Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Hosea

Hosea 1

Hosea 1:1-2

Anong uri ng asawang babae ang sinabi ni Yahweh na papakasalan ni Hosea?

Sinabi ni Yahweh sa kaniya na mag-asawa ng babaing nagbebenta ng aliw.

Hosea 1:3-5

Bakit dapat tawagin ni Hosea sa pangalang Jezreel ang kaniyang unang anak na lalaki?

Dapat siyang tawagin ni Hosea sa pangalang Jezreel. Sapagkat hindi magtatagal, paparusahan ni Yahweh ang sambahayan ni Jehu dahil sa pagdanak ng dugo sa Jezreel.

Hosea 1:6-7

Kanino magkakaroon ng habag si Yahweh?

Mahahabag si Yahweh sa sambahayan ni Juda.

Hosea 1:8-9

Bakit Lo-ammi ang pangalang dapat itawag ni Hosea sa kaniyang pangalawang anak na lalaki?

Dapat siyang tawagin ni Hosea sa pangalang Lo-ammi, sapagkat ang mga Israelita ay hindi na niya mga tao.

Hosea 1:10-11

Ano ang sasabihin sa mga dating hindi mga tao ni Yahweh?

Sasabihin ito sa kanila na sila ang mga tao ng buhay na Diyos.

Hosea 2

Hosea 2:2-3

Ano ang gagawin ni Yahweh kapag hindi ititigil ng Israel ang kaniyang pagbebenta ng aliw?

Kapag hindi itinigil ng Israel ang kaniyang pagbebenta ng aliw, huhubaran siya ni Yahweh at ipapakita ang kaniyang kahubaran gaya sa panahon ng kaniyang pagkasilang.

Hosea 2:4-5

Bakit hindi mahahabag si Yahweh sa mga anak ng Israel?

Hindi mahahabag si Yahweh sa kaniyang mga anak, sapagkat sila ay mga anak sa pagbebenta ng aliw.

Hosea 2:6-7

Bakit babalik ang Israel sa kaniyang unang asawa?

Babalik ang Israel sa kaniyang unang asawa, sapagkat mas mabuti para sa kaniya noon kaysa ngayon.

Hosea 2:8-9

Sino ang nagbigay ng labis-labis na pilak at ginto sa Israel?

Binigyan siya ni Yahweh ng labis-labis na pilak at ginto.

Hosea 2:10-11

Ano ang gagawin ni Yahweh sa Israel sa harapan ng kaniyang mga mangingibig?

Huhubaran siya ni Yahweh sa harapan ng kaniyang mga mangingibig.

Hosea 2:12-13

Ano ang kabayarang ibinigay ng mga mangingibig ng Israel sa kaniya?

Binigyan siya ng mga mangingibig ng Israel ng mga puno ng ubas at mga puno ng igos.

Hosea 2:14-15

Paano sasagutin ng babaing nagbebenta ng aliw si Yahweh pagkatapos niyang suyuin siya?

Sasagot siya sa kaniya gaya ng ginawa niya sa panahon ng kaniyang kabataan, gaya sa panahon nang lumabas siya sa lupain ng Egipto.

Hosea 2:16-17

Sa araw na iyon, ano ang itatawag ng Israel kay Yahweh?

Tatawagin niya siyang 'Aking asawa,' at hindi na, 'Aking Baal.'

Hosea 2:18

Ano ang gagawin ni Yahweh sa kaniyang mga tao?

Papahigain niya sila ng ligtas.

Hosea 2:19-20

Gaano katagal ipapangako ni Yahweh na magiging asawa siya ng kaniyang mga tao?

Ipapangako ni Yahweh na magiging kanilang asawa magpakailanman.

Hosea 2:21-22

Ano ang sasagutin ng bagong alak at ng langis?

Sasagot ang bagong alak at ang langis sa Jezreel.

Hosea 2:23

Ano ang sasabihin ni Yahweh sa mga hindi niya tao?

Sasabihin ni Yahweh sa mga hindi niya tao na, "Kayo ay mga tao ko.'

Hosea 3

Hosea 3:1-3

Sa anong paraan dapat ibigin ni Hosea ang kaniyang asawa?

Dapat siyang ibigin ni Hosea gaya ng pag-ibig ni Yahweh sa mga tao ng Israel.

Magkano ang bili ni Yahweh sa Israel?

