Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

2 Kings

2 Kings 1

2 Kings 1:1-2

Paano napilayan si Ahazias?

Nahulog si Ahazias sa sala sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at napilayan.

2 Kings 1:3-6

Bakit tiyak na mamamatay si Ahazias?

Sasangguni si Ahazias kay Baalzebub ang hari ng Ekron; kaya, tiyak siyang mamamatay.

2 Kings 1:7-8

Ano ang suot ni Elias?

Nakasuot si Elias ng damit na gawa sa buhok at mayroong balat na sinturon na nakasuot sa kaniyang baywang.

2 Kings 1:9-12

Ano ang pumatay sa kapitan at sa kaniyang limampung lalaki?

Bumaba ang apoy mula kalangitan at pinatay ang kapitan at kaniyang limampung sundalo.

2 Kings 1:13-16

Paano lumapit ang kapitan kay Elias?

Umaakyat ang kapitan, lumuhod sa harapan Eliseo, at nagmakaawa sa kaniya.

2 Kings 1:17-18

Bakit si Joram ang naghari kapalit ni Ahazias?

Nagsimulang maghari si Joram kapalit niya dahil walang anak ni Ahazias.

2 Kings 2

2 Kings 2:1-2

Kailan iiwan ni Elias si Eliseo sa Gilgal?

Kapag kukunin na ni Yahweh si Elias sa pamamagitan ng ipu-ipo sa langit, iiwanan na ni Elias si Eliseo sa Gilgal.

2 Kings 2:3-6

Paano sumagot si Eliseo ng sinabi ng mga anak ng mga propeta na kukunin ni Yahweh ang kaniyang panginoon mula sa kaniya?

Sumagot si Eliseo, "Oo, alam ko, pero huwag ninyo ng banggitin iyon."

2 Kings 2:7-8

Bakit nahati ang ilog sa dalawang bahagi?

Dahil kinuha ni Elias ang kaniyang balabal, binalumbon, at hinampas sa tubig, nahati sa dalawang bahagi ang ilog.

2 Kings 2:9-10

Ano ang hiniling ni Eliseo?

Hiniling ni Eliseo ang dalawang bahagi ng espiritu ni Elias na mapunta sa kaniya.

2 Kings 2:11-12

Paano napunta sa langit si Elias?

Napunta sa langit si Elias sa pamamagitan ng ipu-ipo.

2 Kings 2:13-14

Anong nangyari ng hinampas ni Eliseo ang tubig gamit ang balabal ni Elias?

Nang hinampas ni Eliseo ang tubig, nahati sa dalawang bahagi at nakatawid si Eliseo.

2 Kings 2:15-16

Ano ang gustong ipagawa ng mga anak ng propeta sa limampung malalakas na lalaki?

Gusto nila umalis ang limampung malalakas na lalaki at hanapin ang panginoon ni Eliseo, kung sakali na kinuha siya ng Espiritu ni Yahweh at tinapon siya sa ilang bundok o sa ilang lambak.

2 Kings 2:17-18

Gaano katagal naghanap ang limampung lalaki kay Elias?

Naghanap ang limampung lalaki ng tatlong araw.

2 Kings 2:19-20

Ano ang problema sa Jerico?

Madumi ang tubig at hindi mabunga ang lupain.

2 Kings 2:21-22

Paano gumaling ang tubig?

Pumunta si Eliseo sa bukal ng tubig at nagtapon ng asin dito.

2 Kings 2:23-25

Nang hinamak ng mga lalaki si Eliseo, anong sumpa ang mangyayari sa kanila?

Nang hinamak ng mga lalaki si Eliseo, dalawang babaeng oso ang lumabas sa kahuyan at sinugatan ang apatnapung dalawang lalaki.

2 Kings 3

2 Kings 3:1-3

Ano ang pinagkaiba ng kasamaan ni Joram sa kasamaan ng kaniyang ama at ina?

Ang kasamaan ni Joram ay hindi katulad ng kaniyang ama at ina dahil inalis niya ang sagradong posteng bato ni Baal na ginawa ng kaniyang ama.

2 Kings 3:4-8

Bakit umalis si haring Joram sa Samaria?

Umaalis si haring Joram sa Samaria para tipunin ang lahat ng Israelita para sa digmaan.

2 Kings 3:9-10

Anong tatlong hukbo ang nagmartsa ng halos paikot ng pitong araw?

Ang Israel, Juda, at Edom ang nagmarsta ng halos paikot ng pitong araw.

2 Kings 3:11-12

Ano ang ginawa ni Eliseo para kay Elias?

Nagbuhos si Eliseo ng tubig sa mga kamay ni Elias.

2 Kings 3:13-14

Bakit nagbigay ng pansin si Eliseo sa hari ng Israel?

Nagbigay pansin si Eliseo sa hari ng Israel dahil ginagalang niya ang presensya ni Jehoshafat hari ng Juda.

2 Kings 3:15-19

Kailan napunta ang kamay ni Yahweh kay Eliseo?

Nang tumugtog ang manunugtog ng alpa, pumunta ang kamay ni Yahweh kay Eliseo.

2 Kings 3:20

Kailan napuno ng tubig ang bansa?

Umaga na halos oras ng paghahandog ng alay, dumating ang tubig sa direksiyon ng Edom; napuno ang bansa ng tubig.

2 Kings 3:21-25

Sino ang mula sa mga Moabita ang nagtipon-tipon para sa labanan?

Lahat ng may kakayahan na magsuot ng baluti ay nagsama-sama.

Ano ang inisip ng mga Moabita nang nakita nila ang tubig?

Nang nakita ng mga Moabita ang tubig, akala nila na nawasak nila na ang tatlong hari, at pinatay nila ang isa't-isa.

2 Kings 3:26-27

Ano ang ginawa ng hari ng Moab sa kaniyang panganay na anak?

Kinuha niya ang kaniyang panganay na anak at hinandog siya bilang alay sa pader.

2 Kings 4

2 Kings 4:1-2

Ano ang mangyayari sa mga anak ng asawa ng isa sa mga anak ng mga propeta?

Kukunin ng nagpapautang ang dalawa niyang anak para maging mga alipin niya.

2 Kings 4:3-4

Saan dapat manghiram ang babae ng mga tapayan?

Dapat manghiram ang babae sa kaniyang mga kapitbahay.

2 Kings 4:5-9

Kailan huminto ang pagdaloy ng langis?

Pagkatapos sabihin ng kaniyang anak na wala ng mg tapayan, huminto na ang pagdaloy ng langis.

2 Kings 4:10-13

Ano ang ginawa ng mahalagang babae mula sa Sunem at kaniyang asawa para kay Eliseo?

Gumawa sila ng maliit na silid sa bubungan para kay Eliseo na may higaan, lamesa, upuan, at ilawan.

2 Kings 4:14-16

Ano ang mahahawakan ng babae sa loob ng isang taon?

Sa loob ng isang taon, mahahawakan niya ang anak niyang lalaki.

2 Kings 4:17-24

Saan nakaupo ang bata nang siya ay namatay?

Nakaupo ang bata sa tuhod ng kaniyang ina hanggang mamatay siya.

2 Kings 4:25-26

Nasaan ang lingkod ng Diyos?

Nasa Bundok Carmel ang lingkod ng Diyos.

Nang tinanong ni Gehazi ang babae kung maayos lang ba ang lahat, ano ang sinagot niya?

Nang tinanong ni Gehazi ang babae kung maayos lang ba ang lahat, sumagot siya, "Maayos naman."

2 Kings 4:27

Ano ang ginawa ng babae ng lumapit siya sa lingkod ng Diyos sa bundok?

Nang lumapit siya sa lingkod ng Diyos sa bundok, hinawakan niya ang paa ng lingkod ng Diyos.

2 Kings 4:28-29

Ano ang gagawin ni Gehazi kung may taong makakasalubong siya o kung may babati sa kaniya?

