Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 Samuel

1 Samuel 1

1 Samuel 1:1-4

Sino-sino ang dalawang asawa ni Elkana?

Ang dalawang asawa ni Elkana ay sina Ana at Penina.

1 Samuel 1:5-6

Anong mga bahagi ng ang ibinigay ni Elkana sa kanyang mga asawa?

Kay Penina binigyan niya ng panayang bahagi, ngunit kay Ana palagi niya binigyan ng dobleng bahagi.

1 Samuel 1:7-8

Paano inituring ni Penina si Ana?

Labis niyang ginagalit si Ana at umabot sa puntong umiiyak si Ana at hindi na kumakain.

1 Samuel 1:9-10

Ano ang ginawa ni Ana dahil labis ang kanyang pagkadalamhati tungkol sa hindi niya pagkakaroon ng mga anak?

Pumunta siya sa bahay ni Yahweh at nanalangin at umiyak nang mapait.

1 Samuel 1:11

Ano ang ipinangako ni Ana kay Yahweh?

Ipinangako ni Ana na kung bibigyan siya ni Yahweh ng isang anak, ibibigay niya siya kay Yahweh at walang labaha ang makakagalaw ng kanyang ulo.

1 Samuel 1:12-14

Dahil nagsasalita si Ana kay Yahweh mula sa kanyang puso, ano ang inisip ni Eli, na pari, tungkol sa kanyang mga kilos?

Nakita ni Eli ang mga lapi ni Ana na gumagalaw ngunit hindi narinig ang kanyang boses, kaya inisip niya na lango siya sa alak.

1 Samuel 1:15-16

Ano ang tinitiyak ni Ana kay Eli na kanyang ginagawa?

Tiniyak ni Ana kay Eli na hindi siya lasing ngunit nakikipag-usap siya kay Yahweh mula sa kanyang puso.

1 Samuel 1:17-20

Ano ang sinabi ni Eli kay Hannah na nagdulot sa kanya para umalis, kumain at hindi na maramdaman ang lungkot?

Sinabihan siya ni Eli na umalis nang mapayapa at hilingin sa Diyos ng Israel na pagbigyan ang kanyang kahilingan na kanyang hinihingi sa kanya.

1 Samuel 1:21-23

Bakit hindi sumama si Ana sa kanyang asawa sa templo para sa taon-taong pag-alay?

Dahil pinapasuso pa niya ang kanyang anak.

1 Samuel 1:24-25

Ano ang dinala ni Ana, kasama ng kanyang anak, patungo sa bahay ni Yahweh upang ibigay kay Eli na pari?

Nagdala ng isang alay si Ana ng isang tatlong taong toro, isang ephah ng harina, at isang bote ng alak upang ibigay sa pari.

1 Samuel 1:26-28

Ano ang ibinigay ni Ana kay Yahweh?

Binigay ni Ana ang kanyang anak kay Yahweh hanggang sa mabubuhay siya.

1 Samuel 2

1 Samuel 2:1-2

Bakit matapang na nagsalita si Ana laban sa kayang mga kaaway?

Matapang na nagsalita si Ana dahil nagagalik siya sa pagliligtas ni Yahweh.

1 Samuel 2:3-4

Bakit nasabi ni Ana na hindi tayo dapat magmayabang o magsalita ng mapagmataas?

Hindi tayo dapat magmayabang o magsalita ng mapagmataas dahil si Yahweh ay ang Diyos ng kaalaman at sa pamamagitan niya tinimbang ang lahat ng mga kilos.

1 Samuel 2:5

Sa awit ni Ana, sino ang isang nalalanta?

Nalalanta ang babaeng may maraming anak.

1 Samuel 2:6-7

Sino ang magpapasya sa kamatayan at buhay, kung mapupunta ang isang tao sa Sheol o babangon.

Si Yahweh ang siyang magpapasya sa kamatayan at buhay, at sheol o babangon.

1 Samuel 2:8

Sino ang magpapabangon ng mahirap at mag-aangat sa mga nangangailangan para umupo sa upuan ng karangalan?

Si Yahweh ang magbabangon sa kanila para umupo sa upuan ng karangalan.

1 Samuel 2:9

Kanino sinabi ni Ana na pag-ingatan ang mga paa ng kanyang mga tapat na tao at patahimikin ang masama sa kadiliman?

Iingtan ni Yahweh ang kanilang paa at patahimikin ang masama.

1 Samuel 2:10

Sino ang maghuhusga sa dulo ng mundo at magbibigay ng kalakasan sa kanyang hari?

Si Yahweh ang maghuhusga sa mundo at magbibigay ng kalakasan sa kanyang hari.

1 Samuel 2:11

Anong anak ang naglingkod kay Yahweh sa harapan si Eli na pari?

Naglingkod si Samuel kay Yahweh sa harapan ni Eli na pari.

1 Samuel 2:12-14

Kaninong mga anak na lalaki ang masamang kalalakihan?

Masamang kalalakihan ang mga anak ni Eli na pari.

1 Samuel 2:15-17

Anong masamang bagay ang itinuro ng mga anak na lalaki ng pari sa mga lingkod?

Sa halip na kakain ng pinakuluang karne, itinagubilin ng mga anak na lalaki ni Eli ang mga lingkod na sabihin na kumain lamang ng hilaw na karne.

1 Samuel 2:18-19

Ano ang gagawin ng ina ni Samuel taon-taon para sa kanya upang ipasuot sa kanya?

Gagawan niya siya ng isang linong epod na balabal.

1 Samuel 2:20-24

Paano pagpapalain ni Eli si Elkanah at kanyang asawa?

Pinagpala ni Eli si Elkana at kanyang asawa sa pamamagitan ng pagdarasal sa kanila na magkaroon ng maraming anak sa pamamagitan ni Ana.

1 Samuel 2:25-26

Bakit hindi nakinig ang mga anak na lalaki ni Eli sa kanyang boses?

Hindi nakinig ang mga anak na lalaki ni Eli sa kanyang boses dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila.

1 Samuel 2:27-28

Sinong nagsabi kay Eli na pinili ni Yahweh ang mga ninuno ni Eli mula sa lahat ng mga pari upang maging pari kay Yahweh?

Isang tao o lingkod ng Diyos ang nagsabi kay Eli na pinili ni Yahweh ang mga ninuno ni Eli.

1 Samuel 2:29-33

Paano itinanggi ni Eli ang mga alay at mga handog ni Yahweh?

Itinanggi niya ang mga alay at mga handog sa pamamagitan ng paggalang niya ng kanyang mga anak na lalaki higit pa kay Yahweh.

1 Samuel 2:34-36

Ano ang sinabi ni Yahweh na maging palatandaan na mamamatay ang lahat ng kalalakihan sa pamilya ni Eli?

Mamamatay sa parehong araw ang dalawang anak na lalaki ni Eli.

1 Samuel 3

1 Samuel 3:5-6

Ano ang sinabi ni Eli kay Samuel na kanyang gawin kapag tumakbo sa kanya si Samuel?

Sinabi ni Eli na hindi niya tinawag si Samuel, at sinabihan niya na humiga siya muli.

1 Samuel 3:7-8

Ano ang hindi pa naipahayag kay Samuel?

Isang mensahe mula kay Yahweh ang hindi pa naipahayag kay Samuel.

1 Samuel 3:9-14

Ano ang sinabi ni Eli kay Samuel na kanyang sasabihin kung tatawagin siya ulit ni Yahweh?

Sinabihan ni Eli si Samuel na sabihin, "Magsalita, sapagkat makikinig ang iyong lingkod."

1 Samuel 3:15-16

Ano ang ikinatakot na gawin ni Samuel matapos niyang buksan ang mga pintuan sa bahay ni Yahweh?

Natakot siya na sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain mula kay Yahweh.

1 Samuel 3:17-21

Ano ang ginawa ni Samuel matapos siyang pagsabihan ni Eli na hindi niya dapat itago mula sa kanya ang mga salita na isinalita ni Yahweh?

Sinabi ni Samuel ang lahat ng bagay at walang siyang itinago mula kay Eli.

1 Samuel 4

1 Samuel 4:1-2

Ano ang naging resulta ng labanan sa pagitan ng Israel at ang mga Filisteo?

Natalo ang Israel ng mga Filisteo.

1 Samuel 4:3-4

Ano ang ginawang pasya ng mga nakakatanda ng Israel na gawin upang manatili silang ligtas mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway?

Napagpasyahan ng mga nakakatanda na dapat nilang dalhin ang kaban ng tipan ni Yahweh na maging kasama nila.

1 Samuel 4:5-6

Ano ang pinagtataka ng mga Filisteo nang narinig nila ang malakas na sigaw ng lahat ng tao ng Israel?

Nagtaka ang mga Filisteo kung ano ang kahulugan ng malakas na sigawan sa kampo ng mga Hebreo.

1 Samuel 4:7-9

Sino ang sinasabi ng mga Filisteo na pumunta sa kampo ng mga Hebreo?

Ang sinabi ng Filisteo na pumunta ang Diyos sa kampo ng mga Hebreo.

1 Samuel 4:10-11

Ano ang nangyari sa dalawang anak na lalaki ni Eli nang nakipaglaban ang Filisteo at natalo ang Israel?

Namatay sina Hopni at Finehas, ang dalawang anak na lalaki ni Eli.

