Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 John

1 John 1

1 John 1:1-2

Ano ang sinasabi ni Juan mula sa simula?

Sinasabi ni Juan na ang Salita ng buhay ay mula sa simula.

Sa anong paraan nalaman ni Juan ang tungkol sa Salita ng buhay?

Napakinggan ni Juan, nakita, binulay-bulay at nahawakan ang Salita ng buhay.

Nasaan ang Salita ng buhay bago ito naihayag kay Juan?

Ang Salita ng buhay ay nasa piling ng Ama bago ito naihayag kay Juan.

1 John 1:3-4

Bakit ipinapahayag ni Juan kung ano ang kanyang nakita at narinig?

Ipinapahayag ni Juan kung ano ang kanyang nakita at narinig nang sa gayon ang iba ay maaaring magkaroon din ng pakikisama sa kanya.

Kanino mayroong pakikipagsamahan si Juan?

Si Juan ay mayroon ng pakikipagsamahan sa Ama at sa kanyang Anak, na si Jesu-Cristo.

1 John 1:5-7

Anong mensahe mula sa Diyos ang ipinapahayag ni Juan sa kanyang mambabasa?

Ipinapahayag ni Juan ang mensahe na ang Diyos ay liwanag, at sa kanya ay walang anumang kadiliman.

Ano ang sinasabi ni Juan tungkol sa isang tao na nagsasabi na mayroon siyang pakikisama sa Diyos, pero lumalakad naman sa kadiliman?

Sinasabi ni Juan na ang taong iyon ay isang sinungaling at hindi namumuhay sa katotohanan.

Para sa mga lumalakad sa liwanag, ano ang naglilinis sa lahat ng kanilang kasalanan?

Ang dugo ni Jesus ang naglilinis sa lahat ng kanilang kasalanan.

1 John 1:8-10

Ano ang sinasabi ni Juan tungkol sa isang tao na nagsasabi na wala siyang kasalanan?

Sinasabi ni Juan na dinadaya ng taong iyon ang kanyang sarili at ang katotohanan ay wala sa kanya.

Ano ang gagawin ng Diyos sa mga umaamin ng kanilang mga kasalanan?

Sa kanilang umaamin ng kanilang mga kasalanan, patatawarin sila ng Diyos at liliinisin sila sa lahat ng kanilang kasamaan.

1 John 2

1 John 2:1-3

Para kaninong mga kasalanan ang naging sakripisyo ni Jesu-Cristo?

Ang naging sakripisyo ni Jesu-Cristo ay para sa mga kasalanan ng buong mundo.

Paano natin malalaman kung kilala natin si Jesu-Cristo?

Alam natin kung kilala natin si Jesu-Cristo kung sinusunod natin ang kaniyang mga utos.

1 John 2:4-8

Anong uri ng tao ang sinumang nagsasabi na kilala niya ang Diyos, pero hindi niya iniingatan ang mga utos ng Diyos?

Ang sinumang nagsasabi na kilala niya ang Diyos, pero hindi iniingatan ang mga utos ng Diyos, ay isang sinungaling.

Paano dapat lumakad ang isang mananampalataya?

Ang isang mananampalataya ay dapat lumakad katulad ng paglakad ni Jesu-Cristo.

1 John 2:9-11

Ano ang espirituwal na kalagayan ng isang nagsasabi na siya ay nasa liwanag, pero namumuhi sa kaniyang kapatid?

Ang isang nagsasabi na siya ay nasa liwanag, pero namumuhi sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman.

1 John 2:12-14

Bakit pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng mga mananampalataya?

Pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng mga mananampalataya dahil sa pangalan ni Cristo.

1 John 2:15-17

Ano ang sinasabi ni Juan hinggil sa dapat maging pag-uugali ng mananampalataya sa mga bagay ng mundo?

Sinasabi niya na ang mananampalataya ay hindi dapat umibig sa mundo o ang mga bagay na nasa mundo.

Ano ang tatlong bagay sa mundo na pinangalanan ni Juan na hindi nagmumula sa Ama?

Pinangalanan niya ang pita ng laman, pita ng mata, at ang walang kabuluhang kaluwalhatian ng buhay dito sa mundo ay hindi sa Ama nagmumula.

1 John 2:18-21

Paano sinabi ni Juan na alam niya na ito na ang huling oras?

Sinabi niya na alam niya na ito na ang huling oras dahil maraming anti-cristo na ang dumating.

Sino ang sinasabi ni Juan na darating?

Sinasabi niya na ang anti-cristo ay darating.

1 John 2:22-23

Ano ang gagawin ng anti-cristo na magbibigay kakayahan sa atin na makilala siya?

