Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Ezekiel

Ezekiel 1

Ezekiel 1:1-3

Sino ang kasamang naninirahan ni Ezekiel nang nagkaroon siya ng mga pangitain mula sa Diyos?

Naninirahan kasama ng mga bihag si Ezekiel sa lupain ng mga Caldeo nang nagkaroon siya ng mga pangitain mula sa Diyos.

Ezekiel 1:4-6

Ano ang nasa gitna ng napakalaking ulap na nakita ni Ezekiel na nagmumula sa hilaga?

Sa gitna ng ulap ay anyo ng apat na nilalang, ang bawat isa ay may apat na mukha at apat na pakpak.

Ezekiel 1:7-9

Paano gumalaw ang mga nilalang?

Hindi lumiko ang mga nilalang habang lumalakad, ngunit ang bawat isa sa kanila ay lumakad nang deretso.

Ezekiel 1:10-12

Anong mga wangis ang mayroon sa mga buhay na nilalang sa kanilang mga mukha?

Ang kanilang mga mukha ay may wangis ng isang tao, isang leon, isang toro, at isang agila.

Ano ang nag-uutos sa galaw ng apat na buhay na nilalang?

Inuutusang gumalaw ng Espiritu ang apat na buhay na nilalang.

Ezekiel 1:13-16

Habang gumagalaw paurong at pasulong ang apat na buhay na nilalang, ano ang katulad nila?

Habang sila ay gumagalaw, anyong tulad ng kidlat ang apat na buhay na nilalang.

Ezekiel 1:17-18

Ano ang kayang gawin ng apat na gulong sa tabi ng mga buhay na nilalang?

Kayang makapunta ng apat na gulong sa alinmang dako nang hindi lumiliko.

Ezekiel 1:19-21

Bakit pumunta ang mga gulong saanman pumunta ang mga buhay na nilalang?

Sinundan ng mga gulong ang mga buhay na nilalang dahil nasa mga gulong ang espiritu ng mga buhay na nilalang.

Ezekiel 1:22-23

Ano ang nasa ibabaw ng mga ulo ng mga buhay na nilalang?

Isang napakalaking pabilog na bubong ang nasa ibabaw ng mga ulo ng mga buhay na nilalang.

Ano ang ginawa ng mga buhay na nilalang sa kanilang mga pakpak?

Ang bawat isa sa mga pakpak ng nilalang ay nakabuka ng tuwid at nakasagi sa pakpak ng isa pang nilalang at ang bawat buhay na nilalang ay may pares din ng mga pakpak upang takpan ang kaniyang sariling katawan.

Ezekiel 1:24-25

Ano ang sinasabi ni Ezekiel na kasing tunog ng mga pakpak ng mga nilalang?

Ang mga pakpak ng mga nilalang ay kasing tunog ng rumaragasang tubig, tulad ng tinig ng Makapangyarihan, tulad ng isang bagyong ulan at tulad ng isang hukbo.

Ezekiel 1:26

Ano ang nasa itaas ng pabilog na bubong kung saan nasa ibabaw ng mga ulo ng mga nilalang?

Sa itaas ng pabilog na bubong ay isang trono, at sa trono ay ang wangis ng isang anyong tulad ng tao.

Ezekiel 1:27-28

Tulad ng ano ang maliwanag na anyo na nagpakita kay Ezekiel?

Nagpakita ang maliwanag na anyo tulad ng anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Ano ang ginawa ni Ezekiel nang makita niya ang maliwanag na anyo?

Nagpatirapa si Ezekiel nang makita niya ang maliwanag na anyo.

Ezekiel 2

Ezekiel 2:1-3

Ano ang ginawa ng Espiritu kay Ezekiel habang nagsasalita ang Espiritu kay Ezekiel?

Pinatayo ng Espiritu si Ezekiel habang siya ay nagsasalita kay Ezekiel.

Kanino isinugo ng Espiritu si Ezekiel?

Isinugo ng Espiritu si Ezekiel sa mga tao ng Israel.

Ezekiel 2:4-5

Ayon sa Espiritu, anong uri ng mga tao ang mga Israelita?

Ang mga Israelita ay mga suwail, nagkakasala, matitigas, at mga taong matitigas ang puso.

Ano ang sasabihin ni Ezekiel sa mga tao ng Israel?

Sasabihin si Ezekiel, "Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh," sa mga tao ng Israel.

Ano ang malalaman ng mga tao ng Israel dahil sa pakikipag-usap sa kanila ni Ezekiel?

Malalaman ng mga tao ng Israel na isang propeta ang kasama nila.

Ezekiel 2:6

Ano ang sinabi ng Espiritu kay Ezekiel na huwag gawin habang siya ay nagsasalita sa mga tao ng Israel?

Sinabi ng Espiritu kay Ezekiel na huwag matakot sa mga tao ng Israel habang nagsasalita siya sa kanila.

Ezekiel 2:7-8

Paano magiging iba si Ezekiel sa mga tao ng Israel?

Hindi magiging suwail si Ezekiel tulad ng mga tao ng Israel.

Ezekiel 2:9-10

Ano ang inilatag sa harapan ni Ezekiel?

Inilatag ang isang balumbon na sinulatan sa harapan ni Ezekiel.

Ano ang nakasulat sa balumbon?

Sa balumbon ay nakasulat ang mga panaghoy, pagluluksa, at kapighatian.

Ezekiel 3

Ezekiel 3:1-3

Ano ang ibinigay ng Espiritu kay Ezekiel at ano ang ginawa ni Ezekiel dito?

Binigyan ng Espiritu si Ezekiel ng isang binalumbong kasulatan at kinain niya ito.

Ezekiel 3:4-7

Ano ang sinabi ng Espiritu na pupuntahan at gagawin ni Ezekiel?

Sinabi ng Espiritu kay Ezekiel na pumunta at sabihin ang mga salita ng Espiritu sa sambahayan ng Israel.

Ayon sa Espiritu, kung naipadala si Ezekiel sa dayuhang mga tao, paano sila tutugon sa mga salita ni Ezekiel?

Kung naipadala si Ezekiel sa dayuhang mga tao, makikinig sila sa kaniyang mga salita.

Ayon sa Espiritu, paano tutugon ang sambahayan ng Israel sa mga salita ni Ezekiel?

Ang sambahayan ng Israel ay hindi nanaising pakinggan ang mga salita ni Ezekiel.

Ezekiel 3:8-11

Paano ginawa ng Espiritu si Ezekiel upang hindi siya matakot o panghinaan ng loob?

Ginawang matigas ng Espiritu ang ulo ni Ezekiel at tulad ng isang diamante ang kaniyang kilay.

Ezekiel 3:12-13

Ano ang sinabi ng malakas na tunog sa likuran ni Ezekiel?

Sinabi ng malakas na tunog, “Purihin ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kaniyang lugar!”

Ezekiel 3:14-15

Ano kung gayon ang ginawa ni Ezekiel sa loob ng pitong araw, at ano ang kaniyang kalagayan?

Nanatili si Ezekiel kasama ang mga bihag sa loob ng pitong araw, puspos ng pagkamangha.

Ezekiel 3:16-19

Ano ang sinabi ni Yahweh na ginawa niya kay Ezekiel para sa sambahayan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na ginawa niyang isang tagapagbantay si Ezekiel sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 3:20-21

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari kay Ezekiel kung hindi niya binalaan ang masasama tungkol sa kanilang masasamang gawain?

Kung hindi binalaan ni Ezekiel ang masasama, sisingilin ni Yahweh ang kanilang dugo sa kamay ni Ezekiel.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari kay Ezekiel kung hindi niya binalaan ang matuwid na taong tumatalikod at kumikilos ng hindi makatarungan?

Kung hindi binalaan ni Ezekiel ang matuwid na taong tumatalikod, sisingilin ni Yahweh ang kaniyang dugo sa kamay ni Ezekiel.

Ano ang sinabing mangyayari ni Yahweh sa matuwid na taong tumatalikod at kumikilos ng hindi makatarungan?

Sinabi ni Yahweh na mamamatay sa kaniyang kasalanan ang matuwid na taong tumatalikod at kumikilos ng hindi makatarungan.

Ezekiel 3:22-23

Ano ang ginawa ni Ezekiel nang makita niya ang kaluwalhatian ni Yahweh sa kapatagan?

Nang makita ni Ezekiel ang kaluwalhatian ni Yahweh, nagpatirapa siya.

Ezekiel 3:24-25

Ano ang sinabi ng Espiritu na puntahan at gawin ni Ezekiel?

Sinabi ng Espiritu kay Ezekiel na pumunta at sarhan ang kaniyang sarili sa kaniyang bahay.

Ezekiel 3:26-27

Ano ang sinabi ng Espiritu na hindi makakayang gawin ni Ezekiel sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga salita?

Sinabi ng Espiritu na hindi makakayang pagalitan ni Ezekiel ang sambahayan ng Israel sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga salita.

Ano ang sinabi ng Espiritu na makakayang gawin ni Ezekiel kung ang Espiritu kaniya?

Sinabi ng Espiritu na makakayang buksan ni Ezekiel ang kaniyang bibig at sabihing, “Kaya sinasabi ng Panginoong Yahweh,” kung mangusap ang Espiritu sa kaniya.

Ezekiel 4

Ezekiel 4:1-3

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ni Ezekiel sa isang tipak na bato?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na iukit ang lungsod ng Jerusalem sa isang tipak na bato at lagyan ng kukubkob dito.

Bakit sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na gawin ito sa isang tipak na bato?

Sinabi ni Yahweh na gawin ito ni Ezekiel bilang tanda sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 4:4-5

Bakit sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na humiga sa kaniyang kaliwang tagiliran?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na humiga siya sa kaniyang kaliwang tagiliran upang pasanin ang kasalanan ng sambahayan ng Israel.

Bakit hihiga si Ezekiel sa kaniyang kaliwang tagiliran sa loob ng tatlong daan at siyam napung araw?

Hihiga si Ezekiel sa kaniyang kaliwang tagiliran sa loob ng tatlong daan at siyam napung araw upang kumatawan sa tatlong daan at siyam napung taon ng kaparusahan sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 4:6-8

Bakit hihiga si Ezekiel sa kaniyang kanang tagiliran?

Hihiga si Ezekiel sa kaniyang kanang tagiliran upang pasanin ang kasalanan ng sambahayan ng Israel.

Bakit hihiga si Ezekiel sa kaniyang kanang tagiliran sa loob ng apatnapung araw?

Hihiga si Ezekiel sa kaniyang kanang tagiliran sa loob ng apatnapung araw upang kumatawan sa apatnapung taong kaparusahan sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 4:9-11

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na kainin at inumin habang siya ay nakahiga sa kaniyang tagiliran?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na kumain ng sebadang tinapay at uminom ng tubig.

Ezekiel 4:12-13

Bakit sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magluto gamit ang dumi ng tao sa harapan ng sambahayan ng Israel?

Magluluto si Ezekiel gamit ang dumi ng tao bilang tanda na ang pagkaing kakain ng mga tao ng Israel kasama ang mga bansa ay magiging marumi.

Ezekiel 4:14-15

Bakit hinayaan ni Yahweh si Ezekiel na gamitin ang dumi ng baka sa halip na dumi ng tao sa pagluto?

Pinayagan ni Yahweh ang dumi ng baka dahil hindi pa kailanman nakakain si Ezekiel sa kaniyang buhay ng anumang marumi.

Ezekiel 4:16-17

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa Jerusalem tungkol sa pagkain at inumin?

Sinabi ni Yahweh na ang tinapay at tubig ay irarasyon.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga tao ng Jerusalem sa panahong ito?

Sinabi ni Yahweh na masisiraan ng loob ang mga tao ng Jerusalem at malulusaw.

Ezekiel 5

Ezekiel 5:1-4

Ano ang gagawin ni Ezekiel sa bawat ikatlong bahagi ng kaniyang buhok?

Susunugin ni Ezekiel ang ikatlong bahagi sa lungsod, hahampasin ang ikatlong bahagi sa pamamagitan ng espada sa palibot ng lungsod, at ikakalat ang ikatlong bahagi sa hangin.

Ano sinasabing gagawin ni Yahweh pagkatapos matapos ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na huhugutin niya ang isang espada upang habulin ang mga tao.

Ezekiel 5:5-6

Ayon kay Yahweh, nasaan ang Jerusalem?

Ang Jerusalem ay nasa gitna ng mga bansa.

Bakit sinasabi ni Yahweh na palilibutan niya ang Jerusalem sa pamamagitan ng ibang mga lupain?

Tinanggihan ng Jerusalem ang mga panuntunan ni Yahweh at hindi lumakad sa kaniyang mga kautusan.

Ezekiel 5:7-8

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin niya dahil sa asal ng bansang Israel?

Sinasabi ni Yaweh na kikilos siya laban sa bansang Israel at isasagawa niya ang kahatulan sa kanilang kalagitnaan.

Ezekiel 5:9-10

Anong mga kakilakilabot na bagay ang gagawin ng mga tao ng Israel dahil sa hatol ni Yahweh sa kanila?

Kakainin ng mga ama ang kanilang mga anak, at kakainin naman ng mga anak ang kanilang mga ama.

Ezekiel 5:11-12

Bakit sinasabi ni Yahweh na hindi niya patatawarin ang mga tao ng Israel?

Sinasabi ni Yahweh na hindi niya sila patatawarin dahil dinungisan nila ang santuwaryo ni Yahweh.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa bawat ikatlong bahagi ng mga tao?

Mamamatay sa pamamagitan ng salot ang isang ikatlong bahagi, babagsak sa espada ang isang ikatlong bahagi, at ikakalat ang isang ikatlong bahagi.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya pagkatapos mahatulan ng mga ikatlong bahagi ng mga tao?

Sinabi ni Yahweh na huhugot siya ng isang espada upang habulin ang mga tao.

Ezekiel 5:13-14

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin niya sa kaniyang poot pagkatapos ng paghatol na ito?

Sinasabi ni Yahweh na magiging ganap ang kaniyang poot pagkatapos ng paghatol na ito.

Ezekiel 5:15-17

Ano ang sasabihin ng ibang mga tao tungkol sa Jerusalem pagkatapos ng mga paghatol ni Yahweh?

Susumpain at kukutyain ng ibang mga tao ang Jerusalem pagkatapos ng mga paghatol ni Yahweh.

Ezekiel 6

Ezekiel 6:1-3

Ano ang hinula ni Ezekiel laban sa matataas na lugar ng Israel?

Hinulaan ni Ezekiel na wawasakin ng Panginoong Yahweh ang matataas na lugar ng Israel sa pamamagitan ng espada. [6:2-3]

Ezekiel 6:4-5

Ano ang mangyayari sa harapan ng mga diyus-diyosan ng Israel?

Ilalatag ng Panginoong Yahweh ang patay na mga katawan ng mga tao ng Israel sa harapan ng kanilang mga altar. [6:5]

Ezekiel 6:6-7

Ano ang mangyayari sa mga lungsod ng Israel?

Masisira ang mga lungsod ng Israel. [6:6]

Bilang bunga ng pagkawasak, ano ang malalaman ng mga tao ng Israel?

Malalaman ng mga tao ng Israel na ang Panginoon ay si Yahweh. [6:7]

Ezekiel 6:8-10

Ano ang gagawin ng mga natira na nakatakas pagkatapos nilang maikalat?

Aalalahanin si Yahweh ng mga natira at magpapakita ng pagkamuhi sa kanilang sarili para sa kanilang kasamaan. [6:8-9]

Ezekiel 6:11-12

Bakit magpapadala si Yahweh ng espada, taggutom at salot sa sambahayan ng Israel?

Dahil sa lahat ng kasamaang kasuklam-suklam ng sambahayang Israel, magpapadala ng espada, taggutom at salot si Yahweh. [6:11]

Ezekiel 6:13-14

Ano ang ginagawa ng mga tao ng Israel sa mga taluktok ng bundok at sa ilalim ng mga punong kahoy?

Naghahandog ang mga tao ng Israel ng nakapapawing halimuyak sa kanilang mga diyus-diyosan. [6:13]

Ezekiel 7

Ezekiel 7:1-2

Ayon sa salita ni Yahweh, ano ang dumating sa lupain ng Israel?

Ayon sa salita ni Yahweh, darating sa lupain ng Israel ang wakas. [7:1-2]

Ezekiel 7:3-4

Hahatulan ni Yahweh ang Israel ayon sa ano?

Hahatulan ni Yahweh ang Israel ayon sa pamaraan nito. [7:3]

Ezekiel 7:5-7

Ano ang panahong darating sa Israel?

Dumating na ang panahon ng pagkawasak at pagpaparusa sa Israel. [7:7]

Ezekiel 7:8-9

Ano ang ibubuhos at pupunuin ni Yahweh laban sa Israel?

Ibubuhos at pupunuin ni Yahweh ang kaniyang galit pupunuin ang kaniyang poot laban sa Israel. [7:8]

Ezekiel 7:10-11

Ano ang hindi tatagal sa Israel?

Wala sa kanilang maraming tao, wala sa kanilang kayamanan at wala sa kanilang kahalagahan ang tatagal. [7:11]

Ezekiel 7:12-13

Bakit hindi dapat magalak ang mamimili at hindi magluksa ang manininda sa Israel?

Hindi dapat magalak ang mamimili at hindi magluksa ang manininda sapagkat nasa karamihan ng tao ang poot ni Yahweh. [7:12]

Ezekiel 7:14-16

Paano mamamatay ang mga nasa lungsod?

Mamamatay sa pamamagitan ng taggutom at salot ang mga nasa lungsod. [7:15]

Saan tatakas ang mga nakaligtas?

Tatakas sa mga bundok ang mga nakaligtas. [7:16]

Ezekiel 7:17-19

Ano ang walang kakayanan upang iligtas ang mga tao ng Israel?

Ang kanilang pilak at ginto ay walang kakayanang iligtas ang mga tao ng Israel. [7:19]

Ezekiel 7:20-22

Ano ang mangyayari sa palamuting hiyas ng mga tao ng Israel?

Ang mga palamuting hiyas ay ibibigay sa kamay ng mga dayuhan at sa masasama bilang pandarambong. [7:21]

Ano ang mangyayari sa itinanging lugar ni Yahweh?

Papasukin ng mga tulisan ang itinanging lugar ni Yahweh at dudungisan ito. [7:22]

Ezekiel 7:23-25

Ano ang hahanapin ng mga tao ng Israel ngunit hindi mahanap?

Hahanapin ng mga tao ng Israel ang kapayapaan ngunit hindi ito masumpungan. [7:25]

Ezekiel 7:26-27

Ano ang mangyayari kapag maghahanap ng isang pangitain ang mga tao mula sa propeta?

Kapag naghanap ng isang pangitain ang mga tao, mawawala ang kautusan at payo. [7:26]

Paano tutugon ang hari at mga tao kapag darating ang paghahatol ni Yahweh?

Kapag dumating ang paghahatol, ang hari at ang mga tao ay mangiginig sa takot. [7:27]

Ezekiel 8

Ezekiel 8:1-2

Nasaan si Ezekiel nang dumating sa kaniya ang kamay ng Panginoong Yahweh?