1 Samuel 4:12-13

Ano ang ginawa ng buong lungsod nang pumasok sa siyudad at sinabi ang mga balita ng lalaki mula sa linya ng labanan?

Nang sinabi ng lalaki ang mga balita, umiyak ang buong lungsod.

1 Samuel 4:14-15

Ano ang tinanong ni Eli nang narinig niya ang ingay ng iyakan ng lungsod?

Tinanong ni Eli kung ano ang kahulugan ng hiyawan.

1 Samuel 4:16-17

Ano ang sinabi ng lalaki kay Eli na nangyari sa kanyang dalawang anak na lalaki at sa kaban ng Diyos nang natalo ang Israel ng mga Palestina?

Ang sinabi ng lalaki kay Eli na namatay ang dalawang anak na lalaki nito at nakuha ang kaban ng Diyos.

1 Samuel 4:18

Ano ang naging pinsala na kumitil sa buhay ni Eli nang natumba siya patalikod mula sa kanyang inuupuan sa gilid ng tarangkahan?

Nabali ang leeg ni Eli at namatay.

1 Samuel 4:19-20

Ano ang nangyari nang narinig ng asawang buntis ni Finehas na nakuha ang kaban at ang kanyang biyenang lalaki at asawa ay namatay?

Lumuhod ang asawa ni Finehas at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap sa kanyang panganganak.

1 Samuel 4:21-22

Ano ang pangalan na ibinigay ng asawa ni Finehas sa bata at bakit niya ibinigay sa kanya ang pangalan na iyon?

Pinangalanan niya ang sanggol na Ichabod dahil nawala ang kaluwalhatian ng Diyos mula sa Israel.

1 Samuel 5

1 Samuel 5:1-3

Saang lugar natagpuan ng mga tao ang diyus-diyosan Dagon sa sumunod na araw pagkatapos na kinuha ng Filisteo ang kaban ng Diyos sa bahay ng Dagon?

Natagpuang natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harap ng kaban ni Yahweh.

1 Samuel 5:4-5

Ano ang naiwan sa diyus-diyosan Dagon ng sumunod na araw na inilagay nilang muli ito sa kanyang lugar sa harap ng kaban?

Katawan lamang ng Dagon ang naiwan at ang kanyang ulo at mga kamay ay nakahilatang putol sa pintuan.

1 Samuel 5:6-7

Bakit sinabi ng mga kalalakihan ng Asdod na dapat hindi manatili sa kanila ang kaban?

Mabigat ang kamay ng Diyos ng Israel laban sa kanila at laban kay Dagon na kanilang diyos.

1 Samuel 5:8-9

Sa anong lugar inilipat ng Filisteo ang kaban ng Diyos ng Israel?

Inilipat ng Filisteoang kaban sa Gat.

1 Samuel 5:10

Ano ang sinabi ng taga-Ekron na gagawin ng Diyos sa kanila dahil ipinadala sa kanilang lungsod ang kaban?

Sinabi nila na papatayin sila ng Diyos ng Israel at ang kanilang mga tao.

1 Samuel 5:11-12

Sa anong lugar hiniling ng mga tao ng Ekron sa mga namumuno na ipadala ang kaban?

Hiniling nila na ipadala ang kaban sa sariling lugar nito.

1 Samuel 6

1 Samuel 6:1-2

Sa anong panahong nasa bansang Filisteo ang kaban ni Yahweh?

Nasa bansang Filisteo ang kaban sa loob ng pitong buwan.

1 Samuel 6:3-6

Ano ang sinabi ng mga pari at mga manghuhula sa mga tao ng Filisteo na ipadala bilang isang regalo sa Diyos ng Israel bilang isang handog pambayad para sa kasalanan?

Sinabi nila na magpadala ang Filisteo ng limang ginintuang bukol at limang ginintuang daga.

1 Samuel 6:7-9

Ano ang sinabi ng mga pari at manghuhula na itatali ng mga Filisteo sa kariton kung saan nila ilalagay ang kaban ni Yahweh?

Sinabihan nila ang mga Filisteo na itatali ang dalawang nagpapasusong baka sa kariton.

1 Samuel 6:10-12

Saan pumunta ang nagpapasusong baka na may kariton na nagdadala ng kaban at kahon na naglalaman ng ginintuang daga at hinulmang mga bukol?

Lumakad ng matuwid ang mga baka sa dako ng Beth-semes.

1 Samuel 6:13

Ano ang ginagawa ng mga tao ng Beth-semes ng tumingin sila sa itaas at nakita ang kaban?

Umaani sila ng kanilang trigo sa lambak.

1 Samuel 6:14-15

Ano ang ginawa ng mga tao sa Beth-semes sa mga humila ng kariton?

Inihandog nila ang mga baka bilang isang handog na susunugin kay Yahweh.

1 Samuel 6:16

Ano ang ginawa ng limang namumuno ng Filisteo nang nakita nila kung ano ang ginawa ng mga kalalakihan ng Beth-semes?

Bumalik sila sa Ekron sa araw na iyon.

1 Samuel 6:17-18

Ano ang kahalagahan ng bilang ng limang ginintuang bukol at ng bilang ng limang ginintuang daga?

Kapareho ng bilang ng lahat ng lungsod ng Filisteo na pag-aari ng limang namumuno ang bilang ng ginintuang bukol at ng ginintuang daga.

1 Samuel 6:19-20

Bakit pinatay ni Yahweh ang pitumpung kalalakihan sa Beth-semes?

Pinatay sila ni Yahweh dahil tumingin sila sa kanyang kaban .

1 Samuel 6:21

Ano ang sinabi ng mga sugo sa mga nakatira ng Kiriath Jearim na gawin tungkol sa kaban na ibinalik ng mga Filisteo?

Sinabihan ng mga mensahero ang mga nakatira sa Kiriath Jearim na bumaba at kunin ang kaban pabalik sa kanila.

1 Samuel 7

1 Samuel 7:1-2

Ano ang ginawa ng mga kalalakihan ng Kiriath Jearim sa anak na lalaki ni Abinadab na si Eleazar upang mapangalagaan niya ang kaban ni Yahweh?

Itinalaga nila siya upang mangalaga sa kaban ni Yahweh.

1 Samuel 7:3-4

Ano ang kailangang alisin ng mga tao ng Israel mula sa kanila upang iligtas sila ni Yahweh mula sa kamay ng mga Filisteo?

Kailangan nilang alisin ang mga dayuhang diyos at Astarot mula sa kanila at sambahin lamang si Yahweh.

1 Samuel 7:5-6

Ano ang inamin ng mga tao ng Israel na ginawa nila nang sama-sama silang nagtipon sa Mizpa at nagbuhos ng tubig sa harapan ni Yahweh?

Inamin nilang nagkasala sila laban kay Yahweh.

1 Samuel 7:7-8

Ano ang narinig ng mga tao ng Israel tungkol sa mga Filisteo na nagdulot sa kanilang matakot at hilingin kay Samuel na tumawag kay Yahweh para sa kanila?

Narinig nilang sinalakay ng mga namumuno ng Filisteo ang Israel.

1 Samuel 7:9

Ano ang ginawa ni Yahweh nang kumuha si Samuel ng isang pinapasusong kordero, ihandog ito bilang isang buong handog na susunugin kay Yahweh at tumawag kay Yahweh?

Sinagot niya si Samuel.

1 Samuel 7:10-11

Ano iyong ginawa ni Yahweh na naglagay sa mga Filisteo sa kaguluhan habang papalapit sila upang salakayin ang Israel?

Nagpakulog si Yahweh ng isang malakas na tunog sa araw na iyon laban sa mga Filisteo.

1 Samuel 7:12-14

Ano ang itinayo ni Samuel sa pagitan ng Mizpa at Shen bilang paalaala na tinulungan sila ni Yahweh?

Kumuha si Samuel ng isang bato at itinayo ito.

1 Samuel 7:15-17

Ano ang ginawa ni Samuel habang lumilibot siya sa Bethel, Gilgal, Mizpa at pabalik sa Rama?

Pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan para sa Israel sa lahat ng mga lugar na ito.

1 Samuel 8

1 Samuel 8:1-3

Sa anong mga paraan ang mga anak ni Samuel, na mga hukom, ay hindi lumakad ayon sa paraan ng kanilang ama?

Hinangad nila ang hindi pagiging tapat, sa pagtanggap ng mga suhol at pagpilipit sa katarungan.

1 Samuel 8:4-5

Anong pakiusap ang ginawa ng mga nakakatanda ng Israel kay Samuel?

Hiniling nila kay Samuel na humirang ng isang hari para humatol sa kanila tulad ng lahat ng mga bansa, yamang matanda na siya at hindi lumalakad ang kanyang mga anak ayon sa mga paraan niya.

1 Samuel 8:6-7

Anong ginawa ni Samuel nang hindi siya nalugod sa pakiusap mula sa mga nakakatanda ng Israel na bigyan sila ng isang hari?

Nanalangin si Samuel kay Yahweh.

1 Samuel 8:8-9

Anong babala ang sinabi ni Yahweh kay Samuel na ibigay sa mga tao ng Israel?

Sinabi ni Yahweh kay Samuel na balaan ang mga tao ng Israel tungkol sa paraan ng pamamahala ng hari sa kanila.

