Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Ephesians

Ephesians 1

Ephesians 1:1-2

Paano inilalarawan ni Pablo ang mga tao na kanyang sinusulatan sa liham na ito?

Inilalarawan ni Pablo ang mga tao na sinusulatan niya bilang binukod para sa Diyos, at bilang matapat na nagtitiwala kay Cristo Jesus.

Ephesians 1:3-4

Sa anong bagay pinagpala ng Diyos Ama ang mga mananampalataya?

Pinagpala ng Diyos Ama ang mga mananampalataya ng bawat espiritwal na pagpapala sa mga lugar ng kalangitan kay Cristo.

Kailan pinili ng Diyos Ama ang mga naniwala kay Cristo?

Pinili ng Diyos Ama ang mga naniwala kay Cristo bago pa ang paglikha ng mundo.

Sa anong layunin pinili ng Diyos Ama ang mga mananampalataya?

Pinili ng Diyos Ama ang mga mananampalataya para sila ay maging banal at walang sala sa kanyang paningin.

Ephesians 1:5-6

Bakit tinadhana ng Diyos ang mga mananampalataya para ampunin?

Paunang tinadhana ng Diyos ang mga mananampalataya dahil siya ay nalugod na gawin ito, at para siya ay magawang mapapurihan para sa kanyang maluwalhating biyaya.

Ephesians 1:7-8

Ano ang tinatanggap ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, ang minamahal ng Diyos?

Ang mga mananampalataya ay tumatanggap ng pagtubos sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, ang kapatawaran ng mga kasalanan.

Ephesians 1:9-12

Ano ang gagawin ng Diyos kung dumating ang mga panahon ng pagtatapos ng kanyang plano?

Sama-samang dadalhin ng Diyos sa ilalim ni Cristo ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa.

Ephesians 1:13-16

Ano ang tatak na tinanggap ng mga mananampalataya noong marinig nila ang salita ng katotohanan?

Tinanggap ng mga mananampalataya ang tatak na ipinangakong Banal na Espiritu.

Sa ano ang Espiritu naging katibayan?

Ang Espiritu ay isang katibayan ng mana ng mga mananampalataya.

Ephesians 1:17-18

Ano ang pinapanalangin ni Pablo na maliwanagan para maunawaan ng mga taga-Efeso?

Si Pablo ay nananalangin na ang mga taga-Efeso ay maliliwanagan para maunawaan ang patunay ng kanilang pagkakatawag, ang mga yaman ng kaluwalhatian ng kanilang mamanahin, at ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Diyos sa kanila.

Ephesians 1:19-21

Ano ang pinapanalangin ni Pablo na maliwanagan para maunawaan ng mga taga-Efeso?

Si Pablo ay nananalangin na ang mga taga-Efeso ay maliliwanagan para maunawaan ang patunay ng kanilang pagkakatawag, ang mga yaman ng kaluwalhatian ng kanilang mamanahin, at ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Diyos sa kanila.

Ano ang ginawa kay Cristo ng parehong kapangyarihan na ngayon ay kumikilos sa mga mananampalataya?

Ang parehong kapangyarihan ang bumuhay kay Cristo mula sa mga patay at nagluklok sa kaniya sa kanang kamay ng Diyos sa kalangitan.

Ephesians 1:22-23

Ano ang inilalgay ng Diyos sa ilalim ng paanan ni Cristo?

Ipinailalim ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa paanan ni Cristo.

Ano ang puwesto ng kapangyarihan ni Cristo sa Iglesiya?

Si Cristo ang ulo ng lahat ng mga bagay sa Iglesiya.

Ano ang Iglesiya?

Ang Iglesiya ay katawan ni Cristo.

Ephesians 2

Ephesians 2:1-3

Ano ang Espiritwal na kalagayan ng lahat ng mga hindi mananampalataya?

Lahat ng mga hindi mananampalataya ay patay sa kanilang mga paglabag at mga kasalanan.

Sino ang kumikilos sa mga anak ng pagsuway?

Ang espiritu na namumuno sa mga kapangyarihan ng himpapawid ang kumikilos sa mga anak ng pagsuway.

Batay sa kalikasan, ano ang lahat ng mga hindi mananampalataya?

Ang mga hindi mananampalataya batay sa kalikasan ay mga anak ng poot.

Ephesians 2:4-7

Bakit dinala ng Diyos ang ilang mga hindi mananampalataya sa bagong buhay kasama si Cristo?

