao, si Abraham o si Melquisedek?
Si Melquisedek ay mas dakilang tao dahil siya ang nagpala kay Abraham.
Sa papaanong paraan din nagbibigay si Levi ng ikasampung bahagi kay Melquisedek?
Si levi ay nagbigay din ng ikasampung bahagi kay melquisedek dahil si Levi ay nasa maselang bahagi pa ng katawan ni Abraham na si Abraham ay magbigay ng ikasampung bahagi kay Melquisedek.
Hebrews 7:11-12
Bakit kinakailangan pa ng ibang pari na lumitaw pagkatapos ng pagkapari ni Melquisedek?
Kinakailangang lumitaw ng iba pang pari pagkatapos ng pagkapari ni Melquisedek dahil ang kasakdalan ay hindi maaari sa pamamagitan ng pagkapari ng mga Levita.
Ano ang kinakailangan ding mabago kapag nabago ang pagkapari?
Ang kautusan ay kinakailangang mabago kapag nabago ang pagkapari.
Hebrews 7:13-14
Sa aling tribu nagmula si Jesus, at ang tribu bang ito ay dati ng naglingkod sa altar bilang mga pari?
Si Jesus ay nagmula sa tribu ni Juda, kung saan hindi pa dating naglingkod sa altar bilang mga pari.
Hebrews 7:15-17
Sa anong batayan naging pari si Jesus pagkatapos ng pagkapari ni Melquisedek?
Si Jesus ay naging pari pagkatapos ng pagkapari ni Melquisedek batay sa kapangyarihan ng hindi nasisirang buhay.
Hebrews 7:18-19
Ano ang naisantabi dahil sa ito ay mahina at walang pakinabang?
Ang dating kautusan, ang Batas, ay naisantabi dahil sa ito ay mahina at walang pakinabang.
Hebrews 7:20-21
Anong panunumpa ang sinumpaan ng Diyos tungkol kay Jesus?
Ang Diyos ay sumumpa na si Jesus ay magiging pari magpakailanman.
Hebrews 7:22-24
Sa paanong si Jesus ang katiyakan ?
Si Jesus ang katiyakan ng mas mabuting kasunduan.
Hebrews 7:25-26
Bakit si Jesus ay may kakayahang makapagligtas ng lubos sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya?
Si Jesus ay may kakayahang makapagligtas sa mga lumalapit sa diyos sa pamamagitan niya dahil siya ay nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.
Ano ang apat na katangian na mayroon si Jesus upang siya ay maging tamang pari para sa mga mananampalataya?
Si Jesus ay walang kasalanan, walang dungis, dalisay, at ihiniwalay mula sa mga makasalanan.
Anong pag-aalay ang kailangang gawin ni Jesus para sa kaniyang sariling kasalanan?
Hindi kailangang gumawa ng anumang pag-aalay si Jesus para sa kanyang sarili dahil siya ay walang pagkakasala.
Hebrews 7:27-28
Anong pag-aalay ang ginawa ni Jesus para sa mga kasalanan ng mga tao?
Inialay ni Jesus ang kaniyang sarili ng minsanan para sa mga kasalanan ng mga tao.
Paanong si Jesus ay naiiba mula sa ibang mga pari na hinirang sa pamamagitan ng Kautusan?
Ang mga pari na inilagay sa pamamagitan ng Kautusan ay mahina, ngunit si Jesus ay ginawang ganap magpakailanman.
Hebrews 8
Hebrews 8:1-2
Saan nakaupo ang pinakapunong pari ng mga mananampalataya?
Nakaupo ang pinakapunong pari ng mga mananampalataya sa kanang kamay ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. [8:1]
Nasaan ang tunay na tabernakulo?
Ang tunay na tabernakulo ay nasa kalangitan.[8:2]
Hebrews 8:3-5
Ano ang kinakailangan na mayroon ang bawat pari?
Ang bawat pari ay dapat mayroong isang bagay na maihahandog. [8:3]
Ayon sa Kautusan nasaan ang mga paring naghahandog ng mga kaloob?
Ayon sa Kautusan ang mga paring naghahandog ng mga kaloob ay nasa lupa.[8:4]
Ano ang pinaglilingkuran ng mga pari sa lupa?
