1 Corinthians
1 Corinthians 1
1 Corinthians 1:1-3
Sino ang tumawag kay Pablo at ano ang tinawag sa kanya upang maging?
Tinawag ni Jesu-Cristo si Pablo upang maging isang apostol. [1:1]
Ano ang nais ni Pablo na matangap para sa iglesya ng Corinto mula sa Diyos na ating Ama at Panginoong Jesu Cristo?
Ninais ni Pablo na magkaroon sila ng biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at Panginoong Jesu-Cristo. [1:3]
1 Corinthians 1:4-6
Paano ginawang mayaman ng Diyos ang iglesya ng Corinto?
Ginawa silang mayaman ng Diyos sa lahat ng paraan, sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman. [1:5]
1 Corinthians 1:7-9
Saan hindi nagkulang ang iglesya sa Corinto?
Hindi sila nagkulang sa anumang espiritwal na kaloob. [1:7]
Bakit pinapalakas ng Diyos ang iglesya sa Corinto hangang sa huli?
Ginawa niya ito upang sila ay walang bahid sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo [1:8]
1 Corinthians 1:10-11
Ano ang pinakiusap ni Pablo na gawin ng Iglesya sa Corinto?
pinakiusapan sila ni Pablo na sumang-ayon silang lahat, at walang pagkakahati-hati sa kanila, at nang sila ay magkaisa sa kaisipan at maging sa layunin. [1:10]
Ano ang ibinalita kay Pablo ng mga tao ni Cloe?
Ibinalita ng mga tao ni Cloe na may namumuong mga pagkakampi-kampi ng mga tao sa iglesiya ng Corinto.[1:11]
1 Corinthians 1:12-13
Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa salitang pagkakahati-hati?
"Ang ibig sabihin ni Pablo: Ang bawat isa sa inyo ay nagsasabing, "Kay Pablo ako," o "Kay Apolos ako," o "Kay Cefas ako," o "Kay Cristo ako." [1:12]
1 Corinthians 1:14-16
Bakit nagpasalamat si Pablo sa Diyos na wala siyang binautismuhan sa kanila maliban kina Crispo at Gayo?
Nagpapasalamat si Pablo sa Diyos tungkol dito sapagka't wala silang maibibigay na dahilan upang sabihin nilang sila ay binautismuhan sa pangalan ni Pablo.[1:14-15]
1 Corinthians 1:17
Ano ang ipinagagawa ni Cristo kay Pablo?
Ipinapagawa ni Cristo kay Pablo ang pangangaral ng ebanghelyo.[1:17]
1 Corinthians 1:18-19
Ano ang mensahe ng krus sa mga mamamatay?
Ang mensahe ng krus ay kamangmangan sa mga mamamatay. [1:18]
Ano ang mensahe ng krus para sa mga inililigtas ng Diyos?
Ito ay ang kapangyarihan ng Diyos sa mga ililigtas niya. [1:18]
1 Corinthians 1:20-25
Ano ang ginawa ng Diyos sa karunugan ng mundo?
Ginawang kamangmangan ng Diyos ang karunungan ng mundo.[1:20]
Bakit nalugod ang Diyos para iligtas ang mga naniniwala sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangngaral?
Nalugod ang Diyos na gawin ito dahil ang karunungan ng mundo ay hindi kinilala ang Diyos, [1:21]
1 Corinthians 1:26-27
Ilan ang tinawag ng Diyos na marurunong sa pamamagitan ng mga pamantayan ng tao o makapangyarihan o ng maharlikang kapanganakan?
Marami ang hindi tinawag ng Diyos na katulad ng mga taong ito.[1:26]
Bakit pinili ng Diyos ang mga bagay na mang-mang at kung ano ang mahina sa mundo?
Ginawa niya ito upang hiyain ang mga marurunong at hiyain kung ano ang malalakas. [1:27]
1 Corinthians 1:28-29
Ano ang ginawa ng Diyos upang walang sinuman ang magkaroon ng dahilan upang magmalaki sa kaniya?
Pinili ng Diyos ang mga mabababa at hinamak sa mundo at maging ang mga bagay na itinuring ng walang kabuluhan. [1:28-29]
1 Corinthians 1:30-31
Bakit ang mga mananampalataya ay na kay Cristo Jesus?
Sila ay na kay Cristo jesus dahil sa ginawa ng Diyos. [1:30]
Naging ano si Cristo Jesus para sa atin?
Siya ay naging karunungan para sa atin mula sa Diyos-ang ating katuwiran, kabanalan, at katubusan. [1:30]
Kung tayo ay magmamalaki, kanino dapat tayo magmamalaki?
"Kung ang isa man ay magmamalaki, ipagmalaki niya ang Panginoon," [1:31]
1 Corinthians 2
1 Corinthians 2:1-2
Sa paanong pamamaraan dumating si Pablo sa mga taga-Corinto nang ipahayag niya ang mga lihim na katotohanan ng Diyos?
Hindi dumating si Pablo na may mahuhusay na pananalita o karunungan nang ipahayag niya ang mga lihim na katotohanan ng Diyos.
Ano ang naging pasya ni Pablo na malaman nang kasama niya ang mga taga-Corinto?
Nagpasya si Pablong walang alam maliban kay Jesu-Cristo, at siya na ipinako sa krus.
1 Corinthians 2:3-5
Bakit ang pananalita at pagpapahayag ni Pablo na naganap sa pagpapakita ng Espiritu at kapangyarihan kaysa sa mga mapang-akit na pananalita ng karunungan?
Ito ay upang ang kanilang pananampalataya ay hindi sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
1 Corinthians 2:6-7
Anong karunungan nagsalita si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan?
Nagsalita sila ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian.
1 Corinthians 2:8-9
Kung nalaman ng mga namumuno sa panahon ni Pablo ang karunungan ng Diyos, ano ang hindi sana nila ginawa?
Kung nalaman ng mga namumuno ang karunungan ng Diyos, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.
1 Corinthians 2:10-11
Paano nalaman ni Pablo at ng kaniyang mga kasamahan ang karunungan ng Diyos?
Inihayag ng Diyos sa kanila ang mga bagay na iyon sa pamamagitan ng Espiritu.
Sino ang nakakaalam sa mga lihim ng Diyos?
Ang Espiritu lamang ng Diyos ang nakakaalam ng mga lihim ng Diyos.
1 Corinthians 2:12-16
Ano ang isang dahilan na si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay tumanggap ng Espiritu na siyang nagmula sa Diyos?
Tinanggap nila ang Espiritu na siyang nagmula sa Diyos upang kanilang malaman ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Diyos ng walang bayad.
1 Corinthians 3
1 Corinthians 3:1-2
Bakit sinabi ni Pablo sa mga mananampalatayang taga-Corinto na hindi siya makapagsalita gaya ng mga taong espirituwal?
Hindi makapagsalita si Pablo sa kanila bilang mga taong espiritual dahil sila ay nanatiling makalaman pa, mayroon pang paninibugho at pagtatalo na nagaganap sa kanila .
1 Corinthians 3:3-5
Bakit sinabi ni Pablo na ang mga mananampalatayang mga taga-Corinto ay nanatiling makalaman?
Sinabi ni Pablo na sila'y nanatiling makalaman pa dahil sa paninibugho at pagtatalo na nagaganap sa gitna nila.
Sino si Pablo at Apolos para sa mga taga-Corinto?
Silay mga lingkod na kinasangkapan upang kayo'y sumampalataya, na bawat isa sa kanila ay nabigyan ng Panginoon ng mga tungkulin.
1 Corinthians 3:6-9
Sino ang nagbibigay ng paglago?
Ang Dios na nagpapalago .
1 Corinthians 3:10-11
Ano ang pundasyon?
Si Jesu-Cristo ang pundasyon.
1 Corinthians 3:12-13
Ano ang mangyayari sa gawa ng isang tao na nagtayo sa ibabaw ng pundasyon kay Jesu-Cristo?
Ang kanyang mga gawa ay maihahayag, dahil ang liwanag ng araw ang magisisiwalat nito.
Ano ang magagawa ng apoy sa gawa ng isang tao?
Ang apoy ang susubok sa uri at halaga ng anumang gawa ng bawat isa.
1 Corinthians 3:14-15
Ano ang mangyayari kung manatili ang anumang itinayo ng isang tao pagkatapos dumaan sa apoy?