Dinala ng Diyos ang ilang mga hindi mananampalataya sa bagong buhay kay Cristo dahil sa kaniyang mayamang habag at dakilang pag-ibig.

Sa pamamagitan ng ano naligtas ang mga mananampalataya?

Ang mga mananampalataya ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.

Saan nakaupo ang mga mananampalataya ?

Ang mga mananampalataya ay nakaupo sa mga lugar ng kalangitan kasama ni Cristo Jesus.

Sa anong kadahilanan niligtas ng Diyos at binuhay ang mga mananampalataya?

Niligtas at binuhay ng Diyos ang mga mananampalataya para sa panahon na darating ay maaari niyang maipakita sa kanila ang masaganang yaman ng kanyang biyaya.

Ephesians 2:8-10

Sa anong paraan walang mananampalataya ang makakapagyabang, at bakit?

Walang mananampalataya ang maaaring magyabang sa kaniyang mga gawa, dahil siya ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya bilang kaloob ng Diyos.

Sa anong layunin nilikha ng Diyos ang mga mananampalataya kay Cristo Jesus?

Ang layunin ng Diyos para sa mga mananampalataya kay Cristo Jesus ay para lumakad sa mabuting mga gawa.

Ephesians 2:11-12

Ano ang espiritwal na kalagayan ng hindi mananampalatayang mga Hentil?

Ang hindi mananampalatayang mga Hentil ay hiwalay kay Cristo, malayo ang loob sa Israel, mga taong hindi kilala ang tipan, walang pag-asa at walang Diyos.

Ephesians 2:13-16

Ano ang nagdala sa ilang mga Hentil na hindi mga mananampalataya palapit sa Diyos?

Ang ilang Hentil na hindi mga mananampalataya ay nadala palapit sa Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

Paano binago ni Cristo ang kaugnayan sa pagitan ng mga Hentil at ng mga Judio?

Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, nagawang pag-isahin ni Cristo ang mga Hentil at mga Judio bilang iisang tao, sinira niya ang poot na naghihiwalay sa kanila.

Ano ang binuwag ni Cristo upang lumikha ng kapayapaan sa pagitan ng mga Judio at ng mga Hentil?

Binuwag ni Cristo ang batas ng mga kautusan at mga alituntunin upang lumikha ng kapayapaan sa pagitan ng mga Judio at mga Hentil.

Ephesians 2:17-18

Sa anong pamamaraan ang lahat ng mga mananampalataya ay makakalapit sa Ama?

Lahat ng mga mananampalataya ay makakalapit sa Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Ephesians 2:19-22

Sa anong pundasyon nakatayo ang pamilya ng Diyos?

Ang pamilya ng Diyos ay nakatayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta, si Cristo Jesus bilang panulukang bato.

Ano ang ginagawa ng kapangyarihan ni Jesus sa kabuoang pagtatayo ng kanyang pamilya?

Ang kapangyarihan ni Jesus ang nagsasamasama at nagpapalago ng kabuoang pagtatayo ng kaniyang pamilya.

Anong uri ng gusali ang gusali ng pamilya ng Diyos?

Ang gusali ng pamilya ng Diyos ay isang templo na inilaan para sa Panginoon.

Saan nananahan ang Diyos sa Espiritu?

Nananahan ang Diyos sa Espiritu, sa loob ng mananampalataya.

Ephesians 3

Ephesians 3:1-2

Para kaninong kapakinabangan ang kaloob na binigay ng Diyos kay Pablo?

Binigay ng Diyos kay Pablo ang kaloob para sa kapakinabangan ng mga Hentil.

Ephesians 3:3-5

Ano ang hindi ipinaalam sa sangkatauhan sa ibang mga salinlahi?

Ang natatagong katotohanan tungkol kay Cristo ang hindi ipinaalam sa ibang mga salinlahi.

Kanino ipinahayag ng Diyos ang hindi ipinaalam sa sangkatauhan sa ibang mga salinlahi?

Ipinahayag ng Diyos ang natatagong katotohanan tungkol kay Cristo sa kaniyang mga apostol at mga propeta.

Ephesians 3:6-7

Anong natatagong katotohanan ang naipahayag?

Ang natatagong katotohanan na naipahayag ay iyong mga Hentil ay kapwa mga tagapagmana at kapwa kasapi ng katawan, at kapwa kabahagi sa pangako kay Cristo Jesus.

Anong kaloob ang ibinigay kay Pablo?

Ang kaloob ng biyaya ng Diyos ang ibinigay kay Pablo.

