1 Chronicles
1 Chronicles 1
1 Chronicles 1:8-16
Sino ang unang mananakop sa lupa?
Si Nimrod, ang anak na lalaki ni Cus, ang unang mananakop. [1:10]
1 Chronicles 1:17-42
Bakit pinangalanang Peleg ang isa sa mga anak na lalaki ni Eber?
Dahil sa panahon niya, ang lupa ay nahati.
1 Chronicles 1:43-54
Saang lupain ang may mga hari bago naghari ang mga hari sa buong Israelita?
Ang lupain ng Edom ang mayroong mga hari bago nagkaroon ng hari sa mga Israelita. [1:43]
1 Chronicles 2
1 Chronicles 2:3-4
Anong nangyari kay Er, na panganay na anak na lalaki ni Juda?
Siya ay masama sa paningin ni Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh. [2:3]
1 Chronicles 2:5-12
Paano nanggulo si Acan sa Israel?
Ninakaw niya ang nakalaan para sa Diyos. [2:7]
1 Chronicles 2:13-55
Sino ang ikapitong anak na lalaki ni Jesse?
Si David ang ikapitong anak na lalaki ni Jesse.[2:15]
1 Chronicles 3
1 Chronicles 3:4-14
Ilang taon namuno si David sa Jerusalem bilang hari?
Siya ay namuno ng tatlumpu't tatlong taon bilang hari sa Jerusalem.
1 Chronicles 3:15-24
Sino ang huling hari ng mga Israelita?
Si Zedikias ang naging huling hari ng Israel.
1 Chronicles 4
1 Chronicles 4:9-26
Ano ang ipinanalangin ni Jabes sa Diyos ng Israel?
Nanalangin siya na pagpalain nawa siya ng Diyos, at palawakin ang kaniyang nasasakupan, at ilayo mula sa kasamaan upang hindi siya magtiis ng pagdurusa.
Tinugon ba ang panalangin ni Jabes?
Oo, tinugon ng Diyos ang kaniyang panalangin
1 Chronicles 4:27-38
Bakit ang angkan ni Simei at kaniyang mga kapatid na lalaki ay hindi dumami ang bilang di tulad ng mga tao ni Judah?
Hindi nagkaanak ng marami ang kaniyang mga kapatid.
1 Chronicles 4:39-43
Bakit ang ilan sa mga anak na lalaki ni Simei ay nagpunta sa Gedor sa silangang bahagi ng lambak?
Naghahanap sila ng mapagpapastulan ng kanilang mga kawan. At nakatagpo sila ng masagana at mabuting pastulan doon.
1 Chronicles 5
1 Chronicles 5:1-3
Bakit ibinigay ang karapatan ng pagka-panganay ni Ruben sa kaniyang kapatid na si Jose?
Ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel ang karapatan ng pagka-panganay dahil dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama.
Saan magmumula ang susunod na hari ng Israel?
Magmumula ito sa anak na lalaki ni Israel, si Juda.
1 Chronicles 5:4-17
Ano ang nangyari kay Beera, na anak ni Baal?
siya ay dinalang bihag ng hari ng Asiria.
1 Chronicles 5:18-19
Ilan ang mga sinanay na mga sundalo ng mga Rubenita, Gadita at kalahati ng tribu ni Manases?
Mayroon silang apatnapu't apat na libong mga sundalo na sinanay para sa digmaan, na nagsipagdala ng kalasag at espada, at kayang humugot ng pana.
1 Chronicles 5:20-22
Bakit natalo ang mga Hareo?
Sila ay natalo dahil umiyak ang mga Israelita sa Diyos at nagtiwala sila sa kaniya, at sumagot ang Diyos sa kanila.
Gaano katagal nanirahan ang mga Israelita sa lupain na kanilang kinuha mula sa mga Hagrita?
Nanirahan sila doon hanggang sa kanilang pagkabihag.
1 Chronicles 5:23-24
Saan nanirahan ang kalahati ng tribu ni Manases kasama ang kanilang mga pamilya?
Sila ay nanirahan sa lupain ng Basan.
1 Chronicles 5:25-26
Sapagkat ang mga Rubenita, Gadita at ang kalahati ng Tribu ni Manases ay hindi naging tapat sa Diyos, ano ang ginawa niya sa kanila?
Hinimok ng Diyos ang hari ng Asiria at ang tatlong mga angkan ay kinuha at ipinatapon palabas ng Asiria.
1 Chronicles 6
1 Chronicles 6:13-30
Kanino ipinasailalim ni Yahweh ang taga-Juda at taga-Jerusalem?
Ipinasailalim niya ang taga-Juda at taga-Jerusalem kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia. [6:15]
1 Chronicles 6:31-47
Ano ang mga tungkulin ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika?
Maglilingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit sa tabernakulo.
Sino ang nagpatayo ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem?
Ipinatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh. [6:32]
1 Chronicles 6:48
Anong tribu ng Israel ang itinalaga upang gawin ang mga gawain sa tabernakulo?
Itinalaga ang mga Levita upang gawin ang gawaing ito.
1 Chronicles 6:49-62
Anong mga alay para sa kabayaran ng kasalanan ang ipinagkatiwala kay Aaron at sa kaniyang mga anak?
Ipinagkatiwala sa kanila ang mga paghahandog sa altar para sa mga alay na susunugin at ang paghahandog sa altar ng insenso.
Para saan ang mga alay na ito?
Ang mga alay na ito ay upang mabayaran ang mga kasalanan ng Israel.
1 Chronicles 6:63-81
Saan nanirahan ang mga Levita dahil hindi sila nabigyan ng lupa gaya ng ibang mga tribu?
Itinalaga ang mga Levita sa mga lungsod kasama ng mga pastulan ng mga ito sa pamamagitan ng sapalaran mula sa mga tribu ni Juda, Simeon at Benjamin. [6:64-65]
1 Chronicles 7
1 Chronicles 7:1-3
Anong uri ng mga lalaki ang mga anak ni Tola?
Sila ay mga malalakas at matatapang na lalaki.
1 Chronicles 7:4-5
Ilan ang bilang ng mga mandirigma mula sa tribu ni Isacar?
Ang tribu ni Isacar ay mayroong 87,000 na mga mandirigma.
1 Chronicles 7:6-13
Sa ano kilala ang mga anak ni Bela?
Kilala ang mga anak ni Bela bilang mga mandirigma at pinagmulan ng mga angkan.
1 Chronicles 7:14-19
Sino ang nagsilang ng batang lalaki na anak ni Manases na nagngangalang Azriel?
Nagsilang ang asawang alipin na Aramea ni Manases ng batang lalaki na nagngangalang Azriel.
1 Chronicles 7:20-22
Bakit kailangan ni Efraim ng kaaliwan mula sa kaniyang mga kapatid nang siya ay nagluluksa sa loob ng maraming araw?
Kailangan ni Efraim ng kaaliwan mula sa kaniyang mga kapatid dahil ang kaniyang mga anak na sina Ezer at Elead ay pinatay ng mga taga doon sa Gat nang pumunta sila upang nakawin ang kanilang mga baka.
1 Chronicles 7:23-24
Bakit pinangalanan ni Efraim na Beria ang kaniyang anak?
Pinangalanan ni Efraim na Beria ang kaniyang anak dahil sa kasawiang dumating sa kaniyang pamilya.
1 Chronicles 7:25-27
Sino ang anak ni Nun?
Si Josue ang anak ni Nun.