Kung may taong makakasalubong si Gehazi o kung may babati sa kaniya, hindi dapat siya sumagot.

2 Kings 4:30-31

Ano ang nilagay ni Gehazi sa mukha ng bata?

Nilagay niya ang baston sa mukha ng bata.

2 Kings 4:32-34

Paano nag-init ang katawan ng bata?

Inunat ni Eliseo ang kaniyang sarili sa bata, at nag-init ang katawan ng bata.

2 Kings 4:35-37

Ano ang ginawa ng bata bago niya binuksan ang kaniyang mga mata?

Bumahing ang bata ng pitong beses at binuksan ang kaniyang mga mata.

2 Kings 4:38-39

Sino ang naglikom ng ligaw na mga gulay?

Isa sa mga anak ng mga propeta ang naglikom ng ligaw na mga gulay.

2 Kings 4:40-41

Paano tinanggal ni Eliseo ang kamatayan sa palayok?

Nagtapon si Eliseo ng harina sa palayok.

2 Kings 4:42-44

Ilang tao ang kumain sa labingdalawang trigong tinapay?

Isang daang tao ang kumain ng labingdalawang trigong tinapay.

2 Kings 5

2 Kings 5:1-2

Ano ang binigay ni Yahweh sa Aram sa pamamagitan ni Naaman?

Tagumpay ang binigay ni Yahweh sa Aram sa pamamagitan ni Naaman.

2 Kings 5:3-4

Sino ang sinabi ng batang babae na magpapagaling sa kaniyang amo?

Sinabi ng babae na ang propeta na nasa Samaria ang magpapagaling sa kaniyang amo.

2 Kings 5:5-6

Kanino dinala ni Naaman ang liham na mula sa hari ng Aram?

Dinala ni Naaman ang liham sa hari ng Israel.

2 Kings 5:7

Ano ang naisip na dahilan ng hari ng Israel ng pagpunta ni Naaman para mapagaling?

Naisip ng hari ng Israel na naghahamon lang ng away si Naaman.

2 Kings 5:8-10

Ano ang sinabi kay Naaman na dapat niyang gawin para maging malinis siya?

Sinabihan si Naaman na pumunta at lumublob sa Jordan nang pitong beses para maging malinis.

2 Kings 5:11-12

Paano naisip ni Naaman na pagigilingin siya ni Eliseo?

Inakala ni Naaman na lalabas si Eliseo sa kaniya at tatayo at tatawag sa pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos, at ikukumpas ang kamay niya sa katawan niya at pagagalingin ang ketong niya.

2 Kings 5:13-14

Tulad ng ano ang kutis ni Naaman pagkatapos nitong gumaling?

Tulad kutis ng isang bata ang kutis ni Naaman pagkatapos niyang gumaling.

2 Kings 5:15-16

Pagkatapos gumaling ni Naaman, anong nalaman niya?

Nalaman niyang walang Diyos sa buong lupa maliban sa Israel, pagkatapos niyang gumaling.

2 Kings 5:17-19

Para saan humingi ng tawad kay Yahweh si Naaman?

Humingi ng tawad si Naaman kay Yahweh kapag yumuko siya sa bahay ni Rimmon.

2 Kings 5:20-22

Ayon kay Gehazi sino ang galing sa bansa sa burol ng Efraim?

Ayon kay Gehazin, dalawang kabataang lalaki na anak ng mga propeta ang nagpunta mula sa bansa sa burol ng Efraim.

2 Kings 5:23-25

Ano ang itinago ni Gehazi sa bahay?

Itinago niya ang mga sisidlan ng pilak sa bahay.

2 Kings 5:26-27

Anong nangyari nang nagsinungaling si Gehazi?

Dahil nagsinungaling si Gehazi, naging ketongin siya.

2 Kings 6

2 Kings 6:1-3

Bakit gusto ng mga anak ng mga propeta na magtayo ng matitirahan?

Ang lugar kung saan sila naninirahan kasama si Eliseo ay masyadong maliit, kaya ginusto nilang magtayo ng matitirahan.

2 Kings 6:4-5

Bakit nag-alala ang lakaking nakasira ng palakol?

Nag-alala siya dahil hiram lang ang palakol na iyon.

2 Kings 6:6-11

Paano pinalutang ni Eliseo ang palakol?

Pumutol siya ng patpat, tinapon ito sa tubig, at pinalutang ang palakol.

2 Kings 6:12-13

Sino ang nagsabi sa hari ng Israel ang mga salita ng hari ng Aram?

Si Eliseo ang nagsabi sa hari ng Israel ang mga salita ng hari ng Aram.

2 Kings 6:14-16

Bakit nag-alala ang alipin ni Eliseo?

Nag-alala siya dahil nakakita siya ng isang malaking hukbo ng mga kabayo at karwahe na nakapaligid sa lungsod.

2 Kings 6:17-19

Paano dinala ni Eliseo ang mga Aramean sa Samaria?

Hiniling ni Eliseo kay Yahweh na bulagin sila, at pagkatapos, sinabi ni Eliseo na sundan nila siya.

2 Kings 6:20-21

Nasaan ang mga Aramean nang binuksan ni Yahweh ang mga mata nila?

Nasa gitna ng lungsod ng Samaria ang mga Aramean nang binuksan ni Yahweh ang mga mata nila.

2 Kings 6:22-23

Anong ginawa ng hari ng Israel sa mga Aramean?

Naghain siya ng tinapay at tubig sa kanila at pinaalis sila.

2 Kings 6:24-26

Bakit ipinagbibili ang ulo ng asno sa halagang walumpung pilak?

Matindi ang taggutom sa Samaria kaya ang ulo ng asno ay ipinagbibili sa halagang walumpung pilak.

2 Kings 6:27-29

Ano ang sinabi ng babae ng bumabagabag sa kaniya?

Sumagot siya, "Sinabi ng babeng ito sa akin, 'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin ngayon, at bukas kakainin natin ang anak ko.'" Kaya't nilaga namin ang anak ko at kinain ito, at sinabi ko sa kaniya kinabukasan, "'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin, pero tinago niya ito."

2 Kings 6:30-31

Sino ang sinisi ng hari na sanhi ng taggutom?

Sinisi niya si Eliseo.

2 Kings 6:32-33

Nang dumating ang mensahero kay Eliseo, ano ang sinabi niyang dapat gawin ng mga nakatatanda?

Nang dumating ang mensahero kay Eliseo, sinabi niya sa mga nakatatanda na isara ang pinto, at pigilan nilang mabuksan ito.

2 Kings 7

2 Kings 7:1-2

Anong sinabi ni Eliseo na mangyayari sa kapitan na hindi naniwala sa kaniya?

Sinabi ni Eliseo na hindi kakain ang kapitan ng harina o sebada.

2 Kings 7:3-4

Bakit nagpunta ang apat na lalaking may ketong sa hukbo ng mga Areaman?

Nagpunta sila sa hukbo ng mga Aramean dahil baka mamatay sila kung papasok sila sa lungsod, manatili kung nasaan sila, o pumunta sa hukbo ng mga Aramean.

2 Kings 7:5-8

Bakit inisip ng hukbo ng mga Aramean na inupahan ng hari ng Israelita ang mga hari ng Hiteo at taga-Ehipto para lumaban sa kanila?

Inisip ng hukbo ng mga Aramean na inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng Hiteo at taga-Ehipto para lumaban sa kanila dahil nakarinig sila ng ingay ng mga karwahe at kabayo, ingay ng isang malaking hukbo.

2 Kings 7:9-11

Pagkatapos pasukin ng lalaki ketongin mula sa hukbo ng mga Aramenyan, ano ang kanilang napagtanto na kanilang gawin?

Pagkatapos pasukin ng lalaki ketongin mula sa hukbo ng mga Aramenyan, napagtanto nila na dapat silang umalis at sabihin sa sambahayan ng hari.

