Zephaniah
Zephaniah 1
Zephaniah 1:1-3
Ano ang sinabi ng Diyos kay Zefanias na kaniyang gagawin sa mga ibon sa kalangitan at sa mga isda sa dagat at sa mga tao?
Sinabi ng Diyos na wawasakin niya at lilipulin sila.
Zephaniah 1:4-6
Ano ang pangalan ng diyus-diyusan na sinabi ng Diyos na kaniyang aalisin ang bawat nalabi nito?
Aalisin niya ang mga nalabi ni Baal.
Ano ang sinasamba ng mga nasa bubungan ng bahay?
Sinasamba ng mga nasa bubungan ng bahay ang mga natatanaw sa kalangitan.
Zephaniah 1:7-9
Ano ang gagawin ng mga tao sa harap ni Yahweh?
Dapat silang manahimik sa harap ni Yahweh.
Sino ang sinabi ni Yahweh na kaniyang parurusahan sa araw ng pag-aalay?
Parurusahan ni Yahweh ang mga prinsipe at mga anak ng hari, ang lahat ng nakasuot ng mga pandayuhang kasuotan, ang mga nagsisilukso sa pintuan at ang mga taong pumupuno sa bahay ng kanilang panginoon sa pamamagitan ng karahasan at panlilinlang.
Zephaniah 1:10-11
Anong mga tunog ang maririnig na magmumula sa Tarangkahang tinawag na Isda at sa Ikalawang Distrito sa araw na iyon?
Maririnig sa araw na iyon ang pagsigaw ng pagkabahala at panaghoy.
Ano ang mangyayari sa mga mangangalakal sa araw na iyon?
lilipulin sila at mamamatay ang lahat ng nagtitimbang ng mga pilak.
Zephaniah 1:12-13
Ano ang sinabi ng ilan sa mga kalalakin na taga-Jerusalem tungkol kay Yahweh?
Sinabi nila, "Walang anumang gagawin si Yahweh, mabuti man o masama!"
Zephaniah 1:14-16
Anong araw ang magiging araw ng matinding poot, araw ng pagdalamhati, at araw ng kadiliman?
Ang dakilang araw ni Yahweh ang magiging araw ng matinding poot, pagdalamhati at kadiliman.
Zephaniah 1:17-18
Kaninong dugo ang ibubuhos na gaya ng alabok sa araw ni Yahweh?
Ang dugo ng mga nagkasala sa Diyos.
Ano ang mga hindi makapagliligtas sa kanila sa araw na iyon?
Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto.
Zephaniah 2
Zephaniah 2:1-3
Ano ang dapat gawin ng mga tao upang maiwasan ang matinding poot ni Yahweh?
Dapat hanapin ng mga tao ang katuwiran at kababang-loob upang maiwasan ang matinding poot ni Yahweh.
Zephaniah 2:4-7
Ano ang mangyayari sa mga hindi makikinig sa babala ni Yahweh?
Bubunutin at lilipulin ang lahat ng taong hindi makikinig sa babala ni Yahweh.
Zephaniah 2:8-11
Anong mga lungsod ang magiging katulad ng Moab at Gomorra?
Magiging katulad ng Sodoma ang mga Moab at gaya ng Gomorra ang mga Ammonita.
Zephaniah 2:12-14
Anong uri ng ibon ang magpupugad sa ibabaw ng haligi ng Asiria?
Mga kuwago ang magpupugad sa ibabaw ng haligi ng Asiria.
Zephaniah 2:15
Ano ang mangyayari sa pinakamasayang lungsod?
Ang pinakamasayang lungsod ay magiging isang katatakutan, isang lugar na hihigaan ng mga mababangis na hayop.
Zephaniah 3
Zephaniah 3:3-4
Ano ang katulad ng mga mararahas na prinsipe ng lungsod?
Ang mga prinsipe ng marahas na lungsod ay katulad ng mga umaatungal na mga leon.
Zephaniah 3:5
Kailan ibibigay ni Yahweh ang katarungan?
Araw-araw na ibibigay ni Yahweh ang katarungan.
Zephaniah 3:6-7
Ano ang inaasahan ni Yahweh na gagawin ng mga tao?
Inaasahan ni Yahweh na matatakot ang mga tao sa kaniya at tatanggapin ang pagtutuwid.
Zephaniah 3:8
Anong pasya ang ginawa ni Yahweh tungkol sa mga bansa?
Ipinasya ni Yahweh na tipunin ang mga bansa at ibuhos ang kaniyang galit at matinding poot sa kanila.
Zephaniah 3:9-11
Ano ang gagawin ng mga tao at tinawag sila ni Yahweh?
Tatawagin ni Yahweh ang mga tao upang paglingkuran siya nang may pagkakaisa.
Zephaniah 3:12-13
Paano magbabago ang nalalabi sa Israel pagkatapos nito?
Hindi na magkakasala at magsasabi ng kasinungalingan ang mga nalalabi sa Israel.
Zephaniah 3:14-18
Bakit dapat umawit at sumigaw ang Israel?
Dapat umawit at sumigaw ang Israel dahil inalis ni Yahweh ang kanilang kaparusahan.
Zephaniah 3:19-20
Sino ang mga sasagipin ni Yahweh mula sa mga lumapastangan sa Israel?
Sasagipin ni Yahweh ang mga lumpo at titipunin ang mga palaboy.
Bakit igagalang at pupurihin ng lahat ng bansa ang Israel?
Igagalang at pupurihin ng lahat ng bansa ang Israel kapag nakita nilang ibinalik sila ni Yahweh.