Binili niya ng labinlimang pirasong pilak at ng isang homer at isang lethek ng sebada.

Hosea 3:4-5

Pagkatapos mamuhay ng mga tao ng Israel na walang hari sa mahabang panahon, sino ang kanilang hahanapin?

Pagkatapos mamuhay ng mga tao ng Israel nang walang hari sa mahabang panahon, hahanapin nila si Yahweh na kanilang Diyos at si David na kanilang hari.

Hosea 4

Hosea 4:1-2

Kanino may sakdal si Yahweh?

May isang sakdal si Yahweh laban sa mga naninirahan sa lupain.

Hosea 4:3

Anong nangyayari sa bawat isang naninirahan sa lupain?

Ang bawat isang nakatira roon ay nanghihina.

Hosea 4:4-5

Sino ang matitisod sa gabi?

Ang mga propeta ang matitisod sa gabi.

Hosea 4:6-7

Bakit kakalimutan ni Yahweh ang mga anak ng mga Israelita?

Kakalimutan ni Yahweh ang mga anak ng Israelita dahil kinalimutan nila ang Kautusan ng Diyos.

Hosea 4:8-10

Paano kikilos ang mga tao?

Kikilos sila tulad ng mga pari.

Hosea 4:11-12

Ano ang mga bagay na nag-alis sa pang-unawa ng mga tao?

Ang pagbebenta ng aliw, alak at bagong alak ang nag-alis sa kanilang pang-unawa.

Hosea 4:13-14

Bakit hindi paparusahan ni Yahweh ang mga anak na babae ng mga tao nang pinili nilang gumawa ng sekswal na imoralidad?

Hindi paparusahan ni Yahweh ang mga anak na babae ng mga tao nang pinili nilang gumawa ng sekswal na imoralad, sapagkat ibinigay din ng mga lalaki ang kanilang sarili sa mga babaing nagbebenta ng aliw.

Hosea 4:15-16

Saan hindi dapat pumunta ang mga tao?

Hindi sila dapat pumunta sa Gilgal o Beth-aven.

Hosea 4:17-19

Ano ang ginawa ng Efraim kahit na naubos ang kanilang matapang na inumin?

Patuloy pa rin sa pangangalunya ang Efraim kahit na naubos ang kanilang matapang na inumin.

Hosea 5

Hosea 5:1-2

Saan nalunod ang mga maghihimagsik?

Nalunod ang mga maghihimagsik sa pagkakatay.

Hosea 5:3-4

Ano ang hindi nagpapahintulot sa Efraim upang manumbalik sa kanilang Diyos?

Ang mga gawain ng Efraim ang hindi nagpapahintulot sa kanila upang manumbalik sa kanilang Diyos.

Hosea 5:5-7

Bakit hindi matatagpuan ng Israel, Efraim at Juda si Yahweh?

Hindi matatagpuan ng Israel, Efraim at Judah si Yahweh, sapagkat inilayo niya ang kaniyang sarili sa kanila.

Hosea 5:8-9

Sino ang nagpahayag na ang Efraim ay magiging isang lagim?

Ipinahayag ni Yahweh na ang Efraim ay magiging isang lagim.

Hosea 5:10-11

Kanino ibubuhos ni Yahweh ang kaniyang galit?

Ibubuhos ni Yahweh ang kaniyang galit sa mga pinuno ng Juda.

Hosea 5:12-13

Kailan pumunta ang Efraim sa Asiria?

Nang makita ng Efraim ang kaniyang pagkakasakit, pumunta siya sa Asiria.

Hosea 5:14-15

Gaano katagal pupunta si Yahweh at babalik sa kaniyang lugar?

Pupunta si Yahweh at babalik sa kaniyang lugar hanggang sa aaminin ng Efraim at Juda ang kanilang kasalanan at hanapin ang kaniyang mukha; hanggang sa masigasig nilang hanapin siya sa kanilang pagdadalamhati.

Hosea 6

Hosea 6:1-3

Bagaman pinira-piraso ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ano ang kaniyang kasunod na gagawin?

Bagaman pinira-piraso niya sila, papagalingin niya sila.

Kailan ibabangon ni Yahweh ang kaniyang mga tao?

Ibabangon niya sila sa ikatlong araw.

Hosea 6:4-5

Ano ang katulad ng katapatan ng Efraim at Juda?