Nakaupo si Ezekiel sa kaniyang bahay, kasama ng mga nakatatanda ng Juda na nakaupo sa kaniyang harapan. [8:1]

Ezekiel 8:3-4

Saan dinala si Ezekiel ng Espiritu, at ano ang kaniyang nakita roon?

Dinala si Ezekiel ng Espiritu sa loobang hilagang tarangkahan ng Jerusalem, kung saan nakita niya ang diyus-diyosan na pumukaw ng paninibugho. [8:3]

Ezekiel 8:5-6

Ano ang sinabi ng Espiritu na napilitan siyang gawin dahil sa malaking pagkasuklam ng sambahayan ng Israel?

Sinabi ng Espiritu na napilitan siyang lumayo sa kaniyang sariling santuwaryo. [8:6]

Ezekiel 8:7-11

Ano ang nakikita ni Ezekiel sa likod ng pader at sa pintuan ng patyo?

Nakita ni Ezekiel ang pitumpung nakatatanda ng Israel na nagsusunog ng insenso sa bawat dyus-diyosan ng sambahayan ng Israel. [8:7]

Pagkatapos maghukay ni Ezekiel at nakita ang isang pintuan, ano ang sinabi ng Espiritu na gawin ni Ezekiel?

Sinabi ng Espiritu kay Ezekiel na, pumunta at tingnan ang nakasusuklam na kasamaan na ginagawa nila rito. [8:9]

Ezekiel 8:12-13

Ano ang sinasabi ng mga nakatatanda tungkol kay Yahweh habang sinasamba nila ang kanilang mga diyus-diyosan?

Sinabi ng mga nakatatanda na hindi sila nakikita ni Yahweh at pinabayaan ni Yahweh ang lupain. [8:12]

Ezekiel 8:14-15

Ano ang nakikita ni Ezekiel na ginagawa ng mga kababaihan sa tarangkahan sa hilagang bahagi ng tahanan ni Yahweh?

Ang mgakababaihang nakaupo roon ay nagluluksa para kay Tammuz. [8:14-15]

Ezekiel 8:16

Ano ang nakita ni Ezekiel sa loobang patyo ng tahanan ni Yahweh?

Mayroong dalawampu't limang kalalakihan na nakaharap sa silangan at sumasamba kay Shemesh. [8:16]

Ezekiel 8:17-18

Dahil sa mga nakasusuklam sa sambahayan ng Israel, ano ang sinabi ng Espiritu na kaniyang gagawin?

Sinabi ng Espiritu na hindi siya mahahabag, kahit tumawag sila ng may isang malakas na tinig. [8:18]

Ezekiel 9

Ezekiel 9:1-2

Sino ang tinawag ng Espiritu upang pumunta sa lungsod?

Tinawag ng Espiritu ang anim na kalalakihang may pangwasak na mga sandata, at isang lalaking may kagamitan ng eskriba.

Ezekiel 9:3-4

Mula saan lumipat ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel at saan ito nagtungo?

Ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay lumipat mula sa kerubin na kung saan nasa bungad ito ng pintuan ng tahanan.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ng eskriba?

Sinabi ni Yahweh sa eskriba na gumawa ng isang palatandaan sa mga noo ng kalalakihang naghihinagpis at nagbubuntong-hininga tungkol sa lahat ng mga nakasusuklam na naganap sa lungsod.

Ezekiel 9:5-6

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng anim na kalalakihang may mga pangwasak na sandata?

Sinabi ni Yahweh sa anim na kalalakihang patayin ang lahat ng mga tao maliban sa mga may palatandaan sa kanilang mga ulo.

Ezekiel 9:7-8

Anong katanungan ang itinanong ni Ezekiel kay Yahweh habang nakita niyang sinasalakay ng anim na kalalakihan ang lungsod?

Tinanong ni Ezekiel si Yahweh kung mawawasak ba ng matinding galit ni Yahweh ang lahat ng nalabi ng Israel.

Ezekiel 9:9-11

Ano ang sagot ni Yahweh sa tanong ni Ezekiel?

Sumagot si Yahweh na ang kasalanan ng sambahayan ng Israel at Juda ay napakalaki, at hindi niya sila kaaawaan.

Ano ang ibinalita ng eskriba?

Ibinalita ng eskriba na nagawa na niya ang lahat ng ipinag-utos sa kaniya ni Yahweh.

Ezekiel 10

Ezekiel 10:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng lalaking nakasuot ng lino?

Sinabi ni Yahweh sa lalaking nakasuot ng lino na punuin pareho ang kaniyang mga kamay ng mga nagliliyab na baga at ikalat ang mga ito sa buong lungsod.

Ezekiel 10:3-5

Ano ang ginawa ng kaluwalhatian ni Yahweh?

Ang kaluwalhatian ni Yahweh ay pumaitaas at tumayo sa itaas ng bungad ng pintuan, at pinuno ng ulap at liwanag ang patyo.

Ezekiel 10:6-8

Paano natanggap ng lalaking nakasuot ng lino ang apoy na nasa gitna ng kerubin?

Pumasok ang lalaking nakasuot ng lino, at itinaas ng isang kerub ang apoy at inilagay ito sa mga kamay ng lalaki.

Ezekiel 10:9-11

Ano ang pagkakahawig ng mga gulong na nasa tabi ng kerubin?

Ang mga gulong na nasa tabi ng kerubin ay tulad ng isang gulong na pinagsalikupan sa isang gulong.

Ezekiel 10:12-14

Ano ang tumakip sa kerubin at sa apat na gulong?

Mga mata ang tumakip sa kerubin at sa apat na gulong.

Ano ang ipinangalan sa apat na mga gulong?

Ang apat na gulong ay tinawag na "Umiikot"

Ezekiel 10:15-17

Ano ang ginawa ng mga gulong habang gumagalaw ang kerubin?

Ang mga gulong ay pumupunta sa tabi ng kerubin kapag gumalaw ang kerubin.

Ezekiel 10:18-19

Saan pumunta ang kaluwalhatian ni Yahweh, ng kerubin at ng mga gulong?

Ang kaluwalhatian ni Yahweh, ng kerubin at ng mga gulong ay pumunta sa silanganang pasukan ng tahanan ni Yahweh.

Ezekiel 10:20-22

Saan nakita ni Ezekiel ang parehong mga buhay na nilalang noon?

Nakita ni Ezekiel ang parehong mga buhay na nilalang noon sa Ilog Kebar.

Ezekiel 11

Ezekiel 11:1

Ano ang nakita ni Ezekiel nang dalhin siya ng Espiritu sa silangang tarangkahan ng tahanan ni Yahweh?

Nakita ni Ezikiel ang dalawampu't limang kalalakihan, kasama ang mga pinuno ng mga tao sa kanilang kalagitnaan.

Ezekiel 11:2-4

Sa ano sinasabi ng Diyos na may kasalanan ang dalawampu't limang kalalakihan?

Sinabi ng Diyos na nagkasala ang mga kalalakihan sa pagkakatha ng kasamaan at pagpapasiya ng masasamang mga balak sa lungsod.

Ezekiel 11:5-7

Sa ano pinuno ng dalawampu't limang kalalakihan ang mga lansangan?

Pinuno ng dalawampu't limang kalalakihan ang mga lansangan ng mga taong kanilang pinatay.

Ezekiel 11:8-10

Ano ang kinatakutan ng dalawampu't limang kalalakihan, at ano ang sinasabi ni Yahweh na dadalhin niya?

Kinatakutan ng dalawampu't limang kalalakihan ang espada, at sinabi ni Yahweh na dadalhin niya ang espada sa kanila.

Sa kaninong mga kamay ibibigay ni Yaweh ang dalawampu't limang kalalakihan?

Ibibigay ni Yahweh ang dalawampu't limang kalalakihan sa mga kamay ng mga dayuhan.

Saan mahahatulan ang dalawampu’t limang kalalakihan at dahil sa hatol ni Yahweh sa kanila, ano ang malalaman ng dalawanpu’t limang kalalakihan?

Hahatulan ang dalawampu’t limang kalalakihan sa hangganan ng Israel, at dahil sa hatol ni Yahweh laban sa kanila, malalaman ng mga kalalakihan na ang Panginoon ay si Yahweh.[11:9-10]

Ezekiel 11:11-12

Anong mga utos ang dapat tuparin ng dalawampu't limang kalalakihan?

Ang dalawampu't limang kalalakihan ay dapat tumupad sa mga utos ng mga bansang nakapalibot sa kanila.

Ezekiel 11:13-15

Ano ang ikinatakot si Ezekiel na gagawin ni Yahweh sa Israel?

Natakot si Ezekiel na baka ganap na wasakin ni Yahweh ang nalabi sa Israel?

Ezekiel 11:16-18

Anong pangako ang ibinigay ni Yahweh sa Israel sa kabila ng paghahatol niya sa kanila?

Ipinangako ni Yahweh na tipunin ang Israel mula sa mga tao, at upang ipunin sila sa lupain ng Israel.

Ezekiel 11:19-21

Ano ang ipinangako ni Yahweh na tatanggalin mula sa mga tao ng Israel, at sa halip ay ibibigay sa kanila?

Ipinangako ni Yahweh na tatanggalin sa kanila ang pusong bato at ibibigay sa kanila ang isang pusong laman.

Paano dapat lumakad ang mga tao ng Israel?

Ang mga tao ng Israel ay dapat lumakad sa kautusan at utos ni Yahweh.

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin para sa mga lumakad ng may pagmamahal tungo sa kanilang nakasusuklam na mga bagay?

Sinabi ni Yahweh dadalhin niya ang kanilang gawa sa sarili nilang mga ulo.

Ezekiel 11:22-23

Mula saan umalis ang kaluwalhatian ni Yahweh at saan pumunta ang kaluwalhatian ni Yahweh?

Iniwan ng kaluwalhatian ni Yahweh ang gitna ng lungsod at tumayo sa silangang bundok

Ezekiel 11:24-25

Ano ang ginawa ni Ezekiel nang dalhin siya ng Espiritu sa Caldea?

Ipinahayag ni Ezekiel sa mga bihag ang lahat ng mga bagay na ipinakita sa kaniya ni Yahweh.

Ezekiel 12

Ezekiel 12:1-2

Ayon kay Yahweh, saan naninirahan si Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na naninirahan si Ezekiel sa kalagitnaan nang mapanghimagsik na sambahayan.

Ezekiel 12:3

Ano ang gagawin ni Ezekiel sa paningin ng mga tao ng Israel?

Maghahanda si Ezekiel para sa pagkakatapon, aalis sa kanilang paningin patungo sa ibang lugar.

Ezekiel 12:4-7

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel kung paano siya lalabas?

Sinabi ni Yahwheh kay Ezekiel na maghukay siya ng isang butas sa pader at lalabas siya mula rito.

Ayon kay Yahweh, ano ang layunin ng pagkakatapon ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na ang kaniyang pagkakatapon ay isang tanda para sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 12:8-10

Ano ang katanungan na itinanong ng sambahayan ng Israel kay Ezekiel sa paglabas niya sa kaniyang tahanan?

Itinanong ng sambahayan ng Israel, "Ano ang iyong ginagawa?"

Para kanino ang inihayag ni Ezekiel na propesiya?

Para sa prinsipe ng Jerusalem ang inihayag ni Ezekiel na propesiya at sa lahat ng sambahayan ng Israel.

Ezekiel 12:11-13

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa prinsipeng nasa Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na lalabas ang prinsipeng nasa Jerusalem sa pamamagitan ng pader, ngunit madadakip at dadalhin sa Babilonia kung saan siya mamatay nang hindi makikita.

Ezekiel 12:14-18

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa hukbo ng prinsipeng nasa Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na ikakalat niya ang hukbo at magpapadala siya ng espada sa kanilang likuran.

Ano ang dalawang dahilan ni Yahweh sa ilang mga tao na kaniyang itinira?

Sinabi ni Yahweh na magtitira siya ng ilang mga tao para maitala nila ang mga kasuklam-suklam na gawain ng Israel nang sa gayun malaman nila na ang Panginoon ay si Yahweh.

Ezekiel 12:19-20

Ayon kay Yahweh, paano kakain at iinom ang mga tao sa lupain ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na kakainin ng mga tao ang kanilang tinapay nang may panginginig at iinumin nila ang kanilang tubig habang nangangatal.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga lungsod at lupain?

Sinabi ni Yahweh na mapapabayaan ang mga lungsod at magiging kaparangan ang lupain.

Ezekiel 12:21-23

Ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa mga pangitain?

Iniisip ng mga tao na ang bawat pangitain ay matagal na at hindi matutupad.

Ezekiel 12:24-25

Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi na magkakaroon sa sambahayan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na hindi na magkakaroon ng anumang mga pangitaing hindi totoo o mga pagtatanging paghuhula na nasa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 12:26-28

Ayon sa mga Israelita, kailan matutupad ang pangitain ni Ezekiel?

Sinabi ng sambahayan ng Israel, 'Matagal pang mangyayari ang pangitain na kaniyang nakikita mula sa araw na ito at matatagalan pa ang kaniyang mga ipinahayag.'

Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa katuparan ng pangitain ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na hindi na maaantala ang kaniyang mga salita ngunit mangyayari na ang mga salitang sinabi niya.

Ezekiel 13

Ezekiel 13:1-4

Saan nagmumula ang mga pagpapahayag ng mga bulaang propeta ng Israel?

Nagmumula sa kanilang sariling isipan at diwa ang pagpapahayag ng mga bulaang propeta ng Israel.

Ezekiel 13:5-7

Ano ang hindi napagtagumpayan na gawin ng mga bulaang propeta?

Hindi nagawang ayusin ng mga bulaang propeta ang mga bitak sa pader na nakapalibot sa sambahayan ng Israel.

Ano ang sinasabi ng mga bulaang propeta kahit hindi naman sila isinugo ni Yahweh?

Sinasabi ng mga bulaang propeta na, "Ito ang mga pahayag ni Yahweh," kahit hindi sila isinugo ni Yahweh.

Ezekiel 13:8-9

Ano ang ginawang pagpapahayag ni Yahweh laban sa mga bulaang propeta ng Israel?

Ipinahayag ni Yahweh na ang kaniyang kamay ay laban sa mga bulaang propeta at hindi sila maitatatala sa talaan ng sambahayan ng Israel.

Ezekiel 13:10-12

Ano ang mensaheng sinasabi ng mga bulaang propeta sa mga tao?

Sinasabi ng mga bulaang propeta na, "Kapayapaan!" kung saan wala namang kapayapaan.

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin sa pader na napintahan ng kalburong pampinta na ipinapatayo ng mga bulaang propeta?

Sinabi ni Yahweh na wawasakin niya ang pader na napintahan ng kalburong pampinta na ipinapatayo ng mga bulaang propeta.

Ano ang pahayag na ginawa ni Yahweh laban sa mga bulaang propeta ng israel?

Ipinahayag ni Yahweh na ang kaniyang kamay ay laban sa mga bulaang propeta at hindi sila maitatala sa talaan ng sambahayan ng Israel.

Ezekiel 13:13-14

Ano ang malalaman ng mga tao kapag winasak ni Yahweh ang mga bulaang propeta?

Malalaman ng mga tao na ang Panginoon ay si Yahweh.

Ezekiel 13:15-16

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa pader at sa mga nagpintura nito?

Sinabi ni Yahweh na lilipulin niya ang pader at ang mga nagpintura nito.

Ano ang mga ipinapahayag ng mga bulaang propeta sa mga tao tungkol sa Jerusalem?

Nagpapahayag ang mga bulaang propeta ng kapayapaan para sa Jerusalem.

Ezekiel 13:17-18

Ano ang sinabi sa "anak ng tao" na gagawin niya sa mga anak na babae ng kaniyang mga tao na nagpapahayag ng propesiya na mula sa kanilang mga sariling isipan?

Sinabihan ang "anak ng tao" na maghayag ng propesiya laban sa kanila.

Para saan ang mga ginawa ng mga kababaihan na salamangka at mga talukbong?

Ang mga agimat at mga talukbong na ginawa ng mga kababaihan ay ginamit upang makabihag ng mga tao.

Ezekiel 13:19

Ano ang ginagawa ng mga babaeng bulaang propeta sa buhay ng mga tao?

Pinapatay ng mga babaeng bulaang propeta ang mga taong hindi dapat mamatay at pinangangalagaan ang buhay ng mga hindi dapat manatiling mabuhay.

Ezekiel 13:20-21

Ano ang ginagamit ng mga babaeng bulaang propeta upang mabitag at mahuli ang mga tao?

Gumagamit ng mga anting-anting ang mga babaeng bulaang propeta upang mabitag at mahuli ang mga tao.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa kaniyang mga taong nabitag?

Sinabi ni Yahweh na pakakawalan niya ang kaniyang mga tao na nabitag.

Ezekiel 13:22-23

Ano ang ginagawa ng mga bulaang propeta sa mga matutuwid at sa mga masasamang tao?

Pinapahina ng mga bulaang propeta ang mga matutuwid at hinihimok ang mga masasamang tao.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mawawala sa mga bulaang propeta?

Sinabi ni Yahweh na hindi na magkakaroon ng mga pagitaing hindi totoo o magpatuloy na gumawa ng mga panghuhulang hindi totoo.

Ezekiel 14

Ezekiel 14:1-3

Sino ang pumunta kay Ezekiel upang sumangguni sa kaniya?

Pumunta kay Ezekiel ang mga nakatatanda ng Israel upang sumangguni sa kaniya.

Bakit itinanong ni Yahweh kung dapat bang sumangguni sa kaniya ang mga kalalakihang ito?

Nagtanong si Yahweh dahil taglay ng mga nakatatanda ang kanilang mga diyus-diyosan sa kanilang mga puso.

Ezekiel 14:4-5

Ayon kay Yahweh, paano niya sasagutin ang mga nagtataglay ng mga diyus-diyosan sa kanilang mga puso?

Sinabi ni Yahweh na sasagutin niya ang mga nagtataglay ng mga diyus-diyosan sa kanilang mga puso ayon sa dami ng kanilang mga diyus-diyosan.

Ezekiel 14:6

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng sambahayan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh sa sambahayan ng Israel na magsisi at talikuran ang mga diyus-diyosan nito.

Ezekiel 14:7-8

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa bawat taong sumasamba sa mga diyus-diyosan at pagkatapos ay magtatanong sa propeta ni Yahweh?

Sinabi ni Yahweh na gagawin niyang tanda at isang kawikaan ang taong iyon sa pamamagitan ng paghihiwalay niya sa taong ito mula sa mga tao ng Israel.

Ezekiel 14:9-11

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa bawat mapanlinlang na propeta?

Sinabi ni Yahweh na lilinlangin at wawasakin niya ang propetang iyon.

Ano ang nais ni Yahweh na kaugnayan niya sa mga tao ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na nais niyang maging tao ang mga tao at siya ang kanilang magiging Diyos.

Ezekiel 14:12-14

Kapag nagdala si Yahweh ng kahatulan, ano ang tanging magagawa kahit pa ng mga pinakamatuwid sa lupain?

Kapag nagdala si Yahweh nang kahatulan, kahit pa ang mga pinakamatuwid sa lupain, ang sarili lamang nilang kaluluwa ang maililigtas nila.

Sino ang mga ginamit ni Yahweh bilang halimbawa sa ilang mga matutuwid na kalalakihan sa kasaysayan?

