Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Revelation

Revelation 1

Revelation 1:1-3

Kanino unang nagmula ang pahayag na ito, at kanino ipinakikita ang pahayag na ito?

Ang kapahayagan ni Jesu-Cristo ay mula sa Diyos at ipinakikita sa kanyang mga lingkod.

Kailan magaganap ang mga pangyayari sa pahayag?

Ang mga pangyayari sa pahayag ay malapit nang maganap.

Sino ang pagpapalain ng aklat na ito?

Sila na nagbasa ng malakas, nakinig at sumunod sa aklat na ito ay pagpapalain.

Revelation 1:4-6

Sino ang sumulat ng aklat na ito, at kanino ito isinulat?

Isinulat ni Juan ang aklat na ito at isinulat niya sa pitong iglesia sa Asya.

Anong tatlong titulo ang ibinigay ni Juan kay Jesu-Cristo?

Ibinibigay ni Juan kay Jesu-Cristo ang mga titulong tapat na saksi, panganay sa mga namatay, at pinuno ng mga hari ng lupa.

Ano ang ginawa ni Jesus sa mga mananampalataya?

Ginawa ni Jesus ang mga mananamapalataya na isang kaharian at mga pari sa Diyos Ama.

Revelation 1:7-8

Sino ang makakakita kay Jesus sa kaniyang pagbabalik?

Ang bawat mata ay makikita si Jesus sa kanyang pagbalik, kasama ang mga tao na nagpako sa kaniya.

Paano inilalarawan ng Panginoong Diyos ang kaniyang sarili?

Ang Panginoong Diyos ay inilalarawan ang kanyang sarili bilang ang Alpha at ang Omega, ang siyang ngayon, ang siyang noon at ang siyang darating, ang Dakila.

Revelation 1:9-13

Bakit nasa isla ng Patmos si Juan?

Si Juan ay nasa isla ng Patmos dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo tungkol kay Jesus.

Ano ang sinabi ng malakas na tinig sa likod ni Juan na gawin?

Sinabi ng malakas na tinig kay Juan na isulat sa isang aklat ang kanyang nakita at ipadala ito sa pitong mga iglesia.

Revelation 1:14-16

Anong uri ng buhok at mga mata mayroon ang lalaki na nakita ni Juan?

Ang lalaki na nakita ni Juan ay mayroong buhok na simputi ng lana, at mga mata tulad ng isang naglalagablab na apoy.

Ano ang nasa kanang kamay ng lalaki at ano ang lumalabas sa kanyang bibig?

Ang lalaki ay mayroong pitong bituin sa kanyang kanang kamay at isang matalas na espadang magkabila ang talim ang lumalabas sa kanyang bibig.

Revelation 1:17-18

Ano ang ginawa ni Juan nang makita niya ang lalaki?

Si Juan ay nagpatirapa sa paaanan ng lalaki tulad ng isang patay.

Anong mga susi ang sinabi ng lalaki na mayroon siya?

Sinabi ng lalaki na nasa kaniya ang susi ng Kamatayan at ng Hades.

Revelation 1:19-20

Ano ang kahulugan ng pitong bituin at ang pitong gintong ilawan?

Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong mga iglesia at ang pitong ilawan ay ang pitong mga iglesia.

Revelation 2

Revelation 2:1-2

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Ang sumunod na bahagi ng aklat ay isinulat sa anghel ng iglesiya sa Efeso.

Ano ang ginawa ng iglesia sa Efeso patungkol sa mga masasama at patungkol sa mga bulaang propeta?

Ang iglesia sa Efeso ay hindi hinayaan ang mga masasama at sinubok ang mga bulaang propeta.

Revelation 2:3-5

Ano ang ayaw ni Cristo laban sa iglesia ng Efeso?

Ang ayaw ni Cristo sa iglesia ng Efeso ay ang kanilang pag-iwan sa kanilang unang pag-ibig.

Ano ang sinabi ni Cristo na kanyang gagawin kung hindi sila magsisi?

Sinasabi ni Cristo na siya ay darating at aalisin ang kanilang ilawan mula sa kinalalagyan nito kung hindi sila magsisisi.

Revelation 2:6-7

Ano ang pangako ng Diyos sa mga magtatagumpay?

Pinangako ni Cristo na ang lahat ng magtatagumpay ay kakain mula sa puno ng buhay sa paraiso ng Diyos.

Revelation 2:8-9

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Ang sumunod na bahagi ng aklat ay isinulat sa anghel ng iglesiya sa Smyrna.

Ano ang naranasan ng iglesia ng Smyrna?

Ang iglesia ng Smyrna ay nakaranas ng pagdurusa, kahirapan at paglalapastangan.

Revelation 2:10-11

Ano ang pangako ni Cristo sa mga tapat hanggang kamatayan at magtatagumpay?

Pinangako ni Cristo na silang mga tapat hanggang kamatayan at magtatagumpay ay tatanggap ng putong ng buhay at hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.

Revelation 2:12-13

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Ang sumunod na bahagi ng aklat ay isinulat sa anghel ng iglesia sa Pergamo.

Saan naninirahan ang iglesia ng Pergamo?

Ang iglesia ng Pergamo ay naninirahan kung nasaan ng trono ni Satanas.

Ano ang ginawa ng iglesia ng Pergamo sa mga araw nang pinatay si Antipas?

Ang iglesia ng Pergamo ay mahigpit na kumapit sa pangalan ni Cristo at hindi itinanggi ang pananampalataya sa mga araw nang pinatay si Antipas.

Revelation 2:14-15

Sa anong dalawang katuruan ang pinanghawakan ng ilan sa iglesia ng Pergamo?

Ang ilang sa iglesia ng Pergamo ay pinanghawakan ang mga katuruan ni Balaam at ang mga katuruan ng mga Nicolaita.

Revelation 2:16-17

Ano ang ibinibigay na babala ni Cristo na kaniyang gagawin kung ang mga humahawak sa mga katuruang ito ay hindi magsisi?

Nagbabala si Cristo na siya ay darating at makikipagdigma laban sa mga taong pinanghahawakan ang mga maling katuruan na ito.

Ano ang pangako ni Cristo sa mga magtatagumpay?

Pinapangako ni Cristo sa mga magtatagumpay na kakainin nila ang nakatagong manna at makatatanggap ng isang puting bato na may bagong pangalan.

Revelation 2:18-19

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Ang sumunod na bahagi ng aklat ay isinulat sa anghel ng iglesia sa Tiatira.

Ano ang mga mabubuting bagay na alam ni Cristo na ginawa ng iglesia sa Tiatira?

Alam ni Cristo na ang iglesia sa Tiatira ay nagpakita ng pag-ibig, pananalig, paglilingkod at mapagumanhing pagtitiis.

Revelation 2:20-21

Ano ang ayaw ni Cristo laban sa iglesia sa Tyatira?

Ang ayaw ni Cristo laban sa iglesia sa Tiatira ay ang kanilang pagpapahintulot sa imoral at bulaang propeta na si Jezebel.

Revelation 2:22-23

Ano ang babala ni Cristo na kanyang gagawin kung si Jezebel hindi magsisi?

Nagbabala si Cristo na kanyang itatapon si Jezebel sa banig ng karamdaman at papatayin ang kanyang mga anak kung siya ay hindi magsisi.