Ang taong yan ay tatanggap ng gantimpala.
Ano ang mangyayari sa gawa ng isang tao kung ito ay masunog?
Ang taong yan ay magdaranas ng kawalan. Nguni't siya ay ligtas, na gaya ng naligtas mula sa mga apoy.
1 Corinthians 3:16-17
Sino tayo at ano ang naninirahan sa atin bilang isang mananampalataya kay Cristo Jesus?
Tayo ang templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nanahan sa atin. v 16
Ano ang mangyayari kung sirain ng sinuman ang templo ng Diyos?
Sisirain ng Diyos ang taong iyon. Sapagkat ang templo ng Diyos ay banal, at gaya ninyo.
1 Corinthians 3:18-20
Ano ang sinabi ni Pablo sa kanya na nag-iisip na siya ay marunong sa panahong ito?
sinabi ni Pablo...hayaan siyang maging "mangmang" upang siya ay magtamo ng karunungan
Ano ang alam ng Panginoon tungkol sa pangangatuwiran ng mga marurunong?
Alam ng Panginoon na walang kabuluhan ang pangangatuwiran ng mga marurunong
1 Corinthians 3:21-23
Bakit sinasabi ni Pablo sa mga mananamplatayang taga-Corinto na tumigil sa pagyayabang tungkol sa mga tao?
Sinabi niya sa kanila na tumigil na sa pagyayabang, "Sapagkat ang lahat ng mga bagay ay inyo na," at dahil, "...ikaw ay kay Cristo, at si Cristo ay sa Diyos"..
1 Corinthians 4
1 Corinthians 4:1-2
Paano sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto kung paanong ipalagay siya at ang kaniyang mga kasamahan? (Paano dapat pakitunguhan ng mga taga-Corinto si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ayon kay Pablo?)
Dapat silang ipalagay (pakitunguhan) ng mga taga-Corinto bilang mga lingkod ni Cristo at katiwala (tagapamahala) ng (sa) mga lihim na katotohan ng Diyos. (4:1)
Ano ang isa sa mga kailangan (para) sa isang katiwala (tagapamahala)?
Ang katiwala (tagapamahala) ay dapat na mapagkakatiwalaan. (4:2)
1 Corinthians 4:3-4
Sino ang sinabi na Pablo na kaniyang hukom (tagahatol)?
Sinabi ni Pablo na ang Panginoon ang hahatol sa kaniya. (4:4)
1 Corinthians 4:5
Ano ang gagawin ng Panginoon kapag siya ay dumating?
Siya ay magdadala ng ilaw sa mga lihim na bagay sa kadiliman at ipapakita ang mga layunin ng puso. (4:5)
1 Corinthians 4:6-7
Bakit ginamit ni Pablo ang mga prinsipyong ito sa kaniyang sarili at kay Apolos?
Ginawa ni Pablo ito para sa kapakanan ng mga mananampalataya sa Corinto, upang matutunan nila ang kahulugan ng kasabihang, "Huwag kayong sasalungat sa kung ano ang nasusulat, " upang wala sa kanila ang mag-iisip ng pagtatangi ng isa laban sa iba. (4:6)
1 Corinthians 4:8-9
Bakit gusto ni Pablo na maghari ang mga mananampalataya sa Corinto?
Kagustuhan ni Pablo na sila ay maghari upang si Pablo at ang mga kasama niya ay maaaring maghari kasama nila. (4:8)
1 Corinthians 4:10-11
Ano ang tatlong mga paraan inihahambing ni Pablo ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga kasamahan sa mga mananampalataya sa Corinto?
Sinasabi ni Pablo na, "Kami ay mga mangmang sa kapakanan ni Cristo, ngunit kayo ay mga marurunong kay Cristo. Kami ay mahina, ngunit kayo ay malakas. Kayo ay nagkaroon ng karangalan, ngunit kami ay nalagay sa kahihiyan." (4:10)
Paano inilarawan ni Pablo ang pisikal na kalagayan ng mga apostol?
Sinabi ni Pablo na sila ay nagugutom at nauuhaw, salat sa kasuotan, pinalo ng may na kalupitan at walang tahanan. (4:11)
1 Corinthians 4:12-13
Paano tumugon si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan nang sila ay abusuhin?
Nang sila ay laitin, nangagpala sila. Nang sila ay usigin, nagtiis sila. Nang sila ay siniraan, nagsalita sila ng may kabaitan. (4:12)
1 Corinthians 4:14-16
Bakit isinulat ni Pablo ang mga bagay na ito sa mga mananampalataya sa Corinto?
Siya ay sumulat sa kanila upang sila ay itama bilang kaniyang mga minamahal na anak. (4:14)
Sino ang sinabi ni Pablo na gayahin ng mga mananampalatayang taga-Corinto?
Sinabi ni Pablo sa kanila na gayahin ang tulad niya. [4:16]
1 Corinthians 4:17-18
Bakit ipinadala ni Pablo si Timoteo sa mga mananampalataya sa Corinto upang paalalahanan sila?
Ipinadala ni Pablo si Timoteo sa Corinto upang paalalahanan ang mga mananampalataya roon ng mga kaparaanan ni Pablo kay Cristo. (4:17)
Paano kumikilos ang ilan sa mga mananampalatayang taga-Corinto?
Ang ilan sa kanila ay mayabang, kumikilos na parang hindi na darating sa kanila. (4:18)
1 Corinthians 4:19-21
At ano ang nilalaman ng kaharian ng Diyos?
Ang kaharian ng Diyos ay naglalaman ng kapangyarihan. (4:20)
1 Corinthians 5
1 Corinthians 5:1-2
Ano ang ulat na narinig ni Pablo tungkol sa iglesya sa Corinto?
Narinig ni Pablo na may mga sekswal na imoralidad doon. Isa sa kanila ay natutulog kasama ng asawa ng kaniyang ama.
Ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin sa taong iyon na nagkasala kasama ang asawa ng kanyang ama?
Dapat maalis mula sa kanila ang isa na siyang nagkasala kasama ang asawa ng kanyang ama.
1 Corinthians 5:3-5
Paano at bakit dapat maalis ang taong iyan na nagkasala kasama ng asawa ng kaniyang ama?
Nang nagtipon ang iglesya sa Corinto sa pangalan ng Panginoong Jesus, kanilang ipinasakamay ang nagkakasalang tao kay Satanas para sa pagkawasak ng laman, upang maaaring maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.
1 Corinthians 5:6-8
Saan ikinumpara ni Pablo ang masamang pag-uugali at kasamaan?
Ikinumpara sila ni Pablo sa lebadura.
Ano ang ginamit ni Pablo bilang talinghaga para sa katapatan at katotohanan?
Gumamit si Pablo ng tinapay na walang lebadura bilang talinghaga para sa katapatan at katotohanan.
1 Corinthians 5:9-10
Kanino sinabi ni Pablo sa mga mananampalatayang taga-Corinto na huwag makisama?
Sumulat si Pablo sa kanila na huwag silang makisama sa mga mahahalay na tao.
Ibig bang sabihin ni Pablo sa kanila na huwag silang makisama sa sinumang mga mahahalay na tao?
Hindi ibig sabihin ni Pablo na ang mga mahahalay na tao sa mundong ito. Kailangan mong lumabas sa mundo upang makalayo mula sa kanila.
1 Corinthians 5:11-13
Kanino gustong sabihin ni Pablo na huwag makisama para sa mga mananampalatayang taga-Corinto?
Gusto niyang sabihin sa kanila na huwag makisama sa sinumang tinatawag na kapatid kay Cristo na siyang namumuhay sa sekswal na imoralidad, sakim, mapang-abuso sa salita, lasinggero, mandaraya o sumasamba sa diyus-diyosan.
Sino ang maaaring hatulan ng mga mananampalataya?
Maaari nilang hatulan ang mga nasa loob ng iglesya.
Sino ang hahatol sa mga nasa labas ng islesya?
Hahatulan ng Diyos ang mga nasa labas.
1 Corinthians 6
1 Corinthians 6:1-3
Sino ang hahatulan ng mga banal?
Hahatulan ng mga banal ang mundo at ang mga anghel.
Ano ang sinabi ni Pablo sa mga banal sa Corinto na may kakayahan upang humatol?