Ginamit na halimbawa ni Yahweh ang ilang mga pinakamatuwid na kalalakihan sa kasaysayan na sina Noe, Daniel at Job.

Ezekiel 14:15-16

Sino ang mga ginamit ni Yahweh bilang halimbawa sa ilang mga pinakamatutuwid na kalalakihan sa kasaysayan?

Ginamit na halimbawa ni Yahweh ang ilang mga pinakamatuwid na kalalakihan sa kasaysayan na sina Noe, Daniel at Job.

Kapag nagdala si Yahweh ng kahatulan, sino ang hindi maililigtas ng mga pinakamatuwid sa lupain?

Kapag nagdala si Yahweh nang kahatulan, hindi magagawang iligtas ng mga pinakamatuwid sa lupain ang kanilang mga lalaki o babaeng anak.

Ezekiel 14:17-18

Sino ang mga ginamit ni Yahweh bilang halimbawa sa ilang mga pinakamatutuwid na kalalakihan sa kasaysayan?

Ginamit na halimbawa ni Yahweh ang ilang mga pinakamatuwid na kalalakihan sa kasaysayan na sina Noe, Daniel at Job.

Kapag nagdala si Yahweh ng kahatulan, sino ang hindi maililigtas ng mga pinakamatuwid sa lupain?

Kapag nagdala si Yahweh ng kahatulan, hindi magagawang iligtas ng mga pinakamatuwid sa lupain ang kanilang mga lalaki o babaeng anak.

Ezekiel 14:19-20

Sino ang mga ginamit ni Yahweh bilang halimbawa sa ilang mga pinakamatutuwid na kalalakihan sa kasaysayan?

Ginamit na halimbawa ni Yahweh ang ilang mga pinakamatuwid na kalalakihan sa kasaysayan na sina Noe, Daniel at Job.

Kapag nagdala si Yahweh ng kahatulan, sino ang hindi maililigtas ng mga pinakamatuwid sa lupain?

Kapag nagdala si Yahweh ng kahatulan, hindi magagawang iligtas ng mga pinakamatuwid sa lupain ang kanilang mga lalaki o babaeng anak.

Ezekiel 14:21

Ayon kay Yahweh, anu-ano ang apat na kaparusahang ipapadala niya sa Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na ipapadala niya ang apat na kaparusahan ng taggutom, espada, mababangis na hayop at salot.

Ezekiel 14:22-23

Pagkatapos ng paghatol ni Yahweh, sino ang maiiwan?

Pagkatapos ng paghatol ni Yahweh, may mga matitirang lalabas kasama ang kanilang mga anak na lalaki at babaeng anak.

Ano ang magiging dahilan ng pagkaaliw ni Ezekiel?

Kapag makikita ni Ezekiel ang kaparaanan at ginagawa ng mga natirang nakaligtas, siya ay maaaliw.

Ezekiel 15

Ezekiel 15:1-4

Ano ang dalawang bagay sa kagubatan na pinagkukumpara ni Yahweh?

Pinagkukumpara ni Yahweh ang puno ng ubas at ang iba pang punong-kahoy na may sanga.

Ezekiel 15:5-6

Ano ang sinabi ng Panginoong Yahweh kung para saan niya ibinigay ang puno ng ubas?

Sinabi ng Panginoong Yahweh na ibinigay niya ang puno ng ubas bilang panggatong sa apoy.

Paano sinabi ni Yahweh na ang mga naninirahan sa Jerusalem ay katulad ng puno ng ubas?

Sinabi ni Yahweh na ang mga naninirahan sa Jerusalem ay katulad ng sa puno ng ubas na parehong ibinigay bilang panggatong sa apoy.

Ano ang dalawang bagay na sinabi ni Yahweh na hindi magagawa ng mga tao sa puno ng ubas?

Sinabi ni Yahweh na walang magagawa ang mga tao mula sa puno ng ubas o makagawa ng tulos upang pagsabitan ng anumang bagay.

Kapag naitapon sa apoy ang puno ng ubas, ano ang mapapakinabangan dito?

Kapag itinapon sa apoy ang puno ng ubas, wala na itong pakinabang.

Ezekiel 15:7-8

Ano ang malalaman ng lahat kapag tinupok na ni Yahweh ang mga naninirahan sa Jerusalem sa pamamagitan ng apoy?

Malalaman ng lahat na ang Panginoon ay si Yahweh.

Bakit gagawin ni Yahweh ang lupain na parang at walang naninirahan?

Gagawing parang ni Yahweh ang lupain na walang naninirahan dahil sa pagkakasala ng mga naninirahan sa Jerusalem.

Ezekiel 16

Ezekiel 16:1-3

Saan ang sinabi ni Yahweh na pasimula at kapanganakan ng Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na sa lupain ng Canaan nangyari ang simula at kapanganakan ng Jerusalem.

Ezekiel 16:4-5

Ano ang nangyari sa Jerusalem sa araw na isinilang ito?

Itinapon ang Jerusalem sa isang malawak na kaparangan sa araw na ito ay isinilang.

Ezekiel 16:6-7

Ano ang ginawa ni Yahweh sa Jerusalem pagkatapos itong maisilang?

Pagkatapos maisilang, pinalaki ni Yahweh ang Jerusalem na katulad ng isang halaman sa isang bukirin.

Ezekiel 16:8-12

Ano ang ginawa ni Yahweh sa Jerusalem nang lumaki na ito?

Sinuotan ni Yahweh ng damit ang Jerusalem at dinala sa isang kasunduan.

Ezekiel 16:13-14

Bakit lumaganap sa gitna ng ibang mga bansa ang katanyagan ng Jerusalem?

Lumaganap ang katanyagan ng Jerusalem sa ibang mga bansa dahil sa kagandahan nito.

Ezekiel 16:15-19

Paano kumilos ang Jerusalem pagkatapos lumaganap ang kaniyang katanyagan sa gitna ng ibang mga bansa?

Kumilos ang Jerusalem na katulad ng isang babaeng bayaran pagkatapos lumaganap ang kaniyang katanyagan sa gitna ng ibang mga bansa.

Ezekiel 16:20-22

Ano ang ginawa ng Jerusalem sa kaniyang mga anak na lalaki at babaeng isinilang para kay Yahweh?

Inialay ng Jerusalem ang kaniyang mga anak na lalaki at babae sa mga imahe.

Ezekiel 16:23-26

Ano ang ginawa ng Jerusalem sa mga pampublikong lugar?

Ang Jerusalem ay gumawa ng mga dambana sa bawat pampublikong lugar.

Ezekiel 16:27-31

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang puputulin dahil sa kahalayan at pagiging katulad ng babaeng bayaran ng Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na kaniyang puputulin ang pagkain ng Jerusalem dahil sa kaniyang pagiging tulad ng isang babaeng bayaran.

Ezekiel 16:32-34

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaibahan ng Jerusalem sa babaeng bayaran?

Sinabi ni Yahweh na ang kaibahan ay binabayaran ng mga tao ang ginagawa ng babaeng bayaran ngunit ang Jerusalem ay nagbabayad sa kaniyang mga mangingibig at sinusuhulan ang mga ito.

Ezekiel 16:35-39

Sino ang sinabi ni Yahweh na kaniyang titipunin laban sa Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na titipunin niya ang lahat ng mga mangingibig ng Jerusalem laban sa kaniya sa lahat ng dako.

Ezekiel 16:40-46

Paano magbabago ang ugali ni Yahweh patungo sa Jerusalem pagkatapos itong maparusahan?

Pagkatapos maparusahan ang Jerusalem, hindi na muling magagalit si Yahweh sa Jerusalem.

Ezekiel 16:47-48

Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem na gumawa siya ng higit na mas masama kaysa sa aling dalawang lugar?

Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem na gumawa ito ng higit na mas masama kaysa sa Sodoma at Samaria.

Ezekiel 16:49-50

Sino ang tinanggihang tulungan ng Sodoma?

Tinanggihang tulungan ng Sodoma ang mga mahihirap at nanganailangan.

Ezekiel 16:51-55

Sinabi ni Yahweh na gumawa ang Jerusalem ng higit na mas masama kaysa sa anong dalawang lugar?

Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem na gumawa ito ng higit na mas masama kaysa sa Sodoma at Samaria.

Ezekiel 16:56-58

Ano ang inisip ng mga taong nasa paligid ng Jerusalem tungkol sa lungsod?

Ang Jerusalem ay kinamuhian at ginawang tampulan ng pagkasuklam ng mga taong nakapalibot dito.

Ezekiel 16:59

Sinabi ni Yahweh na ituturing niya ang Jerusalem katulad ng pagturing niya sa sinumang taong gumawa ng anong bagay?

Sinabi ni Yahweh na ituturing niya ang Jerusalem katulad ng pagturing niya sa sinumang taong lumimot sa kaniyang sinumpaang pangako at sumira sa isang tipan.

Ezekiel 16:60-61

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang aalalahanin at gagawin?

Sinabi ni Yahweh na aalalahanin niya sa kaniyang isipan ang kasunduan niya sa Jerusalem at gagawa ng walang hanggang kasunduan dito.

Ezekiel 16:62-63

Ano ang magiging tugon ng Jerusalem kapag pinatawad na ni Yahweh ang lahat ng kaniyang ginawa?

Mapapahiya ang Jerusalem at hindi na ito muling magsasalita dahil sa kaniyang kahihiyan.

Ezekiel 17

Ezekiel 17:1-4

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na ipahayag at sabihin niya sa sambahayan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na maghayag ka at magsalita sa pamamagitan ng talinghaga at bugtong sa sambahayan ng Israel.

Sa talinghaga , saan itinanim ng malaking agila ang dulo ng mga sanga ng sedar

Itinanim ng malaking agila ang mga dulo ng sanga ng sedar sa lupain ng Canaaan sa lungsod ng mga mangangalakal.

Ezekiel 17:5-6

Sa talinghaga, saan itinanim ng malaking agila ang buto ng lupa, at paano ito lumago?

Ang malaking agila ay itinanim ang buto sa tabi ng malawak na bahagi ng tubig, at ang baging ay nagkaroon ng mga sanga at mga usbong.

Ezekiel 17:7-8

Sa talinghaga, ano ang ginawa ng baging nang dumating ang isa pang malaking agila?

Ang baging at ang kaniyang mga ugat ay humarap sa isa pang malaking agila.

Ezekiel 17:9-10

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa baging sa talinghaga?

Sinabi ni Yahweh na ang baging ay lubusang matutuyo sa kung saan ito nakatanim

Ezekiel 17:11-12

Ano ang ginawa ng hari ng Babilonia sa hari ng Jerusalem?

Dinala ng hari ng Babilonia ang hari ng Jerusalem sa Babilonia.

Ezekiel 17:13-14

Ano ang ginawa ng hari ng Babilonia sa lahing maharlikang kaapu-apuhan ng hari ng Jerusalem?

Ang hari ng Babilonia ay nakipagtipan sa lahing hari ng Jerusalem.

Paano sinabi ni Yahweh na ang lupain ng Israel ay maliligtas?

Sinabi ni Yahweh na makaliligtas ang lupain ng Israel sa pamamagitan ng pagtupad ng hari ng Jerusalem sa tipan nila ng hari ng Babilonia.

Ezekiel 17:15-18

Paano nilabag ng hari ng Jerusalem ang kasunduan na ginawa niya kasama ang hari ng Babilonia?

Ang hari ng Jerusalem ay naghimagsik at nagpadala ng mga kinatawan sa Egipto upang kumuha ng mga kabayo at mga hukbo.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa hari ng Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na ang hari ng Israel ay mamatay sa gitna ng Babilonia.

Ezekiel 17:19-21

Ayon kay Yahweh, kaninong kasunduan ang hindi sinunod ng hari ng Jerusalem?

Ayon kay Yahweh, ang tipan ni Yahweh ang talagang hindi tinupad ng hari ng Jerusalem

Ano ang inihayag ni Yahweh na mangyayari sa mga hukbo ng hari ng Jerusalem?

Inihayag ni Yahweh na babagsak ang mga hukbo ng hari ng Jerusalem sa pamamagitan ng espada.

Ezekiel 17:22-24

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa malambot na bahagi ng mga sanga ng punong sedar?

Sinabi ni Yahweh na itatanim niya ang malambot na mga sanga sa isang mataas na bundok.

Ano ang kalalabasan ng mga sanga na itinanim ni Yahweh?

Ang sanga na itinanim ni Yahweh ay magiging kamangha-manghang sedar na titirhan ng mga may pakpak na ibon

Ezekiel 18

Ezekiel 18:3-6

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa bawat taong makasalanan?

Ipinahayag ni Yahweh na ang bawat taong makasalanan ay mamamatay.

Ezekiel 18:7-11

Sino ang tinutulungan ng matuwid na tao?

Ang matuwid na tao ay nagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad.

Ano ang nilalakaran at ipinapatupad ng matuwid na tao?

Ang matuwid na tao ay lumalakad sa mga kautusan ni Yahweh at ipinapatupad niya ang mga utos ni Yahweh.

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa taong matuwid?

Ipinahahayag ni Yahweh na ang matuwid na tao ay mabubuhay

Ezekiel 18:12-13

Kung ang matuwid na tao ay may anak na nangaapi sa mahihirap at nangangailangan, ano ang ipinahahayag ni Yahweh na mangyayari sa kaniya?

Ipinahayag ni Yahweh na ang hindi matuwid na anak ay hindi mabubuhay

Ezekiel 18:14-15

Kung ang anak na hindi matuwid ay magkaroon ng anak na may takot sa Diyos at hindi ginawa ang ginawa ng kaniyang ama, ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari?

Ipinahayag ni Yahweh na ang matuwid na anak ay tiyak na mabubuhay.

Ezekiel 18:16-18

Kung ang anak ay hindi lumakad sa kasalanan ng kaniyang ama, ang anak ba ay mamamatay dahil sa kasalanan ng Ama?

Kung susundin ng anak ang utos ni Yahweh at lumalakad sa alituntunin ni Yahweh, siya ay hindi mamamatay dahil sa kasalanan ng kaniyang ama.

Ezekiel 18:19-20

Bakit hindi pananagutan ng matuwid na anak ang kasalanan ng kaniyang ama?

Hindi pananagutan ng anak ang kasalanan ng ama dahil ginagawa niya ang katarungan at katuwiran.

Ezekiel 18:21-22

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa taong makasalanan na tatalikod sa kaniyang mga kasalanan?

Ipinahayag ni Yahweh na ang taong makasalanan na tatalikod sa lahat niyang kasalanan ay tiyak na mabubuhay.

Ezekiel 18:23

Saan lubos na nagagalak si Yahweh?

Si Yahweh ay lubos na nagagalak sa mga makasalanang tumalikod sa kasalanan at sumunod sa paraan niya ay mabubuhay.

Ezekiel 18:24-26

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa taong matuwid na bumalik at gumagawa ng kasalanan at kasamaan?

Ipinahayag ni Yahweh na ang matuwid na tao na bumalik sa masama at gumawa ng kasalanan ay mamatay sa kaniyang kasalanan.

Ezekiel 18:27-28

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa taong tumalikod mula sa lahat niyang mga kasalanan?

Ipinahayag ni Yahweh na tiyak na mabubuhay ang taong tumalikod sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.

Ezekiel 18:29-30

Paano sinabi ni Yahweh na hahatulan niya bawat tao?

Sabi ni Yahweh na hahatulan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang mga pamamaraan.

Ano ang panawagan ni Yahweh na gagawin ng sambahayan ng Israel?

Ang panawagan ni Yahweh na gagawin ng sambahayan ng Israel na magsisi at talikuran ang lahat ng mga kasalanan.

Ezekiel 18:31-32

Ano ang panawagan ni Yahweh na gawin ng sambahayan ng Israel para sa kanilang sarili?

Ang panawagan ni Yahweh sa sambahayan ng Israel na maging bago ang kanilang puso at espiritu para sa kanilang sarili mismo.

Ezekiel 19

Ezekiel 19:1-4

Ano ang sinabi kay Ezekiel na ihayag niya?

Sinabi kay Ezekiel na maghayag ng isang panaghoy laban sa mga pinuno ng Israel.

Sa talinghaga tungkol sa mga leon, ano ang natutunang gawin ng isa sa mga batang leon?

Natutunan ng isa sa mga batang leon na lumapa ng kaniyang mga biktima at lumamon ng mga tao.

Nang marinig ng mga bansa ang tungkol sa batang leon na ito, ano ang kanilang ginawa?

Hinuli ng mga bansa ang batang leon sa patibong at dinala siya sa lupain ng Egipto.

Ezekiel 19:5-7

Pagkatapos mawala ng unang batang leon, ano ang natutunang gawin ng ikalawang batang leon?

Natutunan ng ikalawang batang leon na lumapa ng kaniyang mga biktima at lumamon ng mga tao.

Ezekiel 19:8-9

Ano ang ginawa ng mga bansa sa ikalawang batang leon?

Hinuli ng mga bansa ang batang leon sa patibong at dinala siya sa hari ng Babilonia.

Ezekiel 19:10-11

Ano ang minsan nang naging katulad ng ina ng Israel?

Ang ina ng Israel ay minsang nang naging katulad ng mabungang puno ng ubas na nakatanim sa tabi ng tubig.

Ano ang paggagamitan sa kaniyang mga matibay na sanga?

Ang kaniyang mga matibay na sanga ay gagamitin para sa setro ng pinuno.

Ezekiel 19:12-13

Ano ang nangyari sa puno ng ubas?

Binunot, itinapon at tinuyo ng hanging mula sa silangan ang puno ng ubas.

Saan ang puno ng ubas?

Ang puno ng ubas ay nasa ilang.

Ezekiel 19:14

Ano ang hindi na taglay ng puno ng ubas?

Ang puno ng ubas ay wala nang mga matibay na sanga o setro para mamuno.

Ezekiel 20

Ezekiel 20:1

Sino ang pumunta kay Ezekiel at bakit sila pumunta?

Pumunta kay Ezekiel ang mga nakatatanda ng Israel upang sumangguni kay Yahweh.

Ezekiel 20:2-3

Ano ang tugon ni Yahweh sa mga pumunta kay Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na hindi siya mapagsasanggunian ng mga nakatatanda ng Israel.

Ezekiel 20:4-6

Ano ang ipinangako ni Yahweh na gagawin para sa Israel nang sila ay nasa lupain ng Egipto.

Ipinangako ni Yahweh na dadalhin sila sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan.

Ezekiel 20:7

Anong utos ang ibinigay ni Yahweh sa mga Israelita sa lupain ng Egipto?

Inutusan ni Yahweh ang mga tao na itapon ang kanilang mga diyus-diyosan ng Egipto.

Ezekiel 20:8-9

Paano tumugon ang mga Israelita sa utos ni Yahweh?

Naghimagsik ang mga tao laban kay Yahweh at ayaw nilang makinig.

Bakit sinabi ni Yahweh na kumilos siya upang ilabas ang mga Israelita sa lupain ng Egipto?

Sinabi ni Yahweh na kumilos siya alang-alang sa kaniyang pangalan upang hindi ito malapastangan sa mga mata ng mga bansa.

Ezekiel 20:10-12

Ano ang ibinigay ni Yahweh sa mga Israelita sa ilang?

Ibinigay ni Yahweh sa mga tao ang kaniyang mga kautusan, alituntunin, at Araw ng Pamamahinga.