Revelation 2:24-25

Ano ang sinasabi ni Cristo sa mga hindi pinanghawakan ang katuruan ni Jezebel na dapat nilang gawin?

Sinasabi ni Cristo sa kanila na kumapit ng mahigpit hanggang siya ay dumating.

Revelation 2:26-29

Ano ang pangako ni Cristo sa mga magtatagumpay?

Pinangako ni Cristo sa mga magtatagumpay ang kapangyarihan sa mga bayan at ang tala sa umaga.

Ano ang dapat pakinggan ng nagbabasa ng aklat na ito ayon kay Cristo?

Sinasabi ni Cristo na ang nagbabasa ay dapat makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga Iglesia.

Revelation 3

Revelation 3:1-2

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Ang sumunod na bahagi ng aklat ay isinulat para sa anghel ng iglesia ng Sardis.

Ano ang katanyagan ng iglesia ng Sardis ngunit ano ang katotohanan tungkol sa kanila?

Ang katanyagan ng iglesia ng Sardis ay sila ay mga buhay ngunit ang katotohanan ay sila ay mga patay.

Revelation 3:3-4

Ano ang babala ni Cristo sa iglesia ng Sardis na dapat nilang gawin?

Nagbabala si Cristo sa kanila na gumising, palakasin ang natitira, alalahanin, sundin, at magsisi.

Revelation 3:5-6

Ano ang pangako ni Jesus sa mga magtatagumpay?

Ang mga magtatagumpay ay susuotan ng puti, mananatili sa aklat ng buhay at ang pangalan ay sasalitain sa harapan ng Diyos Ama.

Revelation 3:7-8

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Isinulat ang sumunod na bahagi ng aklat sa anghel ng iglesia sa Filadefia.

Ano ang ginawa ng iglesia ng Filadelfia sa kabila ng kanilang kakaunting lakas?

Ang iglesia ng Filadelfia ay sumunod sa salita ni Cristo at hindi itinanggi ang kanyang pangalan.

Revelation 3:9-11

Ano ang ipapagawa ni Cristo sa mga nasa sinagoga ni Satanas?

Ipapagawa ni Cristo sa mga nasa sinagoga ni Satanas na yumuko sa harap at paanan ng mga mananampalataya.

Ano ang sinasabi ni Cristo sa iglesia ng Filadelfia na gawin yamang dsiya ay malapit ng dumating.

Sinasabi ni Cristo sa kanila na dapat silang kumapit ng mahigpit sa kung anong meron sila sa ganun ay walang sinuman ang makapag-aalis ng kanilang korona.

Revelation 3:12-13

Ano ang pangako ni Cristo sa mga magtatagumpay?

Ang mga magtatagumpay ay magiging haligi sa templo ng Diyos, magkakaroon ng pangalan ng Diyos, ang pangalan ng lungsod ng Diyos, at bagong pangalan ni Cristo na nakasulat sa kanila.

Revelation 3:14-16

Para saang anghel ang sumunod na bahagi ng aklat na isinulat?

Ang sumunod na bahagi ng aklat ay isinulat sa anghel ng iglesia sa Laodicea.

Ano ang hiling ni Cristo sa iglesia ng Laodicea na maging?

Hiling ni Cristo na ang iglesia sa Laodicea ay kahit alin sa malamig o mainit.

Ano ang gagawin ni Cristo sa iglesia ng Laodicea at bakit?

Halos isuka ni Cristo ang igleisa sa Laodicea palabas ng kanyang bibig dahil sila ay malahininga.

Revelation 3:17-18

Ano ang sinasabi ng iglesia ng Laodicea patungkol sa kanyang sarili?

Sinasabi ng iglesia ng Laodicea na ito ay mayaman at hindi nangangailangan ng anuman.

Ano ang sinasabi ni Cristo patungkol sa iglesia sa Laodicea?

Sinasabi ni Cristo ang iglesia ng Laodicea ay abang-aba, kaawa-awa, mahirap, bulag at hubad.

Revelation 3:19-20

Ano ang ginagawa ni Cristo sa bawat isang iniibig niya?

Sinasanay at tinuturuan ni Cristo ang bawat isang iniibig niya.

Revelation 3:21-22

Ano ang pangako ni Cristo sa mga magtatagumpay?

Ang siyang mga magtatagumpay ay uupo kasama ni Cristo sa kanyang trono.

Kanino sinasabi ni Cristo na dapat makinig ang nagbabasa ng aklat?

Sinasabi ni Cristo na ang nagbabasa ay dapat makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Revelation 4

Revelation 4:1-3

Ano ang nakita ni Juan na binuksan?

Nakita ni Juan ang isang pinto na binuksan sa langit.

Ano ang sinabing ipapakita ng tinig kay Juan?

Sinabi ng tinig na ipakikita niya kay Juan kung ano ang dapat mangyari matapos ang lahat ng ito.

Ano ang inuupuan ng isang nasa langit?

May isang nakaupo sa isang trono sa langit.

Revelation 4:4-5

Ano ang nasa paligid ng trono sa langit?

Sa paligid ng trono ay may dalawmpu't apat na trono na mayroong dalawampu't apat na nakatatanda ang nakaupo sa kanila.

Ano ang pitong lampara na naglalagablab sa harap ng trono?

Ang pitong lampara ay ang pitong mga Espiritu ng Diyos.

Revelation 4:6-8

Ano ang apat ng bagay na nasa paligid ng trono?

Apat na buhay na nilalang ang nasa paligid ng trono.

Revelation 4:9-11

Ano ang ginagawa ng apat na buhay na nilalang sa gabi at araw?

Gabi at araw ang apat na buhay na nilalang ay hindi tumitigil sa pagbibigay kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat sa Diyos.

Ano ang ginagawa ng dalawampu't apat na nakatatanda nang ang mga buhay na nilalang ay nagbigay luwalhatian sa Diyos?

Ang dalawampu't apat na nakatatanda ay nagpatirapa sa harapan ng trono at yumuko, inihulog ang kanilang mga korona.

Ano ang sinasabi ng mga nakatatanda tungkol sa tungkulin ng Diyos sa paglikha?

Sinasabi ng matatanda na ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay at sa pamamagitan ng kanyang kalooban lahat ng bagay ay nabuhay at nalikha.

Revelation 5

Revelation 5:1-2

Ano ang nakita ni Juan sa kanang kamay ng isang nakaupo sa trono?

Nakita ni Juan ang isang balumbon na nakaselyo na mayroong pitong selyo.

Revelation 5:3-5

Sino sa lupa ang marapat na buksan ang balumbon o basahin ito?

Walang sinuman ang marapat na buksan ang balumbon o basahin ito.

Sino ang nagawang buksan ang balumbon at ng pitong selyo nito?

Ang Leon ng tribo ng Judah, ang ugat ni David ay nagawang buksan ang balumbon.

Revelation 5:6-7

Sino ang nakatayo sa kalagitnaan ng mga nakatatanda sa harapan ng trono?

Isang Kordero, na mukhang pinatay, ang nakatayo sa kalagitnaan ng mga nakatatanda sa harapan ng trono.

Ano ang pitong sungay at ang pitong mata na nasa Kordero?

Ang pitong sungay at pitong mata ay ang pitong mga Espiritu ng Diyos na pinadala sa buong mundo.

Revelation 5:8

Ano ang mga gintong mangkok na puno ng insenso na mayroon ang mga matatanda?