Pinaglilingkuran ng mga pari sa lupa ang katulad at anino ng mga bagay na makalangit. [8:5]
Sa anong batayan itinayo ang makalupang tabernakulo?
Ang makalupang tabernakulo ay itinayo ayon sa batayan na ipinakita ng Diyos kay Moises sa bundok. [8:5]
Hebrews 8:6-7
Bakit may mas mataas na paglilingkod si Cristo bilang pari?
Mayroong mas mataas na paglilingkod si Cristo dahil siya ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako. [8:6]
Hebrews 8:8-9
Ano ang ipinangako ng Diyos nang makita niya ang kamalian sa mga tao na napasailalim sa unang tipan?
Ipinangako ng Diyos na gagawa ng bagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ni Juda. [8:8]
Hebrews 8:10
Ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya sa bagong tipan?
Sinabi ng Diyos na ilalagay niya ang kaniyang batas sa isipan ng mga tao at isusulat sa kanilang mga puso. [8:10]
Hebrews 8:11-12
Sa bagong tipan sino ang makakakilala sa Panginoon?
Sa bagong tipan, makikilala ng lahat ang Panginoon mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila. [8:11]
Ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya sa mga kasalanan ng mga tao sa bagong tipan?
Sinabi ng Diyos na hindi na niya aalalahanin pa ang mga kasalanan ng mga tao. [8:12]
Hebrews 8:13
Sa paghahayag ng bagong tipan, ano ang ginawa ng Diyos sa unang tipan?
Sa paghahayag ng bagong tipan, ginawa ng Diyos na luma ang unang tipan at handa ng mawala. [8:13]
Hebrews 9
Hebrews 9:1-2
Saan ang lugar ng pagsamba sa unang tipan?
Ang lugar ng pagsamba sa unang tipan ay ang tabernakulo dito sa lupa. [9:1-2]
Ano ang matatagpuan sa banal na lugar ng makalupang tabernakulo?
Sa banal na lugar ng makalupang tabernakulo ay ang ilawan, ang mesa, at ang tinapay na ihahandog. [9:2]
Hebrews 9:3-5
Ano ang matatagpuan sa kabanal-banalang lugar ng makalupang tabernakulo?
Sa kabanal-banalang lugar ng makalupang tabernakulo ay ang altar na sunugan ng insenso at ang kaban ng tipan. [9:4]
Hebrews 9:6-7
Gaano kadalas na pumapasok ang punong pari sa kabanal-banalang lugar at ano ang kaniyang ginagawa bago siya pumasok?
Pumapasok ang punong pari sa kabanal-banalang lugar minsan sa isang taon, pagkatapos na mag-alay ng dugo para sa kaniyang sarili at sa mga tao. [9:7]
Hebrews 9:8-10
Ano ang nagsisilbi bilang paglalarawan sa kasalukuyang panahon para sa mga bumabasa ng liham na ito?
Ang makalupang tabernakulo at ang mga kaloob at mga handog na iniaalay doon ay nagsisilbi bilang paglalarawan sa kasalukuyang panahon. [9:9]
Ano ang ang hindi kayang gawin ng mga alay ng makalupang tabernakulo?
Ang mga alay ng makalupang tabernakulo ay hindi kayang gawing ganap ang budhi ng mga sumasamba. [9:9]
Hanggang kailan inilaan ang mga alituntunin ng makalupang tabernakulo?
Ang mga alituntunin ng makalupang tabernakulo ay inilaan hanggang ang bagong utus ay mailagay sa lugar. [9:10]
Ano ang kaibahan tungkol sa sagradong tolda kung saan naglilingkod si Cristo?
Ang sagradong tolda kung saan naglilingkod si Cristo ay higit na ganap, hindi gawa ng mga kamay ng tao, at hindi kabilang sa mundong ito na nilikha. [9:11]
Hebrews 9:11-12
Anong paghahandog ang ginawa ni Cristo, na kung saan nakapasok siya sa kabanal-banalang lugar?
Ang paghahandog ni Cristo ng kaniyang sariling dugo na kung saan nakapasok siya sa kabanal-banalang lugar. [9:12]
Ano ang naidulot nga paghahandog ni Cristo?
