Nehemiah
Nehemiah 1
Nehemiah 1:1-2
Sino ang sumulat ng aklat ng Nehemias?
Si Nehemias na anak ni Hacalias ang sumulat ng aklat ng Nehemias.
Kailan tinanong ni Nehemias si Hanani at ang ilang mga tao mula sa Juda tungkol sa mga Hudio na tumakas, ang nalalabi ng mga Judio na naroon, at tungkol sa Jerusalem?
Kaniyang tinanong sila sa buwan ng Kislev, sa ikadalawampung taon.
Nehemiah 1:3
Ano ang tugon nina Hanani at ng iba mga tao mula sa Juda?
Tumugon sila na ang mga nanatili sa lalawigan ay nasa matinding kahirapan at kahihiyan dahil ang pader ng Jerusalem at mga tarangkahan nito ay nasira at nasunog.
Nehemiah 1:4-5
Ano ang ginawa ni Nehemias nang kaniyang narinig ang tungkol sa kalagayan ng Jerusalem?
Siya ay umupo at umiyak, at ilang araw na patuloy sa pagdadalamhati, pag-aayuno at pananalangin.
Ano ang ipinagtapat ni Nehemias habang nananalangin sa harapan ng Diyos ng langit?
Ipinagtapat ni Nehemias ang mga kasalanan ng mga tao ng Israel at ang kaniyang mga kasalanan at mga kasalanan ng kaniyang pamilya. Sinabi ni Nehemias na sila ay kumilos ng masama laban kay Yahweh at hindi sinunod ang kaniyang mga utos, batas at ang mga kautusan na inutos ni Yahweh kay Moises.
Ano ang hiningi ni Nehemias habang nananalangin sa harapan ng Diyos ng langit?
Kaniyang hiningi kay Yahweh na makinig sa kaniyang panalangin: naalalahanin ni Yahweh ang inutos niya kay Moises, pinangako para tipunin ang nagkalat na Israelita kung sila ay babalik sa kaniya at susunod sa kaniyang mga utos at si Yahweh ay magbibigay ng katagumpayan at ipagkakaloob ang kaniyang habag.
Nehemiah 1:6-7
Ano ang ipinagtapat ni Nehemias habang nananalangin sa harapan ng Diyos ng langit?
Ipinagtapat ni Nehemias ang mga kasalanan ng mga tao ng Israel at ang kaniyang mga kasalanan at mga kasalanan ng kaniyang pamilya. Sinabi ni Nehemias na sila ay kumilos ng labis na kasamaan laban kay Yahweh at hindi iningatan ang kaniyang mga utos, batas at ang mga kautusan na inutos ni Yahweh kay Moises.
Nehemiah 1:8-9
Ano ang hiniling ni Nehemias habang nananalangin sa harap ng Diyos ng langit?
Kaniyang hiniling na si Yahweh ay makinig sa kaniyang panalangin: na si Yahweh ay isipin ang salita na kaniyang inutos kay Moises, pinapangako na titipunin ang mga nagkalat na Israelita kung sila ay babalik sa kaniya at susundin at gagawin ang kaniyang mga kautusan at si Yahweh ay magbibigay ng tagumpay at ipagkakaloob ang habag sa kaniya
Nehemiah 1:10-11
Para kanino naglilingkod si Nehemias bilang tagapagdala ng kopa?
Si Nehemias ay naglilingkod bilang tagapagdala ng kopa sa hari.
Ano ang hiniling ni Nehemias habang nanalangin sa diyos ng langit?
Kaniyang hiniling kay Yahweh na makinig sa kaniyang panalangin: iynag si Yahweh na amngyaring isipin ang salita na kaniyang inutos kay Moises, pinangako para tipunin ang nagkalat na Israelita kung sila ay babalik sa kaniya at susunid sa kaniyang mga utos at si Yahweh ay magbibigay ng tagumpay at ipagkakaloob ang kaniyang habag.
Nehemiah 2
Nehemiah 2:1-2
Sa anong petsa nagbigay ng alak sa hari si Nehemias, habang siya ay malungkot?
Kaniyang binigay ito sa hari sa buwan ng Nisan, sa ikadalawangpung taon ni Artaxerxes.
Nehemiah 2:3
Bakit malungkot si Nehemias?
Siya ay malungkot dahil ang lungsod ay nawasak at mga tarangkahan nito ay nasira.
Nehemiah 2:4-8
Nang tinanong ng hari si Nehemias sa nais niyang gawin, ano nag ginawa ni Nehemias?
Si Nehemias ay nanalangin sa Diyos ng kalangitan.
Ano ang nais ni Nehemias na ibigay ng hari para pahintulutang niyang gawin?
Si Nehemias ay nagnanais ng kapahintulutan mula sa hari na pumunta sa Juda para maitayo muli ang lungsod.
Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay na kay Nehemias, ano ang pinagkaloob ng hari sa kaniya?