Ano ang ginawa ng mga bantay ng tarangakahan pagkatapos nilang matanggap ang balita na iniwan ng mga Aramean ang kanilang kampo?

Isinigaw ng mga bantay ng tarangkahan ang balita na iniwan ng mga Aramean ang kanilang kampo.

2 Kings 7:12-13

Ano ang inisip na dahilan ng hari ng Israel bakit iniwan ng mga Aramean ang kanilang kampo?

Inisip ng hari nna lumabas sila ng kampo para magtago sa bukirin. Sa gayon, kapag lumabas ng lungsod ang mga Israelita, bibihagin sila ng mga Aramean at papasok sa lungsod.

2 Kings 7:14-17

Puno ng ano ang daanan?

Ang daan ay puno ng damit at mga kagamitan ng mga Aramean na iniwan nila sa kanilang pagmamadali.

2 Kings 7:18-20

Ano ang nangyari sa kapitan na hindi naniwala kay Eliseo?

Inutusan ng hari ang kapitan para maging bantay sa tarangkahan, at tinapakan siya ng mga taoang mga tao.

Ano ang sinabi ni kapitan kay Eliseo nang sinabi ni Eliseo, "Sa oras na ito sa tarangkahan ng Samaria, ang dalawang takal ng sebada ay ipagbibili sa halagang isang shekel, at ang isang takal ng mainam na harina para sa isang shekel"?

Sinabi ng kapitan kay Eliseo, "Kahit gumawa si Yahweh ng bintana sa langit, maaari bang mangyari ito?" .

2 Kings 8

2 Kings 8:1-2

Bakit nanirahan ang babae na siyang may anak na binuhay ni Eliseo sa lupain ng Filisteo nang pitong taon?

Ang babae na siyang may anak na binuhay ni Eliseo ay nanirahan sa lupain ng Filisteo nang pitong taon dahil sinabi ni Eliseo na magpapadala si Yahweh ng isang taggutom.

2 Kings 8:3-4

Bakit pumunta ang babae sa hari?

Pumunta ang babae sa hari para magmakaawa sa kaniya para sa kaniyang bahay at lupain.

2 Kings 8:5-6

Ano ang sinasabi ni Gehazi sa hari nang dumating ang babae na may anak na binuhay ni Eliseo?

Sinabi ni Gehazi sa hari kung paano binuhay ni Eliseo ang patay na bata.

2 Kings 8:7-9

Ano ang dala ni Hazael sa kaniya para ibigay kay Eliseo?

Nagdala si Hazael ng isang regalo sa kaniya ng bawat uri ng mabubuting bagay sa Damasco, na dala ng apatnapung kamelyo.

2 Kings 8:10-12

Bakit umiyak ang lingkod ng Diyos?

Umiyak ang lingkod ng Diyos dahil alam niya ang masamang gagawin ni Hazael sa bayan ng Israel.

2 Kings 8:13-17

Pagkatapos sabihin ni Hazael sa hari ng Aram na siya ay gagaling, ano ang ginawa niya kay Haring Ben Hadad?

Pagkatapos sabihin ni Hazael kay Haring Ben Hadad na siya ay gagaling, kinuha niya ang kumot at inilublob ito sa tubig, at inilatag ito sa mukha ni Ben Hadad kaya siya ay namatay.

2 Kings 8:18-19

Sino ang asawa ni Jehoram?

Ang asawa ni Jehoram ay ang anak na babae ni Ahab.

Bakit hindi nais ni Yahweh na wasakin ang Juda?

Hindi nais ni Yahweh na wasakin ang Juda dahil sinabi niya sa kaniyang lingkod na si David na lagi siyang bibigyan ng mga kaapu-apuhan.

2 Kings 8:20-24

Kailan naghimagsik ang Edom mula sa ilalim ng kamay ng Juda?

Sa mga panahon ni Jehoram, naghimagsik ang Edom mula sa ilalim ng kamay ng Juda.

2 Kings 8:25-27

Bakit ginawa ni Ahazias ang masama sa paningin ni Yahweh?

Ginawa ni Ahazias ang masama sa paningin ni Yahweh, dahil si Ahazias ay manugang sa sambahayan ni Ahab.

2 Kings 8:28-29

Saan nagbalik si Haring Joram para mapagaling ang mga sugat na ginawa ng mga Aramean sa kaniya sa Rama?

Nagbalik si Haring Joram para magpagaling sa Jezreel.

2 Kings 9

2 Kings 9:1-3

Bakit nagdala ang isa sa anak na lalaki ng mga propeta ng maliit na bote ng langis at pumunta sa Ramoth-galaad?

Nagdala siya ng bote ng langis at pumunta sa Ramoth-galaad para hirangin si Jehu.

2 Kings 9:4-6

Sino ang nagbuhos ng langis sa ulo ni Jehu?

Ang nagbuhos ng langis sa ulo ni Jehu ay ang propeta.

2 Kings 9:7-8

Paano paghihigantihan ni Yahweh ang dugo ng kaniyang mga lingkod?

Kung papatayin ni Jehu ang pamilya ni Ahab, mapaghihigatihan ni Yahweh ang dugo ng kaniyang mga lingkod.

2 Kings 9:9-10

Ano ang mangyayari kay Jezabel?

Kakainin ng mga aso si Jezabel sa Jezreel, at walang sinuman doon ang maglilibing sa kaniya.

2 Kings 9:11-13

Ano ang gagawin ng mga lingkod ng panginoon ni Jehu pagkatapos niyang sabihin na siya ay hinirang bilang hari?

Pagkatapos sinabi ni Jehu na siya ay hinirang bilang hari, bawat isa sa mga lingkod ay mabilis hinubad ang kaniyang panlabas na kasuotan at inilagay ito sa paanan ni Jehu para lakaran. Hinipan nila ang trumpeta at sinabi, "Si Jehu ay hari."

2 Kings 9:14-16

Bakit kinailangan ni Haring Joram na bumalik sa Jezreel?

Kinailangang bumalik ni Haring Joram sa Jezreel para pagalingin ang mga sugat na ginawa ng mga Aramean sa kaniya.

2 Kings 9:17-18

Ano ang nakita ng bantay na ginawa ng mensahero?

Nakita ng bantay ang mensahero na nakasakay kasama si Jehu.

2 Kings 9:19-20

Paano nalaman ng bantay na si Jehu ang nagpapatakbo ang karwahe?

Nalaman ng bantay na si Jehu ang nagpapatakbo ng karwahe, dahil nagpapatakbo siya ng matulin.

2 Kings 9:21-22

Paano sumakay papalabas si Joram hari ng Israel para salubungin si Jehu?

Si Joram hari ng Israel ay sumakay papalabas kasama si Ahazias hari ng Juda, bawat isa sa kaniyang karwahe, para salubungin si Jehu.

2 Kings 9:23-24

Ano ang nangyari pagkatapos panain ni Jehu si Joram sa pagitan ng kaniyang balikat?

Pagkatapos panain ni Jehu si Joram sa pagitan ng kaniyang balikat, tumagos ang palaso sa kaniyang puso, at nalalglag siya sa kaniyang karwahe.

2 Kings 9:25-26

Ano ang mga bagay na maaaring lumipas na sinabing mangyayari sa pamamagitan ng salita ni Yahweh?

Kunin si Joram at itapon siya sa bukid para mangyari ang mga bagay na sinabi na mangyayari sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.

2 Kings 9:27-29

Sino ang inilibing sa kaniyang puntod kasama ang kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David?

Si Ahazias ang inilibing sa kaniyang puntod kasama ang kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David.

2 Kings 9:30-32

Ano ang nangyari nang dumating si Jehu sa Jezreel?