Ephesians 3:8-9

Tungkol saan ipinadala si Pablo upang tulungan ang mga Hentil na maunawaan?

Ipinadala si Pablo upang tumulong maunawaan ng mga Hentil ang tungkol sa plano ng Diyos.

Ephesians 3:10-11

Sa pamamagitan ng ano maaring ipaalam ang hindi madaling maunawaang karunungan ng Diyos?

Sa pamamagitan ng Iglesia ay maaaring ipaalam ang hindi madaling maunawaang karunungan ng Diyos.

Ephesians 3:12-13

Ano ang sinasabi ni Pablo na taglay ng mga mananampalataya dahil sa pananampalataya kay Cristo?

Sinasabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay may taglay na lakas ng loob at makakalapit ng may tiwala dahil sa pananampalataya kay Cristo.

Ephesians 3:14-16

Ano ang ipinangalan at nilikha na isinunod sa Ama?

Bawat pamilya sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ipinangalan at nilikha na isinunod sa Ama.

Ephesians 3:17-19

Paano nanalangin si Pablo na palakasin ang mga mananampalataya?

Nanalangin si Pablo na ang mga mananampalataya ay palakasin na may kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, na nananahan sa kanila.

Ano ang ipinapanalangin ni Pablo na maaaring maintindihan ng mga mananampalataya?

Ipinapanalangin ni Pablo na maintindihan ng mga mananampalataya kung gaano kalawak, kahaba, kataas at kalalim ang pag-ibig ni Cristo.

Ephesians 3:20-21

Ano ang ipinapanalangin ni Pablo na maibigay sa Ama sa lahat ng mga henerasyon?

Ipinapanalangin ni Pablo na ang kaluwalhatian sa Iglesia at kay Cristo Jesus ay ipagkakaloob sa Ama sa lahat ng mga salinlahi.

Ephesians 4

Ephesians 4:1-3

Paano inudyukan ni Pablo na mamuhay ang mga mananampalataya?

Inudyukan ni Pablo ang mga mananampalataya na mamuhay ng may kapakumbabaan, kahinahunan, at pagtitiis, tinatanggap ang bawat isa sa pag-ibig.

Ephesians 4:4-6

Ano ang ipinangalan ni Pablo sa kanyang listahan ng mga bagay na kung saan ito ay iisa lamang?

Sinasabi ni Pablo na may iisang katawan, Espiritu, tiyak na inaasahan, Panginoon, pananampalataya, bawtismo, at Diyos Ama.

Ephesians 4:7-10

Ano ang ibinigay ni Cristo sa bawat mananampalataya pagkatapos ng kaniyang pag-akyat sa langit?

Ibinigay ni Cristo sa bawat mananampalataya ang isang regalo ayon sa sukat ng regalo ni Cristo.

Ephesians 4:11-13

Ano ang limang regalo ni Cristo sa katawan ang pinangalanan ni Pablo?

Ibinigay ni Cristo ang mga regalo ng mga apostol, propeta, ebanghelista, pastor, at mga guro.

Sa anong layunin ang limang regalo na ito sa katawan ni Cristo na dapat gawin?

Ang layunin ng limang regalo sa katawan ay dapat magbigay kahandaan sa mga mananampalataya sa paglilingkod, para sa ikatitibay ng kapisanan.

Ephesians 4:14-16

Paano sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay maaaring maging tulad ng mga bata?

Ang mga mananampalataya ay maaaring maging tulad ng mga bata na pinapaikot at matangay palayo sa pandaraya ng mga tao at nakaliligaw na panlilinlang.

Paano sinasabi ni Pablo na ang katawan ng mga mananampalataya ay nabubuo?

Ang katawan ng mga mananampalataya ay pinag-samasama, hawak sama-sama sa pamamagitan ng bawat kasukasuan. Bawat bahagi gumagawa para sa ikalalago ng katawan, para sa ikatatayo ng bawat isa sa pag-ibig.

Ephesians 4:17-19

Paano sinasabi ni Pablo lumakad ang mga Hentil?

Ang pag-iisip ng mga Hentil ay nadiliman, hiwalay sa Diyos, at iginawad sa maruming gawain.

Ephesians 4:20-24

Ano ang sinasabi ni Pablo sa mga mananampalataya na kailangan tanggalin at isuot?

Dapat tanggalin ng mga mananampalataya ang dati nilang pagkatao, na mapagmalabis, at isuot ang bagong pagkatao, na nilikha sa katuwiran.