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao na magagawa nila kung susundin nila ang kaniyang mga alituntunin?

Sinabi ni Yahweh sa mga tao na mabubuhay sila kung susundin nila ang kaniyang mga alituntunin.

Ezekiel 20:13-14

Paano tumugon ang mga Israelita sa ibinigay ni Yahweh sa kanila sa ilang?

Naghimagsik ang mga tao laban kay Yahweh at tinanggihan ang kaniyang mga alituntunin.

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao na magagawa nila kung susundin nila ang kaniyang mga alituntunin?

Sinabi ni Yahweh sa mga tao na mabubuhay sila kung susundin nila ang kaniyang mga alituntunin.

Ezekiel 20:15-20

Ano ang ipinangako ni Yahweh na hindi niya gagawin para sa mga Israelita dahil tinanggihan nila ang kaniyang mga alituntunin?

Ipinangako ni Yahweh na hindi sila dadalhin sa lupaing ibibigay niya sa kanila.

Ezekiel 20:21-22

Paano tumugon ang mga lalaking anak at babaeng anak ng Israel nang inutusan sila ni Yahweh na lumakad sa kaniyang mga alituntunin?

Ang mga lalaking anak at babaeng anak ng Israel ay naghimagsik laban kay Yahweh at hindi sinunod ang kaniyang mga alituntunin.

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao na magagawa nila kung susundin nila ang kaniyang mga alituntunin?

Sinabi ni Yahweh sa mga tao na mabubuhay sila kung susundin nila ang kaniyang mga alituntunin.

Ezekiel 20:23-26

Ano ang ipinangako ni Yahweh na gawin sa mga lalaking anak at babaeng anak ng Israel?

Nangako si Yahweh na ikakalat sila sa mga bansa.

Ezekiel 20:27-29

Paano nilapastangan at pinagtaksilan ng mga ama ng Israel si Yahweh?

Nilapastangan at pinagtaksilan ng mga ama ng Israel si Yahweh sa pamamagitan ng paghahandog ng mga alay sa mga diyus-diyosan sa mga matataas na lugar.

Ezekiel 20:30-32

Ano ang ginagawa ng mga Israelita sa kanilang mga lalaking anak?

Ipinapadaan ng mga Israelita sa apoy ang kanilang mga lalaking anak.

Anong kaisipan ang nasa isip ng mga Israelita?

Iniisip ng mga Israelita na nais nilang maging katulad ng ibang bansang sumasamba sa kahoy at bato.

Ezekiel 20:33-35

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa mga Israelita upang hatulan sila nang harap-harapan?

Sinabi ni Yahweh na titipunin niya sa ilang ang mga tao ng mga Israelita mula sa mga bansa kung saan sila nakakalat.

Ezekiel 20:36-39

Ano ang sinabi ni Yahweh na aalisin niya mula sa mga tao ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na aalisin niya ang mga mapanghimagsik at sumusuway mula sa mga tao ng Israel.

Ezekiel 20:40-41

Pagkatapos tipunin ni Yahweh ang sambahayan ng Israel sa kaniyang banal na bundok, paano ituturing ng mga Israelita si Yahweh?

Pagkatapos tipunin ni Yahweh ang sambahayan ng Israel sa kaniyang banal na bundok, ituturing ng mga Israelita si Yahweh bilang banal sa paningin ng mga bansa.

Ezekiel 20:42-44

Ano ang iisipin ng sambahayang Israel tungkol sa kanilang mga sarili kapag inalala nila ang nakaraan nilang mga masasamang kaparaanan?

Kamumuhian ng sambahayang Israel ang kanilang mga sarili dahil sa mga masasamang gawain na kanilang ginawa.

Ezekiel 20:45-47

Ano ang pahayag ni Yahweh laban sa kagubatan ng Negev?

Ipinahayag ni Yahweh na pasisiklabin niya ang apoy na susunog sa bawat mukha mula sa timog hanggang sa hilaga.

Ezekiel 20:48-49

Ano ang sinasabi ng mga tao ng Israel tungkol kay Ezekiel?

Sinasabi ng mga tao ng Israel na isa lamang tagasalaysay ng talinghaga si Ezekiel.

Ezekiel 21

Ezekiel 21:1-5

Laban kanino ang sinasabi ni Yahweh ng nagsalita kay Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magsasalita laban sa mga santuwaryo; laban sa lupain ng Israel. [21:2]

Sino ang sinabi ni Yahweh na papatayin niya sa lupain ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na papatayin niyang pareho ang matuwid at ang masasamang tao sa lupain ng Israel.[21:3]

Ezekiel 21:6-9

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na gawin sa harapan ng mga tao?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na maghinagpis siya sa harapan ng mga tao. [21:6]

Bakit sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na kumilos sa ganitong paraan sa paningin ng mga tao?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na kumilos sa ganitong paraan upang ipakita kung anong mangyayari sa kanila kapag dinala na ni Yahweh ang espada laban sa kanila. [21:7]

Ezekiel 21:10-11

Bakit sinabi ni Yahweh dapat na patalimin at pakintabin ang espada?

Dapat patalimin at pakintabin ang espada para malaking pagpatay.

Kanino ibinigay ang napatalim at pinakintab na espada?

Ang pinakintab at pinatalim na espada ay ibibigay sa kamay ng mga pumapatay. [21:11]

Ezekiel 21:12-14

kanino darating ang espada?

Darating ang espadang iyan sa mga tao ni Yahweh at sa mga pinuno ng Israel.[21:12]

Ezekiel 21:15-17

Ano ang huhupa pagkatapos nang malawakang pagpatay?

Pagkatapos nang malawakang pagpatay, huhupa na ang galit ni Yahweh. [21:17]

Ezekiel 21:18-20

Saan patungo ang dalawang daanan na naitalaga para sa hari ng Babilonia?

Ang dalawang patutunguhan ng mga daanan ay sa Rabba ng mga Ammonita at sa Juda at Jerusalem. [21:20]

Ezekiel 21:21-24

Paano nalalaman ng hari ng Babilonia kung anong daanan ang kaniyang tatahakin?

Makakatanggap ang hari ng Babilonia ng isang propesiyang mensahe mula sa panghuhula upang matiyak kung anong daan ang kaniyang tatahakin. [21:21]

Anong iaakusa ng hari ng Babilonia sa Israel upang upang salakayin sila.

Inakusahan ng hari ng Babilonia ang Israel ng paglabag sa kanilang kasunduan upang sasalakayin sila. [21:23]

Ezekiel 21:25-27

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng masamang pinuno ng Israel at bakit?

Sinabi ni Yahweh sa masamang pinuno ng Israel na hubarin ang kaniyang turbante at korona, dahil mawawala na ang korona.[21:25-27]

Kailan ang sinabi ni Yahweh na ibabalik ang korona sa Israel?

Sinabi ni Yahweh na ibabalik ang korona sa Israel kapag may isang darating na karapat-dapat dito. [21:27]

Ezekiel 21:28-29

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa Ammonita?

Sinabi ni Yahweh mamatay ang mga Ammonita at hindi na maaalala pa.

Ano ang ginawa ng mga propeta ng Ammon para sa mga tao ng Ammon?

Nakakita ang mga propeta ng Ammon ng walang kabuluhang pangitain para sa mga tao ng Ammon, habang ginagawa nila ang mga rituwal upang makapagpalabas nang kasinungalingan para sa mga tao ng Ammon. [21:28-29]

Ezekiel 21:30-32

Kanino ibibigay ng Panginoong Yahweh ang mga tao ng Ammon?

Ibibigay ng Panginoong Yahweh ang mga Ammonita sa mga kamay ng mga malulupit na kalalakihan, mga sanay sa pangwawasak. [21:31]

Ezekiel 22

Ezekiel 22:1-3

Anong pangalan ang ibinigay ni Yahweh sa lungsod ng Jerusalem na kaniyang hinahatulan?

Tinawag ni Yahweh ang lungsod ng Jerusalem na lungsod ng dugo. [22:2-3]

Ezekiel 22:4-5

Ano ang dalawang kasalanan ang ipinangalanan ni Yahweh na ginawa ng lungsod na nagkasala?

Ang lungsod ay nagkasala sa pagpapadanak ng dugo, at naging marumi sa pamamagitan ng mga diyus-diyosang ginawa nito. [22:4]

Anong reputasyon ang magkakaroon ang lungsod pagkatapos itong hatulan ni Yahweh?

Ang reputasyong malalaman kahit saan ay ito ay isang lungsod ng kaguluhan. [22:5]

Ezekiel 22:6-9

Alin sa tatlong grupo ng mga tao ang hindi pinakitunguhan nang maayos ng mga pinuno ng Israel?

Hindi na ginagalang ang mga ama at mga ina pinagmamalupitan ang mga dayuhan sa Israel ang mga ulila at mga balo at hindi pinakikitunguhan ng maayos. [22:7]

Ezekiel 22:10-12

Ano ang tatlong seksuwal na kasalanan na ginawa ng mga kalalakihan sa lungsod?

Nagkakasala ang mga kalalakihan sa mga asawa ng kanilang kapwa, ginagawa nilang marumi ang kanilang mga manugang na babae at inaabuso ang kanilang mga kapatid na babae. [22:11]

Ezekiel 22:13-16

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa mga tao dahil sa kanilang kasalanan?

Ipinahayag ni Yahweh na ikakalat ang mga tao sa mga bansa. [22:13,15]

Ano ang malalaman ng mga tao pagkatapos silang hagupitin ni Yahweh?

Malalaman ng mga tao na ang Panginoon ay si Yahweh. [22:16]

Ezekiel 22:17-19

Sa kaniyang talinghaga, sa ano itinutulad ni Yahweh ang sambahayan ng Israel?

Sa kaniyang talinghaga, itinutulad ni Yahweh ang sambahayan ni Israel sa kalawang. [22:17]

Saan sinabi ni Yahweh na iipunin niya ang kalawang?

Sinabi ni Yahweh na iipunin niya ang kalawang sa gitna ng Jerusalem. [22:19]

Ezekiel 22:20-25

Ano ang gagawin ni Yahweh sa kalawang habang ibinubuhos niya ang kaniyang galit?

Ibubuhos ni Yahweh ang kalawang at tutunawin ito sa pagbuhos niya ng kaniyang galit. [22:20-23]

Ezekiel 22:26-29

Ano ang nabigong makita ng mga pari sa lupain at nabigo nilang ituro?

Nabibigong makilala ng mga pari ang kaibahan ng mga banal at mga hindi banal na bagay, at nabibigo silang ituro ang pagkakaiba ng malinis at hindi malinis. [22:26]

Ano ang ginagawa ng mga propeta sa lupain?

Nagpipintura ng apog ang mga propeta sa lupain, tumitingin ng mga hindi totoong pangitain at gumagawa ng hindi totoong hula. [22:28]

Ezekiel 22:30-31

Ano ang hinanap ni Yahweh at hindi niya natagpuan?

Naghanap si Yahweh ng isang tao na magtatayo ng pader at tatayo sa harapan niya sa pagbagsak nito para sa lupain, ngunit wala siyang matagpuan. [22:30]

Ezekiel 23

Ezekiel 23:1-4

Sa parabula ni Yahweh, ano ang ginawa ng dalawang anak na babae sa Egipto?

Ang dalawang anak na babae ay gumanap bilang mga nagbebenta ng aliw sa Egipto. [23:2-3]

Ano ang kinakatawan ng ang nakatatandang anak na babae at ano ang kinakatawan ng nakababatang anak na babae?

Ang nakatatandang anak na babae ay kumakatawan sa Samaria at ang nakababatang anak na babae ay sa Jerusalem. [23:4]

Ezekiel 23:5-7

Ano ang ginawa ng nakatatandang anak na babae kahit na siya ay kay Yahweh?

Ibinigay ng nakatatandang anak na babae ang kaniyang sarili bilang isang nagbebenta ng aliw sa mga lalake ng Asiria. [23:5-7]

Ezekiel 23:8-10

Ano ang ginawa ng mga mangingibig ng nakatatandang anak na babae nang ibinigay siya sa kanila?

Hinubaran ang nakatatandang anak na babae ng kaniyang mga mangingibig , at kinuha ang kaniyang mga anak na lalaki at anak na babae at pinatay siya. [23:9-10]

Ezekiel 23:11-17

Ano ang ginawa ng nakababatang anak na babae nang makita niya kung ano ang nangyari sa nakatatandang anak na babae?

Kumilos ng tulad sa isang nagbebenta ng aliw ang nakababatang anak na babae nang higit kaysa sa kaniyang kapatid na babae. [23:11]

Ezekiel 23:18-21

Dahil sa kanilang pagbebenta nila ng aliw, paano nagbago ang saloobin ni Yahweh tungo sa dalawang mmagkapatid na babae?

Dahil sa pagbebenta nila ng aliw, inalis ni Yahweh ang kaniyang espiritu mula sa dalawang magkapatid na babae. [23:18]

Ezekiel 23:22-23

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa nakababatang kapatid na babae dahil sa pagbebenta niya ng aliw?

Sinabi ni Yahweh na kaniyang patatalikurin ang kaniyang mangingibig laban sa kaniya. [23:22]

Ezekiel 23:24-27

Ano ang sinabi ni Yawheh na mangyayari sa nakababatang kapatid na babae at sa kaniyang mga kaapo-apuhan?

Puputulin ang ilong at tainga ng nakababatang kapatid na babae at lalamunin ng apoy ang kaniyang mga kaapo-apuhan.

Ezekiel 23:28-29

Ano ang mahahayag kapag ang nakababatang kapatid na babae ay ibinigay sa mga kamay ng kaniyang kinamumuhian?

Ang nakakahiyang kahubaran ng nakababatang kapatid na babae sa pagbebenta ng aliw ang mahahayag. [23:29]

Ezekiel 23:30-31

Dahil sa kanilang pagbebenta ng aliw, ano ang inilagay ni Yahweh sa mga kamay ng nakababata at nakatatandang kapatid na babae?

Dahil sa kanilang pagbebenta ng aliw, inilagay ni Yahweh ang isang saro ng kaparusahan sa mga kamay ng nakababata at nakatatandang kapatid na babae. [23:30-31]

Ezekiel 23:32-35

Ano ang kahihinatnan ng nakababatang kapatid na babae sa mga nakapalibot sa kaniya?

Magiging katatawanan at isang paksa para sa panunuya ang nakababatang kapatid na babae sa kanila na nakapalibot sa kaniya

Ezekiel 23:36-37

Ano ang ginagawa ng dalawang magkapatid na babae sa kanilang mga ipinanganak na anak na lalake para kay Yahweh?

Pinapadaan ng dalawang magkapatid na babae ang kanilang mga ipinanganak na mga lalake para kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy upang matupok. [23:37]

Ezekiel 23:38-42

Ano ang ginawa ng dalawang magkapatid na babae sa araw ring iyon nang kanilang patayin ang kanilang mga anak?

Sa araw ring iyon nang kanilang pinatay ang kanilang mga anak, pumunta ang dawalang magkapatid na babae sa santuaryo ni Yahweh upang lapastanganin ito. [23:398-39]

Ezekiel 23:43-45

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ng mga matuwid na mga lalake sa mga nagbebenta ng aliw?

Sinabi ni Yahweh na paparusahan ng mga matuwid na mga lalake ang mga nagbebenta ng aliw sa kaparusahan sa pangangalunya. [23:45]

Ezekiel 23:46-47

Ano ang gagawin ng mga kapulungan na binuo ni Yahweh laban sa nagbebenta ng aliw?

Babatuhin ng kapulungan na itinayo ni Yahweh ng mga bato ang mga nagbebenta ng aliw at papatayin sila sa pamamagitan ng kanilang mga espada. [23:47]

Ezekiel 23:48-49

Ano ang malalaman ng mga nagbebenta ng aliw kapag dinala nila ang pagkakasala ng kanilang mga kasalanan kasama ng kanilang mga diyus-diyosan?

Kapag dinala nila ang pagkakasala ng kanilang mga kasalanan kasama ng kanilang mga diyus-diyosan, malalaman ng mga nagbebenta ng aliw na ang Panginoon ay si Yahweh. [23:49]

Ezekiel 24

Ezekiel 24:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh na nangyayari sa mismong araw na nakipag-usap siya kay Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na sinasalakay ng hari ng Babilonia ang Jerusalem sa mismong araw na iyon. [24:2]

Ezekiel 24:3-5

Sa talinghaga ni Yahweh, ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng mga tao sa Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh sa kanila na magbuhos sila ng tubig sa lutuang palayok!, punuin ito ng pinakamaiinam na mga buto at pakuluan ito ng mabuti. [24:3-5]

Ezekiel 24:6

Ano ang bagay na hindi maganda na nasa lutuang palayok ng Jerusalem na hindi matatanggal?

Mayroong kalawang ang lutuang palayok ng Jerusalem na hindi matatanggal. [24:6]

Ezekiel 24:7-8

Ano ang ginawa ng Jerusalem sa mismong paghihiganti mula kay Yahweh?

Hindi tinakpan ng Jerusalem ang dugo na nasa kaniyang kalagitnaan [24:7-8]

Ezekiel 24:9-10

Anong gagawin ni Yahweh na paghihiganti sa Jerusalem ?

Palalakihin ni Yahweh ang bunton ng kahoy, sinunog ang mga buto at sinunog ang tansong palayok. [24:9-10]

Ezekiel 24:11-12

Anong gagawin ni Yahweh na paghihiganti sa Jerusalem ?

Palalakihin ni Yahweh ang bunton ng kahoy, sinunog ang mga buto at sinunog ang tansong palayok. [24:9-10]

Bakit isasalang ang palayok na walang laman sa apoy?

Isasalang ang walang laman na kawa sa apoy upang painitin at tunawin ang tanso nito para matunaw ang mga kalawang sa loob nito at maging malinis ito![24:11]

Ano ang hindi natanggal ng apoy mula sa Jerusalem?

Hindi natanggal ng apoy ang kalawang ng Jerusalem. [24:12]

Ezekiel 24:13

Ano ang hindi naalis ng apoy mula sa Jerusalem?

Hindi naalis ng apoy ang kalawang ng Jerusalem. [13]

Ezekiel 24:14

Ayon kay Yahweh, sa paanong paraan hahatulan ang mga tao ng Jerusalem?

Hahatulan ang mga tao ng Jerusalem sa pamagitan ng kanilang pamamaraan at mga gawain. [24:14]

Ezekiel 24:15-18

Ano ang sinabi ni Yahweh na kukunin niya kay Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na kukunin niya ang asawa ni Ezekiel mula sa kaniya. [24:16-17]

Ano ang sinabi ni Yahweh na huwag gawin ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na huwag siyang magluksa o tumangis sa pagkawala ng kaniyang asawa. [24:16-17]

Ezekiel 24:19-21

Ano ang sinabi ni Yahweh na kahulugan ng mga kaganapang nangyari kay Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na ang pagnanasa na nakikita sa mga mata ng tao ay nakakapagpaparumi sa santuwaryo, kaya ang kanilang mga anak na lalaki at babae ay mamamatay sa pamamagitan ng espada. [24:19-21]

Ezekiel 24:22-24

Ano ang maaaring gawin ng mga tao sa Jerusalem nang sila ay nagdurusa sa kanilang mga namatay?