Nang dumating si Jehu sa Jezreel, narinig ito ni Jezabel, at pinintahan niya ang kaniyang mga mata, inayos ang kaniyang buhok, at dumungaw sa bintana.

2 Kings 9:33-34

Sino ang naghagis kay Jezabel?

Ang ilang eunuko ang naghagis kay Jezabel.

2 Kings 9:35-37

Bakit walang makapaglibing kay Jezabel?

Nang pumunta sila para ilibing siya, natagpuan nilang wala na lahat kundi bungo na lamang, ang paa, at ang mga palad ng kaniyang kamay.

2 Kings 10

2 Kings 10:1-3

Ano ang sinasabi ng liham ni Jehu sa mga matatanda at sa mga tagapag-alaga ng mga kaapu-apuhan ni Ahab na gawin?

Sinabi ito sa mga matatanda at sa mga tagapag-alaga ng mga kaapu-apuhan ni Ahab na pumili ng pinakamabuti at pinakanararapat sa mga kaapu-apuhan ng kanilang panginoon at ilagay siya sa trono ng kaniyang ama.

2 Kings 10:4-5

Bakit hindi gagawing hari ang sinumang lalaki ng mga matatanda at mga tagapag-alaga ng mga kaapu-apuhan ni Ahab?

Hindi nila gagawing hari ang sinumang lalaki dahil napagtanto nila na hindi man lang makatayo ang dalawang hari sa harap ni Jehu.

2 Kings 10:6-9

Ano ang ginawa sa anak na lalaki ng hari ng mga matatanda at mga tagapag-alaga ng mga kaapu-apuhan ni Ahab?

Kinuha nila ang mga anak na lalaki ng hari at pinatay nila, pitumpung katao, inilagay ang kanilang mga ulo sa mga basket, at ipinadala nila kay Jehu sa Jezreel.

2 Kings 10:10-11

Bakit sinabi ni Jehu na wala sa bahagi ng salita ni Yahweh, ang salita na sinabi niya tungkol sa pamilya ni Ahab, ang babagsak sa lupa?

Sinabi ni Jehu na wala sa bahagi ng salita ni Yahweh, ang salita na sinabi niya tungkol sa pamilya ni Ahab, ang babagsak sa lupa, dahil ginawa ni Yahweh kung ano ang kaniyang sinabi sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias.

2 Kings 10:12-14

Ilan ang mga kapatid na lalaki ni Ahazias na sinalubong ni Jehu at pinatay?

Sinalubong niya at pinatay ang apatnaput-dalawa.

2 Kings 10:15-17

Bakit pinasakay ni Jehu si Jonadab sa karwahe?

Pinasakay ni Jehu si Jonadab sa karwahe dahil sinabi ni Jonadab na matapat siya kay Jehu at iniabot niya ang kaniyang kamay.

2 Kings 10:18-20

Bakit tinipon ni Jehu ang lahat ng mga propeta ni Baal, lahat ng mga sumasamba, at lahat ng kaniyang mga pari?

Tinipon niya sila nang may pandaraya, nang may layunin para patayin ang mga sumasamba kay Baal.

2 Kings 10:21-22

Saan nagpunta ang mga sumasamba kay Baal?

Nagpunta sila sa templo ni Baal.

2 Kings 10:23-24

Ano ang dapat mangyayari kung nakatakas ang sinumang mga sumasamba kay Baal?

Kung nakatakas ang sinumang mga sumasamba kay Baal, sinuman ang nagpatakas sa lalaking iyon, ang kaniyang buhay ay kukunin bilang kapalit ng tumakas.

2 Kings 10:25-28

Sa ano ginawa ng mga bantay at mga kapitan ang bahay ni Baal?

Ginawa nilang palikuran ang bahay ni Baal.

2 Kings 10:29-33

Paano hindi iniwan ni Jehu ang mga kasalanan ni Jeroboam?

Hindi iniwan ni Jehu ang mga kasalanan ni Jeroboam dahil sinasamba niya ang mga gintong guya sa Bethel at Dan.

Bakit mauupo sa trono ng Israel hanggang apat na salinlahi ang mga kaapu-apuhan ni Jehu?

Dahil nagawa ni Jehu nang mabuti ang matuwid sa paningin ni Yahweh, at nagawa sa bahay ni Ahab at ginawa iyon ng buong kalooban ni Yahweh, ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay mauupo sa trono ng Israel hanggang apat na salinlahi.

2 Kings 10:34-36

Saan nakasulat ang ibang mga bagay na ginawa ni Jehu?

Ang ibang mga bagay na ginawa ni Jehu, at lahat ng kaniyang kapangayarihan, ay nakasulat sa Ang Aklat ng Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel.

2 Kings 11

2 Kings 11:1-3

Sino ang hindi napatay ni Atalia?

Hindi napatay ni Atalia si Joas.

2 Kings 11:4-6

Ano ang ginawa ng mga pinuno ng daan-daang taga-Carito at mga tagapagbantay bago nila makita ang anak ng hari?

Kailangang makipagtipan ng mga pinuno ng daan-daang mga taga-Carito at mga tagapagbantay kay Joiada at manumpa sa tahanan ni Yahweh. Pagkatapos, ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.

2 Kings 11:7-8

Ano ang kailangang gawin ng dalawang grupong hindi naglilingkod sa Araw ng Pamamahinga?

Kailangang bantayan ng dalawang grupong hindi naglilingkod sa Araw ng Pamamahinga ang tahanan ni Yahweh para sa hari.

2 Kings 11:9-12

Ano ang ibinigay ni Joiada sa mga pinuno?

Ibinigay ni Joiada sa mga pinuno ang sibat at panangga na pag-aari noon ni Haring David, na nasa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 11:13-14

Bakit pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw?

Pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw dahil nakita niya si Haring Joas na nakatayo sa gilid ng poste.

2 Kings 11:15-16

Bakit pinatay si Atalia sa tahanan ng hari?

Pinatay si Atalia sa tahanan ng hari, dahil sinabi ng pari, "Huwag ninyong hayaang mapatay siya sa tahanan ni Yahweh."

2 Kings 11:17-18

Pagkatapos gumawa ng tipan ni Joiada, ano ang ginawa ng mga tao?

Pagkatapos gumawa ng tipan ni Joiada, winasak ng mga tao ang tahanan ni Baal, pinagpira-piraso nila ang mga altar at mga imahe, at pinatay si Matan, ang pari ni Baal.

2 Kings 11:19-21

Nang umupo si Haring Joas sa trono ng mga hari, paano tumugon ang mga tao?

Nang umupo si Haring Joas sa trono ng mga hari, lahat ng mga tao sa lupain ay nagalak.

2 Kings 12

2 Kings 12:1-3

Bakit ginawa ni Joas ang matuwid sa mga mata ni Yahweh sa lahat ng oras?

Ginawa ni Joas ang matuwid sa mga mata ni Yahweh sa lahat ng oras dahil tinuturuan siya ni Joiada ang pari.

2 Kings 12:4-5

Sino ang nag-udyok na magbigay ang mga tao para sa templo?

Si Yahweh ang nag-udyok sa puso ng mga tao na magbigay.

2 Kings 12:6-8

Bakit sinabi ni Joas sa mga pari na hindi na sila kailanman kukuha ng salapi mula sa mga nagbabayad ng buwis?

Sinabi ito ni Joas sa mga pari dahil wala pa silang napapaayos sa templo.

2 Kings 12:9-10

Sino ang naglagay ng salapi sa baul?

Ang mga pari na nagbabantay sa pasukan ng templo ang naglagay ng lahat ng salapi sa baul na dinala sa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 12:11-14

Para saan ginamit ng mga manggagawa ang salapi?

Ginamit ng mga manggagawa ang salapi pambili ng kahoy at batong tinapyas para ayusin ang templo ni Yahweh, at para sa lahat ng kailangang bayaran para ayusin ito.