Ang paghahandog ni Cristo ay nagbigay ng kasiguraduhan ng walang hanggang katubusan para sa bawat isa. [9:12]
Hebrews 9:13-15
Ano ang ginagawa ng dugo ni Cristo para sa mga mananampalataya?
Ang dugo ni Cristo ang lumilinis sa budhi ng mga mananampalataya mula sa mga patay na gawain upang maglingkod sa Diyos na buhay. [9:14]
Tagapamagitan si Cristo ng ano?
Si Cristo ang tagapamagitan ng isang bagong tipan. [9:15]
Hebrews 9:16-17
Ano ang kailangan upang magkabisa ang isang testamento?
Ang kamatayan ay kailangan upang magkabisa ang isang testamento. [9:17]
Hebrews 9:18-20
Anong kamatayan ang kailangan para sa unang tipan?
Ang kamatayan ng mga guya at mga kambing ang kinakailangan para sa unang tipan. [9:18-19]
Hebrews 9:21-22
Ano ang hindi mangyayari kung walang pagbubuhos ng dugo?
Walang kapatawaran ang mga kasalanan kung walang pagbubuhos ng dugo . [9:22]
Hebrews 9:23-24
Ngayon, saan magpapakita si Cristo alang-alang sa atin?
Ngayon ay nagpakita si Cristo mismo sa langit, sa kinaroroonan ng Diyos, sa ngalan natin. [9:24]
Hebrews 9:25-26
Ilang beses dapat na ialay ni Cristo ang kaniyang sarili upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili?
Inialay ni Cristo ang kaniyang sarili minsan lamang sa katapusan ng panahon upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili. [9:26]
Hebrews 9:27-28
Para sa bawat tao, ano ang mangyayari pagkatapos ng kanilang kamatayan?
Pagkatapos na mamatay ang bawat tao, haharapin nila ang paghatol. [9:27]
Para sa anong layunin ang pangalawang pagparito ni Cristo?
Paparito si Cristo sa pangalawang pagkakataon para sa kaligtasan ng mga matiyagang naghihintay sa kaniya. [9:28]
Hebrews 10
Hebrews 10:1-4
Ano ang kautusan kung ihahalintulad sa katotohanang na kay Cristo?
Ang kautusan ay anino lamang sa mga katotohanang na kay Cristo. [10:1]
Para saan ang paulit-ulit na paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng Kautusan, na nagpapaalala sa mga sumasamba?
Ang paulit-ulit na paghahandog na ginagawa sa pamamagitan ng Kautusan ay nagpapaalala sa mga sumasamba sa mga kasalanang nagagawa taun-taon. [10:3]
Ano ang hindi magagawa ng dugo ng mga toro at mga kambing?
Hindi magagawa ng dugo ng mga toro at mga kambing ang mag-alis ng mga kasalanan. [10:4]
Hebrews 10:5-7
Ano ang inihanda ng Diyos para kay Cristo nang si Cristo ay dumating sa sanlibutan?
Naghanda ang Diyos ng isang katawan para kay Cristo. [10:5]
Hebrews 10:8-10
Ano ang kaugaliang isinan-tabi ng Diyos nang dumating si Cristo sa sanlibutan?
Isinantabi ng Diyos ang unang kaugalian ng mga handog na inialay ayon sa kautusan. [10:8]
Anong kaugalian ang itinatag ng Diyos nang si Cristo ay dumating sa sanlibutan?
Itinatag ng Diyos ang pangalawang kaugalian ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo minsan para sa lahat. [10:10]
Hebrews 10:11-16
Para saan ang paghihintay ni Cristo habang nakaupo siya sa kanang kamay ng Diyos?
Si Jesus ay naghihintay hanggang ang kaniyang mga kaaway ay maibaba at gawing isang patungan para sa kaniyang paanan. [10:12-13]
Ano ang ginawa ni Cristo para sa mga pinabanal sa pamamagitan ng kaniyang isang handog?