Ang kanilang katapatan ay tulad ng isang ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala.

Hosea 6:6-7

Ano ang hangad ng Diyos?

Hangad ng Diyos ang katapatan at hindi mga handog, at ang kaalaman niya ay higit pa sa mga susunuging handog.

Hosea 6:8-9

Sa anong paraan nagsama-sama ang mga pari upang pumatay sa daan patungong Shekem?

Gaya ng pangkat ng mga magnanakaw na naghihintay sa isang tao, gayon din nagsama-sama ang mga pari upang makagawa ng pagpatay sa daan patungong Shekem.

Hosea 6:10-11

Ano ang itinakda sa Juda kapag ibabalik ni Yahweh ang mga mabubuting kapalaran sa kaniyang mga tao?

Isang pag-aani ang naitakda, kapag ibabalik ni Yahweh ang mga mabubuting kapalaran ng kaniyang mga tao.

Hosea 7

Hosea 7:1-2

Ano ang naalala ni Yahweh?

Naalala ni Yahweh lahat ng masasamang ginawa nila. [7:2]

Hosea 7:3-5

Paano pinasaya ng mga tao ang mga opisyal?

Pinasaya nila ang mga opisyal sa pamamagitan ng mga kasinungalingan. [7:3]

Hosea 7:6-7

Saan inihalintulad ang mga puso ng mga tao?

Katulad ng pugon ang kanilang mga puso. [7:6]

Hosea 7:8-9

Ano ang hindi alam ng Efraim?

Hindi alam ng Efraim na ubusin ng mga dayuhan ang kaniyang lakas, o nagkalat ang kaniyang puting buhok. [7:9]

Hosea 7:10-11

Papaano naging tulad ng isang kalapati ang Efraim

Naging tulad ng isang kalapati ang Efraim, mapaniwalain at walang pang-unawa. [7:11]

Hosea 7:12-13

Bakit hindi iniligtas ni Yahweh ang mga tao?

Hindi iniligtas ni Yahweh ang mga tao sapagkat nagsalita sila ng kasinungalingan laban sa kaniya. [7:13]

Hosea 7:14-15

Ano ang ginawa ngmga tao upang magkamit ng trigo at bagong alak?

Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili upang magkamit ng trigo at bagong alak. [7:14]

Hosea 7:16

Bakit babagsak ang mga opisyal?

Babagsak ang mga opisyal dahil sa kawalang-galang ng kanilang mga dila. [7:16]

Hosea 8

Hosea 8:1-3

Bakit paparating ang isang agila sa tahanan ni Yahweh?

Paparating ang isang agila sa tahanan ni Yahweh dahil sinira ng mga tao ang kaniyang kasunduan at naghimagsik laban sa kaniyang kautusan. [8:1]

Hosea 8:4-5

Ano ang ginamit ng mga tao upang gumawa ng diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili?

Sa pamamagitan ng kanilang mga pilak at ginto gumawa sila ng mga diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili. [8:4]

Hosea 8:6-7

Ano ang mangyari kung magtanim ng hangin ang mga tao?

Nagtanim ng hangin ang mga tao ng hangin at aani sila ng ipu-ipo. [8:7]

Hosea 8:8-10

Ano ang gagawin ni yahweh kahit na umuupa ng mangingibig sa mga bansa

Kahit na umuupa ng mangingibig sa mga bansa, sama-samang titipunin sila ni Yahweh. [8:10]

Hosea 8:11-12

Kung isinulat ni Yahweh ang kaniyang kautusan ng sampung libong beses, paano nila ito titingnan?

Kung isinulat ni Yahweh ang kaniyang kautusan ng sampung libong beses, titingnan lang nila ito tulad ng isang bagay na kakaiba sa kanila. [8:12]

Hosea 8:13-14

Paano parusahan ni Yahweh ang kasalan ng mga tao?

Parurusahan niya ang kanilang mga kasalan dahil bumalik sila sa Egipto. [8:13]

Hosea 9

Hosea 9:1-2

Ano ang kinagigiliwang bayaran ng Israel?

Kinagiliwan ng Israel ang magbayad ng sahod na isang babaing nagbebenta ng aaliw sa lahat ng mga giikan. [9:1]

Hosea 9:3-4

Ano ang inialay ng Efraim na maging tulad sa kanila?