Sinabi ni Pablo na dapat may kakayahan sila na hatulan ang mga alitan sa pagitan ng mga banal patungkol sa mga bagay sa buhay na ito.
1 Corinthians 6:4-6
Paano inaayos ng mga Kristiyanong taga-Corinto ang mga alitan nila sa isa't isa?
Ang isang mananampalataya ay pumupunta sa korte laban sa iba pang mananampalataya, at ang kaso ay nakalatag sa harapan ng isang hukom na hindi mananampalataya.
1 Corinthians 6:7-8
Ano ang pinapahiwatig ng katotohanang may mga alitan sa pagitan ng mga Cristiyano sa Corinto?
Ipinapahiwatig nito na ito ay isang pagkatalo para sa kanila.
1 Corinthians 6:9-11
Sino ang hindi magmamana ng kaharian ng Diyos?
Ang mga hindi matuwid; ang mga mahahalay, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga nangangalunya, mga lalaking nagbebenta ng aliw, silang mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki at kapwa babae, mga magnanakaw, mga sakim, mga lasinggero, mga mapanirang-puri, at mga mandaraya---wala sa kanila ang magmamana ng kaharian ng Diyos.
Ano ang nangyari sa mga mananampalatayang taga-Corinto na dating gumawa ng hindi katuwiran sa nakaraan?
Sila ay naging malinis at ginawang banal; naging matuwid sila sa Diyos sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.
1 Corinthians 6:12-13
Ano ang dalawang mga bagay na sinabi ni Pablo na hindi niya hahayaan na maging amo niya?
Sinabi ni Pablo na hindi niya magiging amo ang pagkain o pakikipagtalik.
1 Corinthians 6:14-15
Ang mga katawan ng mananampalataya ay mga kasapi ng ano?
Ang kanilang mga katawan ay mga kasapi ni Cristo.
Maaari bang isama ng mga mananampalataya ang kanilang mga sarili sa mga nagbebenta ng aliw?
Hindi. Hindi ito maaari.
1 Corinthians 6:16-17
Ano ang mangyayari kung ang sinuman ay makipag-isa sa nagbebenta ng aliw?
Sila ay magiging isang laman.
Ano ang mangyayari kung ang sinuman ay makipag-isa sa Panginoon?
Magiging iisa sila sa espiritu.
1 Corinthians 6:18
Kanino nagkakasala ang mga tao kung sila ay mahahalay?
Nagkakasala sila laban sa kanilang sariling katawan kung sila ay mahahalay.
1 Corinthians 6:19-20
Bakit kailangan na luwalhatiin ng mga mananampalataya ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga katawan?
Kailangan na luwalhatiin nila ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga katawan dahil ang kanilang mga katawan ay templo ng Banal na Espiritu at dahil sila ay binili ng may halaga.
1 Corinthians 7
1 Corinthians 7:1-2
Bakit dapat na ang bawat lalaki ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa at ang bawat babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa?
Dahil sa mga tukso ng maraming imoral na gawain, ang bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sariling asawa at ganun din ang babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa.
1 Corinthians 7:3-4
Mayroong bang kapangyarihan ang asawang babae o asawang lalaki sa kanilang sariling katawan?
Wala. Ang asawang lalaki ang may kapangyarihan sa katawan ng kaniyang asawa at gayundin ang asawang babae ay may kapangyarihan sa katawan ng kaniyang asawa.
1 Corinthians 7:5-7
Kailan ba nararapat para sa asawang lalaki at babae na ipagkait muna ang pagsisiping sa isa't isa?
Ito ay nararapat kung pagkasunduang ng mag-asawa ang magtakda ng panahon, sa gayon maiukol ang kanilang mga sarili sa pananalangin. Pagkatapos magsama kayong muli upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa kawalang pagtitimpi
1 Corinthians 7:8-9
Ano ang sinasabi ni Pablo na mabuti para sa mga balo at sa mga tao na hindi pa nag-aasawa?
Sinabi ni Pablo na mas maigi sa kanila na manatiling walang asawa.
Sa anong situwasyon dapat mag-asawa ang mga wala pang asawa at mga balo?
Sila ay dapat ng mag-asawa kaysa mag-alab sa silakbo ng damdamin at hindi na magawang mapigilan ang sarili.
1 Corinthians 7:10-11
Ano ang utos na ibinigay ng Panginoon sa mga may asawa?
"Ang babae ay hindi dapat humiwalay sa kanyang asawang lalaki. Ngunit kung siya'y hihiwalay sa kanyang asawa, dapat na manatili siyang walang asawa o kaya'y makipagbalikan sa kaniya. At "Ang asawang lalaki ay hindi dapat hiwalayan ang kanyang asawang babae."
1 Corinthians 7:12-14
Dapat ba na ang isang mananampalataya na asawang lalaki o babae ay humiwalay sa kaniyang asawa na hindi pa mananampalataya?
Kung ang hindi mananampalatayang asawang lalaki o babae ay kuntento na sa pakikisama sa kani-kaniyang asawa, ang mananampalatayang asawa ay hindi dapat hiwalayan ang hindi mananampalataya.
1 Corinthians 7:15-16
Ano ang dapat gawin ng isang mananampalataya kung ang kanilang asawa na hindi mananampalataya ay umalis?
kung humiwalay ang hindi Cristiyanong asawa ay, hayaan siyang umalis.
1 Corinthians 7:17-19
Anong panuntunan ang ibinigay ni Pablo sa lahat ng mga iglesia?
Ang panuntunan ay: Dapat ang bawat isa ay mamuhay sa buhay na itinalaga ng Panginoon sa kanila, at sa pagkatawag ng Diyos sa kanila.
Anong payo ang ibinigay ni Pablo sa mga hindi tuli at mga tuli na?
Sinabi ni Pablo sa mga hindi pa tuli na dapat hindi na sila magpatuli at sa mga tuli na huwag na nilang subukang alisin ang mga tanda ng kanilang pagkakatuli.
1 Corinthians 7:20-24
Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa mga alipin?
Kung sila ay alipin nang tawagin sila ng Diyos, huwag na nilang alalahanin ang tungkol dito, ngunit kung maari silang maging malaya, dapat nilang gawin. Kahit na sila ay mga alipin, sa Panginoon sila ay malaya ng tao. Hindi na sila dapat maging alipin ng mga tao.
1 Corinthians 7:25-26
Bakit inisip ni Pablo na mabuti para sa isang lalake ang hindi na mag-asawa o manatiling walang asawa gaya niya?
Naisip ni Pablo ito dahil sa kagipitan na darating, kaya mas mabuti pa sa isang lalaki na manatili sa kalagayan niya.
1 Corinthians 7:27-28
Ano ang dapat gawin ng mga mananampalataya kung sila ay naipagkasundo na sa isang babae sa pamamagitan ng sumpaan ng pag-aasawa?
Hindi na nila dapat hanapin na sila ay makalaya mula sa kanilang sumpaan upang pakasalan ang babae.
Bakit sinabi ni Pablo sa kanila na malaya na sa asawa at sa mga hindi pa nag-aasawa, "na huwag ng maghanap ng asawang babae"?
Sinabi niya ito dahil gusto niya na sila ay mailigtas mula maraming mga pagsubok na ibat-ibang nararanasan ng mga nag-asawa habang ito ay nabubuhay.
1 Corinthians 7:29-31
Bakit sila na nakikisama sa mundo ay dapat kumilos gaya ng walang pakikisama dito?
dapat silang kumilos na parang walang pakikisama sa mundong ito, sapagkat ang pamamalakad ng mundong ito ay magtatapos na.
1 Corinthians 7:32-35
Bakit mahirap sa mga Kristiyanong may asawa na hindi hati ang kanilang pagmamahal sa Panginoon?
Ito ay mahirap dahil ang isang mananampalatayang asawang lalaki o babae ay inaalala ang mga bagay patungkol sa mundo, kung paano paluluguran ang kani-kanilang asawa.
1 Corinthians 7:36-38
Sino ang gumawa ng mas higit kaysa sa taong nagpakasal sa kanyang kasintahan?
sa isa na pumili na hindi na siya mag-asawa ay mas lalong mainam.
1 Corinthians 7:39-40
Hanggang kailan ang isang babae ay natatalian sa kanyang asawa?
