Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 Thessalonians

1 Thessalonians 1

1 Thessalonians 1:2-3

Ano ang laging naaalala ni Pablo sa Diyos patungkol sa mga taga-Tesalonica?

Laging naaalala ni pablo ang gawa sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, ang kanilang pagpapagal sa pag-big, at kanilang pagtitiyaga may pagtitiwala . [1:3]

1 Thessalonians 1:4-5

Sa anong apat na paraan dumating ang ebanghelyo sa mga taga-Tesalonica?

Ang ebanghelyo ay dumating sa mga taga-tesalonica sa pamamagitan ng salita, ngunit gayon din sa kapangyarihan, sa Banal na Espiritu, at sa lubos na katiyakan [1:5]

1 Thessalonians 1:6-10

Ano ang nangyayari sa mga taga-Tesalonica nang kanilang matanggap ang salita ng ebanghelyo?

Tinanggap ng mga taga-Tesalonica ang salita sa matinding paghihirap. [1:6]

Ano ang pag-uugali ang mayroon ang mga taga-Taalonica nang kanilang natanggap ang salita ng ebanghelyo?

Tinanggap ng mga taga-Tesalonica ang salita sa ng may kagalakan mula sa Banal na Espitu. [1:6]

1 Thessalonians 2

1 Thessalonians 2:1-2

Paano pinakitunguhan si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan bago dumating sa mga taga-Tesalonica?

Si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay nagdusa at itinuring na kahiya-hiya.

1 Thessalonians 2:3-4

Sino ang ninanais ni Pablo na mabigyan ng kaluguran sa kaniyang pangangaral ng ebanghelyo?

Ninanais ni Pablo na mabigyan ng kaluguran ay ang Diyos sa kaniyang pangangaral ng ebanghelyo.

1 Thessalonians 2:5-6

Ano ang ayaw gawin ni Pablo sa kanyang pangangaral ng ebanghelyo?

Hindi gumamit si Pablo ng matamis na pananalita ni hinanap ang kaluwalhatiang galing sa tao

1 Thessalonians 2:7-9

Paano pinakitunguhan ni Pablo ang mga taga-Tesalonica nang siya ay kasama nila?

Si Pablo ay mahinahon sa mga taga-Tesalonica tulad ng isang ina o ama sa kanilang sariling mga anak.

Ano ang ginawa ni Pablo at ng kaniyang mga kasama upang hindi sila maging pabigat sa mga taga-Tesalonica?

Si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay nagtatrabaho araw at gabi para hindi maging pabigat sa mga taga-Tesalonica.

1 Thessalonians 2:10-12

Ano ang sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica sa kanilang dapat na paglakad?

Sinabihan ni Pablo ang mga taga-Tesalonica na silay lumakad ng karapat dapat sa Diyos na siyang tumawag sa kanila sa kaniyang kaluwalhatian at kaharian.

1 Thessalonians 2:13

Sa anong klase ng salita tinanggap ng mga taga-Tesalonica ang mensahe na ipinangaral ni Pablo?

Tinanggap ng mga taga-Tesalonica ang mensahe bilang salita ng Diyos, hindi bilang salita ng tao.

1 Thessalonians 2:14-16

Ano ang hindi kinaluguran ng Diyos sa ginawa ng mga Judio na hindi mananampalataya.

Pinag-uusig ng mga hindi mananampalatayang Judio ang mga iglesiya sa Judea, pinatay nila si Jesus, at ang mga propeta, pinalayas si Pablo, at pinagbawalan siya na magsalita sa mga Gentil.

1 Thessalonians 2:17-20

Bakit hindi nagawang pumunta ni Pablo sa mga taga-Tesalonica kahit na yan ang kaniyang kahilingan?

Hindi nagawang pumunta ni Pablo dahil siya'y hinadlangan ni Satanas.

Sa ano ituturing ni Pablo ang mga taga-Tesalonica sa pagbabalik ng Panginoon?

Ang mga taga-Tesalonica ay ituturing ni Pablo, na pag-asa kagalakan at korona ng kaluwalhatian sa pagbabalik ng Panginoon.

1 Thessalonians 3

1 Thessalonians 3:1-3

Ano ang ginawa ni Pablo kahit na maiwan siya sa Atenas?