Ang mga gintong mangkok na puno ng insenso ay ang mga panalangin ng mga mananampalataya.

Revelation 5:9-10

Bakit ang Kordero ang marapat na buksan ang balumbon?

Ang Kordero ay marapat dahil binili niya para sa Diyos ang mga tao mula sa bawat tribo, wika, mga tao at bayan sa pamamagitan ng kaniyang dugo.

Saan maghahari ang mga pari ng Diyos?

Ang mga pari ng Diyos ay maghahari sa ng lupa.

Revelation 5:11-12

Ano ang sinabi ng mga anghel na marapat na tanggapin ng Kordero?

Sinabi ng mga anghel na ang Kordero ay marapat na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan.

Revelation 5:13-14

Sino ang nagsabi na ang isang nasa trono at ang Kordero ay dapat papurihan ng walang hanggan at magpakailan man?

Ang bawat nilikhang bagay ay sinabi na ang isang nasa trono at ang Kordero ay dapat papurihan ng walang hanggan at magpakailan man.

Ano ang ginawa ng mga nakatatanda nang marinig nila ang apat na buhay na nilalang na nagsabing, "Amen!"?

Ang mga nakatatanda ay nagpatirapa sa lupa at sumamba.

Revelation 6

Revelation 6:1-2

Ano ang ginawa ng Kordero sa balumbon?

Ang Kordero ay binuksan ang isa sa pitong selyo na nasa balumbon.

Ano ang nakita ni Juan matapos na makita ang unang selyo ay nabuksan?

Nakita ni Juan ang isang puting kabayo na may isang nangangabayong lumalabas upang manakop.

Revelation 6:3-4

Ano ang nakita ni Juan matapos na makita ang pangalawang selyo ay nabuksan?

Nakita ni Juan ang isang naglalagablab na pulang kabayo na ang nangangabayo ay inalis ang kapayapaan mula sa mundo.

Revelation 6:5-6

Ano ang nakita ni Juan matapos buksan ang pangatlong selyo?

Nakita ni Juan ang isang itim na kabayo na ang nangangabayo ay may hawak na isang pares ng timbangan sa kanyang kamay.

Revelation 6:7-8

Ano ang nakita ni Juan matapos buksan ang pang-apat na selyo?

Nakita ni Juan ang isang maputlang kabayo na ang nangangabayo ay nagngangalanag Kamatayan.

Revelation 6:9-11

Ano ang nakita ni Juan matapos buksan ang ikalimang selyo?

Nakita ni Juan ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos.

Ano ang nais malaman ng mga kaluluwa na nasa ilalim ng altar mula sa Diyos?

Nais malaman ng mga kaluluwa kung gaano katagal bago ipaghiganti ng Diyos ang kanilang mga dugo.

Gaano katagal sinabi sa mga kaluluwa ang hihintayin nila?

Sinabi sa mga kaluluwa na maghihintay sila hanggang sa ang buong bilang ng mga kapwa lingkod ay mapatay.

Revelation 6:12-14

Ano ang nakita ni Juan matapos buksan ang ika-anim na selyo?

Nakita ni Juan ang isang lindol, ang araw na umiitim, ang buwan na nagiging tulad ng dugo, at mga bituin na nalalaglag sa lupa.

Revelation 6:15-17

Ano ang nakita ni Juan na ginagawa ng mga hari, mga heneral, mayaman, makapangyarihan at ng bawat isa?

Nakita sila ni Juan na nagtatago sa mga yungib at nakikiusap sa mga bato na maglaglagan sa kanila at itago sila.

Mula sa ano nais maitago ng mga hari, mayaman, makapangyarihan at ang bawat isa?

Nais nilang maitago mula sa isang nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero.

Anong araw ang dumating?

Ang dakilang araw ng poot ng isa na nasa trono at ng Kordero ang dumating.

Revelation 7

Revelation 7:1-3

Ano ang ginagawa ng apat na anghel na nakatayo sa apat na kanto ng daigdig nang makita sila ni Juan?

Ang apat na anghel ay pinipigilan ang apat na hangin ng daigdig.

Ano ang sinabi ng anghel mula sa silangan na dapat ay gawin bago mapinsala ang lupa?

Sinabi ng anghel na isang selyo ang dapat na mailagay sa mga noo ng mga lingkod ng Diyos bago mapinsala ang lupa.

Revelation 7:4-8

Ilang tao mula sa anong tribo ang sinelyohan?

Ang bilang ng tao na sinelyohan ay 144,000 mula sa bawat tribo ng bayan ng Israel.

Revelation 7:9-10

Ano ang nakita ni Juan sa harap ng trono ng Diyos at sa harapan ng Kordero?

Nakita ni Juan ang labis na napakaraming tao mula sa bawat bayan, tribo, tao at wika sa harapan ng trono.

Ayon sa mga nasa harap ng trono, sino ang nagmamay-ari ng kaligtasan?

Ang mga nasa harap ng trono ng Diyos ay sumigaw na ang nagmamay-ari ng kaligtasan ay ang Diyos at ang Kordero.

Revelation 7:11-12

Ano ang puwesto ng mga anghel, matatanda at mga buhay na nilalang nang sila ay sumamba sa Diyos?

Sila ay dumapa sa lupa at inilagay ang kanilang mga mukha sa lupa nang sila ay sumamba sa Diyos.

Revelation 7:13-14

Sino ang sinabi ng matanda na yaong mga nakasuot ng puting baro sa harap ng trono?

Sinabi ng matanda na sila yaong siyang mga nakalabas mula sa Matinding Pagdurusa.

Paano nagawa ng mga yaong nasa harap ng trono na gawing puti ang kanilang baro?

Nagawa nila na maging puti ang kanilang mga baro sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga ito sa dugo ng Kordero.

Revelation 7:15-17

Ano ang sinabi ng matanda na gagawin ng Diyos para sa mga tao na siyang sinuotan ng puting baro?

Ilalatag ng Diyos ang kaniyang tolda sa kanila upang sila ay hindi na magdusa pa.

Ano ang sinabi ng matanda na gagawin ng Kordero para sa mga siyang nakasuot ng puting baro?

Ang Kordero ay pagpapastolan sila at gagabayan sila sa mga bukal ng buhay na tubig.

Revelation 8

Revelation 8:1-2

Ano ang nagdulot doon ng katahimikan sa langit?

Nang buksan ng Kordero ang ikapitong selyo, nagkaroon ng katahimikan sa langit.

Ano ang ibinigay sa pitong mga anghel na nakatayo sa harap ng Diyos?

Pitong mga trumpeta ang ibinigay sa pitong mga anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos.

Revelation 8:3-5

Ano ang pumaitaas sa harap ng Diyos?

Ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga mananampalataya ay pumaitaas sa harap ng Diyos.

Ano ang nangyari nang itapon ng anghel sa lupa ang apoy mula sa altar?

Nang itapon ng anghel ang apoy, nagkaroon ng ng kulog, mga dagundong, mga kidlat at isang lindol.

Revelation 8:6-7

Ano ang nangyari nang ang unang trumpeta ay hinipan?

Nang hinipan ang unang trumpeta, ang ikatlong bahagi ng lupa ay tinupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno at ang lahat ng damo.

Revelation 8:8-9

Ano ang nangyari nang hinipan ang ikalawang trumpeta?