Ang hari ay ipinagkaloob kay Nehemias ang kaniyang kahilingan upang ipadala siya sa Juda para itayo muli ang lungsod, para ibigay sa kaniya ang mga liham upang pahintulutan para dumaan sa lupain ng mga gobernador, at upang ibigay ang isang liham para kay Asaf para bigyan si Nhemiah ng troso sa pagtayo
Nehemiah 2:9-10
Nang ang hari ay pinadala si Nehemias kasama ang mga opisyal ng hukbo at mangangabayo, bakit sina Sanballat at Tobias ay nayamot?
Sila ay nayamot sa isang tao na dumating na naghahanap upang tulungan ang bayan ng Israel.
Nehemiah 2:11-16
Nang si Nehemias ay bumangon nung gabi, sino ang kaniyang sinabihan sa kung ano ang nilagay ng Diyos sa kaniyang puso para sa Jesusalem
Si Nehemias ay walang sinabihan na sinoman kung ano ang nilagay ng Diyos sa kaniyang puso para gawin sa Jerusalem.
Nehemiah 2:17-18
Nang sabihan ni Nehemias ang mga pinuno, Judio, pari at ang mga maharlika, sa mga natira na nagtrabaho na ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa kaniya at tungkol sa mga salita ng hari na sinabi sa kaniya, ano ang kanilang sinabi at ginawa?
Kanilang sinabi na sila ay babangon at magtatayo, at kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay para sa mabubuting gawain.
Nehemiah 2:19-20
Paano tumugon si Nehemias kay Sanballat, Tobias, at Gesem nung kanilang narinig ang tungkol sa gawain, at hinamak at nilait ang mga manggagawa?
Si Nehemias ay tumugon sa pagsasabi na ang Diyos ay bibigyan sila ng tagumpay, na sila ay mga lingkod ng Diyos, at sina Sanballat,Tobias, at Gesem ay walang bahagi, walang karapatan, at walang makasaysayang pinanghahawakan sa Jerusalem.
Nehemiah 3
Nehemiah 3:1-2
Sino ang nagtayo at ginawang banal ang Tarangkahan ng Tupa?
Si Eliasib kasama ang kaniyang kapatirang pari ang nagtayo ng Tarangkahan ng mga Tupa.
Nehemiah 3:3-5
Sino ang nagtayo ng Tarangkahan ng mga Isda?
Ang mga anak ni Hassenaa ang nagtayo ng Tarangkahan ng mga Isda.
Kaninong mga pinuno ang tumanggi na gumawa ng gawain na inutos ng kanilang mga tagapangasiwa?
Ang mga pinuno ng mga taga-Tekoa ang tumangging gumawa ng gawain.
Nehemiah 3:6-7
Sino ang nag-ayos ng Lumang Tarangkahan?
Sina Joiada at Mesullam ang nag-ayos ng Lumang Tarangkahan.
Nehemiah 3:8-10
Sino ang nag-ayos ng Jerusalem hanggang sa Malapad na Pader?
Sina Uziel at Hananias ang nag-ayos ng bahaging iyon sa Jerusalem.
Nehemiah 3:11-12
Sino ang nag-ayos ng isa pang bahagi sa Tore ng mga Pugon?
Si Malquias anak ni Harim at Hassub ang nag-ayos ng isa pang bahagi ng Tore ng mga Pugon.
Sino ang tumulong kay Sallum na ayusin ang mga Pader?
Kaniyang mga anak na babae ang tumulong sa kaniya.
Nehemiah 3:13
Sino ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Lambak hanggang saTarangkahan ng Dumi?
Sila Hanun at ang mga naninirahan sa Zanoa ang nag-ayos mula sa Tarangkahan ng Lambak hanggang sa Tarangkahan ng Dumi.
Nehemiah 3:14-15
Sino ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Dumi?
Si Malquias anak ni Recab ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Dumi.
Sino ang nag-ayos ng Bukal na Tarangkahan at ng Pader ng Paliguan sa Siloam?
Si Sallun ang nag-ayos ng Bukal na Tarangkahan at ng pader ng Paliguan sa Siloam.
Nehemiah 3:16-19
Sino ang nag-ayos mula sa lugar sa kabila mula sa mga libingan ni David hanggang sa bahay ng mga malakas na mga lalaki?
Si Nehemias, ang anak ni Azbuk ang nag-ayos ng bahaging iyon.
Nehemiah 3:20-21
Sino ang masigasig na nag-ayos mula sa tukod hanggang sa pinto ng bahay ni Eliasib na pinunong pari?
Si Baruch ang masigasig na nag-ayos nito.
Nehemiah 3:22-27
Aling bahagi ng Pader ang inayos nina Benjamin at Hassub?
Kanilang inayos ang katapat na bahagi ng kanilang sariling bahay.
Nehemiah 3:28-30
Sino ang gumawa ng pag-aayos sa bahaging itaas ng Tarangkahan ng mga Kabayo?
Ang mga pari ang nag-ayos ng bahaging iyon, bawat katapat ng kaniyang sariling bahay.