2 Kings 12:15-16

Bakit hindi dinala sa templo ni Yahweh ang salapi para pambayad sa kasalanan at ang salapi para sa kapatawaran ng kasalanan?

Ang mga salaping handog para pambayad sa kasalanan at ang salaping handog para sa kapatawaran ng kasalanan ay hindi dinala sa templo ng Jerusalem ni Yahweh, dahil para ito sa mga pari.

2 Kings 12:17-18

Paano pinigilan ni Haring Joas si Haring Hazael na lusubin ang Jerusalem?

Kinuha ni Joas ang lahat ng kasangkapan na itinalaga nina Josafat at Joram at Ahasias, ang kaniyang sariling mga banal na kasangkapan, at lahat ng ginto na makikita sa mga imbakan sa tahanan ni Yahweh at ng hari at ipinadala niya ang mga ito kay Hazael ang hari ng Aram. Pagkatapos, umalis na si Hazael mula sa Jerusalem.

2 Kings 12:19-21

Sino ang sumalakay kay Joas?

Si Josacar, anak ni Simet, at Jehozabad anak ni Somer, na kaniyang lingkod, ang sumalakay kay Joas.

2 Kings 13

2 Kings 13:3-5

Bakit nagbigay ng isang tagapagligtas si Yahweh sa Israel?

Nagsumamo si Jehoahas, kaya nagbigay si Yahweh ng tagapagligtas sa Israel.

2 Kings 13:6-13

Winasak ng hari ng Aram ang hukbo ng Israel at ginawa silang tulad ng ano?

Winasak ng hari ang hukbo ng Israel at ginawa silang tulad ng ipa sa panahon ng anihan.

2 Kings 13:14-16

Nang may sakit si Eliseo, ano ang sinabi niya kay Joas na damputin?

Sinabi niya kay Joas na dumampot ng isang pana at ilang mga palaso.

2 Kings 13:17-19

Ano ang nangyari nang pinana ni Joas ang lupa ng tatlong beses lamang?

Dahil pinana niya ang lupa ng tatlong beses lamang, lulusubin niya ang Aram ng tatlong beses lamang.

2 Kings 13:20-21

Ano ang nangyari sa lalaki na inilibing sa kweba ni Eliseo?

Ang lalaking inilibing sa kweba ni Eliseo ay muling nabuhay at tumayo pagkadikit na pagkadikit ng lalaki sa mga buto ni Eliseo.

2 Kings 13:22-25

Bakit hindi inilayo ni Yahweh ang kaniyang presensiya sa Israel?

Si Yahweh ay mahabagin sa Israel, mayroon siyang awa at malasakit sa kanila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, Isaac at Jacob. Kaya hindi sila winasak ni Yahweh, at hindi niya sila inilayo sa kaniyang presensiya.

2 Kings 14

2 Kings 14:4-5

Ano ang ginawa ni Amasias nang tumatag na ang kaniyang pamumuno?

Nang tumatag na ang kaniyang pamumuno, pinatay ni Amasias ang mga lingkod na pumatay sa kaniyang ama, ang hari.

2 Kings 14:6-7

Bakit hindi ipinapatay ni Amasias ang mga anak ng mga mamamatay-tao?

Hindi ipinapatay ni Amasias ang mga anak ng mga mamamatay-tao dahil inutusan siya ni Yahweh, na nagsasabing, "Ang mga ama ay hindi dapat patayin dahil sa kaniyang mga anak, ni ang mga anak dahil sa kanilang mga magulang. Sa halip, bawat tao ay dapat patayin dahil sa sarili niyang kasalanan."

2 Kings 14:8-12

Ano ang umapak sa matinik na halaman?

Isang mabangis na hayop sa Lebanon ang umapak sa matinik na halaman.

2 Kings 14:13-16

Ano ang kinuha ni Joas sa Jerusalem?

Kinuha niya lahat ng ginto at pilak, lahat ng mga kagamitan na nakita sa tahanan ni Yahweh, at ang mga mahahalagang bagay sa palasyo ng hari, na may kasama ring bihag.

2 Kings 14:17-19

Paano namatay si Amasias?

Isang pagsasabwatan ang naganap laban kay Amasias sa Jerusalem, kaya tumakas siya papuntang Lachis. Pero may mga tauhang ipinadala roon sa Lachis para sundan siya at doon siya pinatay.

2 Kings 14:20-22

Ano ang ginawa ni Uzias sa Elat?

Muling ipinatayo ni Uzias ang Elat at ibinalik ito sa Juda.

2 Kings 14:23-25

Kanino narinig ni Jeroboam na dapat niyang ibalik ang hangganan ng Israel mula sa Lebo Hamat hanggang sa dagat ng Araba?

Narinig ni Jeroboam kay Jonas, anak ni Amittai, ang propeta, na dapat niyang ibalik ang hangganan ng Israel mula sa Lebo Hamat hanggang sa dagat ng Araba.

2 Kings 14:26-29

Dahil nakita ni Yahweh na walang tagapagligtas sa Israel, paano niya sila iniligtas?

Dahil nakita ni Yahweh na walang tagapagligtas sa Israel, iniligtas sila ni Yahweh sa kamay ni Jeroboam anak ni Jehoas.

2 Kings 15

2 Kings 15:4-5

Paanong pinahirapan ni Yahweh si Haring Uzzias?

Pinahirapan ni Yahweh ang hari sa pagiging isang ketongin hanggang sa araw ng kamatayan at namuhay sa nakahiwalay na tahanan

2 Kings 15:6-9

Sino ang naging hari sa lugar ni Uzzias?

Si Jotam, kaniyang anak, ay naging hari sa kapalit niya.

2 Kings 15:10-12

Saan pinatay ni Sallum si Zacarias?

Pinatay ni Sallum si Zacarias sa harap ng mga tao.

Gaano katagal mauupo ang mga kaapu-apuhan ni Jehu sa trono ng Israel?

Ang kaapu-apuhan ni Jehu ay mauupo sa trono ng Israel hanggang sa ika-apat na salinlahi.

2 Kings 15:13-14

Bakit si Sallum ay naghari lamang ng isang buwan sa Samaria?

Naghari si Sallum ng isang buwan lamang sa Samaria dahil pinatay siya ni Menahem ang anak ni Gadi.

2 Kings 15:15-18

Bakit nilusob ni Menahem si Tipsa at lahat ng naroroon?

Nilusob ni Menahem si Tipsa at lahat ng naroroon dahil hindi nila ibinukas ang lungsod sa kaniya.

2 Kings 15:19-24

Paanong nalikom ni Menahem ang 36,000 kilo ng pilak para ibigay kay Pul?

Nalikom ni Menahem ang 36,000 kilo ng pilak sa pag-uutos sa bawat mayayaman na magbayad ng 600 gramo ng pilak sa kaniya.

2 Kings 15:25-28

Sino ang pumatay kay Pekakias?

Si Peka ang pumatay kay Pekakias.

2 Kings 15:29-33

Bakit nagbuo ng isang sabwatan si Hosea laban kay Peka?

Nagbuo ng isang sabwatan si Hosea laban kay Peka dahil dumating si Tiglat Pileser hari ng Asiria at sinakop ang maraming lungsod.

2 Kings 15:34-38

Kaninong halimbawa ang sinunod ni Jotam?

Sinunod ni Jotam ang halimbawa ng kaniyang ama, si Uzzias.

2 Kings 16

2 Kings 16:3-4

Ano ang ginawa ni Ahaz sa kaniyang anak?

Sinunog ni Ahaz ang kaniyang anak bilang handog na susunugin, ayon sa nakakasuklam na kaugalian ng mga bansa.

2 Kings 16:5-6

Anong hindi nagawa ni Resin noong nilusob niya ang Jerusalem?

Noong nilusob niya ang Jerusalem, hindi niya nagapi si Ahaz.

