Galatians
Galatians 1
Galatians 1:1-2
Paano naging apostol si Pablo?
Si Pablo ay naging apostol sa pamamagitan ni Cristo Jesus at Diyos Ama.
Galatians 1:3-5
Saan napalaya ang mga mananampalataya kay Cristo?
Ang mga mananampalataya kay Jesu-Cristo ay napalaya na mula sa kasamaan ng panahong ito. [1:4]
Galatians 1:6-7
Ano ang ikinamangha ni Pablo sa iglesia sa Galacia?
Namangha si Pablo sa kaagad na pagtalikod nila sa ibang ebanghelyo.
Ilan ba ang totoong ebanghelyo?
Isa lamang ang totoong ebanghelyo, ang ebanghelyo ni Cristo. [1:7]
Galatians 1:8-10
Ano ang sinasabi ni Pablo na mangyayari sa sinumang magpapahayag ng ibang ebanghelyo maliban sa ebanghelyo ni Cristo?
Sinabi ni Pablo na ang sinumang nagpapahayag ng ibang ebenghelyo ay kailangang sumpain.
Ang mga alagad ni Cristo ay kinakailangang hanaping una ang pahintulot nino?
Ang mga alagad ni Cristo ay kinakailangang hanaping una ang pahintulot ng Diyos. [1:10]
Galatians 1:11-12
Paano natanggap ni Pablo ang kaalaman ng ebanghelyo ni Cristo?
Paano natanggap ni Pablo ang kaalaman ng ebanghelyo ni Cristo?
Galatians 1:13-14
Ano ang ginagawa ni Pablo sa kaniyang buhay bago niya tinanggap ang pahayag ng ebanghelyo ni Cristo?
Masigasig na sumusunod si Pablo sa Judaismo, nag-uusig sa iglesia ng Diyos.
Galatians 1:15-17
Kailan pinili ng Diyos si Pablo na maging apostol niya?
Nalugod ang Diyos sa pagpili kay Pablo mula sa sinapupunan ng kaniyang ina na maging apostol niya.
Sa anong layunin pinili ng Diyos si Pablo bilang kaniyang apostol?
Pinili ng Diyos si Pablo bilang kaniyang apostol upang ipahayag si Cristo sa mga Gentil. [1:16]
Galatians 1:18-20
Saan sa wakas ay nakatagpo ni Pablo ang ibang mga apostol?
Sa wakas, si Pablo ay pumunta sa Jerusalem at nakatagpo ang mga apostol na sina Cepas at Santiago. [1:19]
Galatians 1:21-24
Ano ang napakinggan ng mga Iglesia sa Judea tungkol kay Pablo.
Napakinggan ng mga Iglesia sa Judea na si pablo noon tagapag-usig ng Iglesia, na ngayon ay nagpapahayag na ng pananampalataya. [1:22-23]
Galatians 2
Galatians 2:1-2
Ano ang ginawa ni Pablo nang pumunta siya sa Jerusalem pagkatapos ng labing-apat na taon?
Nakipag-usap si Pablo ng sarilinan sa mga pinuno ng iglesia, ipinaliwanag sa kanila ang ebanghelyo na kaniyang ipinahayag. [2:1-2]
Galatians 2:3-5
Bilang Gentil, ano ang hindi kailangang gawin ni Tito?
Hindi kailangang matuli si Tito. [2:3]
Ano ang nais gawin ng mga nagpapanggap na kapatid?
Ang mga nagpapanggap na mga kapatid ay nagnanais na gawin si Pablo at ang kaniyang mga kasama na alipin sa kautusan. [2:4]
Galatians 2:6-8
Binago ba ng mga pinuno ng iglesia sa Jerusalem ang mensahe ni Pablo?
Hindi, wala silang naiambag sa mensahe ni Pablo. [2:6]
Kanino pangunahing ipinadala si Pablo upang magpahayag ng ebanghelyo?