Ang isang babae ay natatalian sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay.
Kung ang asawa ng mananampalatayang babae ay mamatay, kanino siya maaring makipagasawa?
Ngunit kung ang asawang lalaki ay mamatay, siya ay malayang mag- asawa sa sinuman naisin niya, ngunit nasa Panginoon lamang
1 Corinthians 8
1 Corinthians 8:1-3
Anong paksa ang sinimulang salitain ni Pablo sa kabanatang ito?
Si Pablo ay nagsalita sa paksa ng pagkain na inialay sa mga diyus-diyusan.(8:1)
Ano ang nagiging bunga na idinudulot ng kaalaman at pag-ibig?
Ang kaalaman ay palalo ngunit ang pag-ibig ay bumubuo. (8:1)
1 Corinthians 8:4-6
Ang diyus-diyusan ba ay kapantay ng Diyos?
Hindi. Ang diyus-diyusan sa mundong ito ay walang kabuluhan, at may iisang Diyos. (8:4)
Sino ang nag-iisang Diyos?
Mayroon lamang nag-iisang Diyos Ama. Mula sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at nabubuhay tayo para sa kaniya. (8:6)
Sino ang nag-iisang Panginoon?
May nag-iisang Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay umiiral at sa pamamagitan niya tayo ay umiiral. (8:6)
1 Corinthians 8:7
Ano ang mangyayari kapag ang ilan na nakaugalian ang pagsamba sa diyus-diyusan ay kumain ng pagkain na tila naialay para sa diyus-diyusan?
Ang kanilang budhi ay nasira dahil ito ay mahina. (8:7)
1 Corinthians 8:8-10
Ang pagkain bang kinakain natin ay ginagawa tayong mas mabuti o malala sa Diyos?
Hindi pagkain ang magmumungkahi sa atin sa Diyos. Hindi tayo mas masama kung hindi tayo kakain, ni mas mabuti kung tayo ay kakain. (8:8)
Ano ang dapat nating pag-ingatan na ang ating kalayaan ay hindi mangyari?
Dapat nating pag-ingatan na ang ating kalayaan ay hindi maging sanhi ng pagkatisod ng isang tao na mahina sa pananampalataya. (8:9)
1 Corinthians 8:11-13
Ano ang mangyayari kapag ang isang kapatid na may mahinang budhi tungkol sa karneng inialay sa mga diyus-diyusan ay kumain ng karne na iyon dahil nakita nila tayong kumakain nito?
Naging dahilan tayo upang masira ang kapatid na may mahina ang budhi.
Ano ang maaaring mangyari sa isang kapatid na may mahina ang budhi kung ang mga may pang-unawa sa totoong katangian ng diyus-diyosan ay hindi maingat sa paggamit ng kanilang kalayaan?
Maaaring masira ang isang kapatid na may mahina ang budhi. [8:11]
Kanino tayo nagkakasala kung nalalaman nating naging dahilan tayo sa pagkatisod ng isang kapatid kay Cristo dahil sa mahina nilang budhi?
Nagkasala tayo kay Cristo dahil sa pagkatisod ng isang kapatid na mahina ang budhi. (8:11-12)
Ano ang sinabi ni Pablo na kaniyang gagawin, kung pagkain ang naging dahilan ng pagkatisod ng kaniyang kapatid?
Sinabi ni Pablo na kung ang pagkain niya ang dahilan ng pagkatisod, hindi na siya kailanman muling kakain ng karne. (8:13)
1 Corinthians 9
1 Corinthians 9:1-2
Anong katibayan ang inihain ni Pablo na siya ay isang apostol?
Sinabi ni Pablo na dahil ang mga taga-Corinto na mananampalataya ay kaniyang mga gawa sa Panginoon, sila mismo ang mga patunay ng pagiging apostol ni Pablo sa Panginoon. (9:1-2)
1 Corinthians 9:3-6
Ano ang itinala ni Pablo bilang ilan sa mga karapatan ng mga apostol, ang mga kapatid sa Panginoon at ni Cefas?
Sinabi ni Pablo na sila ay may karapatang kumain at uminom, at ang karapatan na isama ang kanilang asawang mananampalataya. (9:4-5)
1 Corinthians 9:7-8
Anong mga halimbawa ang ibinigay ni Pablo sa mga tumanggap ng pakinabang mula sa kanilang gawain?
Binanggit ni Pablo ang mga kawal, ang taong nagtanim sa ubasan at ang nag-aalaga ng kawan bilang halimbawa sa mga tumanggap ng pakinabang mula sa kanilang gawain. (9:7)
1 Corinthians 9:9-11
Anong halimbawa mula sa batas ni Moises ang ibinigay ni Pablo upang patotohanan ang kaisipan sa pagtanggap ng pakinabang o kabayaran mula sa gumagawa?
Binanggit ni Pablo ang kautusang, "Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil." upang patotohanan ang kaniyang katwiran. (9:9)
1 Corinthians 9:12-14
Anong karapatan ang mayroon si Pablo at ang kaniyang mga kasama sa mga mananampalataya na taga-Corinto, kahit na hindi nila angkinin ang karapatang ito?
Si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay may karapatan na kumuha ng mga materyal na bagay mula sa mga taga-Corinto dahil naghasik sila ng mga espiritwal na bagay sa mga taga-Corinto. (9:12)
Ano ang iniutos ng Panginoon tungkol sa mga magpapahayag ng mabuting balita?
Iniutos ng Panginoon na ang mga nagpapahayag ng ebanghelyo ay dapat kunin ang kanilang kabuhayan mula sa ebanghelyo. (9:14)
1 Corinthians 9:15-18
Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa hindi niya dapat ipagmayabang?
Sinabi ni Pablo na hindi niya kayang ipagyabang ang ebanghelyo) dahil kailangan niya itong ipangaral. (9:16)
1 Corinthians 9:19-20
Bakit naging alipin si Pablo sa lahat?
Si Pablo ay naging alipin sa lahat upang mahikayat ng mas maraming tao sa Diyos. (9:19)
Sino ang naging katulad ni Pablo upang makahikayat ng mga Judio?
Si Pablo ay naging tulad ng isang Judio upang mahikayat ng mga Judio. (9:20)
1 Corinthians 9:21-23
Sino ang naging katulad ni Pablo upang mahikayat ang mga nasa labas ng batas?
Si Pablo ay naging tulad ng mga nasa labas ng batas upang mahikayat ang mga nasa labas ng batas. (9:21)
Bakit ginawa ni Pablo ang lahat para sa kapakanan ng ebanghelyo?
Ginawa niya ito upang makalahok sa lahat ng pagpapala nito. (9:23)
1 Corinthians 9:24-27
Paano sinabi ni Pablo kung paano tumakbo?
Sinabi ni Pablo na tumakbo upang makamit ang gantimpala. (9:24)
Anong uri ng korona ang tinatakbo ni Pablo na matanngap?
Si Pablo ay tumatakbo upang makatanggap ng koronang hindi nasisira. (9:25)
Bakit isinuko ni Pablo ang kaniyang katawan at ginawang alipin?
Ginawa ito ni Pablo upang pagkatapos niyang mangaral ay hindi siya maalisan ng karapatan. (9:27)
1 Corinthians 10
1 Corinthians 10:1-4
Ano ang pangkaraniwang karanasan ang mayroon ang kanilang mga ninuno sa panahon ni Moises?
Ang lahat ay napasailalim sa ulap at tumawid sa dagat. Lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat, at lahat ay kumain ng iisang espiritwal na pagkain. Lahat ay nakainom ng iisang espiritwal na inumin.[10:1-4]
Sino ang espirituwal na Bato na sumunod sa kanilang mga ninuno?
Si Cristo ang batong sumunod sa kanila. [10:4]
1 Corinthians 10:5-8
Bakit hindi nalugod ang Diyos sa kanilang mga ninuno sa panahon ni Moises?
Hindi siya nalugod dahil nananabik sila sa mga masasamang mga bagay. [10:6]
1 Corinthians 10:9-10
Sa anong ibig sabihin na papatayin ng Diyos ang mga taong hindi sumusunod?
Pinatay sila ng Diyos sa pamamagitan ng ahas, at pinatay nang anghel ng kamatayan. [10:9-10]
1 Corinthians 10:11-13
Bakit nangyari ang mga bagay-bagay at bakit ito ay naisulat?