1 Chronicles 7:28-38
Nasaan ang mga ari-arian at mga tirahan ni Josue at ng kaniyang pamilya?
Sa Bethel at sa mga nayon sa paligid nito ang kanilang mga ari-arian at mga tirahan.
1 Chronicles 7:39-40
Ano ang mga katangian ng mga kaapu-apuhan ni Aser?
Ang mga kaapu-apuhan ni Aser ay pinagmulan ng mga angkan, mga pinuno ng kanilang sambahayan, mga kilalang tao, mga mandirigma at nakatataas sa mga pinuno.
1 Chronicles 8
1 Chronicles 8:6-11
Ano ang napilitang ginawa ng mga anak na lalaki ni Ehud?
Ang angkan ni Ehud ay napilitang lumipat sa Manahat. [8:6]
1 Chronicles 8:12-25
Sinu-sino ang mga pinalayas ng mga anak na lalaki ni Elpaal?
Pinalayas ng kaniyang mga anak na lalaki ang mga naninirahan sa Gat. [8:13]
1 Chronicles 8:26-31
Saan nanirahan ang mga anak ni Jeroham?
Nanirahan sila sa Jerusalem. [8:28]
1 Chronicles 8:32-34
Saan nanirahan si Miclot at ang kaniyang pamilya?
Si Miclot at ang kaniyang pamilya ay nanirahan malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem. [8:32]
Sino ang ama ni Saul?
Si Kish ang ama ni Saul. [8:33]
1 Chronicles 8:35-40
Saan kilala ang mga anak na lalaki ni Ulam na nagmula sa angkan ni Benjamin?
Ang mga anak na lalaki ni Ulam ay mga maagigiting na mandirigma at mahuhusay gumagamit ng pana. [8:39-40]
1 Chronicles 9
1 Chronicles 9:1-9
Saan naitala ang talaan ng mga angkan ng lahat ng mga taga-Israel?
Naitala ang mga talaan ng angkan sa Aklat ng mga Hari sa Israel.
Bakit [sapilitang pinatira]/[ipinatapon] ang mga taga-Juda sa Babilonia?
[Sapilitang pinatira]/[ipinataon] sa Babilonia ang mga taga-Juda dahil sa kanilang mga kasalanan.
Sino ang unang mga tao na tumira sa kanilang mga lungsod?
Unang tumira sa kanilang mga lungsod ang ilan sa mga Israelita, mga pari, mga Levita at ang mga naglilingkod sa templo. [9:2]
1 Chronicles 9:10-11
Saan [ano] kilala si Azarias?
Kilala si Azarias na paring tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos.[9:11]
1 Chronicles 9:12-16
Saan kilala ang mga kamag-anak nina Adaya at Masai?
Kilala sila bilang mahuhusay na mga kalalakihan sa mga gawain sa tahanan ng Diyos.[9:13]
1 Chronicles 9:17-19
Anong tungkulin ang dating ginampanan ng mga tagabantay ng pintuan?
Dating nagbabantay sa tarangkahan ng hari ang mga tagabantay ng pintuan sa dakong silangan para sa kampo ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
Ano ang mga tungkulin ng mga taga-Kora?
Tagabantay/tagapamuno ang mga taga-Kora sa mga gawain sa templo at tagabantay sa bungad ng tolda kung saan nananahan si Yaweh.[9:19]
1 Chronicles 9:20-21
Ano ang tungkulin ni Zacarias na anak ni Meselemias?
Tagabantay si Zacarias sa pasukan ng Templo na ang "toldang tipanan." [9:21]
1 Chronicles 9:22-24
Ano ang ginawa sa Israel ng mga tagabantay ng tarangkahan at ng kanilang mga anak pinagkatiwalaan nina David at Samuel?
Binantayan ng mga tagabantay ng tarangkahan at ng kanilang mga anak ang mga tarangkahan ng tahanan ni Yahweh na [ang] tabernakulo
1 Chronicles 9:25-27
Paano ginagampanan ng apat na pinuno ng mga tagabantay ng tarangkahan ang itinakdang tungkulin upang bantayan ang mga silid at silid-imbakan sa bahay ng Diyos?
Ginugugol ng apat na pinuno ng mga tagabantay ng tarangkahan ang magdamag sa pagbabantay sa palibot ng tahanan ng Diyos at binubuksan nila ito tuwing umaga.[9:26-27]
1 Chronicles 9:28-29
Ano ang mga tiyak na tungkulin na naitakdang gawin ng mga Levita?
Tagapangasiwa ng mga kagamitan sa templo ang ilan sa mga Levita at itinalaga ang ilan upang pangalagaan ang mga banal na mga kagamitan, kasangkapan at mga pagkain tulad ng harina, alak, langis, insenso at ang mga natatanging sangkap.[9:28-29]
1 Chronicles 9:30-32
Ano ang tungkulin ng mga taga-Kohat?
Tagapangasiwa ang mga taga-Kohat sa paghahanda ng mga tinapay na handog tuwing Araw ng Pamamahinga.[9:32]
1 Chronicles 9:33-44
Bakit nananatili ang mga mang-aawit at pamilya ng mga Levita sa silid na inilaang lugar sa templo kapag wala silang trabaho?
Nananatili ang mga mang-aawit at pamilya ng mga Levita sa banal na lugar dahil kailangan nilang gampanan ang itinakdang/naitakdang mga gawain para sa kanila sa araw at gabi.
1 Chronicles 10
1 Chronicles 10:1-3
Ano ang nangyari sa mga anak na lalaki ni Saul sa Bundok ng Gilboa?
Tinugis ng mga Filisteo ang mga anak ni Saul at pinatay sila.
1 Chronicles 10:4
Bakit ninais ni Saul na saksakin siya ng kaniyang tagadala ng mga baluti sa pamamagitan ng kaniyang tabak?
Ninais ni Saul na saksakin siya ng kaniyang tagadala ng mga baluti upang hindi siya abusuhin ng mga hindi tuli.
Ano ang ginawa ni Saul nang ayaw ng kaniyang tagadala ng mga baluti na patayin siya?
Hinugot ni Saul ang kaniyang sariling tabak at isinaksak ito sa kaniyang sarili.
Paano namatay si Saul sa digmaan laban sa mga Filisteo?
Nasugatan si Saul ng mga mamamanang Filisteo at isinaksak ang tabak sa kaniyang sarili nang ayaw siyang patayin ng kaniyang tagadala ng mga baluti.
1 Chronicles 10:5-6
Ano ang naging reaksyon ng tagadala ng mga baluti ni Saul sa pagkamatay ni Saul?
Nang nakita ng tagadala ng mga baluti ni Saul na patay na si Saul, isinaksak rin niya ang tabak sa kaniyang sarili at namatay.
1 Chronicles 10:7-8
Ano ang ginawa ng mga Israelita nang makita nila na tumakas ang hukbo at si Saul at ang kaniyang mga anak ay patay na?
Tumakas sila at iniwan ang kanilang mga lungsod at hinayaan ang mga Filisteo na dumating at manirahan sa mga ito.
1 Chronicles 10:9-10
Ano ang ginawa ng mga Filisteo sa katawan ni Saul?
Hinubaran ng mga Filisteo si Saul at inilagay ang kaniyang baluti sa templo ng kanilang mga diyos at isinabit ang kaniyang ulo sa templo ni Dagon.
1 Chronicles 10:11-12
Ano ang ginawa ng mga mandirigmang lalaki ng Jabes-Gilead sa katawan ni Saul at ng kaniyang mga anak?
