Amos
Amos 1
Amos 1:1-2
Paano natanggap ni Amos ang mga bagay na sinabi niya tungkol sa Israel?
Natanggap ni Amos ang mga bagay na sinabi niya tungkol sa Israel sa pamamagitan ng pahayag. [1:1]
Ano ang trabaho ni Amos?
Si Amos ay isang pastol. [1:1]
Amos 1:3-5
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Damasco?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Damasco dahil giniik nila ang Gilead sa pamamagitan ng mga instrumentong bakal. [1:3]
Amos 1:6-8
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Gaza?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Gaza dahil binihag nila ang lahat ng mga tao upang ipasakamay sila sa Edom. [1:6]
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa mga tanggulan ng Ben Hadad, Gaza at Tiro?
Ipinahayag ni Yahweh na uubusin niya ang mga tanggulan ng Ben Hadad, Gaza at Tiro. [1:7]
Amos 1:9-10
Bakit ipinahayg ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Tiro?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Tiro dahil ipinasakamay nila ang mga buong pangkat ng mga tao sa Edom at sinira nila ang kasunduan ng kapatiran.
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa tanggulan ng Ben Hadad, Gaza at Tiro?
Ipinahayag ni Yahweh na tutupukin/uubusin niya ang mga tanggulan ng Ben Hadad, Gaza at Tiro. [1:7]
Amos 1:11-12
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Edom?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Edom dahil tinugis niya ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng espada. [1:11]
Amos 1:13
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Ammon?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Ammon dahil nilaslas nila ang tiyan ng mga kababaihang buntis ng Gilead. [1:13]
Amos 1:14-15
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa mga palasyo ng Bozra at Rabba?
Ipinahayag ni Yahweh na tutupukin/uubusin niya ang mga palasyo ng Bozra at Rabbah.
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa hari ng Ammon?
Ipinahayag ni Yahweh na ang hari ng Ammon ay mabibihag. [1:15]
Amos 2
Amos 2:1
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Moab?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Moab dahil sinunog ng Moab ang mga buto ng hari ng Edom. [2:1]
Amos 2:2-3
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa mga tanggulan ng Moab at Juda?
Ipinahayag ni Yahweh na tutupukin/uubusin niya ang mga tanggulan ng Moab at Juda.
Amos 2:4-5
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Juda?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Juda dahil hindi tinanggap ang kautusan ni Yahweh.
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa mga tanggulan ng Moab at Juda?
Ipinahayag ni Yahweh na tutupukin/uubusin niya ang mga tanggulan ng Moab at Juda.
Amos 2:6
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Israel?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Israel dahil tinapakan/yinurakan ng Israel ang ulo ng mga mahihirap.
Amos 2:7-8
Bakit ipinahayag ni Yahweh ang kaparusahan laban sa Israel?
Ipinahayag ng Diyos ang kaparusahan laban sa Israel dahil tinapakan/yinurakan ng mga Israelita ang ulo ng mga mahihirap.
Amos 2:9-10
Paano nakayanang talunin ng mga Israelita ang mga Amorita?
Nakayanang talunin ng mga Israelita ang mga Amorita dahil nilipol ni Yahweh ang mga Amorita sa harapan nila.
Amos 2:11-12
Ano ang ginawa ng mga Israelita sa mga propetang pinili ni Yahweh mula sa kanila?
Inutusan ng mga Israelita ang mga propeta na huwag magpropesiya. [2:12]
Ano ang ginawa ng mga Israelita sa mga Nazareo na pinili ni Yahweh mula sa kanila?
Hinimok ng mga Israelita ang mga Nazareo upang uminom ng alak. [2:12]
Amos 2:13-14
Kapag dudurugin ni Yahweh ang Israel, sino ang makakatakas ?
Kapag dudurugin ni Yahweh ang Israel, walang sinuman ang makakatakas. [2:14]
Ano ang hindi makayanang gawin ng mabilis na tao at malakas na tao?