1 Samuel 8:10-12

Anong babala ang ibinigay ni Samuel sa mga tao ng Israel tungkol sa paraan ng pagkuha ng hari sa kanilang mga anak mula sa kanila?

Binalaan ni Samuel ang mga tao na kukunin ng hari ang kanilang mga anak na lalaki para maging mangangabayo at sundalo, pagbungkalin sila ng lupa at gapasin ang ani, at gamitin ang iba para gumawa ng mga sandata at gamit pandigma.

1 Samuel 8:13-15

Anong babala ang ibinigay ni Samuel sa mga tao ng Israel tungkol sa gagawin ng hari sa kanilang mga anak na babae?

Binalaan sila ni Samuel na gagawin ng hari ang kanilang mga anak na babae ng maging mga tagagawa ng pabango, tagapagluto at tagapaghurno.

1 Samuel 8:16-18

Anong babala ang ibinigay ni Samuel sa mga tao ng Israel tungkol sa gagawin ng hari sa kanilang mga lingkod, mga binata, at mga hayop?

Binalaan sila ni Samuel na kukunin ng hari ang kanilang mga lingkod, pinakamagaling sa mga binata at mga asno, ikasampu ng kanilang mga kawan, at gagawin silang mga alipin.

1 Samuel 8:19-20

Paano tumugon ang mga tao ng Israel sa mga babala mula kay Samuel?

Iginiit ng mga tao na gusto pa rin nila ng isang hari upang maging katulad sila ng ibang mga bansa at magkaroon ng hari para humatol sa kanila at makipaglaban sa kanilang digmaan.

1 Samuel 8:21-22

Ano ang tugon ni Yahweh nang inulit ni Samuel ang mga salita ng mga tao sa tainga niya?

Sinabihan pa rin ni Yahweh si Samuel na sundin ang tinig ng mga tao at bigyan sila ng hari.

1 Samuel 9

1 Samuel 9:1-2

Ano ang mga namumukod-tanging panlabas na katangian ni Saul, ang anak na lalaki ni Kish?

Si Saul ay isang makisig na binata na mas matangkad mula sa kanyang balikat pataas kaysa sinumang ibang tao.

1 Samuel 9:3-4

Ano ang kinalabasan nang hiniling ni Kish sa anak niyang si Saul na hanapin ang kanilang nawalang mga asno?

Isinama ni Saul ang isa sa mga lingkod at dumaan sa maraming lugar na hindi natatagpuan ang mga nawalang asno.

1 Samuel 9:5-6

Anong sinabi ni Saul sa kanyang lingkod na dapat nilang gawin nang dumating sila sa lupain ng Zuf?

Sinabi ni Saul sa kanyang lingkod na dapat silang bumalik o ang kanyang ama ay mas mag-aalala tungkol sa kanila kaysa sa mga asno.

1 Samuel 9:7-8

Anong mayroon ang lingkod para ibigay sa tao ng Diyos upang sabihin niya sa kanila kung aling daan ang tatahakin nila?

May ikaapat na siklong pilak ang lingkod para ibigay sa tao ng Diyos.

1 Samuel 9:9-11

Anong itinanong ni Saul at ng kanyang lingkod sa mga dalagang parating para umigib ng tubig?

Tinanong ni Saul at ng kanyang lingkod kung nasa lungsod ang manghuhula para maitanong nila ang kalooban ng Diyos.

1 Samuel 9:12-14

Bakit parating sa lungsod ang manghuhula sa araw na iyon?

Parating ang manghuhula sa siyudad sa araw na iyon dahil mag-aalay ang mga tao sa mataas na lugar at babasbasan ng manghuhula ang alay.

1 Samuel 9:15-16

Anong ibinunyag ni Yahweh kay Samuel tungkol sa tungkulin ni Saul sa Israel?

Sinabi ni Yahweh kay Samuel na papahiran siyang prinsipe ng Israel at ililigtas niya ang mga tao ni Yahweh mula sa kamay ng mga Filisteo.

1 Samuel 9:17-19

Anong paanyaya ang ibinigay ni Samuel kay Saul matapos niyang ibunyag na siya ang manghuhulang hinahanap ni Saul?

Inanyayahan ni Samuel si Saul na kumaing kasama niya sa mataas na lugar.

1 Samuel 9:20-22

Paano binigla ni Samuel si Saul sa kung ano ang sinabi nito sa kanya?

Kahit na mula si Saul sa isang angkang pinakamaliit sa lipi ni Benjamin, lahat ng pagnanais ng Israel ay nakatuon sa kanya at sa bahay ng kanyang ama.

1 Samuel 9:23-24

Anong sinabi ni Samuel kay Saul tungkol sa hitang itinaas sa pag-aalay?

Sinabi niya kay Saul na itinabi ito hanggang sa itinakdang oras para sa kanya.

1 Samuel 9:25-26

Anong sinabi ni Samuel kay Saul matapos nilang bumaba mula sa mataas na lugar patungo sa lungsod?

Sinabi ni Samuel kay Saul na bumangon para maihatid siya paalis sa kanyang patutunguhan.

1 Samuel 9:27

Bakit sinabihan ni Samuel si Saul na dapat siyang manatili sandali sa dakong labas ng lungsod?

Sinabihan ni Samuel si Saul na manatili para maipahayag niya ang pasabi ng Diyos sa kanya.

1 Samuel 10

1 Samuel 10:1-2

Bakit binuhusan ni Samuel ng isang bote ng langis ang ulo ni Saul at hinalikan siya?

Binuhusan niya ng langis ang ulo ni Saul dahil binuhusan siya ng langis ni Yahweh para maging tagapanmahala ng kanyang pamana.

1 Samuel 10:3-4

Anong sinabi ni Samuel kay Saul na mangyayari kapag pumunta siya sa kahoy ng Tabor?

Tatlong lalaki ang sasalubong sa kanya na may dalang tatlong batang kambing, tatlong tinapay, at alak sa balat na sisidlan at bibigyan siya ng dalawang tinapay, na tatanggapin niya.

1 Samuel 10:5-6

Anong sinabi ni Samuel kay Saul ng mangyayari kapag dumating siya sa kuta ng mga Filisteo?

Agad na darating ang Espiritu ni Yahweh sa kanya para mabago siya na maging kakaibang tao at manghuhula siya kasama ang pangkat ng mga propeta mula sa lungsod.

1 Samuel 10:7-8

Anong mga tagubilin ang ibinigay ni Samuel kay Saul?

Sinabi ni Samuel kay Saul na bumaba sa Gilgal at darating si Samuel para mag-alay ng mga handog na susunugin at handog pangkapayapaan.

1 Samuel 10:9-10

Anong nangyari nang tumalikod si Saul para iwan si Samuel?

Nang tumalikod si Saul para umalis, binigyan siya ng Diyos ng panibagong puso.

1 Samuel 10:11-13

Bakit nagtaka ang mga tao kung si Saul ay isa sa mga propeta?

Nagtaka ang mga tao kung isa na siya ngayon sa mga propeta dahil nakita nila siyang nanghuhula kasama ng isa sa mga propeta.

1 Samuel 10:14-16

Anong sinabi ni Saul sa kanyang tiyo nang tinanong siya kung saan siya nagpunta?

Sinabi ni Saul sa kanyang tiyo na nang siya at ang kanyang lingkod ay hindi matagpuan ang mga asno, nakipagkita sila kay Samuel.

1 Samuel 10:17-19

Bakit sinabi ni Yahweh na tinanggihan siya ng Israel?

Tinanggihan ng Israel si Yahweh dahil mariing hiningi nilang maglagay siya hari sa kanila.

1 Samuel 10:20-21

Anong nangyari nang napili si Saul bilang susunod na hari?

Hinanap nila si Saul, subalit hindi siya matagpuan.

1 Samuel 10:22-23

Bakit hindi nila matagpuan si Saul nang napili siya bilang susunod na hari?

Itinago niya ang kanyang sarili sa mga kargada.

1 Samuel 10:24

Anong pakiramdam ni Samuel tungkol sa lalaking pinili ni Yahweh?

Sinabi ni Samuel na walang isa mang katulad ni Saul sa lahat ng tao.

1 Samuel 10:25-27

Paano itinatag at pinangalagaan ang mga kaugalian at panuntunan ng paghahari?

Sinabi ni Samuel sa mga tao ang mga kaugalian at panuntunan ng paghahari, isinulat ang mga iyon sa isang aklat, at inilagay ito sa harapan ni Yahweh.

1 Samuel 11

1 Samuel 11:1-2

Ano ang tugon ni Nahas na Ammonita sa hiling para sa isang kasunduan mula sa mga kalalakihan ng Jabes?

Sinabi niyang gagawa siya ng kasunduan sa kanila kung makakapagdulot siya ng kahihiyan sa buong Israel sa pamamagitan ng pagdukot sa lahat ng kanang mata nila.

1 Samuel 11:3

Paano tumugon ang mga nakakatanda ng Jabes sa panukala ni Nahas?

Hiniling nilang iwan sila sa loob ng pitong araw para makita kung mayroong sinuman sa buong nasasakupan ng Israel na magliligtas sa kanila.

1 Samuel 11:4-5

Bakit nagtaka si Saul kung ano ang kamalian sa mga tao sa kanyang bayan ng Gibea?