Kinuha nila ang katawan ni Saul at ng kaniyang mga anak, dinala nila ang mga ito sa Jabes at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng puno ng ensina.
1 Chronicles 10:13-14
Bakit namatay si Saul?
Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat at hindi humingi ng patnubay kay Yahweh, ngunit humingi siya ng payo sa isang taong kumakausap sa mga patay.
Kanino ibinigay ni Yahweh ang kaharian ng Israel?
Ibinigay ni Yahweh ang kaharian ng Israel kay David na anak na lalaki ni Jesse.
1 Chronicles 11
1 Chronicles 11:1-3
Bakit ang lahat ng Israelita ay maging hari si David sa Israel? [Bakit nais ng lahat ng Israel na italaga si David bilang hari sa buong Israel]
Si David ay kanilang buto at laman at namuno sa mga hukbo ng Israelita sa nakalipas, at si Yahweh sa pamamagitan ni Samuel ay nagpahayag na si David ang mamumuno sa Israel.
1 Chronicles 11:4-6
Paano naging pinuno si Joab sa mga hukbo ng Israel?
Sinabi ni David na sinuman ang unang sumalakay sa mga Jebuseo ay magiging pinuno, at ang unang sumalakay sa kanila ay si Joab.
1 Chronicles 11:7-9
Bakit naging dakila si David pagkatapos siyang nagsimulang tumira sa kaniyang lungsod?
Si naging dakila si David sapagakat ang makapangyarihang si Yahweh ay sumasakaniya[kasama niya].
1 Chronicles 11:10-11
Sa paano nakilala si Jashobeam? [Ano ang pagkakakilanlan ni Jashobeam]
Pinatay ni Jashobeam ang tatlong daan na lalaki sapamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon.
1 Chronicles 11:12-14
Ano ang naging reputasyon ni Eleazar na Ahohita?
Pagkatapos tumakas ang mga hukbo ng Israelita, si Eleazar na Ahohita ay nakatayo sa lupa sa gitna ng bukid ng sebada at pinatay niya ang mga Filisteo.
1 Chronicles 11:15-17
Ano ang naging kahilingan ni David?
Nais ni David na uminom ng tubig mula sa balon na malapit sa tarangkahan ng Betlehem.
1 Chronicles 11:18-19
Ano ang ginawa ng tatlong malalakas na tauhan ni David upang mangyari ang kaniyang kahilingan?
Ang tatlong malalakas na tauhan ni David ay winasak ang mga hukbo ng mga Filisteo, [Winasak ng tatlong malalakas na taihan ni David ang mga hukbo ng Filisteo,] kumuha ng tubig mula sa balon ng Betlehem at dinala ito kay David.
1 Chronicles 11:20-21
Ano ang naging reputasyon ni Abisai na kapatid ni Joab?
Si Abisai ay kapitan sa tatlong malalakas na lalaki at minsan lang [minsanang] pinatay ang tatlong daan sa pamamagitan ng kaniyang sibat.
1 Chronicles 11:22-23
Ano ang naging reputasyon ni Benaias, na anak ni Johaida?
Si Benaias ay isang malakas na lalaki na pinatay ang isang leon sa hukay habang umuulan ng niyebe, at pinatay ang isang higanteng taga-Egipto sa pamamagitan ng pakikipagbuno gamit ang kaniyang sariling sibat mula sa kaniya.
1 Chronicles 11:24-25
Ano ang pananagutan[tungkulin] na ibinigay ni David kay Benaias?
Iginagalang si Benaias sa pamamagitan ni David, kaya inilagay siya sa pangangasiwa ng kaniyang mga bantay.
1 Chronicles 11:26-47
Ilan pa ang magigiting na lalaki na mayroon kay David?
Si David ay may tatlumpu pang magigiting na lalaki.
1 Chronicles 12
1 Chronicles 12:1-7
Ano ang mga natatanging kakayahan ng mga magigiting na lalaki na pumunta kay David habang siya ay nagtatago mula kay Saul?
Ang magigiting na lalaki ay galing kay Benjamin na parehong gingamit[maaaring gamitin] ang kanan at kaliwang kamay sa pagtitirador at sa pagtama sa mga palaso mula sa kanilang mga pana.
1 Chronicles 12:8-13
Ano ang mga katangian ng mga taga-Gad na sumama kay David sa tanggulan sa ilang
Ang mga mandirigmang lalaki na taga-Gad ay [sinanay] tinuruan para sa pakikipaglaban, na kayang humawak ng kalasag at sibat, na kayang harapin ang panganib na gaya ng mababangis na leon at mabibilis katulad ng gasel sa mga bundok.
1 Chronicles 12:14-15
Ano ang ginawa ng mga anak ni Gad upang makuha ang lupaing ibinigay sa Israel?
Ang mga anak ni Gad ay hindi lamang tumawid sa Jordan, pagkatapos umapaw ang mga pangpang nito, ngunit [pinaalis palayo] umalis ang lahat ng naninirahan sa mga lambak.
1 Chronicles 12:16-17
Ano ang babala na ibinigay ni David sa mga tauhan ni Benjamin at Judah nang sila ay pumunta sa kaniyang tanggulan?
Sinabihan sila ni David na maaari silang sumama sa kaniya kung sila ay pumarito na may kapayapaan, ngunit kung sila ay pumarito upang ipagkanulo siya sa kaniyang mga kalaban, sasabihin niya sa Diyos na sawayin sila [sapagkat wala siyang ginawang mali] mula sa nagawa niya na walang mali.
1 Chronicles 12:18
Ano ang naging tugon ni Amasai sa babala ni David?
Sinabi ni Amasai kay David na kami ay nasa tabi mo at nais lamang ang kapayapaan sa sinuman ang mga tumulong kay David dahil ang kaniyang Diyos ang tumutulong sa kaniya.
1 Chronicles 12:19-20
Bakit pinaalis ng mga Filisteo si David nang si David ay pumunta sa mga Filisteo upang makipaglaban laban kay Saul?
Natakot ang mga Filisteo na maaaring [umatras siya sa labanan] bumaligtad siya na labanan si Saul at maaaring mailagay sa panganib ang kanilang buhay.
1 Chronicles 12:21-22
Ano ang ginawa ng mga tauhan ni Manases na naging pinuno sa mga hukbo ni David na tumulong sa kaniya? [Paano tumulong kay David/sa kaniya ang mga tauhan ni Manases na sa kalaunan ay naging mga pinuno ng hukbo ni David]
Ang mga tauhan ni Manases na mga lalaking mandirigma na tumulong kay David na lumaban laban sa mga umiikot/ lumilibot na pangkat.
1 Chronicles 12:23-25
Bakit pumunta ang mga armadong mga kawal kay David sa Hebron?
Sila ay pumunta kay David sa Hebron upang tulungan siyang kunin ang kaharian ni Saul [na siyang katuparan ng salita ni Yahweh] sa pagtupad sa salita ni Yahweh.
1 Chronicles 12:26-31
Ano ang pagkakakilanlan kay Zadok?
Si Zadok ay isang batang matatag at matapang na lalaki
1 Chronicles 12:32-37
Paano nakilala ang mga dalawang daan na mga pinuno mula kay Isacar? [Ano ang pagkakakilanlan ng dalawang-daan na mga pinuno mula kay Isacar]
Nakakaunawa sila sa panahon at alam kung ano ang gagawin ng Israel.