Ang kanilang mga alay ay maging tulad sa kanila, pagkain ng nagluluksa: ang lahat ng kakain nito ay magiging marumi. [9:4]

Hosea 9:5-6

Kung natatakas ang mga tao sa pagkawasak, ano ang mangyari?

Kung nakatakas ang mga tao mula sa pagkawasak, titipunin sila ng Egipto, at ililibing sila ng Memfis. [9:6]

Hosea 9:7

Ano ang mga araw na parating?

Ang mga araw ng pagpaparusa ay parating; at parating na ang araw ng paghihiganti. [9:7]

Hosea 9:8-9

Ano ang nasa daanan ng mga propeta?

Isang patibong ng mga ibon ay nasa lahat ng kaniyang mga daanan. [9:8]

Hosea 9:10

Pagkatapos pumunta ng mga ama sa Baal Peor, naging tulad sila ng ano?

Pagkatapos naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig. [9:10]

Hosea 9:11-12

Ano ang nangyari sa kaluwalhatian ni Efraim?

Ang kaluwalhatian ng Efraim ay lilipad na parang isang ibon. [9:11]

Hosea 9:13-14

Ano ang ibibigay ni Yahweh sa Efraim?

Bibigyan sila ni Yahweh ng sinapupunan na makukunan at susong walang gatas. [9:14]

Hosea 9:15

Bakit paaalisin ni Yahweh ang Efraim sa kaniyang tahanan?

Dahil sa lahat ng kanilang makasalanang mga gawa, paaalisin sila sa kaniyang tahanan. [9:15]

Hosea 9:16-17

Anong ang mangyari kung magkaroon ng mga anak Efraim?

Kahit magkaroon ng anak si Yahweh, ilalagay ang kanilang minamahal na mga anak sa kamatayan. [9:16-17]

Hosea 10

Hosea 10:1-2

Ano ang nangyari habang dumarami ang bunga ng Israel.

Habang dumarami ang bunga ng Israel, mas dumarami ang mga altar na kaniyang itinatayo

Hosea 10:3-4

Paano gumawa ng kasunduan ang Israel?

Gumawa ng kasunduan ang Israel sa pamamagitan ng pagsumpa ng kasinungalingan.

Hosea 10:5-6

Bakit madadala sa Asiria ang mga naninirahan a sa Samaria?

Dadalhin sila sa Samaria bilang handog sa dakilang hari.

Hosea 10:7-9

Ano ang tutubo sa ibabaw ng altar?

Tutubo sa ibabaw ng altar ang mga tinik at mga dawag

Hosea 10:10-11

Bakit maglalagay ng pamatok si Yahweh sa magandang leeg ni Efraim?

Dahil sinanay na dumalagang baka si Efraim na kinagigiliwang mag-giik ng butil, kaya maglalagay si Yahweh ng pamatok sa maganda niyang leeg.

Hosea 10:12-13

Gaano ka tagal hahanapin ng mga tao si Yahweh?

Kinakailangan nilang hanapin si Yahweh hanggang sa dumating siya at magpaulan ng katuwiran sa kanila.

Hosea 10:14-15

Ano ang nangyari sa mga ina at nang kanilang mga anak noong winasak ni Salman ang Beth-arbel?

Noong winasak ni Salman ang Beth-arbel, ginutay-gutay ng pira-piraso ang mga ina kasama ng kanilang mga anak.

Hosea 11

Hosea 11:1-2

Mula saan nang tawagin ni Yahweh si Israel noong siya ay binata pa?

Noong binata pa si Israel, tinawag siya ni Yahweh mula sa Egipto.

Hosea 11:3-4

Sino ang nag-angat sa balikat ni Efraim?

Iniangat sila ni Yahweh sa pamamagitan ng kanilang mga balikat.

Hosea 11:5-7

Ang ang determinadong gagawin ng mga tao ni Yahweh?

Determinado ang mga tao ni Yahweh na tumalikod mula sa kaniya.

Hosea 11:8-9

Bakit hindi na ulit sisirain ni Yahweh ang Efraim?

Hindi na muling sisirain ni Yahweh ang Efraim, sapagkat siya ay Diyos at hindi tao.

Hosea 11:10-11

Paano lalapit ang mga tao?

Manginginig ang mga tao na paparito mula sa kanluran tulad ng isang ibong mula sa Egipto, tulad sa isang kalapating mula sa lupain ng Asiria.