Ginawang ganap ni Cristo magpakailanman ang mga pinabanal sa pamamagitan ng kaniyang isang handog. [10:14]
Hebrews 10:17-18
Ano ang hindi na kailangan nang magkaroon na ng kapatawaran sa mga kasalanan?
Nang magkaroon na ng kapatawaran sa mga kasalanan, ang mga karagdagang pag-aalay ay hindi na kailangan. [10:18]
Hebrews 10:19-22
Sa anong lugar maaaring makapasok ngayon ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng dugo ni Cristo?
Maaari nang makapasok ngayon ang mga mananampalataya sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. [10:19]
Ano ang nawisikan na at ano ang nahugasan na sa mananampalataya?
Nawisikan at nalinisan ang puso ng mga mananampalataya, mula sa masamang budhi, at nahugasan na ang kaniyang katawan ng dalisay na tubig. [10:22]
Hebrews 10:23-25
Ano ang dapat panghawakan ng mga mananampalataya?
Dapat panghawakang mabuti ng mga mananampalataya ang pagtanggap ng pagtitiwala na kanilang inaasahan. [10:23]
Ano ang dapat gawin ng mga mananampalataya habang nakikita nila na papalapit na ang araw?
Dapat palakasin ng mga mananampalataya ang bawat isa ng higit pa habang nakikita nila na papalapit na ang araw. [10:25]
Hebrews 10:26-27
Ano ang inaasahan ng mga nagpapatuloy sa pagkakasala pagkatapos na matanggap ang kaalaman sa katotohanan?
Ang inaasahan ng mga nagpapatuloy sa pagkakasala pagkatapos na matanggap ang kaalaman sa katotohanan ay ang paghatol at ang apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos. [10:26-27]
Hebrews 10:28-29
Ano ang nararapat sa taong hindi nagtuturing bilang isang banal ang dugo ni Cristo na kung saan siya ay pinabanal?
Ang taong hindi nagtuturing bilang isang banal ang dugo ni Cristo na kung saan siya ay pinabanal ay nararapat sa walang awang kaparusahan higit sa kaparusahang ibinigay sa ilalim ng Kautusan ni Moises. [10:28-29]
Hebrews 10:30-31
Para kanino ang paghihiganti?
Ang paghihiganti ay sa Panginoon. [10:30]
Hebrews 10:32-34
Paano tumugon ang mga mananampalataya na nakatanggap sa liham na ito sa pagsamsam ng kanilang mga ari-arian?
Tinanggap ng mga mananampalataya ng may kagalakan ang pagsamsam sa kanilang mga ar-arian, na alam nilang mayroon silang mas higit at walang hanggang pag-aari.[10:34]
Hebrews 10:35-37
Ano ang kailangang gawin ng mananampalataya upang matanggap niya kung ano ang ipinangako ng Diyos?
Kinakailanagan ng mananampalataya ang pagtitiwala at pagtitiwala upang matanggap niya kung ano ang ipinangako ng Diyos. [10:35-36]
Hebrews 10:38-39
Paano mabubuhay ang isang matuwid?
Ang isang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. [10:38]
Ano ang iniisip ng Diyos sa mga tumalikod?
Ang Diyos ay hindi malulugod sa mga tumalikod. [10:38]
Ano ang inaasahan ng may-akda sa mga nakatanggap ng liham na ito?
Inaasahan ng may-akda na ang mga nakatanggap ng liham na ito ay magkakaroon ng pananampalataya sa pag-iingat nila ng kanilang mga kaluluwa. [10:39]
Hebrews 11
Hebrews 11:1-3
Ano ang pag-uugali ng isang tao na may pananampalataya sa mga pangako ng Diyos na matutupad pa lamang?
Ang isang taong may pananampalataya ay umaasa na may pagtitiwala at may katiyakan sa mga pangako ng Diyos na matutupad pa lamang.
Mula sa ano ang nakikitang mga bagay na nilikha sa daigdig?
Ang mga nakikitang mga bagay na nilikha sa daigdig ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita.
Hebrews 11:4
Bakit pinuri ng Diyos si Abel sa pagiging matuwid?
Pinuri ng Diyos si Abel sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya ay naghandog siya sa Diyos ng mas angkop na alay kaysa sa ginawa ni Cain.