1 Chronicles 12:38-40
Bakit ang mga kawal ng Israelita ay nagpunta sa Hebron? [Bakit pumunta sa Hebron ang lahat ng kawal ng Israel]
Sila ay nagpunta sa Hebron na may matibay na mga hangarin na gawing hari si David sa buong Israel.
1 Chronicles 13
1 Chronicles 13:1-6
Kanino komunsulta [sumangguni si David] bago siya nagsalita sa lahat ng kapulungan ng Israel?
Komunsulta siya sa mga tagapag-utos at sa bawat pinuno ng Israel.
1 Chronicles 13:7-8
Ano ang ginawa ni David at ang lahat ng mga Israelita nang inilabas nila ang kaban sa tahanan ni Abinadab?
Si David at ang lahat ng Israelita ay nagdiwang sa harapan ng Diyos at ng kanilang buong makakaya [lakas].
1 Chronicles 13:9-11
Ano ang ginawa ni Yahweh nang tangkaing hawakan ni Uza ang kaban ng tipan ng matisod ang baka na humahatak
Ang galit ni Yahweh sumiklab laban kay Uza at pinatay siya ni Yahweh.
1 Chronicles 13:12-14
Saan inilagay ni David ang kaban ng Diyos nang natakot siya sa Diyos?
Inilagak ni David ang kaban ng Diyos sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat.
1 Chronicles 14
1 Chronicles 14:1-2
Ano ang tiyak na nalaman ni David nang nagpadala si Hiram na hari ng Tiro ng mga mensahero, mga kahoy ng cedar, mga karpintero at mga mason upang magpatayo ng bahay para kay David?
Nalaman ni David na tiyak na hinirang siya ni Yahweh bilang hari ng buong Israel.
1 Chronicles 14:3-7
Ano ang naging resulta nang nag-asawa si David ng maraming babae sa Jerusalem?
Naging ama si David ng maraming anak na lalaki at babae.
1 Chronicles 14:8-9
Ano ang ginawa ni David nang marinig niya na hinahanap siya ng mga Filisteo?
Umalis siya laban sa mga Filisteo.
1 Chronicles 14:10-12
Ano ang isinagot ni Yahweh kay David nang nagtanong si David kung dapat ba niyang lusubin ang mga Filisteo?
Sinabi ni Yahweh kay David na lusubin sila, sapagkat tiyak na ibibigay sila kay David.
Ano ang inutos ni David na gawin sa mga diyus-diyosan na iniwan ng mga Filisteo?
Nagbigay si David ng utos na dapat sunugin ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo.
1 Chronicles 14:13-14
Sa anong lugar ang sinabi ng Diyos kay David upang lusubin ang mga Filisteo nang muli nilang nilusob ang lambak?
Sinabi ng Diyos kay David na ikutan sila sa kanilang likuran at lusubin sila sa mga kakahuyan.
1 Chronicles 14:15-17
Ano ang maririnig ni David bago siya lumusob nang buong lakas sa mga Filisteo?
Maririnig muna ni David ang yabag ng pagmartsa sa ihip ng hangin sa itaas ng mga puno.
Ano ang ginawa ni Yahweh na magdudulot sa lahat ng bansa na ang katanyagan ni David ay naipamalita sa lahat ng kalupaan?
Nagdulot si Yahweh sa lahat ng bansa upang katakutan si David.
1 Chronicles 15
1 Chronicles 15:1-3
Sino ang mga sinabi ni David na mga taong pinili lamang ni Yahweh na magbuhat sa kaban?
Ang mga Levita lamang ang mga pinili ni Yahweh na maaaring magbuhat ng kaban.
Para sa anong layunin na tinipon ni David ang lahat ng Israel sa Jerusalem?
Tinipon ni David ang lahat ng Israel upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito.
1 Chronicles 15:4-10
Sinu-sino ang tinipon ni David upang buhatin ang kaban?
Tinipon ni David ang mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang mga Levita.
1 Chronicles 15:11-12
Ano ang gagawin ng mga pinuno ng pamilya ng mga Levita at ang kanilang mga kapatid na lalaki upang maaari nilang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na inihanda ni David para dito?
Kailangan nilang ilugar ang kanilang mga sarili upang maaari nilang buhatin ang kaban ni Yahweh.
1 Chronicles 15:13-15
Bakit inalay ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili?
Inalay nila ang kanilang mga sarili upang maaari nilang buhatin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Mula kanino nakuha ni Moises ang kautusan para sa pagbubuhat ng kaban sa mga balikat ng mga Levita gamit ang mga pingga?
Ang kautusan upang buhatin ang kaban ay ibinigay sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.
1 Chronicles 15:16-24
Kanino ibinigay ni David ang responsibilidad ng pagtatalaga ng mga manunugtog?
Ibinigay ni David ang responsibilidad ng pagtatalaga ng mga manunugtog sa mga pinuno ng Levita.
1 Chronicles 15:25-26
Kanino ibinigay ni David ang responsibilidad sa pagpapatalaga ng mga manunugtog?
Ibinigay ni David ang responsibilidad sa pagpapatalaga ng mga manunugtog sa mga pinuno ng mga Levita.
Sino ang tumulong sa mga Levita na nagbuhat ng kaban ni Yahweh?
Tinulungan ng Diyos ang mga Levita na nagbuhat ng kaban.
1 Chronicles 15:27-28
Ano ang kasuotan ni David at ano pa ang kaniyang isinuot bukod dito?
Nakadamit si David ng balabal na manipis na lino at nakasuot siya ng linong efod.
Sino ang nagbuhat ng kaban na may kagalakang pag-sigaw, na may tunog ng tambuli, mga pompiyang at instrumentong may kuwerdas at mga alpa?
Ang lahat ng Israel na nagbuhat sa kaban.
1 Chronicles 15:29
Ano ang nakita ni Mical na ginagawa ni David na nagdulot sa kaniyang puso upang kamuhian si David?
Nakita ni Mical si Haring David na nagsasaya at sumasayaw.
1 Chronicles 16
1 Chronicles 16:1-3
Ano ang mga inihandog ng mga Israelita sa harapan ng Diyos matapos ilagay ang kaban sa kalagitnaan ng tolda na ipinagawa ni David?
Naghandog sila ng mga alay na susunugin at mga handog pangkapayapaan.
Ano ang ibinahagi ni David sa bawat Israelita nang matapos niyang pagpalain ang mga tao sa pangalan ni Yahweh?
Binahagian ni David ang bawat isa sa kanila ng isang hiwa ng tinapay, isang piraso ng karne at binuong mga pasas.
1 Chronicles 16:4-6
Ano ang ibinigay na gawain sa mga Levita habang naglilingkod sila sa harap ng kaban?
Ang mga Levita ay magdiriwang, magpapasalamat at magpupuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel habang naglilingkod sila sa harapan ng kaban ni Yahweh.
1 Chronicles 16:7-9
Ano ang ibinigay na gawain kina Asaf at sa kaniyang mga kapatid?
Hinirang sila na umawit ng awiting pasasalamat kay Yahweh.
1 Chronicles 16:10-11
Sino ang ipagyayabang ng mga tao at hahanapin?
Ipagyayabang at hahanapin ng mga tao si Yahweh.
1 Chronicles 16:12-14
Ano ang dapat alalahanin ng kaapu-apuhan ng Israel, ang mga pinili ni Yahweh, tungkol kay Yahweh na kanilang Diyos?
Alalahanin nila ang mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa, ang kaniyang mga himala at mga kautusan na nagmula sa kaniyang bibig.