Isinugo si Pablo sa hindi tuli upang ipahayag ang ebanghelyo. [2:7-8]
Galatians 2:9-10
Paano ipinakita ng mga pinuno ng Jerusalem ang kanilang pagsang-ayon sa ministeryo ni Pablo?
Ang mga pinuno sa Jerusalem ay ibinigay nila kay Bernabe at kay Pablo ang karapatan ng pakikisalamuha ng kanilang pagsang-ayon. [2:9]
Galatians 2:11-12
Ano ang mali na ginawa ni Pedro noong pumunta siya sa Antioquia?
Tumigil na nakikain si Pedro kasama ang mga Gentil dahil natatakot siya sa mga tao na natuli.
Galatians 2:13-14
Ano ang hiniling ni Cephas sa harap ng karamihan?
Hiniling ni Pablo si Cephas kung papaano niya mapilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio kung si Cephas ay naumuhay na tulad ng Gentil. [2:14]
Galatians 2:15-16
Sinabi ni Pablo na wala ni isa ang mapa-walang sala sa pamamagitan ng?
Sinabi ni Pablo na wala ni isa ang mapa-walang sala sa pamamagitan ng mga gawa sa kautusan. [2:16]
Paano ang isang tao mapa-walang sala sa harapan ng Diyos?
Ang tao ay mapa-walang sala sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. [2:16]
Galatians 2:17-19
Kung ang isang tao ay babalik at susubukang sumunod sa kautusan pagkatapos magkaroon ng pananampalataya kay Cristo, ano ang sinabi ni Pablo na darating sa kaniya?
Sinabi ni Pablo na ipinapakita niya ang kaniyang sarili na lumabag sa kautusan. [2:18]
Galatians 2:20-21
Sino ang sinasabi ngayon ni Pablo na namumuhay sa kaniya?
Sinabi ni Pablo na si Cristo na ngayon ang namumuhay sa kaniya. [2:20]
Ano ang sinasabi ni Pablo na ginawa ng Anak ng Diyos sa kaniya?
Sinabi ni Pablo na minahal siya ng Anak ng Diyos at ibinigay ang kaniyang sarili para kay Pablo. [2:20]
Galatians 3
Galatians 3:6-9
Paano ibinilang na matuwid si Abraham sa harapan ng Diyos?
Nanampalataya sa Diyos si Abraham at ibinilang ito sa kaniya na katuwiran.
Sino ang mga anak ni abraham?
Sila na nanampalataya sa Diyos ay ang mga anak ni Abraham. [3:7]
Noon pa man ay nakita na ng kasulatan na ang mga Gentil ay mapapawalang sala sa anong paraan?
Noon pa man ay nakita na ng kasulatan na ang mga Gentil ay mapapawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya. [3:8]
Galatians 3:10-12
Sila na umaasa sa mga gawa ng kautusan upang mapawalang-sala ay nasa ilalim ng ano?
Sila na umaasa sa mga gawa ng kautusan upang mapawalang-sala ay nasa ilalim ng sumpa.
Gaano kadami ang mga tao na napawalang sala dahil sa mga gawa ng kautusan?
Isa man ay walang napawalang sala sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. [3:11]
Galatians 3:13-14
Bakit tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng pagiging sumpa para sa atin?
Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng pagiging sumpa para sa atin upang ang pagpapala na kay Abraham ay makarating sa mga Gentil. [3:14]
Galatians 3:15-16
Sino ang kaap-apuhan na sinasabi sa pangako kay Abraham?
Ang kaapu-apuhan na sinasabi sa pangako kay Abraham ay si Cristo. [3:16]
Galatians 3:17-18
Ang kautusan ba ng mga Judio na dumating noong 430 taon pagkatapos ni Abraham ay nagpapawalang-bisa ba sa pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham?
Hindi, ang kautusan ay hindi nagpawalang-bisa sa pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham.
Galatians 3:19-20
Bakit kung gayon nagkaroon ng kautusan?
Ang kautusan ay dumating dahil sa mga paglabag hanggang sa dumating ang salinlahi ni Abraham.