Nehemiah 3:31-32
Sino ang nag-ayos ng Pader sa pagitan ng itaas na pagbabago ng sulok at Tarangkahan ng mga Tupa?
Ang mga platero at ang mga mangangalakal ang nag-ayos ng bahaging iyon.
Nehemiah 4
Nehemiah 4:1-3
Sino ang kumutya sa mga Judio nang kanilang narinig na ang mga Judio ay nagtatayo ng pader?
Sina Sanbalat at Tobias ang kumutya sa mga Judio.
Nehemiah 4:4-6
Bakit hiniling ni Nehemias sa Diyos na huwag pagtakpan ang kasalanan nila Sanbalat at Tobias?
Hiniling ni Nehemias sa Diyos na huwag pagtakpan ang kanilang kasalanan dahil kinutya nila ang mga Judio at hinamon ang mga tagpagtayo sa galit.
Nehemiah 4:7-9
Nang sina Sanbalat, Tobias, ang mga taga-arabya, ang mga Ammonita, at ang mga asdod ay nagpunta para makipag-away laban sa Jerusalem, ano ang ginawa ng mga tagapagtayo at ng mga tao?
Sila ay nanalangin sa kanilang Diyos at naglagay ng isang bantay bilang tagapagtanggol.
Nehemiah 4:10-11
Pagkatapos sinabi ng mga tao sa Juda na ang kanilang lakas ay humihina, at sinabi ng kanilang mga kalaban na hindi makikita ng mga tao ang kanilang mga kalaban na dumarating, ano ang sinabi ni Nehemias sa mga tao?
Sinabi niya sa kanila na huwag matakot, isipin nila ang Panginoon, at lumaban para sa kanilang mga pamilya.
Nehemiah 4:12-14
Ano ang ginawa ni Nehemiah pagkatapos siya binalaan ng mga Judio sa mga paraan na ginagawa laban sa kanila?
Pagkatapos nalaman ni Nehemias ang mga paraan laban sa kanila, naglagay siya ng mga tao sa pinakamababang mga bahagi ng pader sa lantad na mga lugar. Nagpwesto siya ng bawat pamilya na mayroong mga sandata. Sinabi ni Nehemias sa mga tao na huwag matakot sa kanilang mga kalaban, alalahanin ang dakila at kamangha-manghang Panginoon, at lumaban para sa kanilang mga pamilya at mga tahanan.
Nehemiah 4:15-18
Bakit ang mga balak ng kalaban ay nalaman ng mga manggagawa?
Ang mga balak ay nalaman dahil binigo ng Diyos ang kanilang mga balak.
Ano ang pinagawa ni Nehemiah sa kaniyang mga lingkod?
Pinagawa ni Nehemias sa kalahati ng kaniyang mga lingkod ang pagtatayo muli ng pader at ang natitirang kalahati ay hinawakan ang kanilang mga sandata at nagsuot ng kalasag.
Nehemiah 4:19-20
Bakit sinabi ni Nehemias sa mga tao na sila ay dapat magmadali sa lugar kung saan nila narinig ang tunog ng trumpeta at magtipon doon?
Sinabi ni Nehemias sa mga tao iyon dahil ang mga manggagawa ay magkakahiwalay sa pader, malayo mula sa isa't-isa.
Nehemiah 4:21-23
Bakit hindi pumunta ang mga tao sa kanilang mga tahanan para matulog o magpalit ng kanilang mga damit?
Hindi sila pumunta sa kanilang mga tahanan o nagpalit ng kanilang mga damit para sila ay maaaring magpalipas ng gabi sa gitna ng Jerusalem, bilang bantay habang gabi at manggagawa sa araw.
Nehemiah 5
Nehemiah 5:1-5
Bakit sumigaw nang napakalakas ang mga lalaki at mga babae laban sa mga kapwa nila Judio?
Sumigaw sila dahil kinailangan nilang isanla ang kanilang ari-arian at ipagbili ang kanilang mga anak para sa pagkain, gayon pa man ang mga maharlika at mga opisyales ay naniningil ng tubo mula sa kanila.
Nehemiah 5:6-8
Kahit na muling binibili ng mga lalaki at babae mula sa pagkaalipin ang kanilang mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, ano ang ginagawa ng mga maharlika at mga opisyales?
Ipinagbibili nila ang kanilang mga kapatid na lalaki at babae, para maaari silang maipagbili muli sa ibang Judiong mga lalaki at babae.
Nehemiah 5:9-11
Bakit inutos ni Nehemias sa mga maharlika, opisyales at mga pari na ibalik ang mga bagay na siningil nila mula sa mga tao?
Inutos niya sa kanila na gawin iyon dahil sa ang mga ginagawa nila ay hindi mabuti, at itinutulak nila ang mga bansa na mga kalaban nila na hamakin sila.
Nehemiah 5:12-13
Paano tumugon ang mga maharlika, opisyales, at mga pari sa utos ni Nehemias?
Sinabi nila na gagawin nila tulad ng inutos niya, at sinabing "Amen," at pinuri si Yahweh.