Dapat gawin ng mga tao kung ano ang ginawa ni Ezekiel at hindi ang nagluksa o umiyak. [24:22-23]

Para saan ang paglilingkod ni Ezekiel sa Jerusalem? Ano ang ginawang paglilingkod ni Ezekiel para sa mga tao sa Jerusalem?

Naglingkod si Ezekiel bilang isang tanda para sa mga tao sa Jerusalem. [24:24]

Ezekiel 24:25-27

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa araw na mabihag ang templo?

Sinabi ni Yahweh na sa araw na mabihag ang templo, isang taong nakatakas ang pupunta kay Ezekiel upang ibigay sa kaniya ang balita. [24:25-26]

Sa araw na mabihag ang templo, ano ang malalaman ng mga tao sa Jerusalem?

Sa araw na mabihag ang templo, malalaman ng mga tao sa Jerusalem na ang Panginoon ay si Yahweh. [24:27]

Ezekiel 25

Ezekiel 25:1-2

Laban kanino magpropesiya si Ezekiel na sinabi ni Yahweh?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magpropesiya laban sa mga tao ng Ammon. [25:2]

Ezekiel 25:3-5

Ano ang ginawa ng mga tao ng Ammon nang lapastanganin ang santuaryo at dinalang bihag ang sambahayan ng Juda?

Nang nilapastangan ang santuaryo at dinalang bihag ang sambahayan ng Juda, sinabi ng mga tao ng Ammon, "Aha!" [25:3]

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga tao ng Ammon dahil sa sinabi nila nang ang sambahayan ng Juda ay dinalang bihag?

Ibibigay ni Yahweh ang mga tao ng Ammon sa mga tao sa silangan. [25:4]

Ezekiel 25:6-7

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga tao ng Ammon na magiging dahilan upang malaman nila na si Yahweh ang Panginoon?

(Papatayin) /Ihihiwalay/ ni Yahweh ang Ammon mula sa mga tao at wawasakin sila. [25:7]

Ezekiel 25:8-11

Ano ang sinabi ng Moab at Seir nang ang sambahayan ng Juda ay dinalang bihag?

Nang dinalang bihag ang sambahayan ng Juda, sinabi ng Moab at ng Seir na ang sambahayan ng Juda ay tulad ng ibang bansa. [25:8]

Sino ang hindi na maaalala na kabilang sa mga bansa?

Ang mga tao ng Ammon ay hindi na maaalala pa na kabilang sa mga bansa. [25:10]

Ezekiel 25:12-14

Ano ang ginawa ng Edom sa sambahayan ng Juda?

Naghiganti ang Edom laban sa sambahayan ng Juda. [25:12]

Ano ang gagawin ni Yahweh sa Edom dahil sa ginawa ng Edom sa sambahayan ng Juda?

Wawasakin ni Yahweh ang bawat tao at hayop sa Edom. [25:13]

Ezekiel 25:15-17

Ano ang ginawa ng Filisteo laban sa sambahayan ng Juda?

Naghiganti ang mga Filisteo sa pamamagitan ng panghahamak laban sa sambahayan ng Juda. [25:15]

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga Filisteo dahil sa ginawa nila sa sambahayan ng Juda?

Wawasakin ni Yahweh ang mga Filisteo. [25:16]

Ezekiel 26

Ezekiel 26:1-2

Ano ang sinasabi ng mga taga-Tiro laban sa Jerusalem?

Sinasabi ng mga taga-Tiro na sila ay mapupuno habang nawawasak ang Jerusalem. [26:2]

Ezekiel 26:3-4

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa Tiro?

Sinabi ni Yahweh na magtatatag siya ng maraming bansa laban sa Tiro, na wawasak sa mga pader at mga tore nito. [26:4]

Ezekiel 26:5-6

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin sa lugar kung saan nakatayo ang Tiro?

Sinabi ni Yahweh na magiginh patutuyuan ng mga lambat sa lugar kung saan nakatayo ang Tiro. [26:5]

Ezekiel 26:7-8

Sino ang sinabi ni Yahweh na dadalhin niya laban sa Tiro?

Sinabi ni Yahweh na dadalhin niya si Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia, na laban sa Tiro. [26:7]

Ezekiel 26:9-11

Ano ang sinabi ni Yahweh kung paano magigiba ang mga pader ng Tiro?

Sinabi ni Yahweh na magigiba ang mga pader ng Tiro sa pamamagitan ng mga malalaking trosong pangngiba ni Nebucadnezar. [26:9]

Ezekiel 26:12-14

Saan sinabi ni Yahweh na itatambak ang mga bato at mga kahoy ng mga bahay sa Tiro?

Sinabi ni Yahweh na ang mga bato at mga kahoy ng mga bahay sa Tiro ay itatambak sa gitna ng mga katubigan. [26:12]

Ezekiel 26:15-16

Ano ang gagawin ng mga pinuno ng dagat kapag nangyari ang kasindak sindak na patayan sa Tiro?

Bababa ang mga pinuno ng dagat sa kanilang mga trono, isasantabi ang kanilang mga balabal, huhubarin ang kanilang mga makukulay na kasuotan at uupo sa lupa na nanginginig. [26:16]

Ezekiel 26:17-18

Saan mananaghoy ang mga pinuno ng dagat patungkol sa kilalang lungsod ng Tiro ngayon?

Nanaghoy ang mga pinuno ng dagat dahil ang tanyag na lungsod ng Tiro ngayon ay nasa dagat na. [26:17]

Ezekiel 26:19-21

Saan sinabi ni Yahweh na dadalhin ang mga taga-Tiro?

Sinabi ni Yahweh na dadalhin sa hukay ang mga taga-Tiro. [26:20]

Ayon kay Yahweh, kailan muling matatagpuan ang Tiro?

Ayon kay Yahweh, hindi na kailanman muli pang matatagpuan ang Tiro. [26:21]

Ezekiel 27

Ezekiel 27:1-5

Anong kalakal tanyag ang mga taga-Tiro?

Ang mga taga-Tiro ay tanyag bilang mangangalakal ng mga tao sa maraming isla. [27:3]

Ano ang sinabi ng Tiro tungkol sa kaniyang sarili?

Ang sinabi ng Tiro tungkol sa kaniyang sarili ay siya ay walang kapintasan sa kagandahan. [27:3]

Ezekiel 27:6-7

Sa anong bagay gawa ang mga palapag ng barko ng Tiro?

Gawa sa mga kahoy ng cyprus na pinalamutian ng garing ang mga palapag ng barko ng Tiro. [27:6]

Ezekiel 27:8-11

Sino ang mga kapitan ng barko ng Tiro?

Ang mga kapitan ng barko ay ang mga matatalino sa Tiro. [27:8]

Ano ang dala-dala ng mga barko ng Tiro?

Daladala ng mga barko ng Tiro ang mga produktong pangkalakal. [27:9]

Ezekiel 27:12-15

Bakit suki ng Tiro ang Tarsis?

Suki ng Tiro ang Tarsis dahil sa napakaraming uri ng bawat kayamanan. [27:12]

Sa ano nakikipagkalakalan ang Tiro sa Javan, Tubal at Meshec?

Ang ikinakalakal ng Tiro ay mga tao at mga kagamitang tanso. [27:13]

Ezekiel 27:16-21

Anong mga bagay ang ikinakalakal ng Juda at ang lupain ng Israel sa Tiro?

Nakikipagkalakalan ng trigo, dawa, pulot, langis at balsmo ang Juda at ang lupain ng Israel. [27:17]

Ezekiel 27:22-25

Anong mga bagay ang kinakalakal ng Seba sa Tiro?

Nakipagkalakalan ang Seba ng mga pampalasa, mamahaling mga bato, at ginto. [27:22]

Ezekiel 27:26-27

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa kayamanan ng Tiro sa araw ng pagkawasak nito?

Sinabi ni Yahweh na ang kayamanan ng Tiro ay mahuhulog sa kailaliman ng dagat sa araw ng pagkawasak nito. [27:27]

Ezekiel 27:28-33

Ano ang gagawin ng mga lungsod sa may dagat kapag narinig nila ang tunog ng sigaw ng kanilang kapitan?

Manginginig ang mga lungsod sa may dagat sa tunog ng sigaw ng kanilang kapitan. [27:28]

Ezekiel 27:34-36

Ano ang gagawin ng mga hari ng baybayin kapag nakita nila ang pagkawasak ng Tiro?

Manlulumo sa takot ang mga hari ng mga baybayin kapag nakita nila ang pagkawasak ng Tiro. [27:35]

Kailan muling lilitaw ang Tiro ayon kay Yahweh?

Sinabi ni Yahweh na ang tiro ay hindi na kailanman lilitaw muli. [27:36]

Ezekiel 28

Ezekiel 28:1-3

Ano ang sinabi ng namumuno ng Tiro sa kaniyang sarili?

Sinabi ng namumuno ng Tiro sa kaniyang sarili, "Ako ay isang diyos!" [28:2]

Ezekiel 28:4-5

Bakit mapagmataas ang puso ng namumuno ng Tiro?

Mapagmataas ang namumuno dahil sa kaniyang kayamanan. [28:5]

Ezekiel 28:6-7

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin niya sa namumuno ng Tiro dahil sa kaniyang pagmamataas?

Sinabi ni Yahweh na magdadala siya ng mga dayuhan laban sa namumuno ng Tiro. [28:7]

Ezekiel 28:8-10

Paano mamamatay ang namumuno ng Tiro ayon sa sinabi ni Yahweh?

Mamamatay ang namumuno ng Tiro tulad ng pagkamatay ng mga hindi natuli sa kamay ng mga dayuhan. [28:10]

Ezekiel 28:11-13

Ano ang sinabi ni Yahweh na minsan ay naging ang hari ng Tiro?

Sinabi ni Yahweh na minsang naging modelo ng walang kapintasan, puno ng kaalaman, at sakdal sa kagandahan ang hari ng Tiro. [28:12]

Ayon kay Yahweh, nasaan ang hari ng Tiro noong siya ay nilikha?

Ang hari ng Tiro ay nasa Eden, sa hardin ng Diyos. [28:13]

Ezekiel 28:14-15

Saan inilagay ni Yahweh ang hari ng Tiro at ano ang responsibilidad na mayroon ang hari ng Tiro?

Ang hari ng Tiro ay nasa banal na bundok ng Diyos na gaya ng kerubin na itinalaga upang magbantay sa sangkatauhan. [28:14]

Ano ang nalaman sa bandang huli ng hari ng Tiro?

Walang katarungan ang nalaman sa bandang huli ng hari ng Tiro ay ang walang katarungan. [28:15]

Ezekiel 28:16-17

Dahil sa kasalanan ng hari ng Tiro, ano ang ginawa ni Yahweh sa kaniya?

Dahil nagkasala ang hari ng Tiro ibinaba siya mula sa bundok ng Diyos at sinira siya. [28:16]

Ezekiel 28:18-22

Ano ang gagawin ng mga nakakakilala sa hari ng Tiro kapag nakita nila ang kaniyang pagkasira?

Ang mga nakakakilala sa hari ng Tiro ay iiling at masisindak sa kaniya. [28:19]

Ezekiel 28:23-24

Ano ang sinabi ni Yahweh na ipapadala niya sa Sidon?

Sinabi ni Yahweh na magpapadala siya ng salot at dugo sa mga lansangan ng Sidon. [28:23]

Ayon kay Yahweh, ano ang katulad ng mga tao sa palibot ng Israel para sa mga sambahayan ng Israel?

Ang mga tao sa palibot ng Israel ay katulad ng dawag na nakakasalubsub at tinik na nagpapahirap. [28:24]

Ezekiel 28:25-26

Pagkatapos na isakatuparan ni Yahweh ang katarungan sa mga humamak sa Israel, ano ang mangyari sa Israel?

Ang Israel ay mamuhay ng matiwasay, at magtatayo sila ng mga bahay, magtanim ng mga ubasan sa lupain na ibibigay ni Yahweh sa lingkod niyang si Jacob. [28:25-26]

Ezekiel 29

Ezekiel 29:1-3

Sino ang tinutukoy ni Yahweh na sinabi niya kay Ezekiel na ipahayag ang laban dito?

Sinabi ni Yahweh na ipahayag ni Ezekiel ang laban sa Paraon, ang hari ng Egipto. [29:2]

Ano ang hayop na sinabi ni Yahweh na inihambing niya sa hari ng Egipto?

Sinabi ni Yahweh na tulad ng hari ng Egipto ang dambuhalang nilalang sa dagat na nakahiga sa ilalim ng ilog. [29:3]

Ezekiel 29:4-5

Saan sinabi ni Yahweh na itatapon niya ang hari ng Egipto?

Sinabi ni Yahweh na itatapon niya ang hari ng Egipto sa ilang. [29:5]

Ezekiel 29:6-7

Ano ang tanim na sinabi ni Yahweh na tulad ng Egipto sa mga sambayanan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na ang Egipto ay katulad ng tangkay ng tambo sa sambayanan ng Israel. [29:6]

Ano ang ginawa ng Egipto nang sumandal ang sambayanan ng Israel sa Egipto?

Dinurog ng Egipto ang mga hita ng Israel at pinanginig ang kanilang mga balakang noong sumadal ang Israel sa Egipto. [29:7]

Ezekiel 29:8-10

Saan/Kanino ibibigay ang luapin ng Egipto na sinabi ni Yahweh?

Sinabi ni Yahweh na ibibigay niya ang lupain ng Egipto sa kapanglawan at walang kabuluhan. [29:10]

Ezekiel 29:11-12

Gaano katagal ang sinabi ni Yahweh na hindi matitirahan ang lupain ng Egipto?

Sinabi ni Yahweh na hindi matitirahan ang lupain ng Egipto ng apatnapung taon. [29:11-12]

Ezekiel 29:13-16

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa Egipto pagkatapos bumalik mula sa kung saan sila ikinalat?

Sinabi ni Yahweh na magiging mababang kaharian ang Egipto pagkatapos nilang bumalik mula kung saan sila ikinalat. [29:14]

Ezekiel 29:17-18

Ano ang natanggap na kabayaran ni Nebucadnezar, ang hari ng Egipto sa lahat ng pinaghirapan niyang trabaho laban sa Tiro?

Walang natanggap na kabayaran si Nebucadnezar sa lahat ng hirap na trabaho na ginawa niya laban sa Tiro. [29:18]

Ezekiel 29:19-20

Ano ang ibibigay ni Yahweh kay Nebucadnezar sa kabayaran sa lahat ng trabaho niyang ginawa laban sa Tiro?

Ibibigay ni Yahweh kay Nebucadnezar ang lupain ng Egipto bilang kabayaran sa lahat ng hirap na trabaho niyang ginawa laban sa Tiro. [29:19-20]

Ezekiel 29:21

Sa araw na iyon, ano ang ipagagawa ni Yahweh kay Ezekiel?

Sa araw na iyon, pagsasalitain ni Yahweh si Ezekiel sa gitna ng sambahayan ng Israel. [29:21]

Sa araw na iyon, ano ang malalaman ng sambahayan ng Israel?

Sa araw na iyon, malalaman ng sambahayan ng Israel na ang Panginoon ay si Yahweh. [29:21]

Ezekiel 30

Ezekiel 30:1-3

Ayon kay Yahweh, anong uri ng araw at panahon ang pagdating ni Yahweh?

Ang araw ng pagdating ni Yahweh ay maulap at panahon ng wakas para sa mga bansa. [30:2-3]

Ezekiel 30:4-7

Sa araw ni Yahweh, ano ang mangyayari sa Egipto, Kush, Libya, Lidya at ang mga taong kasama sa kasunduan?

Sa araw ni Yahweh, silang lahat ay babagsak sa pamamagitan ng espada. [30:4-5]

Ezekiel 30:8-9

Ano ang malalaman ng mga tao kapag nawasak ang Egipto at ang mga tumutulong dito?

Malalaman ng mga tao na ang Panginoon ay si Yahweh. [30-8]

Ezekiel 30:10-12

Kaninong kamay ang gagamitin ni Yahweh upang wasakin ang lupain ng Egipto?

Gagamitin ni Yahweh ang kamay ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia upang wasakin ang lupain ng Egipto. [30:10]

Ezekiel 30:13-16

Para saan ang wawakasan ni Yahweh sa Memfis?

Wawasakin at wawakasan ni Yahweh ang mga walang kabuluhang diyos-diyusan ng Memfis. [30:13]

Ezekiel 30:17-19

Ano ang mangyayari sa mga nakaligtas sa mga lungsod ng Egipto kapag nagpadala si Yahweh ng pagwawasak?

Dadalhin sa pagkabihag ang mga nakaligtas kapag magdadala si Yahweh ng pagkawasak. [30:17-18]

Ezekiel 30:20-21

Ano ang sinabi ni Yahweh na ginawa niya sa braso ng Paraon at ano na ngayon ang hindi na maaaring gawin ng Paraon?

Sinabi ni Yahweh binali niya ang braso ng Paraon, upang hindi na ito ganoon kalakas upang humawak ng espada. [30:21]

Ezekiel 30:22-24

Pagkatapos mawasak ang Egipto, ano ang gagawin ni Yahweh sa Egipto sa mga bansa?

Pagwawatak-watakin at ikakalat ni Yahweh ang Egipto sa mga bansa. [30:23]

Ezekiel 30:25-26

Kaninong braso ang palalakasin ni Yahweh at sino ang panghihinain ni Yahweh?

Palalakasin ni Yahweh ang mga ang hari ng Babilonia at panghihinain ni Yahweh ang Paraon. [30:25]

Ano ang mangyayari sa braso ng Paraon?

Babagsak ang braso ng Paraon. [30:25]

Ezekiel 31

Ezekiel 31:1-2

Para kanino ang sinabi ni Yahweh na pagpahayagan ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magpahayag siya kay Faraon, ang hari ng Egipto.

Ezekiel 31:3-4

Sa anong uri ng halaman inihahalintulad ni Yahweh ang Asiria?

Inihalintulad ni Yahweh ang Asiria sa isang napakalaking punong sedar sa Lebanon.

Ezekiel 31:5-7

Sa talinghaga ni Yahweh sa Asiria bilang isang puno ng sedar, ano ang nakatira sa loob at sa palibot ng napakalaking punong sedar?

Bawat ibon sa mga kalangitan ay pinamumugaran ang mga sanga ng punong sedar, at ang lahat ng may buhay sa parang ay nanganganak sa ilalim ng dahon nito.

Ezekiel 31:8-9

Sa ano mas higit ang dakilang puno ng sedar ng Asiria?

Ang dakilang punong sedar ay mas higit sa lahat ng punongkahoy sa halamanan ng Diyos.

Ezekiel 31:10-11

Bakit hinawakan ni Yahweh ang Asiria at itinaboy ito?

Hinawakan at itinaboy ni Yahweh ang Asiria dahil sa itinaas ang puso nito at napakasama nito.

Ezekiel 31:12

Sino ang ginamit ni yawheh upang putulin ang dakilang punong sedar ng Asiria?

Mga dayuhang kinatatakutan ng lahat ng mga bansa ang pumutol sa dakilang punong sedar ng Asiria.

Ezekiel 31:13-14

Matapos iwanan ang punong sedar ng Asiria, ano ang sinabi ni Yahweh na hindi na muling mangyayari?