Narinig ni Saul na umiiyak sila matapos nilang marinig kung ano ang maaaring mangyari sa bayan ng Jabes.

1 Samuel 11:6-8

Paano tumugon si Saul sa banta laban sa Jabes?

Naging galit na galit siya at pinagsama-sama ang lahat ng kalalakihan ng Israel para sumunod sa kanya at labanan ang mga kaaway ng Jabes.

1 Samuel 11:9-10

Anong sinabi ng mga sugo sa mga kalalakihan ng Jabes?

Sinabi nila sa mga kalalakihan ng Jebes na ililigtas sila sa susunod na araw sa oras mainit ang araw.

1 Samuel 11:11

Anong kinalabasan ng labanan sa pagitan ng mga tao ng Israel at ni Nahas na Ammonita?

Sinalakay at tinalo ng mga tao ng Israel ang mga Ammonita at kumalat ang mga nakaligtas.

1 Samuel 11:12-13

Bakit sinabi ni Saul na wala sa kanyang mga tagasalungat ang papatayin?

Sinabi ni Saul na walang papatayin dahil iniligtas ni Yahweh ang Israel.

1 Samuel 11:14-15

Baikit pumunta sa Gilgal sina Samuel, Saul at lahat ng tao ng Israel?

Pumunta sila sa Gilgal para mag-alay ng mga handog pangkapayapaan at para baguhin ang kaharian sa paggawa kay Saul na hari sa harapan ni Yahweh.

1 Samuel 12

1 Samuel 12:4-5

Nakagawa ba si Samuel ng anumang masamang bagay laban sa mga tao ng Israel?

Sinabihan ng mga tao ng Israel si Samuel na hindi niya sila nilinlang o inapi o ninakawan ng annumang bagay mula sa kanila.

1 Samuel 12:6-7

Ano ang sinabi ni Samuel sa mga tao ng Israel upang idulog ang kanilang mga sarili sa harap ni Yahweh?

Sinabihan niya ang mga tao ng Israel na isulog ang kanilang mga sarili upang mapaalalahanan niya sila sa mga mabubuting gawa ni Yahweh sa nakaraan.

1 Samuel 12:8-9

Ano ang nagawa ni Yahweh para sa mga tao ng Israel sa nakaraan?

Pinangunahan ni Yahweh ang mga tao ng Israel palabas ng Ehipto at iniligtas sila mula sa kanilang mga kaaway matapos nilang tanggapin ang kanilang kasalanan sa harap niya.

Ano ang ginawa ng Diyos sa mga ninuno ng mga tao ng Israel pagkatapos nilang kalimutan si Yahweh na kanilang Diyos matapos silang dalhin nina Moises at Aaron palabas ng Ehipto?

Ipinagbili sila ni Yahweh sa kamay ng Sisera, sa sa kamay ng mga Filisteo at sa kamay ng hari ng Moab.

1 Samuel 12:10-11

Ano ang ginawa ni Yahweh pagkatapos umiyak ang mga ninuno ng Israel kay Yahweh at humingi na iligtas sila mula sa kamay ng kanilang mga kaaway?

Ipinadala ni Yahweh sina Jerub Baal, Bedan, Jepta, at Samuel upang iligtas sila mula sa kanilang mga kaaway.

1 Samuel 12:12-13

Anong katutuhanan ang nais ni Samuel na maalala ng mga tao ng Israel?

Pinaalalahanan ni Samuel ang mga tao ng Israel na gusto nila ng isang hari upang pamunuan sila.

1 Samuel 12:14-15

Anong pagpilian ang dinala ni Samuel sa harap ng mga tao ng Israel?

Maaari nilang sundin ang utos ni Yahweh and maging mga tagasunod ni Yahweh, o maaari silang maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh at maranasan ang kanyang kamay laban sa kanila.

1 Samuel 12:16-18

Anong pagsubok ang inilatag ni Samuel sa harap ng mga tao ng Israel?

Sinubukan ni Samuel ang mga tao na idulog ang kanilang mga sarili sa harap ni Yahweh at tingnan ang mga dakilang bagay na kanyang maaaring gagawin sa harap ng kanilang mga mata.

1 Samuel 12:19-21

Paano tumugon si Samuel nang napagtanto ng mga tao ng Israel ang malalang kalikasan ng kanilang kasalanan?

Sinabihan ni Samuel ang mga tao ng huwag matakot, subalit upang paglingkuran si Yahweh ng kanilang buong puso.

1 Samuel 12:22-23

Anong mensahe ng kaginhawaan ang binigay ni Samuel sa mga tao ng Israel?

Nagpaginhawa si Samuel sa mga tao ng Israel sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila na hindi sila itatanggi ni Yahweh.

1 Samuel 12:24-25

Anong pagsubok ang binigay ni Saul sa mga tao ng Israel?

Sinabihan sila ni Samuel na ibilang ang mga dakilang bagay na kanyang ginawa sa kanila upang katakutan nila siya at paglingkuran siya sa katutuhanan ng kanilang buong puso.

1 Samuel 13

1 Samuel 13:3-4

Bakit ang Israel ay naging isang bulok na amoy sa mga Filisteo?

Sila ay naging isang bulok na amoy dahil tinalo ni Saul ang kampo ng mga Filisteo.

1 Samuel 13:5

Paano tumugon ang mga Filisteo sa pagkatalo na ginawa ng mga tao ng Israel?

Nagtipon sila ng napakaraming mga karwahe at kalalakihan upang makipaglaban sa Israel.

1 Samuel 13:6-7

Paano tumauli ang mga tao ng Israel sa mga hukbo ng Filisteo?

Sila ay balisa kaya nagtago sila sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay, at ang ilan ay tumakas sa Jordan.

1 Samuel 13:8-10

Ano ang ginawa ni Saul nang mabigong dumating si Samuel sa Gilgal sa ikapitong araw?

Mismong si Saul ang naghandog sa handog na susunugin at ang mga handog pangkapayapaan.

1 Samuel 13:11-12

Anong dahilan ang binigay ni Saul kay Samuel sa hindi paghintay sa kanya na dumating upang ihandog ang mga alay?

Sinabi niyang nakita niya na umaalis ang mga tao, kaya pinilit niya ang ang kanyang sarili na ihandog ang handog na susunugin kay Yahweh.

1 Samuel 13:13-16

Ano ang sinabi ni Samuel upang pagsabihan si Saul?

Sinabi ni Samuel kay Saul na kumilos siya ng hangal sa hindi pagsunod sa utos na binigay ni Yahweh sa kanya.

Ano ang sinabi ni Samuel na magiging kahihinatnan para sa mga kilos ni Saul?

Dahil hindi sinunod ni Saul ang utos ni Yahweh, ang kanyang pamamahala sa Israel ay hindi na magpapatuloy magpakailanman, subalit sa halip nagtalaga si Yahweh ng isang tao masunurin upang maging prinsipe sa kanyang mga tao.

1 Samuel 13:17-18

Anong mahusay na paraan ang ginamit ng mga Filisteo laban sa mga tao ng Israel?

Nagpadala ang mga Filisteo ng mga sumasalakay mula sa kanilang kampo papunta sa tatlong iba't-ibang lugar ng Israel.

1 Samuel 13:19-21

Anong limitasyon ang hinaharap ng mga sundalo sa kanilang labanan sa mga Filisteo?

Hindi pinahintulutan ng mga Filisteo na magkaroon ang mga Israelta ng mga panday na makakagawa ng mga espada at mga sibat.

1 Samuel 13:22-23

Paano nahadlangan ng mga sundalo ng Israel ang kanilang labanan sa mga Filisteo?

Walang anumang mga espada o mga sibat ang mga sundalo ng Israel sa kanilang mga kamay.

1 Samuel 14

1 Samuel 14:1

Anong lihim ang nilihim ni ni Jonthan, ang anak na lalaki ni Saul, sa kanyang ama?

Pupunta sina Jonathan at kanyang tagapagdala ng baluti sa kampo ng mga Filisteo sa kabilang bahagi ng lagusan.

1 Samuel 14:2-5

Ano ang nawala sa anim na raang kalalakihan na kasama ni Saul?

Hindi nila alam na pumunta si Jonathan sa kampo ng mga Filisteo.

1 Samuel 14:6-7

Anong panukala ang ipinahayag ni Jonathan sa kanyang binatang tagapagdala ng baluti?

Sinabihan ni Jonathan na hindi kikilos si Yahweh sa kanilang ngalan upang lumigtas ng mraming tao kung tatawid sila sa kampo ng mga Filisteo.

1 Samuel 14:8-10

Ano ang magiging tanda kina Jonathan at sa kanyang tagapagdala ng baluti na ibinigay ni Yahweh ang mga Filisteo sa kanilang mga kamay?

Kung sasabihin ng mga Filisteo na dapat silang pumunta sa kanila, ito ang magiging tanda na ibinigay sila ni Yahweh sa kanilang mga kamay.

1 Samuel 14:11-12

Ano ang sinabi ni Jonathan sa kanyang tagapagdala ng baluti pagkatapos sinabi ng kalalkihan ng kampo ng Filisteo, "Pumunta sa amin, at papakitaan namin kayo ng isang bagay"?

Sinabihan niya ang kanyang tagapagdala ng baluti na sumunod sa kanya dahil ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng Israel.