Ephesians 4:25-27

Paano nagbibigay ng pagkakataon ang isang mananampalataya sa diyablo?

Ang isang mananampalataya ay maaaring magbigay ng pagkakataon sa diyablo kung hahayaan niyang lubugan ng araw sa kaniyang galit.

Ephesians 4:28-30

Ano ang nararapat gawin ng mga mananampalataya sa halip na magnakaw?

Ang mga mananampalataya ay dapat magtrabaho para sila ay maaaring magbahagi sa isang taong nangangailangan.

Anong uri ng salita ang sinasabi ni Pablo na dapat lumabas sa bibig ng mga mananampalataya?

Walang masamang salita ang dapat lumabas sa bibig ng mga mananampalataya, sa halip mga salitang makapagpalakas sa iba.

Sino ang hindi dapat bigyang pagdadalamhati ng mananampalataya?

Ang mananampalataya ay hindi dapat magbigay ng pagdadalamhati sa Banal na Espiritu ng Diyos.

Ephesians 4:31-32

Ano ang dapat gawin ng isang mananampalataya dahil pinatawad siya ng Diyos kay Cristo?

Ang isang mananampalataya ay dapat magpatawad sa iba dahil pinatawad siya ng Diyos kay Cristo.

Ephesians 5

Ephesians 5:1-2

Sino ang dapat pamarisan ng mga mananampalataya?

Dapat pamarisan ng mga mananampalataya ang Diyos Ama bilang kaniyang mga anak.

Ano ang ginawa ni Cristo na naging kalugod-lugod na bango sa Diyos?

Binigay ni Cristo ang kaniyang sarili para sa mga mananampalataya bilang isang handog at alay sa Diyos.

Ephesians 5:3-4

Ano ang hindi dapat imungkahi sa gitna ng mga mananampalataya?

Sekswal na imoralidad, karumihan, at kasakiman ang hindi dapat imungkahi sa gitna ng mga mananampalataya.

Sa halip anong pag-uugali ang dapat nakikita sa gitna ng mananampalataya?

Sa halip ang mga mananampalataya ay dapat may ugaling mapagpasalamat.

Ephesians 5:5-7

Sino ang walang mamanahin sa kaharian ni Cristo at Diyos?

Ang sekswal na imoral, marumi, at sakim ang walang mamanahin sa kaharian ni Cristo at Diyos.

Ano ang darating laban sa mga anak ng pagsuway?

Ang galit ng Diyos ang darating laban sa mga anak ng pagsuway.

Ephesians 5:8-12

Anong bunga ng liwanag ang nakakalugod sa Panginoon?

Ang bunga ng kabutihan, katuwiran, at katotohanan ay nakalulugod sa Diyos.

Ano ang gagawin ng mga mananampalataya sa mga gawa ng kadiliman?

Ang mga mananampalataya ay hindi dapat nakikibahagi, ngunit sa halip ilantad ang mga gawa ng kadiliman.

Ephesians 5:13-14

Ano ang nalalantad sa liwanag?

Ang lahat ng bagay ay nalalantad sa liwanag.

Ephesians 5:15-17

Ano ang dapat gawin ng mga mananampalataya yamang ang mga araw ay masama?

Dapat tubusin ng mga mananampalataya ang panahon yamang ang mga araw ay masama.

Ephesians 5:18-21

Ano ang umaakay sa kapahamakan?

Ang nagpapakalasing sa alak ang umaakay sa kapahamakan.

Ano ang dapat sabihin ng mga mananampalataya sa bawat-isa?

Ang mga mananampalataya ay dapat magsalita sa bawa't-isa ng mga salmo, himno, at mga awiting espiritwal.

Ephesians 5:22-24

Sa anong paraan dapat magpasailalim ang mga asawang babae sa kanilang mga asawang lalaki?

Ang mga asawang babae ay dapat magpasailalim sa kanilang mga asawang lalaki gaya ng sa Diyos.

Sa ano ang asawang lalaki ang ulo, at sa kung ano si Cristo ang ulo?

Ang asawang lalaki ang ulo sa asawang babae, at si Cristo ang ulo ng Iglesia.

Ephesians 5:25-27

Paano ginagawang banal ni Cristo ang Iglesia?

Ginagawang banal ni Cristo ang Iglesia sa pamamagitan ng paghugas ng tubig sa pamamgitan ng salita.

Ephesians 5:28-30

Paano dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawang babae?

Dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawang babae katulad ng kanilang mga sariling katawan.