Nehemiah 5:14-15
Bakit hindi kinuha ni Nehemias at ng kanyang kapatid ang pagkaing nakalaan para sa gobernador sa loob ng mga 12 taon na siya ay gobernador ng Juda?
Hindi niya ginawa ito dahil ang dating mga gobernador ay nagpatong ng mga mabibigat na pasanin sa mga tao, dahil may takot siya sa Diyos.
Nehemiah 5:16-17
Sinu-sino ang nagsikain sa mesa ni Nehemias?
Ang mga nagsikain sa mesa ni Nehemias ay ang mga Judio at mga opisyales, 150 lalaki, at pati na ang mga dumating kay Nehemias mula sa mga bansa na nakapaligid sa kanila.
Gaano karami ang pagkaing inihanda para kila Nehemias, kanyang mga lingkod, at sa150 ibang Judio at mga opisyales?
Isang baka, anim na tupa, at mga ibon ang inihanda araw-araw, at pati na alak tuwing sampung araw.
Nehemiah 5:18-19
Bakit hiningi ni Nehemias sa Diyos na alalahanin siya magpakailanman?
Hiningi niya sa Diyos na gawin ito dahil sa lahat ng nagawa ni Nehemias para sa mga tao.
Nehemiah 6
Nehemiah 6:1-2
Nang nagpadala sina Sanbalat at Gesem ng parehong mensahe nang apat na beses kay Nehemias pagkaraang itayo niya muli ang pader, ano ang sinagot ni Nehemias?
Sa bawat pagkakataon, sumagot si Nehemias na hindi siya makakapunta dahil sa may ginagawa siyang isang malaking gawain.
Nang hiniling nila Sanbalat, Tobias at Gesem kay Nehemias na makipagpulong sa kanila sa kapatagan ng Ono, ano ang kanilang balak?
Binalak nina Sanbalat, Tobias at Gesem na gawan ng masama si Nehemias.
Nehemiah 6:3-4
Paano tumugon si Nehemias sa mga kahilingan ng kanilang mga kalaban?
Nagpadala si Nehemias ng mga sugo sa kanila na nagsasabing, "Gumagawa ako ng isang malaking gawain at hindi ako makakababa. Bakit kailangang mahinto ang gawain habang iniiwan ko ito at bumababa sa inyo?
Nehemiah 6:5-7
Ano ang sinabi ni Sanbalat sa kanyang ika-limang mensahe?
Sinabi niya na lahat ng mga bansa ay nag-ulat na sina Nehemias at ang mga Judio ay nagbabalak na maghimagsik, at tiyak na maririnig ng hari ang mga ulat na ito.
Paano sumagot si Nehemias sa ika-limang mensahe ni Sanbalat?
Sumagot si Nehemias sa pamamagitan ng pagsasabing inimbento ni Sanbalat sa kanyang puso ang mga ulat.
Nehemiah 6:8-9
Ano ang idinalangin ni Nehemias nang napag-isipan niya na sinisikap nina Sanbalat at ng mga kalaban ng Judio na mapahinto ang gawain at takutin ang mga Judio?
Idinalangin ni Nehemias na palakasin ng Diyos ang kanyang mga kamay.
Nehemiah 6:10-11
Bakit tumanggi si Nehemias na makipagpulong kay Semaya, ang anak ni Delais, ang anak ni Mehetabel, sa templo?
Tumanggi si Nehemias dahil sa iniisip niya na ang isang lalaking tulad niya ay hindi dapat tumakbo para iligtas ang sarili niyang buhay.
Nehemiah 6:12-14
Ano sana ang nangyari kung pumasok si Nehemias sa templo?
Nagkasala sana siya, at pagkatapos nabigyan sana si Nehemias nina Tobias at Sanbalat ng isang masamang pangalan para hiyain siya.
Ano ang idinalangin ni Nehemias sa ikalawang pagkakataon?
Idinalangin niya na tandaan ng Diyos sina Tobias, Sanbalat , ang babaeng propetang si Noadias, at ang iba pang mga propeta na sinubukan siyang takutin.
Nehemiah 6:15-19
Bakit natakot ang mga kalaban ni Nehemias at bumagsak ang tiwala sa sarili nang natapos ang pader?
Natakot sila dahil sa alam nila na ang gawain ay ginawa sa tulong ng Diyos ng mga Judio.
Nehemiah 7
Nehemiah 7:1-2
Kailan binigay ni Nehemias sa kaniyang kapatid na si Hanani ang pamamahala sa Jerusalem?
Binigay ni Nehemias kay Hanani ang pamamahala sa Jerusalem pagkatapos niyang magawa ang pader, maitayo ang mga pinto, at maitalaga ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, mang-aawit, at mga Levita.
Bakit itinalaga ni Nehemias si Hanani?
Ginawa ito ni Nehemias dahil si Hanani ay isang tapat na tao at may takot sa Diyos higit pa kaysa sa marami.
Nehemiah 7:3-4
Kailan ba dapat bukas ang mga tarangkahan ng Jerusalem?