Ang mabilis na tao ay hindi makakatakas at ang malakas ay hindi na madadagdagan ang kaniyang kalakasan.
Amos 2:15-16
Ano ang ipinahayag ni Yahweh tungkol sa mamamana, ang mabilis na mananakbo, ang mangangabayo at ang mga matatapang na mandirigma?
Ipinahayag ni Yahweh na ang mamamana ay hindi makakatakas, ang mangangabayo ay hindi maililigtas ang kaniyang sarili, at kahit na ang mga pinakamatapang na mandirigma ay tatakas na hubad sa araw na iyon. [2:15-16]
Amos 3
Amos 3:1-2
Kanino laban ang salitang ito ni Yahweh?
Ang salitang ito ni Yahweh ay laban sa mga Israelita, ang buong pamilya na inilabas ni Yahweh sa lupain ng Egipto [3:1]
Sino ang pinili ni Yahweh mula sa lahat ng pamilya sa mundo?
Pinili ni Yahweh ang Israel mula sa lahat ng pamilya sa mundo [3:2]
Amos 3:3-4
Ano ang dapat gawin ng dalawang tao upang maglakad sila magkasama?
Dapat magkasundo ang dalawang tao upang lumakad na magkasama. [3:3]
Amos 3:5-6
Kapag dumating ang sakuna sa isang lungsod, sino ang nagpadala nito?
Kapag dumating ang sakuna sa isang lungsod, ipinadala ito ni Yahweh.
Amos 3:7-8
Ano ang gagawin ni Yahweh bago niya isagawa ito?
Ipinapahayag ni Yahweh ang kaniyang balak sa mga propeta bago niya isagawa.
Amos 3:9-10
Ano ang makikita ng Egipto kapag nakita nila ang nangyayayari sa Samaria?
Makikita nila sa Egipto ang malaking kaguluhan at ang pagpapahirap sa Samaria [3:9]
Ano ang iniipon ng Israel sa kanilang mga tanggulan?
Nag-iipon ang Israel ng karahasan at pagkawasak sa kanilang mga tanggulan [3:10]
Amos 3:11-12
Anong kaparusahan ang ipinahayag ni Yahweh laban sa Israel?
Ipinahayag ni Yahweh na sasamsamin ng kaaway ang mga tanggulan ng Israel. [3:11]
Sino ang makakaligtas sa kaparusahan ni Yahweh?
Kakaunti lamang ang makakaligtas sa kaparusahan ni Yahweh. [3:12]
Amos 3:13-15
Sa araw na parurusahan ni Yahweh ang Israel sa kanilang mga kasalanan, sino pa ang kaniyang parurusahan?
Parurusahan din ni Yahweh ang mga altar ng Bethel, sa sambahayan ni Jacob.[3:13-14]
Amos 4
Amos 4:1-2
Anong pangalan ang ibinigay ni Yahweh sa mga asawang babae ng mayayaman na naninirahan sa Samaria?
Tinawag ni Yahweh na "mga baka ng Bashan" ang mga asawang babae ng mayayaman. [4:1]
Ano ang ginagawa ng mga asawang babae ng mayayaman sa mga mahihirap na nasa Samaria?
Pinahihirapan ng mga asawang babae ng mayayaman ang mahihirap at pinagkakaitan ang mga nangangailangan . [4:2]
Amos 4:3
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa mga asawang babae ng mayayaman na nasa Samaria?
Ipinahayag ni Yahweh sa mga asawang babae ng mayayaman na kukunin sila ng mga kalawit at palalayasin mula sa lungsod [4:3]
Amos 4:4-5
Ano ang ginagawa ng mga tao sa Israel sa Bethel at Gilgal?
Nagkakasala at nagpaparami ng kasalanan ang mamamayang Israel sa Bethel at Gilgal.
Ano ang nakalulugod sa mga Israelita?