2 Kings 16:7-9

Anong regalo ang ibinigay ni Ahaz sa hari ng Asiria?

Kinuha ni Ahaz ang mga pilak at ginto sa tahanan ni Yahweh at kasama ng yaman ng palasyo ng hari, at pinadala ito bilang isang regalo sa hari ng Asiria.

2 Kings 16:10-12

Anong altar ang gustong ipagaya ni Ahaz kay Urias?

Gustong ipagaya ni Ahaz ang altar ng Damasco.

2 Kings 16:13-14

Sino ang gumawa sa kaniyang handog na susunugin at kaniyang handog na butil?

Ang hari ang gumawa ng kaniyang handog na susunugin at kaniyang handog na butil.

2 Kings 16:15-16

Ano ang layunin ng tansong altar?

Ang tansong altar ay para sa paghingi ng tulong sa Diyos ni Ahaz.

2 Kings 16:17-20

Bakit inalis ni Ahaz ang may bubong na daanan na kanilang itinayo sa templo para sa araw ng Pamamahinga, kasama ang pasukan ng hari sa labas ng templo ni Yahweh?

Inalis ni Ahaz ang may bubong na daanan na kanilang itinayo sa templo para sa araw ng Pamamahinga, kasama ang pasukan ng hari sa labas ng templo ni Yahweh, dahil sa hari ng Asiria.

2 Kings 17

2 Kings 17:1-3

Ano ang ginawa ni Hosea nang siya ay naging lingkod ni Salmaneser?

Si Hosea ay naging lingkod niya at nagbigay sa kaniya ng buwis.

2 Kings 17:4-6

Paanong nagbabalak si Hosea laban kay Salmaneser?

Si Hosea ay nagbabalak laban kay Salmaneser, dahil nagsugo si Hosea ng mga mensahero kay So, hari ng Egipto.

2 Kings 17:7-10

Bakit nangyari ang pagkakabihag?

Ang pagkakabihag ay nangyari dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh kanilang Diyos.

2 Kings 17:11-12

Ano ang sinabi ni Yahweh na kailangang hindi gawin ng mga Israelita?

Sinabi ni Yahweh na hindi sila dapat sumamba sa diyus-diyosan.

2 Kings 17:13

Sino ang ginamit ni Yahweh para magpatunay sa Israel at Juda?

Ang bawat propeta at sugo ang ginamit ni Yahweh para magpatunay sa Israel at Juda.

2 Kings 17:14-15

Kanino inihahambing ang labis na pagmamatigas ng mga Israelita?

Ang labis na pagmamatigas ng mga Israelita ay katulad ng kanilang mga ninuno na hindi nagtiwala kay Yahweh ang kanilang Diyos.

2 Kings 17:16-20

Paanong ipinagbili ng mga Israelita ang kanilang mga sarili?

Pinagbili ng mga Israelita ang kanilang mga sarili sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.

2 Kings 17:21-23

Bakit inalis ni Yahweh ang Israel sa kaniyang paningin?

Sinunod ng mga Israelita ang mga kasalanan ni Jeroboam at hindi nilisan ang mga ito, kaya inalis ni Yahweh ang Israel mula sa kaniyang paningin.

2 Kings 17:24-26

Bakit nagsugo si Yahweh ng mga leon sa kalagitnaan ng bagong bayan sa Samaria?

Ang bayang nasa Samaria ay hindi pinarangalan si Yahweh, kaya isinugo niya ang mga leon sa kanilang kalagitnaan.

2 Kings 17:27-28

Ano ang itinuro ng pari sa mga bagong bayan sa Betel?

Tinuro sa kanila ng pari kung paano nila dapat parangalan si Yahweh.

2 Kings 17:29-31

Saan inilagay ang mga ginawang mga diyos ng bawat mga katutubo?

Ang bawat katutubo ay gumawa ng kanilang sariling mga diyos, at inilagay sila sa mga ginawang dambana ng mga Samaritano.

2 Kings 17:32-33

Maliban sa kanilang sariling mga diyos, sino ang pinararangalan ng mga bagong bayan ng Israel?

Ang mga bagong bayan ay pinarangalan din si Yahweh.

2 Kings 17:34-38

Paanong hindi napaparangalan ng mga bagong bayan sa Israel si Yahweh?

Ang mga bagong bayan ay hindi pinarangalan si Yahweh, dahil inutos niya na hindi dapat silang matakot sa ibang mga diyos.

2 Kings 17:39-41

Paanong ang bayan ay hindi nakinig kay Yahweh?

Hindi sila nakinig dahil patuloy nilang ginagawa ang ginawa nila noon.

2 Kings 18

2 Kings 18:4-8

Ano ang ginagawa ng bayan ng Israel sa tansong ahas na ginawa ni Moises?

Nagsusunog ng insenso ang bayan ng Israel sa tansong ahas na ginawa ni Moises.

2 Kings 18:9-10

Gaano katagal nilusob ni Salmaneser hari ng Asiria ang Samaria?

Nilusob ni Salmaneser hari ng Asiria ang Samaria ng tatlong taon.

2 Kings 18:11-12

Bakit dinala ng hari ng Asiria ang Israel bilang bihag sa Asiria?

Dinala ng hari ng Asiria ang Israel bilang bihag sa Asiria dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh na kanilang Diyos.

2 Kings 18:13-15

Mula saan kumuha si Hezekias ng pilak para ibigay sa hari ng Asiria?

Kumuha si Hezekias ng pilak na natagpuan sa tahanan ni Yahweh at sa mga ingatang yaman sa palasyo ng hari.

2 Kings 18:16-18

Mula saan tinawag nila Tartan at Rabsaris at punong tagapag-utos si Haring Hezekias?

Tinawag nila si Haring Hezekias mula sa padaluyan ng tubig sa itaas na tubigan, sa malawak na daanan ng lugar ng mga naglalaba.

2 Kings 18:19-21

Anong mangyayari kapag sinandalan ng isang tao ang Ehipto?

Kung sinandalan ng isang tao ang Ehipto, tutusok ito sa kaniyag kamay at bubutasin ito.

2 Kings 18:22-23

Anong alok ang ginawa ng hari ng Asiria?

Nag-alok ang hari ng Asiria na magbibigay siya ng dalawang libong kabayo, kung makakahanap si Hezekias ng mga sasakay sa mga ito.

2 Kings 18:24-25

Anong sinabi ni Yahweh na gawin ng hari ng Asiria?

Sinabi ni Yahweh sa hari ng Asiria na lusubin ang Juda at wasakin ito.

2 Kings 18:26-27

Sa anong wika hiniling na magsalita nila Eliakim, Sebna, at Joa ang punong tagapag-utos?

Hiniling nila Eliakim, Sebna, at Joa na magsalita ang punog tagapag-utos sa wikang Aramaic.

2 Kings 18:28-30

Sa anong wika sumigaw ang punong tagapag-utos?

Sumigaw ang punog tagapag-utos sa wika ng mga Judio.

2 Kings 18:31-35

Ano ang hahayaang gawin ng hari ng Asiria sa mga makikipagpayapaan sa kaniya?

Hahayaan niya silang kumain mula sa sarili nilang ubasan at mula sa sarili nilang puno ng igos, at uminom mula sa tubig ng sarili nilang balon.

2 Kings 18:36-37

Ano ang inutos ni Haring Hezekias?

Inutusan ng hari ang mga tao na huwag sagutin ang punong tagapag-utos.

2 Kings 19

2 Kings 19:1-2

Ano ang ginawa ni Haring Hezekias nang marinig niya ang ulat?

Nang marinig ni Haring Hezekias ang ulat, pinunit niya ang kaniyang damit, binalutan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at pumunta sa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 19:3-4

Ano ang sinabi ni Hezekias na dapat gawin ni Yahweh?

