Jude
Jude 1
Jude 1:1-2
Kaninong lingkod si Judas?
Si Judas ay lingkod ni Jesu-Cristo.
Sino ang kapatid ni Judas?
Si Judas ang kapatid ni Santiago.
Para kanino sumulat si Judas?
Siya ay sumulat para sa mga tinawag, minamahal ng Diyos Ama at pinapanatili kay Jesu-Cristo.
Ano ang gusto ni Judas na dumami sa kaniyang mga sinulatan?
Gusto ni Judas na ang awa, kapayapaan at pag-ibig ay dumami.
Jude 1:3-4
Tungkol sa ano ang unang gustong isulat ni Judas?
Gusto ni Judas na sumulat tungkol sa kanilang pangkalahatang kaligtasan.
Tungkol sa ano talaga ang isinulat ni Judas?
Si Judas ay talagang sumulat tungkol sa pangangailangan na pagsikapan ang pananampalataya ng mga mananampalataya.
Paano pumunta ang ibang nahatulan at hindi maka-diyos na mga tao?
Ang ibang nahatulan at hindi maka-diyos na mga tao ay nagpunta ng patago.
Ano ang ginawa ng mga nahatulan at hindi maka-diyos na mga tao?
Pinalitan nila ang biyaya ng Diyos sa kahalayan at itinanggi si Jesu-Cristo.
Jude 1:5-6
Mula saan minsang iniligtas ng Panginoon ang mga tao?
Ang Panginoon ay iniligtas sila mula sa lupain ng Ehipto.
Ano ang ginawa ng Panginoon sa mga taong hindi naniwala?
Winasak ng Panginoon ang mga taong hindi naniwala.
Ano ang ginawa ng Panginoon sa mga anghel na umalis sa kanilang nararapat na lugar?
Ang Panginoon ay inilagay sila sa tanikala sa kadiliman para hatulan.
Jude 1:7-8
Ano ang ginawa ng Sodom, Gomorrah at ng mga lungsod sa paligid nito?
Sila ay nangalunya at sila ay sumunod sa hindi likas na pagnanasa.
Katulad ng Sodom, Gomorrah, at ng lungsod sa paligid nila, ano ang ginawa ng mga nahatulan at ng hindi maka-diyos na mga tao?
Dinumihan nila ang kanilang mga katawan sa kanilang panaginip, inayawan ang may kapangyarihan, at nagsalita ng masasamang mga bagay.
Jude 1:9-11
Ano ang sinabi ng arkanghel na si Micael sa demonyo?
Sinabi ng arkanghel na si Micael na, "Sawayin ka nawa ng Panginoon!"
Jude 1:12-13
Para kanino walang kahihiyang nagmamalasakit ang mga nahatulan at hindi maka-diyos na mga tao?
Sila'y walang kahihiyan na nagmamalasakit sa kanilang sarili.
Jude 1:14-16
Kanino isasagawa ng Panginoon ang paghatol?
Isasagawa ng Panginoon ang paghatol sa lahat ng mga tao.
Pang-ilan sa linya si Enoch mula kay Adan?
Si Enoc ay ika-pito sa linya mula kay Adan.
Sinu-sino ang mga hindi maka-diyos na hahatulan?
Ang mga bumubulong-bulong, mga mareklamo, ang mga sumusunod sa kanilang masasamang pagnanasa, maingay na mga hambog, at ang mga nagpupuri para sa kanilang personal na kapakinabangan ay ang mga taong hindi maka-diyos na hahatulan.
Jude 1:17-19
Sino ang nagsalita sa nakaraan tungkol sa mga nangungutya?
Ang mga apostol ng Panginoong Jesu-Cristo ang nagsalita sa nakaraan tungkol sa mga nangungutya.
Ano ang totoo tungkol sa mga nangungutya na sumusunod sa kanilang sariling hindi maka-diyos na pagnanasa, na nagdudulot ng pagkabaha-bahagi at kahalayan?
Wala silang Banal na Espiritu.
Jude 1:20-21
Paano tinataguyod ng mga minamahal ang kanilang mga sarili at sa pagdarasal?
Ang mga minamahal ay tinataguyod ang kanilang mga sarili sa kanilang pinakabanal na pananampalataya, at sa pananalangin sa Banal na Espiritu.
Ano ang pananatilihin ng mga minamahal sa kanilang sarili at hahanapin?
Pananatilihin ng mga minamahal ang kanilang sarili sa loob at pagsaliksik sa pag-ibig ng Diyos, at sa awa ng Panginoong Jesu-Cristo.
Jude 1:22-23
Sinu-sino ang dapat kaawaan at iligtas ng minamahal?
Ang minamahal ay dapat magkaroon ng awa at iligtas ang mga nag-aalinlangan o ang mayroong kasuotan na nabahiran ng laman, at ang mga nasa apoy.
Jude 1:24-25
Ano ang kayang gawin ng Diyos na kanilang tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na kanilang Panginoon?
Ang Diyos ay may kakayahan na ilayo sila mula sa pagkakatisod at ilagay sila sa presensya ng kaniyang kaluwalhatian ng walang dungis.
Kailan nagtaglay ng kaluwalhatian ang Diyos?
Ang Diyos ay nagtaglay ng kaluwalhatian bago sa lahat ng panahon, ngayon at magpakailanman.