Ikakaila ng anti-cristo ang Ama at ang Anak.

Maaari bang ang isang tao na kinakaila ang Anak ay mapasakanya ang Ama?

Hindi, sinumang nagkakaila sa Anak ay hindi mapapasakanya ang Ama.

1 John 2:24-26

Ano ang sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na gawin para manatili sila sa Anak at sa Ama?

Sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na manatili sa kung ano ang kanilang narinig mula pa sa simula.

Anong pangako ang ibinigay ng Diyos sa mga mananampalataya?

Ipinangako ng Diyos sa mga mananampalataya ang buhay na walang hanggan.

1 John 2:27-29

Anong pag-uugali na mayroon ang mga nananatili sa Anak kapag nagpakita si Cristo sa kanyang pagdating?

Ang mga nananatili sa Anak ay magkakaroon ng katapangan at hindi mahihiya kapag nagpakita si Cristo sa kanyang pagdating.

1 John 3

1 John 3:1-3

Ano ang ipinagkaloob ng Ama sa mga mananampalataya dahil sa kaniyang pag-ibig?

Ipinagkaloob ng Ama sa kanila ang pangalang mga anak ng Diyos.

Ano ang mangyayari sa mga mananampalataya kapag nagpakita si Cristo?

Kapag si Cristo ay nagpakita, ang mga mananampalataya ay magiging katulad ni Cristo, at makikita siya bilang siya.

Ano ang ginagawa ng bawat mananampalataya na umaasa kay Cristo patungkol sa kaniyang sarili?

Ang bawat mananampalataya na umaasa kay Cristo ay nnililinis ang kaniyang sarili.

1 John 3:4-6

Ano ang wala kay Cristo sa kaniyang sarili?

Si Cristo ay walang kasalanan sa kaniyang sarili.

Ano ang relasyon sa Diyos ng isang sinuman na nagpapatuloy sa kasalanan?

Ang sinumang nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi pa nakita si Cristo, ni nakilala siya.

1 John 3:7-8

Sa anong dahilan nahayag ang Anak ng Diyos?

Ang Anak ng Dioys ay nahayag upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

1 John 3:9-10

Paano mahahayag ang bawat isa sa mga anak ng Diyos at bawat isa sa mga anak ng diyablo?

Ang mga anak ng Diyos ay mahahayag habang sila ay gumagawa ng matuwid, at ang mga anak ng diyablo ay mahahayag habang sila ay nagkakasala.

1 John 3:11-12

Paano ipinakita ni Cain na siya ay anak ng masama?

Ipinakita ni Cain na siya ay anak ng masama nang pinatay niya ang kaniyang kapatid.

1 John 3:13-15

Ano ang sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na huwag pagtakhan?

Sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na huwag pagtakhan na kinapopootan sila ng mundo.

Anong pag-uugali sa mga mananampalataya ang nagpapakita na ang isang tao ay anak ng Diyos?

Ang pag-uugali ng pagmamahal sa mga mananampalataya ang nagpapakita na ang isang tao ay anak ng Dios.

1 John 3:16-18

Paano natin malalaman kung ano ang pag-ibig?

Alam natin kung ano ang pag-ibig dahil inalay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin.

Kapag ang isang kapatid ay may pangangailangan, paano ipinapakita ng isang kapatid ang kaniyang pag-ibig sa Diyos?

Kapag ang isang kapatid ay nangangailangan, ipinapakita ng isang mananampalataya ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanya ng mga kalakal ng mundo.

1 John 3:19-22

Kapag nagpapakita ang isang mananampalataya ng pag-ibig ng Diyos sa gawa at katotohanan, ano ang makakamit niya sa kaniyang sarili?

Kapag ang isang mananampalataya ay nagpapakita ng pag-ibig ng Diyos sa gawa at katotohanan, magkakaroon siya sa kaniyang sariling katiyakan at pagtitiwala sa Diyos.

1 John 3:23-24

Anong utos mula sa Diyos ang ipinaalala ni Juan sa mga mananampalataya?

Ipinaalala ni Juan sa mga mananampalataya ang kautusan ng Diyos na maniwala sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang isa't isa.

Ano ang ibinigay ng Diyos sa mga mananampalataya para malaman nila na ang Diyos ay nanatili sa kanila?

Ibinigay ng Diyos sa mga mananampalataya ang Espiritu para malaman nila ang Diyos na nananatili sa kanila.

1 John 4

1 John 4:1-3

Bakit nagbibigay babala si Juan sa mga mananampalataya na huwag maniwala sa bawat espiritu?

Nagbibigay babala si Juan sa mga mananampalataya dahil sa marami nang mga bulaang propeta na nagsilabasan sa mundo.