Galatians 3:21-22
Ano ang ikinulong ng kautusan sa kasulatan na ang bawat isa ay nasa ilalim nito?
Ang kautusan sa kasulatan ay ibinilanggo ang bawat isa sa ilalim ng kasalanan. [3:22]
Galatians 3:23-26
Paano tayo napalaya mula sa pagkakabilanggo sa kautusan
Tayo ay napalaya mula sa pagkakabilanggo sa kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Galatians 3:27-29
Sino na ang nasuotan kay Cristo?
Silang lahat na nabawtismuhan na kay Cristo ay nasuotan na kay Cristo.
Anong uri ng mga tao ang mga naging isa kay Cristo Jesus?
Mga Judio, mga Griyego, mga binihag, malaya, lalaki at babae ang lahat ay ginawang isa kay Cristo jesus. [3:28]
Galatians 4
Galatians 4:1-2
Paano namumuhay ang tagapagmana habang siya ay bata pa?
Ang tagapagmana ay nasa kanyang tagapag alaga at pinagkatiwalaan hanggang sa oras na itinakda ng kanyang ama.
Galatians 4:3-5
Ano ang ginawa ni Jesus sa tamang panahon sa kasaysayan?
Ang Diyos, sa tamang panahon, ipinadala niya ang kanyang Anak upang tubusin ang mga napasailalim ng batas.
Paano dinala ng Diyos ang mga anak na napasailalim ng batas sa kaniyang pamilya?
Kinupkop ng Diyos bilang mga anak ang mga na napasailalim ng batas.
Galatians 4:6-7
Ano ang ipinadala ng Diyos sa puso ng kanyang mga anak?
Ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa puso ng kanyang mga anak.
Galatians 4:8-11
Bago natin makilala ang Diyos, sa kanino tayo alipin?
Bago natin nakilala ang Diyos, tayo ay alipin ng mga espiritu na naghahari sa mundo, na kailanman hindi diyos.
Nabagabag si Pablo na ang mga taga Galatia ay bumabalik sa ano?
Nababagabag si Pablo na ang mga taga Galacia ay bumabalik muli sa namumunong mga espiritu ng mundo.
Sa nakikita niya na pagtalikod ng mga taga Galatia, ano ang ikinatatakot ni Pablo para sa kanila?
Natatakot si Pablo na ang mga taga Galacia ay maging mga alipin muli, at ang pinaghirapan niya sa kanila ay mawalan ng kabuluhan.
Galatians 4:12-16
Nang naunang dumating si Pablo sa Galacia, anong problema ang mayroon siya?
Nang si Jesus ay dumating sa Galatia, nagkaroon siya ng pisikal na karamdaman.
Sa kabila ng suliranin ni Pablo, paano siya tinanggap ng mga taga Galacia?
Sa kabila ng suliranin ni Pablo, tinanggap ng mga taga Galatia si Pablo gaya ng isang anghel ng Diyos, at gaya ni Cristo Jesus.
Galatians 4:17-20
Sino ang mga bulaang taga-pagturo sa Galacia na sinusubukang paghiwalayin?
Ang mga bulaang propeta ay sinusubukang paghiwalayin ang mga taga Galacia kay Pablo.
Galatians 4:21-25
Sa anong ilalim sinusubukang ilagay ng mga bulaang guro ang taga Galacia?
Ang mga bulaang guro ay sinusubukang ilagay ang mga taga Galacia pabalik sa ilalim ng batas.
Mula sa aling dalawang uri ng babae na nagkaroon ng anak na lalaki si Abraham ?
Mayroong dalawang anak na lalaki si Abraham, ang isa ay mula sa aliping babae at ang isa ay sa isang malayang babae.
Galatians 4:26-27
Sino ang kumakatawan na ina ni Pablo at ang mga mananampalatayang taga Galacia?
Ang Jerusalem na nasa taas, ang malayang babae, ay ang kumakatawan na ina ni Pablo at ang mga mananampalataya sa taga Galacia.