Nang hinipan ang ikalawang trumpeta, ang ikatlong bahagi ng karagatan ay naging dugo, ang ikatlong bahagi ng mga nilalang sa karagatan ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.

Revelation 8:10-11

Ano ang nangyari nang hinipan ang ikatlong trumpeta?

Nang hinipan ang ikatlong trumpeta, ang ikatlong bahagi ng katubigan ay naging mapait at maraming tao ang namatay.

Revelation 8:12

Ano ang nangyari nang hinipan ang ika-apat na trumpeta?

Nang hinipan ang ika-apat na trumpeta, ang ikatlong bahagi ng araw at ang ikatlong bahagi ng gabi ay walang liwanag.

Revelation 8:13

Bakit sinabi ng agila, "kahabag-habag, kahabag-habag, kahabag-habag" sa mga taong nasa lupa?

Sinabi ng agila, "kahabag-habag, kahabag-habag, kahabag-habag" sa mga nasa lupa dahil sa natitirang tatlong pagsabog ng trumpeta.

Revelation 9

Revelation 9:1-2

Anong uri ng tala ang nakita ni Juan nang hinipan ang ikalimang trumpeta?

Nang hinipan ang ikalimang trumpeta, nakita ni Juan ang isang tala mula sa langit na nahulog sa lupa.

Ano ang ginawa ng tala?

Binuksan ng tala ang lagusan ng malalim at walang katapusang hukay.

Revelation 9:3-4

Ano ang sinabing gawin ng mga balang na mula sa hukay?

Ang mga balang ay sinabihan na huwag maminsala sa lupa maliban sa mga tao na wala ang selyo ng Diyos.

Revelation 9:5-6

Ano ang hahanapin ng mga taong pinahirapan ng mga balang ngunit hindi nila makikita?

Hahanapin ng mga taong pinahirapan ng mga balang ang kamatayan ngunit hindi ito makikita.

Revelation 9:7-9

Ano ang ginagawang tunog ng mga pakpak ng mga balang?

Ang tunog ng mga pakpak ng mga balang ay tulad ng tunog ng madaming karwahe at mga kabayong tumatakbo patungo sa digmaan.

Revelation 9:10-12

Sino ang hari sa mga balang?

Ang hari sa mga balang ay si Abaddon, o sa Griyego, Apolyon, ang anghel ng kalaliman.

Ano ang lumipas nang hinipan ang ikalimang trumpeta?

Ang unang paghihirap ay lumipas nang hinipan ang ikalimang trumpeta.

Revelation 9:13-15

Anong tinig ang narinig ni Juan nang hinipan ang ika-anim na trumpeta?

Nang hinipan ang ika-anim na trumpeta, narinig ni Juan ang isang tinig na nagmumula sa gintong altar na nasa harap ng Diyos.

Ano ang ginawa ng apat na anghel nang marinig nila ang tinig?

Nang marinig nila ang tinig, pinakawalan ang apat na anghel para pumatay ng ikatlong bahagi ng sangkatauhan.

Revelation 9:16-17

Ilang kawal na nasa likos ng kabayo ang nakita ni Juan?

200,000,000 na kawal na nasa likod ng kabayo ang nakita ni Juan.

Revelation 9:18-19

Anong mga salot ang pumatay sa ikatlong bahagi ng mga tao?

Ang mga salot ng apoy, usok at asupre mula sa bibig ng mga kabayo ang pumatay ng ikatlong bahagi ng mga tao.

Revelation 9:20-21

Paano tumugon ang mga taong hindi namatay sa salot?

Ang mga taong hindi namatay sa salot ay hindi nagsisi sa kanilang mga gawa, ni hindi tumigil sa pagsamba sa mga demonyo.

Revelation 10

Revelation 10:1-2

Ano ang hawig ng mukha at paa ng makapangyarihang anghel na nakita ni Juan?

Ang anghel ay mayroong mukha na tulad ng araw at mga paa na tulad ng haliging apoy.

Saan tumayo ang anghel?

Tumayo ang anghel sa pamamagitan ng kanyang kanang paa sa dagat at ang kaliwang paa sa lupa.

Revelation 10:3-4

Ano ang sinabi kay Juan na huwag isulat?

Sinabihan si Juan na huwag isulat ang sinabi ng pitong kulog.

Revelation 10:5-7

Sa kanino sumumpa ang makapangyarihang anghel?

Ang makapangyarihang anghel ay sumumpa sa kanya na siyang nabubuhay ng walang hanggan at magpakailanman, siyang lumikha ng langit, ng lupa, at ng dagat.

Ano ang sinabi ng makapangyarihang anghel na hindi na maaantala ?

Sinabi ng anghel na kapag hinipan na ang ika-pitong trumpeta, wala nang magiging antala, ngunit ang hiwaga ng Diyos ay magiging ganap.

Revelation 10:8-9

Ano ang sinabi kay Juan na kunin mula sa makapangyarihang anghel?

Si Juan ay sinabihan na kunin ang isang bukas na balumbon mula sa anghel.

Ano ang sinabi ng anghel na mangyayari ng kainin ni Juan ang balumbon?

Sinabi ng anghel na ang balumbon ay magiging matamis sa bibig ni Juan ngunit mapait sa kaniyang tiyan.

Revelation 10:10-11

Matapos niyang kainin ang balumbon, patungkol saan ang sinabi kay Juan na ipropesiya?

Sinabihan si Juan na ipropesiya ang patungkol sa maraming mga tao, mga bayan, mga wika at mga hari.

Revelation 11

Revelation 11:1-2

Ano ang sinabi kay Juan upang sukatin?

Sinabi kay Juan na sukatin ang templo ng Diyos at ang altar, at silang mga sumasamba roon.

Gaano katagal pagtatapakan ng mga Hentil ang banal na lungsod?

Pagtatapakan ng mga Hentil ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.

Revelation 11:3-5

Ano ang kapahintulutan na ibinigay sa dalawang saksi na gawin sa mga taong nagnais na saktan sila?

Ang dalawang saksi ay binigyan ng kapahintulutan upang patayin ang kanilang kaaway sa pamamagitan ng apoy.

Revelation 11:6-7

Ano ang ibinigay na kapahitulutan sa dalawang saksi para gawin?

Ang dalawang saksi ay binigyan ng kapahintulutan para mag propesiya ng 1,260 na araw, upang patayin ang kanilang mga kaaway, upang isara ang langit, at upang patamaan ang mundo ng bawat uri ng salot.

Revelation 11:8-9

Saan ilalagak ang mga katawan ng dalawang saksi?

Ang kanilang mga katawan ay ilalagak sa lansangan ng dakilang lungsod na sinisimbolo ng katwagang Sodom at Egipto, kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon.

Revelation 11:10-12

Paano ang naging reaksyon ng mga tao sa mundo noong pinatay ang dalawang saksi?

Ang mga tao sa mundo ay nagalak at nagdiwang noong pinatay ang dalawang saksi.

Ano ang mangyayari sa dalawang saksi pagkalipas ng tatlo at kalahating araw?

Pagkalipas ng tatlo at kalahating araw, ang dalawang saksi ay titindig sa kanilang mga paa at aakyat sa langit.

Revelation 11:13-14

Pagkatapos ng dalawang mga saksi at ang lindol, ano ang lumipas?

Pagkatapos ng dalawang saksi at lindol, lumipas ang ikalawang paghihirap.