Nangyari ang mga ito sa kanila upang maging halimbawa para sa atin at naisulat bilang mga alituntunin para sa atin. [10:11]
Mayroon bang natatanging tukso na nangyayari sa atin?
Walang tukso ang dumating sa atin na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. [10:13]
Ano ang ginawa ng Diyos upang makaya natin at mapagtiisan ang mga pagsubok?
Siya ay ang nagbigay ng paraan para makatakas upang makayanan nating pagtiisan ang mga pasubok [10:13]
1 Corinthians 10:14-19
Sa ano binalaan ni Pablo na lumayo ang mga mananampalataya sa Corinto?
Binalaan niya sila na lumayo sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. [10:14]
Ano ang kopa ng biyaya na pinagpala ng mga mananampalataya at ano ang tinapay na kanilang piniraso?
Ang kopa ay ang pakikibahagi sa dugo ni Cristo. Ang tinapay ay ang pakikibahagi sa katawan ni Cristo. [10:16]
1 Corinthians 10:20-22
Kanino iniaalay ng mga paganong Hentil ang kanilang mga handog?
Inihahandog nila ang mga bagay na ito sa mga demonyo at hindi sa Diyos. [10:20]
Dahil ayaw ni Pablo na maging kabahagi ng mga demonyo ang mga mananampalataya sa Corinto, ano ang sinabi niya sa kanila na hindi nila maaaring gawin?
Sinabi sa kaila ni Pablo na sila ay hindi maaring uminom sa kopa ng Panginoon at sa kopa ng demonyo hindi kayo maaaring makisalo sa mesa ng Panginoon at sa mesa ng mga demonyo. [10:20-21]
Ano ang panganib sa atin kung tayong mga mananampalataya ng Panginoon ay makibahagi din sa mga demonyo?
Mapanganib para sa atin na galitin ang panginoon sa pagkakapanibugho. [10:22]
1 Corinthians 10:23-24
Dapat ba nating tingnan ang ating sariling kabutihan?
Hindi. Sa halip, hanapin ng bawat isa ang ikabubuti ng kanyang kapwa. [10:24]
1 Corinthians 10:25-27
Kung ang isang hindi mananampalataya ay inanyayahan ka na kumain ng pagkain, at nais mong pumunta, ano ang dapat mong gawin?
Dapat mong kainin ang anumang ihahain sa iyong harapan na walang ng katanungan sa budhi. [10:27]
1 Corinthians 10:28-30
Kung sinasabi sa iyo ng hindi mananampalatayang nagpaanyaya sayo na ang pagkaing kakainin mo ay mula sa handog ng pagano bakit hindi mo ito dapat kainin?
Huwag dapat itong kainin. Ito ay para sa kapakanan ng isang nagpaalala sa inyo, at para sa kapakanan ng budhi. [10:28-29]
1 Corinthians 10:31-33
Ano ang dapat nating gawin sa kaluwalhatian ng Diyos?
kumakain man kayo o uminon, o ano man ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito sa kaluwalhatian ng Diyos. [10:31]
Bakit hindi dapat tayo ang maging sanhi ng ikatitisod ng mga Judio at Griego o sa iglesya ng Diyos?
Huwag kayong maging sanhi ng ikatitisod ng mga Judio at mga Griego, upang sila ay maligtas. [10:32-33]
1 Corinthians 11
1 Corinthians 11:1-4
Sino ang sinabi ni Pablo na tularan ng mga mananampalatayang taga-Corinto?
Sinabi ni Pablo sa kanila na tularan siya.
Sino ang tinularan ni Pablo?
Si Pablo ay isang manunulad ni Cristo.
Bakit pinuri ni Pablo ang mga mananampalatayang taga-Corinto?
Pinuri sila ni Pablo dahil inaalala nila siya sa lahat ng bagay at dahil napanghawakan nila ang mga tradisyon nang ibigay niya sila sa mga taga-Corinto.
Sino ang ulo ni Cristo?
Ang Diyos ang ulo ni Cristo.
Sino ang ulo ng lalaki?
Si Cristo ang ulo ng bawat lalaki.
Sino ang ulo ng babae?
Ang lalaki ang ulo ng babae.
Ano ang mangyayari kung mananalangin ang lalaki na nakatakip ang kanyang ulo?
Hindi niya ginagalang ang kanyang ulo kung mananalangin siyang nakatakip ang kanyang ulo.
1 Corinthians 11:5-6
Ano ang mangyayari kung ang babae ay mananalangin na hindi nakatakip ang kanyang ulo?
Hindi niya ginagalang ang kanyang ulo kung mananalangin siyang hindi nakatakip ang kanyang ulo.
1 Corinthians 11:7-8
Bakit hindi kailangang magtakip ang lalaki ng kaniyang ulo?
Hindi kailangang magtakip ang lalaki ng kanyang ulo dahil siya ang larawan at kaluwalhatian ng Diyos.
1 Corinthians 11:9-10
Para kanino nilikha ang babae?
Ang babae ay nilikha para sa lalaki.
1 Corinthians 11:11-12
Bakit ang babae at ang lalaki ay parehong umaasa sa isa't isa?
Ang babae ay nagmula sa lalaki, at ang lalaki ay nagmula sa babae.
1 Corinthians 11:13-16
Ano ang kaugalian ni Pablo, ang kanyang mga kasama, at ang iglesya ng Diyos patungkol sa mga babaeng nananalangin?
Kaugalian nila para sa mga babae na manalangin na ang kanilang ulo ay nakatakip.
1 Corinthians 11:17-19
Bakit kailangang may mga grupo ang mga Kristiyanong taga-Corinto?
Kailangang may mga grupo sila upang makilala sa kanilang kalagitnaan iyong kanilang mga sinang-ayunan.
1 Corinthians 11:20-22
Ano ang nangyayari kapag nagsasama-sama ang iglesya ng mga taga-Corinto upang kumain?
Kapag kumain sila, kinakain ng bawat isa ang kaniyang sariling pagkain bago kumain ang iba. Gutom ang isa at nalasing ang isa.
1 Corinthians 11:23-24
Sa gabing siya ay ipagkanulo, ano ang sinabi ng Panginoon matapos niyang pagpira-pirasuhin ang tinapay?
Sinabi niya, " Ito ang aking katawan, na para sa inyo; gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin."
1 Corinthians 11:25-26
Ano ang sinabi ng Panginoon nang siya ay dumampot ng kopa pagkatapos ng hapunan?
Sinabi niya, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin gawin ninyo ito gaya ng inyong madalas na pag-inom, para sa pag-alaala sa akin."
Ano ang inyong ginagawa tuwing kumakain kayo ng tinapay na ito at umiinom sa kopang ito?
Pinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.
1 Corinthians 11:27-32
Bakit kailangan hindi kakain ng tinapay o iinom sa kopa ng Panginoon ang isang tao sa maling pamamaraan?
Dahil magkakasala ka sa katawan at sa dugo ng Panginoon kapag ginawa mo ito. Kumakain at umiinom ka ng paghuhukom sa iyong sarili.
Ano ang nangyari sa marami sa iglesya ng mga taga-Corinto na siyang kumain ng tinapay at uminon sa kopa ng Panginoon sa maling pamamaraan?
Marami sa kanila ang nagkaroon ng karamdaman, nagkasakit at ang ilan sa kanila ay namatay.
1 Corinthians 11:33-34
Ano ang sinabi ni Pablo na gawin ng mga mananampalatayang taga-Corinto kapag sila ay magsasama-sama upang kumain?
Sinabi niya sa kanila na hintayin angisa't isa.
1 Corinthians 12
1 Corinthians 12:1-3
Tungkol saan ang nais ipabatid ni Pablo sa mga Kristiyanong taga-Corinto?
Nais ni Pablo na ipabatid sa kanila ang tungkol sa espiritwal na mga kaloob. (12:1)
Ano ang siyang nagsasalita sa Espiritu ng Diyos na walang kakayahan sa pagsasabing?
Hindi niya kayang sabihin na, "si Jesus ay isinumpa." (12:3)
Paano masasabi ng isa na, "si Jesus ay Panginoon"?