1 Chronicles 16:15-18
Ano ang ginawa ni Yahweh kay Abraham na kailangang isaisip ng mga Israelita magpakailanman?
Gumawa siya ng isang kasunduan kay Abraham at kailangang isaisip ng mga Israelita ang kasunduan ni Yahweh magpakailanman.
Ano ang ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa kaniyang mga tao bilang bahagi ng kanilang mamanahin?
Ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa kanila ang lupain ng Canaan.
1 Chronicles 16:19-22
Paano pinangalagaan ni Yahweh ang Israel noong sila ay kakaunti pa lamang sa bilang at habang sila ay nagpupunta sa isang kaharian patungo sa iba?
Hindi niya hinayaan ang sinuman na manakit sa kanila.
1 Chronicles 16:23-24
Ano ang kailangang ipahayag ng mga tao sa lahat ng bansa habang sila ay umaawit kay Yahweh at ipinapahayag ang kaniyang pagliligtas araw-araw?
Ipapahayag nila ang kaluwalhatian ni Yahweh at ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa sa lahat ng bansa.
1 Chronicles 16:25-27
Sino ang lumikha ng mga langit at papupurihan ng lubos at katatakutan ng lahat ng diyos?
Si Yahweh ang lumikha ng mga langit at papupurihan ng lubos at katatakutan ng lahat ng diyos.
1 Chronicles 16:28-29
Ano ang ibibgay kay Yahweh?
Ang kaluwalhatian at ang kalakasan ay ibigay kay Yahweh.
1 Chronicles 16:30-31
Ano ang sasabihin ng mga bansa tungkol kay Yahweh?
Sasabihin ng mga bansa, "naghahari si Yahweh."
1 Chronicles 16:32-33
Ano ang gagawin ng mga puno sa kagubatan sa harap ni Yahweh?
Ang mga puno sa kagubatan ay sisigaw ng may kagalakan sa kaniyang harapan.
1 Chronicles 16:34-35
Bakit dapat tipunin ni Yahweh ang kaniyang mga tao nang magkakasama at iligtas sila mula sa ibang mga bansa?
Dapat niya silang tipunin nang magkakasama at iligtas upang makapagpasalamat sila sa kaniyang banal na pangalan at kaluwalhatian sa kaniyang kapurihan.
1 Chronicles 16:36-39
Gaano katagal papupurihan si Yahweh na Diyos ng Israel?
Siya ay papupurihan mula magpakailanman hanggang sa magpasawalang hanggan.
1 Chronicles 16:40-41
Sino ang nagbigay ng mga utos at isinulat na kautusan sa Israel kung paano gagawin ang alay na susunugin?
Ibinigay ni Yahweh ang mga utos at isinulat na kautusan sa Israel.
1 Chronicles 16:42-43
Saang lugar bumalik si David at ang mga tao nang matapos ang pagdiriwang sa paglalagay ng kaban?
Ang mga tao ay umuwi sa kanilang mga tahanan, at si umuwi si David upang pagpalain ang kaniyang sambahayan.
1 Chronicles 17
1 Chronicles 17:1-2
Ano ang gumugulo kay Haring David tungkol sa kung saan mananatili ang kaban ng tipan ni Yahweh?
Gumugulo sa kaniya ang kaban ng tipan ni Yahweh na nanantili lamang sa ilalim ng isang tolda samantalang si David ay nanunuluyan sa isang tahanan na sedar.
1 Chronicles 17:3-6
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Natan na sabihin kay David tungkol sa pagtatayo niya ng isang tahanan para kay Yahweh?
Sinabi ni Yahweh kay David na huwag ipagpatayo ng isang tahanan kung saan mananahan si Yahweh.
1 Chronicles 17:7-8
Bakit kinuha ni Yahweh si David mula sa pastulan at mula sa pagsunod sa mga tupa?
Kinuha ni Yahweh si David mula sa pastulan at mula sa pagsunod sa mga tupa upang siya ay maging pinuno ng mga Israelita ni Yahweh.
Ano ang sinabi ni David na kaniyang gagawin para sa pangalan ni David?
Sinabi niya na gagawin niya ang pangalan ni David na katulad ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.
1 Chronicles 17:9-10
Sino ang hindi na mananakit sa mga Israelita pagkatapos silang bigyan ni Yahweh ng isang lugar na maaari nilang panirahan at hindi na muling mapahamak?
Ang mga masasamang tao ay hindi na muling aapihin ang Israel tulad ng ginawa nila noon.
1 Chronicles 17:11-12
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ng kaapu-apuhan ni David kapag ang mga araw ni David ay naganap na?
Ipagtatayo ng kaapu-apuhan ni David si Yahweh ng isang tahanan.
1 Chronicles 17:13-15
Gaano katagal ang sinabi ni Yahweh na ang trono ng kaapu-apuhan ni David ay maitatatag?
Ang trono ng kaapu-apuhan ni David ay maitatatag magpakailanman.
1 Chronicles 17:16-18
Ano ang sinabi ni David na ginawa ni Yahweh para sa kaniya dahil sa ipinakita ni Yahweh sa kaniya ang susunod na salinlahi?
Sinabi niya na pinarangalan at binigyan siya ni Yahweh ng natatanging pagkilala.
1 Chronicles 17:19-21
Ano ang sinabi ni David na dahilan ng pagliligtas ni Yahweh sa kaniyang mga tao mula sa Egipto at ginawa niya silang sarili niyang mga tao?
Iniligtas sila ni Yahweh mula sa Egipto upang gumawa ng pangalan para sa kaniya mismo sa pamamagitan ng kaniyang kadakilaan at nakamamanghang mga gawa.
1 Chronicles 17:22-24
Ano ang hiniling ni David kay Yahweh na gawin tungkol sa pangako na ginawa niya kay David na mananatili sa pamilya ni David magpakailanman?
Hiniling ni David kay Yahweh na gawin ni Yahweh kung ano ang kaniyang sinabi.
1 Chronicles 17:25-27
Ano ang ipinangako na gagawin ni Yahweh para sa bahay ng kaniyang lingkod na si David?
Ipinangako ni Yahweh na pagpapalain niya ang tahanan ng kaniyang lingkod na si David at ito ay pagpapalain magpakailanman.
1 Chronicles 18
1 Chronicles 18:1-2
Ano ang dalawang grupo ng mga tao na sinalakay at tinalo ni David?
Sinalakay at tinalo niya ang mga Filisteo at mga Moabita.
1 Chronicles 18:3-4
Ano ang ginawa ni David sa isandaang karwahe na natira matapos niyang tumpuin ang mga kabayo na kaniyang nabihag mula kay Hadadezer?
Itinira niya ang sapat na kabayo para sa isandaang karwahe.
1 Chronicles 18:5-6
Ano ang inilagay ni David sa Aram ng Damasco matapos niyang patayin ang dalawampu't dalawanlibong Arameo?
Naglagay si David ng mga kuta sa Aram ng Damasco.
1 Chronicles 18:7-8
Ano ang kinuha ni David kay Hadadezer na kalaunan ay ginamit ni Solomon upang gumawa ng mga kagamitan para sa templo?
Kinuha ni David mula kay Hadadezer ang napakadaming tanso.
1 Chronicles 18:9-11
Ano ang ginawa ni Haring David sa mga pilak, ginto at mga tanso na dinala ni Hadoram kay David mula kay Toi na hari ng Hamat at ang ginto at pilak na kinuha niya mula sa lahat ng bansa?
Inihandog ni David ang mga bagay na ito kay Yahweh.