Ang mga tarangkahan ay dapat bukas kapag tirik na ang araw.
Bagama't ang lungsod ay malawak at malaki, mayroon bang mga tao at mga bahay sa loob nito?
Kakaunti lang ang mga tao sa lungsod, at walang mga bahay.
Nehemiah 7:5-63
Ano ang nilagay ng Diyos sa puso ni Nehemias na gawin?
Nilagay ng Diyos sa puso ni Nehemias na itala ang mga marangal, ang mga opisyales, at ang mga tao ayon sa kanilang mga pamilya.
Nehemiah 7:64-65
Ano ang ginawa sa mga pari na hindi matagpuan sa mga tala ng pagkakasunod-sunod ng mga lahi at ano ang pinagbawalan ng gobernador na gawin nila?
Ang mga pari na hindi matagpuan sa mga tala ng pagkakasunod-sunod ng lahi ay ibinukod mula sa pagkakapari at sinabi ng gobernador na hindi dapat sila kumain sa bahagi ng pagkain ng pari na mula sa mga handog.
Kailan makakasama muli sa kaparian ang mga pari na hindi mapatunayan ang kanilang lahi?
Maaari silang makasama kapag may dumating na pari na may Urim at Thumim.
Nehemiah 7:66-69
Gaano karami ang mga tao na nabilang sa pagtatala ng kapulungan?
Ang buong kapulungan ay may nabilang na 42,360 na mga tao.
Nehemiah 7:70-72
Sino ang nagbigay ng mga kaloob para sa gawain?
Ang ilan sa mga pinuno ng pamilya ng mga ninuno ang nagbigay ng mga kaloob, gaya ng ginawa ng mga natira sa mga tao.
Nehemiah 7:73
Kailan nanirahan ang mga pari, Levita, tagapagbantay ng tarangkahan, mangaawit, lingkod sa templo, at mga tao sa kanilang mga lungsod?
Nanirahan sila sa kanilang mga lungsod sa ika-pitong buwan.
Nehemiah 8
Nehemiah 8:1-3
Bakit ang mga tao ay nagtitipon-tipon mula sa unang araw ng ikapitong buwan hanggang katapusan ng buwan?
Ang mga tao ay nagtipon-tipon upang makinig sa aklat ng batas.
Sino ang mga nagtipon upang makinig sa aklat ng batas?
Ang mga lalaki at mga babae, at sinuman na nakakaunawa, nagtipon upang ito ay pakinggan.
Nehemiah 8:4-5
Sino ang nagbasa ng aklat ng batas ng Diyos?
Si Ezra, at mga iba na nasa tabi niya, at ang mga Levita ay nagbasa dito.
Nehemiah 8:6-8
Bakit si Ezra, at ang ibang mga katabi niya, at ang mga Levita ay kailangan ipaliwanag at ibigay ang kahulugan ng aklat?
Kailangan nila ipaliwanag at ibigay ang kahulugan upang ang mga tao ay maintindihan ang pagbabasa.
Nehemiah 8:9-12
Bakit ang lahat ng tao ay inutusan ni Nehemias, Ezra, at ang mga Levita na magdiwang ng may labis na kasiyahan at hindi mamighati at tumangis?
Sila ay inutusan na magdiwang kaysa mamighati at tumangis dahil ang araw ay banal kay Yahweh na kanilang Diyos at ang kasiyahan kay Yahweh ay ang kanilang lakas.
Nehemiah 8:13-15
Anong kaalaman ang natamo ng mga pinuno ng mga ninunong pamilya, mga pari, at ang mga Levita nang sila ay pumunta ng magkakasama upang matuto mula kay Ezra?
Natutunan nila na si Yahweh ay nag-utos sa mga tao ng Israel na tumira sa mga kubol habang kapistahan ng ikapitong buwan.
Nehemiah 8:16-18
Saan gumawa ang mga tao ng kanilang mga kubol upang ipagdiwang ang kapistahan?
Ang mga tao ay gumawa ng kanilang mga kubol sa kanilang mga bubongan, sa kanilang patyo, sa mga patyo sa bahay ng Diyos, sa liwasan sa Tarangkahan ng Tubig, at liwasan sa Tarangkahan ng Efraim.
Kailan ang huling pagkakataon na ang bayan ng Israel ay sumunod sa utos ni Yahweh na magdiwang ng kapistahan?
Ang huling pagkakataon na naipagdiwang ang kapistahan ay noong mga araw pa ni Josue ang anak na lalaki ni Nun.
Nehemiah 9
Nehemiah 9:1-4
Ano ang ginagawa ng bayan ng Israel na nagpulong, nag-ayuno, nagsuot ng telang sako, at naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo?
Ang mga tao ay nagtapat ng kanilang mga kasalanan at mga masasamang gawa ng kanilang mga ninuno, binasa mula sa aklat ng batas ni Yahweh, yumuko pababa, at tumawag kay Yahweh.
Sa pangkalahatan, ano ang mga ginagawa ng mga taong nagpulong sa ika-dalawampu't-apat na araw nang parehas na buwan?