Iisa lamang ang makapagsasabi na, "si Jesus ay Panginoon" sa pamamagitan ng Banal na Epiritu. (12:3)
1 Corinthians 12:4-6
Ano ang ginawa ng Diyos na maari sa bawat mananampalataya?
Ginagawa niyang maari sa bawat mananampalataya ang iba't ibang mga kaloob, iba't ibang mga ministeryo at iba't ibang uri ng mga gawain. (12:4-6)
1 Corinthians 12:7-8
Bakit ibinigay ang panlabas na pagpapakita ng Espiritu?
Ito ay ibinigay para sa kapakinabangan ng lahat. (12:7)
1 Corinthians 12:9-11
Ano ang ilan sa mga kaloob na ibinigay ng Espiritu?
Ang ilan sa mga kaloob ay pananampalataya, mga kaloob ng pagpapagaling, mga gawa ng kapangyarihan, propesiya, kakayahan na masuri ang mga espiritu, pagsasalita sa iba't ibang uri ng wika at pagbibigay-kahulugan. (12:9-10)
Sino ang namimili kung aling mga kaloob ang matatanggap ng bawat isa?
Ibinibigay ng Espiritu ang mga kaloob sa bawat isa, gaya ng kaniyang pagpili. (12:11)
1 Corinthians 12:12-17
Saan nabautismuhan ang lahat ng Kristiyano?
Tayong lahat ay nabautismuhan sa iisang katawan at lahat ay pinainom sa iisang Espiritu. (12:13)
1 Corinthians 12:18-20
Sino ang umaayos at nagdidisenyo ng bawat bahagi ng katawan?
Inayos ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan gaya ng pagdisenyo niya rito. (12:18)
1 Corinthians 12:21-24
Makakagawa ba tayo nang wala ang mga bahagi ng katawan na nagpapakita na mababang karangalan?
Hindi. Ang mga bahagi ng katawan na nagpapakita ng mababang karangalan, na parang hindi masyadong marangal ay mahalaga. (12:22)
Ano ang ginawa ng Diyos sa mga bahagi ng katawan kabilang ang mga hindi masyadong marangal?
Pinagsama-sama ng Diyos ang lahat ng bahagi at binigyan niya ng higit na karangalan ang mga nagkukulang nito. (12:24)
1 Corinthians 12:25-27
Bakit binigyan ng Diyos ng higit na karangalan ang mga bahagi ng katawan na nagkukulang nito?
Ginawa niya ito upang walang maging pagkakabaha-bahagi sa loob ng katawan, ngunit upang pangalagaan ng mga bahagi ang bawat isa na may parehong pagmamahal. (12:25)
1 Corinthians 12:28-29
Sino ang hinirang ng Diyos sa iglesya?
Sa iglesya, unang hinirang ng Diyos ang mga apostol, pangalawa ay mga propeta, pangatlo ay mga guro, ang mga gumagawa ng mga makapangyarihang gawa, mga kaloob ng pagpapagaling, mga nagbibigay ng tulong, mga namamahala, at ang mga nakakapagsalita ng iba't ibang uri ng wika. (12:28)
1 Corinthians 12:30-31
Ano ang sinabi ni Pablo na hanapin ng mga Kristiyano sa Corinto?
Sinabi niya sa kanila na hanapin ang mas higit na mga kaloob. (12:31)
Ano ang sinasabi ni Pablo na kaniyang ipapakita sa mga Kristiyano sa Corinto?
Sinabi niyang ipapakita niya sa kanila ang higit na mahusay na pamamaraan. (12:31)
1 Corinthians 13
1 Corinthians 13:1-3
Anong magiging katulad ni Pablo kung siya ay magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel nguni't wala namang pag-ibig?
Siya ay magiging katulad lang ng isang batingaw na maingay o ng isang pompiyang na umaalingawngaw.
Magiging ano si Pablo kung siya ay may kaloob ng propesiya, nauunawan lahat ang mga natatagong katotohanan at kaalaman at mayroong malaking pananampalataya, ngunit wala namang pag-ibig?
Siya ay magiging walang halaga
Paano magagawang ibigay ni Pablo ang lahat ng nasa kanya upang pakainin ang mga mahihirap at ibigay ang kaniyang katawan upang sunugin at subalit walang makukuhang anuman?
Kung siya ay walang pag-ibig siya ay walang mapapakinabangan kahit ginawa pa niya ang ibang mga bagay
1 Corinthians 13:4-7
Ano ang ilan sa mga katangian ng pag-ibig?
Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas, o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian. Hindi nagsasaya sa kalikuan. Sa halip, nagsasaya sa katotohanan. Ang pag-ibig ay kinakaya ang lahat ng mga bagay, pinaniniwalaan ang lahat, at nagtitiwala sa lahat ng mga bagay, at tinitiis ang lahat ng mga bagay.
1 Corinthians 13:8-10
Ano ang ilang mga bagay na lilipas o titigil?
mga propesiya, sila ay lilipas. Kung mayroon mang pagsasalita ng wika, sila ay hihinto, at kung may kaalaman ito ay lilipas.
Ano ang hindi magwawakas?
Ang pag-ibig ay hindi magwawakas?
1 Corinthians 13:11-13
Anong sinabi ni Pablo nang siya ay nasa tamang gulang na?
Sinabi ni Pablo ng siya humantong sa sapat na gulang, iniwan na niya ang mga bagay ng pagiging isip-bata.
Ano ang tatlong mga bagay na mananatili at alin sa tatlo ang pinaka dakila?
Ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ay mananatili. Ang pinaka dakila sa mga ito ay pag-ibig.
1 Corinthians 14
1 Corinthians 14:1-4
Alin sa kaloob ng espiritu ang sinabi ni Pablo na kailangan natin na maging lalong masigasig?
Sinabi ni Pablo na kailangan natin na maging lalong masigasig para sa pagpapahayag.
Kanino nakikipag-usap ang sinuman kapag siya ay nagsasalita sa ibang wika?
Hindi siya nakikipag-usap sa mga tao kundi sa Diyos.
Sino ang napapalakas ng sinumang nagpapahayag, at sino ang napapalakas ng sinumang nagsasalita sa iba't ibang mga wika?
Napapalakas ng sinumang nagpapahayag ang mga tao, ngunit napapalakas ng sinumang nagsasalita ng iba't ibang mga wika ang kaniyang sarili.
1 Corinthians 14:5-6
Bakit nakahihigit ang pagpapahayag kaysa sa pagsasalita ng iba't ibang mga wika?
Pinalalakas ng isang nagsasalita ng iba't ibang wika ang kanyang sarili, ngunit pinalalakas ng sinumang nagpapahayag ang iglesya. Sapagkat dakila ang sinumang nagpapahayag.
1 Corinthians 14:7-11
Saan ikinumpara ni Pablo ang pagsasalitang hindi nauunawaan ng sinuman?
Ikinumpara niya ito sa mga instrumentong gaya ng plauta o alpa na walang mga tunog na pagkakakilanlan, at gayon din sa isang trumpeta na hinihipan ng walang tiyak na tunog.
1 Corinthians 14:12-14
Ano ang sinabi ni Pablo sa mga mananampalatayang taga-Corinto na kailangan gawin ng masigasig?
Sinabi niya na kailangan nilang maging masigasig upang manguna sa pagpapaangat ng iglesya.
Ano ang kailangang ipanalangin ng sinumang nagsasalita sa ibang wika?
Kailangan niyang ipanalangin na maipaliwanag niya.
Ano ang sinabi ni Pablo na ginawa ng kaniyang espiritu at kaisipan nang siya ay nanalangin sa ibang wika?
Sinabi ni Pablo na kung nanalangin siya sa ibang wika, ang kanyang espiritu ay nananalangin, ngunit hindi lumalago ang kanyang kaisipan.
1 Corinthians 14:15-16
Paano sinabi ni Pablo na siya ay mananalangin at aawit?
Sinabi ni Pablo na siya ay mananalangin at aawit hindi lamang sa kaniyang espiritu ngunit gayun din sa kaniyang kaisipan.
1 Corinthians 14:17-21
Ano ang sinabi ni Pablo na mas gugustuhin niyang gawin kaysa magsalita ng sampung libong mga salita sa ibang wika?
Mas gugustuhin ni Pablong magsalita ng limang salita sa kaniyang pang-unawa upang maaari niyang pagbilinan ang mga iba.