1 Chronicles 18:12-13
Ano ang nangyari sa lahat ng Edomita pagkatapos ng labanan kung saan pinatay ni Abisai ang 18,000 na Edomita?
Ang lahat ng Edomita ay naging mga tagapaglingkod ni David.
1 Chronicles 18:14-17
Sino ang mga pangunahing tagapayo ni Haring David nang siya ay naghari sa buong Israel at nangasiwa nang may katarungan at katuwiran ang lahat ng kaniyang mga tao?
Ang mga anak na lalaki ni David ang mga pangunahing tagapayo ng hari.
1 Chronicles 19
1 Chronicles 19:1-3
Bakit gusto ni David na magpakita ng kabaitan kay Hanun, ang anak ni Nahash na hari ng mga Ammonita pagkatapos mamatay ang kaniyang ama?
Ang ama ni Hanun ay naging mabait kay David.
Ang mga pinuno ba ng Amon ay naniniwala na sinusubukang aliwin ni David si Hanun sa pagpasok ng mga lingkod ni David sa kanilang lupain?
Inisip ng mga pinuno na ang mga lingkod ni David ay dumating upang manmanan at suriin ang kanilang lupain at upang pabagsakin ni David ang kanilang bansa.
1 Chronicles 19:4-5
Ano ang ginawa ni Hanun sa mga lingkod ni David kaya sila ay labis na napahiya?
Inahitan niya sila at pinutulan ang kanilang mga kasuotan mula sa bewang hanggang pababa.
1 Chronicles 19:6-7
Bakit umupa ng mga karwahe at lalaking mangangabayo ang mga Ammonita?
Umupa sila ng mga karwahe at mga lalaking mangangabayo upang ihanda sa digmaan dahil sila ay mabaho kay David.
1 Chronicles 19:8-9
Sino ang ipinadala ni David nang marinig niya ang tungkol sa paghahanda ng mga Ammonita para sa digmaan?
Ipinadala ni David si Joab at ang buo niyang hukbo.
1 Chronicles 19:10-11
Paano inayos ni Joab para sa pakikipaglaban sa mga Ammonita at mga Arameo noong nakita niya ang kanilang hanay sa pakikipaglaban.
Pumili si Joab ng ilan sa pinakamagagaling na mga Israelita upang makipaglaban sa mga Arameo at nagbigay ng utos sa kaniyang kapatid na lalaki upang makipaglaban sa mga Ammonita kasama ang mga natira sa hukbo.
1 Chronicles 19:12-13
Ano ang sinabi ni Joab sa kaniyang kapatid na lalaki?
Sinabi ni Joab sa kaniyang kapatid na lalaki na kailangan nilang tulungan ang isa't isa kung kinakailangan at kailangan maging malakas sila dahil gagawin ni Yahweh kung ano ang mabuti sa kaniyang mga tao.
1 Chronicles 19:14-15
Bakit tumakas ang hukbo ng Ammonita pabalik sa kanilang lungsod?
Nakita ng mga hukbo ng Ammonita na ang mga Arameo ay tumakas mula sa harapan ng mga hukbo ng Israel kaya nagtakbuhan sila pabalik sa kanilang lungsod.
1 Chronicles 19:16-17
Bakit tinipon ni David ang lahat ng Israel ng sama-sama at inayos para sa pakikipaglaban sa mga Arameo?
Narinig ni David na ang mga Arameo ay nagpadala ng karagdagang kawal.
1 Chronicles 19:18-19
Bakit ayaw ng tulungan ng mga Arameo ang mga Ammonita?
Hindi na nila tinulungan ang mga Ammonita nang patayin ni David ang 47 na libo ng kanilang mga kalalakihan at ang pinuno ng kanilang hukbo.
1 Chronicles 20
1 Chronicles 20:1
Ano ang ginawa ni Joab noong nanatili si David sa Jerusalem?
Pinangunahan ni Joab ang mga hukbo sa labanan, winasak nila ang lupain ng mga Ammonita at tinalo ang Rabbah.
1 Chronicles 20:2-5
Pagkatapos kunin ang korona sa ulo ng hari at inilagay sa kaniyang ulo, ano ang ipinilit ni David na ipagawa sa mga tao?
Pinilit niya silang gawin ang mabigat na trabaho..
1 Chronicles 20:6-8
Noong kutyain ng mga kaapu-apuhan ni Rephaim ang hukbo ng Israel, ano ang nangyari?
Pinatay sila ni David at ng kaniyang mga kawal.
1 Chronicles 21
1 Chronicles 21:1-3
Bakit nagpasya si David na bilangin ang mga tao sa Israel?
Dumating ang isang kaaway laban sa Israel at gustong malaman ni David kung gaano kadami ang kaniyang hukbo.
Paano tumugon si Joab sa kahilingan ni David na bilangin ang mga tao?
Iminungkahi niya na magdadala ito ng pagkakasala sa Israel.
1 Chronicles 21:4-5
Ano ang ginawa ni Joab nang inutusan siya ng hari na pumunta at bilangin ang mga tao?
Pumunta siya at pagbalik, iniulat niya ang kabuuang bilang ng mga kalalakihan na may kakayahang makipaglaban.
1 Chronicles 21:6-8
Paano tumugon ang Diyos kay David sa pagbilang sa mga kawal ng Israel?
Ang Diyos ay nasaktan at pinarusahan niya ang Israel.
Ano ang naramdaman ni David noong parusahan ng Diyos ang Israel?
Naramdaman niya ang pagkakasala dahil sa pagpapadala niya kay Joab na bilangin ang mga kawal.
1 Chronicles 21:9-10
Bilang pagtugon sa pag-amin ni David, ano ang alok ni Yahweh sa kaniya?
Inalukan siya ni Yahweh ng tatlong pagpipilian.
1 Chronicles 21:11-12
Ano ang tatlong pagpipilian na ibinigay ni Yahweh kay David?
Maaaring pumili si David sa tatlong taon na tag-gutom, tatlong buwan na pagkatugis ng kaniyang kaaway, o tatlong araw ng espada ni Yahweh.
1 Chronicles 21:13-15
Alin sa tatlong kaparusahan ang pinili ni David?
Pinili niya ang tatlong mga araw ng espada ni Yahweh.
Ano ang kinahinatnan sa pinili ni David?
Nagpadala si Yahweh ng salot at maraming tao ang namatay. Nagpadala si Yahweh ng anghel upang sirain ang Jerusalem, ngunit nagbago ang isip ni Yahweh.
1 Chronicles 21:16-17
Nang makita ni David ang anghel na may espada, paano siya tumugon?
Umamin siya at nakiusap na parusahan siya at ang kaniyang pamilya, ngunit huwag parusahan ang mga tao ng Diyos.
1 Chronicles 21:18-20
Ano ang iniutos kay David na gawin sa lugar ng giikan ni Ornan?
Kailangan niyang magpatayo ng altar ni Yahweh.
Paano tumugon si Ornan nang makita niya ang anghel?
Nagtago siya at ang kaniyang apat na anak mula sa anghel.
1 Chronicles 21:21-22
Nang nakilala ni Ornan si David, ano ang hiningi ni David sa kaniya?
Hiniling niya kay Ornan na ibenta sa kaniya ang lugar ng giikan.
1 Chronicles 21:23-24
Ano ang inialok ni Ornan na tinanggihan ni David?
Inialok niya na ibibigay niya sa kaniya ang lugar ng giikan, ang baka, at ang trigo.