1 Samuel 14:13-14

Ano ang kinalabasan sa atake na ginawa nina Jonathan at kanyang tagapagdala ng baluti sa kampo ng Filisteo?

Pumatay sina Jonathan at kanyang tagapagdala ng baluti ng halos dalawampong kalalakihan.

1 Samuel 14:15

Ano ang ginawa ni Saul nang makita niya ang pagkasindak sa kampo ng mga Filisteo?

Ipinabilang ni Saul ang kalalakihan upang malaman kung sino ang nawawala mula sa kanila, at natagpuan nilang iyon ay si Jonathan at kanyang tagapagdala ng baluti.

1 Samuel 14:16-17

Ano ang ginawa ni Saul nang makita ng kanyang mga bantay sa Gibea ni Benjamin ang mga pangkat ng mga sundalo ng Filisteo ay naghiwa-hiwalay at sila ay nagpaparoon at parito?

Ipinabilang ni Saul ang kalalakihan upang malaman kung sino ang nawawala mula sa kanila, at natagpuan nilang iyon ay si Jonathan at kanyang tagapagdala ng baluti.

1 Samuel 14:18-19

Bakit inutusan ni Saul si Ahias na pari na dalhin ang epod ng Diyos sa kanya?

Inutusan ni Saul si Ahias na pari na dalhin ang epod ng Diyos upang malaman nila ang nais ng Diyos.

1 Samuel 14:20-23

Ano ang kinahihinatnan nang sumulong ang mga sundalo ni Saul at pumunta sa labanan sa mga Filisteo ?

Marami sa mga ibang Hebreo ay sumali sa labanan laban sa tumatakas na mga Filisteo, upang maligtas ang Israel sa araw na iyon.

1 Samuel 14:24-26

Ano ang nagdulot sa mga gutom na kalalakihan ng Israel na maging balisa?

Pinailalim ni Saul ang mga tao sa isang panunumpa na ang sinumang kumain ng pagkain hanggang gumabi ay isusumpa.

1 Samuel 14:27-28

Ano ang ginawa ni Jonathan na walang malay na nilabag ang panunumpa?

Kumain si Jonathan ng pulot mula sa kagubatan.

1 Samuel 14:29-30

Paano namintas si Jonathan sa panunumpa na ginawa ng kanyang ama?

Sinabi ni Jonathan na kung maaari lamang na kumain ang mga tao ng pulot at mula sa mga nadarambong sa kanilang mga kaaway, mayroon sanang mas malaking pagkakatay sa mga Filisteo.

1 Samuel 14:31-32

Paano nagkasala ang mga tao ng Israel laban kay Yahweh pagkatapos ng kanilang laban sa mga Filisteo?

Kinain ng mga tao ng Israel ang dugo ng mga hayop na kanilang pinatay mula sa nadarambong.

1 Samuel 14:33-37

Paano nagkasala ang mga tao ng Israel laban kay Yahweh pagkatapos ng kanilang laban sa mga Filisteo?

Kinain ng mga tao ng Israel ang dugo ng mga hayop na kanilang pinatay mula sa nadarambong.

1 Samuel 14:38-44

Paano sinabi ni Saul na tratratuhin niya itong kasalanan sa Israel?

Sinabi niya na ang taong nakagawa ng kasalanang ito ay tunay na papatayin kahit na iyon ay si Jonathan na kanyang anak na lalaki.

1 Samuel 14:45-46

Paano iniligtas si Jonathan mula sa kamatayan?

Hindi pinayagan ng mga tao ng Israel na mamamatay si Jonathan dahil nakagawa siya ng isang dakilang tagumpay.

1 Samuel 14:47-52

Paano pinangunahan ni Saul ang mga tao ng Israel bilang kanilang hari?

Kumilos si Saul ng may kagitingan at iniligtas ang Israel mula sa mga kamay ng yaong nagdarabong sa kanila.

1 Samuel 15

1 Samuel 15:6-7

Bakit sinabihan ni Saul ang mga Kenitana umalis mula sa mga Amalekita?

Nagpakita ang mga Kenita ng kagandahang-loob sa mga tao ng Israel nang dumating sila mula Ehipto.

1 Samuel 15:8-9

Paano sinuway ni Saul ang mga atas na binigay ni Yahweh sa kanya?

Tinirang buhay ni Saul si Haring Agag pati na rin ang mga pinakamabuti sa mga hayop ng mga Amalekita.

1 Samuel 15:10-11

Bakit nalulungkot si Yahweh na ginawa niyang hari si Saul?

Bumaling si Saul sa pagsunod sa mga kautusan ni Yahweh.

1 Samuel 15:12-13

Ano ang kasinungalingan na sinabi ni Saul kay Samuel?

Sinabi niya na natupad niya ang utos ni Yahweh.

1 Samuel 15:14-16

Paano tumugon si Samuel sa kasinungalingan na sinabi ni Saul sa kanya?

Nagtanong si Samuel tungkol sa mga unga ng mga tupa at mga ungal ng mga lalaking baka na kaniyang naririnig.

1 Samuel 15:17-19

Ano ang sinabi ni Saul upang pagsalitaan si Saul?

Sinabihan niya si Saul na hinirang siya ni Yahweh bilang hari ng Israel at sinabihan siya na ganap na lipulin ang mga Amalekita subalit sa halit sinamsam niya ang mga nadambong at ginawa ang masama sa paningin ni Yahweh.

1 Samuel 15:20-21

Ano ang parehong dahilan na binigay ni Saul kay Samuel?

Pinilit ni Saul na ang mga tao iyon ang kumuha ng pinakamabuti sa nadambong upang ialay kay Yahweh.

1 Samuel 15:22-23

Ano ang tugon ni Samuel kay Saul?

Ang pagsunod ay maigi kaysa sa alay at paghihimagsik at pagkasutil ay kasalanan kay Yahweh.

1 Samuel 15:24-25

Ano ang dahilan na sinabihan ni Saul si Samuel na nagkasala siya?

Sinabi ni Saul na giniba niya ang kautusan ni Yahweh dahil takot siya sa mga tao.

1 Samuel 15:26-27

Ano ang pagpapahayag na binigay ni Samuel kay Saul mula kay Yahweh?

Tinanggihan ni Yahweh si Saul mula sa pagiging hari.

1 Samuel 15:28-31

Ano ang sinabi ni Samuel nang mapunit ang tupi ng kanyang damit?

Sinabi ni Samuel kay Saul na kinuha ni Yahweh ang kaharian ng Israel mula sa kanya at binigay ito sa kanyang kapwa.

1 Samuel 15:32-35

Ano ang ginawa ni Samuel upang tapusin ang gawain na hindi natapos ni Saul?

Ginamit ni Samuel ang kanyang espada upang patayin si Agag sa harapan ni Yahweh.

1 Samuel 16

1 Samuel 16:1

Mula sa ano ang sinabi ni Yahweh kay Samuel na itinanggi niya kay Saul?

Tinanggihan ni Yahweh si Samuel mula sa pagiging hari sa buong Israel.

1 Samuel 16:2-3

Ano ang kinakatakutan ni Samuel kung marinig ni Saul ang kanyang paglalakbay patungong Bethlehem?

Natakot siyang papatayin siya ni Saul.

1 Samuel 16:4-5

Paano kumilos ang mga nakatatanda sa Betlehem nang dumating si Samuel sa kanilang lungsod ?

Nanginginig sila habang siya ay sinalubong nila.

1 Samuel 16:6-10

Ano ang sinabi ni Samuel sa kanyang sarili nang tumingin siya kay Eliab?

Sinabi niya sa kanyang sarili na ang pinili ni Yahweh ay tunay na nakatindig sa harapan niya.

1 Samuel 16:11-12

Saan ang bunsong anak bago siya ipinatawag ni Samuel?

Nagpapastol ng mga tupa ang bunsong anak.

1 Samuel 16:13

Kailan sumugod kay David ang Espiritu ni Yahweh?

Sumugod ang Espiritu ni Yahweh kay David mula sa araw na iyon.

1 Samuel 16:14-23

Ano ang espiritu na bumagabag kay Saul sa halip na Espiritu ni Yahweh?

Isang masamang espiritu mula kay Yahweh ang bumagabag kay Saul.

1 Samuel 17

1 Samuel 17:2-5

Bakit nagkampo si Saul at ang mga kalalakihan ng Israel sa Lambak ng Ela?

Nagkampo sila sa lambak ng Ela upang nagsihanay at makipaglaban sa mga Filisteo.

1 Samuel 17:6-7

Ano ang dala ni Goliat sa pagitan ng kanyang mga balikat?

May isang sibat na tanso sa pagitan ng kanyang mga balikat.

1 Samuel 17:8-24

Sino ang sinabi ni Goliat na pinaglingkuran ng hukbo ng Israel?

Sinabi ni Goliat na mga lingkod sila ni Saul.

1 Samuel 17:25

Ano ang gagawin ng hari para sa sambahayan ng ama sa taong makapatay kay Goliat?

Bibigyan ng hari ang tao ng labis na pagyaman at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.

1 Samuel 17:26-27

Ano ang sinabi ni David sa taong na makapatay sa Palestina na aalisin mula sa Israel?

Aalisin ng taong makapatay sa Filisteo ang kahihiyan mula sa Israel.