Paano mo makikilala kung ang nagsasalita ay ang Espiritu ng Diyos?

Ang bawat espiritu na pinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman ay sa Diyos.

Anong espiritu ang hindi pinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman?

Ang espiritu ng anti-cristo na hindi pinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman.

1 John 4:4-6

Sino ang sinabi ni Juan na mas makapangyarihan na espiritu?

Ang mas makapangyarihan na espiritu ay ang nasa mananampalataya, mas higit kaysa sa mga espiritu ng mundo.

1 John 4:7-8

Ano ang ginagawa ng mga mananampalataya, na nagpapakitang kilala nila ang Diyos, at maging katulad sa kaniya?

Ang mga mananampalataya ay minamahal ang bawat isa, na nagpapakita na kilala nila ang Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig.

1 John 4:9-14

Paano ipinahayag ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin?

Ipinahayag ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang kaisa-isang Anak sa mundo.

Sa anong layunin isinugo ng Ama ang kaniyang Anak?

Sinugo ng Ama ang kaniyang Anak nang sa gayon magkaroon tayo ng buhay sa kanya.

1 John 4:15-16

Ano ang ipinapahayag ng mga totoong mga mananampalataya tungkol kay Jesus?

Ang mga totoong mananampalataya ay ipinapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos.

1 John 4:17-18

Sila na nananatili sa pag-ibig at sa Diyos ay magkakaroon ng anong pag-uugali sa araw ng paghuhukom?

Sila na mga nananatili sa pag-ibig at sa Diyos ay magkakaroon ng katiyakan sa araw ng paghuhukom.

1 John 4:19-21

Paano tayo nagkaroon ng kakayanan na magmahal?

Nagmamahal tayo dahil ang Diyos ang unang nagmahal sa atin.

Anong relasyon sa Diyos nang sinumang namumuhi sa kaniyang kapatid?

Sinomang kinamumuhian ang kaniyang kapatid ay hindi kayang ibigin ang Diyos.

Siya na nagmamahal sa Diyos ay dapat din magmahal kanino?

Siya na nagmamahal sa Diyos ay dapat din magmahal sa kaniyang kapatid.

1 John 5

1 John 5:1-3

Paano natin ipapakita na mahal natin ang Diyos?

Ipinapakita natin na mahal natin ang Diyos kapag sinusunod natin ang kaniyang mga utos.

1 John 5:4-5

Ano ang pagwawagi na napagtagumpayan na ang mundo?

Ang ating pananampalataya ay ang pagwawagi na napagtagumpayan na ang mundo.

1 John 5:6-8

Sa pamamagitan ng anong dalawang bagay naparito si Jesu-Cristo?

Si Jesu-Cristo ay dumating sa pamamagitan ng tubig at sa pamamagitan ng dugo.

Aling tatlong bagay ang nagbibigay patotoo kay Jesu-Cristo?

Ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo ay lahat nagpapatotoo kay Jesu-Cristo.

1 John 5:9-10

Ano ang ginagawa sa Diyos ng mga hindi naniniwala sa patotoo ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak?

Ang sinumang hindi naniniwala sa patotoo ng Diyos patungkol sa kanyang Anak ay ginagawang sinungaling ang Diyos.

1 John 5:11-12

Ano ang ibinigay sa atin ng Diyos sa kaniyang Anak?

Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan sa kaniyang Anak.

1 John 5:13-15

Anong katiyakang mayroon ang mga mananampalataya sa harapan ng Diyos?

Ang mga mananampalataya ay mayroong katiyakan na kung hihingi sila nang anuman na ayon sa kaniyang kalooban ng Diyos, siya'y nakikinig sa kanila.

1 John 5:16-17

Ano ang dapat gawin ng isang mananampalataya na nakikita ang kaniyang kapatid na gumagawa ng kasalanan na hindi hahantong sa kamatayan?

Ang isang mananampalataya na nakikita ang kaniyang kapatid na gumagawa ng kasalanan na hindi hahantong sa kamatayan ay dapat manalangin na bigyang buhay ng Diyos ang kaniyang kapatid.

Ano ang lahat ng pagka hindi matuwid?

Ang lahat ng pagka hindi matuwid ay kasalanan.

1 John 5:18-19

Saan nakapailalim ang buong mundo?

Ang buong mundo ay nakapailalim sa masama.

1 John 5:20-21

Sino ang tunay Diyos?

Ang tunay Diyos ay ang Ama ni Jesu-Cristo.

Mula saan dapat pag-ingatan ng mga mananampalataya ang kanilang mga sarili?

Ang mga mananampalataya ay dapat ingatan ang kanilang mga sarili mula sa mga diyus-diyosan.