Micah
Micah 1
Micah 1:1
Sinu-sino ang mga hari nang dumating kay Mikas ang salita ni Yahweh?
Sina Jotam, Ahaz at Hezekias ang mga hari ng Juda nang dumating ang salita ni Yahweh kay Mikas.
Micah 1:2-4
Sa anong dahilan bababa at tatapak si Yahweh?
Bababa si Yahweh at tatapakan ang dambana ng mga pagano sa mundo.
Micah 1:5
Bakit ibibigay ni Yahweh ang kahatulang ito?
Ibibigay ni Yahweh ang kahatulang ito dahil sa paghihimagsik ni Jacob, at dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel.
Micah 1:6-7
Paano titipunin ng Samaria ang mga inukit na larawan, mga kaloob at mga diyus-diyosan?
Titipunin ng Samaria ang mga inukit na larawan, mga kaloob at mga diyus-diyosan mula sa mga kaloob sa kaniyang pagbebenta ng aliw.
Micah 1:8-10
Paano ipinahayag ni Micas ang kaniyang kapighatian sa lahat ng kasalanan ng Israel at Jacob?
Nanaghoy si Micas at tumangis na nakapaa at nakahubad.
Micah 1:11-12
Bakit nagdalamhati ang Beth-Ezel?
Nagdalamhati ang Beth-Ezel sapagkat kinuha ang kanilang proteksiyon.
Micah 1:13-14
Anong lungsod ang pinagsimulan ng kasalanan para sa mga anak na babae ng Zion?
Ang Laquis ang pinagsimulan ng kasalanan para sa mga anak na babae ng Zion.
Micah 1:15-16
Bakit kailangang ahitan ng mga Israelita ang kanilang mga ulo?
Kailangan nilang ahitan ang kanilang mga ulo sapagkat ang kanilang mga anak ay kukunin ng sapilitan mula sa kanila..
Micah 2
Micah 2:1-2
Saan nagbabalak ang mga taong gumawa ng masama?
Nagbabalak silang gumawa ng masama sa kanilang mga higaan.
Micah 2:3-5
Bakit ang mga mayayamang tao ay mawawalan ng mga kaapu-apuhan na maghahati sa teritoryo?
Babaguhin ni Yahweh ang teritoryo ng mga tao at aalisin mula sa kanila. Kaya ang mga mayayamang tao ay mawawalan ng mga kaapu-apuhan na maghahati sa teritoryo.
Micah 2:6-8
Mula kanino huhubarin ng mga tao ni Yahweh ang roba?
Huhubarin nila mula sa mga dumadaan nang matiwasay.
Micah 2:9-11
Bakit kailangan na tumayo at umalis ang mga tao ni Yahweh?
Kailangan nilang tumayo at umalis sapagkat hindi ito ang lugar na sila ay maaaring mananatili, dahil sa karumihan nito.
Micah 2:12-13
Sino ang titipon sa mga natitirang Israelita?
Titipunin ni Yahweh ang mga natitirang Israelita.
Micah 3
Micah 3:1-3
Sinu-sino ang mga kumakain sa laman ng mga tao ni Yahweh?
Ang mga pinuno ni Jacob ang kumakain sa laman ng mga tao ni Yahweh.
Micah 3:4
Bakit ikukubli ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa mga pinuno ni Jacob?
Ikukubli ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa mga pinuno ni Jacob dahil gumawa sila ng masasamang mga gawa.
Micah 3:5-8
Bakit hindi makapanghuhula ang mga propeta?
Magiging madilim kaya hindi makapanghuhula ang mga propeta.
Micah 3:9-12
Para saan humahatol ang mga pinuno?
Humahatol ang mga pinuno para sa suhol.
Micah 4
Micah 4:1
Kailan itatatag ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh sa ibabaw ng iba pang mga bundok?
Itatatag sa ibabaw ng iba pang mga bundok ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh sa mga huling araw. [4:1]
Micah 4:2-3
Bakit maraming bansa ang gustong pumunta sa bundok ni Yahweh?
Maraming bansa ang gustong pumunta sa bundok ni Yahweh, upang ituro niya sa kanila ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad sila sa kaniyang mga landas.
Micah 4:4-5
Sa kung ano lumalakad ang lahat ng tao?
Ang lahat ng tao ay lumalakad sa pangalan ng kanilang diyos. [4:5]
Micah 4:6-8
Sino ang mga bubuuin[titipunin] ni Yahweh
Bubuuin niya ang mga pilay at titipunin ang mga itinakwil na kaniyang mga pinarusahan. [4:6]
Micah 4:9-10
Saan maililigtas ang anak na babae ng Zion?
Ililigtas ang anak na babae ng Zion sa Babilonia. [4:10]
Micah 4:11-12
Ayon sa propreta, sino ang hindi nakakaalam ng mga kaisipan ni Yahweh?
Ang mga bansa ang hindi nakakaalam sa mga kaisipan ni Yahweh. [4:12]
Micah 4:13
Kanino itatalaga ni Yahweh ang mga kayamanang kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan ng maraming tao?