1 Corinthians 14:22-23
Para kanino ang mga palatandaan ng pagsasalita sa iba't ibang wika at ang pagpapahayag?
Ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay palatandaan sa mga hindi mananampalataya at ang pagpapahayag ay isang palatandaan sa mga mananampalataya. (14:22)
Ano ang malamang na sasabihin ng mga tagalabas at hindi mananampalataya kung papasok sila sa iglesya at ang lahat ay nagsasalita ng iba't ibang mga wika?
Sasabihin nilang ang mga mananampalataya ay nahihibang. (14:23)
1 Corinthians 14:24-25
Ano ang sinabi ni Pablo na maaaring mangyari kung lahat ng nasa iglesya ay nagpapahayag at pumasok ang isang hindi mananampalataya o tagalabas?
Sinabi ni Pablo na ang hindi mananampalataya o tagalabas ay mahihikayat sa pamamagitan ng lahat ng kaniyang maririnig, siya ay masisiyasat sa pamamagitan ng lahat ng nasabi. (14:24)
Ano ang maaaring gawin ng hindi mananampalataya o nang tagalabas kung mailalantad ng mga nagpapahayag ang lihim ng kaniyang puso?
Iyuyuko niya ang kaniyang mukha at sasamba sa Diyos at kaniyang ihahayag na ang Diyos ay tunay na nasa kanilang kalagitnaan. (14:25)
1 Corinthians 14:26-28
Ano ang tagubilin ni Pablo sa mga nagsasalita ng iba't ibang mga wika kung ang mga mananampalataya ay magsasama-sama?
Sinabi niyang dalawa o tatlo lamang ang dapat magsalita, at magsalitan ang bawat isa. Kung walang magpapaliwanag ng salita, manahimik na lamang ang bawat isa sa iglesya. (14:27-28)
1 Corinthians 14:29-33
Ano ang tagubilin ni Pablo sa mga propeta kung ang iglesya ay magsasama-sama?
Sinabi niyang hayaan ang dalawa o tatlong propeta lamang ang magsalita habang ang iba ay makikinig ng may pagka-alam sa kung ano ang nasabi. Kung ang kaalaman ay naibigay sa ibang propeta, manahimik ang siyang nagsasalita. Dapat silang magpahayag ng isa-isa. (9:30)
1 Corinthians 14:34-36
Saang mga iglesya ang sinabi ni Pablo na hindi pinahihintulutan ang mga babae na magsalita?)
Sinabi ni Pablo sa lahat ng iglesya ng mga banal, ang mga babae ay hindi pinahihintulutang magsalita. (14:34)
Saan ang sinabi ni Pablo na hindi pinahihitulutan ang mga babaeng magsalita?
Sinabi ni Pablo na sa mga iglesya, hindi pinahihintulutang magsalita ang mga babae.
Ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin ng mga babae kung nininais nilang matutuhan ang anumang bagay?
Sinabi ni Pablo sa kanila na magtanong sa kanilang mga asawa sa tahanan. (14:35)
Paano tingnan ng mga tao ang babae na nagsasalita sa iglesya?
Ito ay nakakahiyang tingnan. (14:35)
1 Corinthians 14:37-38
Ano ang sinabi ni Pablo na dapat kilalanin ng mga nag-iisip ng kanilang mga sarili na sila ay mga propeta o espiritwal?
Sinabi ni Pablo na dapat nilang kilalanin ang mga bagay na kaniyang isinulat sa mga mananampalataya sa Corinto ay isang utos ng Panginoon. (14:37)
1 Corinthians 14:39-40
Paano dapat gawin ang lahat na mga bagay sa Iglesya?
Ang lahat ng mga bagay ay dapat gawin ng may kahinahunan at may kaayusan. (14:40)
1 Corinthians 15
1 Corinthians 15:1-2
Ano ang mga pinaalala ni Pablo sa mga kapatid na lalaki at babae?
Pinaalalahanan niya sila patungkol sa ebanghelyo na ipinahayag niya sa kanila.
Ano ang dapat tuparin kung ang mga taga-Corinto ay maligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo na ipinangaral ni Pablo sa kanila.
Sinabi ni Pablo sa kanila na kung kayo ay hahawak na mabuti sa mga salita na aking ipinangaral sa inyo, maliban lang kung kayo ay naniwala ng walang kabuluhan.
1 Corinthians 15:3-7
Anong mga bahagi ng ebanghelyo ang unang mahalaga.
Ang pangunahing mahalaga na aking tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan, na siya ay inilibing, at siya ay nabuhay noong ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.
1 Corinthians 15:8-11
Kanino siya nagpakita pagkatapos na nabuhay mula sa mga patay?
Pagkatapos na nabuhay mula sa mga patay, si Cristo ay nagpakita kay Pedro, sa labindalawa, sa mahigit limandaang mga kapatid na lalaki at babae, kay Santiago, sa lahat ng mga apostol at kay Pablo.
Bakit sinabi ni Pablo na siya ang pinakahamak sa mga apostol?
Sinabi niya ito dahil inusig niya ang iglesia ng Diyos.
1 Corinthians 15:12-17
Ano ang gustong ipahawatig ni Pablo sa ilang mga mananampalatayang taga-Corinto patungkol sa sinasabing pagkabuhay na mag-uli.
Ipinahiwatig niya sa ilan sa kanila na nagsasabing walang pagkabuhay mula sa mga patay.
Kung walang pagkabuhay na muli mula sa mga patay ano ang sinasabi ni Pablo na dapat din na maging totoo?
Samakatuwid sinabi ni Pablo na kung si Cristo ay hindi muling nabuhay, ang pangangaral ni Pablo at ng ibang gaya niya ay walang kabuluhan, at ang pananampalataya ng mga taga-Corinto ay wala ring kabuluhan.
1 Corinthians 15:18-19
Kung si Kristo ay hindi nabuhay, anong mangyayari sa kanila na namatay kay Cristo?
Sila ay napapahamak.
Ano ang sinabi ni Pablo na totoo kung sa buhay lamang na ito tayo umaasa para sa pang-hinaharap kay Cristo?
kung ito ay ganoon, sinabi ni Pablo sa lahat ng mga tao, tayo na ang pinakakawawa.
1 Corinthians 15:20-21
Ano ang itinawag ni Pablo kay Cristo?
Tinawag niya si Cristo na, "Ang unang bunga sa mga namatay"
1 Corinthians 15:22-23
Sino ang tao na sa pamamagitan niya ang kamatayan ay dumating sa sanlibutan at sino ang tao na sa pamamagitan niya ang lahat ay gagawing buhay?
Si Adan ay nagdala ng kamatayan sa sanlibutan at sa pamamagitan ni Cristo ang lahat ay gagawing buhay.
Kailan mabubuhay muli ang mga kabilang kay Cristo?
Mangyayari ito sa pagparito ni Cristo.
1 Corinthians 15:24-26
Ano ang mangyayari sa katapusan?
Kapag nailipat na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, kapag kanyang binuwag na ang lahat ng pamunuan at lahat ng kapamahaalan at kapangyarihan.
Gaano katagal maghahari si Cristo?
Siya ay maghari hanggang maipasakop ang lahat ng mga kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Ano ang huling kaaway na sisirain?
Ang kamatayan ang huling kaaway na sisirain.
1 Corinthians 15:27-30
Sino ang hindi kasama ng ito ay sinabi na, "inilagay na niya ang lahat sa ilalaim ng kaniyang paanan."
Ang naglagay ng lahat ng bagay na masakop sa Anak (Siya Mismo) ito ay hindi kasama bilang sa masakop (Sa Anak).
Anong gagawin ng Anak upang ang Diyos Ama ay maging lahat sa lahat?
Ang Anak mismo ay magpapasakop doon sa nagpailalim ng lahat sa kanya.
1 Corinthians 15:31-32
Ano ang ipinahayag ni Pablo na gawin na lang nilang mabuti kung ang patay ay hindi na bubuhayin?
Ipinahayag ni Pablo na "Tayo ay kumain at uminom, dahil kinabukasan kami ay mamatay."
1 Corinthians 15:33-34
Ano ang iniuutos ni Pablo na gawin ng mga taga Corinto?
Inutusan niya sila na maging mahinahon, mamuhay na matuwid at ingatang huwag magkasala.
Anong sinabi ni Pablo na kahihiyan ng mga taga Corinto?