Hebrews 11:5-6
Ano ang dapat paniwalaan ng sinumang lumalapit sa Diyos tungkol sa Diyos?
Ang sinuman na lumapit sa Diyos ay kinakailangang manalig na mayroong Diyos at kanyang gagantimpalaan ang mga humahanap sa kanya.
Hebrews 11:7-10
Papaano ipinakita ni Noe ang kanyang pananampalataya?
Ipinakita ni Noe ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng daong upang iligtas ang kanyang pamilya ayon sa babala ng Diyos.
Hebrews 11:11-12
Ano ang natanggap ni Abraham at Sara sa pamamagitan ng pananampalataya?
Sa pamamagitan ng pananampalataya ni Abraham at Sarah sila ay tumanggap ng kakayahang magbuntis kahit sila ay napakatanda na.
Hebrews 11:13-14
Ano ang nakita ng mga ninuno ng pananampalataya kahit malayo pa?
Ang mga ninuno ng pananampalataya ay nakita at tinanggap ang mga pangako ng Diyos kahit na ito ay malayo pa.
Ano ang itinuring ng mga ninuno ng pananampalataya sa kanilang mga sarili sa mundo?
Ang mga ninuno ng pananampalataya ay isinaalang-alang/itinurin ang kanilang mga sarili na estranghero at dayuhan sa mundo.
Hebrews 11:15-16
Ano ang inihanda ng Diyos sa sinumang may pananampalataya?
Ang Diyos ay naghanda ng makalangit na lungsod sa sinumang may pananampalataya
Hebrews 11:17-19
Ano ang paniniwala ni Abraham na kayang gawin ng Diyos kahit pa ihandog niya si Isaac na kanyang kaisa-isang anak?
Si Abraham ay naniniwala sa Diyos na kaya niyang buhayin si Isaac mula sa mga patay.
Hebrews 11:20-22
Ano ang sinabi ni Jose na propesiya sa pamamagitan ng pananampalataya nang ang kanyang katapusan ay malapit na?
Sinabi ni Jose ang propesiya tungkol sa pag alis ng mga anak ng Israel mula sa Ehipto nang ang kanyang katapusan ay malapit na.
Hebrews 11:23-26
Ano ang piniling gawin ni Moises sa pamamagitan ng pananampalataya nang siya ay lumaki na?
Pinili ni Moises sa pamamagitan ng pananampalataya na makibahagi sa paghihirap kasama ang mga tao ng Diyos, isinaalang-alang ang kahihiyan sa pagsunod kay Cristo bilang malaking kayamanan.
Hebrews 11:27-28
Ano ang ginawa ni Moises sa pamamagitan ng pananampalataya upang iligtas ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita?
Sinunod ni Moises ang Paskua at ang pagwiwisik ng dugo sa pamamagitan ng pananampalataya upang mailigtas ang mga panganay na mga lalaki ng mga Israelita.
Hebrews 11:29-31
Ano ang ginawa ni Rahab sa pamamagitan ng pananampalataya na humadlang sa kanya mula sa kapahamakan.
Sa pamamagitan ng pananampalataya ay tinanggap niya ang mga espiya ng may pag-iingat na siyang humadlang sa kanya mula sa kapahamakan.
Hebrews 11:32-34
Ano ang tinapos ng ilan sa mga ninuno ng pananampalataya sa digmaan.
Ang ilan sa mga ninuno ng pananampalataya ay napagtagumpayan ang mga kaharian, nakatakas sa espada, naging malakas sa digmaan, at nagdulot sa mga dayuhang hukbo upang tumakas.
Hebrews 11:35-38
Ano ang pinagdusahan ng ilan sa mga ninuno ng pananampalataya?
Ang ilan sa mga ninuno ng pananampalataya ay nagdusa sa pahirap, pangungutya, mga latigo, mga kadena, pagkabilanggo, pambabato, paglalagari, kamatayan, at paghihikahos.
Hebrews 11:39-40
Sa kabila ng pananampalataya ng mga ninunong ito, ano ang kanilang hindi natanggap sa kanilang makamundong buhay?