Ang bayan ng Israel ay nag-aayuno, nagsusuot ng mga telang sako, at sila ay naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo. Ang mga Israelita ay inihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa lahat ng dayuhan, at sila ay tumayo at nagtapat ng kanilang mga sariling mga kasalan at mga kasalanan ng kanilang mga ninuno.
Nehemiah 9:5-6
Ano ang mga sinabi ng mga tao kay Yahweh?
Sinabi ng mga tao na siya lamang si Yahweh at ginawa niya ang langit, ang lupa, ang mga dagat, at lahat ng nandoon, at binigyan sila ng buhay.
Nehemiah 9:7-8
Ano pa ang sinabi ng mga tao tungkol kay Yahweh ukol kay Abram?
Sinabi ng mga tao na si Yahweh ang pumili kay Abram, pinalitan ang kaniyang pangalan sa Abraham, natagpuan ang kaniyang puso na matapat, at ginawa ang tipan sa kaniya upang bigyan ang kaniyang mga kaapu-apohan ng lupain.
Nehemiah 9:9-10
Paano sinabi ng mga tao na si Yahweh ay tinupad ang kaniyang pangako sa kanila?
Sinabi ng mga tao kung paano dinala ni Yahweh ang kanilang mga ninuno palabas ng Ehipto, nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan laban kay Faraon at kaniyang mga tao, at niligtas ang kanilang mga ninuno sa Pulang Dagat.
Nehemiah 9:11
Ano ang sinabi ng mga tao na ginawa ni Yahweh para sa mga Israelita sa Pulang Dagat?
Hinati ni Yahweh ang dagat kaya sila ay nakadaan sa tuyong lupa, at pagkatapos dinala niya ang dagat pabalik sa mga humahabol sa kanila.
Nehemiah 9:12-13
Anong ibang mga pamamaraan ang sinabi nila na ginawang pag-aalaga ni Yahweh sa mga Israelita?
ginabayan sila ni Yahweh sa pamamagitan ng isang haliging ulap tuwing araw, isang haliging apoy tuwing gabi, at sa Bundok ng Sinai, nagbigay siya sa kanila ng mga kautusan.
Nehemiah 9:14-15
Ano pa ang sinabi ng mga tao na binigay ni Yahweh sa kanilang mga ninuno?
Ginawa ni Yahweh na ang kaniyang banal na pagpapahinga na malaman nila, binigyan sila ng tinapay galing sa langit, tubig galing sa bato, at sinabi sa kanila na angkinin ang lupain na ipinangako niya sa kanila.
Nehemiah 9:16-19
Paano nila sinabi kung paano kumilos ang mga Israelita at kanilang mga ninuno, at paano tumugon ang Diyos?
Ang mga Israelita ay lapastangan, mapagmatigas, tumangging makinig, suwail, at nagtalaga ng isang pinuno na magbabalik sa kanilang pagkakaalipin, ngunit hindi sila iniwan ng Diyos.
Paano kumilos ang mga Israelita at kanilang mga ninuno ukol sa Diyos?
Ang mga Israelita ay lapastangan, mapagmatigas, tumangging makinig, suwail, at nagtalaga ng isang pinuno na magbabalik sa kanilang pagkakaalipin.
Bakit hindi iniwan ng Diyos ang mga Israelita nang sila ay naging lapastangan, mapagpatigas, suwail, at hindi masunurin?
Hindi iniwan ng Diyos ang mga Israelita dahil siya ay Diyos na lubos sa kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago.
Nehemiah 9:20-22
Ano ang sinabi ng mga tao sa kung paano nagbigay ang Diyos sa kanilang mga ninuno sa apat-napung taon sa ilang?
Binigay ni Yahweh ang kaniyang Espiritu upang sila ay turuan, pagkain at tubig; kanilang mga kasuotan ay hindi nasira, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
Nehemiah 9:23-24
Ano ang sinabi ng mga tao na nangyari pagkatapos na ang kanilang mga ninuno ay nasa ilang?
Sinabi ng mga tao na si Yahweh ay pinadami ang kanilang mga pamilya , sinabi sa kanila na pumunta doon at angkinin ang lupain na kaniyang pinangako sa kanila, at sakupin ang mga Cananeo.
Nehemiah 9:25
Paano namuhay ang mga Israelita pagkatapos maangkin ang lupain na ipinangako ng Diyos sa kanila?
Kinuha ng mga Israelita ang lupain at lahat ng nandoon para sa kanilang mga sarili at kinasiyahan ang kabutihan ng Diyos.
Nehemiah 9:26-35
Ano ang sinabi ng mga tao na ginagawa ni Yahweh sa kanilang mga ninuno at kanunuan pagkatapos nilang maging hindi masunurin at suwail laban sa kaniya?
Binigay sila ni Yahweh sa kanilang mga kalaban, na nagpahirap sa kanila.
Nang umiyak ang mga Israelita sa Diyos, ano ang ginawa ng Diyos para sa kanila na dahil sa kaniyang dakilang awa?