Ipinadala ni Pablo si Timoteo upang palakasin at aliwin ang mga mananampalataya sa Tesalonica. (3:1-2)

Para sa ano ang sinabi ni Pablo na siya ay hinirang?

Sinabi ni Pablo na siya ay hinirang para magdusa. (3:3)

1 Thessalonians 3:4-5

Tungkol saan nababahala si Pablo na may kinalaman sa mga taga-Tesalonica?

Si Pablo ay nababahala na ang manunukso ay maaaring tinukso sila at ang kaniyang pagtatrabaho ay nawalan ng kabuluhan. (3:5)

1 Thessalonians 3:6-7

Ano ang nagpaaliw kay Pablo nang si Timoteo ay bumalik mula sa Tesalonica?

Si Pablo ay naaaliw nang marinig ang magandang balita ng pananampalataya at pag-ibig ng mga taga-Tesalonica, at sila ay nasasabik na makita siya. (3:6-7)

1 Thessalonians 3:8-10

Sinabi ni Pablo na siya ay mabubuhay kung ang mga taga-Tesalonica ay gagawin ang ano?

Sinabi ni Pablo na siya ay mabubuhay kung ang mga taga-Tesalonica ay mananatiling matatag sa Panginoon. (3:8)

Ano ang ipinapanalangin ni Pablo sa gabi at araw?

Ipinapanalangin ni Pablo sa gabi at araw na kaniyang makita ang mga taga-Tesalonica at maipagkaloob kung ano ang kulang sa kanilang pananampalataya. (3:10)

1 Thessalonians 3:11-13

Ano ang hiling ni Pablo na maparami at mapasagana ng mga taga-Tesalonica?

Hinihiling ni Pablo na ang mga taga-Tesalonica ay magparami at magpasagana sa pag-ibig sa bawat isa at sa lahat ng tao. (3:12)

Sa anong pangyayari ang gusto ni Pablo na maging handa ang mga taga-Tesalonica sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pusong walang kapintasan at banal?

Gusto ni Pablo na ang mga taga-Tesalonica ay maging handa sa pagdating ng Panginoong Jesus kasama ang lahat ng kaniyang banal. (3:13)

1 Thessalonians 4

1 Thessalonians 4:1-2

Ano ang nais ni Pablo na gawin ng mga taga-Tesalonica sa mga tagubilin na binigay niya sa kanila patungkol sa kung paano sila lumakad, at magbigay lugod sa Diyos?

Gusto ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na magpatuloy sila na lumakad at maging kalugod-lugod sa Diyos at higit pa.

1 Thessalonians 4:3-6

Ano ang sinabi ni Pablo na kalooban ng Diyos sa mga taga-Tesalonica?

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na ang kalooban ng Diyos ay ang kanilang pagpapakabanal.

Paano pakitunguhan ng asawang lalaki ang kanilang mga asawang babae?

Pakitunguhan ng asawang lalaki ng may kabanalan at karangalan ang kanilang mga asawa babae.

Ano ang dapat gawin sa isang kapatid na lalaki na nagkasala sa bagay na seksuwal na imoral?

Ang Panginoon ang maghihiganti sa isang kapatid na lalaki na nagkasala sa seksuwal na imoralidad.

1 Thessalonians 4:7-8

Sino ang tinanggihan ng tao na tumatanggi tawag ng kabanalan?

Ang isang tao na tumanggi sa tawag ng kabanalan ay tumatanggi sa Diyos

1 Thessalonians 4:9-12

Ano ang ginagawa ng mga taga-Tesalonica na nais ni Pablo na mas lalo pa nilang gawin?

Gusto ni Pablo na ang mga tagaTesalonica ay lalong magmahalan sa isat -isa.

Ano ang gagawin ng Taga-Tesalonica upang sila ay lalakad ng maayos sa harapan ng mga hindi mananampalataya at hindi nangangailangan ng anuman?

Ang mga taga-Tesalonca ay dapat maging matahimik, gawin ang sariling mga gawain, at magtrabaho sa kanilang mga kamay.

1 Thessalonians 4:13-15

Tungkol sa anong paksa na ang mga taga-Tesalonica ay posibleng nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan?