Galatians 4:28-29
Ang mga mananampalataya ba kay Cristo ay mga anak ng laman o mga anak ng pangako?
Ang mga mananampalataya kay Cristo ay mga anak ng pangako.
Sino ang mga umuusig sa mga anak ng pangako?
Ang mga anak ng laman ang umuusig sa mga anak ng pangako.
Galatians 4:30-31
Ano ang mamanahin ng mga anak ng aliping babae?
Ang mga anak ng aliping babae ay hindi kasamang magmamana sa anak ng malayang babae.
Ang mga nananampalataya ba kay Cristo ay mga anak ng aliping babae o mga anak ng malayang babae?
Ang mga nanampalataya kay Cristo ay mga anak ng malayang babae.
Galatians 5
Galatians 5:1-2
Sa anong layunin tayo ay pinalaya ni Cristo?
Para sa kalayan tayo ay pinalaya ni Cristo.
Ano ang babala ni Pablo na mangyayari sa mga taga Galacia kung sila ay matuli?
Sinabi ni Pablo na kung ang mga taga-Galacia ay matuli, si Cristo ay hindi makikinabang sa kanila sa ano mang kaparaanan.
Galatians 5:3-4
Ano ang babala ni Pablo na mangyayari sa lahat ng mga taga-Galacia na nagnanais na mapawalang sala sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan.
Nagbabala si Pablo na ang lahat ng mga taga-Galacia na nagnanais na mapawalang sala sa pamamagitan ng kautusan ay mapapalayo mula kay Cristo at mahuhulog palayo mula biyaya. [5:4]
Galatians 5:5-8
Bilang pagtutol sa pagtutuli at di pagtutuli, anong bagay ang natatanging may kabuluhan kay Cristo Jesus?
Kay Cristo Jesus, tanging ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig ay may kabuluhan. [5:6]
Galatians 5:9-10
Ano ang paniniwala ni Pablo hinggil sa isa na nanglilito sa mga taga-Galacia tungkol sa ebanghelyo?
Naniniwala si Pablo na mararnasan ang hatol ng Diyos ng mga nanlito sa mga taga-Galacia tungkol sa ebanghelyo. [5:10]
Galatians 5:11-12
Ano ang nagagawa sa pagpapahayag ng pagtutuli ayon kay Pablo?
Sinasabi ni Pablo na ang pagpapahayag ng pagtutuli ay hadlang sa krus ay kailangang sirain.
Galatians 5:13-15
Sa paano hindi dapat gamitin ng mga mananampalataya ang kanilang kalayaan kay Cristo?
Hindi dapat gamitin ng mga mananampalataya ang kanilang kalayaan kay Cristo bilang isang pagkakataon para sa laman.
Sa paano hindi dapat gamitin ng mga mananampalataya ang kanilang kalayaan kay Cristo?
Gagamitin ng mga mananampalataya ang kanilang kalayaan kay Cristo sa paglilingkod sa bawat isa sa pag-ibig.
Ang kabuu-an ng kautusan ay natupad sa anong isang kautusan?
Ang kabuu-an ng kautusan ay natupad sa kautusang, “kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng sa iyong sarili. [5:14]
Galatians 5:16-18
Sa paanong ang mga mananampalataya ay hindi matupad ang pita ng laman?
Ang mga mananampalataya ay maaaring mamuhay sa pamamagitan ng Espiritu upang hindi matupad ang pita ng laman.
Ano ang dalawang bagay na salungat sa isat-isa sa loob ng mananampalataya?
Ang Espiritu at ang laman ay salungat sa isat-isa sa loob ng mananampalataya. [5:17]
Galatians 5:19-21
Ano ang tatlong mga halimbawa ng mga gawa ng laman?
Ang tatlong halimbawa ng mga gawa ng laman ay; sekswal na imoralidad, karumihan at pita ng laman. [5:20-21]
Sila na gumagawa ng mga gawa ng laman ano ang hindi nila matatanggap?