Sinabi ni Yahweh na wala ng iba pang mga punongkahoy ang lalaki/lalago ng ganoong kataas.

Ezekiel 31:15

Ano ang ginawa ng iba pang mga bansa sa hugong ng pagbagsak ng Asiria?

Ang iba pang mga bansa ay nagdalamhati at nangatog sa hugong ng pagbagsak ng Asiria.

Saan itinapon ni Yahweh ang dakilang punong sedar ng Asiria?

Itinapon ni Yahweh ang dakilang punong sedar ng Asiria sa Sheol.

Ano ang dinala ni Yahweh sa mundo sa araw na dinala ang Asiria sa sheol?

Sa araw na iyon, nagdala ng kapighatian si Yahweh sa mundo.

Ezekiel 31:16

Ano ang ginawa ng iba pang mga bansa sa narinig nilang hugong ng pagbagsak ng Asiria?

Nagdalamhati ang iba ibang mga bansa at nangatog sa hugong ng pagbagsak ng Asiria.

Saan itinapon ni Yahweh ang dakilang punong sedar ng Asiria?

Itinapon ni Yahweh ang dakilang punong sedar sa ibaba ng Sheol.

Ezekiel 31:17-18

Saan itinapon ni Yahweh ang punong sedar ng Asiria?

Itinapon ni Yahweh ang dakilang punong sedar ng Asiria sa Sheol.

Ano ang nangyari sa mga bansang nanirahan sa lilim ng dakilang punong sedar ng Asiria?

Ang mga bansang nanirahan sa lilim ng Asiria ay bumaba din sa Sheol.

Sino ang pinagpahayagan ni Yahweh na dadalhin sa pinakamababang mga bahagi ng mundo?

Ipinapahayag ni Yahweh na si Faraon at ang kaniyang mga lingkod ay dadalhin sa pinakamababang mga bahagi ng mundo.

Ezekiel 32

Ezekiel 32:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na itataas para kay Faraon?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magtaas ng isang panaghoy tungkol kay Faraon.

Anong dalawang hayop ang sinabi ni Yahweh na kagaya ni Faraon?

Sinabi ni Yahweh na gaya Faraon ang isang batang leon at isang dambuhala sa mga karagatan.

Ezekiel 32:3-6

Ano ang mangyayari sa isang dambuhalang ito kapag inihagis ni Yahweh sa isang parang?

Kapag inihagis ang dambuhalang ito sa isang parang, kakainin ito ng mga ibon at mga hayop.

Ezekiel 32:7-8

Ano ang mangyayari sa kalangitan kapag inalis ni Yahweh ang ilaw ng Egipto

Magdidilim ang mga bituin, tatakpan ng mga ulap ang araw at hindi magniningning ang buwan.

Ezekiel 32:9-10

Paano tumugon ang mga tao ng mga bansa kapag nakita nila ang pagbagsak ng Egipto?

Ang mga tao ng mga bansa ay masisindak at mangangatog sa takot.

Ezekiel 32:11-12

Sino ang darating laban sa Egipto at pababagsakin ito?

Darating ang hari ng Babilonia laban sa Egipto at pababagsakin ito.

Ezekiel 32:13-14

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa mga tao at sa mga alagang hayop sa Egipto?

Maging tao o hayop ay hindi na pagagalawin ang tubig sa Egipto.

Ezekiel 32:15-16

Ano ang malalaman ng mga taga- Egipto kapag sinalakay sila at winasak?

Malalaman ng mga taga-Egipto na ang Panginoon ay si Yahweh.

Ezekiel 32:17-18

Saan ihahagis ang mga tagapaglingkod ng Egipto at ang mga anak na babae ng maharlikang mga bansa?

Ihahagis sila pababa sa pinakamababang bahagi ng lupa kasama ang mga bumaba na sa hukay.

Ezekiel 32:19-21

Ano ang ipapahayag ng mga mandirigma sa Sheol tungkol sa Egipto at sa kaniyang mga kaanib?

Ipapahayag nila na ang Egipto at ang kaniyang mga kaanib ay bumaba rito at hihigang kasama ang mga hindi tuli na pinatay sa pamamagitan ng espada.

Ezekiel 32:22-23

Ano pang mga ibang bansa na kasama ang lahat ng kanilang kapulungan ang naroon din sa Sheol?

Naroon din sa Sheol ang Asiria, Elam, Mesech, Tubal, Edom, ang mga prinsipe ng hilaga at ang mga taga-Sidon.

Ezekiel 32:24-25

Anong ibang mga bansa na kasama ang lahat ng kanilang kapulungan ang naroon din sa Sheol?

Naroon din sa Sheol ang Asiria, Elam, Mesech, Tubal, Edom, ang mga prinsipe ng hilaga at ang mga taga-Sidon.

Ano ang ginawa ng mga bansang ito sa lupain ng buhay?

Ang mga bansang ito ang nagdala ng kanilang kakila-kilabot sa lupain ng buhay.

Ano ang dala-dala ng mga bansang ito pababa sa Sheol?

Dala-dala ng mga bansang ito ang kanilang sariling kahihiyan pababa sa Sheol.

Ano ang ginawa ni Elam sa lupain ng buhay?

Nagdala si Elam ng katakot-takot sa lupain ng buhay.

Ezekiel 32:26-29

Ano pang ibang mga bansa ang kasama ng lahat ng kanilang kapulungan ang naroon din sa Sheol?

Naroon din sa Sheol ang Asiria, Elam, Mesech, Tubal, Edom, ang mga prinsipe ng hilaga at ang mga taga Sidon

Ezekiel 32:30

Ano ang ginawa ng mga bansang ito sa lupain ng buhay?

Ang mga bansang ito ang nagdala ng kanilang kakila-kilabot sa lupain ng buhay.

Ano ang dala-dala ng mga dumating na mga prinsipe ng hilaga at lahat ng mga taga-Sidon pababa kasama ang mga patay?

Dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan.

Ezekiel 32:31-32

Sa Sheol, ano ang magpapanatag kay Faraon?

Sa Sheol, mapapanatag si Faraon tungkol sa lahat ng kaniyang mga taga-paglingkod na namatay sa pamamagitan ng espada.

Ezekiel 33

Ezekiel 33:1-4

Ano ang gagawin ng tagapagbantay para sa mga tao sa lupain?

Titingnan ng tagapagbantay kung parating ang mga espada sa lupain at hihipan ang kaniyang trumpeta bilang babala sa mga tao.

Ano ang mangyayari sa mga tao kung hindi nila bibigyang pansin ang tagapagbantay?

Kung hindi bibigyang pansin ng mga tao, papatayin ng espada ang mga tao at ang dugo ng bawat isa ay nasa kanilang sariling ulo.

Ezekiel 33:5-6

Ano ang mangyayari sa mga tao kung hindi bibigyang pansin ang taga-pagbantay?

Kung hindi bibigyang pansin ng mga tao, papatayin ng mga espada ang mga tao at ang dugo ng bawat isa ay nasa kanilang sariling ulo.

Ezekiel 33:7-9

Sino ang gagawin ni Yahweh na isang taga-pagbantay para sa sambahayan ng Israel?

Si Ezekiel ang gagawing isang taga-pagbantay ni Yahweh para sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 33:10-11

Ano ang hindi ikinatutuwa ni Yahweh?

Sinabi ni Yahwen na hindi niya ikinatutuwa ang pagkamatay ng mga masasama.

Ano ang panawagan ni Yahweh na gawin ng mga masama?

Nanawagan si Yahweh sa mga masama na magsisi para sila ay mabuhay.

Ezekiel 33:12-13

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa isang taong matuwid na gumawa ng hindi makatarungan?

Sinabi ni Yahweh sa taong matuwid na pagkatapos gumawa nang hindi makatarungan ay mamamatay sa kasamaan na kaniyang nagawa.

Ezekiel 33:14-16

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa isang taong masama na magsisisi at gawin kung ano ang makatarungan at mabuti?

Sinabi ni Yahweh sa masamang tao na magsisisi at gawin kung ano ang makatarungan ay tiyak na mabubuhay.

Ezekiel 33:17-20

Ayon kay Yahweh, kaninong kaparaanan ang mga hindi patas?

Ayon kay Yahweh, ang kaparaanan ng mga tao sa Israel ang hindi patas.

Paano sinabi ni Yahweh na kaniyang hahatulan ang bawat tao sa sambahayan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na hahatulan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang kaparaanan.

Ezekiel 33:21-22

Anong mensahe ang dinala ng pugante kay Ezekiel?

Dinala ng pugante ang mensahe na ang lungsod ng Jerusalem ay nasakop na.

Ezekiel 33:23-24

Ano ang sinasabi ng mga taga-Israel tungkol sa lupaing minana ni Abraham?

Sinasabi ng mga taga-Israel na ang lupaing minana ni Abraham ay pag-aari nila.

Ezekiel 33:25-26

Bakit tinatanong ni Yahweh kung dapat o hindi dapat ariin ng mga Israel ang lupain?

Tinatanong ni Yahweh kung dapat bang ariin o hindi ang lupain dahil umasa sila sa kanilang mga espada at gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay.

Ezekiel 33:27-29

Ano ang sinasabi ng mga taga-Israel tungkol sa lupaing minana ni Abraham?

Sinasabi ng mga taga-Israel na ang lupaing minana ni Abraham ay kanilang aariin.

Ezekiel 33:30-31

Ano ang gagawin ng mga taga-Israel sa mga salita ni Ezekiel?

Ang mga taga-Israel ay makikinig sa mga salita ni Ezekiel, ngunit hindi nila ito susundin.

Ezekiel 33:32-33

Ano ang gagawin ng mga taga-Israel sa mga salita ni Ezekiel?

Ang mga taga-Israel ay pakikinggan ang salita ni Ezekiel, ngunit hindi nila ito susundin.

Ezekiel 34

Ezekiel 34:1-3

Anong mga paratang ang ginawa ni Yahweh laban sa mga pastol ng Israel?

Pinaratangan ni Yahweh ang mga pastol na hindi talaga nagpapastol ngunit nangangatay ng pinakamagandang hayop ng kawan.

Ezekiel 34:4-6

Paano pinamunuan ng mga pastol ng Israel ang kawan?

Pinamunuan ng mga pastol ng Israel ang kawan nang may lakas at karahasan.

Ano ang nangyari sa kawan?

Ang kawan ay nangalat at naging pagkain para sa lahat ng mga buhay na mababangis na hayop sa mga parang.

Ezekiel 34:7-8

Sino ang talagang binabantayan ng mga pastol ng Israel?

Ang talagang binabantayan ng mga pastol ng Israel ay ang kanilang mga sarili.

Ezekiel 34:9-10

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa mga pastol ng Israel?

Sinasabi ni Yahweh na paaalisin niya ang mga pastol ng Israel at aalisin ang kawan mula sa kanilang mga bibig.

Ezekiel 34:11-13

Mula saan ang sinabi ni Yahweh na titipunin niya ang kaniyang kawan?

Sinasabi ni Yahweh na ililigtas niya sila mula sa lahat ng mga lugar kung saan sila ay nangalat sa mga araw ng kaulapan at kadiliman. Pagkatapos ay dadalhin niya sila palabas mula sa mga tao titipunin niya sila mula sa mga lupain.

Ezekiel 34:14-16

Paano sinabi ni Yahweh na siya ay magpapastol?

Sinasabi ni Yahweh na magpapastol siya nang may katarungan.

Ezekiel 34:17-19

Sa anong tatlong pangkat sinabi ni Yahweh na siya ang hahatol?

Sinasabi ni Yahweh na hahatulan niya ang mga tupa, mga lalaking tupa, at mga kambing.

Ezekiel 34:20-21

Ano ang ginawa sa mahina at mapayat na tupa?

Ang mahina at mapayat na mga tupa ay tinulak at sinila hanggang sila ay nangalat.

Ezekiel 34:22-24

Sino ang sinabi ni Yahweh na hihirangin niyang pastol sa kawan?

Sinasabi ni Yahweh na hihirangin niya ang kaniyang lingkod na si David upang magpastol ng kawan.

Sinabi ni Yahweh na ano ang magiging gaya ng bilang ng mga tao ng Israel?

Ang bilang ng mga tao ng Israel ay magiging gaya ng mga kawan ng Jerusalem.

Ezekiel 34:25-27

Kailan hihirangin ni Yahweh ang kaniyang pastol, ano ang gagawin ni Yahweh upang mamuhay ng ligtas ang mga tupa?

Gagawa si Yahweh ng tipan ng kapayapaan sa mga tupa at aalisin ang mga masasamang mababangis na hayop mula sa lupain.

Ezekiel 34:28-29

Ano ang hindi na magagawa ng mga bansa sa mga tupa?

Hindi na maitatangay ng mga bansa ang kawan o magdadala ng mga panlalait laban sa kanila.

Ezekiel 34:30-31

Ano ang malalaman ng sambahayan ng Israel pagkatapos?

Malalaman ng sambahayan ng Israel na kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos.

Ano ang pahayag ni Yahweh sa mga tupa, na sambahayan ng Israel?

Ipinahahayag ni Yahweh na siya ang Diyos ng sambahayang Israel, at sila ay kaniyang mga tao.

Ezekiel 35

Ezekiel 35:1-3

Sino ang sinabi ni Yahweh na paghahayagan ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na magpahayag si Ezekiel laban sa Bundok ng Seir.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa bundok ng Seir?

Sinabi ni Yahweh na gagawin niyang isang mapanglaw at isang katatakutan ang Bundok ng Seir.

Ezekiel 35:4-6

Ano ang ginawa ng mga tao sa Bundok ng Seir na nagdadala sa hatol ni Yahweh sa kanila?

Ang mga tao sa Bundok ng Seir ay napopoot sa mga Israelita, at ibinigay sila sa mga kamay ng espada.

Ayon kay Yahweh, ano ang susunod sa mga tao ng Bundok ng Seir at bakit?

Susundan ng pagdanak ng dugo ang mga tao sa Bundok ng Seir dahil hindi nila kinamuhian ang pagdanak ng dugo.

Ezekiel 35:7-9

Ano ang pupuno sa mga kabundukan sa bahagi ng Bundok ng Seir?

Mapupuno ng kaniyang mga patay ang mga kabundukan sa bahagi ng Bundok ng Seir.

Hanggang kailan magtatagal ang kapanglawan ng Bundok ng Seir?

Ang kapanglawan ng Bundok ng Seir ay magiging habang-buhay na kapanglawan.

Ezekiel 35:10-11

Ano ang sinasabi ng mga tao ng Bundok ng Seir tungkol sa dalawang bansa ng mga taong Israelita ni Yahweh?

Sinasabi ng mga tao ng Bundok ng Seir na ang dalawang bansa ay magiging pag-aari nila.

Ezekiel 35:12-13

Ano ang narinig ni Yahweh na sinasabi ng mga tao ng Bundok ng Seir laban sa kaniya?

Narinig ni Yahweh ang mga tao ng Bundok ng Seir na nagmamalaki laban kay Yahweh at nagsasabi ng maraming bagay laban sa kaniya.

Ezekiel 35:14-15

Ano ang ginawa ng mga tao ng bundok ng Seir nang nawasak ang mga Israelita?

Nagalak ang mga tao ng bundok ng Seir nang nawasak ang mga Israelita.

Ano ang gagawin ng buong mundo kapag nawasak ang mga tao sa Bundok ng Seir?

Magagalak ang buong mundo kapag nawasak ang mga tao sa Bundok ng Seir.

Ipinapahayag ni Yahweh na magiging isang mapanglaw ang lahat sa anong lugar?

Ipinahayag ni Yahweh na magiging isang mapanglaw ang Bundok ng Seir at lahat ng Edom.

Ano ang malalaman ng mga tao ng Bundok ng Seir kapag hinatulan sila ni Yahweh?

Malalaman ng mga tao ng Bundok ng Seir at Edom na ang Panginoon ay si Yahweh kapag hinatulan sila ni Yahweh.

Ezekiel 36

Ezekiel 36:1-3

Kanino sinabi ni Yahweh na magpahayag si Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magpahayag sa mga kabundukan ng Israel.

Ano ang sinasabi ng kaaway tungkol sa kabundukan ng Israel?

Sinasabi ng kaaway na ang mga sinaunang matataas na mga lugar ay naging kanilang pag-aari.

Ezekiel 36:4-6

Laban kanino ang sinalita ni Yahweh sa alab ng kaniyang poot?

Nagsalita si Yahweh sa alab ng kaniyang poot laban sa Edom at sa lahat ng kumuha sa lupain ng Israel.

Ezekiel 36:7

Ano ang pinangako ni Yahweh tungkol sa mga bansang nakapalibot sa Israel?

Pinangako ni Yahweh na ang mga bansang nakapalibot sa Israel ay magdadala ng sarili nilang kahihiyan.

Ezekiel 36:8-9

Sino ang sinabi ni Yahweh na babalik sa mga kabundukan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na ang mga Israelita ay malapit ng bumalik sa mga kabundukan ng Israel.

Ezekiel 36:10-15

Ano ang darami sa mga kabundukan ng Israel?

Ang tao at mga mababangis na hayop ay darami sa mga kabundukan ng Israel.

Ezekiel 36:16-18

Bakit ibinuhos ni Yahweh ang kaniyang poot laban sa Israel?

Ibinuhos ni Yahweh ang kaniyang poot laban sa Israel dahil dinumihan ng Israel ang lupain sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan.

Ezekiel 36:19-21

Ano ang ginawa ng mga Israelita nang pumunta sila sa mga bansa?

Nang pumunta sila sa mga bansa, nilapastangan nila ang banal na pangalan ni Yahweh.

Ezekiel 36:22-25

Bakit sinabi ni Yahweh na ibabalik niya ang sambahayan ng Israel sa mga kabundukan ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na ibabalik niya ang sambahayan ng Israel para sa kapakanan ng kaniyang banal na pangalan.

Ezekiel 36:26-28

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa sambahayan ng Israel upang dalisayin sila at alisin ang kanilang pusong bato?

Sinabi ni Yahweh na wiwisikan niya sila ng dalisay na tubig, at bibigyan sila ng isang bagong puso at isang bagong espiritu.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa sambahayan ng Israel upang palakarin sila sa kaniyang palatuntunan at sumunod sa kaniyang mga kautusan?

Sinabi ni Yahweh na ilalagay niya ang kaniyang espiritu sa kanila at palalakarin sila sa kaniyang palatuntunan at iingatan ang kaniyang kautusan, upang gawin nila ang mga ito.

Ezekiel 36:29-31

Pagkatapos iligtas ni Yahweh ang sambahayan ng Israel, ano ang iisipin ng sambahayan ng Israel sa kanilang mga dating masasamang gawa?

Kamumuhian ng sambahayan ng Israel ang kanilang mga sarili dahil sa kanilang mga dating masasamang pamamaraan.

Ezekiel 36:32-34

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga lungsod at sa mga lugar ng pagkawasak ng Israel?

Sinasabi ni Yahweh na ang mga lungsod ay matitirahan at muling itatayo ang mga lugar ng pagkawasak.

Ezekiel 36:35-36

Magiging tulad ng anong lugar ang lupain ng Israel?

Ang lupain ng Israel ay magiging tulad ng hardin ng Eden.

Ano ang malalaman ng ibang mga bansa kapag nakita nila ang mga tinitirahang lungsod at naitayong mga lugar ng pagkawasak ng Israel.