Itatalaga ni Yahweh sa kaniyang sarili ang kanilang mga kayamanan na kinuha nila sa hindi makatarungang pamamaraan.
Micah 5
Micah 5:1
Ano ang panghahampas ng kaaway sa pinuno ng Israel?
Hahampasin nila sa pisngi ang pinuno ng Israel sa pamamagitan ng isang pamalo.
Micah 5:2-3
Gaano katagal na hahayaan ng Diyos ang angkan ng Juda?
Hahayaan sila ng Diyos hanggang sa panahon na isang babae ang mahihirapan sa panganganak ng isang sanggol.
Micah 5:4-5
Sino ang magpapastol sa kaniyang kawan sa kapangyarihan ni Yahweh?
Ipapastol ng bata ang kaniyang kawan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh.
Micah 5:6-7
Ano ang hindi hihintayin ng natitiramula kay Jacob?
Hindi maghihintay para sa isang tao ang natitira mula kay Jacob.
Micah 5:8-11
Ano ang mangyayari kapag itinaas ng mga Israelita ang kanilanh kamay laban sa kanilang mga kaaway?
Kapag itinaas ng mga Israelita ang kanilang mga kamay laban sa kanilang mga kaaway, ito ang sisirain nila ito.
Micah 5:12-15
Sa Kanino ipapatupad ni Yahweh ang paghihiganti?
Ipapatupad ni Yahweh ang paghihiganti sa mga bansa na hindi nakinig.
Micah 6
Micah 6:1-2
Ano ang gagawin ni Yahweh laban sa Israel?
Lalaban ni Yahweh sa hukuman ang mga Israel.
Micah 6:3-5
Ano ang iniutos ni Yahweh sa kaniyang mga tao na gawin nila laban sa kaniya?
Iniutos niya sa kanila na magpatotoo sila laban sa kaniya.
Micah 6:6-10
Ano ang hinihiling ni Yahweh para sa kaniyang mga tao?
Hinihiling ni Yahweh sa kaniyang mga tao na mamuhay nang makatarungan, ibigin ang kabaitan at lumakad nang mapagpakumbaba kasama ang kanilang Diyos.
Micah 6:11-12
Kaninong dila ang mapanlinlang?
Mapanlinlang ang mga dila ng mga mamamayan na nagsasalita ng kasinungalingan.
Micah 6:13-15
Bakit winasak ni Yahweh ang lungsod?
Winasak ni Yahweh ang lungsod dahil sa mga kasalanan nito.
Micah 6:16
Sa kaninong payo sumunod ang lungsod?
Sinunod ng lungsod ang payo nina Omri at Ahab.
Micah 7
Micah 7:1-2
Sino ang nalipol sa mundo?
Ang mga maka-Diyos ang nalipol sa mundo.
Micah 7:3-4
Sino ang na[g]hula sa araw ng kaparusahan ng /mga/ natitirang mga tao?
Inihula ng mga tagapagbantay ang araw ng pagpaparusa sa /mga/ natitirang mga tao.
Micah 7:5-6
Sino ang mga kaaway ng isang tao?
Ang mga tao sa kaniyang sariling sambahayan ang mga kaaway ng isang tao.
Micah 7:7-8
Ano ang mangyayari matapos bumagsak si Mikas?
Babangon si Mikas pagkatapos ng pagbagsak niya.
Micah 7:9
Gaano katagal dadalhin ni Mikas ang galit ni Yahweh?
Dadalhin ni Mikas ang galit ni Yahweh hanggang sa ipagtanggol ni Yahweh ang kaniyang panig at ihatol ang kaparusahan kay Mikas.
Micah 7:10
Kanino titingin ang mga mata ni Mikas?
Titingin ang mga mata ni Mikas sa kaniyang mga kaaway.
Micah 7:11-13
Ano ang mangyayari kapag dumating ang araw na itatayo ang mga pader?
Kapag dumating ang araw na itatayo ang mga pader, ang mga hangganan ay palalwakin nang napakalayo.
Micah 7:14-15
Paano hiniling ni Mikas kay Yahweh na ipastol ang lkaniyang tao?
Hiniling ni Yahweh na ipastol ang kaniyang mga tao gamit ang kaniyang pamalo.
Ano ang ipapakita ni Yahweh sa kaniyang mga tao?
Ipapakita ni Yahweh sa kanila ang mga kababalaghan.
Micah 7:16-17
Ano ang makikita ng mga bansa at kanilang ikakahiya?
Makikita nila at mahihiya ng lahat nilang kapangyarihan.
Kanino lalapit at matatakot ang mga bansa?
Ang mga bansa ay lalapit kay Yahweh at matatakot sila dahil sa kaniya.
Micah 7:18
Bakit hindi pananatilihin ni Yahweh ang kaniyang galit magpakailanman?
Hindi pananatilihin ni Yahweh ang kaniyang galit magpakailanman, dahil nais niyang ipakita ang kaniyang katapatan sa kasunduan.
Micah 7:19-20
Saan itatapon ni Yahweh ang lahat ng mga kasalanan ng mga tao ng Israel?
Itatapon ni Yahweh ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa kalaliman ng dagat.