Philippians
Philippians 1
Philippians 1:1-2
Kanino nakapatungkol ang liham ni Pablo?
Nakapatungkol ang liham ni Pablo sa lahat ng mga tao na nakalaan para kay Cristo Jesus sa Filipos, kabilang na ang mga tagapangasiwa at mga diakono.
Philippians 1:3-6
Para saan nagbigay ng pasasalamat si Pablo sa Panginoon para sa mga taga-Filipos?
Nagbigay ng pasasalamat sa Diyos si Pablo para sa mg taga-Filipos sa kanilang pakikiisa sa ebanghelyo simula ng unang araw hanggang sa ngayon.
Saan nakatitiyak si Pablo patungkol sa mga taga-Filipos?
Nakatitiyak si Pablo na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa kanila ay tatapusin ito.
Philippians 1:7-8
Saan naging kabahagi ni Pablo ang mga taga-Filipos?
Sa pagkakakulong ni Pablo, at sa kaniyang pagtatanggol sa ebanghelyo naging kabahagi niya ang mga taga-Filipos.
Philippians 1:9-11
Ano ang ipinanalangin ni Pablo na lalo pang lumago sa mga taga-Filipos.
Ipinanalangin ni Pablo na ang pag-ibig ay lalo pang lumago sa mga taga-Filipos.
Sa pamamagitan ng ano ninais ni Pablo na mapuno ang mga taga-Filipos?
Ninais ni Pablo na ang mga taga- Filipos ay mapuno ng bunga ng katuwiran.
Philippians 1:12-14
Paanong ang pagkakakulong ni Pablo ay nagpabilis ng paglaganap ng ebanghelyo?
Ang pagkakulong ni Pablo para kay Cristo ay labis na kumalat at halos lahat ng mga kapatid ngayon ay nagsasalita ng may katapangan.
Philippians 1:15-17
Bakit ang ilan ay ipinapahayag si Cristo sa pamamagitan ng makasarili at hindi tapat na dahilan?
Ang ilan ay ipinapahayag si Cristo sa pamamagitan ng makasarili at hindi tapat na dahilan iniisip nila na madadagdagan nila ang paghihirap ni Pablo sa kulungan.
Philippians 1:18-19
Ano ang naging tugon ni Pablo sa tapat at hindi tapat na pangangaral kay Cristo?
Nagalak si Pablo na sa anumang paraan si Cristo ay naihayag.
Philippians 1:20-21
Ano ang ninais ni Pablo na gawin sa buhay o sa kamatayan?
Ninais ni Pablo na magbigay ng kaluwalhatian kay Cristo sa buhay man o sa kamatayan.
Sinabi ni Pablo na ano ang mabuhay ? at ano ang mamatay?
Sinabi ni Pablo na ang mabuhay ay kay Cristo at ang mamatay ay pakinabang.
Philippians 1:22-24
Anong mga pagpipilian ang humihila kay Pablo sa magkaibang direksyon?
Nahihila si Pablo ng mga pagpipilian na makasama si Cristo sa kamatayan o sa pananatili sa laman upang maipagpatuloy ang kaniyang gawain.
Philippians 1:25-27
Nakatitiyak si Pablo na siya ay mananatili kasama ang mga mananampalataya sa Filipos para sa anong layunin?
Nakatitiyak si Pablo na siya ay mananatili kasama ang mga taga-Filipos para sa kanilang pag-unlad at kaligayahan sa pananampalataya.
Philippians 1:28-30
Nang hindi natakot ang mga taga-Filipos sa mga sumasalungat sa kanila anong tanda iyon?
Nang ang mga taga-Filipos ay hindi natakot , ito ay tanda ng pagkawasak ng kanilang mga kalaban, ngunit ng kanilang kaligtasan.
Ano ang dalawang bagay na ipinagkaloob sa mga taga-Filipos mula sa Diyos?
Ipinagkaloob sa mga taga-Filipos na sila ay maniwala kay Cristo,ngunit sila din ay dumanas ng hirap sa ngalan niya.
Philippians 2
Philippians 2:1-2
Ano ang sinasabi ni Pablo na dapat gawin ng mga taga-Filipos upang maging ganap ang kaniyang kasiyahan?
Ang mga taga-Filipos ay dapat magkaroon ng parehong pag-iisip, magkaroon ng parehong pagmamahal, at magkaisa sa espiritu at kaisipan. [2:2]
Philippians 2:3-4
Paano ang sinasabi ni Pablo na tignan ng mga taga-Filipos ang pakikitungo sa bawat isa?