Paano ituring ng isang tao ang kaniyang katawan?

Ang isang tao ay pinalulusog at minamahal ang kanyang sariling katawan.

Ephesians 5:31-33

Ano ang mangyayari kung ang isang lalaki ay makipag-isa sa kanyang asawang babae?

Kung ang isang lalaki ay nakipag-isa sa kaniyang asawang babae sila ay magiging isang laman.

Ano ang natatagong katotohanan ang ipinapakita sa pakikipag-isa ng isang lalaki at ng kaniyang asawang babae?

Ang natatagong katotohanan tungkol kay Cristo at sa kaniyang Iglesia ay nagpapakita sa pakikipag-isa ng isang lalaki at ng kaniyang asawang babae.

Ephesians 6

Ephesians 6:1-3

Paano dapat tratuhin ng mga Kristiyanong anak ang kanilang mga magulang?

Ang mga Kristiyanong anak ay dapat sumunod at igalang ang kanilang mga magulang.

Ephesians 6:4

Ano ang gagawin ng mga Amang Kristiyano para sa kanilang mga anak?

Ang mga amang Kristiyano ay dapat palakihin ang kanilang mga anak sa disiplina at tagubilin ng Panginoon.

Ephesians 6:5-8

Sa anong pag-uugali ang Kristiyanong mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang mga amo?

Ang mga aliping kristiyano ay dapat sumunod sa kanilang mga amo na may katapatan sa puso, masayang naglilingkod parang sa Panginoon.

Ano ang dapat tandaan ng isang mananampalataya tungkol sa kung anumang mabuting gawa na ginagawa niya?

Dapat tandaan ng isang mananampalataya na kung anuman ang mabuting gawa na ginagawa niya, siya ay tatanggap ng gantimplala mula sa Diyos.

Ephesians 6:9

Ano ang dapat alalahanin ng isang Mananampalatayang amo tungkol sa kaniyang Panginoon?

Dapat alalahanin ng isang mananampalatayang amo na siya at ang Panginoon ng kaniyang lingkod ay nasa langit, at walang pagtatangi sa kanya.

Ephesians 6:10-11

Bakit kailangan ng isang mananampalatayang magsuot ng lahat ng kalasag ng Diyos?

Ang isang mananampalataya ay dapat magsuot ng lahat ng kalasag ng Diyos para tumayo laban sa masamang mga balak ng diyablo.

Ephesians 6:12-13

Laban kanino ang digmaang hinaharap ng isang mananampalataya?

Ang isang mananampalataya ay nakikipag-digmaan laban sa mga pamahalaan at kapangyarihang espiritwal at mga tagapamahala ng masamang kaharian ng kadiliman.

Ephesians 6:14-16

Bakit ang isang mananampalataya ay kailangan magsuot ng lahat ng kalasag ng Diyos?

Ang isang mananampalataya ay dapat magsuot ng lahat ng kalasag ng Diyos para tumayo laban sa masamang mga balak ng diyablo.

Ephesians 6:17-18

Ano ang lahat ng mga piraso na kasama sa kalasag ng Diyos?

Ang kasama sa kalasag ng Diyos ay ang bigkis ng katotohanan, ang baluti ng katuwiran, sapatos ng pagiging handa sa pagpapahayag ng ebanghelyo, panangga ng pananampalataya, ang helmet ng kaligtasan, at ang espada ng Espiritu.

Ano ang espada ng Espiritu?

Ang espada ng Espiritu ay ang salita ng Diyos.

Anong saloobin dapat mayroon ang mga mananampalataya sa pananalangin?

Ang mga mananampalataya ay dapat manalangin sa lahat ng oras, pagtitiyaga at pagbabantay para sa kasagutan ng Diyos.

Ephesians 6:19-22

Ano ang hinahangad ni Pablo na matanggap sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga taga-Efeso?

Hinahangad ni Pablo na maibigay ang salita sa kanya ng may katapangan kapag sinasabi niya ang ebanghelyo.

Nasaan si Pablo habang sinusulat niya ang liham na ito?

Si Pablo ay nasa bilangguan habang sinusulat niya ng liham na ito.

Ephesians 6:23-24

Ano ang tatlong bagay na hiningi ni Pablo sa Diyos Ama at ang Panginoong Jesu-Cristo na ibigay sa mga mananampalataya?

Hiningi ni Pablo na ibigay ng Diyos ang kapayapaan, pag-ibig na may pananampalataya, at biyaya sa mga mananampalataya.