Niligtas sila ng Diyos mula sa kanilang mga kalaban ng maraming beses.
Nehemiah 9:36-37
Bakit ang mayamang ani na mula sa mga lupain ng Israelita ay napunta sa mga hari na itinalaga ng Diyos sa kanila?
Ang mayamang ani ng lupain ay napunta sa kanilang mga hari dahil sa kasalanan ng mga Israelita.
Bakit ang mga Israelita ay nasa labis na pagdurusa?
Ang mga Israelita ay nasa labis na pagdurusa dahil ang kanilang mga hari ay pinamamahalaan ang kanilang mga katawan at kanilang mga alagang hayop ayon sa kagustuhan ng mga hari.
Nehemiah 9:38
Ano ang ginawa ng mga Israelita dahil sa kanilang labis na pagdurusa?
Ang mga Israelita ay gumawa ng isang matatag na tipan sa kasulatan kay Yahweh.
Kaninong mga pangalan ang nakasulat sa selyadong tipan?
Pangalan ng mga prinsepe ng Israelita, mga Levita, at mga pari ay nakasulat sa selyadong tipan.
Nehemiah 10
Nehemiah 10:1-27
Anung mga tao ang naglagay ng kanilang mga pangalan sa mga selyadong dokumento?
Ang mga lumagda ay ang Gobernador, ang mga pari, mga Levita, at ang mga pinuno ng mamamayan.
Nehemiah 10:28-29
Sino ang mga nangako ng kanilang mga sarili ayon sa batas ng Diyos na ibinigay kay Moises?
karamihan sa mga nangako sa kanilang mga sarili ay mga pari, mga Levita, mga bantay, mga mang-aawit, mga lingkod ng templo, at iba pang na nakasaklaw ang kanilang sarili sa batas ng Diyos.
Nehemiah 10:30-31
Ano ang kanilang ipinangako gagawin para sa Diyos?
Nangako sila na hindi ibibigay ang kanilang mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki o hahayaang kunin ng kanilang mga anak na lalaki ang mga anak na babae mula sa mga taong kanilang nilayuan; sila ay hindi bibili na anumang mga kalakal sa araw ng pamamahinga o anumang banal na araw, at kanilang pagpapahinganin ang mga bukirin tuwing ikapitong taon.
Nehemiah 10:32-33
Anong mga utos ang kanilang tinanggap?
Sila ay magbibigay ng pera, tinapay, butil, at magbigay para sa lahat ng mga handog at mga pista bawat taon para sa gawain ng bahay ng Diyos.
Nehemiah 10:34-36
Bakit ang mga pari, ang mga Levita, at ang mga tao ay nagpalabunutan para sa pag-aalay ng panggatong?
Ito ang paraan upang piliin kung sinong pamilya ang magdadala ng panggatong sa bahay ng Diyos bawat taon.
Ano ang kanilang ipinangakong dadalhin sa bahay ni Yahweh?
Sila ay nangako na magdadala ang unang bunga ng kanilang mga inani, ang unang silang ng kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga alagang hayop.
Nehemiah 10:37-38
Sino ang dapat kasama ng mga Levita nang tinanggap ang mga ikapu?
Isang pari, Isang kaapu-apuhan ni Aaron, ang dapat kasama ng mga Levita.
Nehemiah 10:39
Saan dinala ng mga mamayan ng Israel at kaapu-apuhan ni Levi ang mga ambag na ani?
Kanilang dadalhin ang mga ambag sa mga imbakan kung saan ang mga kagamitan ng santuwaryo ay iningatan at kung saan ang mga pari na naglilingkod, ang mga bantay, at ang mga mang-aawit ay nanatili.
Nehemiah 11
Nehemiah 11:1-18
Sino ang mga nanirahan sa banal na lungsod ng Jerusalem?
Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem, at ang natirang pang mga tao ay nagpalabunutan para makita kung sino sa sampu ang maninirahan doon.
Nehemiah 11:19-36
Saan nanirahan ang mga natira sa Israel, ang mga pari at ang mga Levita?
Sila ay naninirahan sa lahat ng mga bayan ng Juda sa kanilang mga minanang ari-arian.
Nehemiah 12
Nehemiah 12:22-26
Sa anong aklat nakatala ang mga kaapu-apuhan ni Levi at mga pinuno ng kanilang mga pamilya?
Sila ay nakatala sa aklat ng mga salaysay hanggang sa mga araw ni Johanan.
Nehemiah 12:27-28
Bakit hinanap ng mga tao ang mga Levita sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem?
Dinala ng mga tao ang mga Levita sa Jerusalem upang magdiwang ng pagtatalaga.
Nehemiah 12:29-30
Ano ang ginawa ng mga pari at mga Levita para sa pagdiriwang?
Dinalisay ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili, at pagkatapos ay dinalisay nila ang mga tao, mga tarangkahan, at ang pader.
Nehemiah 12:31-39
Saan pumunta ang mga pinuno ng Juda sa araw ng pagdiriwang?