Ang mga Israelita ay nalulugod na magkasala sa Bethel at magparami ng kasalanan sa Gilgal, upang magdala ng mga handog at mga ikapu, sa pag-aalay ng isang handog ng pasasalamat at pagpapahayag ng mga kusang loob na handog. [4:4-5]
Amos 4:6-7
Paano tumugon ang mga tao ng Israel sa ginawa ni Yahweh upang sila ay bumalik?
Hindi bumalik kay Yahweh ang mga tao ng Israel.
Ano ang ginawa ni Yahweh sa ulan upang bumalik ang mga Israelita sa kaniya?
Pinahinto ni Yahweh ang ulan sa Israel upang bumalik ang mga Israelita sa kaniya.[4:6-7]
Amos 4:8-9
Paano tumugon ang mga tao ng Israel sa ginawa ni Yahweh upang sila ay bumalik?
Hindi bumalik kay Yahweh ang mga tao ng Israel.
Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga halamanan, sa mga ubasan at sa mga puno upang bumalik ang mga tao sa kaniya?
Sinalanta ni Yahweh ang kanilang mga halaman, ang mga ubasan, at ang mga puno dahil sa pagkatuyot at amag, at kinain ito ng mga balang. [4:8-9]
Amos 4:10-11
Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga kabataang lalaki ng Israelita upang bumalik ang mga Israelita sa kaniya?
Pinatay ni Yahweh ang mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng espada upang bumalik ang mga Israelita sa kaniya. [4:10]
Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga lungsod ng Israel upang bumalik ang mga Israelita sa kaniya?
Ibinagsak ni Yahweh ang mga lungsod upang bumalik ang mga Isarelita sa kaniya.[4:11]
Paano tumugon ang mga tao ng Israel sa pagtatangkang ibalik sila ni Yahweh?
Hindi bumalik ang mga tao ng Israel kay Yahweh. [4:12]
Amos 4:12-13
Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga Israelita na dapat ihanda nilang gawin?
Sinabi ni Yahweh sa mga Israelita na dapat silang humanda upang humarap sa kanilang Diyos [4:12]
Sino ang bumuo sa mga bundok at nagpahayag ng kaniyang kaisipan sa sangkatauhan?
Si Yahweh ang Diyos ng mga hukbo, ang bumuo ng mga bundok at nagpahayag ng kaniyang kaisipan sa sangkatauhan. [ 4:13]
Amos 5
Amos 5:1-3
Sino ang nabuwal panaghoy na ito?
Nabuwal ang birheng Israel sa panaghoy na ito. [5:1-2]
Amos 5:4-5
Ano ang sinabi ni Yahweh sa sambahayan ni Israel na gawin nila?
Ang sinabi ni Yahweh sa sambahayan ni Israel ay siya ang kilalanin nila at mabuhay
Amos 5:6-7
Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng sambahayan ng Israel?
Ang sabi ni Yahweh sa sambahayan ni Israel ay kilalanin nila si Yahweh at mabuhay.[5:1-2]
Amos 5:8-9
Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga malalakas?
Biglang pababagsakin ni Yahweh ang mga malalakas.[5:9]
Amos 5:10-11
Sino ang kinamumuhian at kinapopootan ng mga malalakas?
ang kinamumuhian ng malalakas ay ang mga nagwawasto sa kanila at kinapopootan nila ang nagsasabi ng totoo. [5:10]
Ano ang ginawa ng malalakas upang maging dahilan ng pagparusa ni Yahweh sa kanila?
Tinapakan ng malalakas ang mga mahihirap na naging dahilan ng pagpaparusa ni Yahweh sa kanila. [5:11]
Amos 5:12-13
Ano ang gagawin ng sinumang matinong tao sa panahon ng kasamaan?
Ang taong matino ang pag-iisip ay tahimik sa panahon ng kasamaan.[5:13]
Amos 5:14-15
Ano ang dapat na gawin ng mga tao upang si Yahweh ay mananatili sa kanila?