Dapat isipin ng mga taga-Filipos na mas higit ang ibang tao kaysa sa kanilang sarili. [2:3]
Philippians 2:5-8
Kaninong pag-iisip ang sinasabi ni Pablo na kailangan magkaroon tayo?
Sinasabi ni Pablo na kailangan nating magkaroon ng kaisipang tulad ng kay Cristo Jesus. [2:5-6]
Sa anong anyo umiral si Cristo Jesus?
Umiral si Cristo Jesus sa anyo ng Diyos. [2:6]
Ano ngayon ang anyong kinuha ni Cristo Jesus?
Sa halip, binitawan niya ang kaniyang sarili. Naganyo siyang isang tagapag-lingkod. Nagpakita siyang kawangis ng tao. Nakita siya bilang anyong tao. [2:7]
Paano ipinagkumbaba ni Jesus ang kaniyang sarili?
Pinagpakumbaba niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsunod hanggang sa kamatayan sa krus. [2:8]
Philippians 2:9-11
Ano ngayon ang ginawa ng Diyos para kay Jesus?
Lubos na itinaas ng Diyos si Jesus at binigyan siya ng pangalan na mas mataas sa lahat ng pangalan. [2:9]
Ano ang sasabihin ng bawat dila?
Ginawa niya ito upang ang bawat bibig ay magsasabing si Hesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama. [2:11]
Philippians 2:12-13
Paano tinawag ang mga taga-Filipos upang ipagpatuloy ang kanilang paggawa sakanilang pagkakaligtas?
Ang mga taga-Filipos ay dapat ipagpatuloy ang kanilang pag-gawa para sa kanilang kaligtasan nang may takot at panginginig. [2:12]
Ano ang pinapagawa ng Diyos sa mga mananampalataya?
Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang loobin at gawin ang ipinagagawa niya alang-alang sa kaniyang ikasisiya. [2:13]
Philippians 2:14-16
Ang lahat ng mga bagay ay dapat ginagawa ng walang ano?
Ang lahat ng bagay ay dapat gawin ng walang pagrereklamo at pagtatalo. [2:14]
Philippians 2:17-18
Sa anong hangarin ibinubuhos ni Pablo ang kaniyang buhay?
Ibinubuhos ni Pablo ang kaniyang buhay bilang sakripisyo at paglilingkod ng pananampalataya ng mga taga-FIlipos. [2:17]
Anong ugali mayroon si Pablo, na sinasabi niyang dapat ding magkaroon ang mga taga-Filipos?
Nagdiriwang si Pablo ng may matinding kaligayahan. [2:17-18]
Philippians 2:19-21
Bakit naiibang lingkod si Timoteo para kay Pablo?
Kakaiba si Timoteo dahil tunay siyang nangangalaga sa mga taga-Filipos at hindi dahil sa kaniyang sariling interes. [2:20-21]
Philippians 2:22-27
Inaasahan ba ni Pablo na makita ang mga taga-Filipos?
oo, inaasahan ni Pablo na makita ang mga taga-Filipos sa madaling panahon. [2:24]
Philippians 2:28-30
Para saan ang muntik nang ikamatay ni Epafrodito?
Muntik nang mamatay si Epafrodito sa paggawa ng gawain ng Cristo, naglilingkod kay Pablo at nagbibigay ngmga pangangailangan ni Pablo. [2:30]
Philippians 3
Philippians 3:6-7
Paano inilarawan ni Pablo ang kaniyang dating pag-uugali bilang paggalang sa katuwiran ng kautusan?
Inilarawan ni Pablo ang kaniyang dating pag-uugali na walang sala bilang paggalang sa katuwiran ng kautusan.
Paano ngayon itinuring ni Pablo ang kaniyang dating pagtitiwala sa laman?
Itinuring ni Pablo ngayon ang kaniyang dating pagtitiwala sa laman bilang walang halaga dahil kay Cristo.
Philippians 3:8-11
Para sa anong layunin itinuturing ni Pablo ang lahat ng nakaraang mga bagay bilang basura?
Itinuturing ni Pablo ang lahat ng dating mga bagay bilang basura upang makamtan niya si Cristo.
Anong katuwiran ang mayroon si Pablo ngayon?
Nagkaroon na ngayon ng katuwiran si Pablo mula sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
Saan nagkaroon ng pakikibahagi si Pablo kay Cristo?
Nagkaroon ng pakikibahagi si Pablo sa pagdurusa ni Cristo.
