Jonah
Jonah 1
Jonah 1:1-3
Ano ang inutos niYahweh kay Jonas na puntahan at gawin?
Inutos ni Yahweh kay Jonas na pumunta sa Nineve at magsalita laban dito.
Ano ang ginawa ni Jonas pagkatapos niyang marinig ang utos ni Yahweh?.
Tumakas si Jonas mula sa presenya ni Yahweh para pumunta sa Tarsis.
Jonah 1:4-5
Ano ang ginawa ni Yahweh sa barko na sinakyan ni Jonas?
Nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat, at mukhang ang ang barko ay parang masisira na.
Ano ang ginawa ng mga mandaragat sa kalagitnaan ng bagyo?
Ang mga mandaragat ay labis na natakot at ang bawat isa ay tumawag sa kaniya-kanyang sariling diyos.
Jonah 1:6-7
Paano nalaman ng mga mandaragat kung sino ang dahilan ng kasamaan at ano ang naging resulta?
Ang mga mandaragat ay nagpalabunutan para malaman kung sino ang dahilan, at ipinahiwatig si Jonas ng bunutan.
Jonah 1:8-10
Ano ang sinabi ni Jonas na dahilan sa kasamaan na nangyayari sa kanila?
Sinabi ni Jonas sa siya ay tumatakbo mula sa presensya ni Yahweh.
Jonah 1:11-13
Ano ang sinabi ni Jonas sa mga tao upang ang bagyo ay tumigil?
Sinabi ni Jonas sa mga tao na itapon siya sa dagat para tumigil ang bagyo.
Jonah 1:14-16
Anong dalawang kahilingan ang ginawa ng mga mandaragat kay Yahweh?
Hiniling nila kay Yahweh na huwag silang hayaang mamatay, at huwag silang ituring na nagkasala sa kamatayan ni Jonas.
Ano ang nangyari nang itinapon ng mga mandaragat si Jonas sa dagat?
Nang itinapon nila si Jonas sa dagat tumigil ang dagat na magalit ng labis.
Jonah 1:17
Ano ang nangyari kay Jonas nang itinapon nila siya sa dagat?
Isang malaking isda ang lumamon kay Jonas, at siya ay nasa tiyan ng isda ng tatlong araw at tatlong gabi.
Jonah 2
Jonah 2:1-2
Ano ang ginawa ni Jonas mula sa tiyan ng isda?
Tumawag si Jonas kay Yahweh upang humingi ng tulong.
Jonah 2:3-4
Ano ang naisip ni Jonas na hindi na niya magagawa pang muli kailanman?
Naisip ni Jonas na hindi na niya kailanman makikitang muli ang banal na templo ni Yahweh.
Jonah 2:5-6
Mula saan iniangat ni Yahweh ang buhay ni Jonas?
Iniangat ni Yahweh ang buhay ni Jonas mula sa hukay.
Jonah 2:7-8
Ano ang nangyayari sa mga nagbibigay pansin sa mga walang kabuluhang mga diyus-diyosan?
Ang mga nagbibigay pansin sa mga diyus-diyosan ay tinatanggihan ang katapatan ni Yahweh sa kanila.
Jonah 2:9-10
Ano ang pangako na ginawa ni Jonas mula tiyan ng isda?
Nangako si Jonas na tutuparin niya ang kaniyang ipinangako.
Sabi ni Jonas kanino nagmumula ang kaligtasan?
Sinabi ni Jonas na ang kaligtasan ay nagmula kay Yahweh.
Anong sinabi ni Yahweh na gawin ng isda?
Sinabi ni Yahweh na isuka ng isda si Jonas sa tuyong lupa.
Jonah 3
Jonah 3:1-3
Anong utos ang binigay ni Yahweh kay Jonas sa pangalawang pagkakataon?
Inutusan ni Yahweh si Jonas na pumunta sa Nineve at ipahayag ang mensahe ni Yahweh.
Paano tumugon si Jonas sa pagkakataong ito sa utos ni Yahweh?
Si Jonas ay sumunod at pumunta sa Nineve .
Jonah 3:4-7
Anong mensahe ang ipinahayag ni Jonas sa Nineve?
Ipinahayag ni Jonas na sa loob ng apat napong araw ang Nineve ay ibabagsak.
Jonah 3:8-9
Paano tumugon ang mga taga Nineve sa mensahe ni Yahweh na ipinangaral ni Jonas?
Ang mga tao ng Nineve ay nag-ayuno at naglagay ng magaspang na tela, at tumalikod mula sa kanilang masasamang mga gawi, at umiyak sa Diyos.
Ano pang pag-asa ang mayroon ang Hari ng Nineve para sa mga tao at sa lungsod?
Ang hari ng Nineve ay umasa pa rin na mabago ang isip ng Diyos at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit.
Jonah 3:10
Paano tumugon ang Diyos sa pagsisisi ng mga taga-Nineve?
Binago ng Diyos ang kanyang isip tungkol sa parusang sinasabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ito ginawa.
Jonah 4
Jonah 4:1-3
Ano ang labis na kamalian para kay Jonas?
Ang labis na kamalian para Jonas ay ang pagbabago ng isip ng Diyos at hindi pinarusahan ang taga-Nineve
Bakit sinabi ni Jonas na sinubok niyang tumakas papunta sa Tarsis?
Sinabi ni Jonas na si Yahweh ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan at naawang magpadala ng kapahamakan.
Ano ang nais ni Jonas na gawin ni Yahweh sa kaniya?
Nais ni Jonas na kunin na ni Yahweh ang kaniyang buhay.
Jonah 4:4-5
Anong katanungan ang itinanong ni Yahweh kay Jonas?
Itinanong ni Yahweh kay Jonas kung tama ba na siya ay magalit.
Bakit lumabas si Jonas sa lungsod at umupo?
Nais makita ni Jonas kung ano ang maaring mangyari sa lungsod.
Jonah 4:6-7
Ano ang ginawa ni Yahweh kay Jonas habang siya ay nakaupo sa labas ng lungsod?
Naghanda muna ni Yahweh ng isang silungan na halaman para kay Jonas, pagkatapos pinapatay niya sa isang uod kinabukasan, at pagkatapos naghanda ng isang mainit na hangin sa silangan upang himatayin si Jonas.
Jonah 4:8-9
Pagkatapos anong katanungan ang tinanong ni Yahweh kay Jonas?
Tinanong ni Yahweh kay Jonas kung tama ba na magalit siya tungkol sa halaman.
Jonah 4:10-11
Ano ang naging pakiramdam ni Jonas tungkol sa lilim na halaman?
Nahabag si Jonas para sa halaman.
Para sa ano may kahabagan si Yahweh?
Si Yahweh ay may kahabagan para sa mga mamamayan ng Nineve at sa mga baka?