Ang dapat gawin ng mga tao ay hanapin ang mabubuti at hindi ang masasama upang manatili si Yahweh sa kanila. [5:14]
Amos 5:16-17
Ano ang maririnig sa lansangan kapag dumaan si Yahweh sa kalagitnaan ng mga tao?
Panaghoy at kapighatian ang maririnig sa mga lansangan kapag dumaan si Yahweh sa kalagitnaan ng mga tao. [5:16-17]
Amos 5:18-20
Ano ang magiging araw ni Yahweh?
Ang araw ni Yahweh ay magiging kadiliman at hindi kalungkutan. [5:20]
Amos 5:21-22
Ano ang iniisip ni Yahweh tungkol sa taimtim na pagpupulong-pulong ng mga tao?
Hindi nasisiyahan si Yahweh sa mga taimtim na pagpupulongpulong ng mga tao.[5:21]
Amos 5:23-24
Ano ang gustong makita ni Yahweh na aagos sa mga tao?
Gusto ni Yahweh na makita ang katarungan at kabanalan na aagos mula sa mga tao.[5:24]
Amos 5:25-26
Ano ang ginawa ng mga tao na para sa kanilang sarili?
Gumawa ang mga tao ng diyus- diyosan para sa kanilang sarili. [5:26]
Amos 5:27
Saan ipapadala ni Yahweh ang mga tao?
Dadalhing bihag ni Yahweh ang mga tao sa lampas ng Damasco. [5:27]
Amos 6
Amos 6:1-4
Kanino ipinahayag ni Yahweh ang aba?
Ipinahayag ni Yahweh ang aba sa mga taong panatag sa Zion, at sa mga ligtas sa Samaria. [6:1]
Amos 6:5-6
Ano ang ginagawa ng mga tumatanggap ng aba ni Yahweh sa kanilang panahon?
Ginugugol ng mga taong tumatanggap ng aba ni Yahweh ang kanilang panahon sa pagpapahinga, pagpipista, pagkakanta ng mga awitin, at paglalasing. [6:5-6]
Ano ang hindi ginagawa ng mga tumatanggap ng aba ni Yahweh sa kanilang panahon?
Hindi ginagamit ng mga tumatanggap ng aba ni Yahweh ang kanilang panahon sa pagluluksa sa pagkasira ni Jose. [6:6]
Amos 6:7-10
Saan ngayon pupunta ang mga tumatanggap ng aba ni Yahweh?
Pupunta ngayon sa pagkabihag ang mga taong iyon na tumatanggap nang aba ni Yahweh. [6:7]
Ano ang kinamumuhian ni Yahweh tungkol sa mga tao ni Jacob?
Kinamumuhian ni Yahweh ang pagmamalaki at mga tanggulan ng mga tao ni Jacob. [6:8]
Amos 6:11
Ano ang mangyayari sa mga sambahayan ng mga taong ito ni Jacob?
Madudurog sa maliliit na piraso ang kanilang mga bahay. [6:11]
Amos 6:12-13
Ano ang mga ginawa ng mga taong ito ni Jacob sa katarungan at katuwiran?
Ginawang lason ng mga taong ito ni Jacob ang katarungan at ginawang mapait na katuwiran. [6:12]
Amos 6:14
Ano ang ipinapahayag ni Yahweh na gagawin niya sa sambahayan ng Israel?
Ipinapahayag ni Yahweh na magtatayo siya ng isang bansa laban sa sambahayan ng Israel. [6:14]
Ano ang gagawin ng bansang ito laban sa sambahayan ng Israel?
Pahihirapan ng bansang ito ang sambahayan ng Israel. [6:14]
Amos 7
Amos 7:1-3
Sa kaniyang pangitain, ano ang nakita ni Amos na binubuo ni Yahweh sa tagsibol?