Philippians 3:12-16
Bagaman hindi pa siya naging isang ganap, ano ang patuloy na ginawa ni Pablo?
Nagpatuloy siyang magsumikap.
Tungo sa anong layunin nagpatuloy si Pablo?
Nagpatuloy si Pablo tungo sa layuning makamit ang gantimpala ng pagkatawag ng Diyos, kay Cristo Jesus.
Philippians 3:17-19
Ano ang sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na gawin tungkol sa halimbawa ng kaniyang paglakad?
Sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na makiisa at gayahin siya sa kaniyang paglakad.
Ano ang patutunguhan ng mga sikmura ang kanilang diyos at nag-iisip tungkol sa mga makamundong bagay?
Ang mga sikmura ang kanilang Diyos at nag-iisip tungkol sa mga makamundong bagay ay kapahamakan ang patutunguhan.
Philippians 3:20-21
Saan matatagpuan ang pagkamamamayan ng mga mananampalataya na sinabi ni Pablo?
Sinabi ni Pablo na ang pagkamamamayan ng mga mananampalataya ay sa langit.
Ano ang gagawin ni Cristo sa mga katawan ng mga mananampalataya kapag bumalik siya mula sa langit?
Babaguhin ni Cristo ang mga katawang lupa ng mga mananampalataya upang maging mga katawang binuo gaya ng kaniyang maluwalhating katawan.
Philippians 4
Philippians 4:1-3
Ano ang nais ni Pablo na gawin ng kaniyang minamahal na mga kaibigan sa Filipos?
Nais ni Pablo na magpakatibay sa Panginoon ang mga taga-Filipos.
Ano ang nais makita ni Pablo na mangyari kina Eudia at Sintique?
Ninanais ni Pablo na makitang magkaroon ng parehong pag-iisip sa Panginoon sina Sintique at Eudia. [4:2]
Philippians 4:4-7
Ano ang sinabi ni Pablo na laging gawin ng mga taga-Filipos?
Sinabi ni Pablo sa kanila na laging magalak sa Panginoon.
Sa halip na mabalisa, ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin?
Sinabi ni Pablo na sa halip na mabalisa, sabihin sa Diyos sa panalangin kung ano ang ating kailangan, at pasalamatan siya. [4:6]
Kung gawin natin ito, ano ang magbabantay sa ating mga puso at isipan?
Ang kapayapaan ng Diyos ang magbanbantay sa ating mga puso at isipan kung gagawin natin ito. [4:7]
Philippians 4:8-9
Sa anong uri ng mga bagay ang sinabi ni Pablo na dapat mag-isip?
Sinasabi ni Pablo na mag-isip sa mga bagay na marangal, makatarungan, dalisay, kaakit-akit, may mabuting ulat, mahusay, at kapuri-puri.
Philippians 4:10-13
Sa ngayon, ano ang nakayanang baguhin ng mga taga-Filipos?
Nagawa ng mga taga-Filipos na baguhin ang kanilang pagpapahalaga kay Pablo
Anong lihim ang natutunan ni Pablo tungkol sa pamumuhay sa iba't ibang mga pangyayari?
Natutunan ni Pablo ang lihim ng pamumuhay na parehong nasisiyahan sa kasaganaan at pangangailangan. [4:11-12]
Sa pamamagitan ng anong kapangyarihan maaring mamuhay si Pablo na nasisiyahan?
Maaaring mamuhay si Pablo ng nasisiyahan sa lahat ng mga pangyayari sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa kaniya. [4:13]
Philippians 4:14-17
Ano ang hinahanap ni Pablo sa mga taga-Filipos sa kanilang pagbibigay upang ipagkaloob ang kaniyang mga pangangailangan?
Hinahanap ni Pablo ang bunga na nagpapataas ng karangalan ng mga taga-Filipos.
Philippians 4:18-20
Paano tinitingnan ng Diyos ang mga handog na ginawa ng mga taga-Filipos para kay Pablo?
Nalugod ang Diyos sa handog ng mga taga-Filipos para kay Pablo.
Anong sinasabi ni Pablo na gagawin ng Diyos para sa mga taga-Filipos?
Sinabi ni Pablo na ipagkakaloob ng Diyos ang bawat pangangailangan ng mga taga-Filipos ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian kay Cristo Jesus. [4:19]
Philippians 4:21-23
Kaninong sambahayan ang sinasabi ni Pablo na bumabati sa mga taga-Filipos?
Ang mga sambahayan ni Cesar ay bumabati sa mga taga-Filipos. [4:22]