1 Samuel 17:28-35

Ano ang sinabi ni Eliab na katusuhan sa puso ni David?

Sinabi niyang alam niya ang pagmamataas ni David, at lumusong siya upang maaari niyang makita ang labanan.

1 Samuel 17:36-38

Bakit sinabi ni David na magiging katulad ang hindi tuling Filisteong ito ng leon o oso na pinatay niya dati?

Hinahamon ng Filisteo ang mga hukbo ng buhay na Diyos.

1 Samuel 17:39-45

Bakit hindi makakalakad si David sa baluti na ibinigay ng hari?

Hindi siya nasanay nito.

1 Samuel 17:46-47

Ano ang sinabi ni David na malalaman ng mundo na ang mga patay sa katawan ng Filisteo ay ibibigay sa mga ibon at mababangis na hayop?

Malalaman ng buong mundo na may isang Diyos sa Israel.

1 Samuel 17:48-56

Ano ang ginawa ni David nang palapit si Goliat upang sumalubong sa kanya?

Tumakbo ng mabilis si David patungo sa kaaway upang salubungin siya.

1 Samuel 17:57-58

Ano ang nasa kamay ni David nang dinala siya ni Abner sa harapan ni Saul?

Nasa kamay ni David ang ulo ng Filisteo.

1 Samuel 18

1 Samuel 18:1-4

Gaano kalakas ibinigkis ang kaluluwa ni Jonatan sa kaluluwa ni David?

Minahal ni Jonatan si David na parang kanyang sarilling kaluluwa.

1 Samuel 18:5-7

Kanino itinalaga ni Saul si David?

Itinalaga siya ni Saul bilang pinuno sa mga pangdimaang hukbo.

1 Samuel 18:8-16

Ano ipinagpalagay ng awitin ng mga kinanta kay David na hindi nakalugod kay Saul?

Ipinagpalagay nila kay David ang sampung libo ngunit ipinagpalagay nila kay Saul ay libo lamang.

1 Samuel 18:17-19

Bakit iniisip ni Saul na hindi na kailangang laban kay David ang kanyang mga kamay?

Inisip ni Saul na ang kamay ng mga Filisteo ay magiging laban kay David.

1 Samuel 18:20-21

Ano ang iniisip ni Saul sa kanyang anak na si Mical na magiging kay David kung ibinigay siya ni Saul sa kanya?

Inisip ni Saul na magiging isang bitag siya kay David.

1 Samuel 18:22

Saan iniutusan ni Saul ang kanyang mga lingkod upang makipag-usap kay David tungkol sa pagiging manugang ng hari?

Inutusan niya ang kanyang mga lingkod sa palihim na pakipag-usap kay David.

1 Samuel 18:23-24

Bakit inisip ni David na hindi siya karapat-dapat na maging manugang ng hari?

Isa siyang dukha, at walang kabuluhan.

1 Samuel 18:25-26

Ano lamang na dote ang ninais ng hari mula kay David?

Ninais lamang ng hari ang isang daang masamang balat ng mga Filisteo.

1 Samuel 18:27-29

Ano ang ginawa ni David at ng kanyang kalalakihan na humigit sa bigay-kaya na hiningi ng hari?

Pumatay si David ng dalawandaang Filisteo at dinala ang kanilang masamang balat.

1 Samuel 18:30

Gaano kalaki ang tagumpay ni David, kaya ang kanyang pangalan ay labis na tinuring?

Nagtagumpay si David higit sa lahat ng lingkod ni Saul.

1 Samuel 19

1 Samuel 19:4-5

Ano ang sinabi ni Jonatan kay Saul na ang mga gawaing dinala ni David sa kanya?

Sinabi ni Jonatan kay Saul na ang mga gawaing dinala ni David ay kabutihan para kay Saul.

1 Samuel 19:6-7

Ano ang ipinangako ni Saul matapos makinig kay Jonatan?

Ipinangako ni Saul na hindi niya ipapapatay si David.

1 Samuel 19:8-11

Ano ang nangyari nang muling humayo si David at lumaban sa mga Filisteo?

Tinalo ni David ang mga Filisteo na may matinding patayan.

1 Samuel 19:12-15

Paano tinulungan ni Mical si David na tumakbo at tumakas?

Pinababa ni Mical si David sa bintana.

1 Samuel 19:16-17

Ano ang ginamit ni Mical sa ulo ng sambahayang diyus-diyosan sa kama upang maging kawangis ito ni David?

Naglagay siya ng isang unan na may buhok ng kambing sa ulo ng diyus-diyosan.

1 Samuel 19:18-20

Nang tumakbo si David at tumakas, sino ang pinuntahan niya para makita sa Rama?

Nagpunta si David kay Samuel.

1 Samuel 19:21-24

Matapos ipadala ang mga mensahero sa ikatlong pagkakataon ano ang ginawa ni Saul?

Nagpunta din si Saul sa Rama.

1 Samuel 20

1 Samuel 20:3-5

Gaano kalapit na sinabi ni David siya sa kamatayan?

Sinabi niyang mayroon lang isang hakbang sa pagitan niya at kamatayan.

1 Samuel 20:6-7

Anong dahilang ang sinabi ni David kay Jonatan na ibigay kay Saul kung hanapin siya ni Saul?

Sinabi niyang sabihin kay Saul na nagpunta siya sa Betlehem na kanyang lungsod, dahil taunang pag-aalay doon para sa buong pamilya.

1 Samuel 20:8-16

Bakit tinanong ni David si Jonatan na makitungo ng mabuti sa kanya bilang kanyang lingkod?

Dinala ni Jonatan si David, kanyang lingkod, sa isang kasunduan ni Yahweh sa kanya.

1 Samuel 20:17-23

Bakit ginawa ni Jonatan na muling mangako si David sa kanya?

Ginawa niyang mangako muli si David dahil sa pagmamahal na mayroon siya para sa kanya.

1 Samuel 20:24-25

Nang dumating ang bagong buwan, ano ang ginawa ng hari sa pag-upo?

Umupo ang hari para kumain.

1 Samuel 20:26-29

Ano ang inisip ni Saul na maaaring nangyari kay David para magdulot sa kanyang lumiban mula sa pista?

Inisip ni Saul na hindi malinis si David.

1 Samuel 20:30-42

Paano ipinahayag ni Saul ang ina ni Jonatan sa kanyang nag-aapoy na galit?

Tinawag niya siya na anak ng isang masama at suwail na babae.

1 Samuel 21

1 Samuel 21:7

Ano ang ginawa ni Doeg na Edomita para kay Saul?

Si Doeg na Edomita ay ang pinuno ng mga pastol ni Saul.

1 Samuel 21:8-9

Bakit sinabi ni David na wala siyang dalang mga sandata?

Sinabi niya na hindi siya nagdala ng mga sandata dahil ang layunin ng hari ay apurahan.

1 Samuel 21:10-13

Kanino tumatakas si David nang magpunta siya sa Aquis?

Tumatakas siya sa araw na iyon mula kay Saul.

1 Samuel 21:14-15

Ano ang itinanong ni Aquis sa kanyang mga lingkod nang nakita niyang baliw si David?

Itinanong niya sa kanila kung bakit nila dinala ang baliw na ito sa kanya.

1 Samuel 22

1 Samuel 22:6-19

Sino ang natagpuan na kasama ni David?

Ang mga kalalakihang kasama ni David ay natagpuan din.

1 Samuel 22:20-21

Saan nagpunta si Abiatar ng tumakas siya sa patayan?

tumakas si Abiatar papunta kay David.

1 Samuel 22:22-23

Sa kanino sinabi ni David kay Abiatar siya ay may pananagutan?

Sinabi ni David na may pananagutan siya para sa bawat kamatayan sa pamilya ng kanyang ama.

1 Samuel 23

1 Samuel 23:1-2

Kanino humihingi ng tulong si David nang nilabanan ng mga Filisteo ang Keila at ninakaw ang mga giikang sahig?

Nanalangin si David kay Yahweh para sa tulong.

1 Samuel 23:3-4

Bakit nanalanging muli si David kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo?

Sinabihan si David ng mga tauhan niya na natatakot sila sa Juda at takot ding silang sumalakay sa mga Filisteo.

1 Samuel 23:5-6

Ano ang kinalabasan nang nilabanan ni David at kanyang mga tauhan ang mga Filisteo gaya ng sinabi ni Yahweh kay David na gawin?

Binigyan sila ng tagumpay ni Yahweh laban sa mga Filisteo, kaya iniligtas ni David ang mga mamamayan ng Keila.

1 Samuel 23:7-9

Bakit naisip ni Saul na maaari niyang salakayin sina David at kanyang mga tauhan?

Nakulong sina David at kanyang mga tauhan sa isang lungsod na may mga tarangkahan at mga rehas.

1 Samuel 23:10-11

Ano ang hiningi ni David kay Yahweh hingil kay Saul at mga kalalakihan ng Keila?

Gustong malaman ni David kung bababa si Saul sa Keila at kung isusuko siya ng mga kalalakihan ng Keila sa kamay ni Saul.

1 Samuel 23:12

Ano ang sagot ni Yahweh kay David?

Sinabihan ni Yahweh si David na darating si Saul at isusuko si David ng mga kalalakihan ng Keila sa kanya.