Revelation 11:15

Noong ang ikapitong trumpeta ay hinipan, ano ang sinabi sa langit?

Noong hinipan ang ikapitong trumpeta, ito ay nagsalita na ang kaharian ng mundo ay naging kaharian ng ating Panignoon at kaniyang Cristo.

Revelation 11:16-17

Ano ang sinabi ng mga nakatatanda na pinasimulang gawin ng Panginoong Diyos ngayon?

Sinabi ng mga nakakatanda na ang Panginoong Diyos ngayon ay nagsimula nang maghari.

Revelation 11:18

Ayon sa mga nakatatanda, anong panahon ang sumapit na?

Ang panahon ay dumating na upang ang patay ay hatulan, ang mga lingkod ng Diyos ay gantimpalaan, at upang wasakin ng Diyos ang mga sumisira sa mundo.

Revelation 11:19

Ano ang bumukas sa langit pagkatapos?

Ang templo ng Diyos ay bumukas sa langit.

Revelation 12

Revelation 12:1-2

Ano ang dakilang tanda na nakita sa langit?

Nakita sa langit ang isang babaeng buntis, na dinamitan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paanan, at may labingdalawang bituin sa kaniyang ulunan na sumisigaw sa hapdi ng panganganak.

Revelation 12:3-4

Ano pa ang dakilang tanda na nakita sa langit?

Sa langit ay nakita ang isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, na may pitong korona sa kaniyang ulo.

Ano ang ginawa ng dragon gamit ang kaniyang buntot?

Ang dragon ay winalis ang ikatlong bahagi ng mga bituin at inihulog ito sa mundo.

Ano ang ninanais gawin ng dragon?

Ang nais ng dragon ay lapain ang anak ng babae.

Revelation 12:5-6

Ano ang gagawin ng batang lalaki?

Ang batang lalaki ay maghahari sa lahat ng mga bansa na may tungkod na bakal.

Saan pumunta ang batang lalake?

Ang batang lalake ay inagaw papunta sa Diyos at sa kaniyang trono.

Saan pumunta ang babae?

Ang babae ay tumakas patungo sa ilang.

Revelation 12:7-10

Sino ang nakipaglaban sa langit?

Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ang nakipaglaban sa dragon at kaniyang mga anghel.

Ano ang nangyari sa dragon at sa kaniyang mga anghel pagkatapos ng laban?

Ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa sa lupa.

Sino ang dragon?

Ang dragon ay ang dating ahas, ang demonyo, o si Satanas.

Revelation 12:11-12

Paano nilupig ng magkakapatid ang dragon?

Ang magkakapatid ay nilupig ang dragon sa pamamagitan ng dugo ng tupa at sa mga sinabi nilang patotoo.

Gaano karaming oras ang alam ng dragon na taglay niya?

Alam ng dragon na mayroon lamang siyang kaunting oras.

Revelation 12:13-14

Ano ang ginawa sa babae noong siya ay tinutugis ng dragon?

Ang babae ay binigyan ng mga pakpak upang siya ay makalipad sa lugar na nakahanda para sa kaniya kung saan siya ay mapapangalagaan.

Revelation 12:15-17

Noong ang dragon ay hindi matangay ang babae, ano ang ginawa ng dragon?

Ang dragon ay umalis para makipagdigma sa mga sumusunod sa utos ng Diyos at pinanghahawakan ang patotoo patungkol kay Jesus.

Revelation 13

Revelation 13:1-2

Saan nanggaling ang halimaw na nakita ni Juan?

Ang halimaw ay umahon mula sa dagat.

Ano ang binigay ng dragon sa halimaw?

Binigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan, trono, at kapamahalaan para mamuno.

Revelation 13:3-4

Bakit ang buong mundo ay namangha at sumunod sa halimaw?

Namangha at sumunod sa halimaw ang buong mundo dahil siya ay may isang nakakamatay na sugat na gumaling.

Revelation 13:5-6

Ano ang mga sinabi ng halimaw sa kaniyang bibig?

Ang halimaw ay nagsabi ng mayayabang na salita at panglalait laban sa Diyos, ang kaniyang pangalan, ang lugar kung saan siya nananahan, at silang mga naninirahan sa langit.

Revelation 13:7-8

Ano ang pinahintulot na gawin ng halimaw sa banal na sambayanan?

Ang halimaw ay pinahitulutang makipag-digma laban sa banal na sambayanan at upang lupigin sila.

Sino ang mga hindi sasamba sa halimaw?

Sila na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ay hindi sasamba sa halimaw.

Revelation 13:9-10

Para sa ano silang mga banal ay tinawag?

Silang mga banal ay tinatawag sa matiyagang pagtitiis at pananampalataya

Revelation 13:11-14

Mula saan ang isa pang halimaw na dumating na nakita ni Juan?

Ang isa pang halimaw ay dumating mula sa lupa.

Anong uri ng sungay at pagsasalita mayroon ang isa pang halimaw?

Ang isa pang halimaw ay mayroong sungay katulad ng isang tupa at nagsalita katulad ng isang dragon.

Ano ang ginawa ng isa pang halimaw na nagtulak sa mga naninirahan sa mundo upang gawin?

Ang isa pang halimaw ay nagtulak sa mga naninirahan sa mundo upang sambahin ang naunang halimaw.

Revelation 13:15-17

Ano ang nangyari sa kanila na mga tumangging sumamba sa halimaw?

Sila na mga tumangging sumamba sa halimaw ay pinagpapatay.

Ano ang mga tinanggap ng lahat mula sa isa pang halimaw?

Ang lahat ay tumanggap ng tatak sa kanang kamay o sa noo.

Revelation 13:18

Ano ang bilang ng halimaw?

Ang bilang ng halimaw ay 666.

Revelation 14

Revelation 14:1-2

Sino ang nakita ni Juan na nakatayo sa kanyang harapan?

Nakita ni Juan ang Kordero na nakatayo sa harapan niya sa Bundok ng Zion.

Revelation 14:3-5

Sino ang may kakayanang matuto ng bagong awitin na aawitin sa harap ng trono?

Tanging ang 144,000 na natubos mula sa mundo ang may kakayanang matutunan ang bagong awitin.

Sino ang tinubos bilang mga unang bunga para sa Diyos at para sa Kordero?

Ang 144,000 na mga walang kapintasan ay tinubos bilang mga unang bunga para sa Diyos at para sa Kordero.

Revelation 14:6-7

Kanino ibinigay ng anghel ang walang hanggang mensahe ng magandang balita?

Ibinigay ng anghel ang walang hanggang mensahe ng magandang balita sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao sa mundo.

Ano ang sinabi ng anghel sa mga naninirahan sa mundo upang gawin?

Sinabi ng anghel na matakot sa Diyos at magbigay ng kaluwalhatian sa kaniya.

Ano ang oras na sinabi ng anghel na dumating?

Sinabi ng anghel na ang oras ng paghatol ng Diyos ay dumating na.

Revelation 14:8

Ano ang ipinahayag ng ikalawang anghel?

Ipinahayag ng ikalawang anghel na ang dakilang Babylonia ay bumagsak na.

Revelation 14:9-10

Ano ang sinabi ng ikatlong anghel na mangyayari sa mga tumanggap ng tatak ng halimaw?

Ang mga nakatanggap ng tatak ng halimaw ay pahihirapan sa apoy at asupre.