1 Chronicles 21:25-27
Pagkatapos mabili ni David ang lugar ng giikan at makapagtayo ng altar, paano sumagot si Yahweh sa kaniyang panalangin?
Sumagot si Yahweh sa pamamagitan ng apoy na mula sa langit patungo sa altar at sinabi sa anghel na ilayo niya ang kaniyang espada.
1 Chronicles 21:28-30
Bakit hindi pumupunta si David sa Banal na lugar sa Gibeon?
Natatakot si David sa espada ng anghel ni Yahweh.
1 Chronicles 22
1 Chronicles 22:1-2
Pagkatapos na ipahayag ni David kung saan itatayo ang tahanan ni Yahweh, ano ang iniutos niya na gawin ng kaniyang mga lingkod?
Inutusan niya ang mga lingkod na maghanap ng mga dayuhan na naninirahan sa lupain ng Israel at bigyan sila ng trabaho bilang taga-tapyas upang itayo ang tahanan ng Diyos.
1 Chronicles 22:3-5
Ano ang mga paghahanda na ginawa ni David para sa pagpapatayo ng tahanan ni Yahweh bago ang kaniyang kamatayan?
Nagbigay siya ng malaking bilang ng bakal, tanso, at sedar.
1 Chronicles 22:6-8
Bakit sinabi ni David kay Solomon na siya ay inuutusan niyang magtayo ng tahanan ni Yahweh?
Sinabi ni Yahweh kay David na hindi siya ang magtatayo ng tahanan dahil sa lahat ng dugo na dumanak.
1 Chronicles 22:9-10
Ano ang sinabi ni Yahweh kay David na gagawin niya para sa kaniyang anak?
Bibigyan siya ng kapahingahan mula sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa bawat panig, at magtatag ng kaharian ni Solomon sa buong Israel magpakailanman.
1 Chronicles 22:11-13
Ano ang sinabi ni David kay Solomon na maingat na sundin?
Sinabi niya kay Solomon na maingat na sundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Moises sa Israel.
1 Chronicles 22:14-16
Ano ang sinabi ni David kay Solomon na gagawin sa lahat ng mga kagamitang inihanda ni David para sa tahanan ni Yahweh?
Sinabi niya kay Solomon na magdagdag pa sa mga ito.
1 Chronicles 22:17-19
Ano ang sinabi ni David kay Solomon na gawin?
Sinabi niya kay Solomon na tumayo at itayo ang santwaryo ni Yahweh na Diyos.
1 Chronicles 23
1 Chronicles 23:1-3
Ano ang ilan sa mga huling bagay na ginawa ni David bilang hari ng Israel?
Ginawa ni David si Solomon na hari sa kaniyang lugar at binilang niya ang nga Levita na nasa tatlumpung taong gulang pataas.
1 Chronicles 23:4-11
Ano ang trabaho na ibinigay ni David sa mga Levita?
Hinati niya sila sa pangkat ng tagapangasiwa ng mga gawain sa tahanan ni Yahweh, mga pinuno at mga hukom, mga tagapagbantay ng pintuan, at ang iba pa upang magpuri kay Yahweh kasama ang mga instrumento.
1 Chronicles 23:12-23
Ano ang napiling gawin ng permanente ni Aaron at ng kaniyang kaapu-apuhan?
Gagawing banal ni Aaron at ng kaniyang kaapu-apuhan ang mga pinakabanal na bagay, mag-aalay sila ng insenso kay Yahweh, paglilingkuran siya, at mabigbigay ng pagpapala sa pangalan ni Yahweh magpakailanman.
1 Chronicles 23:24-29
Bakit hindi na kailangan ng mga Levita na magbuhat ng tabernakulo?
Binigyan sila ni Yahweh ng permanenteng lugar ng pagpapahingahan sa Jerusalem.
1 Chronicles 23:30-32
Kailan maglalaan ng oras ang mga Levita upang magpasalamat at magpuri kay Yahweh?
Nagpupuri sila kay Yahweh tuwing umaga at gabi, kapag nagsusunog sila ng mga alay, sa Araw ng Pamamahinga, at sa pagdiriwang at mga araw ng pista .
1 Chronicles 24
1 Chronicles 24:4-18
Anong pamamaraan ang ginamit nila sa pagpangkat ng mga pari para sa paglilingkod sa santuwaryo?
Hinati sila nang walang pinapanigan sa pamamagitan ng palabunutan. [24:5]
1 Chronicles 24:19-28
Ano ang tuntunin sa mga kaapu-apuhan ni Aaron para sa kanilang pagpasok sa tahanan ni Yahweh?
Sila ay tinagubilinan ni Yahweh na pumasok sa kaniyang tahanan ayon sa natatanging pagkakaayos.
1 Chronicles 24:29-31
Sa anong tradisyon sumali ang mga kaapu-apuhan ni Aaron?
Sila ay nagbunutan sa harapan ng hari. [24:31]
1 Chronicles 25
1 Chronicles 25:1-5
Ano ang ginawa ng mga anak na lalaki nila Asaf, Heman, at Jeduthun sa alpa, instrumentong may kuwerdas at pompiyang?
Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may alpa, instrumentong may kuwerdas at pompiyang. [25:1]
Para sa ano ang pagtugtog ng alpa ng mga anak na lalaki ni Jeduthun?
Pinatugtog nila ang alpa para sa pagpapasalamat at pagpupuri nila kay Yahweh. [25:3]
Ano ang ibinigay ng Diyos kay Heman upang parangalan siya?
Binigyan siya ng Diyos ng labing apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae. [25:3]
1 Chronicles 25:6-31
Sino sa mga musikero ang nakasali nang magpalabunutan sila para sa kanilang katungkulan?
Napagkasunduan nilang magpalabunutan para sa kanilang trabaho,mga nakababata maging matatanda, mga guro maging ang mag-aaral. [25:8]
1 Chronicles 26
1 Chronicles 26:7-9
Ano ang kayang gawin ng mga anak na lalaki at mga kamag-anak ni Obed Edom?
May kakayahan silang gawin ang kanilang gawain sa paglilingkod sa tabernakulo.[26:8]
1 Chronicles 26:10-11
Paano naging pinuno si Simri kahit na hindi naman siya ang panganay?
Kahit na hindi siya ang panganay, ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama. [26:10]
1 Chronicles 26:12-14
Saan may katungkulan maglingkod ang mga nagbabantay ng tarangkahan?
Mayroon silang katungkulan na maglingkod sa tahanan ni Yahweh. [26:12]
1 Chronicles 26:15-19
Ano ang itinalaga sa mga anak ni Obed-edom bukod pa sa tarangkahang nasa timog?
Itinalaga ang kaniyang mga anak sa mga bahay-imbakan. [26:15]
1 Chronicles 26:20-25
Ano ang pinamahalaan ni Ahias sa tahanan ng Diyos?
Siya ang namamahala sa mga kayamanan sa tahanan ng Diyos, at sa mga kayamanan ng mga bagay na inilaan. [26:20]
1 Chronicles 26:26-28
Para saan layunin gagamitin ang ilang mga nasamsam sa pinagtagumpayan nilang labanan na inilaan ni David at ng mga pinuno?
Inilaan nila ang ilan sa mga nasamsam sa pinagtagumpayan nilang labanan para sa pagpapaayos ng tahanan ni Yahweh. [26:27]
1 Chronicles 26:29-32
Ano ang pinamahalaan nina Kenaias at ng kaniyang mga anak bilang mga pinuno at mga hukom?