Ano ang sagot ni Yahweh kay David hingil sa mga kalalakihan ng Keila?

Sinabihan ni Yahweh si David na susuko ang mga kalalakihan ng Keila si David sa kamay ni Saul.

1 Samuel 23:13-14

Bakit itinigil ni Saul ang pagtugis kay David sa Keila at hanapin siya sa ibang dako?

Dahil napagsabihan si Saul na nakatakas si David mula sa Keila.

1 Samuel 23:15-25

Paano naging tulong si Jonatan na anak ni Saul kay David sa ilang?

Pumunta siya kay David at pinalakas ang kanyang kamay sa Diyos.

1 Samuel 23:26-27

Ano ang nangyari habang pinalibutan ni Saul at nang kanyang mga tauhan sina David at kanyang mga tauhan?

Isang sugo ang dumating kay Saul at sinabihan siya na isang pagsalakay ang ginawa ng mga Filisteo laban sa lupain.

1 Samuel 23:28-29

Ano ang sagot ni Saul sa balitang ito?

Bumalik si Saul para makipaglaban sa mga Filisteo.

1 Samuel 24

1 Samuel 24:1-4

Ano ang ginawa ni Saul nang narinig niyang nasa ilang ng Engedi si David?

Kumuha siya ng tatlong daang piniling kalalakihan at pumunta para hanapin si David at kanyang mga tauhan.

1 Samuel 24:5-7

Bakit hindi pinahintulutan ni David ang kanyang mga tauhan na salakayin si Saul, ngunit pinayagan siyang lumabas nang ligtas sa kuweba?

Mabigat ang kalooban ni David at naramdaman niyang hindi nais ni Yahweh na saktan niya ang hinirang ni Yahweh.

1 Samuel 24:8-9

Nang iniwan ni David ang kuweba matapos ni Saul, paano niya ipinakita ang paggalang kay Saul?

Tinawag ni David na amo niya si Saul, na hari, at nagpatirapa na nakasayad ang kanyang mukha sa lupa.

1 Samuel 24:10-15

Paano ipinakita ni David kay Saul na hindi niya gustong saktan si Saul?

Ipinakita ni David sa kanya ang kanto ng kanyang damit na nalapitan ni David nang sapat para gupitin.

1 Samuel 24:16

Ano ang sagot ni Saul kay David?

Tinawag niyang anak si David, pagkatapos nagtaas ng boses si Saul at umiyak.

1 Samuel 24:17-20

Bakit sinabi ni Saul na mas matuwid si David kaysa kanya?

Sinuklian ni David ng kabutihan si Saul kahit na nakagawa ng masama si Saul kay David.

1 Samuel 24:21-22

Bago umuwi si Saul, ano ang ginawang panata ni David sa kanya sa kahilingan ni Saul?

Ipinangako ni David na hindi niya lilipulin ang mga kaapu-apuhan ni Saul, at hindi niya sisirain ang pangalan ni Saul sa bahay ng kanyang ama.

1 Samuel 25

1 Samuel 25:4-6

Sino ang ipinadala ni David upang batiin si Nabal habang naggugupit siya ng kanyang mga tupa?

Ipinadala ni David ang sampung kalalakihan upang batiin si Nabal.

1 Samuel 25:7-8

Bakit naisip ni David na tutulungan siya ni Nabal at kanyang sampung kabataang kalalakihan?

Pinangalagaan ng grupo ni David ang mga tupa ni Nabal nang kasama nila ang grupo ni David.

1 Samuel 25:9-13

Ano ang isinagot ni Nabal sa mga kabataang kalalakihan ni David?

Sinabi ni Nabal na hindi niya kilala si David at kailangan niya ang lahat para sa kanyang mga manggugupit.

1 Samuel 25:14-17

Nang kinausap ng kabataang lalaki si Abigail. Paano niya sinabi na si David at ang kanyang mga tauhan ay pinakisamahan sila sa mga bukid?

Sinabi niya na mabuti ang pakikisama nila sa mga pastol ni Nabal habang kasama nila sila sa bukid.

1 Samuel 25:18-19

Ano ang ginawa ni Abigail matapos marinig ang tungkol sa sagot ng kanyang asawa?

Nagmamadaling tinipon ni Abigail ang mga pangangailangan at sinabihan ang kanyang kabataaang kalalakihan na mauna sa kanila, ngunit hindi niya sinabi kay Nabal.

1 Samuel 25:20

Sino ang sumalubong kay David habang nakasakay siya sa kanyang asno dala-dala ang mga pangangailangan?

Sumalubong si David at kanyang mga kalalakihan kay Abigail upang magkita sila.

1 Samuel 25:21-22

Ano ang sinabi ni David na gagawin niya matapos nawalang saysay ang pagbabantay sa mga pag-aari ni Nabal?

Nagplano si David na patayin ang lahat ng kalalakihan na napapabilang kay Nabal.

1 Samuel 25:23-24

Ano ang ginawa ni Abigail nang nagkita sila ni David?

Nagmamadaling bumaba si Abigail mula sa kanyang asno, lumuhod sa harapan ni David at nagtanong upang magsalita kay David bilang kanyang lingkod.

1 Samuel 25:25-26

Ano ang ginawa ni Abigail na inasahan upang pigilan sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay David?

Nagkaroon siya ng pag-asa na titigil ang pagdanak ng dugo na nasa panig ni Nabal.

1 Samuel 25:27-28

Ano ang inaasahan ni Abigail na matapos sa pamamagitan ng pagbibigay kay David at kanyang kabataang kalalakihan sa mga pangangailangan?

Inasahan ni Abigail na si David ay mapapatawad si Nabal sa kanyang mga kasalanan.

1 Samuel 25:29-31

Sino ang titira sa mga kaaway ni David, mula sa bulsa ng isang tirador?

Iningatan ni Yahweh si David kahit na may mga kalalakihang umakyat upang kunin ang kanyang buhay.

1 Samuel 25:32-33

Sino ang sinabi ni David na kanyang ipinadala upang makipagkita siya kay Abigail?

Sinabi ni David na ipinadala ni Yahweh si Abigail.

1 Samuel 25:34-35

Sino ang nag-ingat kay David mula sa pagpatay ng lahat ng mga kalalakihan sa sambahayan ni Nabal sa pamamagitan ng pagpapadala kaagad kay Abigail?

Si Yahweh, Ang Diyos ng Israel, Iningatan si David mula sa pagpatay sa mga kalalakihan sa sambahayan ni Nabal.

1 Samuel 25:36

Bakit hindi nagsalita si Abigail kay Nabal nang bumalik siya mula sa pakikipagkita kay David?

Nagdaos si Nabal ng isang piging at nalasing ng husto.

1 Samuel 25:37-38

Ano ang nangyari kay Nabal kinaumagahan nang kinausap siya ni Abigail?

Tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at naging tulad ng isang bato, at matapos ang sampung araw sinalakay ni Yahweh si Nabal at namatay siya.

1 Samuel 25:39-44

Ano ang ginawa ni David nang narinig niya na patay na si Nabal?

Ipinadala ni David ang kanyang mga lingkod upang tanungin si Abigail na maging kanyang asawa.

1 Samuel 26

1 Samuel 26:5

Saan pumunta si David matapos malaman na dadating si Saul?

Tumayo si David at pumunta sa lugar kung saan nagkampo si Saul.

1 Samuel 26:6-8

Ano ang ginawa ng kapatid ni Joab nang siya at si David nakita na natutulog si Saul sa loob ng kampo?

Nais patayin ng kapatid ni Joab si Saul ng kanyang sibat.

1 Samuel 26:9-10

Bakit hindi gusto ng kapatid ni Joab na patayin si Saul?

Sinabi ni David na walang ni isa ang makakaabot ng kanyang kamay laban sa hinirang ni Yahweh na maging makasalanan.

1 Samuel 26:11-12

Ano ang kinuha ni David kay Saul?

Kinuha ni David ang sibat at ang garapon ng tubig malapit sa ulo ni Saul.

1 Samuel 26:13-14

Ano ang ginawa ni David matapos umalis ni Saul sa kampo?

Pumunta siya sa ibang bahagi at tumayo sa tuktok ng bundok.

1 Samuel 26:15-16

Bakit nagawang sabihin ni David kay Abner, ang taong nagbantay kay Saul, ay nararapat na mamatay?

Hindi niya binantayan ang kanyang panginoon si Saul nang may ibang dumating upang patayin siya.

1 Samuel 26:17-18

Ano ang tinanong ni David kay Saul?

Tinanong ni David si Saul kung bakit tinutugis niya si David at ano ang masamang bagay ang nagawa ni David.

1 Samuel 26:19-20

Ano ang nais mangyari ni David sa mga tao na nag-udyok kay Saul laban kay David?

Nais ni David na isumpa sila sa harapan ni Yahweh.

1 Samuel 26:21

Ano ang sinabi ni Saul kay David?

Sinabi ni Saul na nagkasala siya at hindi na sasaktan kailanman si David.

1 Samuel 26:22-23

Ano ang sinabi ni David kay Saul na gawin tungkol sa kanyang sibat?

Sinabi niya na magpadala si Saul ng isa sa kanyang binatang lalaki upang kunin ito.