Revelation 14:11-13

Para sa ano tinawag ang mga banal?

Ang mga banal ay tinawag para sa matiyagang pagtitiis.

Revelation 14:14-18

Sino ang nakita ni Juan na nakaupo sa ulap?

Nakita ni Juan ang tulad ng isang Anak ng Tao na nakaupo sa ulap.

Ano ang ginawa ng siyang nakaupo sa ulap?

Ang siyang nakaupo sa ulap ay ikinampay ang kanyang karit para anihin ang mundo.

Revelation 14:19-20

Ano ang ginawa ng anghel na may karit?

Ang anghel na may karit ay tinipon ang inaning ubas sa mundo at itinapon ito sa malaking kawa ng ubas ng poot ng Diyos.

Ano ang nangyari sa pigaan ng ubas ng Diyos?

Ang pigaan ng ubas ay inapakan at ang dugo ay dumaloy mula rito palabas.

Revelation 15

Revelation 15:1

Ano ang nakita ni Juan na dala ng pitong anghel?

Ang pitong mga anghel ay may dalang pitong salot na siyang mga huling salot.

Revelation 15:2

Sino ang nakatayo sa tabi ng dagat?

Silang mga naging matagumpay laban sa halimaw at sa kaniyang imahe ang mga nakatayo sa tabi ng dagat.

Revelation 15:3-4

Anong awitin ang inaawit ng mga nakatayo sa tabi ng dagat?

Ang mga nakatayo sa tabing dagat ay umaawit ng awit ni Moises at ang awit ng Kordero.

Paano nailarawan ng awitin ang pamamaraan ng Diyos?

Inilarawan ang pamamaraan ng Diyos bilang matuwid at totoo.

Sino ang darating at sasamba sa Diyos ayon sa awitin?

Ang lahat ng bansa ay darating at sasamba sa Diyos.

Revelation 15:5-6

Ano ang lumabas pagkatapos mula sa pinakabanal na lugar?

Ang pitong anghel na may pitong salot ang lumabas mula sa pinakabanal na lugar.

Revelation 15:7-8

Ano ang ibinigay sa pitong anghel?

Ang pitong anghel ay binigyan ng pitong mangkok na puno ng poot ng Diyos.

Hanggang kailan hindi maaaring makapasok ang sinuman sa pinakabanal na lugar?

Hanggang ang pitong salot ay kumpleto na, walang sinuman ang makakapasok sa pinakabanal na lugar.

Revelation 16

Revelation 16:1

Ano ang mga sinabi sa pitong anghel na kanilang gagawin?

Ang pitong anghel ay sinabihan na pumunta at ibuhos sa mundo ang pitong mangkok ng poot ng Diyos.

Revelation 16:2

Ano ang nangyari nang ang unang mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

Mga sugat na nakakapandiri at masakit na mga sugat ang dumating sa mga tao na may marka ng halimaw.

Revelation 16:3

Ano ang nangyari nang ang pangalawang mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

Ang dagat ay naging tulad ng dugo ng isang patay na nilalang.

Revelation 16:4-7

Ano ang nangyari nang ang pangatlong mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

Ang mga ilog at mga bukal ng tubig ay naging dugo.

Nang ibinigay ng DIyos sa mga tao ang dugo para inumin, bakit ito naging totoo at matuwid?

Ito ay totoo at matuwid dahil ang mga taong ito ay ibinuhos ang dugo ng mga banal at ng mga propeta ng Diyos.

Revelation 16:8-9

Ano ang nangyari nang ang ikaapat na mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

Pinaso ng araw ang mga tao ng apoy.

Paano tumugon ang mga tao sa mga salot?

Ang mga tao ay hindi nagsisi o nagbigay ng papuri sa Diyos.

Revelation 16:10-11

Ano ang nangyari nang ang ikalimang mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

Kadiliman ang bumalot sa buong kaharian ng halimaw.

Revelation 16:12-14

Ano ang nangyari nang ang ikaanim na mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

Ang tubig ng ilog Eufrates ay natuyo upang paghandaan ang daanan ng mga hari mula sa silangan.

Ano ang gagawin ng tatlong hindi malilinis na mga espiritu sa kanilang paglabas?

Sa dakilang araw ng Diyos, ang tatlong hindi malilinis na espiritu ay lalabas para tipunin ang mga hari ng mundo upang makipaglaban .

Revelation 16:15-16

Ano ang pangalan ng lugar kung saan magtitipon ang mga hari ng mundo?

Ang pangalan ng lugar ay Armageddon.

Revelation 16:17-19

Ano ang nangyari nang ang ika-pitong mangkok ng poot ng Diyos ay ibinuhos?

May malakas na tinig na nagsabi, "ito ay tapos na!" at doon ay may kidlat, kulog, at lindol.

Sa puntong ito, ano ang naalala ng Diyos na gawin?

Sa puntong ito, naalala ng Diyos ang dakilang Babylonia, at binigyan niya ang Babylonia ng tasa na puno ng kaniyang poot.

Revelation 16:20-21

Ano ang naging tugon ng mga tao sa mga salot?

Ang mga tao ay sinumpa ang Diyos.

Revelation 17

Revelation 17:1-2

Ano ang sinabi ng anghel na ipapakita niya kay Juan?

Sinabi ng anghel na ipapakita niya kay Juan ang paghatol sa pinakamasamang babae.

Revelation 17:3-5

Sa ano nakaupo ang babae?

Ang babae ay nakaupo sa halimaw na may mga pitong ulo at sampung mga sungay.

Ano ang nasa tasa ng babae na hawak ng kaniyang kamay?

Ang tasa ay puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at mga karumihan ng kaniyang seksuwal na imoralidad.

Ano ang pangalan ng babae?

Ang pangalan ng babae ay, "Ang Dakilang Babilonia, ang Ina ng mga Masasamang Babae at nang mga kasuklam-suklam na mga Bagay sa lupa.

Revelation 17:6-7

Sa ano nalasing ang babae?

Ang babae ay nalasing sa dugo ng mga banal at mga martir para kay Jesus.

Revelation 17:8

Saan nagmula ang halimaw kung saan ang babae ay naupo?

Ang halimaw ay umahon mula sa walang hanggang lalim na hukay.

Tungo saan mapupunta ang halimaw?

Ang halimaw ay mapupunta sa pagkawasak.

Revelation 17:9-11

Ano ang mga pitong ulo ng halimaw?

Ang pitong ulo ay ang pitong mga burol na kung saan nakaupo ang babae at ang pitong mga hari.

Revelation 17:12-14

Ano ang mga sampung sungay ng halimaw?

Ang sampung mga sungay ay ang sampung mga hari.

Ano ang gagawin ng mga hari at ng halimaw kung sila ay nagkakaisa sa isip?

Kapag sila ay nagkakaisa sa isip , sila ay makikipagdigma laban sa Kordero.

Revelation 17:15

Ano ang mga tubig kung saan nakaupo ang masamang babae?

Ang mga tubig ay ang mga tao, madla, mga bansa, at mga wika.

Revelation 17:16-17

Ano ang gagawin ng mga hari at halimaw sa babae?

Gagawin nila siyang ulila at hubad, lalapain nila ang kaniyang laman, at siya ay susunugin nila sa pamamagitan ng apoy.

Revelation 17:18

Ano ang babae na nakita ni Juan?