Sila na gumagawa ng mga gawa ng laman ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. [5:21]
Galatians 5:22-26
Ano ang bunga ng Espiritu?
Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang loob, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.
Sila na pag-aari ni Cristo Jesus ginagawa ba kung ano ang nasa ng laman at gawa nito.?
Sila na pag-aari ni Cristo Jesus ay ipinako na ang laman at mga gawa nito. [5:24]
Galatians 6
Galatians 6:1-2
Ano ang dapat gawin ng mga espiritwal kung makahuli ng iilang mga tao sa pagkakasala?
Ang mga espritwal ay magpanumbalik sa taong iyon sa espiritu na mahinahon. [6:1]
Ano ang panganib na kailangang iwasan ng espiritwal na tao?
Ang mga espritwal ay kailangang magbantay, nang sa ganoon ay hindi rin sila matukso. [6:1]
Paano matupad ng mga mananampalataya ang kautusan ni Cristo?
Matupad ng mga mananampalataya ang kautusan ni Cristo sa pamamagitan ng pagdadala ng kabigatan ng bawat isa. [6:2]
Galatians 6:3-5
Paano maipagmamalaki ng isang tao ang isang bagay sa kaniyang sarili patungkol sa kaniyang gawa?
Maipagmalaki ng isang tao sa kaniyang sarili ang isang bagay sa pamamagitan ng pagsuri sa kaniyang gawa, na hindi ihahambing ang kaniyang sarili sa iba. [6:4]
Galatians 6:6-8
Ano ang kailangang gawin ng isang tao na naturuan ng salita sa kaniyang guro?
Ang taong naturuan ng salita ay kailangang magbahagi ng lahat ng magandang mga bagay kasama ang kaniyang guro. [6:6]
Ano ang mangyari sa anumang espritwal na itinanim ng tao?
Anumang espiritwal na itinanim ng tao ay kaniyang maani. [6:7]
Ano ang maani ng isang tao na magtatanim ng kaniyang sariling laman?
Ang tao na magtatanim ng kaniyang sariling laman ay aani ng katiwalian sa kaniyang laman. [6:8]
Ano ang maani ng tao na naitanim sa Espiritu?
Ang tao na naitanim sa Espiritu makaaani sa Espiritu ng buhay na walang hanggang. [ 6:8]
Galatians 6:9-10
Kung hindi titigil ang mananampalataya at magpatuloy sa paggawa ng mabuti, ano kaya ang kaniyang matatanggap?
Ang mananampalataya na nagpatuloy sa paggawa ng mabuti ay aani ng aanihin. [6:10]
Sinu-sino ang dapat lalong gawan ng mabuti ng mga mananampalataya?
Ang mga mananampalataya ay dapat lalong gumawa ng mabuti sa mga nasa sambahayan ng pananampalataya. [6:10]
Galatians 6:11-13
Ano ang nag-uudyok noong nais mamilit sa mga mananampalataya na magpatuli?
Iyong nais mamilit sa mga mananampalataya na matuli ay ayaw nilang mausig sa krus ni Cristo. [6:8]
Galatians 6:14-16
Tungkol sa ano ang sinabi ni Pablo na kaniyang ipinagmamalaki?
Sinabi ni Pablo na ipinagmalaki niya ang krus ng Panginoong Jesu Cristo. [6:14]
Sa halip na pagpatuli o hindi pagpatuli, ano ang mahalaga?
Ang mahalaga ay ang bagong pagkatao. [6:15]
Kanino ninanais ni Pablo ang biyaya at habag?
A. Ninanais ni Pablo ang biyaya at habag sa mga namumuhay sa pamamagitan ng patakaran ng bagong nilalang, at sa Israel ngDiyos. [6:16]
Galatians 6:17-18
Ano ang dinala ni Pablo sa kaniyang katawan?
Daladala ni Pablo ang marka ni Jesus sa kaniyang katawan. [6:17]