1 Samuel 26:24-25

Ano ang mahalaga sa ipinakita ni David na nagkaroon siya para sa buhay ni Saul?

Mahalaga ang buhay ni Saul sa mga mata ni David.

1 Samuel 27

1 Samuel 27:1-4

Bakit inisip ni David na kailangan niyang tumakas sa lupain ng Filisteo?

Naramdaman ni David na iyon ang tanging paraan na makakatakas siya kay Saul.

1 Samuel 27:5-7

Ano ang tinanong ni David at makuha mula kay Aquis ang Filisteo?

Nagtanong si David ng isang lugar sa isa sa mga lungsod ng bansa, at ibinigay ni Aquis ang Ziklag.

1 Samuel 27:8-9

Ano ang ginawa ni David at kanyang mga tauhan sa mga lalaki at mga babae, mga hayop at kasuotan mula sa kanilang pagsalakay?

Pinatay nila ang mga tao at kinuha ang mga hayop at kasuotan at pagkatapos bumalik sa Aquis.

1 Samuel 27:10

Paano sinabi ni David kay Acis sa kanyang nagawa nang bumalik mula sa pagsalakay?

Sinabi ni David na sinalakay niya ang timog ng Juda, kaya naiisip ni Aquis na sinalakay nila ang Israel.

1 Samuel 27:11-12

Bakit wala ni isang itinirang buhay si David at dinala sila sa Gat?

Pinatay ni David ang lahat kaya hindi nila nagawang sabihin kung ano ang ginawa ni David.

1 Samuel 28

1 Samuel 28:1-2

Ano ang nais ni Aquis na gawin ni David nang nagtipun-tipon ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel?

Nais ni Aquis na gawing kanyang palagiang tagapagbantay si David.

1 Samuel 28:3-4

Sino ang pinagbawalan ni Saul mula sa lupain matapos mamatay si Samuel?

Ibinagbawal ni Saul ang lahat na kumakausap sa mga patay o sa mga espiritu.

1 Samuel 28:5-7

Bakit nagpahanap si Saul ng babaeng umaangking kumakausap sa mga patay?

Natatakot si Saul sa hukbo ng Filisteo at hindi nakarinig mula kay Yahweh.

1 Samuel 28:8-10

Ano ang kinakatakutan ng babae nang nagkunwari si Saul at ang dalawa niyang tauhan na pumunta upang kausapin siya?

Natakot siya dahil pinapatay ni Saul ang sinumang kumakausap sa mga patay matapos mamatay si Samuel.

1 Samuel 28:11-12

Paano nalaman ng babae na si Saul ang lalaking humiling sa kanyang paakyatin si Samuel?

Nalaman niyang nilinlang siya nang makita niya si Samuel.

1 Samuel 28:13-14

Ano ang sinabi ng babaeng hitsura ni Samuel?

Nakita ni Samuel ang isang diyos na paakyat mula sa lupa, isang matandang lalaking nakasuot ng balabal.

1 Samuel 28:15

Bakit pinaakyat ni Saul si Samuel?

Nabagabag si Saul dahil makikipagdigmaan sa kanya ang mga Filisteo at tinalikuran na siya ng Diyos.

1 Samuel 28:16-21

Ano ang sinabi ni Samuel na ginawa ni Yahweh sa kaharian ni Saul?

Kinuha ni Yahweh ang kaharian ni Saul mula sa kanya at ibinigay ito kay David.

1 Samuel 28:22-23

Ano ang ipinilit ng babae at mga lingkod ni Saul na gawin niya?

Pinilit nila siyang kumain at upang bumalik ang kanyang lakas.

1 Samuel 28:24-25

Ano ang dinala ng babae kay Saul at kanyang mga lingkod para kainin?

Kinatay niya ang pinatabang guya at naghurno ng tinapay na walang lebadura para kainin nila.

1 Samuel 29

1 Samuel 29:3

Anong sinabi ni Aquis na hindi niya nakita kay David?

Sinabi ni Aquis na wala siyang nakitang kapintasan kay David mula ng dumating sa kanya.

1 Samuel 29:4-5

Ano ang sinabing kinatatakutan ng mga prinsipe ng mga Filisteo na gagawin ni David habang nasa labanan?

Natatakot silang maging kaaway nila si David sa labanan.

1 Samuel 29:6-9

Anong sinabi ni Aquis na gagawin ni David dahil ayaw ng mga prinsipe ng mga Filisteo na naroon si David?

Sinabi niya kay David na bumalik sa kanyang tahanan ng matiwasay.

1 Samuel 29:10-11

Ano ang sinabi ni Aquis na gagawin ni David kinaumagahan?

Sinabihan niya si David na gumising ng maaga, dalhin ang kanyang mga tauhan na sumama sa kanya at umalis.

1 Samuel 30

1 Samuel 30:1-2

Ano ang natuklasan ni David at kanyang mga tauhan na nagyari sa Ziglak habang nasa malayo sila?

Sinalakay, linusob, sinunog ito at binihag ang lahat ng mga kababaihan at iba pa at dinala sila.

1 Samuel 30:3-4

Ano ang ikinilos ni David at ng kanyang mga tauhan sa kanilang natuklasan sa Ziklag?

Itinaas nila ang kanilang boses at umiyak hanggang hindi na sila makaiyak.

1 Samuel 30:5-12

Bakit namighati si David?

Binihag ang kanyang dalawang asawa, at nag-uusap ang mga taong nagluluksa tungkol sa pagbato sa kanya.

1 Samuel 30:13-14

Bakit iniwan ng kanyang amo ang taga-Ehipto?

Sinabi niyang nagkasakit siya noong nakaraang tatlong araw.

1 Samuel 30:15

Ano ang hiniling ng taga-Ehipto bago niya ituro kay David ang kinaroroonan ng mga sumalakay na pangkat?

Sinabi niya kay David na ipangako niyang hindi siya papatayin o ipagkanulo sa kanyang amo.

1 Samuel 30:16-17

Ano ang ginagawa ng mga sumalakay nang nilusob sila ni David?

Nagdiriwang sila dahil sa lahat ng kanilang mga nadambong mula sa lupain ng mga Filisteo at Juda.

1 Samuel 30:18-22

Ano ang nabawi ni David pagkatapos nilang lusubin ang mga sumalakay?

Nabawi niya ang lahat ng kinuha ng mga Amalekita at mga sumalakay.

1 Samuel 30:23-25

Ano ang sinabi ni David sa mga masasamang kalalakihan na dapat nilang ibahagi ng patas?

Sinabi niyang iningatan sila ni Yahweh at binigyan sila ng tagumpay sa mga sumalakay laban sa kanila.

1 Samuel 30:26-31

Ano ang ginawa ni David sa mga nadambong mula sa mga kaaway ni Yahweh nang bumalik siya sa Ziklag?

Ibinahagi ni David ang mga nadambong sa mga pinuno ng Juda at sa ibang mga lugar na madalas niyang pinupuntahan at ng kanyang mga tauhan.

1 Samuel 31

1 Samuel 31:1-3

Ano ang nangyari sa mga kalalakihan ng Israel nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo?

Nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Filisteo at namatay.

Ano ang nangyari sa mga kalalakihan ng Israel nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo?

Nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Filisteo at namatay.

1 Samuel 31:4-6

Ano ang ipinagawa ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti dahil si Saul ay mayroong naramdamang matinding sakit at siya ay natatakot na ang kanyang mga kaaway ay darating at lalapastanganin siya?

Initusan ni Saul na hugutin niya ang kanyang espada at patayin siya.

ano ang ginawa ni Saul nang ang kanyang tagadala ng baluti ay natakot at ayaw siyang patayin?

Kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at isinaksak ito.

Ano ang ipinagawa ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti dahil si Saul ay mayroong naramdamang matinding sakit at siya ay natatakot na ang kanyang mga kaaway ay darating at lalapastanganin siya?

Initusan ni Saul na hugutin niya ang kanyang espada at patayin siya.

ano ang ginawa ni Saul nang ang kanyang tagadala ng baluti ay natakot at ayaw siyang patayin?

Kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at isinaksak ito.

1 Samuel 31:7-8

Bakit ang mga kalalakihan ng Israel mula sa kabilang bahagi ng lambak at nasa ibayo ng Jordan ay iniwan ang kanilang mga lungsod at nagsitakas?

Nagsitakas sila dahil nakita nila na ang ibang kalalakihan ng Israel ay nagsitakas at si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki ay patay na.

Bakit ang mga kalalakihan ng Israel mula sa kabilang bahagi ng lambak at nasa ibayo ng Jordan ay iniwan ang kanilang mga lungsod at nagsitakas?

Nagsitakas sila dahil nakita nila na ang ibang kalalakihan ng Israel ay nagsitakas at si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki ay patay na.

1 Samuel 31:9-13

Ano ang ginawa ng mga Filisteo sa katawan ni Saul na nakita nila nang dumating sila upang tanggalin ang mga patay?

Pinutol ng mga Filisteo ang ulo ni Saul at itinali ang kanyang katawan sa pader ng lungsod ng Bethsan.

Ano ang ginawa ng mga Filisteo sa katawan ni Saul na nakita nila nang dumating sila upang tanggalin ang mga patay?

Pinutol ng mga Filisteo ang ulo ni Saul at itinali ang kanyang katawan sa pader ng lungsod ng Bethsan.