Nakita ni Amos na binubuo ni Yahweh ang isang pulutong ng mga balang ng tagsibol upang kainin ang mga halaman ng lupain. [7:1]
Nang hilingin ni Amos kay Yahweh na patawarin na si Jacob at huwag dalhin ang sakunang ito sa kanila, ano ang isinagot ni Yahweh?
Sumagot si Yahweh na hindi mangyayari ang sakunang ito. [7:2-3]
Amos 7:4-6
Sa kaniyang pangitain, ano ang nakita ni Amos na tinatawag ni Yahweh?
Nakita ni Amos na tinatawag ni Yahweh ang apoy upang humatol. [7:4]
Nang hilingin ni Amos kay Yahweh na patawarin na si Jacob at huwag dalhin ang sakunang ito sa kanila, ano ang isinagot ni Yahweh?
Sumagot si Yahweh na hindi rin mangyayari ang sakunang ito. [7:5-6]
Amos 7:7-8
Sa kaniyang pangitain, ano ang nakita ni Amos nang nakatayo ang Panginoon at ano ang kaniyang ginagawa?
Nakita ni Amos na nakatayo ang Panginoon sa gilid ng isang pader na may isang hulog sa kaniyang kamay. [7:7]
Ano ang sinabi ng Panginoon na kahulugan ng hulog?
Sinabi ng Panginoon na ang kahulugan ng hulog ay hindi ko na pagbibigyan pa ang mga Israelita.
Amos 7:9
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na kaniyang gagawin sa Israel?
Inihayag ni Yahweh na wawasakin niya ang mga matataas na lugar at ang mga santuwaryo ng Israel.
Amos 7:10-11
Ano ang ipinaratang kay Amos ni Amazias, ang pari ng Bethel?
Pinaratangan si Amos ng pakikipagsabwatan laban kay Jeroboam, na hari ng Israel. [7:10]
Ano ang propesiya ni Amos tungkol kay Jeroboam?
Nagpropesiya si Amos na mamamatay si Jeroboam sa pamamagitan ng espada. [7:11]
Amos 7:12-13
Saan sinabi na bumalik at magpropesiya si Amos?
Sinabi na bumalik si Amos sa lupain ng Juda at magpropesiya roon. [7:12]
Amos 7:14-15
Ano ang trabaho ni Amos bago siya kinuha ni Yahweh na maging kaniyang propeta?
Si Amos ay isang pastol at tagapangalaga ng mga puno ng sikamoro.
Amos 7:16-17
Ano ang ipinahayag ni Yahweh laban kay Amazias, ang pari ng Bethel?
Ipinahayag ni Yahweh na mamamatay si Amazias sa maruming lupain, magiging isang babaing bayaran ang kaniyang asawa, mapapatay ang kaniyang mga anak at paghahati-hatian ang kaniyang lupain.
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya sa mga Israelita?
Ipinahayag ni Yahweh na ipapabihag niya ang mga Israelita mula sa lupaing ito.
Amos 8
Amos 8:1-3
Ano ang ipinakita ni Yahweh kay Amos?
Ipinikta ni Yahweh kay Amos ang isang basket ng bungang pangtag-araw. [8:1-2]
Ano ang sinabi ni Yahweh na darating sa kaniyang mga taong Israel?
Sinabi ni Yahweh na darating na ang katapusan para sa kaniyang mga tao ng Israel [8:2]
Amos 8:4-6
Ano ang mga kasalanan ang nagawa ng mga tao ng Israel?
Tinapakan ng mga tao ng Israel ang mga nangangailangan at inalis ang mga mahihirap sa lupain. [8:4]
Bakit nasasabik ang mga tao na matapos na ang bagong buwan at araw ng pamamahinga ?
Nasasabik ang mga tao dahil gusto nilang magtinda muli ng butil at dayain ang mga mahihirap. [5-6]
Amos 8:7-8
Ano ang sinasabi ni Yahweh na kailanman ay hindi niya gagawin sa anumang ikinikilos ng mga tao?