Ang babae na nakita ni Juan ay ang dakilang lungsod na namamahala sa mga hari ng mundo.

Revelation 18

Revelation 18:1-3

Ano ang ginwang pahayag ng anghel na may dakilang kapamahalaan?

ipinahayag ng anghel na ang dakilang Babylonia ay bumagsak na.

Revelation 18:4-6

Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit na nagsasabing gawin ng bayan ng Diyos?

Sinabi ng tinig sa bayan ng Diyos na lumabas sila mula sa Babylonia at huwag makibahagi sa kaniyang mga kasalanan.

Ano ang halaga ng kabayaran na ibinalik ng Diyos sa Babylonia dahil sa kaniyang ginawa?

Binayaran ng Diyos ang Babylonia ng doble dahil sa kaniyang ginawa.

Revelation 18:7-8

Anong mga salot ang dadaan sa Babylonia sa loob ng isang araw?

Kamatayan, pighati, at tag-gutom ang dadaan sa Babylonia sa loob ng isang araw at siya ay tutupukin ng apoy.

Revelation 18:9-13

Paano ang naging tugon ng mga hari at mangangalakal ng mundo nang makita nila ang pahuhukom sa Babylonia?

Nang makita ng mga hari at mangangalakal ng mundo ang paghatol sa Babylonia, sila ay nanangis at nanaghoy para sa kaniya.

Bakit tumayo malayo sa Babylonia ang mga hari, mga mangangalakal, at ang mga kapitan ng barko noong panahon ng kaniyang paghahatol?

Sila ay tumayo sa malayo dahil sila ay natakot sa kaniyang paghihirap.

Revelation 18:14

Ano ang hinahangad ng Babylonia na kung saan ay naglaho sa isang iglap?

Hinahangad ng Babylonia ang luho at karangyaan subalit naglaho lamang isang iglap.

Revelation 18:15-17

Bakit tumayo malayo sa Babylonia ang mga hari, mga mangangalakal, at ang mga kapitan ng barko noong panahon ng kaniyang paghahatol?

Sila ay tumayo sa malayo dahil sila ay natakot sa kaniyang paghihirap.

Revelation 18:18-20

Ano ang tinatanong ng kapitan ng barko na tungkol sa Babylonia?

Ang tinanong ng kapitan ng barko ay, "Anong lungsod ang katulad ng dakilang lungsod?"

Ano ang sinabing gawin ng mga banal, mga apostol, at mga propeta habang ang Babylonia ay hinahatulan ng Diyos?

Ang mga banal, mga apostol, at mga propeta ay sinabihan na magdiwang habang ang Babilonia ay hinahatulan ng Diyos.

Revelation 18:21-22

Matapos siyang hatulan, kailan muling makikita ang Babylonia?

Pagkatapos ng paghatol sa kaniya, ang Babylonia ay hindi na muling makikita.

Revelation 18:23-24

Ano ang natagpuan mula sa dakilang lungsod ng Babylonia na naging dahilan ng kaniyang kahatulan?

Ang dugo ng mga propeta, ng mga banal, at ng lahat ng pinatay sa lupa ang natagpuan sa dakilang lungsod ng Babylonia.

Revelation 19

Revelation 19:1-2

Ano ang sinabi ng malakas na tinig sa langit tungkol sa mga paghahatol ng Diyos?

Ang malakas na tinig sa langit ay sinabing ang mga hatol ng Diyos ay totoo at matuwid.

Bakit hinatulan ng Diyos ang pinakamasamang babae?

Hinatulan ng Diyos ang pinakamasamang babae dahil siya ang nagpasama sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang sekswal na imoralidad at nagtigis ng dugo ng mga lingkod ng Diyos.

Revelation 19:3-4

Ano ang mangyayari sa pinakamasamang babae magpakailan kailan pa man?

Aangat ang usok mula sa kaniya magpakailan kailan pa man.

Revelation 19:5-6

Ano ang sinabing gawin ng mga lingkod ng Diyos na may takot sa kaniya?

Sinabihan ang mga lingkod ng Diyos na papurihan siya.

Revelation 19:7-8

Bakit sinabi ng tinig na ang lingkod ng Diyos ay dapat magalak at maging labis na masaya?

Ang mga lingkod ng Diyos ay sinabihan na magalak dahil ang pagdiriwang ng kasal ng Kordero ay dumating na.

Ano ang ipasusuot sa babaeng ikakasal sa Kordero?

Ang babaeng ikakasal ay dadamitan ng pinong lino, na tumutukoy sa mga matuwid na gawa ng mga banal na bayan ng Diyos.

Revelation 19:9-10

Ano ang sinabi ng anghel na patotoo tungkol kay Jesus?

Sinabi ng anghel na ang patotoo tungkol kay Jesus ay ang espiritu ng kapahayagan.

Revelation 19:11-13

Ano ang pangalan ng isang nakita ni Juan na nakasakay sa puting kabayo?

Nakita ni Juan ang Salita ng Diyos na nakasakay sa puting kabayo.

Revelation 19:14-16

Paano ang Salita ng Diyos tatagain ang mga bansa?

Mula sa bibig ng Salita ng Diyos nanggaling ang matalas na espada na ipangtataga sa mga bansa.

Ano ang nakasulat sa balabal ng Salita ng Diyos at hita?

Sa kaniyang balabal at hita ay nasusulat, "Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga panginoon.

Revelation 19:17-18

Ano ang ipapakain nang tinawag sa dakilang hapunan ang mga ibon na lumilipad sa itaas ?

Ang mga ibon ay tinawag para kumain ng laman ng mga hari, mga pinuno ng hukbo, mga magigiting na tao, mga kabayo at mga nangangabayo, at lahat ng tao.

Revelation 19:19-20

Ano ang binalak gawin ng mga halimaw at mga hari ng mundo?

Binalak nila na makipagdigma sa Salita ng Diyos at sa kaniyang hukbo.

Ano ang nangyari sa halimaw at sa bulaang propeta?

Ang halimaw at ang bulaang propeta ay parehong itinapon ng buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre.

Revelation 19:21

Ano ang nangyari sa mga nalabing lumalaban sa Salita ng Diyos?

Ang lahat ay pinatay sa pamamagitan ng espada na lumabas sa bibig ng Salita ng Diyos.

Revelation 20

Revelation 20:1-3

Ano ang taglay ng anghel nang bumaba siya galing sa langit?

Ang anghel ay may susi sa malalim na hukay at malaking tanikala sa kaniyang kamay.

Ano ang ginawa ng anghel kay Satanas?

Itinapon nang anghel si Satanas sa walang hanggang hukay.

Gaano katagal na mananatiling nakakulong si Satanas?

Si Satanas ay mananatiling nakakulong sa libong taon.

Ano ang hindi kayang gawin ni Satanas habang siya ay nakakulong?

Si Satanas ay walang kakayahan na makapanlinlang ng mga bansa habang siya ay nakakulong .

Revelation 20:4

Ano ang nangyari sa mga tumanggi na tanggapin ang tatak ng halimaw?

Ang mga iyon na tumanggi na tanggapin ang tatak ng halimaw ay nabuhay at naghari kasama si Cristo sa isang libong mga taon.

Revelation 20:5-6

Kailan mabubuhay ang lahat ng patay?

Ang lahat ng patay ay mabubuhay pagkatapos ng isang libong taon.

Ano ang gagawin ng mga kabilang sa unang pagkabuhay muli?