Sa kabila ng pananampalataya ng mga ninunong ito, hindi sila tumanggap sa kanilang makamundong buhay sa ipinangako ng Diyos sa kanila.
Sino ang makakasama ng mga ninuno ng pananampalataya na tatanggap ng mga pangako ng Diyos at magiging ganap?
Ang mga ninuno ng pananampalataya ay matatanggap ang mga pangako ng Diyos at magiging ganap kasama ng mga mananampalataya ng bagong tipang kay Cristo.
Hebrews 12
Hebrews 12:1-3
Bakit dapat iwaksi ng mga mananampalataya ang mga kasalanang agad na gumagapos sa kanya?
Dahil sa siya ay napapalibutan ng mga maraming grupo ng taong mga saksi, ang mga mananampalataya ay dapat iwaksi ang kasalanan na agad na gumagapos sa kanya.
Bakit pinagtiisan ni Jesus ang cross at kinamuhian ang kahihiyan nito?
Pinagtiisan ni Jesus ang krus at kinamuhian ang kahihiyan nito dahil sa kagalakan na inihanda para sa kanya.
Paano makakaiwas ang mga mananampalataya na maging pagod o duwag?
Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang kay Jesus na nagtiis sa nakamumuhing pananalita mula sa mga makasalanan, ang isang mananampalataya ay makakaiwas sa pagiging pagod o duwag.
Hebrews 12:4-6
Ano ang ginagawa ng Diyos sa sinumang kanyang mga minamahal at tinatanggap?
Dinidisiplina ng Panginoon ang sinuman na kanyang minamahal at tinatanggap.
Hebrews 12:7-8
Ano ang isang tao na walang pagdidisiplina ng Panginoon?
Ang taong hindi dinidisiplina ng Panginoon ay hindi tunay na anak ng Diyos.
Hebrews 12:9-13
Bakit dinidisiplina ng Diyos ang kanyang mga anak?
Dinidisiplina ng Diyos ang kanyang mga anak para sa kanilang sariling kabutihan upang sila ay makibahagi sa kanyang kabanalan.
Ano ang bunga ng pagdidisiplina?
Ang disiplina ay namumunga ng kapayapaang bunga ng katuwiran.
Hebrews 12:14-17
Ano ang dapat pagsikapan na matamo ng mga mananampalataya kasama ng lahat tao?
Ang mga mananampalataya ay dapat pagsikapan na matamo ang kapayapaan kasama ang lahat tao.
Ano ang hindi dapat lumago at makapagdulot ng kaguluhan at dumihan ang marami?
Ang ugat ng kapaitan ang hindi dapat lumago at magdulot ng kaguluhan at dumihan ang marami.
Ano ang nangyari kay Esau nang ninais niya na manahin ang biyaya na may kasamang mga luha pagkatapos niyang ipagbili ang kanyang karapatan bilang unang isinilang?
Si Esau ay tinanggihan nang ninais niya na manahin ang biyaya na may kasamang mga luha pagkatapos niyang ipagbili ang kanyang karapatan bilang unang isinilang
Hebrews 12:18-21
Ano ang pagmamakaawa ng mga Israelita sa bundok kung saan nagsalita ang Diyos?
Ang mga Israelita ay nagmakaawa na walang ni isang salita ang sabihin pa sa kanila.
Hebrews 12:22-24
Saan lumapit ang mga mananampalataya ni Kristo sa halip na sa bundok kung saan narinig ng mga Israelita ang tinig ng Diyos?
Ang mga mananampalataya kay Kristo ay lumapit sa Bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay.
Sa anong pagtitipon dumalo ang mga mananampalataya kay Kristo?
Ang mga mananampalataya kay Kristo ay dumalo sa pagtitipon ng lahat ng mga panganay na inilista sa langit.
Kanino lumalapit ang mga mananampalataya kay Kristo?
Ang mga mananampalataya kay Kristo ay lumalapit sa Diyos ang Hukom ng lahat, sa mga espiritu ng mga matutuwid, at kay Jesus.
Hebrews 12:25-26
Ano ang mangyayari sa mga tatalikod sa kanya na nagbigay sa kanila ng babala mula sa langit?
Ang sinumang tatalikod ay hindi makatatakas mula sa Diyos.
