2 Timothy
2 Timothy 1
2 Timothy 1:1-2
Paano naging apostol ni Cristo si Pablo?
Naging apostol ni Cristo si Pablo ayon sa kalooban ng Diyos.
Ano ang kaugnayan sa pagitan ni Pablo at Timoteo?
Anak ni Pablo sa espiritwal si Timoteo.
2 Timothy 1:3-5
Nang inalala ni Pablo si Timoteo sa kanyang mga panalangin, ano ang kinasasabik ni pablong gawin?
Nasasabik si Pablo na makita si Timoteo.
Sino pa ang may matapat na pananampalataya sa pamilya ni Timoteo bago ginawa ni Timoteo?
Ang lola ni Timoteo at kaniyang ina ay parehong may matapat na pananampalataya.
2 Timothy 1:6-7
Anong klase ng espiritu ang ibinigay ng Diyos kay Timoteo?
Binigyan ng Diyos si Timoteo ng espiritu ng kapangyarihan, at pag-ibig at disiplina.
2 Timothy 1:8-11
Ano ang sinabi ni Pablo kay Timoteo na huwag niyang gagawin?
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na huwag ikahiya ang patotoo tungkol sa Panginoon.
Sa halip, ano ang sinabi ni Pablo kay Timoteo na gagawin niya?
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na sa halip ay makibahagi sa pagdurusa para sa ebanghelyo.
Kailan ibinigay sa atin ang plano at biyaya ng Diyos?
Ibinigay sa atin ang plano at biyaya ng Diyos bago pa ang pasimula ng panahon.
Paano ipinahayag ng Diyos ang plano niya ng kaligtasan?
Ang planong kaligtasan ng Diyos ay naihayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating tagapagligtas na si Cristo-Jesus.
Nang nagpakita si Jesus, ano ang kaniyang ginawa patungkol sa kamatayan at buhay?
Sinira ni Jesus ang kamatayan, at nagdala ng buhay na hindi nagwawakas sa pamamagitan ng ebanghelyo.
2 Timothy 1:12-14
Hindi ikinahiya ni Pablo ang ebanghelyo, dahil siya ay nakatitiyak na may kakayahan ang Diyos na gawin para sa kaniya ang ano?
Nakatitiyak si Pablo na ang Diyos ay may kakayahang panatilihin ang anumang ipinagkatiwala ni Pablo sa Diyos hanggang sa araw na iyon.
Ano ang gagawin ni Timoteo sa mabuting bagay na ipinagkatiwala sa kaniya?
Babantayan ni Timoteo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ang mga mabuting bagay na ipinagkatiwala sa kaniya ng Diyos.
2 Timothy 1:15-18
Ano ang ginawa ng lahat na taga-Asya na kasama ni Pablo sa kaniya?
Lahat na taga-Asya ay tumalikod mula kay Pablo.
Bakit hiniling ni Pablo sa Panginoon na pagkalooban niya ng habag ang sambahayan ni Onisiforo?
Hiniling ni Pablo sa Panginoon na pagkalooban niya ng habag ang sambahayan ni Onisiforo dahil tinulungan ni Onisiforo si Pablo sa maraming paraan.
2 Timothy 2
2 Timothy 2:1-2
Ano ang relasyon sa pagitan nina Pablo at Timoteo?
Anak ni Pablo sa espiritwal si Timoteo.
Kanino ipagkakatiwala ni Timoteo ang mensaheng tinuro sa kaniya ni Pablo?
Ipagkakatiwala ni Timoteo ang mensahe sa mga matapat na tao na may kakayahang magturo din sa iba.
2 Timothy 2:3-7
Bilang isang pagsasalarawan para kay Timoteo,sinabi ni Pablo na ang isang mabuting sundalo ay hindi itatali ang kaniyang sarili sa ano?
Ang isang mabuting sundalo ay hindi dapat nakatali ang kaniyang sarili sa mga suliranin ng buhay na ito.