Sinabi ni Hezekias na dapat pakinggan ni Yahweh ang lahat ng mga salita ni Rabsake at maaaring sawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh.

2 Kings 19:5-9

Anong gagawin ni Yahweh para pahintuin ang hari ng Asiria?

Maglalagay si Yahweh ng espiritu sa kaniya, at makaririnig ang hari ng isang ulat at babalik sa sarili niyang lupain.

2 Kings 19:10-13

Ayon kay Senaquerib, sa paanong paraan nilinlang ng Diyos si Hezekias?

Ayon kay Senaquerib, nilinlang ng Diyos si Hezekias sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi mapapasakamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.

2 Kings 19:14-18

Saan nilatag ni Hezekias ang liham na mula sa mga mensahero?

Nilatag ni Hezekias ang liham na mula sa mga mensahero sa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 19:19

Bakit dapat iligtas ni Yahweh ang bayan ng Juda?

Dapat iligtas ni Yahweh ang bayan ng Juda para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na si Yahweh lamang ang Diyos.

2 Kings 19:20-22

Laban kanino itinaas ng hari ng Asiria ang kaniyang tinig?

Itinaas ng hari ng Asiria ang kaniyang tinig laban sa Banal ng Israel!

2 Kings 19:23-24

Sino ang nagsabi na tinuyot niya ang lahat ng mga ilog sa Ehipto sa ilalim ng kaniyang talampakan?

Si Senaquerib ang nagsabi na tinuyot niya ang lahat ng mga ilog sa Ehipto sa ilalim ng kaniyang talampakan.

2 Kings 19:25-26

Sino ang nagtakda ng matagal nang panahon na gumuho sa tipak ang mga matitibay na lungsod?

Si Yahweh ang nagtakda ng matagal nang panahon na gumuho sa tipak ang matitibay na lungsod.

2 Kings 19:27-28

Ano ang ilalagay ni Yahweh sa ilong ni Senaquerib?

Ilalagay ni Yahweh ang kaniyang kawit sa ilong ni Senaquerib.

2 Kings 19:29-31

Ano ang magiging tanda para kay Hezekias?

Ang magiging tanda ay ang panahon na kakainin ng bayan ng Juda ang mga ligaw na halaman, at sa ikalawang taon kung ano ang tumutubo mula roon.

2 Kings 19:32-34

Bakit ipagtatanggol ni Yahweh ang Jerusalem?

Ipagtatanggol ni Yahweh ang Jerusalem para sa sarili niyang kapakanan at para sa kapakanan ng lingkod niyang si David.

2 Kings 19:35-37

Paano ipinagtanggol ni Yahweh ang Jerusalem?

Lumabas si Yahweh at nilusob ang kampo ng mga taga-Asiria, pinatay ang 185,000 na mga sundalo.

2 Kings 20

2 Kings 20:1-3

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Hezekias dahil mamamatay na siya?

Sinabi ni Yahweh kay Hezekias na ayusin ang kaniyang sambahayan dahil mamamatay na siya.

2 Kings 20:4-5

Bakit pagagalingin na ni Yahweh si Hezekias?

Pagagalingin na niya si Hezekias dahil narinig ni Yahweh ang panalangin ni Hezekias at nakita ang kaniyang mga luha.

2 Kings 20:6-9

Paano gumaling si Hezekias?

Nilagyan ang kaniyang pigsa ng pamahid mula sa igos, at gumaling siya.

2 Kings 20:10-11

Paano binago ni Yahweh ang anino?

Binalik ni Yahweh ang anino ng sampung hakbang pabalik, mula sa pinaggalawan nito sa hagdan ni Ahaz.

2 Kings 20:12-15

Ano ang ipinakita ni Hezekias sa mga mensahero na mula sa hari ng Babilonia?

Ipinakita ni Hezekias ang lahat ng nasa kaniyang tahanan at kaharian.

2 Kings 20:16-18

Ano ang mangyayari sa mga anak na manggagaling kay Hezekias?

Kukunin ng bayan ng Babilonia ang mga anak mula sa kaniya, at magiging eunoko sila sa palasyo ng hari ng Babilonia.

2 Kings 20:19-21

Bakit inakala ni Hezekias na mabuti ang mensahe ni Yahweh?

Inakala ni Hezekias na mabuti ang mensahe ni Yahweh dahil magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan sa kaniyang panahon.

2 Kings 21

2 Kings 21:1-3

Ano ang muling itinayo ni Manasses?

Muling itinayo ni Manasses ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias.

2 Kings 21:4-6

Kanino kumonsulta si Manasses?

Kumonsulta siya sa mga nakipag-usap sa mga patay at sa mga nakipag-usap sa mga espiritu.

2 Kings 21:7-9

Ano ang inilagay ni Manasses sa tahanan ni Yahweh?

Inilagay ni Manasses ang inukit na imahe ni Asera na kaniyang ginawa sa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 21:10-12

Sino ang dinaig ni Manasses sa paggawa ng masama?

Dinaig ni Manasses sa paggawa ng masama ang mga Amorita na nauna sa kaniya.

2 Kings 21:13-15

Bakit magiging biktima at mga samsam ang mga nalabi para sa kanilang mga kalaban?

Magiging biktima at nasamsam ang mga nalabi para sa kanilang mga kalaban dahil ginawa nila ang masama sa paningin ni Yahweh, at pinukaw siyang magalit.

2 Kings 21:16-20

Gaano karaming inosenteng dugo ang pinadanak ni Manasses?

Labis na inosenteng dugo ang kaniyang pinadanak na pinuno niya ang Jerusalem ng patay mula sa magkabilang dulo.

2 Kings 21:21-23

Paano namatay si Amon?

Nagbalak ang mga lingkod ni Amon laban sa kaniya at pinatay ang hari sa sarili niyang tahanan.

2 Kings 21:24-26

Saan inilibing si Amon?

Inilibing ng mga tao si Amon sa kaniyang puntod sa hardin ni Uza.

2 Kings 22

2 Kings 22:1-2

Paano lumakad si Josias?

Lumakad si Josias sa lahat ng pamamaraan ni David ang kaniyang ninuno, at hindi siya lumiko sa kanan man o sa kaliwa.

2 Kings 22:3-5

Ano ang nais ni Josias na ibigay ni Hilkias sa mga manggagawa na nasa tahanan ni Yahweh?

Nais ni Josias na ibigay ni Hilkias sa mga manggagawa na nasa tahanan ni Yahweh ang pera na dinala sa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 22:6-7

Bakit walang pagbibigay-sulit ang kinailangan para sa pera na ibinigay sa mga manggagawa?

Walang pagbibigay-sulit ang kinailangan para sa pera na ibinigay sa mga manggagawa, dahil tapat nila itong hinawakan.

2 Kings 22:8-10

Ano ang natagpuan ni Hilkias sa tahanan ni Yahweh?

Natagpuan ni Hilkias ang Aklat ng Batas sa tahanan ni Yahweh.

2 Kings 22:11-13

Nang narinig ng hari ang mga salita ng batas, ano ang ginawa niya?

Nang narinig ng hari ang mga salita ng batas, pinunit niya ang kaniyang mga damit.

2 Kings 22:14-16

Saan nanirahan si Hulda?

Nanirahan si Hulda sa Jerusalem sa ikalawang purok.

2 Kings 22:17-19

Bakit nakinig si Yahweh sa hari ng Juda?

Nakinig si Yahweh sa hari ng Juda dahil malambot ang kaniyang puso, at dahil ipinakumbaba niya ang kaniyang sarili sa harap ni Yahweh, at dahil pinunit niya ang kaniyang mga damit at nanangis sa harap ni Yahweh.

2 Kings 22:20

Ano ang hindi makikita ng mga mata ng hari ng Juda?

Hindi makikita ng kaniyang mga mata ang anuman sa mga sakuna na dadalhin ni Yahweh sa lugar at sa mga naninirahan dito.