Sila ang namamahala sa mga kapakanang pambayan ng Israel bilang mga opisyal at mga hukom. [26:29]
1 Chronicles 27
1 Chronicles 27:1-22
Kailan naglingkod ang mga pangkat ng mga hukbo?
Naglingkod sila sa bawat buwan nang buong taon. [27:1]
Ilang mga kalalakihan mayroon sa bawat pangkat ng mga hukbo?
Mayroong 24,000 na mga kalalakihan sa bawat hukbo. [27:1]
1 Chronicles 27:23-24
Bakit hindi binilang ni David ang mga may gulang na dalawampu o mga mas bata?
Hindi niya sila ibinilang sapagkat nangako si Yahweh na pararamihin niya ang Israel gaya ng mga bituin sa langit. [27:23]
1 Chronicles 27:25-27
Ano ang tungkulin ni Jonathan na anak ni Uzias?
Pinangangasiwaan niya ang mga bahay-imbakan sa mga bukid, sa mga lungsod, at sa mga nayon. [27:25]
1 Chronicles 27:28-31
Anong uri ng mga puno ang nasa mga kapatagan?
Mga puno ng olibo at mga puno ng sikamoro ang nasa mga kapatagan. [27:28]
1 Chronicles 27:32-34
Bakit si Jonathan na tiyuhin ni David ay isang tagapayo?
Siya ay isang tagapagpayo sapagkat siya ay isang matalinong tao at isang eskriba. [27:32]
1 Chronicles 28
1 Chronicles 28:2-3
Bakit sinabi ng Diyos kay David na hindi niya maaaring itayo ang isang templo para sa kaniyang pangalan?
Sinabi ng Diyos na hindi niya maaaring itayo ito sapagkat isa siyang mandirigma at nagpadanak ng dugo. [28:3]
1 Chronicles 28:4-5
Bakit pinili ni Yahweh si Solomon, na anak ni David, na mamuno sa buong Israel?
Pinili niya si Solomon na maupo sa trono ng kaharian ni Yahweh, sa buong Israel. [28:5]
1 Chronicles 28:6-7
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para kay Solomon kung mananatili siyang matapat sa pagsunod sa kaniyang mga kautusan?
Sinabi ni Yahweh na itatatag niya ang kaniyang kaharian magpakailanman. [28:7]
1 Chronicles 28:8
Kung susundin ng lahat ng mga tao ang mga kautusan ni Yahweh, ano ang maaaring mangyari sa magandang lupain na kanilang pag-aari?
Kanilang makakamtan ang mabuting lupain at iiwanan ito bilang isang pamana sa mga susunod nilang mga anak magpakailanman. [28:8]
1 Chronicles 28:9-10
Ano ang nauunawaan ni Yahweh sa kaisipan ng bawat isa?
Nauunawaan niya ang bawat pag-uudyok sa kaisipan ng bawat isa. [28:9]
Ano ang mangyayari kung iiwan ni Solomon si Yahweh?
Itatakwil siya ni Yahweh magpakailanman. [28:9]
1 Chronicles 28:11-12
Ano ang mga iniimbak sa mga silid-imbakan sa tahanan ng Diyos at sa mga kabang-yaman?
Ang mga silid-imbakan at mga kabang-yaman ay para sa mga bagay na pinabanal para sa templo. [28:12]
1 Chronicles 28:13-17
Saang tungkuling itinalaga ang mga pari at ang mga Levita upang maglingkod?
Ang itinalagang tungkulin sa kanila ay para sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. [28:13]
1 Chronicles 28:18-19
Paano pinatnubayan si David sa lahat ng mga bagay na kaniyang isinulat?
Pinatnubayan siya ni Yahweh at binigyan siya ng pang-unawa tungkol sa disenyo. [28:19]
1 Chronicles 28:20-21
Ano ang ipinangako ni David kay Solomon tungkol sa presensiya ni Yahweh hanggang matapos ang lahat ng gawain?
Hindi siya iiwan at pababayaan ni Yahweh hanggang matapos ang lahat ng gawain sa templo.
Ano ang nakahandang gawin ng mga opisyal at ng lahat ng mga tao?
Nakahanda silang sundin ang mga utos ni Solomon.
1 Chronicles 29
1 Chronicles 29:1-2
Bakit sinabi ni David na dakila ang gawain sa pagtatayo ng templo?
Dakila ang gawain, sapagkat hindi para sa mga tao ang templo, ngunit para kay Yahweh na Diyos. [29:1]
1 Chronicles 29:3-5
Bakit ibinigay ni David ang kaniyang sariling kayamanan para sa tahanan ng Diyos?
Nagalak siya sa tahanan ng kaniyang Diyos. [29:3]
1 Chronicles 29:6-7
Anong uri ng mga kaloob ang ibinigay ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga ninuno?
Nagbigay sila ng kusang loob na handog. [29:6]
1 Chronicles 29:8-9
Bakit nagalak ang mga tao para sa kusang loob na paghahandog?
Nagalak sila sapagkat nag-ambag sila ng buong puso para kay Yahweh. [29:9]
1 Chronicles 29:10-11
Ano ang sinabi ni David na pag-aari ni Yahweh?
Ang lahat ng nasa langit at nasa lupa ay kay Yahweh, pati na rin ang kaharian. [29:11]
1 Chronicles 29:12-13
Paano gagawin ni Yahweh na maging dakila ang mga tao at bigyan sila ng kalakasan?
Nagtataglay siya ng kalakasan at lakas at may kakayahan siyang magbigay ng kalakasan sa sinuman. [29:12]
1 Chronicles 29:14-15
Ano ang sinabi ni David tungkol sa mga bagay na ibinigay ng mga tao kay Yahweh?
Galing kay Yahweh ang lahat ng mga bagay, at ibinigay lang nila pabalik sa Kaniya kung ano ang nararapat sa kaniya.
1 Chronicles 29:16-19
Saan nagkakaroon ng kaluguran ang Diyos kapag sinusuri niya ang puso?
Sinusuri ni Yahweh ang puso at nasisiyahan sa katuwiran. [29:17]
Ano ang nagpagalak kay David nang tingnan niya ang mga tao ng Diyos na naroon?
Tumingin siya ng may kagalakan habang kusang loob na naghahandog sila ng mga kaloob kay Yahweh.
1 Chronicles 29:20-21
Paano nagpuri at sinamba ng lahat ng kapulungan si Yahweh?
pinapurihan ng lahat ng kapulungan si Yahweh, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh. [29:20]
1 Chronicles 29:22-23
Kaninong kapangyarihan nila hinirang si Solomon upang maging pinuno?
Hinirang nila siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh. [29:22]
1 Chronicles 29:24-25
Paano binigyan ni Yahweh ng dakilang karangalan si Solomon sa harapan ng buong Israel?
Ipinagkaloob niya sa kaniya ang mas higit na kapangyarihan kaysa sa mga ibinigay Niya sa sinumang naunang hari sa kaniya sa Israel. [29:25]
1 Chronicles 29:26-28
Ano ang dalawang bagay na ikinasaya ni David sa panahon ng kaniyang mahabang buhay?
Nasiyahan siya sa kayaman at karangalan. [29:28]
1 Chronicles 29:29-30
Anong mga kaharian ang naapektuhan sa pamamagitan ng mga nagawa ni David, na karagdagan sa Israel?
Naisulat ng mga propeta ang kaniyang mga nagawa at mga pangyayari na nakaapekto sa lahat ng kaharian ng ibang mga lupain. [29:30]