Malalaman ng mga bansa na si Yahweh ang Panginoon, at si Yahweh ang nagtayong muli sa Israel.

Ezekiel 36:37-38

Sinasabi ni Yahweh na sa ano matutulad bilang mga Israelita?

Ang bilang ng mga Israelita ay magiging tulad ng mga kawan sa Jerusalem sa kaniyang mga nakatakdang kapistahan.

Ezekiel 37

Ezekiel 37:1-3

Saan ibinaba ng espiritu ni Yahweh si Ezekiel, at ano ang naroon doon?

Ibinaba ng Espiritu ni Yahweh si Ezekiel sa gitna ng kapatagan na punong-puno ng mga buto.

Ano ang tinanong ni Yahweh kay Ezekiel?

Tinanong ni Yahweh kung mabubuhay pa kaya muli ang mga tuyong buto.

Ezekiel 37:4-6

Ano ang ipinahayag ni Ezekiel na mangyayari sa mga tuyong buto?

Ipinahayag ni Ezekiel na ang mga tuyong buto ay magkakaroon ng laman at mabubuhay muli.

Ezekiel 37:7-8

Ano ang nangyari sa mga buto nang nagpahayag si Ezekiel sa kanila sa unang pagkakataon?

Nang nagpahayag si Ezekiel sa kanila sa unang pagkakataon, nagkadikit-dikit ang mga buto at binalot ng mga laman at balat ang mga ito.

Ezekiel 37:9-10

Ano ang nangyari sa mga buto nang nagpahayag si Ezekiel sa ikalawang pagkakataon?

Nang nagpahayag si Ezekiel sa mga buto sa ikalawang pagkakataon, dumating sa kanila ang Espiritu at sila ay nabuhay.

Ezekiel 37:11-12

Ayon kay Yahweh, saan kumakatawan ang lambak ng mga buto?

Ayon kay Yahweh, kumakatawan ang lambak ng mga tuyong buto sa buong sambahayan ng Israel.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa Israel, kung saan kumakatawan sa mga tuyong buto na muling nabuhay?

Sinabi ni Yahweh na itataas niya ang mga libingan ng mga Israelita at ibabalik niya sila sa lupain ng Israel.

Ezekiel 37:13-14

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa Israel, kung saan kumakatawan sa mga tuyong buto na muling nabuhay?

Sinabi ni Yahweh na itataas niya ang mga Israelita mula sa kanilang mga libingan at ibabalik niya sila sa lupain ng Israel.

Ezekiel 37:15-17

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na gagawin niya sa dalawang patpat?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magsulat ng isang pangalan sa bawat patpat, si Juda at si Jose, at pag-isahin ang dalawang patpat.

Ezekiel 37:18-20

Ano ang sinabi ni Yahweh na kahulugan ng dalawang patpat ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh na pagsasamahin niya ang dalawang sanga ni Jose at Juda upang sila ay maging isa sa kaniyang kamay.

Ezekiel 37:21-23

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin para sa mga Israelita?

Sinabi ni Yahweh na titipunin niya ang mga Israelita sa mga bundok ng Israel bilang isang bansa na mayroong isang hari.

Ezekiel 37:24-25

Sino ang sinabi ni Yahweh ang mamumunong hari sa nagkaisang bansa ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na ang kaniyang lingkod na si David ang mamumunong hari sa nagkaisang bansa ng Israel.

Ayon kay Yahweh, gaano katagal na magiging pinuno ang hari ng Israel

Ayon kay Yahweh, ang hari ng Israel ay magiging pinuno nila magpakailanman.

Ezekiel 37:26-28

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang itatatag sa Israel, at gaano katagal?

Sinabi ni Yahweh na magtatatag siya ng isang kasunduang pangkapayapaan sa Israel ng walang hanggan.

Saan mananahan si Yahweh na kaniyang sinabi?

Sinabi ni Yahweh na mananahan siya sa gitna ng mga Israelita magpakailanman.

Ezekiel 38

Ezekiel 38:1-3

Laban kanino ang sinabi ni Yahweh na pagpahayagan ni Ezekiel?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na magpahayag laban kay Gog mula sa lupain ng Magog.

Ezekiel 38:4-6

Ano ang sinabi ni Yahweh na kasama niyang ipadadala kay Gog?

Sinasabi ni Yahweh na ipadadala niya sa labas si Gog kasama ang lahat ng kaniyang hukbo, mga kabayo, at mangangabayo.

Ezekiel 38:7-9

Sino ang pinuno ng lahat ng mga pangkat mula sa Persia, Cus, Gomer, at Beth-togarma?

Si Gog ang pinuno ng lahat ng mga pangkat na ito na nagkatipong kasama niya.

Saang lupain tinawag si Gog upang pumunta?

Pupunta si Gog sa lupain na nakabangon mula sa espada at tinipo mula sa maraming mga tao sa mga bundok ng Israel.

Ezekiel 38:10-13

Ano ang masamang pamamaraan na gagamitin ni Gog

Gagamit ng masamang paraan si Gog upang kunin ang nasamsam at nakawin ang mga kinuha sa pamamagitan ng pandarambong mula sa mga taong namumuhay ng tahimik at ligtas.

Saang bahagi ng mundo nakatira ang mga taong natipon mula sa mga b

Ang mga taong natipon mula sa mga bansa ay nakatira sa gitna ng mundo.

Ezekiel 38:14-16

Mula sa anong direksyon(panig) nanggaling si Gog at ang napakalaki niyang hukbo?

Si Gog at ang napakalaki niyang hukbo ay dumating(nanggaling)(nagmula) mula sa malayong dako sa hilaga.

Ezekiel 38:17-18

Sa kanino nagsalita si Yahweh na darating si Gog laban sa Israel?

Nagsalita si Yahweh sa mga propeta ng Israel na darating si Gog laban sa Israel.

Paano tutugon si Yahweh kapag sasalakayin na ni Gog ang lupain ng Israel?

Kapag sinalakay(sasalakayin) ni Gog ang lupain ng Israel, tutugon si Yahweh nang may galit sa kaniyang butas ng ilong

Ezekiel 38:19-20

Ano ang malaking pangyayari na sinabi ni Yahweh na mangyayari sa araw na sasalakayin ni Gog ang Israel?

Sinasabi ni Yahweh na magkakaroon ng isang napakalakas na lindol sa araw na sasalakayin ni Gog ang Israel.

Ezekiel 38:21-23

Sa ano hahatulan ni Yahweh si Gog at ang kaniyang mga pangkat sa araw na iyon?

Hahatulan ni Yahweh si Gog at ang kaniyang mga pangkat sa araw na iyon ng salot, (dugo)mga malalakas na ulan, malalaking yelo ng apoy, at umuulang(pag ulan ng) asupre.

Sa araw na iyon, ano ang ipapakita ni Yahweh sa mga mata ng maraming mga bansa?

Sa araw na iyon, ipapakita ni Yahweh ang kaniyang kadakilaan sa mga mata ng maraming mga bansa.

Ezekiel 39

Ezekiel 39:1-3

Ayon sa sinabi ni Yahweh, saan niya dadalhin ang Gog na pinuno ng Meshec at Tubal?

Sinabi ni Yahweh na dadalhin niya ang Gog sa mga kabundukan ng Israel.

Ezekiel 39:4-6

Saan mamamatay ang Gog

Mamamatay ang Gog sa mga kabundukan ng Israel.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa Magog at sa mga naninirahan nang ligtas sa mga baybayin?

Susunugin ni Yahweh ang Magog at ang mga naninirahan nang ligtas sa mga baybayin.

Ezekiel 39:7-8

Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi na niya hahayaan?

Sinabi ni Yahweh na hindi na niya hahayaang lapastanganin ang kaniyang banal na pangalan.

Ezekiel 39:9-10

Bakit hindi na kailangang magtipon ng kahoy sa loob ng pitong taon ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Israel?

Hindi na nila kailangang magtipon ng kahoy sa loob ng pitong taon dahil susunugin nila ang mga sandata ng Gog.

Ezekiel 39:11

Saan ililibing si Gog at ang lahat ng kaniyang napakaraming mga tao?

Sa lambak ng Hamon Gog ililibing si Gog at ang lahat ng kaniyang napakaraming mga tao

Ezekiel 39:12-16

Ano ang kailangang gawin ng sambahayan ng Israel upang dalisayin ang lupain?

Kailangang ilibing ng sambahayan ng Israel ang Gog at ang lahat ng kaniyang napakaraming mga tao sa loob ng pitong buwan upang dalisayin ang lupain.

Ezekiel 39:17-20

Anong malaking alay ang ginagawa ni Yahweh sa mga kabundukan ng Israel?

Gumagawa si Yahweh ng malaking alay ng laman ng mga mandirigma at ng dugo ng mga prinsipe ng daigdig sa mga kabundukan ng Israel.

Ezekiel 39:21-22

Ano ang makikita ng lahat ng bansa kapag gumawa si Yahweh ng kaniyang malaking alay sa kabundukan ng Israel?

Makikita ng lahat ng bansa ang paghatol ni Yahweh at ang kaniyang kamay.

Ezekiel 39:23-24

Bakit nabihag ang sambahayan ng Israel?

Nabihag ang sambahayan ng Israel dahil sa kanilang mga kasalanan.

Ezekiel 39:25-27

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa sambahayan ng Israel kapag kumilos siya ng masigasig para sa kaniyang banal na pangalan?

Panunumbalikin ni Yahweh ang mga kayamanan ni Jacob at kaaawaan niya ang sambahayan ng Israel.

Ano ang makakalimutan ng sambahayan ng Israel kapag mamamahinga sila nang ligtas sa lupain?

Makakalimutan ng sambahayan ng Israel ang kanilang kahihiyan at ang lahat ng kanilang kataksilan na kung saan ipinagkanulo nila si Yahweh.

Ezekiel 39:28-29

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya kapag ibinuhos niya ang kaniyang Espiritu sa sambahayan ng Israel?

Ipinahayag ni Yahweh na hindi na niya itatago ang kaniyang mukha mula sa kanila kapag ibinuhos niya ang kaniyang Espiritu sa sambahayan ng Israel.

Ezekiel 40

Ezekiel 40:1-2

Sa loob ng ilang taon nabihag ng mga taga-Babilonia si Ezekiel?

Nabihag ng mga taga-Babilonia si Ezekiel sa loob ng dalawampu't limang taon.

Ilang taon na ang nakalipas nang bihagin ang lungsod ng Jerusalem?

Binihag ang lungsod ng Jerusalem labing-apat na taon na ang nakalipas.

Saan dinala ng Diyos si Ezekiel sa pamamagitan ng mga pangitain?

Dinala ng Diyos si Ezekiel sa lupain ng Israel sa pamamagitan ng mga pangitain.

Ezekiel 40:3-4

Ano ang sinabi kay Ezekiel na ipapamalita niya sa sambahayan ng Israel?

Sinabi kay Ezekiel na ipamalita niya sa sambahayan ng Israel ang lahat ng kaniyang nakita.

Ezekiel 40:5-10

Sa pangitain ni Ezekiel, ano ang nakapalibot sa mga gusali ng templo?

Sa pangitain ni Ezekiel, isang pader ang nakapalibot sa mga gusali ng templo.

Ezekiel 40:11-13

Ilang siko ang lawak ng pasukan ng tarangkahan na sinukat ng lalaking tulad ng tanso?

Sinukat ng lalaki ang lawak ng pasukan ng tarangkahan, sampung siko ito.

Ezekiel 40:14-16

Ano ang nakita ni Ezekiel na nakaukit sa mga pader?

Nakita ni Ezekiel ang mga inukit na mga puno ng palma sa mga pader.

Ezekiel 40:17-21

Saan dinala si Ezekiel ang lalaking tulad ng tanso matapos sukatin ang lawak ng tarangkahan?

Dinala ng lalaki si Ezekiel sa panlabas na patyo ng templo.

Ezekiel 40:22-27

Ano ang kailangang daanan ng isang tao upang makapasok sa panloob na patyo?

Kailangang dumaan ang isang tao sa tarangkahan upang makapasok sa panloob na patyo.

Ezekiel 40:28-31

Paano maihahalintulad ang sukat ng mga tarangkahan ng panloob na patyo?

Pare-pareho ang mga sukat ng mga tarangkahan ng panloob na patyo.

Ezekiel 40:32-34

Paano maihahalintulad ang sukat ng mga tarangkahan ng panloob na patyo?

Pare-pareho ang sukat ng mga tarangkahan ng panloob na patyo.

Ezekiel 40:35-37

Paano maihahalintulad ang sukat ng mga tarangkahan ng panloob na patyo?

Pare-pareho ang sukat ng mga tarangkahan ng panloob na patyo.

Ezekiel 40:38-39

Para saan gagamitin ang mga silid na may mga pinto patungo sa bawat panloob na daanan ng tarangkahan?

Gagamitin sa paglinis ng mga handog na susunugin ang mga silid na may mga pinto patungo sa bawat panloob na daanan sa tarangkahan.

Ezekiel 40:40-45

Para saan gagamitin ang apat na hapag sa magkabilang bahagi ng bawat tarangkahan?

Gagamitin para sa pagkakatay ng mga hayop ang apat na hapag sa magkabilang bahagi ng tarangkahan.

Ezekiel 40:46-47

Kaninong mga anak ang naglilingkod bilang mga pari sa templo?

Ang mga anak ni Zadok ang naglilingkod bilang mga pari sa templo.

Gaano kalaki ang panloob na patyo?

Isandaang siko ang haba at lawak sa kuwadrado ng panloob na patyo.

Ezekiel 40:48-49

Ano ang nakatayo sa magkabilang bahagi ng portiko ng santuwaryo?

Nakatayo ang mga haligi sa magkabilang bahagi ng portiko ng santuwaryo.

Ezekiel 41

Ezekiel 41:1-2

Saan dinala ng lalaki si Ezekiel?

Dinala ng lalaki si Ezekiel sa banal na lugar ng templo.

Ezekiel 41:3-4

Saan ang sumunod na pinuntahan ng lalaki?

Sumunod na pinuntahan ng lalaki ang kabanal-banalang lugar.

Ezekiel 41:5-11

Paano makakapunta ang isang tao sa pinakamataas na palapag ng tahanan?

Upang makarating sa pinakamataas na palapag ng tahanan, may isang hagdanan papunta sa itaas sa pamamagitan ng panggitnang palapag.

Ezekiel 41:12-14

Ano ang sukat ng santuwaryo at ang lawak ng harapan ng patyo sa harap ng santuwaryo?

Ang santuwaryo at ang harapan ng patyo ay parehong isandaang siko.

Ezekiel 41:15-17

Ano ang nasa itaas ng pasukan patungo sa panloob na santuwaryo?

Sa itaas ng pasukan patungo sa panloob na santuwaryo ay mayroong sinukat na disenyo.

Ezekiel 41:18-20

Ano ang iniukit sa itaas ng pasukan patungo sa santuwaryo?

Ang iniukit sa itaas ng pasukan patungo sa santuwaryo ay kerubin at mga puno ng palmera na nagsasalitan ang bawat isa.

Ano ang dalawang mukha na mayroon ang bawat kerubin?

Ang bawat kerubin ay may mukha ng tao at mukha ng batang leon.

Ezekiel 41:21-24

Ano ang sinabi ng lalaki tungkol sa kahoy na altar sa harap ng banal na lugar?

Sinabi ng lalaki na ang kahoy na altar ay ang hapag na nakatayo sa harapan ni Yahweh.

Ezekiel 41:25-26

Ano ang nakaukit sa mga pinto ng banal na lugar?

Kerubin at mga puno ng palmera/palma ang nakaukit sa mga pinto ng banal na lugar.

Ezekiel 42

Ezekiel 42:1-12

Saang bahagi ng templo dinala ng lalaki si Ezekiel?

Dinala ng lalaki si Ezekiel sa panlabas na patyo sa dakong hilaga.

Ezekiel 42:13-15

Ano ang sinabi ng lalaki na panggagamitan sa mga silid na nasa hilaga at timog na nasa harap ng panlabas na patyo?

Sa mga silid na iyon, kinain ng mga pari ang banal na pagkain at inilagay ang pinakabanal na mga bagay.

Ano ang mga pinakabanal na bagay ng mga pari?

Ang mga pinakabanal na bagay ng mga pari ay ang handog na pagkain, ang alay para sa kasalanan at ang alay para sa pagkakasala.

Anong uri ng lugar ang mga silid sa hilaga at timog na sinabi ng lalaki?

Sinabi ng lalaki na ang mga silid sa hilaga at timog ay mga banal na lugar.

Ano ang dapat gawin ng mga pari bago lumapit sa mga tao?

Dapat magsuot ng ibang damit ang mga pari bago lumapit sa mga tao.

Ezekiel 42:16-19

Ano ang sinukat ng lalaki na gaya ng sukat ng tarangkahan sa silangan?

Sinukat ng lalaki ang tarangkahan sa silangan upang maging 500 siko ang lahat ng dako nito.

Ano ang haba ng bawat dako sa hilaga, timog, silangan at kanluran?

Limandaang siko ang haba ng bawat dako.

Ezekiel 42:20

Ano ang sinukat ng lalaki na gaya ng sukat ng tarangkahan sa silangan?

Sinukat ng lalaki ang tarangkahan sa silangan upang maging 500 siko ang lahat ng dako nito.

Ano ang dalawang bagay na ihinihiwalay ng tarangkahan sa silangan?

Ihinihiwalay ng tarangkahan sa silangan ang banal at hindi banal.

Ezekiel 43

Ezekiel 43:1-2

Saang lugar sumunod na dinala ng lalaki si Ezekiel?

Sumunod na dinala ng lalaki si Ezekiel sa tarangkahan na nakabukas sa silangan.

Ano ang nakita ni Ezekiel at saang direksiyon ito nagmula?

Nakita ni Ezekiel ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel mula sa silangan.

Ezekiel 43:3-5

Paano nakapasok si Ezekiel sa panloob na patyo?

Itinayo ng Espiritu si Ezekiel at dinala siya sa panloob na patyo.

Ezekiel 43:6-9

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa panloob na patyo?

Sinabi ni Yahweh na ilalagay niya roon ang kaniyang trono at mananahan magpakailanman sa kalagitnaan ng mga tao ng Israel.

Sa paanong paraan hindi na lalapastanganin ng mga tao ng Israel ang banal na pangalan ni Yahweh?

Hindi na lalapastanganin ng mga tao ng Israel ang banal na pangalan ni Yahweh sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pintuan ng kanilang mga dambana sa tabi ng kay Yahweh.

Ezekiel 43:10-11

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Ezekiel tungkol sa tahanang nakita niya sa pangitain?

Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel na sabihin sa sambahayan ng Israel ang tungkol sa tahanan na nakita niya sa pangitain.

Ano ang dapat gawin ng Israel upang ihayag sa kanila ni Ezekiel ang disenyo ng tahanan?

Dapat mahiya ang Israel sa kanilang mga nagawang kasalanan upang ihayag sa kanila ni Ezekiel ang disenyo ng tahanan.

Ezekiel 43:12-14

Ano ang sinabi ni Yahweh na alituntunin para sa tahanan?

Sinabi ni Yahweh na ang alituntunin para sa tahanan ay dapat na maging kabanal-banalan ito.