Posibleng ang mga taga-Tesalonica ay may maling pagkakaunawa patungkol sa nangyari sa mga namatay na.

Ano ang gagawin ng Diyos sa kanila na nangatulog kay Cristo?

Dadalhin ng Diyos kasama ni Jesus ang mga nangatulog kay Cristo.

1 Thessalonians 4:16-18

Paano bababa ang Panginoon mula sa langit?

Ang Panginoon ay bababang mula sa langit na may isang sigaw at may trumpeta ng Diyos.

Sino ang unang babangon, at pagkatapos sino ang babangon na kasama nila?

Ang mga namatay kay Cristo ang unang babangon, pagkatapos silang mga nanatiling buhay ay aagawin papaitaas kasama nila.

Sino ang sasalubungin ng mga binuhay, at gaano katagal?

Ang mga binuhay ay sasalubong sa Panginoon sa alapaap, at pagkatapos palagian ng makakasama ang Panginoon.

Ano ang sinabi ni Pablo sa taga-Tesalonica na gagawin nila sa kaniyang katuruan patungkol sa mga namatay na?

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na mag-aliwan sa isat-isa sa pamamagitan ng kaniyang mga salita.

1 Thessalonians 5

1 Thessalonians 5:1-3

Paano sinabi ni Pablo na ang araw ng Panginoon ay darating?

Sinabi ni Pablo na ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw sa gabi.

Ano ang sasabihin ng ilang tao nang biglang darating sa kanila ang pagkawasak?

Ang ilang mga tao ay magsasabing, "Mapayapa at ligtas."

1 Thessalonians 5:4-7

Bakit sinabi ni Pablo na ang araw ng Panginoon ay hindi dapat lampasan ang mga mananampalataya tulad ng isang magnanakaw?

Dahil ang mga mananampalataya ay wala sa kadiliman, ngunit mga anak ng liwanag, Sila ay hindi lalampasan ng araw ng Panginoon tulad ng isang magnanakaw.

Ano ang sinasabi ni Pablo na gagawin ng mga mananampalataya patungkol sa darating na araw ng Panginoon?

Sinasabi ni Pablo sa mga mananampalataya na magbantay at maging matino.

1 Thessalonians 5:8-11

Ano ang sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na gawin nila patungkol sa darating na araw ng Panginoon?

Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na magbantay at maging matino, at isuot ang pananampalataya, pag-ibig, at pag-asa.

Para saan itinadhana ng Diyos ang mga mananampalataya?

Itinadhana ng Diyos ang mga mananampalataya para sa kaligtasan sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.

1 Thessalonians 5:12-14

Anong pag-uugali ang sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na dapat taglay nila ukol sa mga nakatataas sa kanila sa Panginoon?

Sinabi ni Pablo na dapat silang pasalamatan at pag-ukulan ng lubos na pag-ibig.

1 Thessalonians 5:15-18

Ano ang sinabi ni Pablo na huwag gagawin ng sinuman kapag ginawan sila ng masama?

Sinabi ni Pablo na walang sinuman ang gaganti ng masama kapag ginawan sila ng masama.

Ano ang sinabi ni Pablo na kailangang gawin ng mga mananampalataya sa lahat ng bagay, at bakit?

Sinabi ni Pablo na kailangang magpasalamat ang mga mananampalataya sa lahat ng bagay dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa kanila.

1 Thessalonians 5:19-22

Anong mga tagubilin ang ibinigay ni Pablo sa mga mananampalataya tungkol sa mga propesiya?

Pinagbilinan ni Pablo ang mga mananampalataya na huwag hamakin ang mga propesiya, at subukin ang lahat ng mga bagay, panghawakan kung ang mabuti.

1 Thessalonians 5:23-24

Ano ang ipinapanalangin ni Pablo na gagawin ng Diyos para sa mga mananampalataya?

Ipinapanalangin ni Pablo na pabanalin ng Diyos ang mga mananampalataya ng lubusan sa espiritu, kaluluwa at katawan.

1 Thessalonians 5:25-28

Ano ang ipinapanalangin ni Pablo na nais na kasama ng mga mananampalataya?

Ipinanalangin ni Pablo na ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay nasa mga mananampalataya.