Sinabi niya na ang ilan sa kanila ay walang kaalaman sa Diyos. ( 15:34 )
1 Corinthians 15:35-36
Sa ano inihalintulad ni Pablo ang pagkabuhay sa mga patay?
Inihalintulad niya ito sa isang buto na naitanim.(15:35-36)
Ano ang mangyayari sa buto bago ito magsimulang tumubo?
Dapat muna itong mamatay ( 15:36 )
1 Corinthians 15:37-39
Ang buto ba na naitanim ay kahalintulad sa katawan ( ng tanim) na nagmula sa buto?
anumang inyong itinanim ay hindi gaya ng puno ng katawang kalalabasan.
Ang lahat ba ng laman ay magkakatulad?
Hindi, hindi lahat ng laman ay magkakatulad. Sa halip, mayroong laman ang taong mga nilalang, at ibang laman naman para sa mga hayop, at ibang laman naman para sa mga ibon, at iba rin para sa mga isda. Ang lahat ay magkakaiba sa isat-isa.
1 Corinthians 15:40-41
Mayroon bang ibang uri ng mga katawan?
Mayroon ding mga katawang panlangit at mga katawang panlupa. (15:40)
Ang araw, buwan, at mga bituin ay nakikibahagi ba sa parehong kaluwalhatian?
Mayroong iisang kaluwalhatian ang araw, at may ibang kaluwalhatian ang buwan, at may ibang kaluwalhatian ang mga bituin at ang isang bituin ay naiiba sa kaluwalhatian mula sa ibang bituin. (15:41)
1 Corinthians 15:42-44
Saan inihambing ni Pablo ang pagkabuhay ng mga patay?
Inihambing niya ito sa binhi na naihasik. (15:42)
Paano naihasik ang ating nasisirang mga katawan?
Sila ay naihasik bilang mga likas na katawan, sa kalapastangan at kahinaan. (15:42-44)
Ano ang ating kalagayan nang tayo ay naibangon mula sa kamatayan?
Kung ano ang naibangon ay hindi nasisirang espiritwal na katawan; naibangon sa kaluwalhatian at kapangyarihan. (15:42-44)
1 Corinthians 15:45-46
Ano ang nangyari sa unang tao na si Adan?
Siya ay naging buhay na kaluluwa. (15:45)
Ano ang nangyari sa huling Adan?
Siya ay naging espiritung nagbibigay-buhay. (15:45)
1 Corinthians 15:47-49
Saan nagmula ang unang tao at ang pangalawang tao?
Ang unang tao ay sa mundo, na gawa sa alabok. Ang pangalawang tao ay mula sa langit. (15:47)
Kaninong larawan tayo ipinanganak at kaninong larawan ang ating madadala?
Gaya natin na isinilang sa larawan ng tao na nagmula sa alabok, atin ding madadala ang larawan ng taong nagmula sa langit. (15:49)
1 Corinthians 15:50-51
Ano ang hindi maaaring magmamana sa kaharian ng Diyos?
Ang laman at dugo ay hindi maaring magmana ng kaharian ng Diyos. (15:50)
Ano ang mangyayari sa ating lahat?
Tayong lahat ay mababago. (15:51)
1 Corinthians 15:52-53
Kailan at gaano kabilis tayo mababago?
kapag tumunog ang huling trumpeta, tayong lahat ay mababago sa isang sandali, sa isang kisap-mata. (15:52)
1 Corinthians 15:54-55
Ano ang mangyayari kung itong nasisira ay nailagay sa hindi nasisira at ang may kamatayan ay mailalagay sa walang kamatayan?
Ang kamatayan ay lalamunin ng tagumpay. (15:54)
1 Corinthians 15:56-57
Ano ang kamandag ng kamatayan at ano ang kapangyarihan ng kasalanan?
Ang kamandag ng kamatayan ay kasalanan at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan. (15:56)
Kaninong pamamagitan tayo binigyan ng Diyos ng tagumpay?
Binibigyan tayo ng tagumpay ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoon Jesu-Cristo.(15:57)
1 Corinthians 15:58
Anong dahilan ang ibinigay ni Pablo sa pagsasabi sa mga kapatid sa Corinto na maging matatag, huwag patitinag, at laging managana sa gawain ng Panginoon?
Sinabi niya sa kanila na gawin ito dahil alam nila na ang kanilang gawain sa Panginoon ay hindi mawawalan ng kabuluhan. (15:58)
1 Corinthians 16
1 Corinthians 16:1-2
Sino ang inutusan ni Pablo sa parehong paraan na gaya ng sa iglesia ng Corinto patungkol sa koleksiyon para sa mga mananampalataya?
inutusan ni Pablo ang mga iglesia ng Corinto sa parehong paraan na gaya ng iglesia sa Galacia. [16:1]
Paano sinabi ni Pablo sa iglesia sa Corinto na gumawa sila ng koleksiyon?
Sinabi niya sa kanila na sa unang araw ng linggo, ang bawat isa sa kanila ay magtabi ng anumang bagay at ipunin, Ayon sa kanilang makakaya. upang wala ng kokolektahin sa pagbabalik ni Pablo.[16:2]
1 Corinthians 16:3-4
Sa kanino mapupunta ang mga handog?
Ito ay mapupunta sa mga mananampalataya sa Jerusalem. [16:3]
1 Corinthians 16:5-6
kailan pupunta si Pablo sa iglesia sa Corinto?
Sinabi niya na pupunta siya sa kanila pagdaan niya sa Macedonia. [16:5]
1 Corinthians 16:7-9
Bakit ayaw ni Pablo na makita ang mga mananampalataya sa Corinto ng madalian sa maikling panahon?
Nais bumisita ni Pablo sa kanila ng higit sa maikling panahon at marahil mamalagi siya kasama nila sa taglamig.
Bakit ayaw ni Pablo na makita ang mga mananampalataya sa Corinto ng madalian sa maikling panahon?
Gustong bumisita ni Pablo sa ng mahabang panahon, kung papahintulutan ng Panginoon.[16:7]
Bakit nais ni Pablo na mananatili sa Efeso hanggang sa pentecostes?
Nanatili si Pablo sa Efeso dahil maluwang ang pintuan na nabuksan para sa kanya, at doo'y maraming mga kaaway [16:8-9]
1 Corinthians 16:10-14
Ano ang ginagawa ni Timoteo?
Ginagawa niya ang gawain ng Panginoon gaya ng ginagawa ni Pablo.. [16:10]
Ano ang iniutos ni Pablo sa iglesia sa Corinto na gawin patungkol kay Timoteo?
Sinabi ni Pablo sa iglesia sa Corinto na tingnan si Timoteo nang walang takot na kasama nila. Sinabi sa kanila ni Pablo na huwag nilang hamakin si Timoteo at tulungan din siya sa kanyang kaparaanan tungo sa kapayapaan.[16:10-11]
Ano ang matindi kong hinihimok na panghimok ni Pablo kay Apolos na gawin?
Matindi kong hinimok si Pablo si Apolos na bumisita sa mga mananampalataya sa Corinto. [16:12]
1 Corinthians 16:15-16
Sino sa mga taga-Corinto ang nagtalaga ng kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga banal?
Ang sambahayan ni Estefanas ang nagtalaga ng kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga banal.
Ano ang sinabi ni Pablo na gagawin ng mga banal na taga-Corinto tungkol sa sambahayan ni Estefanas?
Sinabi ni Pablo sa kanila na magpasakop sila sa mga taong tulad nila.
1 Corinthians 16:17-18
Ano ang ginawa nina Estefanas, Fortunato at Acaico para kay Pablo?
Ginawa nila ang hindi nagawa ng mga banal na taga-Corinto noong wala sila at pinasariwa ang espiritu ni Pablo.
1 Corinthians 16:19-20
Sino ang mga nagpadala ng kanilang mga pagbati sa iglesya ng Corinto?
Nagpadala ng kanilang mga pagbati sa iglesya ng Corinto ang mga iglesya sa Asya, sina Aquila at Prisca, at lahat ng mga kapatid.
1 Corinthians 16:21-24
Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa mga hindi nagmamahal sa Panginoon?
Sinabi ni Pablo, "Kung sinuman ang hindi umiibig sa Panginoon, hayaan ang sumpa na sumakanya."