2 Timothy 2:8-10
Habang nagsusulat siya kay Timoteo, sa anong kalagayan nagdurusa si Pablo para sa kaniyang pangangaral ng salita ng Diyos?
Si Pablo ay nagdurusa sa pagkakakadena na parang isang kriminal.
Ano ang sinabi ni Pablo na hindi nakakadena?
Ang salita ng Diyos ay hindi nakakadena.
Bakit tinitiis ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito?
Tinitiis ni Pablo ang lahat ng mga bagay para sa mga pinili ng Diyos, kanilang matamo ang kaligtasang na kay Cristo Jesus.
2 Timothy 2:11-13
Ano ang ipinangako ni Cristo sa mga nagtitiis?
Ang mga nagtitiis ay maghahari kasama si Cristo.
Ano ang babala ni Cristo sa mga nagtatanggi sa kanya?
Ang mga tumatanggi kay Cristo ay itatanggi din niya.
2 Timothy 2:14-15
Patungkol saan dapat balaan ni Timoteo ang mga tao na huwag makipag-away?
Nararapat balaan ni Timoteo ang mga tao na huwag makipag-away patungkol sa mga salita, na kung saan ay walang anumang mapapakinabangan.
2 Timothy 2:16-18
Dalawang lalaking nalihis mula sa katotohanan, tinuturo ang anong bulaang aral?
Tinuturo nila na ang muling pagkabuhay ay nangyari na.
2 Timothy 2:19-21
Paano ihahanda ng mga mananampalataya ang kanilang mga sarili para sa bawat mabuting gawa?
Ang mga mananampalataya ay lilinisin ang kanilang mga sarili mula sa kahiya-hiyang pagkagamit, ilalaan ang kanilang mga sarili para sa bawat mabuting gawa.
2 Timothy 2:22-23
Mula saan lalayo si Timoteo ?
Si Timoteo ay lalayo sa mga makalamang pagnanasa ng kabataan.
2 Timothy 2:24-26
Anong klaseng pag-uugali ang dapat taglay ng isang lingkod ng Panginoon?
Ang isang lingkod ng Panginoon ay dapat marahan, may kakayahang magturo, matiyaga, sa kababaang-loob na nagtuturo sa mga sumasalungat sa kaniya.
Ano ang ginawa ng diyablo sa mga hindi mananampalataya?
Binitag ng diyablo at binihag ang mga mananampalataya para sa kanyang kalooban.
2 Timothy 3
2 Timothy 3:1-4
Ano ang sinasabi ni Pablo na darating sa mga huling araw?
Sinasabi ni Pablo na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan. [3:1]
Sa mga huling araw, ano ang tatlong bagay na iibigin ng mga tao sa halip na ang Diyos?
Sa mga huling araw, ay iibigin ng mga tao ang kanilang mga sarili, iibigin ang salapi, at iibigin ang kalayawan sa halip na ang Diyios. [3:2-4]
2 Timothy 3:5-7
Ano ang sinasabi ni Pablo kay Timoteo na gawin sa mga taong ang pagka-makadiyos ay anyo lamang?
Sinasabi ni Pablo kay Timoteo na lumayo mula sa mga taong ang pagkamakadiyos ay anyo lamang. [3:5]
Ano ang ginagawa ng mga taong ito na mga hindi makadiyos?
Ilan sa mga taong hindi makadiyos ay pumupunta sa mga bahay-bahay at inaakit ang mga babaeng natatangay ng iba't-ibang pagnanasa. [3:6]
2 Timothy 3:8-9
Paanong naging katulad ang mga taong hindi mananampalataya Janes at Jambres sa Lumang Tipan?
Itong mga taong hindi nananampalataya ay mga bulaang guro na sumasalungat sa katotohanan tulad ni Janes at Jambres. [3:8]
2 Timothy 3:10-13
Sa halip na ang mga bulaang guro, sino ang sinunod ni Timoteo?
Sinunod ni Tiimoteo si Pablo [3:10-11]
Saan sinagip ng Panginoon si Pablo?