Ezekiel 43:15-17

Para saan gagamitin ang sunugan sa altar?

Ang sunugan sa altar ay gagamitin para sa mga alay na susunugin.

Ano ang mga bagay na nakaturo sa itaas sa sunugan?

Mayroong apat na sungay na nakaturo sa itaas sa sunugan.

Ezekiel 43:18-19

Ano ang sinabi ni Yahweh na dapat ialay para sa kasalanan para sa mga paring Levita sa unang araw?

Sinabi ni Yahweh na isang toro mula sa mga baka ang dapat ialay para sa kasalanan para sa mga paring Levita sa unang araw.

Kaninong kaapu-apuhan ang maglilingkod bilang mga paring Levita sa altar na ito?

Ang mga kaapu-apuhan ni Zadok ang maglilingkod bilang mga paring Levita sa altar na ito.

Ezekiel 43:20-21

Ano ang magagawa ng paglalagay ng dugo sa altar?

Ang paglalagay ng dugo sa altar ang maglilinis at magiging kabayaran para rito.

Ezekiel 43:22-24

Ano ang sinabi ni Yahweh na dapat ialay para sa kasalanan para sa mga paring Levita sa ikalawang araw?

Sinabi ni Yahweh na isang lalaking kambing na walang kapintasan ang magiging alay para sa kasalanan para sa mga paring Levita sa ikalawang araw.

Ezekiel 43:25-27

Ano ang dapat gawin ng mga pari sa loob ng pitong araw upang linisin ang altar?

Kailangang maghanda ang mga pari ng walang kapintasang lalaking tupa bilang alay na susunugin upang linisin ang altar.

Sa ikawalong araw at sa susunod pang araw, ano ang inihayag ni Yahweh na kaniyang gagawin?

Sa ikawalong araw at sa susunod pang araw, inihayag ni Yahweh na tatanggapin niya sila.

Ezekiel 44

Ezekiel 44:1-3

Saan dinala ng lalaki si Ezekiel?

Dinala ng lalaki si Ezekiel pabalik sa panlabas na tarangkahan ng santuwaryo na nakaharap sa silangan. [44:1]

Ano ang nangyari sa tarangkahang nasa silangang bahagi, at bakit?

Isinarang mabuti ang tarangkahang nasa silangan dahil pumasok sa loob nito si Yahweh na Diyos ng Israel. [44:1-2]

Ezekiel 44:4-5

Tungkol saan ang sinabi ni Ezekiel na pakaisipin na may kinalaman sa tahanan ni Yahweh?

Sinabi ni Ezekiel ang tungkol sa pasukan at labasan ng tahanan ni Yahweh. [44:5]

Ezekiel 44:6-7

Ano ang mga kasuklam-suklam na gawain ng sambahayan ng Israel na lumalapastangan sa santuwaryo ni Yahweh?

Dinala ng sambahayan ng Israel sa santuwaryo ang mga dayuhan na hindi tuli ang mga puso at pisikal na katawan. [44:7]

Ezekiel 44:8-9

Bakit pinahintulutan ng sambahayan ng Israel ang mga dayuhan sa santuwaryo ni Yahweh?

Pinahintulutan ng sambahayan ng Israel ang mga dayuhan sa santuwaryo ni Yahweh dahil ibinigay sa kanila ang tungkulin sa pangangalaga ng santuwaryo. [44:8]

Ezekiel 44:10-12

Ano ang ginawa ng mga Levita na lumihis kay Yawhweh?

Nagsagawa ng mga paghahandog sa harapan ng mga diyus-diyosan ang mga Levita na lumihis palayo kay Yaweh. [44:10-12]

Ezekiel 44:13-14

Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi pahihintulutang gawin ng mga Levitang lumihis palayo sa kaniya?

Ipinahayag ni Yahweh na hindi na makakalapit sa kaniya ang mga Levitang lumihis palayo sa kaniya upang maglingkod bilang kaniyang mga o lapitan ang anuman sa kaniyang banal na mga bagay at ang mga bagaay na pinakabanal. [44:13]

Saan itatalaga ni Yahweh ang mga Levitang lumihis palayo sa kaniya?

Sinabi ni Yahweh na itatalaga niya sila bilang mga tagapamahala ng mga gawain sa bahay, sa lahat ng mga tungkulin dito at sa lahat ng mga gawain dito. [44:14]

Ezekiel 44:15-16

Bakit ipinahayag ni Yahweh na maaaring lumapit at tumayo lalapit at tatayo sa kaniyang harapan ang mga lalaking anak ni Zadok?

Maaaring lumapit at tumayo sa harapan ni Yahweh ang mga lalaking anak ni Zadok dahil ginampanan nila ang mga tungkulin sa santuwaryo ni Yahweh nang lumihis palayo sa kaniya ang mga tao ng Israel. [44:15]

Ezekiel 44:17-19

Anong uri ng damit ang susuotin ng mga pari kapag pumunta sila sa mga tarangkahan ng panloob na patyo, at bakit?

Magsusuot ang mga pari ng linong damit kapag pumunta sila sa mga tarangkahan ng panloob na patyo upang hindi sila pagpawisan. [44:17-18]

Ezekiel 44:20-22

Sino ang pinahihintulutang mapangasawa ng pari?

Pinahihintulutang mapangasawa pari ang isang birheng nagmula sa hanay ng sambahayan ng Israel o sa isang balo na dating asawa ng isa pari. [44:22]

Ezekiel 44:23-27

Sa pagitan ng anong pagkakaiba ang maaaring ituro ng mga pari sa mga tao?

Maaaring ituro ng mga pari sa mga tao ang pagkakaiba ng banal at hindi banal, ng hindi malinis at malinis. [44:23]

Ano ang tungkulin ng mga pari sa isang alitan sa pagitan ng mga Israelita?

Tatayo ang mga pari sa pagitan ng mga tao upang humatol sa pamamagitan ng mga atas ni Yahweh at dapat maging makatarungan sila. [44:24]

Ezekiel 44:28-29

Bakit hindi nakatanggap ng anumang ari-arian at mana ang mga pari sa lupain ng Israel?

Hindi nakatanggap ng anumang ari-arian o mana ang mga pari sa lupain ng Israel dahil si Yahweh ang kanilang mana at ari-arian. [44:28]

Sa madaling salita, ano ang kakainin ng mga pari?

Kakainin ng mga pari ang mga handog na pagkain. [44:29]

Ezekiel 44:30-31

Paano magkakaroon ng pagkain ang mga pari na kakainin?

Maaaring kainin ng mga pari ang mga pagkaing handog, ang handog dahil sa kasalanan, handog dahil sa pagkakasala at ang pinakamainam na unang bunga ng lahat ng bagay.

Ano ang hindi kakainin ng mga pari?

Hindi kakainin ng mga pari ang anumang patay na hayop o hayop na ginutay-gutay ng isang mabangis na hayop, maging ang mga ibon o mababangis na hayop. [44:31]

Ezekiel 45

Ezekiel 45:1-2

Anong handog ang gagawin ng mga tao kay Yahweh kapag nagpalabunutan sila upang paghatian ang lupain?

Gagawa ng paghahandog ang mga tao ng isang banal na bahagi ng lupain kapag nagpalabunutan sila upang pahatian ang lupain. [45:1]

Ezekiel 45:3-5

Para sa anong lugar ang banal na bahagi ng lupain?

Para sa mga tahanan at mga bayan ng mga pari ang banal na bahagi ng lupain. [45:4-5]

Ezekiel 45:6-7

Sino ang maaaring magmay-ari sa bahagi ng lungsod?

Magiging pag-aari ng lahat ng sambahayan ng Israel ang bahagi ng lungsod. [45:6]

Ezekiel 45:8

Kaninong lupain ang dapat na nasa magkabilang sulok ng banal na lugar at ng lungsod?

Dapat nasa magkabilang bahagi ng banal na lugar at ng lungsod ang lupain ng mga prinsipe ng Israel.

Ezekiel 45:9-12

Ano ang sinabi ni Yahweh na itigil gawain ng mga prinsipe ng Israel?

Sinabi ni Yahweh na itigil na ng mga prinsipe ng Israel ang pagpapalayas sa kaniyang mga tao at alisin ang karahasan at pag-aawayan. [45:9]

Ano ang sinabi ni Yahweh na dapat gawing tama?

Sinabi ni Yahweh na dapat gawing tama ang mga timbangan, mga efa at mga bath. [45:10]

Ezekiel 45:13-15

Gaano karaming langis ang magmumula sa ikasampu ng bath na magiging alituntunin sa paghahandog ng langis?

Ang ikasampu ng isang bath sa bawat sampung bath ang magiging alituntunin sa paghahandog ng langis. [45:14]

Ezekiel 45:16-17

Kanino dapat magbigay mga tao ng lupain ng kanilang mga ambag?

Dapat magbigay ang mga tao ng lupain ng kanilang mga ambag sa prinsipe ng Israel. [45:16]

Sino ang may pananagutan na magbigay ng mga hayop na iaalay sa mga pagdiriwang ng sambahayan ng Israel?

Pananagutan ng prinsipe ng Israel na magbigay ng mga hayop para sa mga pag-aalay. [45:17]

Ezekiel 45:18-20

Kailan mag-aalay ang mga pari ng isang walang kapintasang toro bilang alay dahil sa kasalanan para sa santuwaryo?

Mag-aalay ang mga pari ng isang walang kapintasang toro bilang alay dahil sa kasalanan sa unang araw ng unang buwan. [45:18]

Ezekiel 45:21-24

Kailan magkakaroon ng pitong araw na pagdiriwang ng tinapay na walang pampaalsa?

Magkakaroon ng pitong araw ng pagdiriwang ng tinapay na walang pampaalsa sa ikalabing apat na araw ng unang buwan. [45:21]

Ezekiel 45:25

Anong mga handog ang ibibigay sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan?

Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, ibibigay ang mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na susunugin, mga handog na pagkain at mga handog na langis. [45:25]

Ezekiel 46

Ezekiel 46:1-2

Kailan ang sinabi ni Yahweh na maaaring buksan ang silangang tarangkahan ng panloob na patyo?

Sinabi ni Yahweh na maaaring buksan ang silangang tarangkahan ng panloob na patyo sa Araw ng Pamamahinga at sa araw ng Bagong Buwan. [46:1]

Saan dapat sumamba ang mga prinsipe?

Dapat sumamba ang mga prinsipe ng Israel sa pasukan ng tarangkahan ng panloob na patyo. [46:2]

Ezekiel 46:3-5

Ano ang susunuging handog ng prinsipe sa Araw ng Pamamahinga?

Maghahandog ang prinsipe ng anim na walang kapintasang kordero at isang walang kapintasang lalaking tupa. [46:4]

Ezekiel 46:6-8

Ano ang sinabi ni Yahweh na patakaran tungkol sa kung paano dapat lumabas ang prinsipe matapos siyang sumamba?

Sinabi ni Yahweh ang patakaran na dapat lumabas ang prinsipe sa parehong daan kung saan siya pumasok upang sumamba. [46:8]

Ezekiel 46:9-10

Ano ang sinabi ni Yahweh na patakaran tungkol sa kung paano dapat umalis ang mga tao pagkatapos nilang sumamba?

Sinabi ni Yahweh ang patakaran na dapat umalis ang mga tao sa pamamagitan ng paglabas sa harapan kung saan sila pumasok.[46:9]

Ezekiel 46:11-12

Ano ang dapat gawin ng prinsipe sa isang pagdiriwang kapag kusa siyang nagbigay ng isang handog?

Dapat buksan ng prinsipe ang tarangkahan sa silangang bahagi para sa paghahandog at pagkatapos, lalabas siya at isasara ang tarangkahan pagkatapos niyang makalabas. [46:12]

Ezekiel 46:13-15

Ano ang sinabi ni Yahweh na ibibigay bilang handog na susunugin tuwing umaga?

Sinabi ni Yahweh na dapat magbigay ng isang walang kapintasang kordero na isang taong gulang bilang alay na susunugin sa tuwing umaga. [46:13]

Ezekiel 46:16-18

Ayon kay Yahweh, sino ang makakatanggap sa mana ng prinsipe?

Ang kaniyang mga anak ang dapat tumanggap sa mana ng prinsipe. [46:17]

Bakit sinabi ni Yahweh na hindi dapat kunin ng prinsipe ang mana ng mga tao?

Hindi dapat kunin ng prinsipe ang mana ng mga tao upang hindi sila mahiwalay sa kanilang sariling ari-arian. [46:18]

Ezekiel 46:19-20

Bakit hindi maaaring dalhin ng mga pari ang mga handog dahil sa pagkakasala, handog dahil sa kasalanan at mga handog na butil sa labas ng panlabas na patyo?

Hindi maaaring dalhin ng mga pari ang mga handog sa labas ng panlabas na patyo upang pabanalin ang mga tao. [46:20]

Ezekiel 46:21-24

Ano ang mga ginagawa sa mga lutuan sa mga sulok ng panlabas na patyo?

Pinakukuluan ng mga lingkod sa templo ang mga handog ng mga tao sa mga lutuan sa mga sulok ng panlabas na patyo. [46:24]

Ezekiel 47

Ezekiel 47:1-2

Sa anong direksiyon nakaharap ang templo sa pangitain ni Ezekiel?

Ang templo ay nakaharap sa silangan.

Ano ang nakita ni Ezekiel sa tarangkahan na nakaharap sa silangan?

Nakita ni Ezekiel ang tubig na umaagos mula sa tarangkahang nakaharap sa silangan, sa gawing timog nito.

Ezekiel 47:3-5

Gaano kalalim ang tubig ng makita ni Ezekiel?

Ang tubig ay naging isang ilog na napakalalim tawirin nang hindi lumalangoy.

Ezekiel 47:6-10

Ano ang nasa magkabilang bahagi ng ilog?

Sa magkabilang bahagi ng ilog, maraming mga puno sa pampang nito.

Saan patungo ang agos ng tubig na ito at ano ang gagawin nito doon?

Umaagos ang tubig na ito patungo sa Dagat na Patay at ibabalik ang kasariwaan nito.

Ezekiel 47:11-12

Ano ang hindi magiging sariwa sa Dagat na Patay?

Ang mga latian at mga ilat ang hindi magiging sariwa sa Dagat na Patay.

Anong uri ng mga puno ang tumutubo sa tabing-ilog at papaano sila tumutubo?

Mga puno na nakakain ang bunga ang tumutubo sa tabing-ilog, namumunga sa bawat buwan at hindi malalanta kailanman.

Ezekiel 47:13-14

Sino ang makatatanggap ng dalawang bahagi ng lupain sa mga tribo ng Israel?

Si Jose ang makatatanggap ng dalawang bahagi ng lupain sa mga tribo ng Israel.

Ezekiel 47:15-17

Sa hangganan ng anong lungsod aabot ang sakop ng lupain sa hilaga?

Ang hilagang hangganan ng lupain ay aabot hanggang sa hangganan ng Damasco.

Ezekiel 47:18-20

Ano ang magiging hangganan ng lupain sa dako ng silangan?

Ang Ilog ng Jordan ang magiging hangganan ng lupain sa dakong silangan

Anong batis ang magiging bahagi ng katimugang hangganan ng lupain sa dakong timog?

Ang Batis ng Egipto ang magiging bahagi ng hangganan ng lupain sa dakong timog.

Ano ang magiging hangganan ng lupain sa dakong kanluran?

Ang Dagat Mideteraneo ang magiging hangganan ng lupain sa dakong kanluran

Ezekiel 47:21-23

Paano malalaman ng mga Israelita kung ano ang mga mana ng bawat tao sa lupain?

Magpapalabunutan ang mga Israelita upang malaman ang mga mana ng bawat tao sa lupain.

Sino ang tatratuhin na tulad ng mga katutubong tao ng Israel?

Ang mga dayuhang naninirahan sa kalagitnaan ng mga Israelita ang dapat tratuhin na tulad ng mga katutubong mga tao ng Israel.

Ezekiel 48

Ezekiel 48:1-3

Aling tribo ang mabibigyan ng lupain sa hilagang hangganan ng Israel?

Ang tribong Dan ang mabibigyan ng lupain sa hilagang hangganan ng Israel.

Aling tribo ang magiging hangganan sa timog ng tribong Dan?

Ang tribong Aser ang magiging hangganan sa timog ng Dan.

Aling tribo ang magiging hangganan sa timog ng tribong Aser?

Ang tribong Neftali ang magiging hangganan sa timog ng Aser.

Ezekiel 48:4-7

Ayon sa pagkakasunod-sunod, sino-sino ang apat na tribo ang magiging timog ng tribong Neftali?

Ayon sa pagkakasunod-sunod, ang apat na tribo sa timog ng Neftali ay ang Manases, Efraim, Ruben at Juda.

Ezekiel 48:8-9

Ano ang magiging gitna ng lupain na matatagpuan sa tabi ng hangganan ng Juda?

Ang templo ang magiging gitna ng lupain na matatagpuan sa tabi ng hangganan ng Juda.

Ezekiel 48:10-12

Sino ang maninirahan sa lupain na nakapalibot sa santuwaryo ni Yahweh?

Ang mga pari sa hanay ni Zadok ang maninirahan sa palibot ng santuwaryo ni Yahweh.

Ezekiel 48:13-16

Sino ang maninirahan sa lupain sa hangganan ng lupain ng mga pari?

Ang mga Levita ang maninirahan sa lupain sa hangganan ng lupain ng mga pari.

Ezekiel 48:17-20

Saan gagamitin ang natitirang bahagi ng banal na handog?

Ang natitirang bahagi ng banal na handog ay gagamitin upang makagawa ng pagkain para sa mga nagtatrabaho sa lungsod.

Ezekiel 48:21-26

Para kanino ang lupain na nasa dakong silangan at kanlurang hangganan ng lupain na handog na banal?

Para sa prinsipe ang lupain na nasa dakong silangan at kanlurang hangganan ng lupain ng handog na banal.

Ezekiel 48:27-29

Sa pagkasunod-sunod, sino sa limang tribo ang mapupunta sa timog ng handog na banal ng lupain?

Sa pagkakasunod-sunod, ang limang tribo na nasa timog ng handog na banal ay ang Benjamin, Simeon, Issachar, Zebulun at Gad.

Ano ang dapat magiging hangganan ng Gad sa katimugan?

Ang katimugang hangganan ng Gad ay palalawakin mula Tamar hanggang sa mga katubigan ng Meribat-cadesh at aabot hanggang sa batis ng Egipto at patungo sa Dagat ng Mediteraneo.

Ezekiel 48:30-32

Ilang mga tarangkahan ang dapat mayroon sa bawat dako ng lungsod at ano ang kumakatawan sa bawat isa?

Magkakaroon ng tatlong tarangkahan sa bawat dako ng lungsod, bawat isa ay kumakatawan sa tribo ng Israel.

Ilang mga tarangkahan ang mayroon sa hilagang dako ng lungsod at ano ang ipapangalan sa mga ito?

Mayroong tatlong tarangkahan sa hilagang dako ng lungsod at ipinangalan ang isa kay Ruben, ang isa ay para kay Juda at ang isa ay para kay Levi.

Ezekiel 48:33-35

Ano ang ipapangalan sa lungsod?

"Naroon si Yahweh" ang magiging pangaalan ng lungsod.