Hosea 11:12

Sino ang nananatili paring tapat sa Diyos?

Nananatili pa ring tapat ang Juda sa Diyos.

Hosea 12

Hosea 12:1-2

Ano ang na kay Yahweh laban sa Judah

Si Yahweh ay may paratang laban kay Juda.

Hosea 12:3-4

Ano ang ginawa ni Jacob sa sinapupunan?

Sa sinapupunan, hinawakan ng mahigpit ni Jacob ang sakong ng kaniyang kapatid.

Hosea 12:5-6

Ano ang dapat hintayin ng mga tao?

Kinakailangan nilang patuloy na maghintay sa kanilang Diyos

Hosea 12:7-8

Ano ang hindi matatagpuan ninuman sa mga gawa ni Efraim?

Sa lahat ng mga gawa ng Efraim ay walang sinumang makakatagpo ng anumang kasalanan sa kaniya, anumang bagay na kasalanan.

Hosea 12:9-10

Gaano na katagal na kasama si Yahweh ng kaniyang mga tao?

Kasama na nila si Yahweh mula pa sa lupain ng Egipto.

Hosea 12:11-12

Ano ang magiging katulad ng altar sa Gilgal?

Magiging tulad sa tambak ng bato sa tudling ng mga bukid ang kanilang mga altar.

Hosea 12:13-14

Ano ang ginawa ni Yahweh sa pamamagitan ng propeta?

Dinala ni Yahweh ang Israel palabas sa Egipto sa pamamagitan ng propeta, at sa pamamagitan ng isang propeta iningatan niya sila.

Hosea 13

Hosea 13:1-2

Bakit nagkasala si Efraim?

Siya ay nagkasala dahil sa pagsamba kay Baal.

Hosea 13:3

Ano ang nangyari sa ipa?

Tinangay ng hangin ang ipa palayo mula sa giikan.

Hosea 13:4-6

Ano ang nangyari nang nabusog na ang mga tao ni Yahweh?

Nang ang mga tao ni Yahweh ay nabusog, ang kanilang mga puso ay naging mapagmalaki at kinalimutan siya.

Hosea 13:7-8

Katulad ng ano ang pagsalakay ni Yahweh sa kaniyang mga tao?

Sasalakay siya tulad ng isang oso na nanakawan ng kaniyang anak.

Hosea 13:9-11

Bakit dumating ang pagkawasak sa Israel?

Darating ang kapahamakan sa Israel dahil sila ay laban kay Yahweh, na tumutulong sa kanila.

Hosea 13:12-13

Sa panahon na isisilang na si Efraim, ano ang nangyari?

Sa panahon ng isisilang na si Efraim, hindi siya lumabas mula sa sinapupunan.

Hosea 13:14

Ano ang nais ni Yahweh na dalhin sa kaniya?

Nais ni Yahweh na ang salot ng kamatayan at ang pagkawasak ng Sheol ang dalhin sa kaniya.

Hosea 13:15

Ano ang ninakaw ng mga kaaway ni Efraim sa kaniya?

Ninakawan ng kaniyang mga kaaway ang bahay-imbakan ng bawat mamahaling bagay/kagamitan.

Hosea 13:16

Ano ang mangyayari sa mga sanggol sa Samaria?

Ang kanilang mga sanggol ay gugutayin ng pira-piraso.

Hosea 14

Hosea 14:1-2

Bakit bumagsak ang Israel?

bumagsak ang bansang Israel dahil sa kanilang kasamaan.

Hosea 14:3

Bakit hindi sinabi ng Israel sa gawa ng aming mga kamay, "Mga diyos namin kayo"?

Hindi sinabi ng Israel na gawa ng kanilang mga kamay, "Kayo ay aming mga diyos," sapagkat kay Yahweh ang mga ulilang tao ay nakasumpong ng habag.

Hosea 14:4-6

Kailan pagagalingin ni Yahweh ang bansang Israel?

Pagagalingin sila ni Yahweh kung sila ay manunumbalik sa kaniya.

Hosea 14:7-8

Ano ang magiging katulad ng katanyagan ng mga tao?

Ang kanilang katanyagan ay magiging tulad ng alak sa Lebanon.

Hosea 14:9

Sino ang madarapa sa mga pamamaraan ni Yahweh?

Ang mga sumusuway/suwail ay madarapa sa mga ito.