Ang mga pinuno ay umakyat sa ibabaw ng pader
Ano ang inaasahang gawin ng dalawang malalaking pangkat ng mang-aawit na itinalaga ni Nehemias?
Ang dalawang malalaking pangkat ng mang-aawit ay inaasahang magbigay ng pasasalamat.
Saan pumunta ang unang pangkat ng mang-aawit?
Ang isang pangkat ng mang-aawit ay pumunta sa kanan ng pader patungo sa Tarangkahan ng Dumi.
Nehemiah 12:40-42
Sino ang tagapanguna sa mga mang-aawit?
Ang mga mang-aawit ay umawit kasama si Jezharias bilang tagapanguna.
Nehemiah 12:43
Bakit sila naghandog ng maraming mga alay ng araw na iyon, at nagsaya?
Naghandog sila ng maraming mga alay ng araw na iyon, at nagsaya, dahil dinulot ng Diyos na sila ay magdiwang nang may labis na kagalakan.
Nehemiah 12:44-45
Sino ang mga naatasan na magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan?
Ang mga lalaking itinakda na maging taga-pangasiwa sa mga bodega ang naatasan na magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan.
Nehemiah 12:46-47
Kailan binigay ng mga Israelita ang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan?
Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias ibinigay ng lahat ng mga Israelita ang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagabantay ng tarangkahan.
Nehemiah 13
Nehemiah 13:1-3
Bakit hindi dapat pumunta ang isang Ammonita at isang Moabita sa kapulungan ng Diyos, magpakailanman?
Ang isang Ammonita at isang Moabita ay hindi dapat pumunta sa kapulungan ng Diyos, magpakailanman, dahil hindi sila lumapit sa mga mamamayan ng Israel na may tinapay at tubig, pero binayaran si Balaam upang sumpain ang Israel.
Nehemiah 13:4-5
Ano ang inihanda ni Eliasib para kay Tobias?
Naghanda si Eliasib ng isang malaking imbakan para kay Tobias.
Nehemiah 13:6-7
Saan pumunta si Nehemias sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes?
Sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes, si Nehemias ay pumunta sa hari.
Nehemiah 13:8-9
Ano ang ginawa ni Nehemias dahil siya ay galit?
Dahil siya ay galit, itinapon ni Nehemias ang lahat ng pambahay na kagamitan ni Tobias palabas ng imbakan.
Nehemiah 13:10-11
Bakit nagmadaling lisanin ng mga Levita at ng mga mang-aawit ang templo?
Dahil ang mga bahaging nakatakda para sa mga Levita ay hindi naibigay sa kanila, nagmadali silang lisanin ang templo, tulad din ng ginawa ng mga mang-aawit na gumawa ng trabaho.
Nehemiah 13:12-14
Sino ang itinuring na mapagkakatiwalaan?
Sila Selemias ang pari, Sadoc ang eskriba, Pedaias, at Hanan ay itinuring na mga mapagkakatiwalaan.
Nehemiah 13:15
Kailan umaapak sa mga pampiga ng ubas ang mga tao ng Juda?
Ang mga tao ng Juda ay umaapak sa mga pampiga ng ubas sa Araw ng Pamamahinga.
Nehemiah 13:16-18
Ano ang ginawa ng mga lalaki mula sa Tiro sa Araw ng Pamamahinga?
Ang mga lalaking mula sa Tiro ay nagdala ng mga isda at lahat ng uri ng mga kalakal, at binenta nila ang mga iyon sa Araw ng Pamamahinga sa mga tao ng Juda at sa siyudad!
Nehemiah 13:19-20
Paano pinigilan ni Nehemias ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga?
Nang dumilim na, sa mga tarangkahan ng Jerusalem bago ang Araw ng Pamamahinga, iniutos ni Nehemias na ang mga pinto ay isara at ang mga ito ay hindi dapat buksan hanggang sa pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga. Hinimpil niya ang ilan sa kaniyang mga lingkod sa mga tarangkahan upang walang kargahin ang maipasok sa Araw ng Pamamahinga.
Nehemiah 13:21-22
Sino ang lumapit at nagbantay ng mga tarangkahan, upang gawing banal ang Araw ng Pamamahinga?
Ang mga Levita ay lumapit at binantayan ang mga tarangkahan, upang gawing banal ang Araw ng Pamamahinga.
Nehemiah 13:23-24
Ano ang sinalita ng kalahati sa mga anak?
Kalahati sa mga anak ay nagsalita ng wika ng Asdod, pero hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda, liban sa isang wika ng ibang mga bansa.
Nehemiah 13:25-29
Paano hinarap ni Nehemias ang mga Judio na nag-asawa ng mga babae mula sa Asdod, Ammon, at Moab?
Hinarap sila ni Nehemias, at sinumpa niya sila, at sinaktan niya ang iba sa kanila at sinabunutan sila.
Nehemiah 13:30-31
Paanong gusto ni Nehemias na alalahanin siya ng Diyos?
Gusto ni Nehemias na alalahanin siya ng Diyos magpakailanman.