Sinabi ni Yahweh na kailanman ay hindi niya makakalimutan ang anumang ikinikilos ng mga tao. [8:7]
Amos 8:9-10
Sa araw na iyon, ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa araw?
Sa araw na iyon, sinabi ni Yahweh na palulubugin niya ang araw sa tanghaling tapat. [8:9]
Ano ang isusuot ng mga tao sa araw na iyon?
Magsusuot ang mga tao ng magaspang na tela sa araw na iyon.[8:10]
Amos 8:11-12
Anong taggutom ang sinasabi ni Yahweh na ipapadala niya sa lupain?
Sinabi ni Yahweh magpapadala siya ng taggutom sa lupain para sa pakikinig ng mga salita ni Yahweh.[8:11]
Amos 8:13-14
Sa araw na iyon, sino ang manghihina mula sa pagkauhaw?
Sa araw na iyon, ang mga birhen at mga binatang lalaki ay manghihina mula sa pagkauhaw. [8:13]
Sino ang sinabihan ni Yahweh na kailanman ay hindi na muling babangon?
Ang mga nanumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria ay hindi na muling babangon. [8:14]
Amos 9
Amos 9:1-2
Sino ang makakatakas sa kahatulan ng Panginoon ng Israel?
Walang ni isa sa kanila ang makakatakas sa kahatulan ng Panginoon. [9:1]
Amos 9:3-4
Ano ang gagawin ng Panginoon sa mga magtatago sa kailaliman ng dagat?
Uutusan ng Panginoong Yahweh ang ahas upang tuklawin sila.[9:3]
Sa anong layunin ang pananatili ng paningin ng Panginoon sa Israel?
Pananatilihin ng Panginoon ang kaniyang paningin sa Israel para manakit. [9:4]
Amos 9:5-6
Ano ang gagawin ng mga tao kapag hinipo ni Yahweh ang lupain upang tunawin ito?
Magdadalamhati ang mga tao kapag hinipo ni Yahweh ang lupa upang tunawin ito. [9:5]
Amos 9:7-8
Saan inilabas ni Yahweh ang Israel?
Inilabas ni Yahweh ang Israel mula sa lupain ng Egipto.[9:7]
Saan dinala ni Yahweh ang mga Felisteo?
Dinala ni Yahweh ang mga Felisteo mula sa Caftor.[9:7]
Sinabi ba ni Yaweh na lubos niyang wawasakin ang mga tao ng Israel?
Hindi, sinabi ni Yahweh na hindi niya lubos wawasakin ang mga tao ng Israel.[9:8]
Amos 9:9-10
Ano ang sinasabi ng mga makasalanan sa Israel, sila na papatayin ni Yahweh?
Sinasabi ng mga makasalanan na hindi sila maaaring maunahan ng sakuna.[9:10]
Amos 9:11-12
Sa araw na iyon, ano ang sinabi ni Yahweh na muli niyang ibabangon?
Sa araw na iyon, sinabi ni Yahweh na muli niyang ibabangon ang tolda ni David na bumagsak.[9:11]
Amos 9:13
Ano ang sinabi ni Yahweh na dadaloy sa mga bundok at mga burol sa darating na araw?
Sa darating na mga araw, ang mga bundok ay dadaloy at ang mga burol ay aagos nang matatamis na alak.[9:13]
Amos 9:14-15
Saan ibabalik ni Yahweh ang Israel ayon sa kaniyang pinangako?[9:14]
Ipinangako ni Yahweh na ibabalik ang Israel mula sa pagkabihag. [9:14]
Pagkatapos ibalik ni Yahweh ang Israel, gaano katagal mananatili ang Israel sa lupain?
Pagkatapos ibalik ni Yahweh ang Israel, mananatili ang Israel sa lupain magpakailanman.[9:15]