Sinagip ng Panginoon si Pablo sa lahat ng kanyang pagkaka-usig . [3:11]
Ano ang sinasabi ni Pablo na mangyayari sa Lahat ng gustong mamuhay sa makadiyos na pag-uugali?
Sinasabi ni Pablo sa lahat ng gustong mamuhay ng makadiyos kay Cristo Jesus ay mauusig.[3:12]
Ano ang lalala sa mga huling mga araw?
Ang masasamang tao at mapag-paimbabaw ay mas lalong lalala sa mga huling araw.[3:13]
2 Timothy 3:14-15
Mula sa anong kapanahunan sa buhay ni Timoteo na kanyang nalalaman ang sagradong kasulatan?
Nalaman ni Timoteo ang sagradong kasulatan mula pa sa kanyang pagkabata.[3:15]
2 Timothy 3:16-17
Paano ibinigay ang lahat ng Kasulatan sa mga tao?
Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos. [3:16]
Sa ano kapakipakinabang ang lahat ng Kasulatan?
Ang lahat ng kasulatan ay kapakipakinabang sa pangangaral, sa pagsaway, pagtatama sa mali, at pagsasanay sa katuwiran.. [3:16]
Ano ang layunin ng pagsasanay sa kasulatan ng isang tao?
Ang taong sinasanay sa kasulatan ay upang magkaroon siya ng kakayahan, at mabigyan ng kasangkapan sa lahat ng mabuting gawa. [3:17]
2 Timothy 4
2 Timothy 4:1-2
Sinu-sino ang hahatulan ni Jesu Cristo?
Si Jesu-Cristo ang hukom ng mga buhay at ng mga patay. (4:1)
Ano ang mataimtim na iniutos ni Pablo kay Timoteo na gawin?
Taimtim na iniutos ni Pablo kay Timoteo na ipangaral ang Salita. (4:2)
2 Timothy 4:3-5
Nagbabala si Pablo na darating ang panahon na kapag gagawin ng tao ang ano?
Ang mga tao ay hindi makakatiis sa mga totoong aral ngunit makikinig sa mga katuruang umaayon sa kanilang mga pagnanais. (4:3)
Anong gawain at tungkulin ang naibagay kay Timoteo na gawin?
Si Timoteo ay nabigyan ng gawain at tungkulin ng isang ebanghelista. (4:5)
2 Timothy 4:6-8
Anong panahon ang sinabi ni Pablo na dumating na sa kaniyang buhay?
Sinabi ni Pablo na ang panahon ng kaniyang pag-alis ay dumating na. (4:6)
Anong gantimpala ang sinabi ni Pablo na matatanggap ng sinumang nagpapakita ng pag-ibig kay Cristo?
Sinabi ni Pablo na lahat ng sinumang nagpapakita ng pag-ibig kay Cristo ay makakatanggap ng korona ng katuwiran. (4:8)
2 Timothy 4:9-10
Bakit iniwan ni Demas si Pablo?
Iniwan ni Demas si Pablo dahil iniibig niya ang kasalukuyang mundong ito. (4:10)
2 Timothy 4:11-13
Sino ang nag-iisang kasamahan ni Pablo na nanatiling kasama niya?
Si Lucas lamang ang nanatiling kasama niya. (4:11)
2 Timothy 4:14-16
Sinabi ni Pablo na ang taong tumututol sa kaniya ay gagantimpalaan batay sa?
Sinabi ni Pablo na ang taong tumututol sa kaniya ay gagantimpalaan batay sa kaniyang mga gawa. (4:14)
Alin sa mga tao na kasama ni Pablo ang tumayo sa una niyang pagtatanggol?
Sa unang pagtatanggol ni Pablo, walang taong tumayo na kasama ni Pablo. (4:16)
2 Timothy 4:17-22
Sino ang tumayong kasama ni Pablo sa kaniyang unang pagtatanggol?
Sa unang pagtatanggol, tumayo ang Panginoon kasama ni Pablo. (4:17)