Sa mga iyon na nakilahok sa unang pagkabuhay muli ay magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo at maghahari kasama niya sa isang libong taon.

Revelation 20:7-8

Ano ang gagawin ni Satanas sa katapusan nang isang libong taon?

Sa katapusan ng isang libong taon, si Satanas ay papalayain upang makapanlinlang ng mga bansa.

Revelation 20:9-10

Ano ang nangyari nang palibutan ang kampo ng mga banal?

Nang ang kampo ng mga banal ay napalibutan, bumagsak ang apoy mula sa langit at nilamon si Gog at Magog.

Ano ang ginawa sa demonyo sa panahong ito?

Ang demonyo ay itinapon sa dagat-dagatang apoy para pahirapan magpakailanman.

Revelation 20:11-12

Sa paanong paraan ang mga patay ay hinusgahansa harap ng dakilang puting trono?

Ang mga patay ay hinatulan sa pamamagitan ng kung ano ang nakasulat sa mga aklat, ang kinalabasan ng kanilang mga ginawa.

Revelation 20:13-15

Ano ang ikalawang kamatayan?

Ang ikalawang kamatayan ay ang dagat-dagatang apoy.

Ano ang nangyari sa lahat ng tao na hindi nasusulat sa Aklat ng Buhay?

Ang lahat ng tao na hindi makitang nakasulat sa Aklat ng buhay ay itinapon sa dagat-dagatang apoy.

Revelation 21

Revelation 21:1-2

Ano ang nakita ni Juan na nangyari sa unang langit at lupa?

Nakita ni Juan na ang unang langit at lupa ay lumipas na.

Ano ang ipinalit sa unang langit at lupa?

Ang bagong langit at lupa ang ipinalit sa unang langit at mundo.

Ano ang bumaba galing sa langit?

Ang banal na lungsod, bagong Jesrusalem, ay bumaba mula sa langit.

Revelation 21:3-4

Saan mananahan ang Diyos ayon sa sinabi ng tinig mula sa trono?

Sinabi ng tinig na ang Diyos ay mananahan sa piling ng mga tao.

Ano ang wala na ngayon?

Ang kamatayan, pagdadalamhati, pag-iyak, at sakit ngayon ay wala na.

Revelation 21:5-6

Ano ang pangalan ng siyang nakaupo sa trono na tawag niya sa kaniyang sarili?

Ang isa na nakaupo sa trono ay tinawag ang kaniyang sarili bilang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli.

Revelation 21:7-8

Ano ang nangyari sa mga walang pananampalataya, mga sekswal na imoral at mga taong sumasamba sa mga diyus-diyosan?

Ang mga walang pananampalataya, mga sekswal na imoral at mga taong sumasamba sa mga diyus-diyosan ay mayroong lugar sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre.

Revelation 21:9-10

Ano ang babaeng ikakasal, ang asawang babae ng Kordero?

Ang babaeng ikakasal, ang asawang babae ng kordero, ay ang banal na lungsod, Jerusalem, na bababa mula sa langit galing sa Diyos.

Revelation 21:11-13

Ano ang nakasulat sa mga tarangkahan ng bagong Jerusalem?

Ang mga pangalan ng labingdalawang tribo ng mga anak ng Israel ang nakasulat sa tarangkahan ng bagong Jerusalem.

Revelation 21:14-15

Ano ang nakasulat sa pundasyon ng bagong Jerusalem?

Ang mga pangalan ng labingdalawang apostol ng Kordero ang nakasulat sa pundasyon ng bagong Jerusalem.

Revelation 21:16-17

Saang hugis inilagak ang bagong Jerusalem?

Ang bagong Jerusalem ay inilagak sa isang hugis parisukat.

Revelation 21:18-20

Saan gawa ang lungsod?

Ang lungsod ay gawa sa purong ginto, katulad ng malinaw na salamin.

Revelation 21:21-22

Ano ang templo sa bagong Jerusalem?

Ang templo sa bagong Jerusalem ay ang Panginoong Diyos at ang Kordero.

Revelation 21:23-25

Ano ang pinagmulan ng liwanag sa bagong Jerusalem?

Ang pinagmulan ng liwanag sa bagong Jerusalem ay ang kaluwalhatian ng Diyos at ng Kordero.

Revelation 21:26-27

Ano ang hindi kailanman makakapasok sa bagong Jerusalem?

Walang marumi ang makakapasok sa bagong Jerusalem.

Revelation 22

Revelation 22:1-2

Ano ang nakita ni Juan na dumadaloy mula sa trono ng Diyos?

Nakita ni Juan ang ilog ng tubig ng buhay na dumadaloy galing sa trono ng Diyos.

Paraa saan ang mga dahon sa puno ng buhay?

Ang mga dahon sa puno ng buhay ay para sa pagpapagaling ng mga bansa.

Revelation 22:3-5

Ano ang mawawala na sa lungsod?

Mawawala na ang kahit na anong sumpa, at mawawala na ang gabi.

Saan matatagpuan ang trono ng Diyos at ng Kordero?

Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay nasa loob ng lungsod.

Revelation 22:6-7

Ano ang dapat gawin ng isang tao para maging pinagpala ng aklat na ito?

Ang isang tao ay dapat na sundin ang mga salita ng pahayag ng aklat na ito upang pagpalain.

Revelation 22:8-9

Ano ang sinabi ng anghel kay Juan na gawin niya nang si Juan ay nagpatirapa sa paanan ng anghel?

Sinabi ng anghel kay Juan na sambahin ang Diyos.

Revelation 22:10-11

Bakit sinabihan si Juan na huwag selyuhan ang mga salita ng kapahayagan ng aklat na ito?

Sinabihan si Juan na huwag selyuhan ang mga salita ng kapahayagan ng aklat na ito dahil malapit na ang oras.

Revelation 22:12-13

Ano ang sinabi ng Panginoon na dadalhin niya kasama niya kapag siya ay dumating?

Sinabi ng Panginoon ng dadalhin niya ang kaniyang gantimpala sa kaniyang pagdating.

Revelation 22:14-15

Ano ang kailangang gawin ng sinuman na nagnanais magkaroon ng karapatan na kumain mula sa puno ng buhay?

Sinuman na nagnanais magkaroon ng karapatan na kumain mula sa puno ng buhay ay dapat hugasan ang kanilang mga balabal.

Revelation 22:16-17

Paano nasabi ni Jesus na siya ay may kaugnayan kay Haring David?

Nasabi ni Jesus na siya ay ang ugat at ang kaapu-apuhan ni Haring Divid.

Revelation 22:18-19

Ano ang mangyayari sa kahit na sinong magdadagdag sa kapahayagan ng aklat na ito?

Sinumang magdadagdag sa kapahayagan ng aklat nga ito ay makakatanggap ng salot na naisulat sa aklat na ito.

Ano ang mangyayari sa kahit na sinong magbawas mula sa kapahayagan ng aklat na ito?

Sinuman ang magbawas mula sa kapahayagan ng aklat na ito ay kukunin ang kaniyang bahagi sa puno ng buhay.

Revelation 22:20-21

Ano ang mga huling salita ni Jesus sa aklat na ito?

Ang mga huling salita ni Jesus ay, "Oo! Ako ay paparating na."

Ano ang huling salita sa aklat na ito?

Ang huling salita sa aklat na ito ay "Amen."