2 Kings 23

2 Kings 23:1-2

Sa kaninong pandinig binasa ng hari lahat ng mga salita ng aklat ng tipan?

Binasa ng hari lahat ng mga salita ng aklat ng tipan sa pandinig ng lahat ng mga lalaki ng Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at ang mga pari, mga propeta, at lahat ng mga tao, mula sa hamak hanggang sa dakila.

2 Kings 23:3

Ano ang sinang-ayunang gawin ng lahat ng mga tao?

Sumang-ayon ang lahat ng mga tao na panindigan ang tipan.

2 Kings 23:4-5

Ano ang sinunog ng hari sa labas ng Jerusalem sa mga bukid sa Lambak ng Kidron?

Sinunog ng hari lahat ng mga sisidlan na ginawa para kay Baal at Asera, at para sa lahat ng mga bituin ng langit sa labas ng Jerusalem sa mga bukid sa Lambak ng Kidron.

2 Kings 23:6-7

Anong mga silid ang inalisan ng mga gamit ng hari?

Inalisan ng gamit ng hari ang mga silid ng mga lalaking bayaran na nasa templo ni Yahweh.

2 Kings 23:8-9

Saan pinahintulutang kumain ng tinapay na walang pampaalsa ang mga pari ng mga dambanang iyon kung saan sinunog ang mga insenso?

Ang mga pari ng mga dambanang iyon kung saan sinunog ang insenso ay pinahintulutang kumain ng tinapay na walang pampaalsa sa Jerusalem.

2 Kings 23:10-11

Nasaan ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw?

Ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw ay nasa isang lugar sa pasukan patungo sa templo ni Yahweh, malapit sa silid ni Natan Melec.

2 Kings 23:12-14

Sino ang nagtayo ng Bundok ng Katiwalian?

Itinayo ni Solomon hari ng Israel ang Bundok ng Katiwalian.

2 Kings 23:15-16

Bakit nagsunog ng mga buto si Josias sa altar sa Betel?

Nagsunog siya ng mga buto sa altar para lapastanganin ito.

2 Kings 23:17-20

Kaninong kalansay ang hindi ginalaw ni Josias?

Hindi ginalaw ni Josias ang mga kalansay ng lingkod ng Diyos na nanggaling sa Juda at ng propeta na nanggaling sa Samaria.

2 Kings 23:21-23

Gaano katagal hindi idinaos ang gayong pagdiriwang ng Paskwa?

Ang gayong pagdiriwang ng Paskwa ay hindi idinaos mula ng mga araw ng mga hukom na namahala sa Israel, ni sa lahat ng mga araw ng mga hari ng Israel o Juda.

2 Kings 23:24-25

Paano itinalaga ni Josias ang kaniyang sarili kay Yahweh?

Itinalaga ni Josias ang kaniyang sarili kay Yahweh nang kaniyang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas.

2 Kings 23:26-27

Mula saan hindi bumaling si Yahweh?

Hindi bumaling si Yahweh mula sa bangis ng kaniyang matinding galit.

2 Kings 23:28-30

Sino ang lumaban sa hari ng Asiria sa Ilog Eufrates?

Nilabanan ni Faraon Neco, hari ng Ehipto, ang hari ng Asiria sa Ilog Eufrates.

2 Kings 23:31-33

Bakit ikinadena ni Faraon Neco si Jehoahaz sa Ribla sa lupain ng Hamat?

Ikinadena siya ni Faraon Neco sa Ribla sa lupain ng Hamat, para hindi siya makapaghari sa Jerusalem.

2 Kings 23:34-37

Paano natamo ni Jehoiakim ang pera para bayaran ang Faraon?

Binuwisan ni Jehoiakim ang lupain para ibayad ang pera, para ibayad kay Faraon.

2 Kings 24

2 Kings 24:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod ang mga propeta?

Sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod ang mga propeta na wawasakin ang Juda ng mga pangkat ng mga Caldean, Arameo, Moabita, at Amonita.

2 Kings 24:3-6

Ano ang hindi mapatawad ni Yahweh?

Hindi mapatawad ni Yahweh na pinuno ni Manases ang Jerusalem ng dugo ng mga inosente.

2 Kings 24:7-9

Bakit hindi na muling sumalakay ang hari ng Ehipto sa labas ng kaniyang lupain?

Hindi na muling sumalakay ang hari ng Ehipto sa labas ng kaniyang lupain, dahil sinakop na ng hari ng Babilonia ang lahat ng mga lupain na hawak ng hari ng Ehipto.

2 Kings 24:10-12

Kailan binihag ni Nebucadnezar si Jehoiakin?

Binihag ni Nebucadnezar si Jehoiakin sa ika-walong taon ng paghahari ni Nebucadnezar.

2 Kings 24:13-14

Sino ang naiwan sa lupain?

Ang mga pinakamahihirap lamang ang naiwan sa lupain.

2 Kings 24:15-20

Sa anong pangalan ipinalit ng hari ng Babilonia ang pangalan ni Matanias?

Pinalitan ng hari ng Babilonia ang pangalan ni Matanias sa Zedekias.

2 Kings 25

2 Kings 25:1-3

Bakit walang pagkain para sa bayan ng lupain?

Napakatindi ng taggutom sa lungsod kung kaya't walang pagkain para sa bayan ng lupain.

2 Kings 25:4-5

Saan tumakas ang lahat ng mga mandirigma?

Lahat ng mga mandirigma ay tumakas sa gabi sa daanan ng tarangkahan sa pagitan ng dalawang pader, sa may hardin ng hari.

2 Kings 25:6-7

Ano ang nangyari kay Zedekias matapos patayin ang kaniyang mga anak na lalaki?

Matapos patayin ang mga anak na lalaki ni Zedekias, dinukit ng mga Caldean ang kaniyang mga mata, ginapos siya sa mga tansong tanikala, at dinala siya sa Babilonia.

2 Kings 25:8-10

Sino ang nagwasak ng lahat ng mga pader sa paligid ng Jerusalem?

Winasak ng lahat ng hukbo ng mga Babilonia na nasa ilalim ng pinuno ng mga tanod ang lahat ng mga pader sa paligid sa Jerusalem.

2 Kings 25:11-15

Bakit iniwan ng tanod ang ilan sa pinakamahihirap sa lupain?

Iniwan ng tanod ang ilan sa pinakamahihirap ng lupain para gumawa sa mga ubasan at mga bukid.

2 Kings 25:16-19

Gaano karaming tanso ang nasa dalawang haligi?

Ang dalawang haligi ay naglalaman ng tanso na higit pa kaysa kayang timbangin.

2 Kings 25:20-21

Ano ang ginawa ng hari ng Babilonia sa mga taong binihag ng pinuno ng tanod?

Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia.

2 Kings 25:22-24

Sino ang itinalaga ni Nebucadnezar para mamahala sa mga taong nanatili sa lupain ng Juda?

Itinalaga ni Nebucadnezar si Gedalias para mamahala sa kanila.

2 Kings 25:25-26

Bakit pumunta sa Ehipto ang lahat ng mga tao at ang mga pinuno ng mga kawal?

Pumunta sa Ehipto ang lahat ng mga tao at ang mga pinuno ng mga kawal dahil natatakot sila sa mga taga-Babilonia.

2 Kings 25:27

Kailan pinalaya si Jehoiakin mula sa kulungan?

Pinalaya si Jehoiakin mula sa kulungan sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagkakatapon kay Jehoiakin, sa taon na nagsimulang maghari si Evil Merodac.

2 Kings 25:28-30

Anong pagkain ang kinain ni Jehoiakin?

Regular na kumain si Jehoiakin sa hapag kainan ng hari sa nalalabing bahagi ng kanyang buhay. At binigyan siya araw-araw ng regular na rasyon ng pagkain para sa nalalabing bahagi ng kaniyang buhay.