Ano ang ipinangako ng Diyos na kanyang yayanigin?
Ipinangako ng Diyos na kanyang yayanigin ang lupa at ang langit.
Hebrews 12:27-29
Ano ang dapat na matanggap ng mga mananampalataya sa halip na mga bagay na maaaring mayanig?
Ang mga mananampalataya ay tatanggap ng kaharian na hindi mayayanig.
Paano dapat magpuri sa Diyos ang mga mananampalataya?
Ang mga mananampalataya ay dapat na magpuri sa Diyos ng may paggalang at paghanga.
Bakit sa ganitong paraan dapat na magpuri ang mga mananampalataya sa Diyos?
Ang mga mananampalataya ay dapat magpuri sa Diyos sa ganitong paraan dahil siya ay isang nakakatupok na apoy.
Hebrews 13
Hebrews 13:1-2
Ano ang ginawa ng ilan sa pamamagitan ng malugod na pagtanggap sa mga dayuhan?
Ang ilan ay malugod na tinanggap ang mga anghel ng hindi nila nalalaman.
Hebrews 13:3-4
Paano dapat alalahanin ng mga mananampalataya ang mga nasa bilangguan?
Sila ay dapat alalahanin ng mga mananampalataya na parang sila ay nasa bilangguan din, at para bang ang kanilang mga katawan ay pinagmamalupitan din.
Ano ang dapat igalang ng lahat?
Ang pag-aasawa ay dapat igalang ng lahat.
Ano ang gagawin ng Diyos sa mga nakikiapid at nangangalunya?
Hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.
Hebrews 13:5-6
Paano makakalaya ang mga mananampalataya mula sa pagmamahal sa salapi?
Ang mananampalataya ay maaring lumaya mula sa pagmamahal sa salapi sapagkat sinabi ng Diyos na hindi niya sila iiwan at pababayaan.
Hebrews 13:7-8
Kaninong pananampalataya ang dapat tutularan ng mga mananampalataya?
Ang mga mananampalataya ay dapat tuluran ang pananampalataya ng mga umakay sa kanila at nagsabi na salita ng Diyos sa kanila.
Hebrews 13:9-11
Tungkol sa anong uri ng kakaibang mga katuruan nagbabala sa mga mananampalataya ang may akda?
Ang may akda ay nagbabala sa mga mananampalataya tungkol sa kakaibang mga katuruan kabilang ang mga patakaran tungkol sa pagkain.
Saan sinusunog ang mga katawan ng mga hayop na ginamit para sa paghahandog sa banal na lugar?
Ang mga katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo.
Hebrews 13:12-14
Saan nagdusa si Jesus?
Si Jesus ay nagdusa sa labas ng tarangkahan ng lungsod.
Saan dapat pupunta ang mga mananampalataya, at bakit?
Ang mga mananampalataya ay dapat na pumunta kay Jesus sa labas ng kampo, dala ang kanyang kahihiyan.
Anong permanenteng lungsod na mayroon ang mga mananampalataya dito sa lupa?
Ang mga manananampalataya ay walang permanenteng lungsod dito sa mundo.
Anong lungsod ang sa halip ay hinahanap ng mga mananampalataya?
Sa halip, ang mga mananampalataya ay hinahanap ang lungsod na darating.
Hebrews 13:15-19
Anong pag-aalay ang dapat patuloy na ihandog ng mga mananampalataya sa Diyos?
Ang mga mananampalataya ay dapat na patuloy na mag-alay ng handog na papuri sa Diyos.
Ano ang dapat saloobin ng mananampalataya sa kanilang mga pinuno?
Ang mga mananampalataya ay dapat sumunod at pasakop sa kanilang mga pinuno.
Hebrews 13:20-21
Ano ang gagawin ng Diyos sa mga mananampalataya?
Ang Diyos ay kumikilos sa mga mananampalataya kung ano ang nakalulugod sa paningin ng Diyos.
Hebrews 13:22-25
Sino ang kasamang darating ng may akda kung siya ay dadalaw sa mga mananampalataya?
Ang may akda ay darating kasama si Timoteo kung siya ay dadalaw sa mga mananampalataya.